Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng Leyte
MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG ALANGALANG

PAGTATAYA SA FILIPINO 8
Ikaapat na Markahan (4th Grading)

UNA AT IKALAWANG LINGGO: TALAMBUHAY NI FRANCISCO BALAGTAS AT KALIGIRANG


KASAYSAYAN NG FLORANTE AT LAURA
Pangalan : ____________________________________________________ Petsa: _____________________
Antas at Seksyon: ___________________________________________ Iskor:______________________

GAWAIN I- GAWAING PAGSUSULIT (WRITTEN WORKS)

A. Nabibigyang-kahulugan ang matalinghagang pahayag sa binasa.Panuto:Bigyang-kahulugan ang


matatalinghagang salitang may salungguhit na ginamit sa binasa.Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang Florante at Laura ay hitik na hitik sa mga aral at pagpapahalagang makakagabay sa pang-
araw araw nating pamumuhay.
A.Punumpuno B.Mabungang-mabunga C.Mahusay na mahusay
2.Si Nanong Kapule ay mula sa isang maykayang pamilya kaya naging madali sa kanyang gawan
ng paraang mapabilanggo ang karibal sa pag-ibig
A.Tanyag B.Mayaman C.Mapagmataas
3.Si Balagtas ay binawian ng buhay noong ika-20 ng Pebrero 1860 sa gulang na 74.
A.Nagkasakit B.Naghirap C.Namatay
4.Sa isang kisap-mata’y nawala ang lahat ng kanyang pinaghirapan.
A.Sa sandaling panahon B.Sa pagkurap ng mata C.Pagdating ng mahabang panahon
5.Ito’y isang akdang hindi maibabaon sa hukay kailanman.
A.Makakalimutan B.Matatandaan C.Maipagpapalit

GAWAIN II- GAWAING PAGGANAP (PERFORMANCE TASKS)

Panuto:Ang Florante at Laura ay isang alegorya. Nakatago sa mga pangyayari ang mensahe at
simbolismong kakikitaan ng pagtuligsa sa kalagayang panlipunan sa panahong naisulat ito.
Lagyan ng {/} ang lahat ng kalagayang panlipunang naganap sa panahong ito.Ekis {x} sa hindi.
_______1. Mahigpit ang pinatutupad na sensura kaya’t ipinagbawal ang mga babasahin at palabas na
tumutuligsa sa kalupitan ng mga Espanyol.
______2. Ang karaniwang tema ng mga sulatin sa panahong iyon ay tungkol sa relihiyon at paglalaban ng
mga Kristiyano at Moro.
______3.Ang sinumang nais sumulat ay may kalayaang isulat ang anumang paksa o temang magustuhan
niya.
______4. Marami sa mga nailathalang aklat sa panahong ito ay may diksiyonaryo at aklat panggramatika.
______5. Nakadama ng paghihimagsik ang mga Pilipino sa kalupitan at pagmamalabis ng mga dayuhang
sumakop sa bansa.

__________________________________________________________________________________________________________________

Inihanda nina: Sinuri ni: Pinagtibay ni:

LALAINE B. ACEBO SHIRLEY H. BABON ROLAND A. ALJIBE


MICHELE P. PERALTA Head, Fil. Department School Head
BIANCA P. SEGOVIA
NOEME S. ZARAGOZA
(Grade 8 Filipino Teachers)
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng Leyte
MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG ALANGALANG

PAGTATAYA SA FILIPINO 8
Ikaapat na Markahan (4th Grading)

IKAtlong linggo-KAY SELYA, SA BABASA NITO, ANG HINAGPIS NI FLORANTE AT ALAALA


NI LAURA

Pangalan : ____________________________________________________ Petsa: _____________________


Antas at Seksyon: ______________________________________________ Iskor:______________________

GAWAIN I- GAWAING PAGSUSULIT (WRITTEN WORKS)

A. Nabibigyang-kahulugan ang Matalinghagang Pahayag sa Binasa.Panuto:Tukuyin mula sa Hanay B


ang kahulugan ng nakasalungguhit na matatalinghagang ekspresyon o tayutay sa Hanay A.Isulat ang
titik ng tamang sagot sa patlang.

A B

_______1.Ang paligid ng gubat ay kulay luksa at nakikiayon sa A.Kakikitaan ng labis na takot at sakit
nakaliliyong masangsang na amoy ng katawan
________2.Kung ginagawa mo ang aking sagisag,dalawa mong B.Kapaligirang nagsasaad ng labis na
mata’y nanalo ng perlas kalungkutan,pagkatalo at kawalang
________3. Sa punong kahoy ay napayukayok, pag-asa
ang liig ay supil ng lubid ng gapos C.Lumuluha nang labis-labis dahil
________4.Bangkay na mistula ang kulay ng burok, sa dalamhati
ng kanyang mukha’y naging putting lubos D.Mga matang maningning at masaya
________5.Nagwikang “O palad” sabay ang pagtulo E.Nagpapakita ng kawalang kalayaan
sa mga mata ng luhang anaki’y palaso

GAWAIN II-GAWAING PAGGANAP{PERFORMANCE TASKS}


Panuto: Suriin kung ang matalinghagang pangyayaring nakalahad sa ibaba ay taglay ng mga
saknong na ating binasa.Lagyan ng {/} ang lahat ng mga linya na nagtataglay ng kaisipang bahagi ng
ating binasa at ng {x} kung hindi.

1.Mula sa “Kay Selya”


______Ang pag-aalala ni Balagtas sa masasayang sandaling magkasama sila ng pinakamamahal niyang si Selya.

2.Mula sa “Sa Babasa Nito”


_______Ang paghahabilin ni Balagtas na huwag babaguhin ang berso ng awit.

3.Mula sa “Hinagpis ni Florante”


_______Ang pakikipag-usap niya sa namayapang ina at pinakamamahal na ama.

4.Mula sa “Alaala ni Laura”

________Ang nadaramang paninibugho ni Florante sa inaakalang kasiyahan nina Adolfo at Laura


________Ang pagtulong o pagligtas sa kamay ng isang estranghero.

________Ang pagbabalik-tanaw sa matamis na alaala nila ni Laura.

You might also like