Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

“Ako si Maria Juana”

Ni Frances Mae Ulayao

Magandang araw sa lahat, Maria Juana nga po pala. Isang babaeng simple pero may ibubuga,
kung hindi niyo po naitatanong maraming kalaban na ang aking naitumba
Mga kalabang humadlang sa aking pag-unlad
Kalabang akala ay madali akong sumuko pero hindi nila alam ako ay batak
Meron akong apat na pagkatao kaya isa-isa ko silang ipapakilala sa inyo pati na rin ang kanilang
ginawa upang buhay ay maipanalo

Hello po. Maria Juana nga pala, isang estudyanteng nag-aaral sa kolehiyo
Isa po akong iskolar ng bayan
Kaya ang pag-aaral ay aking tinututukan
Hirap man sa buhay pero ako’y lumalaban
Upang sarili ay matustusan part time job ay aking sinubukan
Kinailangang pagsabayin pag-aaral at pagtatrabaho
At dahil dito nabawasan ang gastusin ng pamilya ko
Marami mang pagsubok ang dumaan
Hindi ako nagpatinag dahil alam kong sa dulo makakamtan ko ang
pag-unlad

Bili na kayo! Bili na kayo! Fresh na produkto matatagpuan niyo dito! Bili na kayo!
Magandang araw po. Ako nga po pala si Maria Juana
Sa palengke ako ay nagtitinda
Gulay, isda, karne at marami pang iba
“Fresh at mura ba ang hanap niyo?
Wag kayong mag-alala at nasa tamang pwesto na kayo”
Salestalk dito, salestalk diyan para lang aking paninda ay mabenta
Kahit minsan matumal ang bentahan meron pa rin naman pong kinikita
Kahit minsan pawisan at pagod na ay kailangan pa ring kumayod
Kahit minsan nanghihina na kailangan pa ring tatagan ang tuhod
At dahil may mga umaasa sa akin
Maliit man ang kita aking pagkakasyahin
Kaya kahit anong diskarte ay aking gagawin
Upang sa hapunan ako ay may maihain

Ako si Maria Juana, isa po akong magsasaka


Mahirap man ang trabaho pero akin pong kinakaya
Trabahong lalaki man kung kanilang ituring
Hindi magpapatinag ang aking galing
Kung babaran lang po sa araw ang usapan ay kayang kaya kong tiisin
Mapuno man ng dumi at putik ang aking katawan
Sa tatag at tibay hindi niyo ako malalamangan
Dahil pamilya ang aking sandigan
Upang pag-unlad ay aking makamtan

Oh mga anak magandang umaga


Ako ang inyong dakilang ina na si Maria Juana
Isa na nga po pala akong biyuda
Pagmamahal at pag-aalaga ay aking ipapadama
Mahirap man ang buhay pero aking kinakaya
Makita lang ang mga anak ko na masaya at sama-sama
Kahit minsan isusubo mo na lang ibibigay mo pa sa kanila
Ganyan magmahal ang isang ina puro at kakaiba
Kinuha man ng pandemya ang aking trabaho
Madaming oras at pagkakataon ang naisakripisyo
Hindi ako tumigil makahanap lang ng trabaho
Kaya naman online selling ay pinasok ko
May pantustos man lang sa
pangangailangan ng mga anak ko
Sa pagbebenta kailangan ng tiyaga
Live dito, post diyan, yan lang ang palagi kong ginagawa
Hindi man ganoon karami ang bumibili
Basta may sipag at tiyaga, kita ay dadami

Ito ang apat na ako, hindi man perpekto pero totoo


Anumang hamon ay handang labanan
Handang gawin ang lahat ng paraan
Hindi iindahin ang pagod at hirap para sa pag-unlad
Upang makamtan ang inaasam na bukas
Sa inyong napakinggan sana kayo ay nalinawan
Na hindi lang ako isang babae lang
Ako ay estudyante, tindera, magsasaka, at ina
Na handang lumaban para sa tagumpay
Handang hamakin ang lahat para sa pag-unlad at pagbabago na aking hinahangad

You might also like