Professional Documents
Culture Documents
PDF - ESP10-Q4-Week-1-SIPacks - CSFP
PDF - ESP10-Q4-Week-1-SIPacks - CSFP
Unang kaso
Ikalawang kaso
Ikatlong kaso
May isang organisasyon sa isang barangay na may layuning bigyang pansin ang
mga baradong kanal sa kanilang lugar upang maiwasan ang pagbaha tuwing may
dumarating na bagyo. Sila ay gumawa ng budget proposal at inaprubahan ng punong
barangay. Nagtataka ngayon ang Komisyon sa Audit o Commission on Audit kung bakit
ang laki ng gastos nito sapagkat nakita ang halagang Php 1,750,000.00. Sa bandang
huli nakita na ang mga materyales ay dumoble ang mga presyo nito.
Tanong:
a. Anong isyung kaugnay sa paggamit ng kapangyarihan ang naipakita sa sitwasyon?
b. Makatuwiran ba ang pahayag sa itaas? Paano ito nakaapekto sa pondo ng bayan?
c. May posibilidad bang gawin mo rin ito? Bakit?
Kraytirya 10 8 5
Kaalaman / Pag- - Malalim ang - Katamtaman - Mababaw ang
unawa pagunawa sa kaso na ang lalim ng pag- pagunawa sa kaso na
binibigyang unawa sa kasong binibigyang resolusyon.
resolusyon. binibigyang - Walang pinagbatayan
- Nakaangkla sa resolusyon. ang ibinigay na
moral na batayan ang - May resolusyon.
ibinigay na resolusyon. pinagbatayan ang
ibinigay na resolusyon.
Organisasyon Maayos at malinaw Hindi gaanong maayos May kalabuan ang
ang pagkakabuo at at malinaw ang pagkakabuo at
pagkakalahad ng pagkakabuo at pagkakalahad ng
resolusyon. pagkakalahad ng resolusyon.
resolusyon.
Kabuuang puntos: /20
KALIKASAN
Ano ba ang kalikasan? Ano ang kahalagahan nito sa atin bilang tao?
Ang kalikasan ay tumutukoy sa lahat ng nakapaligid sa atin na maaaring may
buhay o wala. Ito ay kinabibilangan ng mga puno’t halaman, at lahat ng iba’t ibang uri ng
hayop mula sa maliit hanggang sa malaki. Maituturing ding bahagi ng kalikasan ang lahat
ng salik na siyang nagbibigay-daan o tumutugon sa mga pangangailangan ng mga
nilalang na may buhay upang ipagpatuloy ang kanilang buhay. Kabilang dito ang hangin,
lupa, tubig, at iba pang mga anyo nito. May buhay man o wala, kapag sumusuporta sa
pagpapatuloy ng buhay ng mga nabubuhay na nilalang ay maituturing na bahagi ng
kalikasan.
Ang kalikasan ay kaloob sa atin ng Diyos upang tayo ay patuloy na mabuhay.
Samakatuwid, tayo ay binubuhay ng kalikasan kung kaya’t binigyan Niya tayong lahat ng
tungkulin at pananagutang ito’y ating igalang at pangalagaan. Sabi nga sa Compendium
on the Social Doctrine of the Church, sa bahaging may kaugnayan sa kalikasan, ang
ugnayan natin o kaya’y tungkulin sa kalikasan ay makikita sa kung ano ang ugnayan natin
sa ating kapuwa at sa Diyos. Sa pagdaan ng mga panahon, mukhang nag-iba ang
pagtingin at pagtrato ng mga tao sa kahalagahan ng kalikasan. Ang tao ay nagpatuloy sa
walang habas na paninira sa pag-aakalang siya ay may karapatan sa kalikasan.
Minaltrato ng tao ang kalikasan. Ginawa niyang sentro ang kaniyang sarili sa lahat ng
nilikha ng Diyos. Dahil sa pananaw na ito, inabuso ng tao ang kalikasan.
Ano-ano bang pang-aabuso ang ginawa ng tao sa kalikasan? Ano-anong paglabag
sa pangangalaga sa kalikasan ang isinagawa at patuloy na isinasagawa ng tao na
nagbunga ng unti-unting pagkasira ng kalikasan?
8. Komersiyalismo at urbanisasyon.
Ang komersiyalismo ay tumutukoy sa pag-uugali ng tao at mga kilos na
nagpapakita nang labis na pagpapahalaga na kumita ng pera o kaya ay pagmamahal sa
mga materyal na bagay sa halip na ibang mga pagpapahalaga. Ang urbanisasyon naman
ay ang patuloy na pag-unlad ng mga bayan na mailalarawan sa pagpapatayo ng mga
gusali tulad ng mga mall at condominium units. Ang dalawang ito ay maaaring iugnay sa
konsyumerismo na isang paniniwala na mabuti para sa tao ang gumasta nang gumasta
para sa mga materyal na bagay at serbisyo.
Dahil sa mga paniniwalang ito, nawala sa isipan ng tao na pangalagaan ang kanilang
kapaligiran. Sa pagdami ng mga ninanais ng tao lalo na tungkol sa mga materyal na bagay,
nakalimutan na niyang naapektuhan ang kaniyang kapaligiran at kalikasan.
Nakita natin ang mga pinakamalalaki at napapanahong problema sa ating
kalikasan at ang mga epekto nito sa atin. Mayroon pa bang ibang epektong nagaganap
sa maling pagtrato sa kalikasan?
Kung ang mundo ay itinuturing nating ina, ano ang gagawin mo sa kaniya? Sasaktan mo
ba siya? Sisirain mo ba ang kaniyang pagkatao? Puputulin mo ba ang kaniyang mga
kamay at paa? Aalipustahin mo ba siya sa pamamagitan ng kawalang paggalang sa
kaniya?
Sabi nga ni Santo Papa Benedicto XVI, “ang planetang hindi mo isinalba ay ang
mundong hindi mo na matitirahan.” Kung kaya’t sa maliit na paraan, gawin natin ang
maaari nating magawa upang pangalagaan at mailigtas ang ating kalikasan, ang ating
mundo.
KAPANGYARIHAN
Gagamitin mo ba sa mabuti o tungo sa kabutihan ang iyong kapangyarihan?
Ang kapangyarihan ay kakayahan upang ipatupad ang isang pasiya, kapasidad
upang maka-impluwensiya sa saloobin at pag-uugali ng iba, at lumikha ng panukala na
makabubuti sa lahat. Maipamamalas ito sa pamamagitan ng posisyon organisasyon at
pagiging lider ng isang grupo.
1. Korapsyon.
Ito ay isang sistema ng pagnanakaw o pagbubulsa ng pera. Tumutukoy ito sa
espiritwal o moral na kawalan ng kalinisan at paglihis sa anumang kanais-nais na asal.
Ang taong may malinis na puso at tapat ang talagang karapat-dapat magsilbi sa lipunan.
Maipakikita ito sa pamamagitan ng pagsasabi ng totoo at pag-iwas sa pandaraya.
2. Pakikipagsabwatan (Kolusyon).
Ito ay iligal na pandadaya o panloloko, halimbawa ay ang pagtatakda ng mga
presyo, limitahan ang mga oportunidad, pagtatakda ng sahod, mga kickback, pandaraya
sa halalan sa pamamagitan ng iligal na panghihimasok sa proseso ng isang halalan at sa
pagbilang ng boto, pagsupil at pagpaslang ng mga katunggali, pagbili o panunuhol ng
mga botante. Nangyayari ang mga gawaing ganito dahil sa kagustuhan ng isang tao na
mapaunlad ang pansariling kapakanan. Bakit nga ba maraming nakatataas sa lipunan ang
gumagawa ng mga ganitong bagay? Bakit mali ang mga ganitong gawain? Paano kaya
ito maiiwasan?
4. Ang kickback.
Ito ay bahaging napupunta sa isang opisyal mula sa mga pondong itinalaga sa
kaniya. Isang halimbawa nito ang paghiling ng isang opisyal ng pamahalaan sa isang
negosyante na magbigay ng trabaho sa isang kamag-anak ng opisyal na kumokontrol sa
mga regulasyon na umaapekto sa negosyo. Mayroon ding mga katiwalian sa ating
pansariling buhay. Ang mga pangyayaring nagaganap sa ating lipunan ay isang malinaw
na repleksiyon ng iba’t ibang pansariling katiwalian. Ang pagiging tagapangalaga ng
dignidad ng tao ay dapat maging permanenting bahagi ng ating pakikipagkapuwa. Ito rin
ay isang panghabambuhay na proseso ng pagpapatibay ng katatagang moral tungo sa
ultimong kabutihan.
5. Ang nepotismo.
Ito ay ang lahat ng paghirang o pagkiling ng kawani sa pamahalaan, maging
pambansa at sa alin mang sangay o ahensiya nito, kabilang ang mga korporasyon na ari
o kontrolado ng pamahalaan, na igagawad sa kamag-anak na hindi dumaraan sa tamang
proseso.
Panuto: Basahin at unawain ang mga awitin sa ibaba na may kaugnayan sa kapangyarihan
at kalikasan. Kung may internet, maari itong pakinggan sa YouTube. Sagutin ang mga tanong
upang masuri ang konteksto, nilalaman, at mensahe. Gawin ito
sa sagutang papel.
B.
A.
Kapangyarihan Kalikasan at Pag-ibig
Ben & Ben https://youtu.be/- Crystal Kayte Valdez
V329Zx1cAU https://youtu.be/8Gn6_p63Noo
Akala niyo ba, ang kapangyarihan Ihip ng hangin sa akin sa akin dumarampi
Ay nasa inyo? Sino ba kayo? Huni ng ibon na parang ako ay inaawitan may
kapayapaan
'Di naman kami nagkulang Sa bughaw na kalangitan ako’y nakatingin
Sa aming pag-uunawa Tanging dalangin wag sanang maglaho ang lahat ng ito
'Di ka namin isusuka
Kung hindi ka pa sukdulan
O kay sarap pagmasdan mga puno’t mga halaman
Mga bulaklak at makulay na kapaligiran
Huwag niyong tapakan
Ang katarungan Ating pagmasdan taglay nitong kagandahan
Ating pag-ingatan ang regalo ng Diyos sa ati’y iniwan
Akala niyo ba, ang kapangyarihan
Ay nasa inyo? Sino ba kayo? Kalikasan, kayamanan
Magwawagi ang katotohanan Wag hayaang masira na lang Kalikasan,
Ang kadiliman ay ibabagsak pangalagaan
Mananatili kung may pag-ibig
Nagsisilbi ka dapat
Nagsisilbi ka dapat O kay bigat sa dibdib tao ay nagpabaya
Ang ganda nitong mundo unti-unting nabubura, nawawala
Ibon na may layang lumipad Ating pagmasdan taglay nitong kagandahan
'Di mo na makukulong Ating pag-ingatan ang regalo ng Diyos sa ati’y iniwan