Professional Documents
Culture Documents
PDF - 2 ESP10-Q4-WEEK2 - SIPacks - CSFP
PDF - 2 ESP10-Q4-WEEK2 - SIPacks - CSFP
PDF - 2 ESP10-Q4-WEEK2 - SIPacks - CSFP
Kung nakasalalay ang buhay natin sa ating ina na siyang nagluwal sa atin, gayundin
naman nakasalalay sa mundong ginagalawan natin ang patuloy nating pagkabuhay
bilang tao. Tayo ay binubuhay ng kalikasan dahil natutugunan nito ang ating mga
pangangailangan. Dito tayo namumuhay at bumubuo ng lipunan. Sa lipunan kailangan
ang pamahalaan upang magpatupad ng batas at gumawa ng programa para sa kaayusan
at kaunlaran para maisulong ang kabutihang panlahat. Upang makamit ito kailangan ang
sama-samang pagkilos ng mga tao. Lahat ay maaaring mag-ambag para sa pagkakamit
at pagpapanatili ng kabutihang panlahat kung ang lahat ay may paninindigan sa tamang
paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa kapaligiran.
Sa pamamagitan ng SIPack na ito, inaasahan na makakamit ng kabataang tulad mo ang
malalim na pag-unawa sa iba’t ibang pananaw kalakip ng mga isyu sa paggamit ng
kapangyarihan at pangangalaga sa kalikasan na sa huli ay mapaninindiganan ang sariling
posisyon ayon sa moral na batayan.
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin
(Ano ang Inaasahang maipamamalas Mo?)
Sa SIPack na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman,
kakayahan, at pag-unawa:
1. natutukoy ang mga solusyon sa mga isyung may kaugnayan sa pangangalaga sa
kapaligiran;
2. nahihinuha ang tungkulin ng tao bilang tagapangalaga ng kalikasan;
3. napangangatwiranan na maisusulong ang kaunlaran at kabutihang panlahat
kung ang lahat ng tao ay may paninindigan sa tamang paggamit ng
kapangyarihan at pangangalaga sa kalikasan; at
4. nakabubuo ng mapaninindiganang posisyon sa isang isyu tungkol sa paggamit
ng kapangyarihan at pangangalaga sa kalikasan ayon sa moral na batayan.
C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin
(Pagtuklas ng Dating Kaalaman)
Kung ang mundo na tinatawag nating Mother Earth ay ating ina, igagalang din natin ito.
Lahat ng bagay sa mundong ito ay magkakaugnay. Dahil magkakaugnay ang ating
buhay, igagalang at aalagaan natin ang ugnayang ito. Ang anomang makasasama sa
mga ito ay makakasama rin sa atin. Magiging iba ang buhay kapag nawala ang isa sa
mga ito.
Gawain 1: Suri-larawan
Panuto: Suriin ang mga larawan. Gamit ang tsart sa ibaba, isulat ang mga isyung
pangkapaligiran na nakikita sa larawan. Ilagay rin ang maaaring solusyon upang ito ay
maagapan. Pagkatapos ay sagutin ang mga gabay na tanong. Gawin ito sa sagutang
papel.
D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan
#1 (Paglinang ng Kaalaman, Kakayahan, at Pag-unawa)
Gawain 2: Pagsusuri ng mga Sitwasyon
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na sitwasyon na nagpapakita ng iba’t ibang
isyu sa paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa kalikasan. Kung ikaw ang nasa
kalagayan ng mga taong ito, paano mo mapaninindiganan ang iyong sariling posisyon
ayon sa sitwasyon. Ipaliwanag ang naging batayan ng iyong pasya. Gawin ito sa
sagutang papel.
Marapat ding tandaan na ang lahat ng bagay na nilalang ng Diyos kabilang na ang tao
ay magkakaugnay. Ang pangangalaga sa kapaligiran at sa kalikasan ay isang
pananagutang panlipunan. Ang pananagutang ito ay nangangahulugang nararapat nating
isaalang-alang ang anumang epektong ginagawa natin sa kalikasan. Maaaring tayo ang
maging biktima ng mga maling gawaing ito.
1. Revised Forestry Code of the Philippines (1975). Ito ay ang Presidential Degree
No. 705 na may layong maprotektahan, mapaunlad, at ma-rehabilitate o maisaayos ang
mga kakahuyan at mga forest land o lupaing pangkagubatan sa
Pilipinas.
2. Water Code of the Philippines (1976). Tinatawag ding Presidential Decree No.
1067, na ukol sa pagmamay-ari, paglalaan, paggamit, pagpapayaman, pag-iingat, at
pangangalaga sa mga mapagkukunan ng tubig sa bansa.
3. National Integrated Protected Areas System Act of 1992. Ito ang Republic Act
No. 7586, batas ukol sa pagtatatag at pamamahala ng national integrated protected areas
system. Ukol ito sa pangangalaga at pagpapanatili ng mga protected area o protektadong
lugar upang maiwasan ang pagkasira nito dahil sa natatangi nitong pisikal at bayolohikal
na kahalagahan.
4. Department Energy Act of 1992. Nilalayon ng batas na ito, na kilala bilang Batas
Pambansa 7838, ang pamamahala ng enerhiya ng Pilipinas. Sa bisa nito nalikha ang
Department of Energy (DOE) para sa pagsasaayos, pagsubaybay, at pagsasakatuparan
ng mga balakin at palatuntunan ng gobyerno ukol sa konserbasyon, eksplorasyon, at
pagpapayaman ng enerhiya.
8. Wildlife Resources Conservation and Protection Act (2001). Kilala ang batas
na ito bilang Republic Act No. 9147. Ito ay para sa konserbasyon at proteksyon ng wildlife
resources at ng kanilang mga habitat, naglalaan ng pondo para rito, at ukol sa iba pang
layunin na may kinalaman sa wildlife resources ng bansa.
9. Philippine Clean Water Act of 2004. Nilalayon nitong proteksiyonan ang mga
anyong tubig sa bansa mula sa polusyon na galing sa land-based sources (gaya ng mga
industriya at establisimentong komersyal, agrikultura, at aktibidad ng komunidad
/sambahayan). Tinatawag din itong Republic Act No. 9275.
10. Republic Act 3571, 10593, at Executive Order No. 23, s. 2011. Napapaloob dito
ang pagbabawal sa hindi tamang pagputol ng mga puno, hindi lamang sa kagubatan
kundi maging sa iba pang lugar. Gayundin naman, nararapat kang magtanim uli ng
bagong mga puno bilang kapalit sa mga pinutol mo.
Maisasabuhay natin ito kung ang bawat gawain sa kapaligiran ay maibabalanse. Gamitin
nang wasto ang yaman ng kalikasan dahil lahat ng ito ay may hangganan. Alagaan ang
mga hayop, magtanim ng maraming puno, tumupad sa mga batas na naaayon sa
kapaligiran, at mamuhay nang simple. Tao ang nagdurumi, tao rin ang lilinis; dahil sa huli,
tao pa rin ang tatamaan o makikinabang nito. Kabahagi ka sa pagsasabuhay ng mithiing
ito.
The planet you do not save is the earth you will not live upon.
-Pope Benedict XVI
Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Upang masubok ang lalim ng iyong naunawaan,
pagnilayan mo ang mga sagot sa sumusunod na mga tanong:
1. Paano naaapektuhan ang mga namamahala o nasa kapangyarihan sa mga
isyung pangkalikasan sa pagtugon sa tawag ng tungkulin?
2. Sa paanong paraan natin mapangangalagaan ang ating kalikasan at kapaligiran?
3. Kung ikaw ang magpapasya, paano mo isasabuhay ang pangangalaga sa
kalikasan? Magbigay ng kongkretong halimbawa.
4. Makatutulong ba ang kaalamang iyong binasa sa pagkamit ng kabutihang panlahat?
Ipaliwanag.
1. Ang tao na nilikha ng Diyos na Kaniyang kawangis na siyang nasa itaas ng lahat
ng Kaniyang mga nilikha ay marapat na may pananagutang gamitin at
pangalagaan ang kalikasan bilang pakikiisa sa banal na gawain ng pagliligtas.
1. Paraan:
Sampung Utos ng
Kapaligiran
2. Paraan:
Gawain 5: Adbokasiya
1. Tula
2. Awit
3. Spoken Word Poetry
4. Technology Entertainment Design (TED) Talk
KRAYTIRYA 10 8 5
May 2-3 salita na hindi May 4-5 o higit pang
Gumamit ng simple salita na hindi
maunawaan ang tunay
Komprehensibo ngunit malinaw na
na kahulugan. maunawaan. Hindi
ang ginawa mga salita. Maiksi Masyadong mahaba at malinaw ang
ngunit sapat. maligoy. mensahe o nilalaman
Tugma at May 1-2 isinulat na
Lahat ng isinulat ay May 3 at higit pang
malinaw ang hindi tugma at may
tugma, malinaw at sinulat na hindi
nilalaman sa kaunting kulang sa
naipahayag ang tugma, Hindi malinaw
paksa paglalahad ng
damdamin ang isinulat
damdamin
Nakita ang
Nakita ang
pagkamalikhain sa
pagkamalikhain
kabuuan ng ngunit hindi Hindi nakita ang
Naipakita ang
presentasyon at tunay gaanong pagkamalikhain sa
pagkamalikhain
na nakapupukaw ng nakapupukaw ng presentasyon
pansin ang kabuuan pansin.
nito.
Kabuuan na puntos: 30
Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang ipinahahayag ng mga sumusunod. Gawin ito sa
sagutang papel.
Paggamit ng Kapangyarihan at
Pangangalaga sa Kalikasan
Gawain 7: Collage
Panuto: Gumawa ng Collage gamit ang mga recyclable materials tulad ng tuyong dahon,
stick, tansan, bao ng niyog, at iba pa na pwede mong makita at magamit galing sa ating
kapaligiran. Sa likuran ng papel ipaliwanag ang iyong collage. Gamiting gabay ang rubric
sa paggawa.
Rubrics para saCollage
Kraytirya 10 8 5
Hindi gaanong
Maayos at malinaw maayos at malinaw May kalabuan ang
ang pagkakalahad ang pagkakalahad pagkakalahad ng
Malinaw na
ng mga hakbang na ng mga hakbang mga hakbang na
paglalarawan na gagawin upang
gagawin upang gagawin upang
ng Paksa
mapaunlad ang mapaunlad ang mapaunlad ang
pasiya at kilos pasiya at kilos pasiya at kilos