Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

KABABAIHAN

By: Kym Irish W. Cabiscuelas


Grade 10- St. John

Ang tulang ito ay tungkol sa anim na kakayahan ng mga kababaihan na


sadyang Malaki ang naitutulong sa sambahayan at sa ating bayan….sisimulan
ko ito sa pagsasabi na, ang babae pag naging ina ay siyang ilaw ng tahanan
diba’t sila ang nagbibigay liwanag sa ating sambahayan? Ngunit alam nating
hindi doon natatapos ang kanilang kakayahan, dahil kaya rin nilang tumulong
sa pag unalad nitong bayan.
Una….Inay? Inay? Ang bukang bibig sa maghapon madalas itong maririnig
kung may nawawalang gamit o kaya’y gutom nguni’t diba? nakakalimutan
kapag may espesyal na okasyon?… pero, kahit na ganon sila’y patuloy parin sa
pagiging ulirang ina… asikaso ang mga anak pati narin sa haligi ng pamilya,
patuloy parin sa pagtatrabaho kahit napapagod na…. kahit na pagsisikat+p
nila’y di natin madalas Makita siyla’y patuloy parin sa pagkayod para sa
pamilya.
Pangalawa, diba’t marami silang naitataguyod na proyekto’t programa? Hindi
man natin madalas pansinin, nguni’t makakaya nating aminin na sila ay
malaking tulong, sa kalinisang nakakamit ng paligid natin…matanim, maglinis,
magwalis, magpispis lahat ya’y ginagawa…. Nila ng walang mintis
Pangatlo, ay ang kanilang walang katulad na galling at husa’y sa
pagtatrabaho… hindi ba’t sa makabagong panaho’y masasabi na maraming
kumpanya ay halos puro babae ang empleyado? DH, doctor, politisyan, guro at
abogado karamihan sa kanila’y babae ang may trabaho…at hindi,. hindi…
maikakailang sadyang kailangan ang kanilang serbiyo….para itong bansa natin
ay umunlad ng todo
Pang-apat, ay ang kanilang mga pagsisikap na para saakin ay palaging
magiging sapat….kanilang mga nai-ambag sa ating sambayanan, at bansa na
walang kapantay at katapat…..mga kakayahan at lakas na kanilang
ipinamalas na sa puso’t isip nati’y dapat lumapat at kumalat, at nararapat
na ating isiwalat ang mga tapat na serbisyo nila, na masasabing tularan
dapat.

At..

Pang-lima’y wag sana nating isipin…na ang kababaihan, ang kaya lamang
gawin ay mag-ugoy ng duyan, sapagkat, may iba rin silang mga walang
kapantay na kakayahan, tulad ng ipinamalas ni binibining hydilyn diaz na naging
kampiyon dahil sa taglay niyang lakas, na kanyang inilaban sa pambansang
paligsahan na naging dahilan upang gintong medalya ay makamtan ,niya, at ng
kanyang bayang sinilangan.

Panghuli…ay diba’t, ito ang patunay? Na ang kababaihan… ay katulong din sa


pag-unlad nitong ating bayan….matapang kong masasabi at maipagmamalaki
na sa kanilang pagsisikap ay napatunayang… di nila pupwedeng sabihin na sila
o kami’y….mga babae lamang.

You might also like