Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

KABISAAN NG PAGGAMIT NG PAMBANSANG WIKA SA LARANGAN NG

PAGTUTURO AT PAGKATUTO

Bilang Parsyal na Pagtupad sa asignaturang


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Ipinasa ni:
JUANA MARI M. KUNDANGAN
11 – ABM SY

Ipinasa kay:
GNG. GLENDA MAE BALGOS TAN

Commonwealth High School


2021-2022
Kabanata 1

ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NG PAG-AARAL

Sa ikalilinaw ng layunin at kaisipan ng pag-aaral, ang kabanatang ito ay

naglalaman ng Panimula, Sanligan ng Pag-aaral, Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral,

Paglalahad ng Suliranin, Haka ng Pag-aaral, Batayang Teyoretikal, Balangkas

Konseptuwal, at Kahulugan ng Terminolohiya.

Panimula

May mga bansang gamit ang kanilang pambansang wika sa kanilang paaralan.

Lubos na mauunawaan ng mga mag-aaral ang aralin sa pamamagitan nito. Ngunit may

mga bansa rin na hindi gamit ang kanilang pambansang wika bilang panturo sa

paaralan.

Ayon sa Daluyan: Journal ng Wikang Filipino ni Renato Constantino (2015), Ang

wikang Filipino ay wikang mapagpalaya. Ito ang magiging wika ng tunay na Pilipino. Ang

wika ay instrumento ng pag-iisip. Sa pamamagitan ng wika ay umuunlad ang kaisipan.

Sa pag-unlad naman ng kaisipan ay umuunlad ang wika. Ngunit kapag ang wika ay

naging sagabal sa pag-iisip, ang pag-iisip ay nababansot o nababaog at magbubunga

naman ng kulturang bansot. Ang malikhain, mapanuri at mapagbuod na kaisipan ay

hindi uunlad sapagkat ang mga mag-aaral ay nahirati sa pagsasaulo sa dayuhang wika.

Ang paggamit ng wikang banyaga bilang wikang panturo ay sagabal sa pag-iisip dahil

dapat munang masanay ang mag-aaral sa bagong mga tunog, tono, at balangkas ng

pangungusap. Nahihirapan siyang ipahayag ang kanyang mga saloobin at ito’y pumipigil

sa kanyang pag-iisip. Kaya, makikita natin na marami sa ating mga kababayan ang hindi

sanay mag-isip nang malalim. Hindi nila ganap na nauunawaan ang mga aklat at

peryodikong nakasulat sa Ingles. Hirap na hirap ang marami sa atin na mag-usap sa


wikang Ingles pero hindi rin sila makapag-usap nang mahusay sa sarili nating wika dahil

ito ang napabayaan.

Sanligan ng Pag-aaral

Ang Pambansang Wika ay tinatawag na lingua franca at dapat na sumasailalim

sa pagkilala ng batas. Kapag sinabing lingua franca, ito ang pangunahing wika na

ginagamit at nauunawaan ng nakararaming bilang ng mamamayan sa isang bansa

(Aguilar et al, 2016, 21). Nakapaloob sa Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon

6, na “Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay

dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika ng Pilipinas at sa iba pang

mga wika.” Noong 1991 naman ay ginawa ang Batas Republika Bilang 7104 para

magawa ang Komisyon sa Wikang Filipino na may tungkuling magsagawa, mag-ugnay,

at magtaguyod ng mg pananaliksik para sa pagpapaunlad ng Filipino.

Ang Wikang Panturo ay ang wika na ginagamit sa edukasyon. Ang wika na

ginagamit sa paaralan sa Pilipinas ay Filipino at Ingles na kung saan nakasaad sa

Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 7. Samantala, magsisilbing mga

pantulong wikang opisyal sa mga rehiyon at magiging wikang panturo ang mga wikang

panrehiyon. Noong Hulyo 14, 2014, ipinatupad ng Kagawaran ng Edukasyon ang

Department Order No.74 series 2014 kung saan ang unang wika ay gagamitin bilang

midyum ng pagtuturo mula Kinder hanggang Baitang Tatlo na makikita sa aplikasyon ng

K to 12 Curriculum.

Filipino at Ingles ang wikang ginagamit ng mga guro sa Paaralang Sekondarya

ng Commonwealth bilang midyum sa pagtuturo dahil ito ang ayon sa Saligang Batas ng
1987, Artikulo XIV, Seksiyon 7. Ginagamit ang Wikang Ingles sa kadahilanang

mayroong mga salita sa Wikang Ingles na walang katumbas sa Wikang Filipino.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong masukat ang kabisaan ng paggamit ng

pambansang wika sa larangan ng pagtuturo at pagkatuto. Isinagawa ang pag-aaral sa

taong panuruan 2021-2022 sa mga piling mag-aaral na Ikalabing-isang Baitang sa ilalim

ng akademikong track na ABM ng Paaralang Sekundarya ng Commonwealth.

Ang mananaliksik ay gumamit ng eksperimental na paraan ng pananaliksik. Pinili

at tinukoy ang mga tagatugon sa pamaraang random sampling gamit ang “Fish Bowl”

teknik. Saklaw sa pag-aaral na ito ang apatnapung mag-aaral sa Ikalabing-isang Baitang

sa ilalim ng akademikong track na ABM. Nililimitahan ang pag-aaral na ito sa mga mag-

aaral ng Paaralang Sekundarya ng Commonwealth.

Paglalahad ng Suliranin

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay alamin ang gustong wika para sa pagtuturo at

pagkatuto ng mga piling mag-aaral sa ilalim ng akademikong track na ABM Ikalabing-

isang Baitang ng Paaralang Sekundarya ng Commonwealth, taong panuruan 2021-

2022.

Buong pusong sinikap ng mananaliksik na sagutin ang mga sumusunod.

1) Wika na ginagamit sa Paaralang Sekundarya ng Commonwealth sa larangan ng

pagtuturo at pagkatuto.

2) Gustong wika na gamitin sa paaralan.


3) Nakaaapekto ba ang paggamit ng pambansang wika sa pagkatuto ng mga mag-

aaral?

Haka ng Pag-aaral

Mayroong makabuluhang ugnayan ang paggamit ang pambansang wika sa

larangan ng pagtuturo at pagkatuto.

Batayang Teyoretikal

Ayon kay Rene Descartes (1987), hindi pangkaraniwang hayop ang tao kung

kaya’t likas sa kaniya ang gumamit ng wika na naaangkop sa kaniyang kalikasan bilang

tao. May aparato ang tao na sa kaniyang utak gayundin sapagsasalita upang magamit

sa mataas at komplikadong antas ng wikang kailangan niya hindi lamang para mabuhay

bagkus magampanan ang iba’t ibang tungkulin nito sa kaniyang buhay.

Ayon naman kay Plato, nilikha ang wika bunga ng pangangailangan “necessity is

the mother of all invention”. Sa paniniwalang ito, tulad ng gamit, tirahan at pagkain,

pangunahing pangangailangan din ng tao ang wika kung kaya naimbento ito.

Ang pinagbabatayang teorya upang suportahan ang pag-aaral na ito ay ang Dual

Threshold Theory (Cummins, 1994). Nagpapaliwanag ito na ang dalawa o higit pang

mga wika sa isang balanseng bilingual na tao ay gumagalaw nang paitaas sa tatlong

mga antas na nakikilala, na tumatawid ng dalawang magkakaibang mga hangganan sa

pagitan ng mga antas. Ang mga positibong nagbibigay-malay na mga

kapakinabangan tulad ng pinabuting katalinuhan at akademikong tagumpay ay

makakamit lamang kapag ang una at ikalawang mga sukat ay na-crossed. Bukod pa

rito, ang pananaliksik sa pag-iisip at bilingualism ay nagpapahiwatig ng dalawang


"mga hangganan", bawat hangganan na kumakatawan sa isang antas ng kakayahan sa

wika sa unang o pangalawang wika na dapat maipasa upang maabot ang susunod na

antas ng kakayahan. Ang tatlong mga antas ay limitado sa bilingual, mas mababa

balanseng bilingual (katumpakan na angkop sa edad sa isang wika) at balanseng

bilingual (katumpakan na angkop sa edad sa parehong wika). Tinutukoy ng Baker and

Jones (1998) na ang teorya na ito ay nakakatulong upang ipaliwanag kung bakit ang

mga batang minorya ng wika na itinuturo lamang sa pamamagitan ng ikalawang wika ay

maaaring mabigo sa paaralan at kung bakit ang mga bata na nakapag-aral sa mga

programang pang-bilingual na pag-unlad ay maaaring magkaroon ng cognitive

advantage sa mga monolingual na mag-aaral.

Balangkas Konseptuwal

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay masukat ang kabisaan ng paggamit ng

pambansang wika sa larangan ng pagtuturo at pagkatuto. Ang mananaliksik ay gumamit

ng Input, Process, Output (IPO) sa ginawang pag-aaral.

Ang unang kahon ay naglalaman ng lagak na kinapapalooban ng mga

katanungan na ibibigay sa mga mag-aaral. Ang ikalawang kahon naman ay ang proseso

o paraan na isasagawa sa pag-aaral. At makikita sa ikatlong kahon ang resulta ng

kabisaan ng paggamit ng wikang pambansa at ang gustong gamiting wika ng mga piling

mag-aaral na Ikalabing-isang Baitang sa ilalim ng akademikong track na ABM ng

Paaralang Sekundarya ng Commonwealth.


Lagak Proseso Resulta

Wikang ginagamit sa
loob ng paaralan.
Pagsusurbey sa Natukoy ang kabisaan
Maayos ba ang klase labindalawang mag- ng paggamit ng
kung ginagamit ang aaral sa bawat seksyon pambansang wika at
pambansang wika ng ikalabing-isang ang gustong gamiting
bilang midyum sa baiting sa ilalim ng wika ng mga mag-
pagtuturo at pagkatuto? akademikong track sa aaral sa larangan ng
Paaralang Sekundarya pagtuturo at pagkatuto.
Gustong wika na ng Commonwealth
gamitin sa loob ng
paaralan.

Tugon

Pigura 1

Modelong Konseptuwal para sa Pagsukat ng Kabisaan ng Paggamit ng Pambansang


Wika sa Larangan ng Pagtuturo at Pagkatuto

Kahulugan ng Termino

Kabisaan. Tumutukoy sa bisa o kapakinabangan ng isang kagamitan o wika sa

pagtuturo at pagkatuto.

Pambansang Wika. Pangunahing wika na ginagamit at nauunawaan ng mga

mamamayan sa bansa.

Pagtuturo. Tumutukoy ito sa pagbabahagi ng kaalaman.

Pagkatuto. Pagpapa-unlad ng isang kaalaman sa wika.

Mag-aaral. Taong nag-aaral sa paaralan at ang mga respondent sa pag-aaral.


Kabanata 2

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Nilalaman ang kabanatang ito ng mga publikasyong mayroong kaugnayan sa

pag-aaral tulad ng mga aklat, pahayagan, web page, gayundin ang iba pang mga

kaugnay na pag-aaral tulad ng tesis at disertasyon at iba pang mga sanggunian.

Banyagang Literatura

Ayon kay Fernand de Varennes (2020), ang pagtuturo sa mga bata gamit ang

kanilang unang wika ay hindi lamang kinakailangan para sa inklusibo, de-kalidad na

edukasyon kundi upang igalang ang karapatang pantao ng lahat ng bata. Sinabi ng

Espesyal na Rapporteur na: “Ang edukasyon sa katutubong wika ng isang minorya, na

sinamahan ng de-kalidad na pagtuturo ng opisyal na wika, ay mas matipid sa

pangmatagalan; binabawasan ang mga rate ng dropout; humahantong sa kapansin-

pansing mas mahusay na mga resulta sa akademiko, lalo na para sa mga batang

babae; pinapabuti ang mga antas ng karunungang bumasa't sumulat at katatasan sa

parehong katutubong wika at opisyal o karamihang wika; at humahantong sa higit na

pakikilahok ng pamilya at komunidad.” Ang pag-aaral sa unang wika ng isang tao ay

maaaring makatulong na mabawasan ang panganib na "magtapos sa bandang huli ng

buhay na may pinakamababang suweldong trabaho at pinakamataas na antas ng

kawalan ng trabaho", aniya. Ang wika ng edukasyon ay maaari ding magkaroon ng

epekto sa pagpapahalaga sa sarili at pag-unlad ng mga estudyanteng minorya, ayon sa

ulat.

Ayon sa isang ulat ng The World Bank (2021) na Loud and Clear: Effective

Language of Instruction Policies for Learning, ang epektibong mga patakaran sa


language of instruction (LoI) ay sentro sa pagbabawas ng Kahirapan sa Pag-aaral at

pagpapabuti ng iba pang resulta ng pag-aaral, pagkakapantay-pantay, at pagsasama.

Ang pagtuturo ay nalalahad sa pamamagitan ng wika - nakasulat at sinasalita - at ang

mga bata na natututong bumasa at sumulat ay pundasyon sa pag-aaral ng lahat ng iba

pang mga asignaturang pang-akademiko. Ang Loud and Clear na ulat ay naglalagay nito

nang simple: napakaraming bata ang tinuturuan sa isang wikang hindi nila naiintindihan,

na isa sa pinakamahalagang dahilan kung bakit maraming bansa ang may

napakababang antas ng pagkatuto.

Ayon kay Jessica Ball (2014), kailangan nating isali ang mga miyembro ng

komunidad na may magkakaibang mga kasanayan sa wika sa pormal na paaralan at

sanayin ang mga guro na may iba't ibang kakayahan sa wika at antas ng edukasyon

upang maging epektibo sa mga silid-aralan ng Mother Tongue-based Multilingual

Education (MTB-MLE). Habang umuunlad ang kaalaman, dapat tayong maging mas

mahusay sa pakikipag-usap sa mga natuklasan sa pananaliksik upang ang mga

practitioner, mga gumagawa ng patakaran at mga donor ay malaman at ma-motivate ng

ebidensya tungkol sa kung paano magagamit ang potensyal ng MTB-MLE upang

makamit ang Edukasyon para sa Lahat.

Lokal na Literatura

Ayon sa Midya Porum ng Tanggol Wika (2014), ang wikang Filipino ay ang

pambansang wika na itinakda ng Konstitusyon ng Pilipinas. Patuloy itong pinayayabong

ng lahat ng mga wikang ginagamit at pinauunlad ng mamamayan. Ang wikang Filipino at

panitikan ay mga sandata sa pagtataguyod ng katotohanan at katuwiran, lalo na sa

panahon ng kasinungalingan, kawalan ng katarungan, at krisis panlipunan. Kasalanan at

kataksilan sa bayan ang pagtanggal ng wikang Filipino at panitikan sa hanay ng mga


aralín sa kolehiyo o anumang antas ng paaralan. Mahigpit ang pangangailangang

itanghal at ipaglaban nating lahat ang wikang Filipino at panitikan!

Ang Pilipinas ay isang arkipelago sa Pasipiko na may mayamang pagkakaiba-iba

sa wika at kultura. Ayon sa Ethnologue, mayroong 171 buhay na wikang ginagamit sa

Pilipinas ngayon. Para sa karamihan, ang linguistic variety na ito ay hindi tumpak na

naipakita sa mga patakaran ng pamahalaan at pang-edukasyon. Idineklara ng

kasalukuyang konstitusyon ang Ingles at Filipino (Tagalog) bilang mga opisyal na wika

ng bansa, dahil pareho silang sinasalita sa metro Manila, ang kabisera ng bansa. Ang

diskriminasyong pangwika ay naroroon sa partikular na sistema ng edukasyon.

Halimbawa, noong 2011, ang gobyerno ng Kamara sa Pilipinas ay nag-iimbestiga pa rin

sa mga pagkakataon na ang mga bata sa elementarya ay pinarusahan dahil sa hindi

pagsasalita ng Ingles (Para matuto pa tungkol sa hindi pangkaraniwang bagay na ito,

mag-click dito). Ang mga pangyayaring ito ay hindi pangkaraniwan, at nagmula ang mga

ito sa pananaw ng Ingles bilang "wika ng tagumpay." Hindi maikakaila, na ang mga

batang marunong magsalita ng Ingles ay mas makakapag-usap sa mga internasyonal

na konteksto. Gayunpaman, ang isang natatanging pagnanais na turuan ang mga bata

ng Ingles sa lahat ng mga gastos, kapag kasama ng parusa para sa paggamit ng

sariling wika, ay parehong nakapipinsala sa sikolohikal at kultura. Sa antas ng

sikolohikal, ang pagkakakilanlan ng isang bata ay nakabatay sa kanyang sariling wika.

Kung kinokondisyon ang mga bata na ipares ang Ingles sa tagumpay, lalo nilang

titingnan ang kanilang sariling wika bilang walang katuturan. Maaaring hindi nila nakikita

ang pangangailangan na ipasa ito sa susunod na henerasyon, na nagiging sanhi ng

panganib sa wika para sa mga minoryang wika, isang malaking pagkawala ng kultura

(Laura Garbes, 2012).


Ang Pilipinas ay isang bansang magkakaibang etniko at mayroong 181 na

dokumentadong indibidwal na mga wika. Apat sa mga ito ay extinct na (walang alam na

nagsasalita) at 24 dito ay namamatay o nawawala na, ayon sa Summer Institute of

Linguistics in the Philippines. Ang mga wikang pambansa ay nagbubuklod sa isang

bansa, nagtataguyod ng nasyonalismo, at isang simbolikong representasyon ng isang

bansa. Noong taong 2012, ipinatupad ng Departamento ng Edukasyon (DepEd) ang

paggamit ng Mother Tongue-based Multilingual Education sa lahat ng pampublikong

paaralan, partikular sa Baitang 1, 2, at 3. Sa una, mayroong 12 Wika ang napiling

gamitin sa iba't ibang rehiyon. tulad ng; Tagalog, Kapampangan, Pangasinense, Iloko,

Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Waray, Tausug, Maguindanaoan, Maranao at Chabacano.

Gayunpaman, sa taong 2013, 7 pang wika ang idinagdag sa MTB-MLE tulad ng,

Ybanag, Ivatan, Sambal, Aklanon, Kinaray-a, Yakan, at Surigaonon (J.D., 2021).

Banyagang Pag-aaral

Ayon kay Juanjuan Zhang (2020), ang Edukasyon ng Wikang Pambansa ay

isang mahalagang bahagi ng edukasyong pangwika sa maraming etnikong lugar.

Ginamit ng pag-aaral ang WPPSI language scale upang subukan ang Wikang

Pambansa ng 35 batang etnikong minorya sa bawat Kindergarten A at B. Ang mga

kalahok sa kindergarten A ay tumagal ng 4 na buwan upang makapasok sa

kindergarten, habang ang mga kalahok sa kindergarten B ay tumagal ng 30 buwan. Ang

mga kalahok sa kindergarten A at B ay nagmula sa mga pamilyang halos pareho ang

kultura, at pareho silang 6 na taong gulang noong sinubukan. Napag-alaman sa

pagsusulit na ang mga marka ng mga bata sa kindergarten B sa WPPSI language scale

kabuuang iskor at ang limang sub-scale ay makabuluhang mas mataas kaysa sa mga

nasa kindergarten A. Samakatuwid, mapapatunayan na ang mas mahabang oras ng


Edukasyon sa Wikang Pambansa sa mga kindergarten ay nakamit. makabuluhang

resulta. Sa wakas, ang pag-aaral ay naglalagay ng ilang mungkahi para sa

pagtataguyod ng pag-aaral ng Wikang Pambansa para sa mga batang minorya mula sa

pananaw ng mga kindergarten at pamilya.

Ang pananaliksik nina Lee, Watt, at Frawley (2014) ay nagpapakita na ang mga

mag-aaral sa mga bilingual na paaralan ay gumaganap ng mas mahusay sa matematika

kaysa sa kanilang mga kapantay sa mga monolingual na paaralan, ngunit ang mga

pagkakaiba sa Khmer literacy at oral Khmer na mga marka ng pagsusulit ay hindi

gaanong mahalaga sa istatistika. Iminumungkahi ng pag-aaral na ang bilingual na

edukasyon gamit ang pagtuturo ng unang wika ay maaaring makinabang sa pag-unlad

ng akademya sa mga mag-aaral ng etnikong minorya sa Cambodia, kahit man lang sa

mga tuntunin ng tagumpay sa matematika.

Ayon sa pag-aaral nina Kumar, Nukapangu, at Hassan (2021) ang code-

switching ay isang linguistic feature ng mga multi-lingual na lipunan, dahil sila ay

binigyan ng higit pang mga pribilehiyo na gumamit ng iba't ibang wika. Itinuturo ng

kasalukuyang pag-aaral ang mga pananaw ng mga guro ng wika tungo sa code-

switching sa silid-aralan sa proseso ng pagtuturo at ang mga layunin ng code-switching

sa pagtuturo. Ang data para sa pag-aaral ay kinabibilangan ng mga tugon ng mga

tanong sa pagsusulit sa ugali na idinisenyo sa Likert Scale ng 20 guro-respondente mula

sa dalawang paaralan ng Delhi-NCR. Ang kinalabasan ng pag-aaral ay naglalarawan na

ang pamamayani ng code-switching sa mga silid-aralan ay ginagamit upang bigyang-

kahulugan ang mga masalimuot na ideya, isalin ang mga tanong, humingi ng

kumpirmasyon, suriin ang pag-unawa ng mga mag-aaral, gayundin upang bumuo ng

pagkakaisa at code-switching ay pinaka-laganap sa primaryang edukasyon. Kaya


naman, ang code-switching ay isang natatanging pangangailangang pangwika sa

edukasyon ngunit may negatibong epekto sa paggamit ng code-switching sa silid-aralan.

Lokal na Pag-aaral

Ayon sa pag-aaral nina Lartec, Dotimas, Maraño, Pitas, Polido, at Senio (2014)

ang inklusibong edukasyon ay tumutukoy sa kagustuhang malampasan ang mga

hadlang sa partisipasyon at pagkatuto ng lahat ng mga mag-aaral sa paaralan- anuman

ang kanilang wika, politikal na paninindigan o uring kinabibilangan. Lumabas sa resulta

ng pag-aaral na ang paggamit ng mga guro ng inklusibong wika sa Filipino ay kalimitang

ukol sa mga katawagan sa kapansanang pisikal at mental. Natuklasan ding

nangungunang salik ang ugnayan ng wika at kultura sa paggamit ng inklusibong wika

tungo sa pagpapatupad ng inklusibong edukasyon. Sa huli, ang mga mungkahing

pamantayan mula sa mga guro ay nagbibigay ng pansin sa lahat ng domeyn ng

holistikong pagkatuto gaya ng pagkakaroon ng kaalaman, pagpapahalaga at

pagsasagawa. Samakatwid, kailangang bigyang-pansin ang ugnayan ng wika at

edukasyon sa pagtamo ng inklusibong edukasyon sa lahat ng aspekto at larangan.

Ayon sa pag-aaral ni Rex Misa (2021) na nakatuon sa kakayahan sa

panggramatikang filipino og mga mag-aaral na nasa Grade 9 ng Laboratory High School

sa President Ramon Magsaysay State University taong panuruan 2018- 2019, at

natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod; Ang antas ng kakayahan ng mga

tagatugon sa panggramatikang Filipino ay nakapagtamo ng "Beginning" sa pagpili ng

wastong salita, kayarian ng pangungusap at lohikal na organisasyon. Ang antas ng

kakayahan ng tagatugon sa panggramatikang Filipino ay nakatamo ng "Developing" sa

wastong gamit ng salita, ayos ng pangungusap, pagbuo ng pangungusap at mekaniks.

Ang mungkahing modyul ay kailangan bilang kagamitang pampagtuturo. Ang pagtataya


sa mungkahing modyul ayon sa kabiston ay lubusang sumasang-ayon. Lumalabas na

walang makabuluhang kaugnayan angakademikong performans sa kakayahan sa

pagsusuri ng gramatikong Filipino ng mga mag-aaral. Matapos malaman ang resulta ng

pag-aaral, nabuo ang mga sumusunod na mungkahi: Higit na pag-ibayuhin ng mga guro

sa Filipino na maging mapamaraan at malikhain pagtuturo ng wasto at angkop na gamit

ng salita sa loob ng pangungusap upang malinang sa kanila ang kawastuhan sa

gramatikang Filipino nang magamit nila ito ng maayos sa kanilang kasanayang pasalita

at pasulat. Paunlarin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbibigay ng maraming

halimbawa sa mga tiyak na sitwasyon at sa iba pang pagkakataon. Paunlarin ang

kakayahan ng mag-aaral sa pagsulat ng artikulong may lohikal na organisasyon ng

bawat kaisipan at maging ang paggamit ng angkop sa tuntuning ng pagbabantas,

pagbabaybay at kapitalisasyon. Ang binuong modyul ng mananaliksik ay maaring

gamitin ng mga guro sa Filipino upang mapaunlad nang husto ang kanilang kagalingan

sa wasto at angkop sa paggamit at pagpili ng mga salita at maging sa pagsulat ng isang

artikulo. Ang mga mananliksik at mga guro ng wika ay nararapat na magsagawa ng higit

na mas malalim na katulad na pag-aaral na magpapakita ng kaugnayan sa resultang

natamo sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng malalim pag-aaral tungkol sa kakayahan

sa panggramatikang Filipino ng mga mag-aaral.

Ayon kay Galileo Zafra (2016) may iba’t ibang aspekto ang ugnayang ito ngunit

itinatampok ang pagtingin sa wika bilang “daluyan” o “sisidlan” ng kultura.

Gayumpaman, hindi humihinto ang pananaw na ito sa enumerasyon lamang ng mga

tao, lugar, bagay, pangyayari, konsepto, at iba pang sagisag-kulturang Filipino, at sa

halip, laging iginigiit na ang kultura ay dinamiko, kolektibo, at may ginagalawang

konteksto. Naglatag din ng isang kongkretong modelo, at halimbawang aplikasyon, sa


pagsusuri ng mga cultural domain o pangkulturang larang na nakatuon sa wika. Sa

huling bahagi ng papel ay iminungkahi kung paano puwedeng ituro sa konteksto ng K-

12 ang wika at kultura na nakabalangkas ayon sa wika ng paglalarawan, wika ng

pagbuo ng kahulugan, wika ng pagtugon, at wika ng paglahok.


KABANATA 3

METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN NG PAG-AARAL

Ilalahad sa kabanatang ito ang Disenyo at Metodolohiya ng Pag-aaral, Lugar ng

Pag-aaral, Paksa ng Pag-aaral, Pamamaraan ng Pag-aaral, Pinagkunang Datos,

Pagbuo ng Instrumento ng Pag-aaral, Balidasyon ng Instrumento ng Pag-aaral, at

Pamamaraan sa Pangangalap ng Datos

Disenyo at Metodolohiya ng Pag-aaral

Ang gagamitin sa pag-aaral na ito ay paglalarawan na pamamaraan upang

makita ang kaugnayan ng dalawang baryabol. Gagamit ng sarbey ang mananaliksik

upang makalap ang datos mula sa mga mag-aaral.

Lugar ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay ginanap sa Paaralang Sekundarya ng

Commonwealth. Isa ito sa mga pinakamalaking mga paaralang sekundarya sa Lungsod

Quezon. Nagsimula ang makulay nitong kasaysayan noong Hulyo 14, 1986, nang

pinasinayaan ang una at tanging sekondaryang paaralan sa Barangay Commonwealth.

Noong Marso 1988, ang paaralan ay inilipat sa isang pansamatalang lugar- isang

bahagi sa Doña Juana Elementary School sa Barangay Holy Spirit, Quezon City. Ang

paaralan ay matatagpuan sa isang apat na silid na pre-fabricated na istraktura, na

itinayo ng pamahalaang lungsod at sa isang dalawang silid na istraktura na itinayo sa

tulong ng Chinese Chamber of Commerence.

Noong Hunyo 20, 1991, sa wakas ay nailipat ang SFHS-Commonwealth Annex

sa isang 1.7 ektaryang lote na matatagpuan sa Ecol Street, Barangay Commonwealth,

Quezon City.
Noong Hunyo 1995, nakuha ng paaralan ang kalayaan nito mula sa ina nitong

paaralan at sa wakas ay pinangalanang Commonwealth High School. Tinatawag din

itong Mataas na Paaralan ng Don Mariano Marcos.

Pigura 2

Ang Lokasyon ng Paaralang Sekundarya ng Commonwealth


Paksa ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagsukat ng kabisaan ng paggamit ng

pambansang wika sa larangan ng pagtuturo at pagkatuto sa mga piling mag-aaral ng

ikalabing-isang baitang na nasa ilalim ng Akademikong Track na Accountancy, Business

and Management ng Paaralang Sekundarya ng Commonwealth. Ito ay naglalayong

malaman ang kabisaan ng paggamit ng pambansang wika at ang kanilang gustong

gamiting midyum sa paaralan.

Pamamaraan ng Pag-aaral

Upang maisakatuparan ng mananaliksik ang pag-aaral na ito, ito ang kaniyang

gagawin. Gagawin ng mananaliksik ang kanyang proposal, sunod namang ipapatingin at

ipapaayos ito sa mga panelist at sisimulang buuin ang mga instrumento sa pag-aaral at

ipapabaledeyt ang mga ito sa eksperto. Hihingi rin ng pahintulot ang mananaliksik sa

paaralan upang makapag-sarbey sa mga mag-aaral sa baitang labing isa. Upang

maipakita ang kabisaan ng pambansang wika sa larangan ng pagtuturo at pagkatuto,

nagbigay ng sarbey sa mga piling mag-aaral at kinuha ang resulta.

Pinagkunang Datos

Ang mga sumusunod ay ang ilan sa mga pinagkunan ng datos ng mananaliksik

upang mabuo ang pag-aaral na ito. Una, ang mga libro, journal, artikulo, mga scholarly

website sa internet, nailimbat at hindi nailimbag na tesis at pananaliksik para sa kanyang

kaugnay na mga literatura at pag-aaral. Pangalawa, ang resulta na galing sa sarbey

upang mabatid ang kabisaan ng paggamit ng pambansang wika sa larangan ng

pagtuturo at pagkatuto sa mga piling mag-aaral ng ikalabing-isang baitang na nasa ilalim


ng Akademikong Track na Accountancy, Business and Management ng Paaralang

Sekundarya ng Commonwealth.

Pagbuo ng Instrumento ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang

mananaliksik ay naghanda ng isang sarbey-kwestyoneyr na naglalayong makapangalap

ng mga datos upang masukat ang kabisaan ng paggamit ng pambansang wika sa

larangan ng pagtuturo at pagkatuto sa mga piling mag-aaral ng ikalabing-isang baitang

na nasa ilalim ng Akademikong Track na Accountancy, Business and Management ng

Paaralang Sekundarya ng Commonwealth.

Ang mananaliksik ay gagamit ng Google Analytics Tool ng Google form upang

ipamahagi ang sarbey sa mga respondente. Sa pamamagitan nito, makakalap na ang

mga kinakailangang datos. Ang mga katanungan na ipapamahagi ay ang mga

sumusunod:

1. Anong unang wika ang iyong natutunan o nalaman?

2. Anong wika ang ginagamit mo sa araw-araw?

3. Anong wika ang ginagamit niyo sa paaralan?

4. Ano ang gusto mong wika na gamitin sa inyong paaralan?

5. Sa palagay mo, ano ang epekto sa’yo ng wikang banyaga at pambansang wika

bilang midyum sa edukasyon?

Balidasyon ng Instrumento ng Pag-aaral

Ang sarbey-kwestyoneyr na gagamitin sa pangangalap ng datos ay ipasusuri sa

eksperto at sa guro ng mananaliksik sa Filipino upang ito ay maayos nang husto bago
ipamahagi sa mga respondent. Sa pamamagitan nito, masasagot nang wasto at maayos

ang problema sa pag-aaral na ito.

Pamamaraan sa Pangangalap ng Datos

Upang makalap ang datos, ang mananaliksik ay magsasagawa ng sarbey gamit

ang Google Forms sa mga piling mag-aaral ng ikalabing-isang baitang na nasa ilalim ng

Akademikong Track na Accountancy, Business and Management ng Paaralang

Sekundarya ng Commonwealth. Ang mga makakalap na datos ay sisiguraduhing hindi

maipapamahagi sa ibang tao upang mapanatiling pribado. Ang mga ito ay

pagsasamahin at gagamitin ang Google Analytics upang makalap ito sa loob ng isang

linggo.

You might also like