Iskrip NG Dulang Panradyo

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 23

Iskrip ng Dulang Pantelebisyon

- FORESHADOWING

(Intense)

(Nakagapos ang dalawang magkapatid na babae (Kyla at Margel) parehong duguan. Nasa
loob ng isang may kadilimang kwarto. Umiiyak ang nakababatang kapatid (Kyla). Hindi
ipapakita ang mukha ng 2 babae.

(Maya-maya ay may maririnig silang yabag ng paa na palapit sa kanila. Lumapit ang isang lalaki
(Jerick). Hindi rin muna ipakikita ang buong mukha niya. Pagkakita sa kanya ay sisigaw ang
nakatatandang kapatid na babae. (Margel)

Margel: “Ikaw! Ikaw pala ang pumapatay! Halimaw ka! Halimaw ka!” (umiiyak na pasigaw,
magkahalong takot at galit)

(Hahalakhak ang nakakatakot na halimaw (Jerick), gamit ang kamay na may matitilos na kuko,
dadakmain niya ang kamera, tuloy ang halakhak na nakakakilabot, sisigaw ang babae (Margel).

SCENE 1 (Setting: Jeep na nakaparada/labas ng jeep – Umaga)

Pababa na ng jeep ang walong magkakaibigan (Kyla, Margel, Kristine, Edrhalyn, Camilla,
Paola, Earold at Rafael.) Galing sila sa mahabang biyahe. Kasama nila ang driver ng jeep na
si Paulo. Agad na bumaba ng jeep ang bawat isa maliban sa drayber na si Paulo na may
inaayos pa at bawat isa sa magbabarkada ay may kanya kanya agad agenda at usapan
pagbaba pa lang ng jeep.

Kristine: “Ano ba ‘yan napaka maalikabok naman dito, tsaka ang dumi dumi pa! Kala ko
pa naman resort o kaya hotel ang pupuntahan natin!”

(Pababa ng jeep si Paulo habang nagpupunas ng pawis. Palapit siya sa magkakaibigan)

Kristine: “Baka naman naliligaw na tayo! Dito ba nakatira ‘yung kaibigan ni Margel?”
(lumilingap sa paligid)

Paulo: “Medyo malayo-layo pa, ma’am. Pero sasamahan at ihahatid ko naman kayo sa
bahay ni Sir Jerick.”

(Amaze na amaze naman si Edrhalyn sa nakikita niya. Agad siyang nagselfie at nagtake ng
pictures)
(Busy naman si Earold at Rafael sa pagbubuhat at pagbababa ng mga gamit mula sa jeep.
Ilalagay at iipunin muna nila sa labas ng jeep)
Kyla: “Ang layo pala ng bahay ni Jerick, ate. Tsaka mukang mahihirapan tayo rito, wala
ring signal.”

Margel: “Ikaw talaga, Kyla, puro ka reklamo. Hindi naman kita pinilit na sumama sakin
dito. Tsaka bakit mo pa niyaya ‘yang mga kaibigan mo? Ang sabi ko kay Jerick tayong
dalawa lang ang pupunta.”

Kyla: “Hayaan mo na, ate. Mas marami, mas masaya!”

Camilla: “Alam mo, Paola, masama talaga ang kutob ko rito eh. Nasa biyahe pa lang tayo
kanina hindi na ako mapakali.”

Paola: “Ang mabuti pa huwag ka nang masyadong mag-alala. Isipin mo na lang na para
lang tayong nagbabakasyon.

Paulo: “Mga ma’am at sir, kumpleto na po ba ang mga gamit niyo? Wala na kayong
naiwan?

Rafael: “Kumpleto na manong, nailabas na namin lahat sa sasakyan.”

(Kanya-kanyang kuha sa mga gamit)

Paulo: “Ay siya tara na at simulan na natin ang paglalakad, mahirap kapag sa gitna ng
gubat pa tayo inabutan ng paglubog ng araw.”

SCENE 2 (Setting: Gubat – Umaga/Tanghali)

(Sisimulan na ang pagtahak sa masukal na gubat para makarating sa bahay ni Jerick. Bigyan
din ng exposure ang gubat para makita ng manonood ang ating dinaanan. Palalabasin natin na
mahaba pa talaga ang kanilang nilakad para marating ang bahay ni Jerick)

(Kunwari ay may mabangis na nilalang na nakasubaybay sa kanila. Gagawing red ang screen
tapos may sound effects ng mabangis na nilalang)

Kristine: "Malayo pa ba? Wala bang mas mabilis na daan?" (Sabay bigay kay Earold ng
mga dala niyang gamit. May pagkamaldita at maarte ang role.)

Paola: "Alam mo, Kristine, mabuti pa magpaiwan ka na lang dito at huwag nang sumama
samin."
Kyla: "Mabuti pa nga! Di pa naman huli para umuwi ka, Kristine!"

Paulo: "Huwag na kayong magtalo-talo dahil nandito na tayo sa bahay ni Sir Jerick."

(Sasalubungin ni Jerick si Kyla at Margel na nauuna sa paglalakad. Nakasunod sa kanila ang


iba pa nilang kaibigan)

Jerick: "Sa wakas nakarating din kayo, kanina ko pa kayo hinihintay. Pasensiya na kung
may kalayuan itong bahay namin hah. Teka, sino pala sila?" (Tinutukoy ang iba pang
kasama ni Kyla at Margel)

Margel: "Ah sila? Mga kaibigan ni Kyla. Pasensiya ka na hah, pagkarating namin sa
terminal hindi ko alam na may iba pa pa lang niyaya si Kyla."

(Habang nag-uusap sina Jerick, Margel at Kyla. Nakatingin naman si Camilla sa buong
bahay/labas ng bahay. Medyo malayo siya sa kaniyang mga kasama. Waring natatakot na agad
siya at nag-aalala. May background music na intense, nag-uusap at nagsasalita ang bawat isa
maliban kay Camilla pero ang maririnig lang ay ang intense na background music. Moment 'to ni
Camilla na nakatulala at nakatingin sa bahay ni Jerick nang biglang tatapikin siya ni Rafael.
Bahagyang magugulat at matatauhan si Camilla)

Rafael: "Camilla, ayos ka lang? May problema ba?"

Camilla: "Ah wala, wala naman. Masama lang ang pakiramdam ko. Napagod lang siguro
ako." (pero mapapatingin siya sa bintana ng bahay. Focus ang camera kay Camilla tapos sa
bintana)

Earold: "Pano, manong, sunduin mo na lang ulit kami sa Sabado. Hihintayin ka namin
hah, wala kaming ibang kinontratang drayber kaya huwag mo sana kaming kalilimutang
balikan sa Sabado."

Kyla: "Hindi mo pa ba kami papapasukin? Mahaba-haba rin ang nilakad namin


makarating lang dito."

Jerick: "Ay sige, tuloy kayo. Kayo rin, pasok kayo rito." (nakatingin sa mga kaibigan ni Kyla.
Habang papasok ay tuloy-tuloy ang daldalan at usapan nila na medyo pabulong lang kaya ayos
lang kahit halos di maintindihan dahil sabay-sabay ang kanilang pagsasalita. Hindi pa man sila
nakakapasok nang tuluyan ay lumitaw ang tiya ni Jerick na si Vianney na galing sa labas ng
bahay at saktong papasok din sana sa loob ng bahay. Napahinto siya sa may pintuan, sa tabi
ng magkakaibigan. Pinanlisikan niya ng mata ang magkakaibigan. Masungit agad ang panimula
niya na waring ayaw niyang tumanggap ng bisita.
Vianney: "Sino 'yang mga 'yan? Bisita na naman!?" (Napahinto ang bulungan ng
magkakaibigan dahil nagulat sila sa tono ni Vianney.)
Jerick: "Hindi naman sila magtatagal, tiya, 2 araw lang po sila rito."

Jerick: "Sige na, pumasok na kayo." (papasok na ang magkakaibigan sa loob) "Mang Paulo,
salamat pala sa paghatid sa kanila." (sumenyas si Jerick kay Mang Paulo na nasa malayo)

(Pagkapasok ni Jerick at ng magkakaibigan, lalapitan ni Vianney ang drayber na si Paulo)

Vianney: "Akala ko ba dalawa lang? Bakit ang dami nila?"

Paulo: "Ang akala ko rin 'yung dalawang magkapatid lang ang bisita ni Sir Jerick, hindi
ko naman alam na marami pala silang magkakasama."

Vianney: "Sa susunod, huwag ka nang magdadala ng mga dayo rito sa baryo namin!"

Jerick: "Oo, pangako, huli na 'yan. Pinagbigyan ko lang naman si Sir Jerick."

(Lalayo na si Vianney kay Paulo, nanlilisik ang mga mata. Papasok sa loob ng bahay tapos
biglang isasara niya nang malakas ang pinto.)

SCENE 3 (Setting: Loob ng Bahay ni Jerick)

Jerick: "Sige tuloy lang kayo, maupo muna kayo."

(Uupo si Camilla at Paola para mag-unpack. Si Kristine ay agad na mag-aayos at magme-make


up. Si Earold at Rafael ay mananatiling nakatayo. Si Edrhalyn ay agad na pakikialaman at
titingnan ang mga gamit sa bahay. Si Kyla at Margel ay mauupo rin, sila'y magsisimula ng
maikling kwentuhan.)

Margel: "Wow naman! Hindi ko inaasahan na malaki pala talaga itong bahay niyo, Jerick."

Rafael: "Kaya nga, maganda sana kaso nasa liblib na lugar nga lang at malayo sa ilang
mga kabahayan."

Kyla: "Ikaw, Rafael, hah. Huwag mong sabihing natatakot ka na naman!"

Rafael: "Ako? Matatakot? Hindi noh!" (tapos biglang susulpot si Earold sa likod ni Rafael at
gugulatin si Rafael. Mapapatili si Rafael at magtatawanan ang magkakaibigan. Biglang tatayo si
Camilla.)

Camilla: "Pwede ba akong maki-cr saglit?"

Jerick: "Oo sige, diretsuhin mo lang iyan, tapos sa kinakaliwa naroon ang cr namin.
Camilla: "Sige, salamat." (aalis si Camilla sa eksena)

Margel: "Sino pa lang kasama mo rito sa bahay, Jerick? 'Yung tiya mo lang ba? Wala ka
bang kapatid?"

Jerick: "Ah oo eh, kami lang ni Tiya Vianney ang nakatira dito."

Paola: "Yung patungkol nga pala sa tiya mo, ayos lang bang makituloy kami rito sa inyo?
Sa napapansin ko kasi parang hindi yata payag ang tiya mo."

Jerick: "Huwag niyo nang pansinin si Tiya Vianney, hindi lang talaga siya sanay na
marami kaming bisita rito sa bahay."

(Habang may kanikaniyang ginagawa ang lahat)

Kristine: (nag hahanap ng signal sa labas)

Rafael: (Nag seselfie)

Paola: (nakikipag kwentuhan)

Earold: ang boring naman. wala ba tayong pedeng gawin like mag swimming, mag
camping? para naman makapag enjoy tayo. sayang naman kung di natin susulitin ang
pagpunta dito.

Rafael: sabagay may punto ka dyan. What if maligo tayo sa ilog

Jerick: Tamang tama. may alam akong ilog malapit dito, kung gusto niyo maligo tayo.

(Habang nag-uusap usap, may nakasilip sa pinto. )

Maiiwan ni Kristine ang panti

Kristine: wait guys. i forgot something, babalik din ako. saglit lang to guys

(Babalik si Kristine sa bahay ni Jerick para hanapin ang panti)

Kristine: teka nasan na ba yun(kalkal sa bag) whooo….i got yahh (aamuyin)

(Habang may nasilip sa pinto. lalabas ang kamay ng halimaw)

Makakaalis na si Kristine (pasilip pa rin ang kamera)


Kristine: Let's go guys

(HABANG NAGLALAKAD PAPUNTANG TULAY)

Rafael: (Nag seselfie sa mga view together with friends) Guys come on sali kayo.

Edhralyn: i find out na maganda pala rito

Paola: True ka dyan,sinabi mo pa…

Kristine: (nagtuturo) tingnan mo yun oh

Camilla: huy tigilan mo nga yan, wag kang magtuturo at masama iyon.

Kristine: (kakagatin ang daliri)

Baylon: anukaba! Hanggang ngayon naniniwala ka parin sa mga ganyan

Camilla: alam mo… mas mabuti na yung nag-iingat no.

(HABANG NAGLALAKAD)

Kyla: malayo pa ba tayo?

Jerick: malapit lapit na tayo…

(NAKARATING NA SA ILOG)

Rafael: o my gad!!! ang ganda naman dito

Baylon: look at the place so relaxing ..perfect para mag bonding tayo.

(Ibababa na ang mga gamit. tatakbo papuntang ilog para maligo. Maghaharutan, kulitan.
Bibigyan ng exposure ang ilog hanggang sa makunan at makita sa cam ang mga tsismosang
labandera. Ang mga chismosang labandera ay nag-uusap tungkol sa mga dayo)

Blessie: Hay nako! Mga inday!!! May mga bagong dayo na naman dito.

Mary: nako may bago na namang mawawala.

Caila: Tama ka mare! Naalala niyo ba nung nakalipas na taon lang, may nawalang dayo
diba? kinaumagahan natagpuang patay lumulutang ang bangkay sa ilog…
Caare: Mukang dadanak nanaman ang dugo sa lugar natin. Kawawang mga bata… Dapat
hindi na sila pumunta dito…

(Habang nag-uusap ang mga labanderang tsismosa ay narinig ito ni Camilla at lalong
kinutuban)

Camilla: (Mas matatakot ang emosyon ng muka na may pagtataka o pag-aalinlangan kaya
makikichismis na rin siya) Ah, hi ate… Taga dito po kayo sa malapit? Wala po kasing
masyadong bahay… matagal na po ba kayo rito?

Blessie: Oo neng. matagal na kami dito…

Ella: Dito na kami lumaki. Kaya alam namin ang mga sikreto ng lugar na ‘to…

Mary: Tama ineng…kaya mag-ingat kayo…

(Napansin ni Rafael na hindi nakikisaya sa kanila si Camilla kaya lalapitan niya ito para gulatin
mula sa likod habang ang iba ay nagliliwaliw pa rin sa ilog)

Rafael: Hoy chaka! ano bang ginagawa mo jan? nandon kami oh? wag kang makinig sa
mga ate nating marites… kaya lalo kang natatakot e

Rafael: Kayo naman po mga momshie, tigilan niyo na po ang tsismisan… Yan po kasi
ang nakamamatay. Isa pa, pano kami mamamatay? E mga matcho kami oh!
(maglalalalakihan, matcho posesss at papalalimin ang boses) at magagandaaa! (boses
baklang landing landi haha) Kaya walang gagalaw samin…

(Lalapit ang iba para makisawsaw sa chika)

Paola: Anong nangyayari dito?

Rafael: Namamatay daw kasi ang mga taong pumupunta sa lugar netong sila momsh…

Edralyn: Owww! So sino kaya ang mauuna satin? wraar

Kyla: Si ateee! hahahah (gugulatin si Margel)

(Magtatawanan ang lahat)

Rafael: Guys don't mind them. anyways we’re here to relax kaya Let's Go Girl's

(Magswiswimming ang lahat)


(Ipapakita ang scene ni earold iniikot ang damit)
(Scene na nagbabasaan edhralyn at rafael)
(Scene na tumatalon sa ilog camilla)
(Kyla at margel nagtutulakan sa ilog)

(Aahon para magbihis ang lahat at babalik na sa bahay ni jerick)


(Exposure nalang ulit sa ilog para sa pagbibihis)

(Maiiwan si Kristine na nagbibihis)

Edralyn: oh Kristine tapos kana ba magbihis?

Kristine: hindi pa eh

Edralyn: o sige sumunod ka huh, mauuna nako

Kristine: o sige sige

(Exposure sa paa)

(May gumagalaw sa damuhan)

Kristine: (tingin-tingin sa paligid) sinong nariyan (2x) Edrhalyn nandyan kaba?

(Tuloy sa pagbibihis)
(Tingin sa likod)

Kristine: Guys di nakakatuwa ang biro niyo huh

(Inaayos na ang gamit)


(Biglang susugurin ng halimaw habang nakatalikod)
(Iirit ng malakas, ipapakita ang pagkalmot ng kamay ng halimaw)

(Habang naglalakad pabalik ang magbabarkada ay napansin nilang hindi nila kasama si
Kristine)

Baylon: oh teka, nasan si Kristine? bakit di mo kasama.

Edralyn: nandon. nagbibihis pa.. susunod nalang daw siya.

Kyla: oh Edralyn nakabalik na ba si Kristine

Edralyn: wala pa nga eh hanggang ngayon di parin bumabalik.

Rafael: nako edralyn puntahan mo na at baka kung ano na nangyari don.


(Pupuntahan ni edralyn si Kristine sa gubat)

Edralyn:(iirit ng malakas) ahhhhhhhhh!!!!!!!

-Maririnig ng lahat-

Camilla: Si Edralyn yun ah puntahan natin bilis

(Magugulat ang lahat)

Kyla: What the hell (gulat na gulat)

Paola: sinong walang awang pumatay kay Kristine (paiyak)

(umiiyak si edralyn kay camilla)

Rafael: anong nangyari kay Kristine, sumagot ka Edralyn….

Edralyn: (Gulong gulo)(utal-utal) Hindi ko alam(pasigaw)

Kyla: anong gagawin natin? (Paiyak)

Baylon: walang makakaalam ng nangyare

(Tatakpan ang bangkay)

(Kristine)

NEXT SCENE (Setting: Sa bahay)

(Nagkakagulo ang lahat. Hinahapo, umiiyak at takot na takot)

Edra: Umalis na tayo ditoo! Ayoko pang mamataaay! (Natatakot, naiyak)

Margel: Mabuti pa nga! Kailangan na nating umalis dito! baka isa pa saatin ang sumunod!

Camilla: Totoo nga ang sinasabi ng mga tagadito. Mamamatay tayooo!

Paola: Umalis na tayo please! (umiiyak)

(Kukunin ang mga gamit at aakmang aalis ang lahat ngunit pipigilan sila ni Jerick)
Jerick: Guys huminahon tayo! nandito na tayo sa bahay kay ligtas na kayo. Mas delikado
pa kung uuwi kayo ngayon lalo na’t malapit nang dumilim. Dito na kayo magpalipas ng
gabi at bukas na bukas ay ipakakaon ko kayo ay manong.

Earold: Tama si jerick. Mas magiging ligtas tayo kung mananatili tayo dito sa bahay.
Huminahon na kayo…

Kyla: Ate, wag mo kong iwan ha… (naiyak)

Margel: Hinding hindi kita iiwan kyla ok? wag ka nang umiyak…nandito lang si ate
(yayakapin si kyla)

(Lipat ang focus ng camera kay Rafa)

Rafael: Guy's nakita niyo ba yung sugat ni tintin, hindi ba kayo nagtataka?

Camilla: bakit? a-anong meron sa sugat ni tintin?

Rafael: Napansin ko kasi, p-parang kalmot ng mabangis na hayop o kaya ng…

Baylon: Ng ano??

Rafael: ng halimaw..

Jerick: nahihibang kana ba? walang halimaw? Okay!

Rafael: eh pano kung totoo?

Jerick: kakapanood mo yan ng horror eh

Earold: Tama na to, masyado ng maraming nangyari, magpahinga na tayo.

(Ang kamera ay nakasilip mula sa pintuan)


(Maglalatag ng kanilang higaan at mahihiga)

(Lahat ay nakahiga na at natutulog maliban kay Earold. Medyo madilim sa loob ng bahay. Patay
ang ilaw — yan ang dapat mapalabas sa scene. Ang camera ay iikot o ipapakita ang barkada
na natutulog hanggang sa makarating ang shot kay earold. Focus ang camera sa muka ni
aerold na umiiyak. Umiiyak ito sa dahil namatay ang kaniyang kasintahan na si Kristine.)

Earold: Hindi ko man lang siya naipagtanggo. Sana sinamahan ko nalang siya at di iniwang
nag-iisa sa ilog. Sorry Kristine… Sorry mahal ko…
(Si Edralyn ay palihim na nakikinig at pinagmamasdan si aerold sa likod kaya naman narinig
niya ang mga sinabi ng kaniyang iniibig na binata. Mapupunta ang pokus ng camera kay edra.
Dahil matagal na siyang may lihim na pagtingin sa binata ay sinamantala na niya ang
pagkakataong ito para makascore kay earold.)

Edra: Alam kong nalulungkot ka at namatay si Kristine. (sinasabi ito habang dahandahang
niyayakap mula sa likod si Earold)

Earold: Kristine! Ano bang ginagawa mo?

Edra: Earold, mahal pa rin kita! Hindi naman nawala yun e at alam ko rin na ganon ka sakin.
Wag ka nang magkaila! Palagi kong nahuhuling tumitingin ka sakin. Kahit si Kristine ang
kasama mo, alam kong ako ang iniisip mo. (Habang sinasabi ito ay dapat na maging
magkaharap na sila ni aerold)

Earold: Hindi totoo yan. Mahal ko si Kristine!

Edra: (Mabilis na ilalapit ang muka ni edra sa muka ni aerold) Pero Earold, ako na ang nandito.
Kailangan kita ngayon. Natatakot ako na baka mamatay ako. Earold… (yayakap ng mahigpit at
umiiyak)

Earold: (yayakap din. Patagalin ng semi ang yakapan. Semi lang ha haha.) Hindi kita
papabayaan Edra, dahil kaibigan kita…

Edra: (kakalas sa yakap at ilalapit ang muka kay Earold) Mahal kita Earold… (akmang hahalik.
Dapat makikita sa camera na parang naghahalikan. Pagnakita na sa camera na nagkiss na,
pupunta ang camera sa may unahan ng dalwang kire at doon ay makikita ang isang lalaking
nakatayo sa likod nila. Medyo malayo ang lalaki sa kanila kaya di nila naramdaman na may
kasama sila don. Madilim din yung part na kinatatayuan kaya hindi makikita ang muka nung
lalaki, si Jerick yon.)

Earold: (Itutulak ng gentle si edra, para lang matapos yung kissing scene) Mali to… Malito Edra!
Kahit wala na si Kristine mahal ko pa rin siya at hindi ko kayang magtaksil sa kaniya.

(Tatakbo si Earold sa labas ng bahay para makalayo kay edra. Naiwan si Edra sa sala.)

Edra: Earold! (Nainis. Naghawi ng buhok na naiinis. Mayamaya ay may narinig na gabog si
Edra sa may likod niya, sa kusina kaya naman pupunta siya doon)

Edra: May tao ba jan?

(Palinga linga pero walang makita.Nakaclose up sa muka ni edra ang cam. Madilim sa kusina.
Dahan dahang magsiside ang focus ng cam para makita ulit yung lalaki sa likod. titingin si edra
sa likod dahil naramdaman niyang may tao pero biglang nawala yung lalaki na si Jerick. Semi
patagalin ang tingin sa likod, palingalinga at haharap. Pagkaharap ay biglang nasa harapan na
niya mismo ang halimaw.

Edra: (Sisigaw siya ng malakas)

(Biglang mapupunta ang scene sa labas kung nasan si aerold. Focus ang camera kay aerold
dahil nagulat ito nang marinig ang sigaw ni edra. Dali dali itong pumasok at hinanap si edralyn
at natagpuan niya ito sa kusina. nakaratay, duguan at wala nang buhay.)

(Edralyn)

Earold: Edralyn? (lalapit at ilalagay sa lap ang ulo ni edra. Nag-aalala, naiiyak) Edra? Edraaa
gumising ka pleease edraaa! Anong nangyari sa? sinong may gawa nitooo?!!

(Makikita ni Earold ang halimaw na si Jerick na naglalakad galing sa isang sulok palabas o
palayo sa kanila. Normal na lakad lang.)

Earold: Hoy! Sino ka? Bumalik ka ditoo!! Bakit mo pinatay ang kaibigan ko! Hayop kaaa!
(Sinasabi habang sinusundan ang halimaw sa labas)

(Pagdating sa labas ay biglang nawala ang halimaw. Hindi na ito makita ni Earold kaya
nagsisisigaw siya at nagpalingalinga)

Earold: Lumabas kaa! Magpakita ka sakiin! Hayooop kaa!! (Sinasabi ito habang paikot ikot o
palingalinga si aerold at ang camera ay nakapokus sa muka ni earold. Dahil dito ay paikot ikot
din ang cam. Titigil sa paglinga si Earold, sa isang side lang nakaharap at nasigaw pa rin. Hindi
niya alam na nasa likod na niya ang halimaw. Hinawakan siya sa leeg nito na kaya parang
masasakal si Earold. Pero dahil sa galit ng binata ay nagkaroon siya ng matinding lakas upang
makipagbuno sa halimaw.)

(Fight scene)

(Sa huli ng pag-aaway ay matatalo si earold. Ang pwesto ay nasa baba si aerold, nakahiga sa
lupa at nasa taas ang halimaw. May hawak itong patalim at sasaksakin si earold. Dahil dito ay
napasigaw ang binata na napakalakas dahilan naman para magising si Camilla. Lilipat ang
scene sa loob na ng bahay at ang camera ay nakapokus kay camilla.

(Earold)

Camilla: (Nagising at bumangon mula sa pagkakahiga) Ano yon? (nagpalinga linga)

Camilla: Guys gising... Rafa, kyla, margel gising…may taong sumisigaw.

Rafa: (nagising) girl itulog mo na yan. guni guni lang yan


Camilla: Pero may narinig talaga ako…

Kyla: (nagising din) Camilla, wala lang yon. Wag kang matakot ok? matulog ka na.

Camilla; Pero…

(Patuloy sa pagtulog ang lahat ngunit si camilla ay hindi pa rin mapakali. Napansin ni Camilla na
wala sina Earold at Edralyn sa kawarto)

Camilla: Nasan si Earold at Edralyn? Bakit wala sila? (Mapapaisip) Hindi kaya boses ni Earold
ang narinig ko? Baka nag-uusap at magkasama sila ni Edralyn.

(Pupunta si Camilla sa sala para hanapin ang dalwa)

Camilla: Earold, Edralyn? Nasan kayo? Narinig niyo rin ba yung sigaw? Earold? Edralyn?

(May makikita si Cams na lalaki sa labas ng bahay. Akala niya ay si Earold ito kaya sinundan
niya. Papaunta ang lalaki sa gubat kaya dali daling hinabol ni camilla ang lalaki para pigilan
dahil delikado sa labas.

Camilla: Earold! Earold! Nasan ka? Bumalik na tayo sa bahay! Alam mo namang delikado diba?

May madidinig na kaluskos si Camilla sa bandang likod kaya lilingon ito. Biglang mapupunta
ang kaluskos sa harapan niya kaya ibabaling ulit doon ang kaniyang tingin. Palipat lipat ang
tunog ng kaluskos na para bang nililito si Camilla.)

Camilla: Earold ikaw ba yan? (paiyak) Pwede ba? tigilan mo na nga to! Wag ka nang matakot
dahil hindi nakakatuwa! Earold!!!

(Biglang lilitaw ang halimaw sa likuran ni Camilla mula sa dilim. Dahan dahan. Unti unti ring
humarap si Camilla sa kaniyang likod kung nasaan ang halimaw. Ang camera ay nakapokus sa
mukang takot na takot ni Camilla at dahandahang igigilid para makita ang halimaw.)

Camilla:(Sisigaw ng malakas dahil nakita na ang halimaw)

(Ang perspective na ng camera ay ang mata ni camilla. Kaya bali mawawala ang exposure ni
camilla pero sa manonood ay nandon pa rin siya. Ang halimaw ay mabilis na susunggaban ang
camera para ang dating sa manonood ay si Camilla ang inatake ng mamaw. Dahil doon ay
magblack ang camera. Tapos biglang ang scene na ay sa mga natira sa kwarto, kina Rafael,
Paola, Margel at Kyla.)

(Camilla)
(May tunog ng kadena, ungol o tunog ng halimaw)

(Magigising si Kyla)

Kyla: A-ano yon? ate? atee! Gisiiing (semi pabulong, takot)

Margel: (Magigising) Kyla, bakit?

Kyla: Ate… naririnig mo yon?

Margel: (Nagkatinginan sila ni kyla) Kyla…nandito ang halimaw…

Margel, Kyla: (tingin tingin sa paligid.)

Margel: Pola…gumising ka (sabay manggigising sii Margel at kyla)

Kyla: Rafael, gising (sabay manggigising sii Margel at kyla)

Pola, Rafael: (Unti unting magigising)

Poala: Ano yon?

Rafael: Oh my gosh! (nanlalaki ang mata, titingin sa paligid) ano yon?? (takot)
Kyla: Bakit parang nasa kabilang kwarto lang?

Margel: Oo nga…

(Mapapaisip at manlalaki ang mata ng bawat isa at magkakatinginan)

Poala: Hindi kaya nandito lang ang halimaw na pumatay kay Kristine?! Hindi kaya nagmamasid
lang siya satin?

Rafael: Teka, nasan yung ibaaaa?

Kyla: Baka nasa labas silaa! Baka mapahamak silaa! (habang sinasabi at nakaharap sa ate
nang natatakot)

Margel: Kyla wag kang matakot ok? hindi ka mapapahamak hanggat nadito ako…

Kyla: Kasalanan ko to e… Kung hindi ako nagpumilit na pumunta tayo dito, hindi tayo
mapapahamak (naiyak)

Margel: Kyla wala kang kasalanan ok? Wag mong sisihin ang sarili mo. Ang kailangan nating
gawin ngayon ay makaalis dito.
Kyla: Mangako ka ate, na hindi tayo maghihiwalay, na sabay tayong makakaalis dito…

Margel: Pangako kyla, walang iwanan (yakapan)

Rafael: Ate mangako ka, na hindi tayo maghihiwalay, na sabay tayong makakaalis dito…(ginaya
si kyla. kay paola sasabihin)

Paola: Pangako Rafa, walang iwanan (yakapan)

Margel, Kyla: (unti unting kakalas sa yakapan at titignan ang dalwang nanggaya sa kanila)

Margel: Puro kayo kalokohan…

(Semi tatawa ang apat. Bubungisngis)

(Biglang may malakas na kalabog mula sa labas. Biglang umungol ng malakas ang halimaw na
nakakulang sa kwarto)

Rafa: OMG! Ano yon? Baka nandon sila Camilla…

Paola: Sundan natin silaaa! Kailangan na natin silang makita para makaalis na tayong lahat
dito!
(Lalabas ng kwarto. Pakalabas ng kwarto ay nakita nila si Jerick na papunta sa isang silid.
Susundan at tatawagin sana nila ito ngunit napahinto sila dahil muli nilang narinig ang ungol ng
halimaw.)

Rafael: Diba si Jerick yon? Sunda natin! Mapapahamak siya…

(Sinundan nila si Jerick ngunit hindi na nila nakita. Sa pagsunod at paghanap kay Jerick ay
natagpuan nila ang isang pinto. Focus ng camera ang pinto. Doon nanggagaling ang tunog ng
halimaw. Binuksan nil ang pinto at nakita nila ang halimaw na si Dorado. Focus ang camera
mula sa sahig, dahandahang pataas hanggang makita si dorado na nakakadena at nanlilisik
ang matang nakatingin sa kanila.Biglang uungol ulit na panghalimaw. Ang perspective ng
camera ay kay Rafael. Biglang aatakihin sila ng halimaw. Mag-iiritan ang magkakaibigan na
babae. Mapupunta kay Rafael at sa halimaw ang focus ng cam dahil si Rafael ay nakahiga sa
sahig habang inaatake ng halimaw na nakaibabaw sa kaniya. Nanlalaban si Rafael. Tinulungan
naman siya nina Poala, Kyla Margel. Dahil doon ay tumakbong palayo ang halimaw.)

Kyla: Rafael, ok ka lang ba (tinutulungan tumayo)

Rafael: (emote)

(Biglang darating si Jerick na mukang normal at hindi mukang halimaw)


Jerick: (Nagmamadaling lumapit sa apat na magkakaibigan at nag-aalala para hindi siya
mahalata) Anong nangyari? Bakit kayo sumisigaw?

Margel: Y-yung halimaw… yung halimaw jerick nandito. Nandito yung halimaaw! (nauutal,
natatakot)

Poala: G-galing sa loob. Jerick nandito siyaaaa

Jerick: A-anoo?! Wag kayong matakot! Malapit nang sumikat ang araw. Malapit na kayong
makaalis dito… At yung halmaw na yon, hindi siya makakatagal sa labas dahil takot siya sa
sinang ng araw.

Rafael: Bakit mo ba kasi kami pinapunta ditoo! Kung hindi dahil sayo, hindi kami
mapapahamaaak!

Kyla: Rafael! Tumigil ka nga! Walang kasalanan si Jerick! Tinutulungan paa nga niya tayo
ngayon oh. Dapat magpasalamat ka pa dahil kung hindi, baka pati ikaw, patay na!!!

(Nagkasagutan si kyla at rafa)

Margel: Tumigil nga kayo! Wag na tayong magtalo at magsisihan! Walang ni-isa sa atin ang
may kasalanan. Ang dapat nating gawin ngayon ay magtulungan
Poala: Tama! Kaya halika naa! Hanapin na natin sila Earold para makaalis na tayo ditoo

Jerick: Tara na. Basta wag kayoglalayo sa isat isa ha

(Lalabas na sila ng bahay pero bago sila makalabas ng pinto ay makikita nila si Edralyn na
patay na)

Kyla: Edralyn? Edralllyn! (dalidaling lalapitan si edralyn, iiyak. lalapit din ang iba at magugulat)

Rafael: Omg… (halos speechless)

Poala, Margel: (Natulala, nagulat eme)

Jerick: (Hihpuin ang dugo ni edralyn na pumatak sa sahig, aamuyin) Mukang kagabi pa siya
nabiktima…

Kyla, Pola, Rafael, Margel: (emote)

Jerick: Tara na, mauubusan na tayo ng oras. Baka maabutan tayo ng halimaw.

(Lalabas sila ng bahay. Makikita si Earold na patay na rin na nasa labas ng habay.)
(pokus ang camera kay rafa)

Rafael: Earooold! (lalapit kay earold)

Jerick: (Lalapit din)

(nakatutok sa dalwang lumalapit kay earold)


(tapos pokus na sa tatlong babae)

Kyla, Pola, Margel: (Gulat, napasigaw, napatulala. Natigilan sa kinatatayuan)

(pokus kay Margel)

Margel: (natigilan) wala na sila… (naluluha)

Kyla: Ate… (Yayakap ng semi. Malungkot at naluluha din)

(Pokus sa kaekekan ni Jerick)

Jerick: (Habang tinitignan pa rin ang dugo o inaamoy o hinahawakan ang pulso. Basta parang
nichecheck) Kagabi rin siya namatay…

Poala: Isa nalang ang hinahanap natin… Si camilla

Rafael: Saan naman natin siya hahanapin?

(Makikita ni paola ang kwintas ni camilla malapit sa bangkay ni Earold. Una magpopokus ang
camera kay pola habang pinupulot ang kwintas ni Camilla at habang tinititigan ito. Pagkatapos
magiiba. Magiging perspective ng camera ang pov ni pola. Tapos ang direksyon ng camera ay
tututok sa gubat, pahiwatig na doon dapat hanapin si cams)

Poala: Sa gubat…

NEXT SCENE (Setting: Sa gubat)

(Habang naglalakad at hinahanap si cams…)

Rafael: Camilla

Paola: camilla

Kyla: Camilla, nasaan ka?


Margel: Camilaaaa

(Lahat sisigaw ng camilla)

(Madadapa si Margel kaya mahihiwalay habang patuloy na naghahanap at naglalakad ang


lahat)

Margel: (nasaktan, pinilit tumayo, tinignan ang sugat, inayos ang sarili. Dahil dito ay hind niya
namalayan na wala na ang mga kasama niya at naiwan na siya)

(Akmang tatayo na si Margel nang biglang may tumayo sa kaniyang harapan. Exposure sa paa
ng halimaw. Dahan-dahan itataas ang kamera. Ipapakita sa mukha ng halimaw. Ang camera
ang magsisilbing mata ni Margel at ito muli ang aatakihin ng halmaw. Papatayin si Margel)

Margel: ahhhhh!!!! (Irit ng malakas)

(Camilla)

(Maririnig ng mga kaibigan ang irit ni Margel kaya bigla silang matitigilan at mapapalingon
pabalik)

Rafael: Teka boses ni Margel yun ah

Kyla: Ateeee!

(Pupuntahan ng mga kaibigan)

Poala: Margel? Margeel? nasan kaaa? nandito na kami (nag-aalala, naiiyak)

Kyla: Ateeee!!

(Margel)

Rafael: Guuuuys! Nawawala na rin si Jeriick! (naiiyak, natataranta, natatakot) wala na tayong
kasamaa! umalis na tayo ditooo

Kyla: Hindi tayo pwedeng umaliiiiiiis! Nawawala pa si ate. Hanapin natin siyaa!!

Poala: Kyla tama si Rarael! Kailangan na nating umaliiis! Kung hindi tayo naman ang
mamamataay!!

Kyla: Hindi ako aalis hanggat hindi ko kasama ang ate ko! Umalis kayo kung gusto niyo pero
hahanapin ko si atee! (lalakad at muling sisigawa ng “ateee” dahil hahanapin pa rin niya ito.
Ipapakita ng cam ang pag-alis ni kyla at kapag nakatawag na ng isang “ate” pupunta ang pokus
kala rafa at pola)

Rafa, Pola: (Magtitinginan)

Paola: Hindi natin siya pwedeng iwan…(Susunod kay kyla)

Rafa: Haaaaay! Nakakalokaa! (susunod din, nagreklamo lang saglit)

(Ipapakita ng camera ang paglalakad ng tatlo habang sumisigaw at hinahanap si Margel.


Nakatalikod sila sa cam dahil naglalakad. Biglang may susulpot sa harap ng cam. Nakatalikod
din — yun yung halimaw.)

NEXT SCENE (Setting: Sa bahay)

(Bumalik ang tatlo sa bahay para kumuha ng ilang kagamitan na maaring magamit sa
pagtatanggol ng kanilang sarili tulad ng kutsilyo, tubo, malaking kahoy, etc.)

Kyla: Kunin niyo lahat ng pwede niyong kunin. Wala nang kahit isa satin ang dapat mamatay.

Rafael: Ligwak na ang beauty ko (iyak na maarteng bakla) ayoko na. gusto ko nang umuwi!

Paola: Rafael, makakauwi din tayo. Wag kang mag-alala. Basta kunin mo na lahat ng
makukuha mo jan para hindi ka mamatay! Daming arte!
Rafael: Tse. Chaka! (iyak ng semi na maarteng juding)

Kyla: Ano? Nakakuha na kayo?

Poala: Oo

Rafael: Oo. keri na ba to?

Kyla: Tama na yan. Hanapin na natin ang ate ko

Rafael: Kylaaa! Hindi mo ba naisip na baka patay na ang ate mo? Tanga ka ba? Sa tingin mo sa
lahat ng nangyayareng ito, buhay pa siya? Patay na siya kayla patay na siyaaa! Wag mong
isugal ang buhay namin ni Poala para lang sa ate mo! Kung tutuusin kasalanan niyo nga to e.
Kung hindi niyo kami isinama dito, ed sana buhay pa sila! Edi sana hindi kami napapahamaak!
Salot ka! Salot kayong magkapatiiid!

Kyla: (Sasampalin si Rafael habang naiiyak pero pinipigil lang. Galit na galit) Wag na wag mong
sasabihan ng masama ang ate ko! wala kan karapatan na astusin siya sa harap kooo! Bakit?
Pinilit ka ba naming sumama dito? Ikaw lang ang may gusto at nagprisinta sa sarili mo! Dahil
ano? Dahil gusto mong lumandeee! Dahil gusto mong mapalapit kay earooold! Tapos ngayon
para kang babaeng puta! Putak ka ng putak! Sana nga ikaw nalang ang namatay e.. sana, ikaw
nalang ang nawala kesa sa ate ko!

(Akmang magsasakitan ng pisikal ang dalawa per inawat sila ni pola)

Pola: Tama na nga yan! Ano baaa? Akala ko ba walang sisihan? Akala ko ba magkakaibigan
tayo? Pwede baaaa? Tumino nga kayong dalawa!! Hindi natin alam kung makakaalis pa tayo ng
buhay dito o hindiii kaya sana namaaan, magtulungan nalang tayo pleaseee!

Rafael: (Nagwalk out. pumunta sa labas)

Poala: Rafael!

Kyla: Hayaan mo na siya Poala. Inarte!

Paola: Pero…

Kyla: Sasama ka ba sakin o hindi?!

Paola: (Buntong hininga at sumunod na din kay kyla)

(Camera, nakapokus kay rafa. Sa may pinto, napatigil siya at napalingon sa kaliwa. Biglang
aatakihin ng halimaw. Patay)

(Rafael)

Habang naglalakad papunta sa opposite direction ni rafael ay nakasalubong nila ang tiya ni
jerick na si ate V)

Tiya V: San kayo pupunta?

Kyla: Titaaa! (medyo nakahiga dahil may kasama na ulit sila) Tita tulungan niyo po kami. Wala
na po ang iba naming kasama. Patay na po sila. (naiiyak) May—

Paola: May halimaw tita! Iniisa-isa niya kamiii

Tita V: Nasaan si Jerick? (Cold ang reply na para bang alaws pake sa halimaw. Kaya ganon
kasi alam niya na ang halimaw ay si jerick.)

Kyla: Tita… wala na din po siya. Magkakasama po kami kanina habang naghahanap sa iba
naming kasama pero bigla na rin po siyang nawala… (paiyak)
Tita V: Umalis na kayo. Umalis na kayo habang may oras pa… Hindi ko kayo matutulungan.
Ayokong mapahamak. Basta sinabi ko na umalis na kayo at wag na kayong babalik dito! (walk
out)

Kyla: Tita…

Paola: Tama siya Kyla. Hindi na natin siya dapat idamay dito…

Kyla: (buntong hininga na naiiyak) Sana matapos na to paola… Sana mahanap ko na si ate at
makauwi na tayo. Natatakot na ko… (naiyak)

Poala: Kyla nandito ako. Wag kang matakot… Ako muna ngayon ang ate mo (yayakapin si kyla)

Kyla: Salamat Paola…

(Habang nagyayakapan ang dalwa. Ang halimaw na si Jerick ay nakamasid sa kanila nang di
nila alam)

Poala: Pupuntahan ko na si Rafael. Dapat hindi tayo maghiwahiwalay para masiguro nating
ligtas ang bawat isa.

Kyla: Sasama ako. Hindi tayo maghihiwalay diba?

Poala: Pero baka pagsumama ka, hindi sumama si Rafael dahil nagtatampo sayo. Kilala mo
naman yon…

Kyla: Sigi. Hihintayin kita dito.

(Aalis na si pola at hahanapin si Rafael na noon ay patay na. Dito na din mamamatay si pola. Di
na ipapakita. Makikita nalang ni Kyla na patay na rin si Pola)

(Paola)

(Biglang may umirit. Sa direkyon kung saan pumunta si Tita V. Sinundan ni Kyla si tita V dahil sa
buong akala nito ay nasa panganib ang tiyahin, ngunit hindi)

Kyla: Tita? tita nasan ka? (Biglang susulpot sa likod ni kyla si tita v na may dalang kutsyilyo at
may dugo ang damit nito. Doon magfofocus ang cam.)

Kyla: (Nagulat) T-tita? anong ibig sabihin nito?

Tita V: Bakit nandito ka pa? Diba sinabi ko na? Umalis na kayo ditooo!
(Tumakbo si kyla palayo kay tita V. Bumalik sa dating kinalalagyan at doon ay hindi pa rin
nakakabalik si Paola kaya dumeretso na ito sa labas nang takot na takot. Doon ay nakita niyang
namatay na sina rafa at pola.)

Kyla: (Gulat malala, takot malala, iyak)

Bandang ending

(Si Kyla na lang ang natitira. Makakatakas siya kay Jerick dahil tutulungan siya ng kapatid
nitong mukang halimaw na si Paulo. Magpapambuno si Jerick at Paulo.)

(Tatakas at tatakbo na sana si Kyla pero naalala niyang nawawala pa ang ate niya. Sa kanyang
pagtakas, matutunton niya ang isang bakanteng lote/bodega. Makikita niya roon ang katawan
ng iba niyang kaibigan. Patay na sila. Subalit matatagpuan niya ang kanyang ateng si Margel
kahanay ng mga bangkay. Pinulsuhan niya ito, may buhay pa, at pilit na inakay upang
maitakas.)

(Muling susuungin ang masukal na gubat. Makakasalubong ang drayber na si Paolo. Muling
nabuhayan ng loob si Kyla dahil ligtas na sila ni Margel. Gulat na gulat naman si Paolo nang
makitang duguan ang magkapatid.)

Paulo: "Ma'am Kyla! Anong nangyari sa inyo? Bakit kayo duguan? Nasaan na ang iba niyo pang
mga kasama?"

Kyla: (umiiyak) "Wala na sila! Patay na silang lahat! Umalis na tayo rito!"

Paulo: "Tara na, tara na po sa sasakyan."

(Bahagyang mauuna sa paglalakad si Kyla habang akay niya si Margel. Hahampasin siya sa
ulo ni Paulo. Mawawalan ng malay tapos blackout.)

(Magigising si Kyla at Margel. Nakagapos ang dalawang magkapatid na babae (Kyla at Margel)
parehong duguan. Nasa loob ng isang may kadilimang kwarto. Umiiyak ang nakababatang
kapatid (Kyla). Ipakikita na ang mukha ng 2 babae.)

(Maya-maya ay may maririnig silang yabag ng paa na palapit sa kanila. Lumapit ang isang lalaki
(Jerick). Ipakikita na ang buong mukha niya. Pagkakita sa kanya ay sisigaw ang nakatatandang
kapatid na babae (Margel).

Margel: “Ikaw! Ikaw pala ang pumapatay! Halimaw ka! Halimaw ka!” (umiiyak na pasigaw,
magkahalong takot at galit)

(Hahalakhak ang nakakatakot na halimaw (Jerick), gamit ang kamay na may matitilos na kuko,
kakalmutin na sana niya si Margel nang biglang lumitaw si Tiya Vianney, tatadtarin niya ng
saksak si Jerick habang binabanggit ang mga katagang "Hindi ko na hahayaang marami ka
pang mabiktima! Ngayon pa lang tatapusin ko na ang kasamaan mo!"

You might also like