Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Subingsubing, Ian L.

November 24, 2021


BSIT III A GEC – KAF
Gawain A
Panuto : Tukuyin ang teknik na angkop gamitin sa mga sitwasyong ibinigay. Ipaliwanag
ang iyong mga sagot.

1. Pagbasa sa notes na isinulat ng guro sa pisara.


Basang – Tala, dahil kapag binasa mo ang mga sinulat ng guro na nasa pisara ay
nakakatulong at sa iyong pagsusulat. Ito ang nagsisilbing reserba dahil ang iyong
mga sinulat ay makikita mo lang sa iyong kwaderno.

2. Pagbasa ng iba’t ibang aklat na gagamitin sa pananaliksik.


Pamuling – basa, dahil sa pananaliksik dapat paulit-ulit basahin ang aklat upang
maintindihan mo ang nilalaman nito. Sa pananaliksik, ay dapat binubusisi ng
mabuti ang mga katibayan, impormasyon.

3. Pagbasa ng isang nobelang batayan sa gagawing pagsusuring pampanitikan.


Komprehensibo at Kritikal, upang maintindihan ang isang nobela ay dapat ay
binibigyan ng atensyon sa pagbabasa.

4. Pagbasa ng isang magasing nakita sa isang magazine stand.


Kaswal o Kritikal, dahil sa pag babasa ng magazine ay pweding maging gamitin
para dagdag impormasyon at nalalaman, pwede din itong gamitin para matuklasan
mo ang ideya na ugnay sa paligid, sosyal o kultural.
Gawain B

Harassment
Ni: Eros Atalia

“Yes dean. Lumalabas-labas kami, pero para magkape lang. Magkaibigan lang talaga kami. Wala
kaming relasyon.” Naiiyak na pahayag ng propesor. “You know that girl dean... her reputation. I
don’t think sexual harassment na ‘yun.”

“I’m warning you... hindi na dapat maulit ito. For now, verbal warning lang. Next time. I’ll see to
it, it will be included in your 201 file.” Paliwanag nito habang pulang-pula ang mukha. Walang
kibong lumabas ang propesor. Tumigil sa pintuan. Nilingon ang kanyang dean. Umiling-iling ito.
“Thanks anyway, dean.”

Sa pag sara ng pinto, muling binalik-balikan ng dekano ang complaint letter ng estudyante.
Pinindot niya ang speaker phone. Sinabihan ang secretary na papasukin ang complainant. “Will
you still pursue your complain? If not, sisirain ko na ‘tong sulat mo. Baka may makabasa pa nito,
kawawa naman ‘yung tao.” “I told you, dean. Kung siya na wala kaming relasyon, nagawa kong
ireklamo, and I can even unmake him... ikaw pa? two nights sa akin, the rest sa wife mo, okay
na ba ‘yun?”

Sagutin ang mga katanungan:

1. Pumili ng dalawa sa anim na kahalagahan ng pagbasa na sa tingin mo ay angkop sa


binasang teksto. Ipaliwanag ang sagot.
a. Maimpluwensiyahan nito ang aking saloobin sa iba’t ibang bagay at tao. Sa pagbasa
ng tekso, ito ay maiimpluwensiyahan ang aking mga saloobin tungkol sa panliligalig
b. Ito ay nakakatulong sa mga suliranin at ng mga tao para malutas.
2. Anong teknik ng pagbasa ang ginamit mo? Pangatwiranan.
Pamuling Basa, dahil sa paulit-ulit ko itong binabasa at dahan dahan ko itong
naiintindihan ang mga paksaAno ang realisasyon o napagtanto mo matapos basahin ang
seleksiyon? Ipaliwanag ang sagot.
3. Ano ang realisasyon o napagtanto mo matapos basahin ang seleksiyon? Ipaliwanag ang
sagot.
Ang tao ay may kataingiang hindi talaga mawawala at iiral parin ang nasa isip kahit ito ay
masama at dapat talaga na hindi magdalawang isip isabi ang nasasaloobin. Dapat
lakasan ang loob sapagkat kung takot ang umibabaw sa iyo, hinding hindi mo talaga
gusto ang mga posibleng mangyari sa iyo.

Gawain C
Panuto: Tukuyin kung nasa anong hakbang sa proseso ng pagbasa ang ipinahihiwatig sa
sumusunod na mga pahayag:

1. Napansin kong mali ang ispeling ng ilang salita sa talata.


- Reaksiyon o paghahatol ng kawastuhan, kahusayan at halaga ng tekstong binasa
2. Nabibigkas ko ang mga salita subalit hindi ko nauunawaan ang mga ito.
- Persepsiyon o pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo
3. May nabasa na akong kuwento na kagaya nito.
- Asimilasyon o integrasyon ng binasang teksto sa mga karanasan ng mambabasa
4. Nakuha ko ang mga nais sabihin ng mag-akda.
- Komprehensiyon o pag-unawa sa kaisipang nakapaloob sa mga nakalimbag na simbolo
5. Nagagandahan ako sa pagkakalahad ng kuwento sapagkat ito ay naiiba.
- Reaksiyon o paghahatol ng kawastuhan, kahusayan at halaga ng tekstong binasa
6. Hindi pamilyar ang ilang mga terminolohiyang ginamit.
- Persepsiyon o pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo
7. Malinaw sa akin ang mga inilahad na impormasyon.
- Komprehensiyon o pag-unawa sa kaisipang nakapaloob sa mga nakalimbag na simbolo
8. Hindi kapani-paniwala ang ilang mga inilahad sa teksto.
- Reaksiyon o paghahatol ng kawastuhan, kahusayan at halaga ng tekstong binasa
9. Naranasan ko na ang mga pinagdaanan ng tauhan sa nobela.
- Asimilasyon o integrasyon ng binasang teksto sa mga karanasan ng mambabasa
10. Masasagot ko nang tama ang mga katanungan tungkol sa nilalaman ng teksto.
- Komprehensiyon o pag-unawa sa kaisipang nakapaloob sa mga nakalimbag na simbolo

You might also like