Professional Documents
Culture Documents
Isang Buwan Ni Malditang Sabrina
Isang Buwan Ni Malditang Sabrina
Isang Buwan Ni Malditang Sabrina
“Napaka maldita mo talagang bata ka!Diyos ko alam mo bang lagpas isang libo ang
nagrereklamo sayo sa isang taon” ngumisi naman ako bigla,nakakaproud kaya na may
isang libong reklamo na sakin. Nakukuha ko ang atensiyon nila.
“Papa paulit ulit niyo na lamang po sinasabi yang problema ng bansa na dapat ay hindi
ko naman pinoproblema pakielam ko po ba don?” naiinis kong sabi at kita ko naman
ang lalong pagtalim ng mata ng aking mata ang pagkunot ng noo niya saakin.Halata
naman na galit siya sakin.Parang di nako nasanay lahat naman ayaw sakin,galit sakin.
“Hanggang ngayon ay hindi mo parin ako naiintindihan Sabrina!” inis nitong bulyaw
nanahimik naman ako. “Mabuti pa si Serena,tignan mo at nakakatulong sa atin!Doktor
na! eh ikaw!”napupuno na ang ulo ko sa galit.Kinukumpara na naman ako sa kapatid ko
sabihin na nating anak sa labas.Oo anak sa labas!Nagkaroon ng anak yung kabit ni
Papa at si Serena ang bunga!tapos namatay yung nanay ni Serena hindi niya ito
nasisilayan.
“Sinabi ko na bang sayo na dapat tayo ay may alam sa mga nagyayari sa ating bayan
ngayon,bata ka pa Sabrina may magagawa ka tungkol dito,pwede ka tumulong sa kung
ano anong proyekto.Yun na lamang maitutulong mo sa gobyerno at lipunan hindi mo pa
magawa”nag init naman ang dugo ko.Hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang
sasabihin ko dahil sa puntong iyon ay lahat ay totoo wala akong nagagawa. “Pareho
natin alam Sabrina na nakatapos ka bilang lawyer anong nagyari sa pangarap mo hindi
pwedeng hindi mo tutuparin yun, hindi pwedeng nakaasa ka lang sakin..”ayan na
naman sa pagiging Lawyer ko eh sa ayaw ko kumuha ng bar exam.
“Hindi ka parin talaga natututo Sabrina”nakakainis pano bako matututo kung laging
negosyo,negosyo tapos “Pano ako matutuo kung laging sermon sermon!
Nakakasawangcpakinggan”inis kong sabi,talagang nakakabored nasa bahay.Noong
nagkatrabaho naman ako dumagdag pa tong si Sir Asrael na ubod ng sungit at
sumbungero pa.
“Papa mawawala po ako dito ng limang buwan..ayuko po” inis kong sabi.
Lalo naman nag init ang bait ko..bwiset simula na ng kalbaryo ng isang buwan ko
bukas…AYUKO NA!!!
“Eh ang baho duon!!”naiinis kong bulyaw sa kanya.Napakunot noo naman ito na tanda
ng pagkainis nito,pero mas inis ako sa kanya!!Dinala niya ko sa iskwater!
“Naglilinis tayo ng ilog pasig at parehas nating alam na mabaho rito dahil sa mga
basura…Wag ka nang mag inarte diyan at maglinis ka na!”wala na naman akong
magagawa kundi ang kumuha ng sako at naglimot limo ng kalat yung ilan sa katulong
naming sa proyektong:HALINA’T ILOG PASIG AY LINISIN ay lumulusob na sa tubig
halos lahat sila ay basa na maliban sakin na nasa Bangka kaya nabubulyawan. Maarte
kong pinulot ang plastik na naglutang sa tubig nakakasulasok ang amoy dito at siyaka
ang init masusunog nito ang maganda kong balat.
“Errr nakakainis may pa parusa parusa pang nalalaman!!!”naparusahan kasi ako dahil
sa masama kong ugali na pinaboran naman ata ng Papa ko.Inerereklamo na kasi ako
kasi daw napakamaldita ko kasalanan ko ba yun eh sa ayuko sa kanila tapos ang
papangit nila.Madami nakong nakakaaway na mahihirap diyan miski mayayaman kaya
heto ako ngayon.
“Kumusta naman ang naging araw mo?”talagang nagagawa niya pa kong tanungin ng
ganiyang bagay..Aba’y magaling!
“Hindi ba halata Asrael!! Pagod na pagod ako at diring diri na sa amoy ko”inis kong
bulyaw sa kanya.Pagod na pagod ako sa ginawa ko ngayon,uminit pa ang dugo ko ng
matanong tanong niya ko ng ganyan.Gustohin ko man na makauwi agad at mahiga na
sa kama ay matagal tagal pa!Sobrang trapik!
“Tss.Nga pala may pupuntahan tayo bukas”na naman! Saan na naman kayang iskwater
ako dadalhin ng isang ito. “Oo na ihatid mo na lang ako sa bahay”hindi ko na kayang
makipag away sa isang ito.Sobra nakong pagod para doon. Inaantok ako! ang talukap
ng mata ko ay pabigat ng pabigat hanggang sa sumara na ito.
“Aba himala yata yang pasasalamat mo..umuwi ka na” agad naman akong tumango at
pumasok na sa gate namin.Agad naman ako binati ng nagbabantay duon sa gate dire-
diretso akong pumasok sa loob ng aming bahay.Nakita ko naman agad ang aking ama
na nakaupo sa upuan sa sala tila inaantay ako.
“Tats ano po bakitpupunta ako ng probinsya? Ayuko ko po dun dito lang ako sa
Maynila” naiinis kong sabi.
“Sabrina alam mong buo na ang desisyon ko sasama ka kay Asrael sa probinsya at
nga pala naka impake na ang gamit mo at bukas na din ang alis mo”alam kong wala
akong magagawa sa desisyon na isinisasagawa ng aking ama. Umakyat na lamang ako
sa aking kwarto at duon nag mumuni muni.Sandra Gomez kilala bilang
mataray,mayaman,walang modo,maldita pero ang hindi nila alam na ang tungkol saakin
ay may kinakatakutan at kahinaan rin ako.Paulit ulit na gumugulo sa sistema ko ang
lahat na ng yari sa nakaraan ko. Kinakatakuan kong malayo sa bahay na
ito,nagpapaalala sa akin ng aking ina.Kahinaan ko ang aking Ina at iyon ang hindi nila
alam.
Higit Limang taon na ang nakakalipas ng aking ina ay mamatay.Namatay lang naman
aking ina dahil sa matinding depresyon.Isang guro ang aking ina alam kong nais niya
ang ganoong trabaho pero talagang nakakapagod ang pagtuturo kaya minsan ito ay
mainit ang dugo,nagagalit pero naiintindihan ko yun.Pero isang araw nadagdagan ang
pagod na mayroon ang aking ina,nagkaroon siyang matinding problema sa eskwelahan
siya ay sinisi ng mga magulang kaya nasaktan ang isang bata duon.Aking ina ay
problemadong problemado na baka makulong siya hanggang may dumagdag nang
muli.Nagkaroon ng kabit ang aking papa,dumating pa sa puntong gusto niya na kami
iwan.Hindi na naming alam ni inay ang gagawin lalo na siya na sobrang daming
problema.Hanggang sa dumating na nga araw na napagod ang katawan niya,napagod
ang isip niya,napagod ang puso niya.Napagod na siyang mabuhay.Kakauwi ko lang
non galing sa eskwelahan para ibalita na makaka graduate nako ng highschool…
makakatapos nako pero ang masakit na katotohanan naubutan ko si Ina na nakasabit
sa aming kisame. Isang sulat ang iniwan niya sa akin.Hindi ko alam nuon ang gagawin
ko lalo na’t wala ang aking papa.Iniyak ko na lang ang lahat..iniyak ko na lang at
pinagmasdan ang nakakaawang muka ng aking ina.
Tuwing naaalala ko ang masakit kong nakaraan,hindi nawawala yung sakit at puot
sakin lalo na ang pagka galit sa aking papa.Kung naroon lamang siya nung panahon na
may problema si Ina edi sana buhay si Ina ngayon.
“Ano nanaman ang kailangan niya saakin?”napakibit balikat na lang ang kasambahay
namin sa tanong ko.Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod sa baba para
harapin ito.Naabutan kong magkausap si Papa at si Asrael.
“Oh ayan na pala si Sabrina maupo ka at kumain”naupo naman ako sa upuan kahara
ang hapag kainan naming.
“Sabrina ako ang humingi sa Papa mo na kung maari ay ngayon na tayo aalis sapagkat
matatraffic tayo sa daan”dahil alam kong wala akong magagawa ay kumain na lang din
ako.Pagod man ang katawan pero kailangan koi to dahil sa kagagahan kong ginagawa.
Nang makakain ako ay nagbihis at kinuha ko na ang mga gamit ko,nagdala naman ako
ng unan dahil alam kong mahaba ang byahe.Nungbumaba ako ay inaabangan ako ni
Papa sa salas. “Sabrina mag-iingat ka wag mong pasakitin ang ulo niyang si
Asrael”yung totoo?Sino ba talaga yung anak ni papa ako, o si Asrael?
“sige po,mag ingat rin kayo”sa kabila ng galit ko sa Papa ko hindi parin mawawala yung
pag-aalala ko dito.Masakit man ang kahapon pero si papa ang mayroon ako ngayon at
ayukong maiwan mag isa.
Kabanata 2:Paglalakbay
“Sabrina anong gusto mong pagkain?”tanong ni Asrael sa akin. Tinuro ko na lang dun
sa menu ang pagkain nakakainin ko.Nandito lang naman kami sa Jollibee upang
kumain. Naupo na lang ako dun sa labas malapit sa sasakyan niya ng may lumapit sa
aking bata madungis,palaboy ata.
“Hi Binibini”nagulat naman ako sa bigla nitong pagbati niya saakin. Binibini mayroon pa
palang gumagamit nito. “Ano naman ang kailangan mong bata ka!”masungit kong
sabi rito,kita ko naman na nagamba siya saakin.
“Hala tinatanong ko lang kung anong kailangan?”sabi ko dito at kita ko naman ang
muka noong batang natakot nga ata saakin.
“Hindi ko siya girlfriend yan at sadyang masungit yan ano bang gusto mo?”napatingin
naman ako kay Asrael na mahinahon kinakausap yung bata.Napairap na lang at
napahigab ako sa hangin.Talagang nag aaksaya siya ng oras para sa batang iyon.
“Gusto ko pong magkaroon ng pera may sakit po si mama andito po ako ngayon para
mamalimos”napatingin naman ako sa bata na seryosong seryoso.Sa kabila pala ng
mga masisiyahin niyang mata ay ang malungkot niyang buhay.Tila tinusok ang puso ko
sa kinukwento ng bata.
“Ako po si Popoy ..walong taong gulang kasalukuyan po akong hindi nag aaral dahil sa
kahirapan napagdesisyonan ko pong magtrabaho na lang pero wala pong may gusto
sakin kaya heto po ako ngayon nanlilimos palaboy,sobra pong hirap ng buhay lalo na
po at wala kaming pera tapos maysakit po si mama”parang tinarakan naman ng
sampung karayom ang puso ko.Ay nako Sabrina pinaiiral mo na naman ang kaartehan!
“Ohh umuwi ka sa inyo eto isang libo yan ah! Tapos eto gamot toh sa ubo,sipon at
lagnat sana makatulong yan”tila lumiwanag ang paligid at nagdilang angel ang isang
Asrael aba akala ko hindi yan marunong ngumiti.Biruin ninyo!
“Sabrina oh kainin mo na yang pagkain mo”inabot nya sakin yung pagkain pagkaratig
naming sa kotse.Tapos kumain na lang ako nakakagutom mag antay sa kanya.
“Edi pahihirapan mo nga ako” sabi ko dito. “Hindi naman mahirap mamuhay sa mga
bukirin kasi alam mo nakakaginhawa yun sa pakiramdam at siyaka para malinawagan
yang pag iisip mo”sabi niya. Hindi na lang ako nagiimik at baka may kung ano pa akong
masabi na ika badtrip ni Asrael. Makaraan pa ang ilang oras lalo ako naiinip.Wala ako
kamalaymalay kung nasaan na kami.
“Nasa bayan tayo ngayon ng Mabini…”sabi niya at binaba ang mga bagahe naming
sinalubong ako ng sariwang hangin.Hindi ko alam kung ano bang barangay toh..pero sa
pagkaalam ko liblib at puro puno sobrang tahimik,malayong malayo sa magulong buhay
sa Maynila.
“ay buti na nga lang ho at nakauwi rin ay kay tagal tagal din”tuwang tuwang sabi ni
Asrael duon sa matanda. “Aba apo ay sino naman aring magandang dilag?Iyan ga ay
iyong naiibig?”bakit lahat na lang ng makakasalumuha naming tinatanong kung
kasintahan ko tong si Asrael.Sabagay sa ganda ko ba naman!“Hindi po ah! sekretarya
ko sa Maynila ipinagsama ko po”kita ko naman na tumitig sakin yung matanda at iniwas
rin. “Abay magandang bata hindi mo ligawan”sabi noong matanda. “Naku!!eh hindi ko
naman po yan tipo”sa ganda kong toh! Hindi niya ko gusto.Shocks!!nakakainis talaga
tong si Asrael.
“Shh aba ang laki mo na Uno”nagawa niya pang hawakan samntalang ako ays!Hindi ko
kaya!Feeling ko mapapatay ko yung aso pag hinawakan ko.
“ah opo..nga pala Lola asan ho si Lolo”tanong nito sa lola niya. “ah eh nasa mais-san
alam mo naman ang isang iyon”natatawang sabi ng kanyang lola. “Oh siya pumasok
kayo at mag merienda mahabahabang byahe rin tinahak niyo”sabi ng kanyang lola at
pinagbuksan kami ng pinto.
Kabanata 3:Komento
“Hija wag na ako na!Mahaba ang naging byahe mo ako na,magpahinga ka na lamang
oh kaya ay doon ka sa labas at namnamin mo ang ihip ng hangin” napatango na
lamang ako at lumubas at pumunta ng kanilang Tirasa. Naupo ako sa upuang kahoy
doon at ang ihip ng hangin ay tumama sa aking balat,ganito pala ang hangin sa
probinsya.Dahil sa mataas ang kinatatayuan ng bahay nina Asrael ay malamig ang
simoy ng hangin.Napatingin na lang ako sa karatig na bayan sa baba na kita.Halo
halong kulay na nagdadagdag ng ganda ng kalangitan at buwan.
“Sabrina may problema ba?kanina ka pa tulala ah”napatingin naman ako kay Asrael na
lumabas sa pinto. May dala itong isang baso ng gatas. “Wala naman may iniisip
lang”sabi ko. Kasi tooo naman iniisip ko kung anong mga pwedeng mangyari. “Wag mo
masiyadong isipin kung pano ka matututo tungkol sa moral na kaalaman,ang bagay na
yan ay mas magandang galing sa puso” tama siya dapat ay inenjoy ko ito pero may
bumabagabag sa puso ko hindi ko alam.
“Ang nakaraan ang nagdala sayo sa hinaharap”madiin kong sabi sa kanya. “Oo nga
ang pinupunto ko ay wag mo ikulong ang sarili mo tahimik na ang mama mo sa
langit..at alam kong hindi niya gusto ang ginagawa mong pagkulong sa sarili mo sa
nakaraan”natahimik naman ako.May punto siya sa sinasabi niya.
“Wag mo na pakaisipin yuon eto gatas”inabot niya sa akin ang gatas. “salamat”mahina
kong sabi. “Ano paki ulit?Hindi ko narinig eh”napasimangot naman ako dahil ngising
ngisi siya. “Baliw ka!Wag na!”naiinis kong sabi at inirapan siya. “Yan!!oh ngumingiti na
siya…Ngiti ka lang lagi”sabi niya pero inirapan ko siya.”Hindi kita gustong istress pero
Sabrina anong balak mo sa report ?”tanong niya. “Hindi ako magrereport kay Papa
lahat ng kwento at problemang kinahaharap nalaman ko ay isusulat ko at gagawing
libro”simple kong sabi dito at kita ko ang pag ngiti niya.
“Ano naman ang nginingiti mo!”naiinis kong turan sa kanya.Napailing-iling na lang siya
sakin.
Nagpunta muna akong kusina para hugasan yung baso at para narin uminom ng tubig.
“Sabrina..”si Lola Luciana ,napatingin naman ako kay Lola Luciana. “Bakit
po?”natanong ko. “Yung tutulugan mo ay sa ikalawang palapag sa kaliwa pangtatlong
pinto”napatango naman ako sa sinasabi ni Lola. “Maiwan na kita,maykailangan ka ay
nandoon kami sa sala nanunuod ng TV”nasabi ni Lola.Dahil hindi pa ako inaantok ay
sumunod ako kay Lola na sa Sala at nanunuod ng balita.Nandoon si Asrael at Lolo
Luciano.Naupo ako sa isang espasyo ng upuan. Nanonood sila ng balita.Biglang
lumabas ang tungkol sa presyo ng gasolina na tataas ng dalawang piso.
“ay diyos ko!tataas na naman ang gasolina malaki na naman ang magrereklamo
nito”napangiti naman ako sa muka ni Lolo Luciano sakabila ng kulubot kulubot na balat
ay ang masiglahin nitong pangangatawan at pagkatao.Pagkatapos ng balitang iyon ay
ang iba’t ibang banggaan sa daan,sa mga batang ibinubugaw,Hazing at ang
problemang naging suki na ata ang pahayagan ang Drug addiction,at marami pang
iba.Pero isa ang pumukaw kay Lola Luciana ay ang pagtaas ng bilihin at lalo na ang
dilatang pagkain.
“Paniguradong doble pa ang presyo niyan sa mga tindahan”si Lola Luciana. “Kawawa
naman ang mga pamilya na umaasa na lamang sa mga dilatang pagkain”si Lolo naman
ang nagsalita.Nakapagisip isip naman ako..paano nga yung mga ganoon?Anong
ginagawa nila.
“May tanong po ako sa tingin niyo po ano pong ginagawa ng mga taong hindi na po
nakakabili ng pagkain?”napatingin naman sakin silang lahat. “Sabrina malamang
mamatay sa gutom”sagot ni Asrael,hindi naman siya ang tinatanong ko sagot ng sagot.
Kabanata 4:Kalikasan
“Naku kung nakita mo lang ang muka mo Asrael muka kang musmos na bata na
inagawan ng kendi”tuwang tuwang sabi ni Lola…Napailing na lang si Asrael.
“Oo nga ang kaso ay hindi ako makakapunta…maliliyo lamang ako doon si Asrael at
eto na lang si Sabrina”nagulat naman ako sa sinabi ni Lola,ngayon lang ako gagala sa
Mabini ah.Hindi naman kasi nagyaya itong si Asrael balak ata akong ikulong dito sa
bahay nila.
“Ahm Lola ano pong koneksyon noong malamig ang kamay sa pagpupunla?”natanong
ko. “Sabrina ang paniniwala namin madaling mabubuhay ang halaman sa malamig na
lugar at kapag malamig ang kamay mo ay mabubuhay ito”ngayon ko lang yun nalaman
ah!Napatango tango naman ako.
Nang matapos ay gaya kagabi ay si Lola uli ang nag hugas ng mga plato at kami
naman ay aalis ng bahay.Naligo muna ako at nagsuot ng short at simpleng damit.
“Pupunta muna tayo sa covered court”napatango na lang ako.Inaakyat namin ang
kalsada ngayon ang tatarik.Pagdating namin doon sa may puno ng manga tapos may
upuan sa ilalim noon mayroong mga tao na nagwawalis nagkakape doon sa ilalim. “
Asrael!Nakauwi ka na pala!Kamusta ang Maynila magulo parin ba?”may bumati sa
kanyang binatilyo pinsan niya siguro ito. “Wala paring nagbabago sa Maynila
pinsan”tama nga ako pinsan niya ito. “Aba! Asrael kasintahan mo ba iyang kasama
mo”yung nagwawalis na babae. “Hindi po siya ho ay sekretarya ko”sabi nito sa mga ito.
“Pwedeng ligawan?”natanong ng pinsan niya,binatukan naman sni Asrael ito. “Baliw
ka!”sabi ni Asrael. Nagpaalam siya at may inakyat pa kaming isang daan pataas.
Sabrina nasa bundok ka!Wagmaarte!“Yan ang aming covered court”tinuro niya ang
covered court na may mga kabataan na naglalaro.Ang aga naman nila!“Tapos ayon ang
Barangay Hall namin tara!”anyaya niya sa akin.Inakyat namin yung hagdan doon
patungo sa Barangay hall. “Kita mo yang mga establisyamento diyan ayan ang
bayan…”ang ganda ng tanawin mula dito.Mataas kasi ang tayo ng Hall.”Tapos itong
nasa baba ay ang aming maisan lupa yan ni Lolo”sabi niya na tinuturo ang malawak na
lupa sa baba. “Oy Asrael andito ka pala!”may matandang lalaki ang bumati.Mayhawak
itong isang halaman nakapaso na eh. “Ano ho iyan?”tanong ni Asrael. “Itatanim ko
diyan sa tabi ng inyong maisan pano ay pinutol namin iyong puno sa papunta sa Garcia
ay dito ko muna ilalagay.”sabi noong matanda.”Oh sige po!”sabi ni Asrael. “Ganyan dito
sa amin pinapalitan angmga punong pinutol mahalaga masiyado ang puno
dito”napahanga ako ng Sitio na ito.May pagpapahalaga sila sa kalikasan.
“Oh ano na naman ang kinabubusangot ng muka mo”kunot noo niyang tanong
sakin.”Kailan mo pa ako naging sekretarya? kahapon ka pa ah!”naiinis kong turan sa
kanya. “Simula noong inaway mo ang sekretarya ko ay nawalan ako ng sekretarya
ayaw na doon,kaya ikaw muna kasalanan mo iyon”napabusangot naman ang muka
mo.Talaga lang ha!Sumusobra!Inirapan ko na lang siya dahil wala akong makapang
isasagot sa kanya.
“eh ano bang kailangan mo hijo?”natanong noong si Manang Yuri kay Asrael. “May
itatanong lang po ako…Ano po para sa inyo ang problema ng lipunan na dapat
solusyonan”tanong ni Asrael.Teka lang wala sa plano namin ang magtanong dito.
“Manang maraming salamat po,sapat nap o ang naibigay niyo sa amin maraming
maraming salamat po”si Asrael na nagpapaalam na.Madami na an kinukwento si
Manang Yuri at inabot na kami ng magtatanghalian.
“Saan ba kayo nang galing?”si Lolo Luciano na tinatanong ata kami ni Asrael. “Ipinasyal
po ako ni Asrael dito tapos pumunta po kami sa bahay ni Manang Yuri”ako na ang
sumagot.”Ahh kanina pa kayo hinahanap ni Luciana”sabi ni Lolo.”Ah ganoon po ba
pasensiya na po”nasabi ko na lang.
“Nandito na pala kayo,kumain na kayo tapos pumasyal kayo sa bayan tapos pumunta
kayo ng palengke at bumili ng kakaininan natin bukas tapos abangan niyo ang pailaw ni
Mayor”nasabi ni Lola na naghahain na ng pagkain. “Ah sige po”simpleng sagot ni
Asrael. Kagaya ng nakagawain nila ay nagdasal at nagsalu-salo kami sa
pagkain.Pagkatapos noon ay pumayag si Lola na ako ang maghugas ng plato dahil sa
mananahi pa siya.
Kabanata 6:Eskwelahan
“Eto ang eskwelahan ko noong nasa elementarya pa ako”tinuro niya ang eskwelahan
na malaki pero mas malaki ang mga eskwelahan sa Maynila.Alas tres na ng hapon at
nagsisilabasan na ang mga bata.Habang naglalakad kami papunta sa loob ay binate
kami ng tagapag bantay.
“Kamusta na mang Pito?”bati ni Asrael. “Eto Asrael maayos naman patuloy naglilingkod
sa eskwelahan”sabi noong si Mang Pito. “Mabuti naman po at maayos lang kayo
matagal tagal din po akong hindi nakapunta dio pwede po ba kaming
pumasok?”natanong ni Asrael. “Oo pwede dahil labasan din naman ng mga bata,at
siyaka nagsipasok na din ang mga magulang”sabi noong Mang Pito.”Sige po
salamat”pumasok na kami sa eskwelahan niya.
Nauuna siyang maglakad pero may narinig akong nagsisisgawan sa isang silid at
mayroong humikhikbi tila umiiyak. “Asrael teka lang”hinila ko siya sa braso at dinala
siya doon sa kung saan nanggagaling ang mga hikbi at sigaw. Idinikit ko ang tenga ko
sa pinto doon.
“Anong nangyayari dito?”natanong ko..kita ko naman kung paano napalitan ang galit sa
mata nila ng takot at kaba. Yung batang umiiyak ay patuloy sa paghikbi. Nang tingnan
ko ang batang umiyak ay nakahawak ito sa kanyang buhok,napagtanto kong ginupitan
siya ng buhok.
“Sino po kayo?”natanong noong batang babaeng sumisigaw. “Bakit sino ka bang bata
ka?Para manakit ng iba sa tingin niyo ba ay tama iyan ha”mataray kong sagot dito.Kung
mataray siya mas mataray ako. Talagang nasasalamin ko ang sarili ko doon sa bata
kasi pinaikot nito ang mata niya at inirapan ako. Aba’t naku!
“Tatawag lang ako ng guro dito diyan ka lang bantayan mo ang mga iyan”bulong sakin
ni Asrael. Umalis na ito at ako nanatili doon sa pinto. Nakita ko naman na mukang
nagpaplano ang apat na batang babae para tumakas.”Wag kayong magkakamaling
gumalaw diyan…lawyer ako pwede ko kayong ipadala sa DSWD at kung wala kayong
balak sumama doon ay ang magulang niyo ang ikukulong gusto niyo iyon?”pananakot
ko sa mga ito,kaya natigil ang kanilang pagdidiskusyon. Napailing sila sa akin. “Ayaw
niyo pala eh!Manahimik kayo diyan”sabi ko at tinulungan ko yung batang babae na
umiiyak.
“Tss.”narinig ko ang singhal ng batang babae na mukang lider nila.Eh kung ibalibag ko
kaya itong bata.Mataray ah! Kalma Sabrina bata yan!Parang hindi ka ganyan ah!
“Dito po Ma’am”narinig ko na ang boses ni Asrael na kasama ang dalawang guro.agad
naman napatingin sa aming direksyon ang guro. “Naku po ano nangyari sa inyo?”agad
na pumasok ito sa silid at mukang gulong gulo sa nangyayari. “Narinig ko po dito na
may sumisigaw at siyaka po umiiyak kaya ko po binuksan ko tapos eto na po ang
tumambad sa amin”pagpapaliwanag ko.
“Alyssa ikaw ba ang pasimuno nito,abay pagkasutil mong bata.Hala tara sa guidance
office,kanina lang ay inereklamo ka dahil nagkokodigo ngayon naman pambu
bully”mahinahon ngunit may diin na saad ng guro. “Sumunod na kayo hija at hijo
magiging saksi namin kayo”sabi ng guro na dinala kami sa guidance office. Pagkaraan
ng mga ilang minuto ay dumating ang mga magulang ng bata. Ang ilan sa kanila ay
mukang mayayaman at may kaya.
“Iyon lang po ba!Magbibigay na lang po kami ng pera”nag init naman ang dugo ko,pera
dinadaan niya sa pera. “Hindi po lahat ng bagay ay naidadaan sap era,o nabibili ng
pera maari po kayong makasuhan dahil po sa mga suhol niyo para pagtakpan ang
kasalanang ginawa ng sinuman hindi po ba kayo naturuan ng tamang pag gamit ng
pera?” na sagot ko dito nag iinit ang dugo ko sa kanya eh ang ina noong batang nang
api ay malalapit sa edad namin kaya siguro walang ka alam alam sa buhay.
“Miss aba ang pera na ang bumubuhay sa atin ngayon”nakakabwiset naman ang isang
toh. “Bakit po niyo nasabi?Mabubuhay po ba yang pera niyo kung walang kalikasan na
pagkukuhanan nito,makakain niyo po ba yang pera kung sakaling dumating ang
panahong walang makain…Alam niyo po dapat yan,hindi po kahit na mayaman kayo ay
idadaan niyo ang lahat ng bagay sa pera..dahil ang pera ay papel lamang mawawalan
yan ng saysay pag kinuha na ng diyos ang lahat ng bagay.”natural na natural lumabas
saking bibig ang mga salitang ito.Napairap naman sakin yung ina.Alam ko na kung
saan nagmana ang bata.
“Salamat mga hija hijo sa inyong kooperasyon, napahanga mo ako binibini”tumigin ito
saakin. “Wala po iyon…siguro po ay mas disiplinahin at tutukan niyo ang mga bata dahil
po maaring pong mauwi po ito sa malala pa katulad ng depresyon”naisip ko naman ang
aking mama. Iniisip ko kung napahanga ko din ba si Mama?Iniisip ko kung nakita niya
lahat?Iniisip ko kung paano kung nakita ito ni Papa mapapahanga ko din ba
siya.Ikukumpara kaya niya ako kay Serena.
“Tama ka diyan hija kailangan pag disiplinahin at tutukan ang mga bata,pero hindi
namin magawang disipilanahin ng maayos ang mga bata dahil sa mga maaring
mangyari,pwede namin silang masaktan eh kahit wala ka pang ginagawa eh
nirereklamo ka na ng mga magulang,ang gobyerno naman parang pinalalabas kaming
masama pati takdang aralin ay pinagbabawal at maari pa kaming makulong.”umiiling
ang ginang habang sinasabi ito. “Isa pa ay ang pagtatrabaho namin,tapos kami pa
itong laging dehado…Iba’t ibang klase na ang nagiging trabaho namin dito sa
paaraan,isipin mo nagiging abogado kami dito,nagiging nurse,nagiging sundalo,higit sa
lahat nagiging ina kami sa paaralan,masaya ang magturo pero dahil sa kahirapan ay
hindi nagiging sapat ang sweldo namin tapos ayaw pa ng gobyerno na itaas ang sweldo
namin eh sa halip na walong oras lang an gaming pagtatrabaho nagiging bente
kuwatro oras pa” naala ko si Mama sa sinasabi ng ginang ganito si Mama pero maayos
naman kami pero hanggang sa ayon nga.
“Sana nga po ay tumaas na ang sweldo niyo mahirap din po pala ang ganiyan na
madaming trabaho tapos dala dala pa sa bahay tapos ang mga makukulit pa pong mga
bata”nasabi ko sa Ginang. “Sinabi mo pa!Oh sige salamat ulit aalis muna
ako”pagpapaalam ng Guro sa amin. Kahit papaano ay nalilinawagan ako,sana ay kahit
papaano ay gumaan ang trabaho nila siguro yung maitutulong ko na lang ay ang
pagsuporta sa kanila at sana para doon sa mga bata para mapagaan ang trabaho ng
mga Guro at maramdaman ng mga Guro na may halaga sila dapat nila itong irespeto at
wag nang maging makulit. Kahit ganitong pagtulong sa mga Guro ay nagpapaginhawa
sakin para ko na ding tinulungan si Mama.
Kabanata 7:Away
Mga alas kuwatro na kami nakapunta sa bayan.Kita ko ang mga nagtitipon na mga
kabataan sa plaza,mayroon din na nagsasayaw.Inuna muna naming puntahan ang
palengke.Pagpasok namin doon ay naamoy ko na ang mga karne.Akala ko aysa
Maynila lang ganoon. Pumunta kami sa bilihan ng gulay at mga tinapay iyon daw ang
pinabibii ng kaniyang Lola kaya ganoon.
Nang matapos kami sa pamimili ay inilagay niya na iyon sa loob ng sasakyan niya
dumretso kami sa tabi ng plaza na may mga nagbebenta ng isaw at iba’t iba pang
pagkain.
“Hoy Sabrina,nagalit kaba sakin?”niyugyog pa niya ang balikat ko.Napailing na lang ako
kasi hindi ko nga alam ang isasagot ko sa kanya. “Bakit hindi ka nagsasalita?Hoy
Sabrina magalit ka na singhalan mo nako! Wag ka ngang nanahimik diyan,pinapakaba
mo ako”napatingin naman ako sa kanya ,aywan ko pero natawa ako sa itsura
niya,ngayon na iintindihan ko na si Lola Luciana.
“Alam ko ang limitasyon ko ngayon ngayon ko lang nalaman pero sa dalawang araw ko
dito madami na agad akong natutunan”sabi ko. “Mabuti naman kung ganoon pero teka
lang Sabrina may kikitain ako dito k muna mag aala siyete na kaya magbubukas na
yang mga ilaw dito ka lang” napatangon naman ako at sinundan na lang siya ng
tingin…Sino kaya ang kikitain niya?Kaibigan,Pinsan,Kamag-anak. Habang tumatagal
lalong dumadami ang tao sa plaza kaya wala akong nagawa at naitulak ako palayo sa
kinauupuan ko kanina.Nahagip ng mata ko ang tumatawang si Asrael may kasamang
babae.Sino kaya iyon?Sino iyong babae?Kasintahan niya ba ito.
“Wala ka doon,wala ka noong nangyari iyon at isa pa hindi ako pakitang tao Asrael iyan
ba talaga ang tingin mo sa akin.Hindi mo alam!Kita mo yan”tinuro ko sa kanya ang
mantsa sa damit ko habang tumutulo ang luha ko . “Kagagawan iyon ng babae kung
hindi ka naniniwala edi bumalik ka doon sa plaza! Itanong mo sa mga tao doon ang
nangyari bwiset!”lumabas ako ng sasakyan at umalis.Bahala na pupunta nako sa kung
saan!Uuwi ako sa Sitio Liwanag ng mag-isa!Nakakainis!
“Sabrina!”narinig ko ang boses ni Asrael.Hindi ko alam pero wala akong balak lumingon
sa kanya,hindi niya puwedeng makitang umiiyak ako.umawid ako ng kalsada at
lumakad palayo doon sa Plaza nasa tapat na ako ng Simbahan ng tumigil ako.
“Alam mo Miss aywan ko lang ha!Pero kung ano man iyan makakaya at malalagpasan
mo din iyan kasi walang binibigay ang Diyos na pagsubok kung hindi natin kakayanin
sinusubok niya ang pagiging matatag natin at marahil kaya niya ginagawa iyon dahil
gusto niyang ipaalala sa bawat isa na may Diyos..kung ano man iyan I dalangin mo na
lang sa Diyos.”kahit medyo madilim sa tayo namin ay alam kong nakangiti siya.
“Salamat”napagisip-isip ko na may punto siya,sinusubok lang ako ng panginoon,lahat
ng nangyari sa akin ay pagsubok.Akala ko ay talo nako,pero nagsisimula pa lamang
ang laban.Madapa man patuloy at patuloy kang babagon.
“Sakay ka na”malugod niyang sabi,kaya malugod ko ding tinaggap ang anyaya niya
sakin. Nang makasakay ako iniisip ko kung paano ko haharapin si Asrael,hindi ko alam
kung paano ako makakapasok ng bahay.Wala akong alam!
Pagkatapos ng mga ilang minutong byahe ay narating din namin ang bahay nina
Asrael. “Salamat sa paghatid sakin..utang na loob ko ito sa iyo salamat
talaga!”marahan at nakangiti kong sambit sa kanya. Nang makaalis na sila ay papasok
na ako ng pintuan ng bigla itong nagbukas si Lola…Anong isasagot ko kung sakaling
magtanong siya kung bakit hindi kami magkasama ni Asrael?Patay ka na naman!
Sabrina.
Kabanata 8:Katotohanan
Noong gabing iyon ay hindi ako tinanong ni Lola kung nasaan si Asrael?Nagpaalam
lang ako kay Lola noong gabing iyon at natulog din sa ngayon dalawang linggo mahigit
ko nang di pinapansin si Asrael at malapit na magtapos ang isang buwan. Ilang araw na
lang at hindi ko parin siya pinapansin.Sa dalawang linggo na nagdaan wala akong
ginawa kundi ang tumulong kay Lola at Lolo,kun minsan ay kasama nila ako sa
pagsimba o kaya naman sa pag dedeliver ng mga mais.Madalas ay nasa hardin lang
kami ni Lola tuwing umaga,kung kakain naman ay nakikita ko si Asrael pero hindi ako
nagtangkang tumingin sa mata niya.Masama ako sa mata niya at ayokong paulit-ulit
niyang isampal sa akin ang katotohanang iyon dahil alam ko na naman iyon.Tao ako
nasasaktan din.
“Ang hi-rap naman ka-si…lahat ga-lit sakin,ayaw sakin hindi ako ma-hal dahil Mal-dita
ako!”nagpatuloy ang luha ko ngayon ko lang nalaman na iyakin pala ako.Ngayon ko
lang nalaman na may nagpapahalaga sakin.
“Hindi lahat ayaw sayo…ako ang papa mo!”napatingin ako sa mapupungay niyang
mata na nakikiusap na paniwalaan siya. “Ako mahalaga ka sakin,mahalaga ka samin
kahit minsan maldita ka!,kahit minsan pinpasakit mo ang ulo ko!Nagagawa mo paring
buuin ang araw ko…tinutulungan kitang makaalis sa nakaraan mo kasi hindi ka
magmamahal hangga’t hindi ka pa nakakalimot diyan…Sabrina mahal ka namin ng
Papa mo”tila tumigil ang pag ikot ng mundo. “Sabrina nakikiusap ako sa iyo,pansinin
mo na ako,dahil mababaliw na ako!”kung normal ba na araw ito natawanan ko na si
Asrael pero hindi eh.May kakaiba akong naramdaman.Hinarap ko ang mata niya,laking
gulat ko na umiiyak siya.
“Sana maging ma ayos na kayo ng Papa mo,kahit na lagi kang napapagalitan mahal ka
noon ginagawa niya lang ang lahat para protektahan ka sa masamang mundo,mahal na
mahal ka ng Papa mo kahit na galit ka sa kanya.Patawadin mo ang Papa mo kasi
pinagsisihan niya ang nagawa niya sa Mama mo…Pinagsisihan niya iyon araw-araw
gusto niya man linasin na ang mundo para sundan ang Mama pero hindi ,hindi niya
ginaya ang ginawa ng Mama mo kasi iniisip kanya,Sabrina patawadin mo siya kasi hindi
ka makakausad sa kinabukasan mo kung hindi ka magpapatawad” naiiyak ako sa
sinabi niya,tama naman kasi ang sinasabi niya.Masiyado akong nakain ng pagka ulila
kay Mama hindi ko na naiisip si Papa,hindi ko na iniisip ang iba.
Ngayon ko lang nalaman ang mga katotohanan,natigil na nga ata ang mundo ko.
“Matulog ka na inaasahan ko ang pag pansin mo sakin bukas,kasi kung hindi mo man
ako pansinin kukulitin kita hanggang bumalik ang Sabrina ko”hindi ko maintindian pero
natigil ang mga paghikbi ko at ang nagawa ko lang ay ang tumitig sa kanya.Malungkot
na mata pero nakangiting labi.Bakit ba siya ganito?Bakit ang lakas ng kabog ng puso
ko,hindi ko maintindihan. Nahuhulog ba ako sa masungit na ito.Karapa’t dapat nga ba
ang isang Asrael Leonardo ay mapa sa akin.Nakakatakot!
Kabanata 9:Aksidente
“Lola naman eh!Hirap na hirap na nga ako tapos lalo mo pa pong binibigatan”biglang
sumulpot si Asrael na busangot na busangot.Tama si Lola mukang na ngang baliw siya
pero gwapo parin.Okay tama na!
“Oo sige susunod kami”nginitian ko siya at tila naglinawag ang muka niya.Napag isip ko
na kailangan ko ngang buksan muli ang puso at isipan ko. Nakangiting tinungo ni Asrael
ang loob ng bahay nila at si Lola naman ng pagharap ko dito ay makahulugang titig.
“Naku kayong mga kabataan talaga, ang bilis ng pagkahulog niyo sa isang tao,para
kayong sanga na sobrang tanda na,patagal ng patagal parupok ng parupok.”
Natamaan naman ako dun ah. “Dapat mas pinahirapan mo yung si Asrael sa bagay…
nakakaawa na din naman yung apo ko.Dalawang linggo mo nga palang di pinansin”
nagalit kaya si Lola sakin…hala!
“Sabrina maganda ang gising ng apo ko marahil ay dahil iyon sa iyo”napatingin naman
ako kay Lolo na nagbabasa ng dyaryo. “Baka po hindi puyat kaya ganon
hehehe”nahihiya kong sagot di ko na alam sasabihin ko eh. Nang dumating na si Lola
sabay sabay kaming kumain nagpresenta akong maghugas na sinang-ayunan ni Lola
kasi pagod ito. Habang nag huhugas ako ng pinggan ay sumulpot sa tabi ko si Asrael.
“Bati na tayo”nakakabwiset siya!Ibalik niyo na nga lang yung masungit. Inirapan ko siya.
“Pasensiya na kasi noong sa Plaza ,bumalik kaya ako sa plaza para alamin kung anong
nangyari..hindi ko naman alam na ikaw pa pala ang humingi ng sorry”ihahampas ko sa
kanya tong kaldero eh. “Okay na yon bati na tayo”nginitian ko siya para hindi na
mangulit.
“Bakit Libro ang naisipan mong gawin?”si Asrael na nakasunod pala hanggang kwarto.
“Nakikita ko kasing magiging instrument natin ito upang mapalawak sa kabataan ang
kahalagahan ng buhay,ang problema ng lipunan na maari silang makatulong,kasi ang
aklat libro ang siyang nagugustuhan ngbata ,Oo mas marami yung mga nakagadgets
pero alam ko na makakatulong parin ito.Kung sakalin mang makapagpublish tayo ng
madami at madami din ang bumili yung pera gagawin nating donasyon sa mga batang
naulila na” planado ko na ang mga plano ko na sasabihin ko kay Papa,gusto ko nang
umuwi dahil gusto kong humingi ng sorry,gusto kong bigyan ng pagkakataon si Papa.
Kabanata 10:Gusto
“Lola ayos lang kayo dito…alis na po kami ni Sabrina tawagan ko na lang po si ate lori
samahan kayo dito”si Asrael na aligaga na. “Apo sige na humayo ka na…baka mahuli
kayo…kaya na namin ito kami na ang tatawag kay Lori” pagpipilit ni Lolo.Napatango si
Asrael at nagmano at yumakap na sa kanyang mga Lolo at Lola. Ako naman ay ganoon
din. “Dahan-dahan sa pagmamaneho”pahabol ni Lolo.Agad naman kaming sumakay sa
sasakyan niya.
Mga hating gabi na kami dumating at pagkadating namin ay nanatiling nasa ICU si
Papa.Sinalubong ako ni Serena doon. “Ate Sab”umiiyak siya,hindi ko alam kung bakit
biglaan niya akong tinawag na Ate.Hindi niya gusto akong tinatawag na Ate dahil hindi
kami magkapatid para sa kanya. Pagkatapos ng isang oras at mahigit ay lumabas din
ang doktor na nag opera kay Papa.
“Ayos na ang lagay ng pasyente iliipat na siya ng Room015 magigising din po siya” sabi
ng doktor pero si Serena na ang umintindi ng iba,basta ang atensiyon ko na kay Papa
lang na,tulog,maamo. Nang mailipat na si Papa sa kwarto dito sa hospital pinatulog ko
na si Asrael at kami ni Serena ang gising na nag aantay sa paggising ni Papa.
“Papa gigising ka diyan diba…hindi ka pa pupunta kasama sina Mama kasi nandito pa
ako ..Pagsasabihan niyo pa po ako.Siyaka magrereport pa po ako ang sabi niyo.”
Pagka usap ko sa tulog kong Papa. “Ate Sab alam mo nakakainggit ka ng sobra pero
kahit ganon mahal kita…Alam mo ba na walang oras,panahon na hindi ka inisip ni
Papa,lagi ka niyang kinakamusta sakin…Pero kahit kalian hindi niya ipinaramdam na
walang puwang para sa akin…Kaya mahal ko si Papa.Ate Sab patawadin mo na si
Papa at Nanay ko alam kong nagagalit ka pero Sana” sabi niya at umiiyak na sa tabi
ko.Dinaluhan ko siya at inalo. “Wag ka na umiyak,okay lang yun sakin…Sorry ha kung
minsan natatarayan kita.Sana magising na si Dad para makipagsimula na uli tayo ng
bago” marahan kong hinahagod ang likod niya.
“Ang swerte mo diyan kay Asrael…kasintahan mo ba siya?”biglang tanong ni Serena.
“Hindi ah!pero totoong swerte ako sa kanya kasi siya yung tumulong sakin mamulat sa
katotohanan” matiim kong tinignan ang maamong muka niyang natutulog.Hindi ko
maiwasan maging marupok pagdating sa kanila.
Tumabi muna ako doon sa kanya…siguro dahil doon sa pagod ay unti-unting bumigat
ang mga talukap ng mata ko at tuluyan na nga akong dinala ng antok.
“Papa!”napabalikwas ako ng bangon at nagtungo agad kay Papa. “Gising na pala ang
aking Maldita”nakangiting sambit ni Papa.Napalabi naman ako,pero okay lang Maldita
ako ni Papa eh.
“Papa wag ka muna susunod kay Mama ha!Nako mababaliw po ako”turan ko dito. “Eto
naman hindi muna…babantayan pa kita mula kay Asrael,nilinaw na ata noon sa iyo ang
nararamdaman niya”natatawang saad ni Papa. “Alam mo Sabrina kay Asrael lang ako
nagtiwala pagdating sa iyo”natatawang aniya. “Mabait naman po pala
iyon,nakakabwiset lang po ang pagiging masungit”natawa naman si Papa. “Edi
nakahanap ka ng katapat…tsk.Sabrina botong boto na ako diyan kay Asrael”tudyo pa ni
Papa. “Ako din naman po”biglaan kong sabi.Alam kong natigil si Papa at siyaka
tumawa. “Pumapagibig na ang aking Maldita…”hindi pa natatapos ang sinasabi ni Papa
ng may mag bukas ng pinto,laking gulat ko ng makitang si Asrael iyon. Narinig niya
kaya!Wahhh kainin sana ako ng lupa ngayon dahil sa kahihiyan. Sabrina naman kasi!
Nakakainis! Nakangisi pa man din si Asrael paniguradong may narinig.
“May maganda akong balita sayo Asrael gusto ka pala ni Sabrina” Ang daldal ni Papa…
Hindi ko natuloy alam gagawin,tatakbo ba ako o mananatili.
WAKAS
May tumatawag sa cellphone ko at kay Asrael iyon. “Maldita ko bakit hindi ka
nasagot sa mga mensahe ko?”napangiti naman ako sa pambungad niya sakin,parehas
sila ni Papa na tinatawag akong Maldita. “Pasensiya ka na,Sungit!May ginagawa lang
ako” hindi ako nagsisinunangaling sa kanya,kasi isosorpresa ko sila ni Papa.
“Ano na naman yan Maldita ko?Masiyado bang madaming inaaway”natawa naman ako
sa sinasabi niya. “Hoy nagbago nako Sungit ko!...Sikreto ko lang yun bawal sige na
ibaba ko na ito” pinatayan ko na siya ng tawag at ako naman ay patuloy sa pag-aayos
ng mga karatula. Iniisip ko ang magiging reaksyon nila.