Alamat

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Ang Alamat ng Pinya

Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa isang malayong pook. Ang
ina ay si Aling Rosa at ang anak ay si Pinang. Mahal na mahal ni Aling Rosa
ang kanyang bugtong na anak. Kaya lumaki si Pinang sa layaw. Gusto ng ina na
matuto si Pinang ng mga gawaing bahay, ngunit laging ikinakatwiran ni Pinang
na alam na niyang gawin ang mga itinuturo ng ina. Kaya't pinabayaan na lang
niya ang kanyang anak.
Isang araw nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya makabangon at makagawa
ng gawaing bahay. Inutusan niya si Pinang na magluto ng lugaw. Isinalang ni
Pinang ang lugaw ngunit napabayaan dahil sa kalalaro. Ang lugaw ay dumikit sa
palayok at nasunog. Nagpasensiya na lang si Aling Rosa, napagsilbihan naman
siya kahit paano ng anak. Nagtagal ang sakit ni Aling Rosa kaya't napilitang
si Pinang ang gumagawa sa bahay. Isang araw, sa kanyang pagluluto hindi niya
makita ang posporo. Tinanong ang kanyang ina kung nasaan ito. Isang beses
naman ay ang sandok ang hinahanap. Ganoon ng ganoon ang nangyayari. Walang
bagay na di makita at agad tinatanong ang kanyang ina. Nayamot si Aling Rosa
sa katatanong ng anak kaya´t nawika nito: " Naku! Pinang, sana'y magkaroon ka
ng maraming mata upang makita mo ang lahat ng bagay at hindi ka na tanong
nang tanong sa akin. Dahil alam niyang galit na ang kanyang ina ay di na
umimik si Pinang. Umalis siya upang hanapin ang sandok na hinahanap.
Kinagabihan, wala si Pinang sa bahay. Nabahala si Aling Rosa. Tinatawag niya
ang anak ngunit walang sumasagot. Napilitan siyang bumangon at naghanda ng
pagkain. Pagkaraan ng ilang araw ay magaling-galing na si Aling Rosa. Hinanap
niya si Pinang. Tinanong niya ang mga kapitbahay kung nakita nila ang kanyang
anak. Ngunit naglahong parang bula si Pinang. Hindi na nakita ni Aling Rosa
si Pinang.

Isang araw, may nakitang halaman si Aling Rosa sa kanyang bakuran. Hindi
niya alam kung anong uri ang halamang iyon. Inalagaan niyang mabuti hanggang
sa ito'y magbunga. Laking pagkamangha ni Aling Rosa ng makita ang anyo ng
bunga nito. Ito'y hugis-ulo ng tao at napapalibutan ng mata.
Biglang naalaala ni Aling Rosa ang huli niyang sinabi kay Pina, na sana'y
magkaroon ito ng maraming mata para makita ang kanyang hinahanap. Tahimik na
nanangis si Aling Rosa at laking pagsisisi dahil tumalab ang kanyang sinabi
sa anak. Inalagaan niyang mabuti ang halaman at tinawag itong Pinang, sa
palipat-lipat sa bibig ng mga tao ang pinang ay naging pinya.
Ang Alamat ng Pipino

Noong araw, sa Lumang Taal, Balangay ng Batangan, ay may mag-asawang may


anak na lalaki. Ang pangalan ng ama ay Rupino, ang ina ay Paula, at ang anak
naman ay Tirso. Sa halip na maging maalaala at mapagmahal sa aswa't anak si
Rupino ay totoong pabaya. Siya ay napakatamad at napakasugarol pa.Kaya upang
sila ay mabuhay, si Paula ang siyang naghahanap-buhay.
Isang araw, si Paula ay nagluto ng pananghalian. Si Rupino ay
pinakiusapan ni Paula na magsibak ng kahoy upang may maigatong sa niluluto.
Si Paula ay matagal ding nakiusap bago napasunod si Rupino. Datapwa't hindi
pa halos nangangalahati ng pagsibak si Rupino ay huminto ito.

"Paula, Paula," ang sigaw ni Rupino buhat sa ibaba, "Napakasakit ng ulo


ko. Para bang mabibiyak. Bigyan mo nga ako ng piso at bibili ako ng gamot."

Nalalaman ni Paula na si Rupino at nagdadahilan lamang sapagka't marahil


ay tinatamad at sinusumpong ng pagsususgal.

"Saan ba ako kukuha ng oiso?" ang sagot ni Paula. "At saka anong sakit ng
ulo ang sinasabi mo? Ang totoo'y ibig mo lang magsugal. Sulong! Kung ayaw
mong magsibak ngkahoy ay umalis ka at ako ang magsisibak."

Si Rupino ay umalis na ngingiti-ngiti pa. Hindi siya nagbalik kundi nang


inaakala niyang luto na ang pagkain.

"Paula, maghain ka nga," ang utos niya sa asawa. "Nagugutom ako."

Si Paula naman na nakalimot na sa kanyang galit ay madaling sumunod.

"Tirhan mo ng kaunting kanin at kaunting ulam si Tirso," ani Paula.


"Siya'y hindi pa kumakain sapagka't inutusan ko."
Ngunit nasarapan si Rupino sa pagkain. Nang maalala niya ang pagtitira sa
kaunting kanin at ulam kay Tirso ay naubos na niyang lahat ang kanin at ulam.

Nang dumating si Tirso at maghalungkat sa paminggahan ay nakita niyang ubos


na ang lahat ng ulam at kanin.

"Inay, wala na pong ulam at kanin a," ang maiyak-iyak na sumbong ni Tirso.
"Simot na simot po ang mga palayok."

"Rupino hindi mo ba tinirhan ng pagkain ang anak mo?" ang usisa naman ni
Paula.

"Aba tinirhan ko," ang pagsisisnungaling ni Rupino. "Baka kinain ng hayop."


At si Rupino ay lumabas at hinanap angpusa at aso. Ang hayop ay pinagpapalo
ni Rupino hanggang ang puno at aso ay magtalunan sa batalan.

Lumipas ang mga araw. Noon ay tag-ani ng palay. Upang mayroon silang makain
ang mag-inang Paula at Tirso ay tumutulong sa pag-aani ng palay sa kanilang
mga kapit-bahay na may palayan. Ang mga palay na inuupa sa kanila ng kanilang
mga tinutulungan ay itinatago nila sa kanilang bangang malaki sa kanilang
silid.

Isang araw, sa paghahalungkat ni Rupino sa loob ng silid ay natagpuan niya


ang banga ng palay. Nang Makita niya na mapupuno na halos ang banga ay
napangiti ng lihim. Alam na niya ang kanyang gagawin. Mapaglalangan na naman
niya si Paula.

Nang dumating ang mag-ina buhat sa bukid ay dinatnan nila si Rupino na


naghihimas ng manok. Si Rupino ay mukhang malungkot na malungkot.

"Aba, ano ang nangyari sa iyo?" ang usisa ni Paula. "Baki parang Biyernes
Santo ang mukha mo?"

"Masama ang nagyari, e, ang simulan ni Rupino."Natalo ako sa tupada."

"Oo, e ikaw ba naman ay nanalo na?" ang ika ni Paula. "Ang pinagtataka ko
saiyo ay kung saan ka kumukuha ng ipinatatalo."

"Iyon nga ang sasabihin ko sa iyo, e. Nakita ang palay na tinitipon ninyo
sa banga at ipinagbili ko. Ang iniisip ko ay kung yung pinagbilan ay maparami
ko ay gugulatin kita. Nguni't talaga yatang minamalas ako lahat ng pinagbilan
ko ay natalo."

Si Paula at Tirso ay hindi nakakibo. Si Paula ay nanlambot na lamang at


nangilid na ang luha. Pumanhik sila ng bahay na malatang-malata ang katawan.

Si Rupino ay maliksing tumayo ng si Paula at Tirso ay pumanhik na sa


itaas. Tuwang-tuwa siya samantalang siya ay nagbibihis. Ang totoo'y hindi pa
natatalo ang sampungpisong pinagbilan niya ng palay. Ang limang piso ay nasa
bulsa niyaat ang lima pa ay nasa lambat na nakasuksok sa kanilang silong. Ang
limang pisong nasa bulsa niya ay dadalhin niya sa sugalan. Kung sakaling
matalo ay maaari pa siyang umuwi at kumuha ng puhunan.
"Inay, paano ang gagawin natin ngayon?" ang tanong ni Tirso ng nakaalis na
si Rupino. "Nasayang lamang ang pagod natin."

"Bayaan mo na anak, at ako'y maghahanap ng maipagbibili," ang wika ni


Paula. "Makakaraos din tayo sa awa ng Dios."

Si Paula ay naghalungkat ng anumang maipagbibili sa loob ng bahay ngunit


wala siyang makita. Nanaog siya at baka sakali sa silong aymay Makita siya.
At hindi nga siya nagkamali sapagka't at namataan niya ang lambat na
nakasabit sa isang haligi.Ang lambat ay kinuha ni Paula at madaling
ipinagbili sa Intsik. Ang pinagbilan ay madaling binili ni Paula ng
kalahating kabang bigas at ng maiulam na nila ng marami-raming araw.

Si Paula ay kasalukuyang naluluto ng si Rupino ay dumating na


humahangos.

"Kakain ka na ba?" ang tanong ni Paula. "malapit ng maluto ang ulam."

"Huwag mo akong abalahin," ang payamot na sigaw ni Rupino at nanaog uli.


Tuloy-tuloy siyang pumasok sa silong.

Walang anu-ano ay mabilis na umakyat sa hagdan si Rupino.

"Ang lambat?" Nasaan ang lambat?" ang humahangos niyang usisa. "Ano ang
ginawa mo sa lambat?"

"Ha? Lambat?" ang walang tutong sagot ni Paula. "A, ang lambat. Ipinagbili
ko at ang pinagbilan ay binili ko ng kalahating kabang bigasat ng maraming
ulam."

"Ipinagbili mo! Ipinagbili mo ay may lamang limang piso iyon!" Si Rupino


ay nanginginig na lumapit sa asawa. Sinampal niya ito ng ubod-lakas, sinuntok
at sinipa. Hindi pa yata nakasiya roon ay hinawakan niya sa ulo si Paula at
ipinukpok ng ipinukpok ang ulo nito sa dinding ng bahay. "Hindi mo nalamang
itinago ko sa lambat ang kalahati ng pinagbilan ko sa palay?"

"Diyos ko!" ang panangis ni Paula ng lubayan na siya ng kagulgulpi ni


Rupino. "Labis labis na po ang mga pagtitiis naming ng anak ko sa taong ito.
Diyos ko, kaawaan mo po kami! Maano pong Mo na ang taong ito at ng kami ng
anak mo ko ay makatikim na ginhawa!"

At anong laking himala ang nangyari. Isang napakatalim na kidlat ang


biglang gumuhit, kidlat na sinundan ng kulog na nakatutulig. Si Paula at
Rupino ay nawalan ng malay-tao.

Nang si Paula ay pagsaulan ng hininga ay nakita niyng si Rupino ay maitim


na maitim at patay na. Si Rupino pala ay tinamaan ng kidlat. Samantalang
pinagmasdan niya ang mukha ni Rupino ay may narinig siyang isang tinig na
nagsasabi ng ganito: "Ibaon mo sa inyong halmanan ang bangkay ng iyong asawa.
Sa puntod ng kanyang libingan ay may sisiot ng isang halaman. Alagaan mong
mabuti ang halamanang iyan sapagka'y iyay pakikinabangan ninyo. Si Rupino ay
di nakatulong sa inyo noong siya ay nabubuhay. Ngayong siya'y patay na ay
makatulong sana siya sa inyo"
Hindi naman naglaon at isang baging na maganda at malusog ang sumulpot sa
puntod ng libingan ni Rupino Ang baging madaling lumaki at namunga, at nang
anihin ni Paula ang bunga ng baging at kanilang kainin ay anong sarap ang mga
bungang iyon sa panlasa. Ang baging na iyon ay ang unang pipino sa daigdig.
At sapagka't ang baging ay sumipot sa puntod ni Rupino, tinawag itong pipino.

Ang Alamat Ng Sayote

Noong Araw, ang tinola ay wala pang sayote dahil wala pa talagang sayote
sa mundo. May isang bata na ayaw na ayaw kumain ng gulay. Ulila na siya. Ang
tanging nag-aalaga lamang sa kanya ay ang kanyang nakatatandang kapatid na
babae. Mahilig siyang magluto ng tinolang manok kahit alam niyang di kumakain
ng gulay ang kanyang kapatid. Kakainin lamang niya ang manok, subalit ang
gulay ay pinapaubos lagi niya sa kanyang ate. Sinasabi niya "ang gulay ‘te ay
para sa 'yo".
Satuwing maaaring tinola ang nasa hapag-kainan, ito ang kanyang sinasabi
ukol sa mga gulay, "te sa'yo".
Isang araw, dumalo silang magkapatid sa piyesta at siyempre maraming
handa. Napakasiba ng bata, naka-ilang plato ng kanin at ulam ang kanyang
naubos. Tulad ng dati, ang lahat ng gulay ay "te sayo".
Habang kinakain ng kanyang ate ang kanyang mga itinirang gulay, bigla na
lamang itong na-empacho, subalit pagtakbo niya sa palikuran, ina-take ito sa
puso at namatay. Dahil hindi naman sila mayamang magkapatid ay inilibing na
lamang niya ang kanyang ate sa likod ng kanilang bahay kung saan ay nakatanim
ang iba't ibang halaman. 
Isang araw ay may tumubong kakaibang tanim sa puntod ng kanyang
nakatatandang kapatid. Hindi niya ito pinansin at hinayaan lamang tumubo.
Namunga ito makaraan ang ilang buwan at laking gulat niya ng maalala niya ang
kanyang ate dahil sa hugis ng bunga nito. Sabi niya, "Sa'yo 'Te ang gulay na
to". 
Mula noon ay natutunan niyang mahalin ang gulay na iyon at naging
paborito niyang kainin. Tinawag niya itong sayote bilang pag-alala sa kanyang
nakatatandang kapatid.
Ang Alamat ng Bundok Kanlaon

Noong mga unang panahon may isang malupit na namiminsala sa mga


tao. Wala itong pinatatawad. Ang ulupong na ito ay may pitong ulo at ang
labing-apat na butas ng ilong ay nagbubuga ng usok. Wari bang wala nang
makakagapi sa ulupong na ito na nakatira sa bundok. Marami na siyang
napapatay dahil sa pagbubuga niya ng apoy kapag siya ay nagagalit. Kumunsulta
si Haring Ma-ao sa mga pantas at isang manggagamot ang nagmungkahi na
kailangang mag-alay sa ulupong ng isang magandang dalaga upang ito ay
mapatigil sa pamiminsala.
Ipinaabot naman ng pari sa mamamayan ang utos na iyon. Sa takot
nilang sila ang ialay, nagpinta ng mukha ang mga dalaga. Lahat sila ay pawang
pumangit na. Makalipas ang ilang buwan, bigong bumalikang pari at "Wala na
pong magandang dalaga. Nasunog na ang kanilang balat at mukha nang abutin
sila ng apoy na ibinubuga ng ulupong. Tanging si Prinsesa Talisay na lamang
ang natitirang magandang dalaga rito," pagbabalita ng pari kay Haring Ma-ao.
Nalungkot ang Hari sapagkat maging si Datu Sagay ay nagpatunay sa mga
ibinalita ng pari. Samantala, isang banyaga ang nagkataong nakabalita sa
pananalanta ng ulupong. Ipinahayag niya sa Hari ang kanyang nasang pagtulong
na puksain ang ulupong. Napangiti si Prinsesa Talisay at nawika niya sa
sariling, "Salamat, ipagdarasal ko ang kanyang tagumpay at kaligtasan.
Napakakisig niya."
"Matapang ka magiting na binata."Kung mapapatay mo ang ulupong ay
magiging iyo ang kalahati ng aking kayamanan at ang aking kaisa-isang anak na
si Prinsesa Talisay ay ma papasaiyo," may pag hangang wika ng Hari. Naglakbay
si Laon, ang binatang banyaga. Sa kanyang paglalakbay patungong bundok ay
nasalubong niya ang Langgam. "Hoy, langgam, ako si Laon. Sabihin mo kay
Haring Langgam na may utos ang panginoon ninyong si Laon. Lahat ng sundalong
langgam ay papuntahin sa bundok at papatayin natin ang namiminsalang ulupong.
Ito ay para rin sa inyong kapayapaan." Gannon din ang sinabi ni Laon kay
Haring Buboyog. Haring Lawin naman ay nag wikang. "Handa kaming tumulong,
Haring Khan Laon. Sabihin lamang ninyo ang aming gagawin." Nagsisugod silang
lahat sa bundok. Doon nagahap ang isang umaatikabong bakbakan. Halos
matabunan na ang ulupong sa dami ng langgam. Kinakagat nila ang mga pagitan
ng kaliskis, singit at leeg ng halimaw. Tinutusok naman ng mga bubuyog ang
mga mata ng ulupong. Hindi nilapansin ang ibinubugang apoy ng kalaban.
Patuloy sila sa kanilang pakikipaglaban.
Samantala, sa kaharian ay hindi mapalagay ang mga tao. Umiiyak si
Prinsesa Talisay. Humingi siya ng tulong sa kanyang amaing si Datu Sagay.
Nagpasiya si Datu Sagay na sundan si Khan Laon upang pigilan na ito sa iba pa
niyang binabalak na gawin. Ipinagsisigawan naman ng taong bayan na si
Prinsesa Talisay ang ialay sa ulupong kapag nabigo si Khan Laon sa labanan.
Si Datu Sagay at ang kanyang mga kawal ay nakarating sa bundok. Inabutan
nilang dinudukot ng mga lawin ang mga mata ng halimaw. Lumapit si Laon at
tinagpas ang mga ulo ng ulupong. Nasaksihang lahat ni Sagay ang mga ito.
Nakabalik sa kaharian sina Khan Laon, mga langgam, mga bubuyog. Tuwang-tuwang
ibinalita ni Datu Sagay ang kagitingan ni Khan Laon. "Haring Ma-ao ang lahat
po ng ito ay hindi ko magagawa kung wala ang mga kaibigan kung langgam,
buboyog at lawin. Sila ay ating pangalagaan sapagkat sila, tulad natin ay
nilikha rin ng Diyos. Maraming salamat sa inyong lahat mga kaibigan ko ang
sabi ni Laon.
Noon din ay ibinigay ni Haring Ma-ao ang kalahating bahagi ng kanyang
kayamanan at si Prinsesa Talisay ay naging asawa ni Khan Laon. Naging
maligaya ang dalawa. At magmula nga noon, ang bundok na pinangyarihan ng
kamatayan ng ulupong ay tinawag na Bundok Kanlaon upang bigyang karangalan
ang kabayanihan ni Haring Khan Laon.

Ang Alamat ng Makahiya

Noong araw, may isang halamang ligaw na tumutubo sa gubat. Ito ay


napakaganda. Ang dahon nito ay pinung-pino. Ang bulaklak nito ay kulay lila
na kikislap-kislap tulad ng mga bituin. Dahil dito, naging mapagmalaki ang
halamang ligaw. Minsan, umulan nang malakas. Ang masipag na si Langgam na
naghahakot ng inipong pagkain ay inabot ng ulan sa daan. Lumaki ang tubig
kaya umakyat si Langgam sa pinakamalapit na halaman. Nagkataong ito pala ang
halamang ligaw.

Nagalit ang halamang ligaw. Ipinagtabuyan niya ang kaawa-awang si


Langgam Inuga niya ang kanyang mga tangkay kaya nahulog sa tubig ang kaawa-
awang si Langgam. Naawa si Alitaptap kay Langgam. Pumitas siya ng dahon at
inianod sa tubig. Kumapit dito si Langgam at siya ay nasabit sa Punong Tubo.
Pinatuloy siya ni Tubo at binigyan pa siya ng pagkain.

Ang buong pangyayari ay nakita ni Diwata, ang makatarungang pinuno ng


hayop at halaman. Pinagkalooban niya ng gantimpala ang maawaing si Tubo at si
Alitaptap. Binigyan ni Diwata ng ilaw si Alitaptap at ginawa niyang matamis
ang Punong Tubo. Samantala pinarusahan ni Diwata ang palalo at mapagmalaking
halamang ligaw. Nawala ang taglay nitong bango at siniputan ng mga tinik ang
kanyang katawan. Nahiya ang halamang ligaw kaya itinitikom niya ang kanyang
mga dahon tuwing ito'y masasaling. Mula noon, nakilala ang halamang ligaw sa
tawag na Makahiya.

You might also like