ALAMAT

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM


Province of Rizal

Pililla Campus
COLLEGE OF EDUCATION

Pamagat ng Kurso: FIL2 – Perspektibong Historikal ng Panitikan sa Pilipinas


Instraktor: Christian L. Nievera
Mag-aaral: Nikka A. Fullado
Kurso, Taon at Seksyon: BSE SS 1D
Indibidwal na Gawain: 3 Pamagat: ISA KANG ALAMAT

Panuto: Bumuo ng isang sariling likhang alamat patungkol sa tao, bagay, lugar,
pagkain at marami pang iba, isang alamat na kapupulutan ng aral at mensahe. Gamitin
ang templeyt, ipasa sa Google Form na makikita sa Google Classroom sa itinakdang
araw.

Tema: “Sariling Likhang Alamat.”

Pamagat: Alamat ng Alimango

Noong panahon ang mga tao ay naninirahan sa tabi ng dagat Alegria. Ito ay malayo
sa kabihasnan at kakaunti lang ang populasyon dito. Lahat ng tao na naninirahan dito
ay ayaw malalamangan ang isa't-isa. Walang pagtutulungan at labag sa kalooban
kapag ang isa ay nagsasaya sa oportunidad na natatanggap tulad sa maraming huli sa
karagatan ng isda o ani ng pananim. Lahat ng tao na nasa paligid ay may masasabi,
mabuti o masama man ang ipakita. Sa sobrang tataas ng tingin sa sarili ay wala na
silang pagkakaisa. Isang araw may isang matandang naparoon sa kanilang lugar.
Nagpaskil ito ng isang anunsyo na nagsasaad ng isang paligsahan na may temang
"Juan For all, All for Juan" at kasama rin ang malaking halaga na gantimpala. Dumating
na ang araw ng paligsahan at nag aatubiling pumunta ang mga tao sa kagubatan.
Nadatnan nila ang matanda na may galak sa mukha at sila ay binigyan na ng
instraksyon na sa tinatapakan nilang lupa naroroon ang gantimpala. Agad-agad at
paunahang nag bungkal ng kaniya-kaniya ang mga tao, ang kinatatayuan nilang lupa ay
malalim na ang hukay at silang lahat ay nasa loob na ng balon na kanilang nagawa.
Ngunit tuloy pa rin ang lahat sa pag bungkal para sa gantimpala na kanilang inaasam.
Lumipas ang gabi ay hindi pa rin sila tumitigil sapagkat sa kanilang isipan ay hindi nila
hahayaan na sino man ang makahanap ng gantimpala. Sumapit ang kinaumagahan
ang matatanda ay patuloy lang pinapanood ang mga taong bungkal pa rin ng bungkal,
ang iba ay napagod at nakatulog.
Uhaw na uhaw na ang mga tao na nasa balon. Sumigaw ang kada-isa sa kanila na
kung maaari ay bigyan sila ng tubig. Biglang umulan at nabuhayan ang bawat isa na
nasa balon. Naglaho rin ang matanda na tumatanaw sa kanila ngunit hindi na nila ito
binigyan pansin, sapagkat ang mahalaga lang ay paunahan nilang mahanap ang
kayamanan. Patuloy pa rin sila sa pagbungkal at palakas ng palakas ang ulan.
Namalayan nila na tumataas na ang tubig sa balon at hindi na nila mahukay ang lupa.
Sa pagkakataong ito sumisigaw sila ng saklolo ngunit ang malakas na kidlat ang
sumasagot sa kanila. Nagkukumahog silang maka-akyat ngunit lumalambot na ang
lupa. Tumungtong ang isa sa balikat ngunit hinulog naman nito ng isa. Dahil ang
tanging nasa isipan lang nila ay maunang maka-alis sa balon. Dun din nila napansin na
may nakasabit na isang sako sa tapat ng balon na napupuno ng ginto at kaperahan. At
dahil nais ng bawat isa na maabot ang kayamanan ay lalu silang nagkukumahog na
makaakyat. Sa tuwing sinusubukang sumampa ng isa sa balikat upang maiangat ang
sarili ay tinutulak o hinuhulog dahil nangangamba na mauunahan o maaangatan sila.
Sa patuloy na paglakas ng ulan, hindi na sila nakaalis sa balon. Lumipas ang araw at
panahon ang dagat Alegria ay napalibutan na ng mga alimango, sila ay naninipit kapag
may ibang tao na napupunta sa dalampasigan.

You might also like