Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

MALAYUNING

KOMUNIKASYON GEC 5
IKALAWANG BAHAGI
PROF. MARIE JO TESS S. RAGOS
TUP-CLA LANGUAGES
ikalawang semestre, taong panuruan 2021-2022
Wikang filipino:
Wika sa
Globalisasyon
WIKANG FILIPINO: Wika sa
Globalisasyon
• Mahalagang Kasangkapang panlipunang Kapital
ang wika na ang gamit ay gawing episyente ang
mga transaksyon sa isang ekonomiya.
• Ito ang instrumento na namamagitan sa mga tao,
may kakayahan itong maging susi sa integrasyon
ng isang lipunan.
# PAANO KUNG MARAMING WIKA ANG ISANG LIPUNAN?

# Hindi nagagampanan ng wika ang kakayahan nitong


pag-ugnayin ang mga tao, sektor, mga lugar sa isang
lipunan.
• Samakatuwid, hindi mabisa ang mga transaksyong
pang-ekonomiko.
• Ang ganitong kalakaran ay maaaring maging sanhi ng
mabagal na pagsulong bunga ng magastos na
paggamit ng mga produktibong sangkap.
- Ang kritisismo sa wikang Ingles sa kakayahan nitong
maging mahalagang sangkap ng panlipunang kapital ng
Pilipinas ay hindi nakabatay sa dahilang ito ay isang
dayuhang wika.
- Kahit pa tinatanggap na ang wikang Ingles bilang
nangingibabaw na wika sa larangan ng politika, batas,
ekonomiya at kultura sa bayang ito.
- Hindi naman nito napag-uugnay ang lahat ng mga
mamamayan sa kanilang pakikilahok sa mga nabanggit na
aspekto ng lipunan.
- Hindi rin pinagdududahan ang wikang Ingles dahil ang
pangingibabaw nito ay nakabaon sa pagiging wikang
ginagamit ng naghaharing uri, namumuno, kumokontrol at
nagpapalakad ng ating lipunan.
- Ang alinlangan sa wikang Ingles ay nagmumula sa
pagiging wikang di mapag-ugnay, wikang mapaghiwalay, at
wikang naghahati ng mga sektor at mamamayan.
- Kung ang wikang Ingles ay tunay na mapag-ugnay at
nagiging daan sa mabisang transaksyon, samakatuwid ang
wikang Ingles ang siyang nagsisilbing tulay sa
globalisasyon.
Mahalaga ang Papel ng wika sa
Globalisasyon
• - sapagkat ito ay nailalarawan bilang samu’t saring proseso
na naglalayong mapag-isa ang iba’t ibang network ng mga
networks sa buong mundo sa pamamagitan ng
kompitisyon, pakikipag-ugnayan o interkoneksyon at
pagtutulungan o inter dependence.(Tullao 2001).
- Sa kasalukuyan bumabalot at nagpapabago sa lahat halos
ng antas ng buhay at lipunan sa iba’t ibang lugar sa buong
mundo. Ang lawak, lalim at bilis ng paggalaw ng mga
produkto, kapital, kaalaman at mga tao sa pagitan ng mga
bansa ang nagpapalawak sa kasalukuyang gamit ng
konseptong ng globalisasyon.
- Dahil dito, ang globalisasyon ang isa sa pinakalantad na
reyalidad sa kasalukuyan na nakakaapekto sa iba’t ibang
bahagi ng buhay at ito ang pangunahing dahilan na
nagbibigay ng bagong batayan at katuturan sa umuusbong
na papel ng mga indibidwal, institusyon at istruktura sa isang
lipunan.
-Ang konsepto ng globalisasyon ay isang paradokso dahil
maraming kaakbay na kontradiksyon. Sa kabila ng
mapagsanib nito. Ito ay nagdadala rin ng paghihiwalay bilang
katapat na sakripisyo. Kahit na ito ay may kakayahang mag-
ugnay, ito rin ay mabilis na tumatanggi sa hindi handa at hindi
karapat-dapat. Kahit na ito ay lumilikha ng pamantayang
global nauuwi ito sa di-pantay na pakikinabang sa proseso.
• Samakatuwid sa paglayon nitong matamo ang pinag-isang
mundo lumilikha ito ng duwalismong internasyonal at
marami ito nasasaktan sa proseso ng integrasyon.
• Ano nga ba ang papel ng wikang Filipino sa
kapaligirang may dalawang uri ng
integrasyong hinaharap sa ating lipunan?
- Walang duda na ang pangunahing papel ng wikang
nauunawaan ng nakararami ay ginagamit lamang upang
itanghal ang nasyonalistikong damdamin. Ngunit sa
katotohanan sa harap ng duwalismo saating lipunan may
halagang ekonomiko ang wikang Filipino na ginagamit sa
mga transaksyon ng mga nakararaming Filipino kahit pa
sinasabing sa larangan ng komersyo, batas at politika ang
nangingibabaw ang wikang Ingles.
Sa panahon ngayon, mabilis magbago ang lahat na para
bang tila nilalamon ng makabago at modernong panahon ang
kinagisnan ng mga tao. Ano nga ba ang epekto ng
pagbabagong ito sa kasaysayan ng bawat tao at maging sa
bansang Pilipinas Isa na rito ay ang Wikang Filipino? Para ba
sa inyo mayroon pa bang papel ang wikang Filipino sa harap
na lumalaganap na globalisasyon?ilan lamang ito sa mga
katanungan na maraming kasagutan na nagbibigay kalituhan
sa mga iilan.
- “Sinasabi ng iba na mas kailangan paunlarin ang
kaalaman ng mga Pilipino sa wikang Ingles sapagkat ito
raw ay higit na makakatulong sa kanilang kinabukasan, ito
raw ay isang wikang komersyo, wikang ng makabagong
teknolohiya sumakatuwid ang wika ng globalisasyon.”
- Ang ganitong pananaw ay naniniwala na ang kaalamansa
wikang Ingles ng mga Pilipino ay isa sa mga pangunahing
batayan sa pagiging kompetitibo. Isa rin itong dahilan ng
komparatibong kalamangan ng mga mamamayang sa
kalakalang internayunal.
- May punto ngunit naisip ba ng mga taong iyon na dahil rito
nahahati ang mga Pilipino?Upang mangibabaw ang epekto
ng pagsasanib kaysa epekto ng paghahati , higit na tama ang
gawing susi ang Wikang Filipino bilang wika sa laganap na
globalisasyon. Ibig sabihin mahalin, gamitin ng tama at
pahalagahan ang wikang nabanggit.
- Isa pang patunay na nakakaapekto ang globalisasyon sa
lipunang ito ay ang pag-aaral ng iba’t ibang wika o ang
Foreign Language Education. Ayon sa pagsasaliksik, may
mga eskuwelahan na kailangan aralin ang ibang wika bukod
sa wikang Filipino, mga halimbawa ay Nihonggo, Spanish,
French at iba pa. Sa ganitong isyu mas lalong napapag-
iwanan ang wikang Filipino at mas nagiging sanay pa ang
mga tao sa ibang wika kesa sa nararapat na wika para sa
kanila.
- Ang layunin ng adbokasiya ito ay maisama ang dumaraming
mamamayang Filipino na mas nakakaunawa sa wikang
Filipino sa mga biyaya ng globalisasyon. Ang kailangan
lamang ay pasiglahin, pagyamanin at palakasin natin ang
pakikipagtunggali at makinabang sa benipisyo ng
globalisasyon. Palawakin ang wikang Filipino bilang
intelektwalisadong wika bilang tagapamagitan sa proseso ng
globalisasyon.
- Ayon nga kay Dr. Pamela C. Constantino (2009), panahon
na upang mabago ang pagtingin sa Filipino bilang wikang
pambansa, wikang panturo at asignatura. Ang negatibo at
mababang pagtingin sa sariling wika, bunga na rin ng
kolonyal na pag-iisip na hinubog ng ilang siglong kolonisayon
ang nananatiling hadlang sa pag-uunlad ng wika at ng
lipunang pinanggagamitan nito.

You might also like