Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

ZABALA, Nicole P.

GEED 10103 – Filipinolohiya


BS Architecture 3-1 Gng. Glenda Salorsano

Pagsasanay Bilang 5
UP TALKS: Wikang Filipino sa Panahon ng Internasyonalisasyon
at Globalisasyon ni Dr. Crisanta Flores

1. Wikang Filipino
Ang Wikang Filipino ay orihinal na nagmula sa Wikang Austronesyano. Ito ang
nagpapaliwanag sa pagkakatulad ng anyo, bigkas at kahulugan ng ilang mga salita
sa iba’t ibang wika sa kapuluan. Ito rin ang pinag-uugatan ng ideyang halos
magkatulad ang mga wikang Ilocano sa Pampanga at iba pang wika. Ang sikat at
pinakaunang ebidensyang nakalap ay ang Kawi Script na naglalaman ng halo-halong
salitang Malay, Sanskrit, Java at Tagalog. Ang mga inskripsyon na ito ay kadalasang
naglalamanng mga detalye patungkol sa kalakaran sa isang lugar. Dagdag pa rito ay
ang Baybayin na pinaniniwalaan ng nagmula sa isa pang Kawi Script. Ang
katutubong pamamaraan ng pagsulat ay kadalasang nakabase at nagmula sa mga
bagay sa kapaligiran tulad ng tubig o dagat.
Sa pagpasok ng kolonisasyon ng mga Kastila, naitala sa Sucesos de las Islas
Filipinas na mataas ang literasi ng mga katutubong Filipino sa paggamit ng baybayin.
At sa pagpanganak ng Alpabetong Romano at wikang Kastila, ito ay ang umangat sa
bilang ng gumagamit kumpara sa mga gumagamit ng Baybayin. Sa pangyayaring ito,
masasabing ang wikang Kastila ay naging wika para lamang sa mga pribilihiyado.

2. Internasyonalisasyon
Internasyonalisyon, batay sa pagkakakonteksto ng edukasyon, ay ang
pagkakaroon ng mga kurso at serbisyong maaaring makuha ng mga banyagang
mag-aaral at guro. Ito ay ang pagkakataon kung saan maaaring makilala ang lokal
na mga serbisyo at iba pa sa internasyonaal na paningin. Kung iuugnay ito sa wikang
Filipino, may mga sinusundang batas na nagtataguyod ng internasyonalisasyon nito.
Ito ay tulad na lamang ng MOA at MOU Partnership kung saan hindi pa rin
Sanggunian:
TVUP. (2017). UP TALKS | Wikang Filipino sa Panahon ng Internasyonalisasyon at
Globalisasyon | Dr. Crisanta Flores [Video].
YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=WGTYpkK3tTo&t=831s&fbclid=IwAR3YzS1eCKM
rtOwiQqFDjn2gIbu9eNjlf1GWdbdRZ1hJM_d1ERMkb8ufRCQ
ZABALA, Nicole P. GEED 10103 – Filipinolohiya
BS Architecture 3-1 Gng. Glenda Salorsano

nakakaligtaang gamitin at pag-aralan ang wika at kulturang Filipino maging ang


kasaysayan ng kapuluang Pilipinas. Sa kabilang banda, maging ang mga
internasyonal na mga paaralan ay naghahain ng mga kursong nakalaan lamang sa
pag-aaral ng wikang Filipino at ibang wikang galing sa kapuluan tulad ng Osaka
University sa Japan at University of California sa United States.

3. Globalisasyon
Ang globalisasyon sa bansang Pilipinas ay ang panahon ng pangangalakal.
Dito umusbong ang Kalakalang Galyon kung saan ang Pilipinas ay naging daan ng
mga produkto maging ng wika at kultura mula sa Acapulco, Mexico at Tsina. May
mga pag-aaral din na nagsasabi ng koneksyon ng Pilipinas sa bansang Mexico dahil
sa mga lugar mismo sa bansa na direktang nakaugnay sa Pilipinas tulad ng Filipinas
district at mga lugar na tinatawag na Maganda at Maligaya. Kalaunan ay naging
bukas na rin sa Pandaigdigang Kalakalan ang Pilipinas para sa pagpapalitan ng mga
produktong lokal dahil sa mga Ingles.

4. Wikang Filipino sa Panahon ng Internasyonalisasyon at Globalisasyon


Sa panahon ng internasyonalisasyon at globalisasyon, ang wikang Filipino ay
nananatiling buhay at umuusbong. Ang ilan sa patunay nito ay ang pagkakaroon ng
mga unibersidad sa ibang bansa na nag-aalok ng mga kursong kaugnay ng wika at
mismong bansang Pilipinas. Mayroon ding mga aklat at pelikulang nasalin na sa
ibang wikang banyaga. Dagdag pa rito ay mga mga banyaga na dumadayo sa
Pilipinas upang pag-aralan ang ating kasaysayan, wika at maging ang kultura natin.
Ilan lamang ito sa patunay na ang wikang atin ay intelektwalisado at nararapat
lamang na pausbungin pa lalo upang tuloy tuloy itong magkaroon ng lugar sa
panahon ng internasyonalisasyon at globalisasyon.

Sanggunian:
TVUP. (2017). UP TALKS | Wikang Filipino sa Panahon ng Internasyonalisasyon at
Globalisasyon | Dr. Crisanta Flores [Video].
YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=WGTYpkK3tTo&t=831s&fbclid=IwAR3YzS1eCKM
rtOwiQqFDjn2gIbu9eNjlf1GWdbdRZ1hJM_d1ERMkb8ufRCQ

You might also like