Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Lecture 6

MODYUL 6: ANG PAGBUBUO NG PAMBANSANG KAMALAYAN

Mga Inaasahanag Matutunan:


1. Natatalakay ang mahahalagagang kaganapan sa panahong 1872-1913
na naging batayan ng pagbubuo ng pambansang kamalayan
2. Napaliliwanag ang mga pagbabago at tunggalian panlipunan sa
panahon ng pakikipaglaban para sa kalayaan mula sa kolonyalismo mga
Espanyol at pananakop ng mga Amerikano
3. Nasusuri ang mga makabayang kaisipan ng mga Pilipino mula
sa mga pangkasaysayang sanggunian ukol sa panahong 1872-1913

Mga Pangunahing Punto


- Sa parteng ito ng ating kasaysayan, matutunghayan ang masidhing
damdamin at kamalayang pambansa ng mga Pilipino na sumasaklaw sa
buong kapuluan nang sumiklab ang Himagsikang 1896

- Maiuugat bago pa ang 1872 ang pagkabuo ng pambansang kamalayan at


damdamin at gagamitin ang salitang bayan bilang pantukoy sa mas
malawak na kabuuan nito

- Ginamit naman mga criollo o mga Espanyol na ipinanganak sa mga


kolonya, at mestisong Kastila ang banyagang ideya nación na umusbong
sa Rebolusyong Pranses

- Mas lalawak ang gamit ng konseptong nacion sa tunggalian ng paring


sekular laban sa mga prayle

- Sa pagtatanggol ng karapatan ng mga paring sekular na mamahala ng


mga simbahan mula sa pagbawi nito ng mga orden, umusbong ang unang
mukha ng nasyonalismong Pilipino laban sa diskriminasyon ng mga
prayle

- Susundan ito ng pagkilos ng mga estudyanteng Pilipino na maglunsad ng


kilusang Propaganda para sa reporma

- Pinaigting ng mga akda nina Rizal, del Pilar at Lopez Jaena ang
pambansang kamalayan

- Ang dalawang organisasyon na La Liga Filipina at Katipunan ay iniluwal


ng kilusang propaganda noong 1892 ang nagsusulong ng pagbubuo ng
pambansang komunidad at pagkakaisa

- Nasaksihan ang paglaban ng mamamayan para sa kalayaan at kasarinlan


una laban sa pananakop ng Espanya noong 1896 at bagong pananakop ng
Estados Unidos noong 1898

Sekularisasyon at ang Pag-aalsa sa Cavite 1872

- Umusbong sa kilusang sekularisasyon ang unang yugto ng


nasyonalismong Pilipino dahil sa pagtatanggol ng mga paring sekular sa
karapatan at kakayahan nitong mamahala ng mga parokya noong dantaon
19

- Inakusahan ng mga prayleng regular ng orden tulad ng Franciscan,


Agustinian, Diminican, Recoleto at Jesuit ang mga paring sekular na
walang sapat na kaalaman at taksil sa Espanya

- Naging haligi ng kolonyalismong Espanyol ang mga prayle para sa


ebanghelisasyon at kolonisasyon bilang mga misyonero, mga pari ng
maraming parokya sa kapuluan, at may-ari ng mga hacienda

- Nagkaroon din ng hidwaan ang obispo ng Manila na isang paring sekular


at mga prayle dahil sa pagtanggi ng mga prayle sa ipatupad ang
kapangyarihang episcopal ng obispo na dumalaw sa kanilang mga
parokya

- Sinimulan ang pagbubuo ng paring sekular nang sinanay ang mga


Pilipino sa pagpapari noong dantaon 17

- Noong dantaon 18, natalaga sa mga parokya ang paring sekular kahit ang
iba ang kulang pa sa pagsasanay bunsod na pagpapatalsik ang mga Jesuit
at pagkawas sa pagdating ng mga bagong prayle

- Samantala sa dantaon 19, sa pagbalik ng mga Jesuit sa Pilipinas, binawi


sa mga paring secular ang mga parokya

- Nanguna sina Fr. Pedro Pelaez, Fr. Mariano Gomez at Fr. Jose Burgos sa
mga protesta sa patakaran ng estadong kolonyal

- Lumitaw sa hidwaan ng paring sekular at paring regular ang isyu sapat na


kasanayan sa doktrina, katapatan sa Espanya at diskriminasyon sa lahi

- Sinuportahan ang mga paring sekular ng mga tinawag na hijos del pais na
criollo at mestisong spanyol at nabuo Juventud Escolar Liberal at Comite
de Reformadores

- Sa gitna ng hidwaan ng mga paring sekular at paring regular pumutok


ang pag-aalsa ng mga manggagawa at kawal sa Cavite noong Enero 20,
1872 sa pamumuno ni Sarhento Lamadrid kung saan nag-alsa ang mga
Pilipinong sundalo at ilang opisyal na Espanyol at pinatay ang mga
sundalong Espanyol sa arsenal ng Cavite at nakontrol ang Fort San
Felipe; mabilis na nabawi mula sa mga nag-alsa noong Enero 22 ang Fort
San Felipe

- Idinawit ni Gob. Rafael Izquierdo sa pag-aalsa ang mga pinuno ng


kilusang sekularisasyon bagaman walang malinaw na ebidensiya laban sa
mga paring Pilipino at kanilang tagasuportang repormista na nagresulta
sa paglilitis at pagbitay sa tatlong paring sina Fr. Mariano Gomez, Fr Jose
Burgos at Fr. Jacinto Zamora noong Pebrero 17 sa Bagumbayan

- Pinatapon sa Guam at ibang malayong lugar ang iba pang Pilipino


kabilang ang ilang negosyante ng Cavite at ilang paring secular
- Layon ni Gob. Izquierdo at mga prayle na pabagsakin ang kilusang
sekularisasyon at patahimikin ang mga repormista

- Nagkaroon din ng restriksyon sa pagpapari ng mga Pilipino sa mga


seminaryo at unibersidad

Kilusang Propaganda hanggang La Liga Filipina

- Mula sa mga paring Pilipino na namuno sa sekularisasyon, ipinagpatuloy


ng mga estudyanteng
- Pilipino ang pagkilos para sa pagbabagong politikal at pang-ekonomiya
sa bansa, ngunit hindi sa
- Pilipinas ang sentro ng pagkilos na ito kundi sa Europa

- Simula noong 1863 nang nagkaroon ng reporma sa edukasyon para sa


pampublikong paaralang primarya sa Pilipinas. Bandang 1880, nakikita
sa iba't ibang unibersidad sa Europa ang mga estudyante Pilipino na nag-
aaral ng medisina, abogasya, iskulutra, pagpipinta at inhinyeriya

- Mga tagapagmana ang mga kabataang ito ng kilusang sekularisasyon na


namulat sa ideya ng liberalismo at nasyonalismo ng Europa

- Hangarin nila ng mga repormang politikal at pang-ekonomiya sa


Pilipinas

- Itinuring ng mga ilustrado na ang pananatili ng dominasyon ng mga


prayle sa Pilipinas ang isa sa mga pangunahing balakid sa matagumpay
na reporma kung kaya't ang mga prayle ang pangunahing kaaway ng mga
ilustrado

- Noong 1888 natatag sa Manila ang Comite de Propaganda o La


Propaganda para lumikom ng pondo sa gawain sa Espanya
- Isinulong na mga reporma ang:

1. Representasyon sa Cortes
2. Asimilasyon bilang lalawigan ang Pilipinas ng Espnaya
3. Pagkapanta-pantay ng mga Pilipino at Espanyol
4. Pagbibigay ng mga parokya sa mga paring sekular at pagpapatalsik
Sa mga prayle
5. Matatag ang malayang kalakalan at liberalisasyon ng ekonomiya

- Itinatag ang La Solidaridad noong Disyembre 1888 sa Barcelona at nang


sumunod na taon inilahatha ang unang tomo ng pahayagan nito

- Mahalagang ambag ng pahayagang La Solidaridad:

1. Ang isulong ang kalayaan sa pamamahayag


2. Pagkakapantay sa batas
3. Pakikilahok sa pamahalaan
4. Kalayaang panlipunan at pulitikal

- Naglathala rito ang mga pangunahing ilustrado sa Europa tulad ni


Graciano Lopez Jaena, Marcelo del Pilar, Mariano Ponce at Jose Rizal

- Hindi naging produktibo ang gawaing propaganda dahil sa tumugon ang


Madrid at kakulangan sa pondo

- Nagkaroon din ng di pagkakasundo ang mga kasapi at lumisan ang iba


dulot ng maraming kadahilaan

- Isa si Jose Rizal sa nagpasyang bumalik sa Pilipinas at bumuo ng isang


samahan sa magmumulat sa kamalayan ng mga Pilipino

- Mithiin ni Rizal na bumuo ng pambansang komunidad na nagkakaisa at


masagana. Itinatag sa Tondo noong Hulyo 3, 1892 ang La Liga Filipina

- Noong Hulyo 6 ipinadikip at ipinatapon si Rizal ni Gob. Despujol sa


Dapitan
- Sinubukang ipagpatuloy ng mga naiwang kasapi ang La Liga tulad nina
Andres Bonfacio bago ito tuluyang magwakas

Katipunan at Himagsikan 1896

- Itinatag ang isang sikretong samahan sa Tondo noong Hulyo 7, 1892 na


nagnanais ng pagkakaisa ng bayan para lumaya mula sa Espanya sa
pamamagitan ng himagsikan

- Kabilang sa mga unang kasapi nito si Andres Bonifacio, Deodato


Arellano, Ladislao Diwa, Ventin Diaz, Jose Dizon at Teodoro Plata

- Tinawag ang samahan na Kataastaasan Kagalang-galang na Katipunan ng


mga Anak ng Bayan (KKK)

- Malinaw sa akda ng Katipunan ang mga konseptong taal sa Pilipinas


tulad ng:

Kalayaan
Kaginhawahan
Katwiran
Kaliwanagan
Kasaganaan

- Makikita sa mga akda rin nito ang mga katagang Inang Bayan, Haring
Bayang Katagalugan, at Anak ng Bayan

- Bagaman pormal na itinatag lamang noong Hulyo 1892, may mga


bagong tuklas na dokumento na nagsasaad na maaaring nabuo ang ideya
ang Katipunan ng mas maaga - Enero 1892

- Mabagal na lumaki ang kasapian ng mga unang taon nito hanggang


1895- bago sumiklab ang Himagsikan noong 1896 umaabot ang kasapian
mula 30,000 hanggang 400,000
- Pambansa ang kamalayan at damdamin ng Katipunan

- Inklusibo ang konsepto nito na Katagalugan para sa pamahalaan ng


buong kapuluan at Tagalog para sa lahat ng tumubo sa kapuluan

- Demokratiko ang istruktura at organisasyon ng Katipunan na binubuo ng


mga halal na opisyal mula Kataastaasang Sanggunian, hanggang sa mga
Sangguniang Bayan at Sangguniang Balangay

- Nahalal na supremo si Deodato Arellano noong 1892, si Ramon Basa


noong 1893 at si Andres Bonifacio noong 1894

- Ang mga kasapi ng Katipunan ay mula sa gitnang-uri ng Manila,


nakapag-aral, kawani, manggagawa, propesyunal, at naghaharing uri sa
mga lalawigan at mga ilustrado

Pagsiklab ng Himagsikan 1896 laban sa Kolonyalismong Espanyol

You might also like