Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

Learning Area Filipino Grade Level Ikaapat

W7 Quarter Ikatlo Date

I. LESSON TITLE Pagbibigay ng Ibang Pagwawakas sa Pinanood Ayon sa Sariling Saloobin o Paniniwala
Paggamit ng Simuno at Panaguri sa Pangungusap Pagsulat ng Talata na
May Sanhi at Bunga
II. MOST ESSENTIAL Naipakikita ang pag-unawa sa pinanood sa pamamagitan ng pagbibigay ng ibang
LEARNING pagwawakas ayon sa sariling saloobin o paniniwala F4PD-IIIh-7.2
COMPETENCIES Nagagamit ng wasto at angkop ang simuno at panaguri sa pangungusap. F4WG-IIIi-j-8
(MELCs) Nakasusulat ng talata na may sanhi at bunga F4PU-IIIi-2.1
III. CONTENT/CORE Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring panonood ng iba’t ibang uri ng media.
CONTENT Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling
ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.
Napapaunlad ang kasanayan sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng sulatin.

-Natutukoy ang simuno, panaguri sanhi at bunga sa pangungusap o talata.


-Nakasusulat ng pangungusap na may angkop na simuno at panaguri.
-Nakasusulat ng talata na may sanhi at bunga
-Naipapakita ang pagpapahalaga sa ibang tao.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Time Frame
A. Introduction 30 minuto Inaasahan na pagkatapos ng aralin na ito ay maipapakita mo ang
Panimula iyong pang-unawa sa iyong pinanood sa pamamagitan ng pagbibigay
ng ibang pagwawakas ayon sa sariling saloobin o paniniwala;
magagamit nang wasto at angkop ang simuno at panaguri sa
pangungusap; at makasusulat ng talata na may sanhi at bunga.
Bigyang pansin mo ang mga sumusunod na makatutulong sa iyo sa
pagsasagawa ng mga gawain.
Sa pagbibigay ng sariling wakas, mahalagang maunawaan mong
mabuti ang kuwento o palabas na iyong napanood.
Ang mga sumusunod ay mga bahagi o elemento ng pelikula o
palabas:
1. Tema - ito ay nagsasaad ng pinakapaksa, layunin o mensahe ng
pelikula o palabas.
2. Tauhan - ang tawag sa mga gumaganap ng iba’t ibang
katauhan o karakter sa pelikula o palabas.
3.Banghay - ito naman ay ang pagkakasunod-sunod ng mga
eksena o pangyayari sa pelikula o palabas.
4. Musika/Sound Effects- ito ay musikang tumutugtog habang
may eksena, mahahalagang tunog na nagbibigay ng higit na
kabuluhan sa bawat eksena.
Ang pangungusap ay may dalawang mahalagang bahagi ang simuno
at panaguri.

Paksa o simuno ang tawag sa pinag-uusapan sa pangungusap.

Panaguri ang naglalarawan at nagpapakilala sa pinag-uusapan.


Ano ba ang talata? Alin ang sanhi at bunga dito?
Ang isang talata ay ang pagsama-sama ng mga pangungusap
na gumagawa ng isang buong ideya.
Sa pagsulat ng talata maari nating matukoy ang sanhi at bunga
dito.
Ang sanhi ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang
pangyayari.
Ito ay nagsasabi ng mga kadahilanan ng mga pangyayari.
Ang bunga naman ay ang resulta o kinalabasan o dulot ng
pangyayari.
Ito ang epekto ng kadalinanan ng pangyayari.
May mga hudyat upang malaman kung sanhi o bunga ito;
Sanhi - sapagkat, dahil, dahil sa, palibhasa, kasi
Bunga - resulta ng, bunga nito, kung gayon, dulot nito, kaya,
kaya naman, tuloy
Sanggunian: Suhay: Wika at Pagbasa 4 pahina 46
B. Development 30 minuto Upang subukin ang iyong pagkaunawa sa iyong nabasa sa
Pagpapaunlad panimula,
gawin ang mga sumusunod.
Panoorin ang maikling pelikulang pinamagatang “Sina Igme at
Gani sa link na ito
https://www.youtube.com/watch?v=q7R9rC8OUsM kung wala
kang koneksyon sa internet maari mong basahin ang buod ng
maikling pelikula sa ibaba.
"Sina Igme at Gani”
Hango sa Maikling Pelikula ni Jhayle Meer -TVUP

Sina Igme at Gani ay matalik na magkaibigan. Silang dalawa


ay parehas na may simpleng pamumuhay. Ang pamilya ni Gani ay
mayroong maliit na lupain na sinasaksak. Samantalang ang nanay ni
Igme ay nagtatrabaho sa Maynila bilang taga bantay ng puwesto sa
isang palengke.
Tuwing papasok sa paaralan ay magkasabay silang
naglalakad at nagkukuwentuhan.
Isang araw ay nag-anunsiyo ang kanilang guro ng paligsahan
sa pagguhit at maaring magpalista ang lahat ng nais sumali dito. Sa
pagpapaikot ng listahang papel ay isinulat ni Gani ang kanyang
pangalan maging ang pangalan ni Igme bilang kanyang kapareha
ngunit ng makita ito ni Igme ay binura niya din ang kanyang
pangalan na ikinalungkot ni Gani.
Ikinuwento ni Igme ang dahilan kung bakit niya binura ang
kanyang pangalan, ito ay sa kadahilanang hindi na siya makakapag-
aral dahil lilipat na sila ng Maynila upang magbantay ng puwesto sa
palengke.
Sa pag-alis ni Igme ay pinuntahan pa din ito ni Gani upang
magpaalam.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Batay sa iyong pinanood o binasang


buod ng maikling pelikula sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Isulat ang sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang kaugnayan ni Igme kay Gani?
2. Ilarawan ang pamumuhay nina Igme at Gani?
3. Anong paligsahan ang nais salihan ni Gani?
4. Bakit kaya isinulat ni Gani ang pangalan ni Igme sa listahan?
5. Ano ang naging dahilan ni Igme upang hindi makasali sa
paligsahan ng pagguhit?
Upang mas mahasa pa ang iyong kaalaman tungkol sa aralin
basahin at
pag-aralan mo ang mga pangungusap sa ibaba:

1. Si Igme at Gani ay magkaibigan.


Sino ang tinutukoy sa pangungusap? Ano ang tawag sa
bahagi ng pangungusap na pinag-uusapan?
Ano ang sinasabi sa pinag-uusapan?Ano ang tawag sa
bahagi ng pangungusap naglalarawan o nagpapakilala sa
pinag-uusapan?

2. Si Igme ay pupunta sa Maynila kung kayat ayaw niyang


sumali sa paligsahan.
Ano ang dahilan ng hindi pagsali ni Igme sa paligshan? Ano ang
tawag sa dahilan ng pangyayari?
Ano ang naging result ng pagpunta ni Igme sa Manila?Ano ang
tawag sa resulta ao bunga ng pangyayari?

Upang masagot ang mga katanungan sa bahaging ito, balikan


mo ang inilahad na paglalarawan at impormasyon sa bahaging
panimula.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Batay sa iyong pinanood o binasang


buod ng maikling pelikula, ano ang maaring maging wakas nito ayon
sa iyong sariling saloobin at paniniwala. Isulat ito sa iyong sagutang
papel.

Pagbatayan ang rubriks sa ibaba sa pagsasagawa ng gawain.


Mga Pamantayan 3 2 1
Napakahusay Mahusay Di-
gaanong
mahusay
Naipahayag ang
saloobin at paniniwala
sa isinagawang
wakas ng palabas
Nagamit ang mapanuring
kaisipan sa pagbibigay ng
sariling wakas ng palabas
na napanood
Naging makatotohanan
ang wakas ng palabas
Nailakip ang
mahalagang detalye
upang maging kawili-wili
ang wakas ng kuwento
C. Engagement 30 minuto Upang mas mapalalim ang iyong kasanayan sa mga aralin. Gawin
Pakikipagpalihan ang mga sumusunod.
Gawain sa Pagkatuto 3: Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Sumulat
tig-dalawang pangungusap tugkol dito.Gumamit ng angkop na
simuno at panaguri na naayon sa larawan.Isulat ito sa inyong
sagutang papel.

Hango sa pelikulang Sina Igme at Gani ni Jhayle Meer (Ang


nasabing larawan ay pinahintulutan ng mismong may-akda ng
pelikula)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Gumawa ng limang pangungusap


tungkol sa iyong pamilya. Isulat sa hanay A ang mga simuno at Hanay
B ang mga panaguri kaugnay ng nabuo mong pangungusap.Isulat
ito sa iyong sagutang papel.
Hanay A (Simuno) Hanay B (Panaguri)
1.
2.
3.
4.
5.

Basahin ang pamantayan sa pagsasagawa ng gawain.


Puntos Deskripsyon
5 Nakasulat ng limang pangungusap gamit ang angkop
na
simuno at panaguri.
4-3 May isa o dalawang pangungusap na hindi angkop
ang
simuno at panaguri.
2-1 May tatlong o apat na pangungusap na hindi
angkop
ang simuno at panaguri.
0 Hindi nakagawa o lahat ng pangungusap ay hindi
sumunod sa panuto.
Gawain sa Pagkatuto 4: Sumulat ng isang maikling talata tungkol sa
iyong karanasan bilang mag-aaral na patuloy na pinapahalagahan
ang edukasyon sa pamamagitan ng Modular Distance Learning.
Isulat sa ito sa iyong sagutang papel.
Maaring maging batayan ang mga sumusunod na tanong:
Ano ba ang naging sanhi ng pagkakaroon natin ngayon ng
Modular Distance Learning?
Ano ang naging bunga nito para sa iyo bilang isang mag-aaral?

Basahin ang pamantayan sa pagsasagawa ng gawain.


3 2 1
Nakasulat ng talata Nakasulat ng talata na Hindi nakasulat
na malinaw na hindi gaanong malinaw ng talata na may
naipakita ang sanhi na naipakita ang sanhi sanhi at bunga.
at bunga. at bunga.
D. Assimilation 30 minuto Sa iyong isinagawang mga pagsasanay ay natutunan mo ang
Paglalapat pagbibigay
ng wakas sa iyong pinanood ayon sa sa sariling saloobin o
paniniwala, nagamit mo ang wasto at angkop na simuno at panaguri
sa pangungusap at nakasulat ka ng talata na may sanhi at bunga.
Kompletuhin ang talata. Punan ang patlang ng tamang sagot. Isulat
ang sagot sa iyong sagutang papel.
Mahalagang magkaroon ka ng sa iyong
pinanood upang makapagbibigay ka ng ibang ayon sa sarili
mong saloobin o paniniwala.
Sa pagsulat mo ng wakas sa iyong pinanood ay nakapagsulat
ka ng pangungusap kung saan nagamit mo ang dalawang
mahahalagang bahagi. Ang na tawag sa pinag-uusapan sa
pangungusap at ang
na naglalarawan at nagpapakilala sa pinag-uusapan.
Sa pinagsama-samang ideya sa iyong pangungusap ay
nakabuo ka ng isang na
kung saan nabigyang diin mo ang na
tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari at na
resulta o kinalabasan o dulot ng pangyayari. Ito ang epekto ng
kadalinanan ng pangyayari.
V. ASSESSMENT 25 minuto
(Learning Activity Sheets Ngayon naman ay sukatin mo ang iyong natutunan. Gawin
for Enrichment, ang pagsasanay sa ibaba.
Remediation or Manonood ka ng isang pelikula o palabas, maaring
Assessment to be given makapanood ka sa youtube kung mayroon kang koneksyon sa
on Weeks 3 and 6) internet sa pamamagitan ng cellphone, laptop o tablet, kung wala ka
naming internet, maari kang makapanood sa telebisyon o
makapakinig sa radyo. Kung wala kayo isa man sa mga gadget na ito,
maari ka naming magtanong o magpakuwento sa iyong magulang ,
taga pag-alaga o nakatatandang kapatid ng isang pelikula na
napanood na nila.

Mga Pamantayan 3-Napakahusay 2- Mahusay 1-Di-


gaanong
mahusay
Nakasulat ng talata ng
posibleng maging
wakas ng pelikula
Nagamit ang angkop
na simuno at panaguri
sa isinulat na talata.
Naibigay ang dahilan
sa pagsulat ng wakas
ng talata.
Sumulat ng isang maikling talata tungkol sa wakas ng pelikula na
maari mong maibigay ayon sa sarlli mong saloobin o paniniwala.
Gumamit nang angkop na simuno at panaguri sa gagawin mong
talata. Sa pangwakas na bahagi ng iyong talata ibigay ang dahilan
kung bakit mo napili ang wakas na iyon. Isulat ito sa sagutang papel.
Sa susunod ng linggo ay matutunan mo kung paano
makapagsusunod sunod ng pangyayari sa tekstong sa napakinggan
sa pamamagitan ng paggamit ng una, pangalawa, sumunod at
panghuli.
VI. REFLECTION 10 minuto Matapos mong mapagdaanan ang mga pagsubok na humamon
sa
iyong kakayahan upang makapagsulat ng talata na may sanhi at
bunga ngayon ay isulat mo ang mga bagay na natutunan mo sa
aralin. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

Natutunan ko na .
Nabatid ko na .
Nais kong matuto pa ng tungkol sa .
Prepared by: Irene B. Manalo Checked by: Ricardo Makabenta
Miriam Bautista
Rodalyn P. Errabo
Learning Area Filipino Grade Level Ikaapat
W8 Quarter Ikatlo Date

I. LESSON TITLE Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa tekstong napakinggan


II. MOST ESSENTIAL LEARNING Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa tekstong napakinggan
COMPETENCIES (MELCs) sa
pamamagitan ng paggamit ng una, pangalawa, sumunod at
panghuli F4PN-IIIj-8.4
III. CONTENT/CORE CONTENT Nasusunod ang napakinggang panuto o hakbang ng isang gawain
● Nakapagbibigay ng panuto gamit ang pangalawang
direksiyon.
● Nakasusulat ng simpleng panuto

IV. LEARNING PHASES Suggested Learning Activities


Time Frame
A. Introduction 30 minuto Sa araling ito ikaw ay inaasahang makapagsusunod-sunod
Panimula ng mga pangyayari sa tekstong napakinggan sa pamamagitan ng
paggamit ng una, pangalawa, sumunod at panghuli. Ang pagsunod sa
panuto ay mahalaga upang magawa mo ng tama ang ipinagagawa.
Ito ay isang paraan upang matutuhan mong sumunod sa mga alituntunin
na ibinigay o iniatang sa iyo. Ang panuto ay isang tagubilin o iniuutos kung
ano ang gagawin. Maaaring pabigkas o nakasulat ito. Magagawa rin
nating makasunod sa panuto kung uunawain nating mabuti ang isang
binabasa o pinakikinggan. Sa pamamagitan ng pag-unawa at pakikinig
nang mabuti ay makasusunod tayo ng tama sa napakinggan natin.

Gawain Bilang 1
A. Gawin kung ano ang sinasabi sa panuto.
1. Umupo nang maayos.
2. Itaas ang dalawang kamay.
3. Sabihin ng malakas ang iyong pangalan.
4. Gamitin sa pangungusap ang salitang masipag.

Gawain Bilang 2
Marunong ka bang gumawa ng kalamansi juice? Bago natin alamin
Kung paano ito gawin, kilalanin muna natin ang pangunahing sangkap
nito- ang kalamansi.
Mga Sangkap 10 pirasong kalamansi
1 2/4 kutsarang asukal
4 na kutsarang honey/pulot
1 litrong tubig
B. Development 30 minuto Gawain Bilang 3. Basahin ang talata tungkol sa kalamansi.
Pagpapaunlad Ipakita ang natutuhan mo tungkol dito sa tulong ng mapa sa susunod na
pahina.
Ang kalamansi’y sinasabing nanggaling sa bansang Tsina bilang
isang antas ng hibrido mula sa isang maasim, angat ang balat na
mandarin. Sa kalaunan, ito’y kumalat na at naging malawak ang taniman
sa Silangan, lalo na sa Indonesia at Pilipinas.
Sa Pilipinas, tinatawag itong kalamodin o kalamonding, limonsito,
sintonis, aldonisis, kalamansi, dalandan, dalanghita at dayap. Paborito ito
ng mga Pilipino dahil sa maasim nitong katas. Ito’y komersyal na
pinoproseso bilang de-boteng konsentrasyon at katas. Ginagawa itong
marmelada o prineserba sa arnibal. Ginagamit ito sa paggawa ng buong
chutney at bilang panangkap na pampasarap sa mga lutuing pagkaing-
dagat at karne. Ang katas nito’y nagagamit na pang-alis ng mantsa,
pang-alis ng amoy at dumi ng katawan ng tao, pampaputi ng balat,
shampoo, at panggamot sa pangangati ng balat. Gamot din ito sa ubo,
pang-alis ng pamamaga, pampurga, at pampalabas ng plema kapag
inihalo sa paminta. Ang ugat naman nito ay gamut sa bagong panganak,
ang langis mula sa dahon ay gamot sa kabag. Ang nectar nito ay
ginagawang puloy ng mga bubuyog. Ito ay nagtataglay ng tubig, protina,
taba, carbohydrate, at abo. Ang kalamansi ay punong-puno ng bitamina
C.

http://www.darfu4b.da.gov.ph/pdffilesdata/kalamansi.pdf

Ngayon ay nalaman mo na kung ano ang kalamansi. Maaari na nating


simulan ang pagsagot sa isang gawain.

Gawain Bilang 4. Gamitin mo ang isang tsart na nasa ibaba upang


maipakita ang natutuhan mo mula sa binasang teksto. Pangkatin mo ang
mga impormasyong makakalap at isulat sa bawat kahon. Gawin ito sa
isang malinis na papel.

Ipakita sa buong klase ang natapos na mapa ng bawat pangkat.


Ngayon naman ay sino sa inyo ang makakapagbigay ng mga panuto
gamit ang mga pangalawang direksiyon. Gamitin ninyo ang mga mapa
na nakapaskil sa pisara.
C. Engagement 30minuto Gawain Bilang 3: Naririto ang resipi sa paggawa ng calamansi juice.
Pakikipagpalihan Basahin at subuking gawin ito.

Pamagat : Calamansi Juice


Layunin : Makagawa ng isang masarap at masustansiyang juice
Mga Sangkap: 10 pirasong kalamansi
1 2/4 kutsarang asukal
4 na kutsarang honey/pulot
1 litrong tubig
Mga Hakbang
1. Hugasan at patuyuin ang mga kalamansing gagamitin.
2. Hiwain ang kalamansi sa may puno nito. Ingatang huwag
mahiwa ang mga buto.
3. Pigain ang kalamansi sa isang salaam.
4. Lagyan ng 1 2/4 kutsarang asukal ang isang litrong tubig.
5. Lagyan ng 4 na kutsarang honey/pulot.
6. Haluin at ilagay sa isang lalagyan. Palamigin o lagyan ng yelo kung
nais.
Kaya mo ma bang gumaw a ng sarili mong juice?
Ano-ano ang mga hakbang na dapat sundin sa paggawa nito? Nasundan
mo ba ang panuto na dapat gawin sa paggawa ng calamansi juice?
Ano ang magandang dulot sa ating kalusugan ng calamansi juice?
Kung ikaw ang papipilin alin ang nais mong inumin calamansi juice o soda?
Bakit?
Rubriks para sa Wastong pagsunod sa panuto.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4. Mag-isip ng isang maaaring maging
dekorasyon sa inyong booth sa mini-fair. Isulat ang mga hakbang sa
paggawa nito.

Pamagat :
Layunin :
Kagamitan :
Mga Hakbang :
1.
2.
3.
4.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Narito ang ilang hakbang sa paggawa


ng kefta o tinatawag na hamburger. Pagsunud-sunurin ninyo ang
mga panutong nakatala, isulat ito sa inyong papel.

a. Pangalawa,paghalu-haluing mabuti ang mga sangkap nito.


b. Una, sa paggawa ng kefta,kailangan ang giniling ng tupa o baka,
itlog,sibuyas paminta at asin. Unahing paghaluin ang karneng
giniling, itlog, sibuyas,at panimpla. Maaari ring dagdagan ito ng
tinadtad na pipino, tinadtad na kamatis o tinadtad na berdeng sili.
c. Panghuli, Iprito sa kawali o ihawin ito sa barbekyuhan. Pagkalipas ng
sampung minuto, baliktarin ito. Bantayang Mabuti para hindi
masunog. Ihain na.
d. Sumunod bilugin ang pinaghalo-halong sangkap nang kasinalki ng
bola ng golf.
D. Assimilation 20 minuto Mula sa mga ginawa ninyong mga Gawain, ano ang inyong
Paglalapat natutunan? Ano-ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng
panuto?
Paano mo maipakikita ang pagiging magalang sa pagbibigay ng
panuto?
Gumawa kayo ng sarili ninyong panuto. Halimbawa paano
magsaing.
(Isulat sa inyong sagutang papel)
V. ASSESSMENT 10minuto Sukatin mo ang iyong natutuhan sa ating aralin.
(Learning Activity Sheets Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa paggawa ng banana cue.
for Enrichment, Narito ang pamamaraan kung paano ito lutuin. Lagyan ng angkop na
Remediation, or panuto gamit ang Una, pangalawa , sumunod at
Assessment to be given panghuli ayon sa pagkakasunod-sunod nito.
on Weeks 3 and 6)
Maghanda ka ng isang boteng langis o mantika, isang piling ng
saging na sabang hinog, isang tasang asukal o panutsa at ilang
patpat na panuhog.
Hulugan mo rin ng asukal o panutsa ang kumukulong mantika.
Makikita mo na ang natutunaw na asukal o panutsa ay kakapit sa
pinirito mong saging. Pagkaluto ay saka mo tuhugin sa mga patpat
na panuhog.

( Hango sa pagpapaunlad ng kasanayan sa Pagbasa, St. Mary’s


publishing Corporation)
VI. REFLECTION Matapos mong mapaghandaan ang lahat ng pagsubok sa
bawat gawain na inilatag sa iyo. Ngayon ay madadalian ka na
sa pagsusunod-sunod sa pangyayari gamit ang una,
pangalawa, sumunod at panghuli.

Magsulat ka sa iyong kwaderno ng iyong nararamdaman o


realisasyon gamit ang mga sumusunod ng prompt:

Nauunawaan ko na ________________________________________.
Nabatid ko na ______________________________________________.
Naisasagawa ko na _________________________________________.

Prepared by: Maria Teresa M. Lalikan Checked by: Ricardo Makabenta

You might also like