Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

DEPARTMENT OF JUSTICE
NATIONAL PROSECUTION SERVICE
OFFICE OF THE PROVINCIAL PROSECUTOR
PROVINCE OF NUEVA ECIJA

MELINDA AGULTO y
DELA ROSA, in behalf of
her niece JANNA MAE
CUNANAN y AGULTO,
Complainant,

-versus- NPS DOC. NO.III-09-INV-21K-02543


FOR: ACTS OF LASCIVIOUSNESS

KENNETH ACERON,
Respondent.
x-----------------------------x

KONTRA-SINUMPAANG SALAYSAY
(Counter-Affidavit)

Akong si, KENNETH ACERON, Pilipino, nasa hustong taong


gulang, may asawa at nananinirahan sa Barangay Magpapalayoc, San
Leonardo, Nueva Ecija, matapos makapanumpa ng naaayon sa batas ay
malaya at kusang loob na nagsasalaysay ng gaya ng mga sumusunod:

1. Na ako po ang inirereklamo/inihahabla ni JOANA JANNA MAE


CUNANAN y AGULTO sa salang “ACTS OF LASCIVIOUSNESS”
ng walang basehan na ngayon ay nakasampa at dinidinig sa
Tanggapan ng Panglalawigan na Taga-Usig ng Nueva Ecija at
nakatala doon bilang Kasong NPS DOC. NO.III-09-INV-21K-02543;

2. Na ang bintang/reklamo laban sa akin ay mahigpit kong


tinututulan sa kadahilanang ang mga nasasaad dito ay pawang
walang katotohanan at basehan;

3. Na ang buong katotohanan po ay ang mga sumusunod:

4. Na noon pong ika-10 ng Setyembre taong 2021 ako po ay abalang


nag-aayos ng aking sasakyan dahil sa nabalaho po ito at na-flat
ang gulong nito. Pinilit ko pong maialis sa pagkakabalaho para
mapalitan ng gulong ngunit dahil nga po sa malalim ang
pagkakabalaho napilitan po akong hukayin ito. Nang mapalitan ko
na po ang gulong ay nagpatulong po ako sa mga lalaki na kasama
ni Janna at kapatid nito na namimitas para ito ay maitulak. Habang
ang aking asawa naman ay naglalaba malapit sa kalamansian ng
araw na iyon. Sa kagustuhan po ng aking asawa na silang
magkapatid ay matulungan ay inihinto po nya ang kaniyang
nilalaban at tinulungan nyang mamitas si Janna Mae at ang kapatid
nito upang sila ay makarami. Habang ako naman po ay
pinagpatuloy ko ang pag-aayos ng sasakyan. Chineck ko po ang
ilaw at preno dahil may byahe po kami ng asawa ko kinabukasan;

5. Na matapos ko pong maayos ang aking sasakyan ay sakto din


pong nayari ng pamimitas ng kalamansi ang aking asawa, si Janna
Mae, ang kapatid nito at iba pang mga namitas. Ako po at ang
aking asawa ay namahinga sa duyan samantalang si Janna Mae
naman po ay naligo na. Sinabihan po ako ng aking asawa na kapag
natapos sa pagligo si Janna Mae ay ipag-igib ko sya ng tubig. Nang
matapos po maligo si Janna Mae ay kukunin ko na sana ang timba
ng bigla naman po ako inunahan ng kapatid nito sa loob ng CR at
sinabing mauna na daw po sya at siya ay nadudumi. Habang
hinihintay ko po ang kanyang kapatid na makatapos sa CR ay
naisipan ko po na gamutin muna ang aking sugat. Nagtungo po
ako sa kwarto ng kubo upang kuhanin ang betadine. Si Janna Mae
po noon ay nagsusuklay sa harap ng salamin sa pader sa may
labas ng kwarto ng kubo kasama ang aking anak na si Amber na
naglalaro naman ng panahong iyon. Nang nasa loob na po ako ng
kwarto ng kubo at inaabot ang betadine sa itaas ng estante ay
nagulat po ako ng bigla pong humawak sa baywang ko si Janna
Mae na may inaabot din po pala sa estante. Ang pangyayari pong
ito ay nakita ng aking anak na si Amber at bigla itong nagsumbong
sa aking asawa na kami daw po ni Janna Mae ay magkayakap. Dito
na po nag-umpisa ang mga hindi pagkakaunawaan;

6. Na ang aking asawa po ng araw ding iyon ay tinanong si Janna


Mae kung totoong kami ay magkayakap at natatandaan ko po na
ang sinagot po nito ay “Tita hindi po totoo ang sinasabi ni Amber.
Napahawak lang po ako sa baywang ni Tito dahil may inaabot po
ako.”;

7. Na wala pong katotohanan ang hablang salaysay ni Janna Mae na


siya ay aking hinila sa braso, hinalikan sa labi at leeg, nilamas ang
kanyang suso at hinimas ang kanyang maseselang bahagi ng
katawan noong ika-10 ng Setyembre taong 2021. Ang bagay pong
ito ay pawang kasinungalingan at gawa-gawa lamang. Ako po ay
hindi namitas ng kalamansi ng araw na iyon sapagkat ginawa ko
ang aking sasakyan. Marami pong namimitas ng kalamansi ng
araw na iyon. Kung ang mga bagay na kanyang binanggit ay
ginawa ko sa kanya noong araw na iyon ay marami po sanang
makakakita;

8. Na bukod pa po dito, si Janna Mae ay tinanong ng aking asawa


kung talagang ako ay may ginawang hindi maganda sa kanya.
Chinat siya ng aking asawa sa fb messenger nito. Inamin niya na
wala talaga akong ginawa sa kanya. Ang palitan ng messages ni
Janna Mae at ng aking asawa sa fb messenger ay aking inilakip
dito at minarkahan bilang Annex “1” hanggang “6”;

9. Na ang bintang po nito sa akin na ginagawan ko na siya ng


kahalayan simula February 2021 ay pawang kasinungalingan at
gawa-gawa lamang. Si Janna Mae at ang kapatid po nito ay hindi
nakatira sa amin. Sila ay nakatira sa bahay ng aking mga biyenan
at pumupunta lamang sa amin sa tuwing may pitas ng kalamansi.
At madalang lang din po kami magkita dahil madalas po kaming
bumabyahe mag-asawa kaya imposible po ang binibintang niya sa
akin;

10. Na ang lahat ng aking nabanggit ay ang buong katotohanan


na kaya kong patunayan sa Tanggapan ng Panglalawigan na Taga-
usig ng Nueva Ecija at ang lahat ng nasasaad sa Sinumpaang
Salaysay ng Reklamo ni JANNA MAE CUNANAN y AGULTO ay
pawang kasinungalingan lamang. Dahil sa nasabing
pagsisinungaling ay labis akong naperwisyo;

11. Na ito po ang buong katotohanan at ang lahat ng ito ay


handa kong patotohanan kaya aking hinihiling sa sa Tanggapan ng
Panglalawigan na Taga-usig ng Nueva Ecija na ipawalang bisa o
idismiss ang reklamo laban sa akin;

SA KATUNAYAN NG LAHAT, kami ay lumagda sa ibaba nito ngayong


ika-__ ng Disyembre, 2021 dito sa Lungsod ng Gapan.

KENNETH ACERON
Nagsasalaysay

NILAGDAAN AT PINANUMPAAN sa harap ko ngayong ika-__ ng


Disyembre, 2021 dito sa Lungsod ng Gapan. Pinatutunayan ko na aking
sinuri ang dito’y nagsasalaysay at ang nilalaman nito ay kaniyang kusang
loob na pahayag at lubos niyang nauunawaan.

You might also like