Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 54

Kamusta TDCIans!

Ang Module na ito ay nakaayon sa silabus sa Filipino 2 sa Kolehiyo na binuo


ng Commission on Higher Education (CHED). Inaasahan na sa pag-aaral nito
ay malilinang ang mga estudyante sa kasanayang dapat matutuhan sa
wikang Filipino.
Ito ay nakapokus sa paglinang ng mga kasanayan sa kritikal na pagbasa at
lohikal na pagsulat sa Filipino bilang kasangkapan sa pagkatuto at
pagpapahayag sa iba’t ibang larangan ng pag-aaral. Sa pamamagitan ng iba’t
ibang istratehiya sa makabuluhang pagbabasa, inaasahang malilinang ang
kakayahan ng mga estudyante tungo sa masining na pagsasagawa ng mga
pananaliksik tungkol sa paksang kanilang napili. Inilakip din ang mga paksang
tutulong sa paghubog ng kanilang pagpapahalaga gaya ng nilalayon sa
misyon at bisyon ng paaralan lalung-lalo na yaong may kinalaman sa
pagpapahalaga sa kababaihan, wastong pangangalaga sa ating kalikasan,
pagbuo ng kultura ng kapayapaan at katarungan.

Course overview: Ang kursong ito ay magbibigay-daan upang malinang ang


iyong kaalaman at kasanayan na kinakailangan upang magawa:
1. Nakakukuha ang mga kaalaman at kasanayan sa masining
napagpapahayag.

2. Nakatutukoy sa iba’t ibang uri ng pagpapahayag at ang mgakahalagahan


nito.

3. Nailalapat ang mga kaalaman, kakayahan at pamamaraan


sapamamagitan ng paggawa ng mga pangungusap gamit ang mgawastong
gramatika sa loob ng pangungusap.
4. Nakagagagawa ng sariling akda na naglalaman ng mga masiningna
pagpapahayag.

5. Naipamamalas ang kakayahan at kasanayan sa pagpapahayag


sapamamagitan ng isang talumpati o/at sa mga gawaing maykaugnayang
berbal.

6. Nagagamit ang konsept ng retorika sa larangan ng komunikasyonsa pang-


araw-araw na pamumuhay at sa trabaho.g.Nailalapat ang kasanyan at
kakayahan sa paggawa ng mgakorespondisya opisyal at sa pglikha ng mga
akdang pampanitikan.

1
YUNIT 1 - KALIKASAN AT MGA SIMULAIN NG RETORIKA

Sa pagtatapos ng yunit, inaasahan na ang mga mag-aaral ay:

1. Nakapagbibigay ng sariling pagkakahulugan ng retorika


2. Napag-iiba ang sayantipik at pilosopikal sa pananaw ng retorika
3. Nailalahad ang pagkakaiba ng pananaw ng retorika sa sayantipik at
pilosopikal na dimensyon
4. Napahahalagahan ang uri ng retorika para sa mabisa at kaakit-akit na
pagbuo ng mga pahayag.

Introduksyon

Ang unang bahagi ng aklat na magbibigay-kaalaman sa mga kailanganin


para sa mabisa, masining at epektibong pagpapahayag.
Layunin ng bahaging ito ng aklat na bigyan ng batayang kaalaman sa
retorika ang mga estudyante na maaari nilang gamitin sa pagbuo nang
mabisang pagpapahayag pasalita man o pasulat. Tatalakayin dito ang
depinisyon ng retorika sa klasiko at kontemporaryong pananaw ng ilang
manunulat na Pilipino hinggil ditto, gaundun ang pagkakaiba ng retorika sa
sayantipik at pilosopikal na pananaw. Pahapyaw ring tatalakayin sa bahaging
ito ng aklat ang kasaysayan ng retorika. Ilalahad din ditto ang layunin at
element ng mabisang pagpapahayag o retorika at iba pang katangian nito.

Unlocking Difficulty

∙ Retorika- isang mahalagang kaalaman sa pagpapahayag na tumutukoy sa


kaakit-akit and magandang pagsasalita at pagsulat. ∙ Ethos- Ang salitang
ethos ay mula sa wikang Griyego na mayroong direktang salin sa wikang
Ingles bilang "character".
∙ Pathos- (mula sa Griyego para sa "paghihirap" at "karanasan") ay isang
apela sa emosyon ng isang tao
∙ Logos- (mula sa Griyego para sa "sinasabi ko") ay isang apela sa lohika at
dahilan.

2
Lecture Notes

ANG RETORIKA
✔ Ito ay isang mahalagang kaalaman ng pagpapahayag na kung saan
aytinukoy kung maganda o kaakit-akit ang pagsususlat at
pagsasalita.(Sebastian, 1967)

✔ Maaari rin itong tawagin bilang pagaaral o kahusayan ng isangindibidwal


sapagpili ng mga salitang gagamitin sa pagsulat opagsasalita.

✔ Nagmula sa salitang Griyego–Rhetor, na ang ibig sabihin ay guro


onanganghulugang magaling naorador o mananalumpati.
✔ Susi sa mabisang pagpapahayag na nauukol sa kaakit-akit, kaiga-igayaat
epektibong pagsasalita o pagsulat

✔ Pag-aaral kung paano makabubuo ng isang kaisipan sa pamamagitanng


mga piling salita at wastong ayaw-ayaw ng mga ito upang maiangkopsa
target ng awdyens at matamo ng manunulat ang kanyang layunin.

✔ Isang aspeto o kasanayang napag-aaralan o natututunan at nalilinang

Retorika Bilang Sining


Tulad ng awit ang retorika ay mayroon ding sining o ibat ibang paraan
o estilo na nalinawan sa ating isipan, damdamin at mambabasa.

1 . Kooperatibong Sining
Hindi maaring gawin ng nagiisa. Sa pamamagitan nito nabubuklod ang
isang tagapagsalita at tagapakinig sa iisang ideya.

2. Pantaong Sining
Ang wika ay midyum ng retorika, paslita man o pasulat. Dahil dito, ito
ay pagaari ng tao.

3. Temporal na Sining
Ito ay nababatay sa panahon. Ang gumagamit nito ay ginagamit ang
lenggwahe ngayon at hindi bukas o kahapon.

3
4. Limitadong Sining
Marami ang hindi ito kayang gawin. Ang retorika ay mayroong
sukdulan o hangganan dahil maaring imahinasyon lamang ang gamitin sa
sining na ito.

5. May Kabiguang Sining


Hindi lahat ay may kagalingan sa paghawak ng wika. Ito ay likas na
komplikado dahil sa mga tuntunin na pabago bago.

6. Nagsusupling na Sining
Ito ay dumadami. Ang isang manunulat ay nagsusulat ng isang ideya sa
isipan at nagsusupling ng isang akda. At patuloy tuloy na napapasa ang
kaalaman sa kaniyang kaisipan.

Katangian ng Retorika

Ang retorika ay simbolikal

✔ Ang mga simbolo ay kinakatawan ng mga letra, imahe o kaya’y


kumpas na may ipinararating na ideya o kaya nama’y natatagong
kahulugan

✔ Ang retorika ay nagsasangkot ng mga tagapakinig

✔ Lumalabas lamang ang paggamit ng retorika kapag nag-usap o


nagkaroon ng instensyon ang dalawang tao na magpalitan ng
impormasyon.

✔ Maaaring intensyon ng retor na magbigay ng impormasyon o


manghikayat ng mga tagapakinig

✔ Ang retor at ang mga tagapakinig ay dapat nagkakaintindihan sa


mga simbolong kanilang ginagamit. Ang wika o mga salita ay
dapat naiintindihan ng tagapakinig. Mas magkakaintindihan ang
Ilokano kung ang kausap ay ang kapwa Ilokano, kaysa ang Ilokano
at isang Maranao

4
✔ Ang retorika ay nakabatay sa panahon. Ang gumagamit nito ay
nangungusap sa wika ng ngayon, hindi ng bukas o kahapon. Ang iba pang
sangkap ng retorika tulad ng paksa at paraan ay laging naiimpluwensyahan
ng kasalukuyang panahon. Baguhin mo ang at magbabago rin ang retorika.

Ang retorika ay nagpapatatag sa maaaring maging katotohanan · Ang


retorika ay mapagkunwari o mapagmalabis na paggamit ng wika.

✔Sa ilalim ng mga tayutay, malimit nag awing bahagi ng pahayag ang
personipikasyon at hyperbole. Nilalayon nitong tumalon mula sa
realidad sa mapaglarong mundo ng imahinasyon ng awdyens.
Nakadadala ng damdamin ang ganitong mga pahayag. Nakaradargdag
pa ito ng kulay at nagbibigay ng ibayong kahulugan sa batayang salita.

Ang retorika ay nagbibigay lakas/kapangyarihan

✔ Ang kapangyarihang panlipunan ay karaniwang nakukuha sa galling ng


pagsasalita sa harap ng publiko. Ang mga pulitiko, pastor, negosyante,
titser, at iba pang maykapangyarihan o awtoridad ay
nakaiimpluwensya/nakapaghihikayat ng tao. Sa totoo lang, hindi lahat ng
tao ay kayang gawin ito. Sa pamamagitan ng kanilang mga talumpati,
sermon, sales talk, lektyur ay napasusunod, napahahanga at napakikilos
nila ang kanilang awdyens. Hindi lubos na makikinig ang isang mag-aaral
kung hindi magaling ang lektura ng isang tagapagsalita o tagapanayam.
Ang isang komentarista ay nakakuha ng tagapakinig dahil sa husay ng
kanyang pananalita.

Ang retorika ay malikhain at analitiko

✔ Ang konsepto ng pagiging malikhain ng isang retorika ay maipapakita ng


isang tagapagsalita kung nagagawa niyang mabigyan ng kongkretong
imahe ang mga tagapakinig sa pamamagitan lamang ng mga salita
✔ Sa pagiging malikhain, kailangan ng isang tagapagsalita na magkaroon ng
malinaw na ugnayan sa mga tagapakinig upang maging epektibo ang
komunikasyon sa pagitan niya at ng tagapakinig.
✔ Kung may kakayahang maging malikhain ang isang tagapagsalita,
nangangahulugan itong anumang ideya ang kanyang nasasagap ay kaya
nita ring maanalisa.

5
Nagsusupling na Sining

✔ Ang retorika ay nagsusupling ng mga kaalaman. Halimbawam, ang isang


manunulat ay nagsisimula sa isang ideya sa isipan at nagsusupling ng
isang akda. Ang mambabasa naman ay nagsisimula sa pagbabasa at
nagbibinhi ng kaalaman sa kanyang isipan. Walang hangganan ang
pagsusupling at pagpapasa ng kaalaman sa pamamagitan ng retorika
hanggat may nagsasalita at nakikinig, may nagsusulat at nagbabasa.

Ang mga Layunin sa Maretorikang Pagpapahayag

✔ Maakit ang interes ng kausap na tutok ang atensyong making sa sinasalita.

✔ Masanay sa pagsasalitang may kalakasang dating ang gilas, may


mapamiling kaangkupan at panlasa ang ginagamit na salita, at kalinawan ang
bigkas

✔ Maliwanag na mapaintindi ang mga sinasabi

✔ Maikintal sa isip at damdamin ng kausap ang diwa ng sinasabi; at

✔ Maiaplay sa sarili ng tagapakinig ang nakuhang mensahe

Kakayahan sa Pagpapahayag

· Kakayahang linggwistika

✔ Ang bawat aspektong pang wika (ponolohiya, morpolohiya at sintaksis)


ay masusing pinag-aaralan, sa gayon, ang paggamit ng wika, ang
pinakainstrumento sa pagpapahayag, ay magiging matatas, masining at
mabisa

Kakayahang komunikatibo

✔ Bukod sa maingat, maayos at masinop na paggamit ng wika, ang matalino,


maguniguni at masinop na paggamit ng wika, ang matalino, maguniguni
at malikhaing pagsasabuhay nito sa bawat sitwasyong kinalalagyan ng
tao ay napangyayaring matagumpay

Sangkap ng Mabisang Pagpapahayag

.Ethos - Kung paanong ang “karakter” o kredibilidad” ng tagapagsalita ay


nakaiimpluwensya sa tagapakinig/awdyens para ikunsidera na kapani

6
paniwala ang kanyang sinasabi. Kung ang tagapagsalita ay kilala bilang isang
awtoriti sa paksang kanyang tinatalakay tulad ni Al Gore na isang awtoriti sa
Global Warming dahil sa kanyang pag-aaral sa nasabing paksa na
prenesenta niya sa mundo.

2. Pathos - ang paggamit ng emosyon ng tagapagsalita upang mahikayat ang


tagapakinig/awdyens na mabago ang kanilang desisyon. Nang-aakit ang
kanyang pananalita gamit ang emosyon. Nagagawa ito sa pamamagitan nang
paggamit ng metapora, amplifikasyon ng boses, pagkukuwento at
pagrerepresenta ng paksa na nang-aakit ng damdamin ng kausap.

3. Logos - ito ay ang paggamit ng katwiran/rason upang bumuo ng mga


argumento. Ang apela sa logos (logos appeal) ay maaaring maipakita sa
paggamit ng istadistika/istatistiks, matematika, lohika (logic) at objectivity.

Ang Saklaw ng Retorika

1. Tao/ Mga Tao. Tumutukoy ito sa mga tao o lipunang makikinig o di-
kaya’y babasa ng isinulat o ipinahayag ng manunulat. Ang bawat
ipinahahayag, oral man o berbal ay tiyak na may patutunguhan sa
tulong ng pokus ng talakay.

2. Kasanayan ng manunulat. Kung walang kasanayang pansarili ang


manunulat mahirap magkaroon ng sining ang mabisang pahayag. Ang
kasanayan sa pagpapahayag ay denebelop upang ibahagi sa iba at di
sarilinin.

3. Wika. Ang wika ay sadyang mnakapangyarihan. Nagagawa nitong


maging kilala at hinahangaan ang isang tao dahil sa kagalingan nitong
gamitin ang wika.

4. Kultura. Malaki ang kinalaman ng kultura sa pagpapaunlad ng sinabi o


ipinahayag dahil anumang gampanin ng isang mamamayan, tuwina ito’y
saklaw ng kulturang kinabibilangan. Kabilang dito ang mga
pinaniniwalaan, mga tradisyon, wika, awit at iba pa.

5. Sining. Kumakatawan ito sa taglay na galing o talino ng manunulat o


mananalita sa larangan ng pagsasalita o pagsusulat. Pumapasok dito ang
taglay na pagkamalikhain ng taong gumagawa ng masining na pahayag.

6. Iba Pang Larangan. Ngunit ang retorika ay hindi lamang eksklusibo sa


larangan ng Wika, Sining, Pilosopiya at Lipunan. Sino mang tao, saan

7
mang larangan ay may pagnanasang maging mabisa sa pagpapahayag.
Sa ano mang larangan, hindi maaaring hindi magsasalita o magsusulat
ang mga taong kasangkot doon. Samakatwid, maging sa ibang larangan,
ang retorika ay may malaking kinalaman.

Ang Kahalagahan ng Maretorikang Pagpapahayag

· Kahalagahang Pangkomunikatibo

⮚ Ano man ang ating iniisip o nadarama ay maaari nating ipahayag sa


pasalita opasulat na paraan upang maunawaan ng iba pang tao.
Samakatwid, dahil sa retorika, ang dalawa o higit pang tao ay
nagkakaroon ng komunikasyon

· Kahalagahang Panrelihiyon

⮚ Salita ang puhunan ng mga pari at ministro ng alinmang sekta ng


relihiyon sa kanilang pagpapalaganap ng pananampalataya. Nakasalalay
sa kanilang makarismatikong tinig, malinaw at medaling maintindihang
pananalita at maengganyong pagsasalita ang tagumpay ng kanilang
misyon at nila mismo bilang relihiyosong lider.

· Kahalagahang Pampanitikan

⮚ Sa isang manunulat, ang kanyang tagumpay sa pagsusulat ay nasa


paggamit niya ng mga salita. Dapat ang gamit niyang wika at ang istilo
ng kanyang pagpapahayag sa kanyang mga akda ay parang buhay na
tubig na natural na sumisibol at dumadaloy sa personalidad ng kanyang
mga tauhan at sa kapaligirang kanilang ginagalawan.

⮚ Sa kabisaan ng kanyang pamamaraan sa pagsulat, nakuha ng kanyang


mga mambabasang simpatyahan at empatyahan ang kanyang mga
obra.

Kahalagahang Pang-ekonomiya

· Kahalagahang Pangmedia

⮚ Ang mga artista sa teatro, telebisyon at pelikula, gayundin, ang mga


personalidad sa iba’t ibang media ay nakararating sa rurok ng kanilang
tagumpay sa pamamagitan ng mga katangi-tangi nilang pagsasalita at
mga kaakit-akit nilang boses na humuhubog sa kanilang personalidad
para makilala ng madla. Ito ang nagsisilbing puhunan sa pag-unlad.
8
Walang lubay silang sinusubaybayan, sampu ng kanilang mga
proyekto at programa, ng kani-kanilang kampo ng mga tagahanga.

· Kahalagahang Pampulitika

⮚ Maraming batikang pulitiko ang namumuhunan sa maretorikang


pagpapahayag. Sa sandal ng kanilang pangangampanya,
kapanapanabik ang pagbibitiw nila ng mga pananalita, lalo’t
naglalaman ng mga platapormang mapangako sa mga
kalagayang naghihintay ng pagbabago. Kaengka engkanto ang
kanilang mga itsura habang nagsasalita na kinadadamhan ng
marami ng pagtitiwala kaya naman ibinibigay sa kanila ang
sagradong boto, tuloy, nananalo sila at nakapangyayaring
makapangyarihan kapagdaka.

GAMPANIN NG RETORIKA

Nagbibigay daan sa Komunikasyon


Ano man ang ating naiisip, nadarama ay maari nating
ipahayag sa paraan ng pasalita o pasulat na mauunawan ng
ibang tao.
2. Nagdidistrak
Dahil sa ating pakikining o pagbabasa ng mga akda tayo ay
nadidistrak at nadadala sa ibang dimesyon na kung saan
nakakalimutan natin ang tunay na suliranin ng ating buhay.

3. Nagpapalawak ng Pananaw
Sa ating pakikinig o pagbasa maaaring may natututunan
tayong bagong kaalaman na mahalaga. Gaya ng nabanggit, ang
retorika ay nagsusupling dahilan upang lumawak ang pananaw
natin.

4. Nagbibigay Ngalan
Ang mga bagay sa paligid natin ay dumating ng walang
leybel. Dahil sa retorika, halimbawa, ang kamera ay naging
Kodak, ang toothpaste ay naging colgate.

5. Nagbigay Kapangyarihan
Dahil sa retorika, napakaraming tao ang nagiging
prominente at makapangyarihan. Nagiging isang mahusay na
pulitiko o mananumpalati.
9
Focus Questions
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan, ilagay ang iyong
sagot sa MS word at isumiti sa Schoology o Google classroom.

1. Ano ang retorika?

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
2. Bakit mahalaga para sa iyong pang-araw na buhay ang retorika?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
__________________________________________________________

Related Readings
Para sa karagdagang pagbasa sa Kalikasan at Simulain ng Retorika, i click
ang link sa ibaba para sa pag-access:

https://prezi.com/xkb-quxu2v62/kalikasan-at-simulain-ng-retorika/

Learning / Assessment Activities


Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan, ilagay an iyong
sagot sa MS word at isumiti sa Schoology o Google classroom.

RUBRIKS SAPAGMAMARKA
Organisasyon...........................5
Kalinisan ng Awtput. ...............5
Nilalaman............................... 10
Kabuuan ................................ 20 punto

Mula sa sumusunod na sitwasyon, PAANO NIYO ITO IPAPAHAYAG?


1. Natuklasan ng doktor na ang kanyang pasyenste ay may sakit sa
kanser. Paano ito ipagtatapat ng doktor gayung ang kanyang pasyente
ay may sakit din sa puso.
2. Pagbebenta ng isang produkto at paghihikayat sa kustomer na bumili.
3. Isang professor ang nagtuturo sa harapan ng mga estyudyante
nakabukas ang zipper. Paano ito sasabihin?

10
YUNIT II GRAMATIKA
Outcomes (ILO)
Sa pagtatapos ng yunit II , inaasahan na ang mga mag-aaral ay:

1. Nakikilala ang katangian ng mabisang pangungusap

2. Nagagamit ang angkop na mga salita sa ibat ibang pagkakataon 3.


Nakabubuo ng mga alusyon at matatalinghagang salita sa pagbuo ng
pangungusap

Introduksyon
Nasubukan mon a bang sumali sa usapan ng isang samahang
pangkabataan? Paano mo iniugnay ang iyong sarili at ang iyong karanasan
upang maging kabahagi sa talakayan? Masarap isipin na tayo ay kabilang sa
isang mundong nabubuhay at umuunlad dahil sa pakikipagtalastasan. Hindi
natin pwedeng ipagkaila na walang saysay ang buhay kung wala o kulang
ang ating kakayahan sa pakikipag-interaksyon sa kapwa. Ngunit alam din
natin na ang pakikipag-ugnayan sa sarili, sa kapwa o maging sa Lumikha ay
nangangailangan ng wastong paraan ng paggamit ng salita at sapat na
kaalaman sa teorya ng pakikipagtalalastasan. Ang sapt at wastong
kaalaman sa gramatika at ang kasanayang pandiskurso ang maghahatid sa
atin upang matamo ang kabisaan at kagalingang pangkomunikasyon.

Unlocking Difficulty

Gramatika- ay pinangangalagaan ang kawastuhan para maging malinaw


ang pagpapahayag.
∙ Barirala- ay isang agham upang magkaroon ng isang mainam at maayos
na pahayag

Lecture Notes

ANO ANG PANGUNGUSAP?


⮚ ay lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa.

Mga nilalaman ng pangungusap:


✔ -Mga ayos ng pangungusap

11
✔ -Uri ng mga pangungusap
✔ -Ayon sa pangungusap na walang paksa
✔ -Ayon sa kayarian
✔ -Ayon sa gamit

May dalawang ayos ang pangungusap:

✔ Karaniwan
✔ Di-karaniwan

Karaniwan
⮚ Ito ay nagsisimula sa Panaguri at nagtatapos sa simuno.
Halimbawa: Nanood ng TV si Kimberly.
Panaguri: nanood ng tv
Simuno: Kimberly

Di-karaniwan
⮚ Ito nagsisimula sa Simuno at nagtatapos sa Panaguri.
Halimbawa: Sina Ana at Mikey ay magkasamang nanonood ng sine.
Simuno: Sina Ana at Mikey
Panaguri: magkasamang nanonood ng sine

Ayon sa pangungusap na walang paksa:

⮚ Mga pangungusap na pahanga – nagpapahayag ng damdaming


paghanga. ⮚ Mga sambitla – tumutukoy sa mga iisahin o dadalawahing
pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin.
⮚ Mga pangungusap na pamanahon – nagsasaad ng oras o uri ng panahon.
⮚ Mga pormularyong panlipunan – mga pagbati, pagbibigay-galang, atbp.
na nakagawian na sa lipunang Pilipino.
⮚ Mga pangungusap na sagot lamang - sagot sa mga tanong na hindi na
kailangan ng paksa.
⮚ Mga pangungusap na Pautos/Pakiusap - Ang pangungusap na pautos ay
nag-uutos o nakikiusap. Gumagamit ito ng salitang paki ang pakiusap.

12
Ayon sa Kayarian
⮚ Ang pangungusap ay may apat na kayarian: payak, tambalan,
hugnayan at langkapan.

Payak
✔ Ito ay nagpapahayag ng iisang kaisipan.

Maaaring nagtataglay ng payak o tambalang simuno at panaguri.

⮚ May apat itong kayarian: payak na simuno at payak na panaguri; payak


na simuno at tambalang panaguri; tambalang simuno at payak na
panaguri; at tambalang simuno at tambalang panaguri.
Halimbawa:
⮚ Ang pamahalaan ay masigasig sa mabilisang pagsugpo ng kriminalidad sa
bansa.
⮚ Ang mga lalaki at babae ay naghahanda ng palatuntunan para sa darating
na pista.
⮚ Ang aming pangkat ay naglinis ng mga kalye at nagpinta ng mga pader sa
paaralan.
⮚ Ang mga guro at mag-aaral ay aawit at sasayaw para sa pagdiriwang ng
Buwan ng Wika.

Tambalan
✔ Ito ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapag- iisa.
Halimbawa:
⮚ Nagsasayaw si ate habang umaawit si kuya.
⮚ Si Susan ay naglilinis ng bahay at si Jojo namn ang nag-tatanim ng
gulay.

Hugnayan
✔ Ito ay binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at isa o dalawang
sugnay na di-makapag-iisa.
Halimbawa:
⮚ Si Joshua ay nagtatrabaho ng mabuti upang may mapakain sa
pamilya.
⮚ Kumakanta ang magpinsan nang dumating si Rinka.
⮚ Kami ay pupunta sa SM para bumili ng gamit sa paaralan.

13
Langkapan
✔ Ito ay binubuo ng dalawa o mahigit pang sugnay na makapag iisa at
dalawa o mahigit pang sugnay na di-makapag-iisa.
Halimbawa:
⮚ Nahuli na ang mga masasamang-loob kaya't payapa na kaming
nakatutulog sa gabi, kasi sila lamang ang gumugulo sa amin.

Patanong
✔ Ito ay nag-uusisa tungkol sa isang katotohanan o pangyayari.
Tandang pananong(?) ang bantas sa hulihan nito.
⮚ Saan-saan matatagpuan ang magagandang tanawin ng Pilipinas?
⮚ Kailan ang huling pagsusulit para sa kasalukuyang semester?
⮚ Kanino makukuha ang mga klas kards?

Padamdam
⮚ Ito ay nagsasabi ng matinding damdamin gaya ng tuwa, lungkot,
pagkagulat, paghanga, panghihinayang at iba pa.
⮚ Karaniwang nagtatapos ito sa tandang panamdam. Maaari ring
gamitin ang tandang pananong (?).

Halimbawa:
⮚ Ay! Tama pala ang sagot ko.
⮚ Ano? Hindi mo pa natatapos ang proyekto natin?
⮚ Yehey! Wala na namang pasok.

Pautos o Pakiusap

✔ Ang pautos ay nagpapahayag ng obligasyong dapat tuparin,


samantalang ang pakiusap ay nagpapahayag ng pag-utos sa
magalang na pamamaraan. Nagtatapos ito sa tuldok.
Halimbawa:
Pautos
⮚ Mag-aral kang mabuti.
⮚ Nararapat lamang matutong sumunod ang mga mag-aaral sa mga
patakaran sa eskuwela.
Pakiusap
⮚ Pakibigay mo naman ito sa iyong guro.
⮚ Maari bang iabot mo ang aklat na iyan?

14
ANO ANG PARIRALA?

✔ Ang Parirala ay bahagi ng pangungusap na walang buong diwa.

Halimbawa:
⮚ sa ibang bansa.
⮚ Mga Pilipinong manggagawa
⮚ doon sa malayo
⮚ Ang maingay na mga tao

ANO ANG SUGNAY?


✔ Ang Sugnay ay bahagi ng mga salita pangungusap na buo ang diwa.
Maroong itong dalawang uri, ang sugnay na makapag-iisa at sugnay na di
mag-iisa.

Halimbawa
⮚ Ang ating mga tahanan ay linisan upang di pamugaran ng lamok.
⮚ Nagluluto na ako ng ulam nang sila ay dumating.
⮚ Ang aking takdang araling ay tapos na, kaya pwede na akong maglaro
sa labas.

Sugnay na makapag-iisa
⮚ ito ay maaaring tumayo bilang payak na pangungusap.

Sugnay na Di makapag-iisa
⮚ mayroon itong paksa at panaguri ngunit hindi buo ang diwa ng
ipnahahayag.
⮚ Kailangan nito ng sugnay na makapag-iisa upang mabuo ang diwa.

WASTONG GAMIT NG SALITA

1. Nang
⮚ ginagamit bilang pangatnig sa mga hugnayang pangungusap;
katumbas ng when sa Ingles.
✔ Halimbawa: Tulog na ang mga anak nang dumating ang
kanilang ina.
⮚ ginagamit sa gitna ng dalawang salitang-ugat na inuulit.
✔ Halimbawa: tapon nang tapon
⮚ Nagmula sa na at inaangkupan ng ng at inilalagay sa pagitan ng
pandiwa at pang-abay.

15
✔ Halimbawa: Nag-aral nang mabuti si Juan.
⮚ Bilang salitang nangangahulugan din ng “para” o “upang”.
✔ Halimabawa: Sumulat ka nang sumulat ng mga kuwento
nang manalo ka sa patimpalak.
⮚ ginagamit bilang pangatnig sa mga hugnayang pangungusap;
bilang panimula ng katulong na sugnay o sugnay na di makapag-
iisa.
✔ Halimbawa: Nang siya’y umalis, dumating ang panauhin.
⮚ ginagamit bilang pangatnig sa mga hugnayang pangungusap;
bilang panimula ng katulong na sugnay.
✔ Halimbawa: Maghugas ka ng pinggan nang makakain na kayo.

2. Ng
⮚ ginagamit bilang pananda sa tuwirang layon ng pandiwang palipat.
✔ Halimbawa: Nagtanim ng palay si Jesusa na isang
magsasaka.
⮚ ginagamit ang ng bilang pananda ng aktor o tagaganap ng pandiwa.
✔ Halimbawa: Tinulungan ng dalaga ang kanyang lola sa
pagtawid.
⮚ Ginagamit ang ng kapag nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang
bagay o katangian.
✔ Halimbawa: Ang boses ng bayan ang dapat na mananaig.
⮚ ginagamit bilang pantukoy
✔ Halimbawa: Maluwag ang looban ng simbahan.
⮚ ginagamit bilang pang-ukol na ang katumbas at tamang pagkaka
ugnay ng mga salita sa isang pahayag upang makabuo ng malinaw na
kaisipan o diwa.
✔ Halimbawa: Pinalo niya ng kahoy ang magnanakaw.
⮚ ginagamit bilang pang-ukol na ang katumbas ay sa.
✔ Halimbawa: Ang mga mag-aaral ay nagpunta ng Baguio.
⮚ ginagamit bilang pang-ukol na nagpapakilala ng pangngalang paari.
✔ Halimbawa: Tumatanggap ng plake ang kanyang anak.
⮚ ginagamit bilang tagatanggap ng kilos.
✔ Halimbawa: Ayaw siyang layuan ng agam-agam

16
3. May
⮚ ginagamit kapag sinusundan ng pangngalan.
✔ Halimbawa: May kasalanang ginawa sina Flor at Liza
kagabi.
⮚ ginagamit kapag sinusundan ng pandiwa.
✔ Halimbawa: May tumawa dahil sa nasabing
balita.
⮚ ginagamit kapag sinusundan ng pang-uri.
✔ Halimbawa: May magandang karanasan si Maja tungkol sa
pag ibig.
⮚ ginagamit kapag sinusundan ng pantukoy.
✔ Halimbawa: May mga panoorin sa patyo ng
simbahan. ginagamit kapag sinusundan ng pang-ukol na sa.
Halimbawa: May sa daga ang anak mong iyan.

4. Mayroon
⮚ ginagamit kung sinusundan ng panghalip.
✔ Halimbawa: Mayroon kayong libreng gamot sa baranggay.
⮚ ginagamit kung sinusundan ng kataga.(po, pa, din, rin)
✔ Halimbawa: Mayroon po kaming ipagtatapat sa inyo.
⮚ ginagamit ang mayroon bilang panagot sa isang tanong.
✔ Halimbawa: May pera ka ba? Mayroon.
⮚ ginagamit kung nanganghulugan ng pagka-maykaya o
mayaman.
✔ Halimbawa: Ang mga Malate ay mayroon sa probinsya ng
Bicol.

5. Kung
⮚ ginagamit bilang isang pangatnig sa mga hugnayang pangungusap;
katumbas ng if sa Ingles.
✔ Halimbawa: Kung may problema ka, puntahan mo lang ako.
6. Kong
⮚ ginagamit bilang panghalip panaog na ko at ng.
✔ Halimbawa: Ang tangi kong hangad ngayong taon ay ang
makapasa sa L.E.T.
17
7. din/daw
⮚ ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa
katinig maliban sa w at y.
✔ Halimbawa: Magpapatingin daw siya sa doktor ngayon.

8. rin/raw
⮚ ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa
patinig at malapatinig na w at y.
✔ Halimbawa: Ikaw raw ay makakasama sa bakasyon
patungong Baguio. May handa raw tayo sa darating na
kaarawan ni tatay.

9. Sina
⮚ ginagamit kapag ito ay sinusundan ng mga pangngalan na
tinutukoy sa pangungusap.
✔ Halimbawa: Naglilinis sina Gel at Lissette ng bahay.

10. Sila
⮚ ginagamit bilang panghalip na panao; katumbas ng they sa
Ingles.
✔ Halimbawa: Umalis na sila kanina pang umaga.

11. Pinto
⮚ ginagamit bilang bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas.
✔ Halimbawa: Isinasara niya ang pinto upang hindi
makapasok ang magnanakaw.

12.Pintuan
⮚ ginagamit bilang kinalalagyan ng pinto.
✔ Halimbawa: Hindi pa napipinturahan ang pinto sa
pintuan.
13.Pahiran
⮚ Lagyan ng isang bagay sa pamamagitan ng pamunas o
sa pamamagitan ng kamay.
✔ Halimbawa: Pahiran mo ng langis ang natutuyo
mong balat.
14.Pahirin
⮚ Alisin sa pamamagitan ng pamunas o sa pamamagitan ng
kamay.

18
15.Subukin
⮚ may bagay na nais patunayan “to try”.
✔ Halimbawa: Subukin mong gumamit ng Ariel sa
paglalaba.

16. Subukan
⮚ May mga bagay na tinitingnan nang palihim.
✔ Halimbawa: Subukan mo kung ano ang
ginagawa niya sa aklatan.

❖ ANO ANG TAYUTAY?


✔ Ito ay ang sinadyang paglayo sa karaniwang paraan ng paggamit ng
mga salita sa layuning gawing makulay, kaakit-akit at lalong mabisa
sa pagpapahayag.

May iba’t ibang uri ng tayutay ito ay ang mga sumusunod:


1. Pagtutulad (simile)
⮚ Paggamit ng di-tuwirang pagkukumpara ng dalawang
bagay na magkaiba ng uri at gumagamit ng mga parirala
tulad ng tulad ng, kawangis ng, gaya ng, animo’y at iba pa.
✔ Halimbawa: Tulad ng isang ibon, tao rin ay
namamatay.

2. Pagwawangis (metaphor)
⮚ Paggamit ng mga pahayag na nagpapahaiwatig ng
pagkukumpara ng dalawang bagay na magkaiba ng uri.
Hindi na ito ginagamitan ng mga pariralang tulad ng,
kawangis ng, gaya ng, animo’y at iba pa.
✔ Halimbawa: Ang kanyang buhay ay isang bukas na
aklat.
3. Pagbibigay-katauhan (personification)
⮚ Pagsasalin ng mga katangian ng tao sa isang bagay.
Naipahayag ito sa pamamagitan ng paggamit ng
pandiwa.
✔ Halimbawa: Sumasayaw ang mga alon sa
karagatan.

19
4. Pagmamalabis (hyperbole)
⮚ Isang pahayag na eksaherado o labis sa katotohanan.
✔ Halimbawa: Nagliliyab ang mga mata ng galit na
galit na lalaki.

5. Pagtawag (apostrophe)
⮚ Isang pagbulalas ng pagkausap sa isang tao (karaniwang
patay o wala sa isang tiyak na pook) o isang bagay o
bahagi ng kaligtasan na binibigyan ng katangiang pantao.
✔ Halimbawa: Tukso, layuan mo ako.

6. Pagpapalit-tawag (metonymy)
⮚ Paggamit ng isang salitang panumbas o nagpapahiwatig ng
kahulugan ng di tinutukoy na salita; ang pagpapalit ng
katawagan sa bagay na tinutukoy.
✔ Halimbawa: Si Jessa ang tala ng kanilang nayon.

7. Pagpapalit-saklaw (synecdoche)
⮚ Pagbanggit ng bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan; maaari
namang nag-iisang tao ang kumakaktawan sa ibang
pangkat.
✔ Halimbawa: Isang kayumanggi ang pinangaralan sa
larangan ng boksing.

8. Paghihimig (onomatopoeia)
⮚ Paggamit ng tunog o himig ng salita ay nagagawang
maihatid ang kahulugan nito.
✔ Halimbawa: Kumabog sa matigas na lupa ang
bumagsak na kargamento mula sa trak.

9. Pagtatambis (oxymoron)
⮚ Paglalahad ng mga bagay na magkasalungat upang higit na
magkatingkad ang bisa ng pagpapahayag. Ito ay kadalasang
mahaba.
✔ Halimbawa: Ang buhay sa mundo ay tunay na
nakakatawa: may lungkot ay may ligaya, mmay dilim at
may liwanag, may tawa at may luha.

20
10.Pagsalungat (epigram)
⮚ Ito ay may kahawig ng pagtatambis kaya nga lamang ay
maikli at matalinhaga. Halimbawa: Natalo siya upang
muling manalo.

11.Paglulumanay (euphemism)
⮚ Paggamit ng mga salitang nagpapaganda ng pangit na
pahayag.
✔ Halimbawa: Ang lalakeng naglalaro ng apoy ay
humantong sa isang makabagbag damdaming tagpo
sa harap ng kapitbahay.

12.Parelelismo (parallelism)
⮚ Isang pagpapahayag na may halos iisang istruktura.
✔ Halimbawa: Sama-samang nabubuhay, Sama-
samang namamatay.

13.Pagpapalit-wika (transferred epithets)


⮚ ang pang-uring ginagamit lamang sa tao ay inililipat sa mga
bagay.
✔ Halimbawa: Ang mapagkandiling plato ay naghain
sa kanya ng pagkain.

14.Pag-uyam (Irony o Sarcasm)


⮚ paggamit ng mga salitang kabaligtaran na kahulugan at
taliwas sa katotohanan.
✔ Halimbawa: Siya ay may magandang mukha na
kung saan tanging ina niya lang ang humahanga.

15.Pagtanggi (Litotes)
⮚ Gumagamit ng panangging HINDI upang maipahayag ang
makabuluhang pagsang-ayon.
✔ Halimbawa: Hindi ko sinasabing ayaw ko sa kanya
pero suklam na suklam ako sa kanya.

16.Pagdaramdam
⮚ Nagsasaad ng hindi pangkaraniwan damdamin.
✔ Halimbawa: Nakakaawa ang sinapit niya. Dahil
sa pagtataksil niya ay iniwan siya ng kanyang
asawa.
21
17.Tambisan (Antithesis)
⮚ Paglalahad ng mga bagay na magkakasalungatan upang
higit na mapatingkad ang bisa ng pagpapahayag.
✔ Halimbawa: Siya’y isang taon napanday ng
panahon. Naranasan niya ang maghirap at
yumaman, nakilala, at di ppansin, lapitan ng mga
kaibigan sa panahong mayroon siya at itakwil sa
kawalan niya. Kaya handa naniyang harapin ang
pakikibaka sa buhay.

18.Tanong Retorikal
⮚ Ito ay isang tanong na hindi naman talaga kakailanganin ng
sagot kundi ang layunin ay maikintal sa isipan ng nakikinig ang
mensahe.
✔ Halimbawa: Natutulog ba ang Diyos? .

19.Pag-uulit (Alliteration)
⮚ Pag-uulit ng mga tunog-katinig o magkatulad na titik o
pantig sa inisyal na bahagi ng salita.
✔ Halimbawa: Makikita sa mga mata ni Maria ang mga
masasayang nangyari sa kaniya kasama ni Marco.
(makikita, mga, mata, Maria, masasayang, Marco)

20.Konsonans
⮚ Pag-uulit ng mga tunog-katinig o magkatulad na titik o
pantig sa pinal na bahagi ng salita.
✔ Halimbawa: Ang aking pagmamahal para kay Rosal
ay lalong tumatatag habang tumatagal.
(pagmamahal, Rosal, tumatagal)
21.Asonans
⮚ Pag-uulit ng mga tunog-katinig o magkatulad na titik o
pantig sa alinmang bahagi ng salita.
✔ Halimbawa: Ang aking alagang aso ay agad kong
pinaliguan pagdating ko sa amin. (ang, aking,
alagang, aso, agad, amin)
22.Anapora
⮚ Pag-uulit sa unang bahagi ng pahayag o ng isang taludtod.
✔ Halimbawa: Ikaw ang aking pangarap. Ikaw ang
bigay ng Maykapal. Ikaw ang lahat sa akin. -LET

22
23.Epipora
⮚ Pag-uulit naman ito sa huling bahagi ng pahayag o ng isang
taludtod.
✔ Halimbawa: Ang Konstitusyon ay para sa
mamamayan. Gawa ng mamamayan. At mula sa
mamamayan.

24.Anadiplosis
⮚ Kakaiba ito sapagkat ang pag-uulit ay sa una’t huli.
✔ Halimbawa: Ang mahal ko ay ikaw Ikaw ay
nagbibigay ng ilaw Ilaw sa gabi ng dilim Dilim man o
liwanag, ikaw ay mahal parin.

25.Pagsususkdol (Climax)
⮚ Baitang-baitang na pagsasaad ng mga bagay o pangyayari
hanggang sa umabot sa pinakamahalaga.
✔ Halimbawa: Unang nararamdaman niya ang butil-
butil na pawis sa kanyang noo. Kasunod noon ang
panlalamig ng buo niyang katawan. Nagdilim ang
buong paligid at siya ay bumagsak.

Focus Questions

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan, ilagay ang iyong


sagot sa MS word at isumiti sa Schoology o Google classroom.

Pagsasanay sa Filipino

Pangungusap o Hindi Pangungusap


Panuto: Magsulat ng tsek ( ) sa patlang kung ang mga lipon ng salita ay
pangungusap. Kung hindi ito pangungusap, magsulat ng ekis (x) sa
patlang.
___________1. Malaking bahay sa kanto.
___________2. Tinawagan ko siya kanina.
___________3. Ang mga magulang ni Bettina.
___________4. May dalang aklat.
___________5. Malakas ang boses niya.
___________6. Bilisan na natin.
___________7. Sa bakuran naglalaro.

23
___________8. Sarado ang tindahan.
___________9. Ang silid ay malinis.
___________10. Ang sinabi niya sa amin.
___________11. Sina Rosie, Maria, at Nena.
___________12. Nakinig nang mabuti.
___________13. Bumuhos ang malakas na ulan.
___________14. Tuwing Sabado dumarating.
___________15. Walang pasok bukas.
___________16. Doon tayo pupunta.
___________17. Gutom na gutom.
___________18. Ang pusa ay itim.
___________19. Mula Lunes hanggang Biyernes.
___________20. Tapos na ang palabas.

Learning / Assessment Activities

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan, ilagay an iyong


sagot sa MS word at isumiti sa Schoology o Google classroom.

YUNIT III – PAMPUBLIKONG PAGSASALITA

Outcomes (ILO)
Sa pagtatapos ng yunit III, inaasahan na ang mga mag-aaral ay:

1. Maisangkap ang diin sa iyong gagawing pagsulat at pagsasalita.


2. Magamit ang iba't ibang paraan ng pagsasangkap ng diin bilang
simulain ng organisasyon at komposisyon.
3. Makatalakay ng mahahalagang isyu sa pagsulat ng talata kaugnay
ng simulaing pinag-aaralan

Introduksyon
Ang yunit na ito ay tungkol sa diin bilang mahalagang sangkap ng
komposisyon. Naipakikita ng diinang antas ng kahalagahan ng kaisipan o
ideya sa isang diskurso-sa isang paglalahad, paglalarawan,pagsasalaysay, o
pagmamatwid. Maraming paraan sa pagpapahayag na mag-aangat sa
kaisipan para ito'ymamukod o mangibabaw. Maliwanag na ang layunin ng
diin ay makatawag-pansin at mapanatiling nakakintalsa isip ang mahalagang

24
ideyang nililinang sa isang komposisyon. Sa modyul na ito ay ihahanay ang
mga paraankung paano maipakikita ang dtin bilang sangkap ng komposisyon

Unlocking Difficulty

Tack- ay isang salitang nagmula sa Sinaunang Griyego τακτική taktike na


ang kahulugan ay "sining ng pagkakaayos".
Etika- ay isang batayan na nagdidikta kung ano ang dapat gawin ng isang
tao o indibidwal bilang kaniyang obligasyon, karapatan, katuwiran, at
halaga.
Orador- taong nagsasalita o naghahatid ng mendasa sa kanyang
talumpati, eulohiya o orasyon.

Lecture Notes

Pampublikong Pagsasalita

https://www.freepik.com/premium-vector/public-speaking-3d-isometric-with-loudspeaker-
talking-crowd_6770485.htm

 Ito ay pagharap sa maraming tao habang ipinararating sa kanila ang


kanyang nasaisipan
 Ito ay ang pakikipag komunikasyon o pagpaparating ng ideya
gamitang wika at may pagkilos upang ipaalam sa kanilaang nangyayari
sa isipan ng tagapagsalita.

25
 Ito ay angpagbuongtalumpati o pormal na pagbigkas ng talumpati sa
harap ng maraming tao, kung saan pinakikita ng ispiker ang kahusayan
sa pagbigkas isang anyong komunikasyon na ang tagapagsalita ay
humaharap sa malaking bilang ng tagapakinig at nagsasalita tungkol sa
isang paksa.
 Ito ay angpakikipagugnayanngmgaideyagamitangmgasalita at kilos
upangmalamanngiba kung ano ay iyong isinasaisip.
 Isang sining, maaring binuo sa pamamagitan ng pagsasanay.

Mga Nakakaapekto sa Pampublikong Pagsasalita


1. Speaker (taga-pagsalita)
A. Personalidad
a.1 mahusay na pagbigkas at pagtawag ng pansin sa tagapakinig
a.2 pag-ayos sa sarili o personal grooming
a.3 saloobin
B. Lawak ng Kaalaman
b.1 common sense
b.2 tact
b.3 good taste
C. Integridad
c.1 virtue
D. Pagsasanay
d.1 pagsasanay
d.2 kritikal na pagiisip
d.3 pagdevelop ng tiwala sa sarili
E. Teknik
e.1 boses
e.2 pagbigkas
e.3 ideya sa lohikal na paraan
e.4 gesture
e.5 posture
e.6 facial expression
e.7 epektibong pagpapahayag ng sasabihin
e.8 motibasyon
e.9 pakikipag-usap sa takapakinig o audience contact

2. Audience (taga-pakinig)
 Pumili ng mga taga-pakinig na may kinalaman sa paksa na iyong
tatalakayin.

26
3. Lugar
 Isa rin itong malaking aspeto kung saan makakaapekto sa taga-pakinig
at taga- pagsalita, tiyakin na ang iyong lugar napagpupulungan ay
komportable at walang ibang makakasagabal sa pulong

Binanggitnina White at Henderlidersakanilangaklatna “Public


Speaking” angtatlonglayuninngpagsasalitasaharapngmadlaito ay ang:
 Magpabatid
 Manghikayat
 Manlibang

Aspektong pampublikong pagsasalita upang maiwasan ang takot o kaba.


Maaring isagawa ang mga sumusunod:
1. Pag-eensayo
2. Magingpamilyarsamgakonteksto
3. Pisikal na Gawain

Higit sa lahat, angtakot at pangamba ay maiiwasan kapag ang


mananalumpati ay nakakasiguro sakanyang sarili at siya’y handang-
handasakanyangsasabihin.

Sa paghahahandangisangmahusaynatalumpati, isaalang-alang ang mga


sumusunod:
 Maliwanag na paksa
 Tiyakang layunin
 Nakatatawag-pansin ang introduksyon at nagbibigay itong diwang
direksyon napatutunguhan ng talumpati
 Maliwanag na ipinahahayag ang paksa at layunin sa tesis
 Dapat itong nagpapakitang pruwebang pagsusuri ng uri ng manonood
 Ang talumpati ay may maliwanag at tiyak na punto tungkol sa tesis
 Ang hulwaran ng talumpati ay malinaw at nauunawaan.
 Angwikangginamit ay maliwanag at tandisan at angkopparasapaksa
 Gumagamit ng mga kilos ng katawan na makatutulong sa
pagpapahayag ng mga kaisipan
 Gumagamit ng sa patnalakasng tinig, tamang pagbibigkas o
artikulasyon ng mga salita at tunog
 Ang kongklusyon ay nagbubuod ng mga pangunahing ideya at
nagbibigay ng diwang pagtatapos ng talumpati.

27
Etika sa Pagsasalita sa Publiko
1. Iwasan ang paggaya o samadalingsalita wag mangopya ng ibang
talumpati, maliban nalang kung binigyan mo ng pagkilala ang mga
salita na hiniram mo mula sa kanyang talumpati.
2. Wag magbigay ng malingimpormasyon !
3. Paghandaan ang araw ng iyong talumpati.
4. Respetuhin ang iyong sarili. Manindigansaiyongmgapaniniwala
5. Ikwento ang buong pangyayari ng iyong paksa sa talumpati na ilalahad
sa madla dahil madalasang kaunting kaalaman ay magdadala sa
kahihiyan
6. At sa huli, respetuhin ang iyong mga taga-pakinig.

KAHALAGAHAN NG PAGLINANG NG KASANAYAN SA MABISANG


PAGSASALITA
“Ang isang taong epektib na magsalita sa harap ng pangkat ng mga tao
ay higit na madaling nakakakuha ng respeto ng ibang tao.”

 Lahat ng mga pangunahing pinunong natanyag sa kasaysayan ng


daidig ay may mataas ng antas ng kakayahang magpahayag ng ideya
ng kanilang naging kasangkapan upang umakit ng mga tagahanga at
tagasunod.

MGA PINUNO
ABRAHAM LINCOLN

 Dating pangulo ng Estados Unidos, ay natanyag at nagiwan ng hindi na


mabuburang bahagi sa kasaysayan hindi lamang sa Amerika kundi
maging sa buong mundo.
 Hindi ,mataas ang pinag-aralan sapagkat wala siyang pormal na
edukasyon at siya’y mahirap na mamamayan lamang.
 Ang tagumpay ni Lincoln ay maiuugnay sa kanyang determinasyon na
linangin at paunlarin ang kanyang kakayahang magsalita sa harap ng
publiko

28
 Dahil sa kakulangan ng “speech schools”, matamang inobserbahan at
pinakinggan ni Lincoln ang paraan ng pagsasalita ng ibang tao kahit
noong bata pa lamang siya
 Hanggang sa kasalukuyan, ipinapalagay na ang kanyang Gettysburg
Address at ikalawang Inaugural Speech ay ilan sa natatanging
pinakamahusay na talumpati sa buong kasaysayan ng daigdig.

Demosthenes
 tanyag na isang dakilang orador.
 Pautal magsalita ngunit tinuruan niya ang kanyang sarili magsalita
nang tuluy-tuloy at tuwid sa pamamagitan ng pagtatalumpati sa harap
ng hampas ng alon sa dalampasigan.
 Madalas na nagsusubo siya ng maliit na bato upang maituwid lamang
ang kanyang pananalita.

Franklin Delano Roosevelt


 Nanatali sa White House nang apat na

 sunud-sunod na termino mula 1923-1945.


 Nilinang niya ang kanyang kakayahan sa pagsasalita sa pamamagitan
ng pagbibigay ng matamang atensyon sa mga malalayang simulain ng
pagsasalita.
 Halos lahat ng kanyang talumpati sa radyo ay praktisado ng lubusan.
 Maging ang kanyang mga kalaban sa pulitika ay umaming ang kanyang
sunud-sunod na tagumpay ay nakaugat sa kanyang impluwensya sa
kanyang tagapakinig.

Mga Pangangailangan sa Mabisang Pagsasalita Mga Pangangailangan


sa Mabisang Pagsasalita

“Ang mabisang komunikasyon ay nakasalalay nang malaki sa mga


partisipant nito. Kung gayon, malaki ang impluwensiya ng mabisang
pagsasalita sa epektibong proseso ng komunikasyon”.

Kaalaman
“Upang maging isang epektib na
tagapagsalita, kailangang may sapat kang
kaalaman hinggil sa iba’t ibang bagay.”

29
 Una, kailangang alam mo ang paksa ng isang usapan.
 Ikalawa, kailangang may sapat na kaalaman sa gramatika.
 Ikatlo, kailangang may sapat na kaalaman sa kultura ng pinanggalingan
ng wikang ginagamit mo, sariling kultura at kultura ng iyong kausap.

Kasanayan
“Ang pagsasalita ay isa sa apat na
makrong kasanayan kung kaya’t ito ay
isang kasanayang maaaring linangin.”

 Una, kailangang may sapat na kasanayan sa pag-iisip ng mensahe sa


pinakamaikling panahon. (May mga sitwasyon kasing
nangangailangan ng presence of mind.)
 Ikalawa, kailangang may sapat na kasanayan sa paggamit ng mga
kasangkapan sa pagsasalita tulad ng tinig, tindig, kumpas at iba pang
anyong di-berbal.
 Ikatlo, kailangang may sapat siyang kasanayan sa pagpapahayag sa
iba’t ibang genre tulad ng pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad at
pangangatwiran.

Tiwala sa Sarili

 Ang isang taong walang tiwala sa sarili ay karaniwang nagiging


kimi o hindi palakibo.
 Madalas din silang kabado lalo na sa harap ng pangkat ng
tagapakinig o sa harap ng publiko.
 Mahihirapan silang papaniwalain ang ibang tao sa kanilang
mensahe.
 Ang mga ganitong tao ay mahirap makaakit, makakumbinsi o
makahikayat ng pagsang-ayon sa mga tagapakinig.

Mga Kasangkapan sa Pagsasalita


“Masusukat ang bisa ng isang tagapagsalita sa lakas ng kanyang
panghikayat sa kanyang tagapakinig o di kaya’y sa kakayahan niyang
mapanatili ang interes ng kanyang tagapakinig sa kanyang sinasabi. Ito ay
makikita sa reaksyon ng kanyang tagapakinig sa kanya”.

30
Ang Takot sa Pagsasalita sa Harap ng Madla

https://depositphotos.com/stock-photos/stage-fright.html

STAGE FRIGHT/ XENOPHOBIA


Ito ang takot na mapagtawanan bunga ng maling gramar, maling
bigkas, masagwang tindig o postyur, kakatwang ideya o anyong
pisikal.
Ito ang takot na hindi tanggapin ng madla bunga ng kawalan o
kakulangan ng tiwala sa sarili at di-pagkaalam kung ano ang
sasabihin at kung paano iyon sasabihin.

MANIPESTASYON:
Panginginig ng kamay, pangangatog ng tuhod, kawalan ng ganang
kumain, pananakit ng tyan, di-pagkatulog, pananakit ng ulo, pagkautal,
pagkalimot ng sasabihin, paninigas sa pagkakatayo, kawalan ng panuunan
ng paningin, biglang pagbilis ng pulso at mataas na presyon ng dugo.

Dahilan ng Stage Fright


a. Takot sa malaki at di-pamilyar na madlang tagapakinig,
b. Di-kaaya-ayang karanasan sa pagsasalita sa harap ng madla,
c. Kakulangan o kawalan ng karanasan sa pagsasalita sa harap ng
madla,
d. Damdaming kakulangan o insekyuriti bunga ng anyong pisikal,
e. Kakulangan o kawalan ng kahandaan, at
f. Kakulangan o kawalan ng pamilyaridad sa lugar o okasyon.

31
Mungkahi kung paano mamiminimays ang Stage Fright

a. Magkaroon ng positibong atityud


b. Magtiwala sa sarili
c. Tanggapin mo ang iyong sarili
d. Magkaroon ng marubdob na pagnanasang maging mahusay na
tagapagsalita.
e. Harapin mo ang takot, huwag mong takasan.
f. Magpraktis ka nang magpraktis
g. Isiping ang madlang tagapakinig ay palakaibigin at hindi
mapanghusga
h. Magbihis nang naaayon sa okasyon
i. Mag-imbak ng maraming kaalaman
j. Dumating nang maaga upang maging pamilyar sa lugar at sa madlang
tagapakinig
k. Magdasal

Propayl ng Epektibong Ispiker

a. Responsible
b. Magiliw magsalita at kawili-wiling pakinggan
c. May malawak na kaalaman hinggil sa paksang tinatalakay
d. Palabasa
e. Palaisip f. May mayamang koleksyon ng mga ideya at babasahin
f. May interes sa paksang tinatalakay
g. Obhetibo
h. May sense of humor
i. Gumagmit ng mga angkop na salita
j. Nirerespeto ang pagkakaiba-iba ng kanyang tagapakinig
k. Sapat at angkop na lakas ng tinig
l. Malinaw at wasto ang bigkas niya sa mga salita
m. Gumagamit siya ng mga angkop na kumpas at kilos
n. Hindi niya iniinsulto o sinasaktan ang damdamin ng kanyang
tagapakinig ng. Maingat paggawa ng mga kongklusyon, paratang at
batikos
o. May panuuan ng paningin sa mga tagapakinig
p. Angkop ang kasuotan sa okasyon
q. Pinaniniwalaan at isinasabuhay ang kanyang sinasabi
r. Walang nakadidistrak na mannerism
s. Mainam ang tinig o postyur
t. Maayos at lohikal ang kanyang presentasyon mula simula, gitna,
hanggang wakas

32
u. Iniiwasan ang labis na mapalabok na salita
v. Binibigyan diin ang mga mahahalagang konsepto o kaisipan
w. Alam kung kailan tatapusin ang pagsasalita
x. Iniiwasan ang magyabang o himig-pagyayabang
y. Mayaman ang kanyang bokabularyo
z. Taglay ang mga angkop at inaasahang gawi, personalidad at
karakter.

Ang Masining na Pagbigkas


Ang masining na pagbigkas ay maayos ,maganda at tamang pagbigkas
ng tula,talumpati, at mga pahayagan ng mga tauhang gumaganap sa dula.

Mga Salik ng Masining na Pagbigkas:


1. Lakas ng pagbigkas
2. Bilis ng pagbigkas
3. Linaw ng pagbigkas
4. Hinto
5. Kilos at Kumpas

Prepared speech

Mga Uri ng Kumpas:


1. Nakabukas na palad habang nagsasalita
2. Palad na itinaas habang nakalahad
3. Palad nabukas at marahang ibinababa
4. Nakasarang palad (pasuntok)
5. Nakataob na palad na bigla nang ibababa
6. Nakaharap sa madla at nakabukas ang palad
7. Nakabukas na palad, ang daliri ay nagkakalayo at unti-unting
ititikom
8. Paturong kumpas
9. Kumpas na halos pantay balikat ang dalawang bukas na bisig
10. Kumpas na pahawi at pasaklaw

MGA URI NG TALUMPATI AYON SA LAYUNIN:


a. Panlibang
b. Pampasigla
c. Panghikayat
d. Nagbibigay impormasyon o kabatiran

33
e. Papuri
f.Pagbibigay-galang

PONEMA
 pinakamaliit na unit ng tunog na may kahulugan

PONOLOHIYA
 ay pag-aaral ng mga tunog o ponema, na ginagamit sa pagbuo ng mga
salita ng isang partikular na wika at tunog na ginagamit sa pagsasalita.

BAGAY NA DAPAT TANDAAN:


1. Kagandahan(retorika)
2. Kawastuhan

A. PONEMANG SUPRASEGMENTAL
 makahulugang yunit ng tunog na hindi kinakatawanan ng mga titik sa
alpabeto.
a. Diin
b. Intonasyon
c. Tono d. Punto

B. PONEMANG SEGMENTAL

 ang tawag sa bawat titik ng ating alpabeto na kumakatawan sa


particular na tunog na may kahulugan a. Katinig-
/f/,/j/,/n/,/v/,/z/,/c/at /s/ b. Patinig-/a/,/e/,/i/,/o/,/u/ 1.

ANG TULA
Apat na katagian ng matandang tula:
a. Tugma
b. Sukat
c. Talinghaga
d. Kariktan

BALAGTASAN (FLIPTOP)
MGA SANGKAP:
A. Paksang pagtatalunan
B. Dalawang Panig
C. Lakandiwa na siyang tagapagpakilala at taga pamagitan
D. Mga Tagapakinig
E. Tanghalan

34
ANG TALUMPATI
Layunin:
1. Magbigay ng mga kaalaman o opinion\
2. Mang-aliw o magbigayngkasiyahan
3. Manghimok o kumumbinse

Tatlong Uri:
a. Binabasa ng malakas
b. Sinaulo
c. Ekstemporanyo

2 URI NG PAGBIGKAS NG TALUMPATI:

1. Impromtu speech

Mga dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng mga tagapakinig ng isang


mananalumpati:

a. Ang bilang
b. Ang edad ng tagapakinig
c. Ang kasarian
d. Edukasyon
e. Grupo ng kinbibilangan

MASINING NA PAGSASALITA
 maayos, tama, maganda, at mabisangpakikipagusapmaaringisahan,
dalawahan, maramihan o pagkatan

Mga Bagay na Tumululong sa Masining na Pagsasalita:


1. Dapat ay may katotohanan at kawastuhan ang sinasabi
2. Dapat sinasabi ito ng may kaayusan at tamang paraan
3. Nakagagamit ang nagsasalita sa tamang pagkakataon ng mga SAWIKAIN,
SALAWIKAIN,KAWIKAAN, at mga KASABIHAN na nagbibigay-kulay at
kagandahan sa sinasabi niya
4. Dapat bumigkas ng tama

35
MGA SARILING KAKAYAHAN AT KATANGIAN NG TAGAPAGSALITA:
1. Kaayusan sa sarili/personalidad
2. Kakayahang maghatid ng tamang damdamin
3. Kakayahang magpatawa
4. Kawili-wiling tinig

MASINING NA PAGSASALITA SA IBA'T- IBANG PAGKAKATAON:


1. Ang pakikipag-usap sa dalawahan
2. Ang pakikipanayam o interbyu(pangkaalaman at panghanapbuhay)
3. Ang pakikipag-usap sa telepono

Focus Questions

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan, ilagay ang iyong


sagot sa MS word at isumiti sa Google classroom.
1. Ano ang pampublikong pagsasalita?

___________________________________________________________________________________
______________________________________________
2. Paano maiwasan ang takot sa pagsasalita sa harap ng madla?

___________________________________________________________________________________
______________________________________________
3. Ano-ano ang mga katangian upang maging mahusay at epektibong
ispiker?

___________________________________________________________________________________
______________________________________________
4. Bakit kailangang maging mahusay ang pagsasalita sa harap ng madla?

_______________________________________________________
_______________________________________________________
___________________

36
Related Readings

Para sa karagdagang pagbasa sa Pampublikong Pagsasalita, i-click ang link sa


ibaba para sa pag-access:
https://prezi.com/ogmn9kxd1jfh/pagsasalita-sa-publiko-public-speaking/

Learning / Assessment Activities

Panuto: Isumiti ang iyong awtput sa Google Classroom.

 Gumawa ng talumpati tungkol sa pandemya sa Pilipinas.


 Gawin itong bidyo at isumiti ang bidyo sa Google Classroom.

RUBRIKS SAPAGMAMARKA
Organisasyon ............................. 15
Kalinisan ng Awtput. ...................20
Nilalaman ................................... 30
Kalinisan ng Awtput. ......... ……....20
Kabuuan ..................................... 35
TOTAL----------------------------------100

37
YUNIT IV – PAGSUSURI NG AKDANG PAMPANITIKAN

Intended Learning Outcomes


Sa pagtatapos ng yunit IV, inaasahan na ang mga mag-aaral ay:
a. Natutukoy ang mga tauhan sa kwento;
b. Napapakahulugan ang mga piling salita mula sa akda;
c. Nailalahad nang may kawastuhan ang mga natapos na
gawain sa bawat pangkat;
d. Naiuugnay ang mga pangyayari mula sa kwento sa totoong
karanasan sa buhay;
e. Napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa kwento;
f. Nakabubuo ng isang liham; at
g. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa detalye ng kwento.

Introduksyon
Ang Panunuring Pampanitikan ay isang malalim na paghimay sa mga
akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng ibat’t ibang dulog ng
kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa mga malikhaing manunulat at
katha.
Sa pagsusuri, kinakailangan ang lubos na kaalaman sa kathang sinusuri
tulad ng buong nilalaman ng akda, paraan ng pagkakabuo nito at ang ginamit
ng awtor na pamamaraan o istilo. Kinakailangan ding ang manunuri ay may
opinyong bunga ng obhektibong pananaw laban man o katig sa katha, kaya
mahalagang siya ay maging matapat.

Unlocking Difficulty

 Tack- ay isang salitang nagmula sa Sinaunang Griyego τακτική


taktike na ang kahulugan ay "sining ng pagkakaayos".
 Etika- ay isang batayan na nagdidikta kung ano ang dapat gawin
ng isang tao o indibidwal bilang kaniyang obligasyon, karapatan,
katuwiran, at halaga.
 Orador- taong nagsasalita o naghahatid ng mendasa sa kanyang
talumpati, eulohiya o orasyon.

38
Lecture Notes

MGA PAMARAAN SA PAGSUSURI NG AKDANG PAMPANITIKAN

https://www.facebook.com/panitikangpilippinogroup1/
Ano ba ang pangunahing paraan sa pagsusuri ng Akdang Pampanitikan?
Pagbabasa walang magaganap na pagsusuri kung walang babasahing
akda

Paraan sa Pagsusuri ng Maikling Kwento

Elemento ng Maikling Kwento


1. Tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa kwento .
2. Tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan.
3. Banghay - pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
4. Tunggalian - tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan,
tao laban sa kapaligiran o kalikasan.
5. Magagandang Kaisipan o Pahayag - mga pahayag na nagbibigay
mensahe o aral sa mga mambabasa
6. Simula at Wakas - paraan ng mga manunulat kung paano iya sinimulan
at winakasan ang kwento. ito’y maaaring may magandang simula
ngunit may malungkot na katapusan.

Paraan sa Pagsusuri ng Tauhan


Bakit mahalaga ang tauhan sa kwento ? Ang ganda at bisa ng isang
akda ay nakasalalay sa paglalarawan at pagbibigay- buhay sa mga karakter
na nalilikha ng manunulat.

Paraan sa Pagsusuri ng Maikling Kwentong Bernakular


Suriin ang kwento ayon sa uri.

39
Mga Uri ng Maikling Kwento
 Kwento ng tauhan - inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian
ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-
unawa sa kanila ng isang mambabasa.
 Kwento ng katutubong kulay - binibigyang-diin ang kapaligiran at mga
pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng
mga tao sa nasabing pook.
 Kwentong bayan - nilalahad ang mga kuwentong pinag-uusapan sa
kasalukuyan ng buong bayan.
 Kwento ng kababalaghan - pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi
kapanipaniwala.
 Kwento ng katatakutan - naglalaman ng mga pangyayaring kasindak-
sindak.
 Kwento ng madulang pangyayari - binibigyang diin ang kapanapanabik
at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa
tauhan.
 Kwentong sikolohiko - ipinadarama sa mga mambabasa ang
damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito
ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan
ang paglalarawan ng kaisipan.
 Kwento ng pakikipagsapalaran - nasa balangkas ng pangyayari ang
interes ng kuwento.
 Kwento ng katatawanan - nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa
mambabasa. Kwento ng pag-ibig - tungkol sa pag iibigan ng

Suriin ito ayon sa paksang nakapaloob dito.


Suriin ito ayon sa nilalaman, tauhan, tagpuan at banghay.
Suriin ito ayon sa taglay na bisa.

Uri ng Bisang Taglay sa Maikling Kwento


1. Bisang Pandamdamin – tumutukoy ito sa naging epekto o
pagbabagong naganap sa iyong damdamin matapos mabasa ang akda.
2. Bisang Pangkaisipan – tungkol naman ito sa pagbabago sa kaisipan
dahil sa natutunan sa mga pangyayaring naganap sa binasa.
3. Bisang Pangkaasalan – may kaugnayan naman ito sa pagkakaroon ng
pagbabago sa iyong pananaw sa mga kaisipang nakapaloob sa akda
matapos itong mabasa.

40
Suriin ito ayon sa kaugnayan nito sa kamalayang panlipuan

GAMITAN NG TEORYA SA PAGSUSURI.


Balangkas ng Maikling Kwento.
“ Magparayang Puso”

I. URI NG KWENTO - alamin kung anong uri ng maikling kwento ito


napapabilang.
II. PAMAGAT - dito nakasaad ang pinapaksa ng kwento.
III. NILALAMAN

A. Tauhan
Dito sa bahaging ito iniisa-isa ang mga nagsiganap sa kwento.
Issa - labinlimang taong gulang, mahilig magbasa at manood ng
palabas tungkol sa pag-ibig. Isang masayahing babae, positibo ang
pananaw sa buhay at wagas kung magmahal. Kasintahan ni Ben. Ben
- labingpitong taong gulang, maunawain at mapagmahal na
kasintahan ni Issa. Magulang ni Issa - mahigpit at istrikto pagdating
sa kanyang mga anak lalo na sa usapang pag-ibig.
B. TAGPUAN
Pinapakita kung saan ang pinangyarihan ng mga kaganapan sa
kwento. Novaliches Quezon City Silid-aralan Bahay
C. GALAW NG PANGYAYARI o BANGHAY
Dito ibinibigay ang sunod-sunod na pangyayari sa kwento.

A. Pangunahing Pangyayari - panimulang aksyon - matatagpuan ang


tauhan, tagpuan, panahon at posibleng simula ng suliranin at
problema Hayskul ng magkakilala sina Ben at Issa. May lihim na
pagtingin si Issa sa kanyang kaklaseng si Ben ngunit lingid sa kanyang
kaalaman ay may pagtingin rin si Ben sa kanya.

B. Pasidhi o Pataas na Pangyayari - pagkakaroon ng saglit na kasiglahan


sa mga pangyayari sa kwento. - daan o susi patungo sa
pinakamahalagang pangyayari. Hindi nagtagal ay niligawan ni Ben si
Issa at agad naman niya itong sinagot . Naging maganda at masaya ang
kanilang relasyon. Subalit ang relasyon nila ay lihim dahil mahigpit at
pinagbabawalan si Issa ng kanyang magulang.

C. Karurukan o Kasukdulan - pinakamahalagang bahagi ng kwento. -


pinakahihintay ng mga mambabasa. - dito nagaganap ang

41
pinakamatinding problema. Nagsimula ang problema ng may naririnig
si Issa na usapan sa kanilang paaralan na di umano ay may kasama si
Ben na buntis na babae . Hindi naniwala si Issa kahit pa napapansin at
nararamdaman na niyang nanlalamig na si Ben sa kanya. Naging pipi
at bingi lamang siya kahit na iniiyakan niya ito tuwing gabi.

D. Kakalasan o Pababang Aksyon - bahaging bago magwakas ang kwento.


- binibigyang sulosyon ang problema sa kwento. Walang ginawa si Issa
kundi ang umiyak ng umiyak tuwing gabi kaya naman kinabukasan ay
kinausap niya si Ben kung totoo ba ang kumakalat na usapan at ito’y
inamin ni Ben. Nasaktan siya sa naging sagot ni Ben ngunit tiniis niya
at napagdesisyonan niyang makipaghiwalay na lamang alang-alang sa
magiging anak ni Ben.

E. Wakas - bahaging nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isipan ng


mambabasa. - dito matatagpuan ang pangunahing aral o mensahe sa
kwento. - dito na wawakasan ang mga pangyayari sa kwento Si Issa,
isang babaeng nagmahal, nasaktan, nagparaya ngunit unti- unting
bumangon at natutunan na ang tunay na Pag-ibig ay mayroong
tamang oras, pagkakataon, at naniniwalang may taong nakalaan para
sa bawat tao.

IV. TAGLAY NA BISA - matapos mabasa ang kwento alamin kung anong
pagbabago sa sarili ang iyong naramdaman

V. KAMALAYANG PANLIPUNAN - alamin kung ano ang ipinapakita o


inilalarawan ng akda sa ating lipunan.Hindi na bago sa ating lipunan ang
maagang pakikipagrelasyon ng mga kabataan na nasa mura pang edad at ang
malala pa dito ay naging dahilan ito ng maagang pagbubuntis.

VI. TEORYA - sa pagsusuri mahalagang alam mo ang teoryang ginamit sa


akda.Teoryang Romantisismo Ang pagpaparaya ni Issa kay Ben ay isang
halimbawa ng pag-ibig na maunawain. na kahit nasaktan ay inunawa at iniisp
pa din ang kapakanan ng magiging anak ni Ben.

“ Hindi maaaring magkaroon ng tunay na tulang Tagalog kung walang


tugma, kung walang sukat at walang taludturan - Inigo Ed Regalado –

42
Anyo ng Tula
1. Tradisyonal - ito ay isang anyo ng tula na may sukat, tugma, at mga
salitang may malalim na kahulugan.
2. Malayang Taludturan - isang tula nang walang sinusunod na patakaran
kung hindi anumang naisin ng sumusulat.
3. Berso Blangko - ito’y tula na may sukat ngunit walang tugma.

Elemento ng Tula
1. Sukat - ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtud na
bumubuo sa isang saknong.
2. Saknong - isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming
linya ( taludtud ).
3. Persona - tumutukoy sa nagsasalita sa tula. Una, ikalawa at ikatlong
panauhan.
4. Tugma - ang hulung pantig ng huling salita ng bawat taludtud ay
magkasintunog. 5. Kariktan - ito ay ang maririkit na salita na
pumupukaw sa damdamin at kawilihan. 6. Talinghaga - ito’y mga salita
na di tiyakang tumutukoy sa bagay na binabanggit, mga salita na
nakatago ang kahulugan.

Mga Uri ng Tula


1. Tulang Liriko o Tulang Pandamdamin - nagtataglay ng mga karanasan,
kaisipan, guniguni, pangarap at iba’t-ibang damdaming maaaring
madama ng may akda o ng ibang tao. Ito ay maikli at payak.
2. Tualng Pasalaysay ( Narrative Poetry) - naglalahad ng makukulay at
mahahalagang tagpo sa buhay tulad ng pag-ibig, pagkabigo at
tagumpay. Naglalahad din ito ng katapangan at kagitingan ng mga
bayani sa pakikidigma.
3. Tulang Patnigan - ito’y tulang nagbibigay aliw sa mga taong
namatayan, at nagbibigay pagpapahalaga sa taong pumanaw.
4. Tulang Pantanghalan - binibigkas ng mga tauhan ang kanilang diyalogo
sa paraang patula. Maaaring isama sa uring ito ang mga tulang
binibigkas sa sarswela at komedya.

Balangkas ng Tula
I. PAKSA Pamagat : Isang Dipang Langit May-akda: Amado V.
Hernandez
II. KAYARIAN A. Uri: Tulang Pasalaysay B. Estropa: Labing-isa C.
Ritmo/Indayog 1. Sukat: Lalabindalawahing pantig 2. Tugma:
Tugmang Ganap at Di-Ganap

43
III. ANYO
A. Tono: Paghihimagsik at Pagdurusa
B. Tayutay: Pagtutulad (Simile) - sintalim ng kidlat ang mga mata
ng tanod. - anaki’y atungal ng hayop sa yungib. Pagmamalabis
(Hayperbole) - sanlibong aninong iniluwa ng dilim. - sa munting
dungawan tanging abot-malas - isang dipang langit Pandiwantao (
Personipikasyon - kung minsan’y gabi’y biglang magulangtang.
C. Talasalitaan Balasik - Kalupitan o Kabagsikan Tiwalag - Nauukol
sa pagiging malaya Muog - matibay na taguang bato Atungal -
malakas na iyak ng malaking hayop Tanang - Tayo na

IV. PAGSUSURI
A. Paksa - Buhay sa loob ng kulungan
B. Diwa - Karanasan ng mga kinukulong - Pinagdadaanan ng mga bilanggo
C. Simbolismo - Puno = Pagkakasala - Kuta = Kulungan - Bintanang rehas
= Dungawan - Kadena Tanikala - Birang = Itim na panakip sa ulo
D. Himig - pagdurusa dahil sa pagtukoy ng kanyang pinagdaanan na
kanyang inilahad sa loob ng kulungan. - paghahangad ng kalayaan

V. IMPLIKASYON A. Mensahe - pagiging matatag sa mga pagsubok sa


buhay - ipagtanggol ang sariling karapatan - laging magtiwala sa
sariling kakayahan - laging manalig sa Diyos

PARAAN SA PAGSUSURI NG DULA


Dyanra ng Dula
1. Melodrama - ito’y nagwawakas sa kasiyahan bagama’t ang uring ito ay
may malulungkot na sangkap na kung minsan ay may labis na
pananalita at damdamin ang ginamit.
2. Komedya - gumagamit ng kaugaliang marcha para sa pagpasok at pag-
alis sa entablado, batalla o labanan na may koreograpiya at madyik o
mga mahihiwagang epekto sa palabas.
3. Trahedya - kabaliktaran ng komedya ang trahedya sapagkat ang
dulang ito ay nauuwi sa pagkatalo o pagkamatay ng bida o
pangunahing tauhan.
4. Parsa - mga magkakabit- kabit o magkadugtong- dugtong na mga
pangyayari ng isang dulang nakakatawa.
5. Saynete - dula tungkol sa lugar kung saan nagsimula ang kwento ng
pangunahing tauhan at ang kanyang pakikipagsapalaran.

44
Balangkas ng Dula
I. PAMAGAT
II. NILALAMAN
• Tauhan
• Tagpuan
III. KAYARIAN
• Dyanra
• Teorya
IV. BUOD
V. PAGSUSURI
 Gintong Aral
 Taglay na Bisa
 Kamalayang Panlipunan

Focus Questions

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan, ilagay


ang iyong sagot sa MS word at isumiti sa Google classroom.

1. Ano ang Panitikan ?


___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________

2. Bakit mahalaga ang bakit mahalaga ang mga Paraan sa


Pagsusuri ng Akdang Pampanitikan?
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________

Related Readings
Para sa karagdagang pagbasa sa Pampublikong Pagsasalita, i-
click ang link sa ibaba para sa pag-access:
https://prezi.com/bpsul_gehnp_/lit303-pangangailangan-ng-
panunuri-at-kahalagahan-ng-pagsusuri/

45
Learning / Assessment Activities

Panuto: Isumiti ang iyong awtput sa Google Classroom.

Si Alelu’k At Si Alebu’tud
SINA Alelu’k at Alebu’tud ay magkasamang nakatira sa kanilang sariling
kubo sa bundok. Nag-iisa sila at walang mga kapitbahay. Isang araw, nagpa-
alam si Alelu’k sa kanyang asawa, “Manghuhuli ako ng baboy damo.”
Nangahoy nga si Alelu’k, kasama ang kanyang tatlong aso at dala ang
kanyang tidalan, subalit wala siyang natagpuang baboy damo. Sa halip, sa
liblib ng gubat, namataan niya ang isang usa, malaki na ang sungay kaya
natiyak niyang matanda na.

Sinugod ng mga aso at sinakmal ang usa upang hindi makatakas. Sunod
ang tumatakbong Alelu’k at pinatay ng tindalan ang hayop. Tapos, pumutol
siya ng yantok sa tabi, itinali sa sungay ng usa at hinatak ang hayop pauwi.
Sa bahay, sinalubong siya ni Alebu’tud. Tuwang-tuwa ang mag-asawa at
marami silang pagkain.

Humakot sila ng mga panggatong at iba pang kahoy. Nagparikit sila


ng apoy, gamit ang mga panggatong, at nagbaon ng mga tukod sa paligid,
gamit ang ibang kahoy. Sa tuktok ng mga tukod, nagtali sila ng banghay na
kahoy, naka-ibabaw sa apoy. Duon nila inilatag ang patay na usa upang
masunog ang balahibo. Pagkatapos, kinaskas nila hanggang nalinis ang balat
ng hayop.

Sinimulan ni Alelu’k na katayin at pagpira-pirasuhin ang usa.


Samantala, hinugasan ni Alebu’tud ang malaking palayok at nilagyan ng
tubig upang ilaga ang pira-pirasong laman at buto ng usa. Naubusan ng
tubig si Alebu’tud kaya nagtungo siya sa ilog, dala ang kanyang sekkadu,
subalit mas lapat ang tabò, isang biyas ng kawayan.

Nakayapak sa ilog, umigib ng tubig si Alebu’tud. Nang puno na ang


sekkadu, pinasan niya at nagsimulang umakyat sa pampang subalit biglang
lumundag ang isang dambuhalang isda at sinakmal si Alebu’tud. Pumalag
ang babae subalit hindi siya nakahiyaw dahil hinila siya ng isda sa ilalim ng
tubig. Duon nalunod ang babae at kinain nang buo ng isda.

Sa bahay, naghintay si Alelu’k subalit hindi na niya nakita kailan man


ang asawa. Araw-araw, hinanap niya at araw-araw, umiyak siya sa lungkot

46
sa pagkawala ni Alebu’tud. May sapantaha na ibang lalaki ang dumukot at
tumangay kay Alebu’tud, subalit walang katibayan ito kahit na ano.

Tanong:
1. Ano ang pamagat ng kwento?
2. Sino si Aleluk?
3. Sino ang taong mahal ni ALeluk na biglang nawalay sa
kanya?
4. Bakit nawalay kay Aleluk ang taong mahal niya?
5. Paano hinarap ni Aleluk ang nangyari sa kanya?

YUNIT V – PAGBASA NG MGA AKDA SA AKLATAN

Outcomes (ILO)
Sa pagtatapos ng yunit, inaasahan na ang mga mag-aaral ay:
1. Nailalahad at naipapaliwanag ang kahukugan ng pagbasa.
2. Naiisa-isa ang kahalagahan nito.
3. Natutukoy ang ibat-ibang uri ng pagbasa ayon sa layunin.

Introduksyon

Isa sa pinakasandata ng tao sa kanyang pakikipagsapalaran sa mundo ay


ang kanyang KATALINUHAN, At ang PAGBASA ay itinuturing na mabisang
paraan upang magkaroon nito.
Sa kabila ng katotohanang ang mundo ay puno ng mga bagay na
mababasa maituturing na maliit parin ang porsyento ng mga taong
nagbibigay ng panahon dito.
Ang ekspolsyon ng mg impormasyon at karunungan ay dapat na
masubaybayan ng tao upang indi maiwanan sa mundo.
Ibang kaalamanan at konsepto ang ipinakilala ng syensya at teknolohiya
gayundin ng iba pag mga larangan. Matutunghayan ito sa mga pahina ng iba't
ibang materyales.

Unlocking Difficulty

 Anekdota- Ito ay maikling kuwento batay sa nakakawiling


insidente sa buhay.

47
 Sonata- ay tinawag, sa musika, a uri ng komposisyon ng musikal
nakasulat na patugtugin ng isa o higit pang mga instrumento.
 Haiku- ay tinawag na a uri ng tradisyunal na tula ng Hapon na
binubuo ng isang saknong na 17 moras (yunit ng pangwika na mas
mababa sa pantig) na ipinamamahagi sa tatlong taludtod ng lima,
pito at limang moral bawat isa

Lecture Notes

Pagbasa
ang proseso ng pagkuha at pag-unawa sa ilang anyo ng inimbak o
nakasulat na impormasyon o ideya.

Maraming paraan upang matuto, magkaroon ng kaalaman at impormasyon


sa paksang sinasaliksik ang pagbasa. Ito ay ang mga..
o aklat
o magasin
o pahayagan
o at iba pa

 Isang aklat na makakatulong ng malaki upang maunawaan ang


binabasa ay ang diksyunaryo.

PANITIKAN
 malinaw na pagsusulat na may anyo
 pananaw
 diwang sanhi na matagal ng pagkawili
pagpapayaman ng mga karanasan sa pamamagitan ng mga akdang
sumasalaw sa iba't ibang mukha ng buhay, nagiging salamin ito ng
pagkakilala sa sarili ng isang tao.

Halimbawa:
 Anekdota
 Tula
 Sonata
 Haiku
 Alamat
 Maikling Kwento
 Pabula

48
 Parabula
 Bugtong
 Dula

Pagbasa ng panitikan
Hindi magiging matagumpay ang hangaring matuto sa pagbasa at
pagsulat kung ang isang mambabasa ng panitikan ay walang interes sa
pagbabasa nito.

Mungkahi upang matuto sa pagbasa ng panitikan

1. Tiyakin ang sarili kung ano ang layunin bago bumasa


2. Timbang-timbangin sa isipan ang maidudulot at kabutihan ng pagbabasa
nito.

Sikaping makabuo ng mga tanong na makakatulong sa pag-unawa ng mga


bnabasa na gaya ng mga sumusunod
 Ano ba ang paksang binasa ko?
 Ano ba ang mensahe nito?
 Paano inilarawan at tinalakay ng may-akda ang mga kaisipang nais
niyang ipahatid?
 Paraang ginamit ng may-akda upang maging mabisa ang pagsasalaysay
o pagpapahayag
 Ano ba ang opinyon o saloobing nabubuo habang binabasa ang aklat?

Kapag nasagot ng isang tao ang mga naturang tanong ay tagumpay ang
layunin niyang matuto mula sa kaniyang binasa at nakatitiyak na napukaw
ang kanyang pagbabasa.

Kahalagahan ng Pagbasa
1. Nadadagdagan ang kaalaman
2. Napapayaman ang kaalaman at napapalawak ang talasalitaan
3. Nakararating sa mga pook na hindi pa narating
4. Nahuhubog ang kaisipan at paninindigan
5. Nakakukuha ng mga mahahalgang impormasyon
6. Nakatutulong sa mabibigat na suliranin atdamdamin
7. Nagbibigay ng inspirasyon at nakikita nag iba’t ibang antas ng
buhay ata anyo ng daigdig
Layunin ng Pagbasa
1. Magkaroon ng kalinawan ang pag-iisip tungkol sa mga bagay na di
49
malinaw sa kaalaman
2. Magkaroon ng kapayapaan sa buhay dahil sa kaalaman sa iba’t
ibang larangan
3. Magkaroon ng pagbabago sa paniniwala o kaugalian
4. Magkaroon ng bukas na isipan Kailangan sa Pagbasa

Uri ng Pagbasa:
1. Masaklaw na pagbasa- ito ay nauukol sa malayang pagbabasa ng
anumang paksa at ng posisyon ng bumabasa.
2. Masinsinang pagbasa- pormal na pagbabasa sa silid-aralan o sa
aklatan.
3. Mabilisang Pagbasa- may dalawang uri
a. Skimming- pinaraanang basa.
b. Scanning- paghahanap o pagbabasa sa isang tiyak na
impormasyong kailanganin sa isang pahina.
4. Tahimik na pagbasa- mata lang ang ginagamit.
5. Malakas na pagbasa

Focus Questions

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan, ilagay


ang iyong sagot sa MS word at isumiti sa Schoology o Google
classroom.

1. Ano-ano ang kahalagahan sa pagbasa?


________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
____________________
2. Bakit mahalaga ang pagsusuri sa pagbasa ng aklatan?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
____________________

50
Related Readings

Para sa karagdagang pagbasa sa “ Pagbasa ng mga akda sa


aklatan” , i-click ang link sa ibaba para sa pag-access:
https://prezi.com/uq8gq3ombd30/pagbasa-ng-mga-akda-sa-aklatan/

Learning / Assessment Activities

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan, ilagay


an iyong sagot sa MS word at isumiti sa Schoology o Google
classroom.

Worksyap 1

Patnubay ng Pagsagawa ng Worksyap

Bago sumulat
1. Paglinang ng ideya pagtuklas ng paksa
2. Pagtiyak sa mambabasa, layunin, tono
3. Pagpaplano sa pagsulat/ organisasyon ng teksto ( pagtiyak sa
forma ng isusulat).

Habang sumusulat
1. Pagpapahayag na tiyak na tesis na may pagsasaalang-alang sa
layunin ng sulatin, tono at estilo para sa mambabasa
2. Pagsulat ng introduksyon, nalaman at kongklusyon.

Pagkasulat
1. Revisyon ng mga drafts
2. Editing ng final na draft na may pangwawasto so gramar,
estruktura ng pangungusap at paralelismo, gayundin sa
ispeling, bantas
3. Muling pagsulat fokus sa nilalaman, organisasyon, kalinawan
at estilo.

Pagkikritik ng komposisyon

Bilang manunulat
1. Pagsusuri at pagtiyak sa mambabasa o audience

51
Isinaalang-alang ko ba ang kanilang interes?
Sinisindak ko ba sila sa paggamit ng mga salita o konseptong
mahirap unawan?
Angkop ba ang lenggwaheng ginamit ko?
Salungat ba ang paniniwala ko sa mambabasa?
May kaisahan ba ang kaisipang tinalakay ko sa una hanggang
wakas?

2. Pagsusuri at pagtiyak sa mga layunin ng manunulat


Ano ang aking layunin sa pagsusulat- informasyon,
paliwanag, libangan o pagtulak sa pagkilos nila?
Ano ang tugong nais ko sa mga mambabasa?

3. Pagpili ng persona/ punto de vista/ perspektiv


Kapani-paniwalaan ba ang pagkatatag ko sa aking sarili sa
aking sinasabi o isang pagmamalabis?
Makatuwiran ba ang aking sinasabi o isang pagmamalabis?
Konsistent ba ako sa ginamit na punto de vista?
Formal ba o di formal ang tono ko?
Anong emosyon ng naparating ko sa mambabasa?
Paano ko ito naihatid?

Bilang mambabasa

1. Pagsusuri at pagtiyak sa mambabasa o audience


Napukaw ba ang interes ko sa binasa?
Akma ba ang mga salita/pangungusap na ginamit sa
pagpapaliwanag sa
mga konseptong nais ihatid?
Angkop ba ang lenggwaheng ginamit ng manunulat?
Salungat ba ang paniniwala ng manunulat sa
mambabasa?
May kaisahan ba ang kaisipang tinalakay mula una
hanggang wakas?

2. Pagsusuri at pagtiyak sa layunin ng manunulat


Ano ang layunin ng manunulat sa pagsulat- informasyon,
paliwanag,
libangan o pagtulak sa pagkilos nila?
Ano ang tugong nais niya mula sa mga mambabasa?

52
3. Pagpili ng persona/punto de vista/perspektiv
Kapani-paniwala ba ang pagkakatatag sa sarili ng
manunulat sa kanyang
sulatin?
Makatuwiran ba ang kanyang sinasabi o isang
pagmamalabis?
Konsistent ba siya sa ginamit na punto de vista?
Formal ba o di formal ang tonong ginamit ng manunulat?
Anong emosyon ang napararating niya sa mambabasa?
Paano niya naiparating ang kanyang tinig?

Pagsulat ng mga personal na sanaysay, awtobiyografiya, refleksyon

Worksyap 2

1. Pagsulat ng mga kontemporaryong anyo ng sulatin


a) salaysay
b) anekdota
c) malikhaing di fiksyon
d) popularisasyon ng mga ulat mula sa iba’t ibang
larangan

2. Pagrevyu ng sulatin na nagsasaalang-alang sa mga


elemenyo na pagsulat
at paglinang ng sariling estilo

a) Pagpili ng makatawag-pansin pamagat


b) Paglikha ng mabisang pambungas
c) Pagbalik-aral sa estruktura/balangkas ng sulatin
d) Pagsulat sa estilong kongkreto at episfiko
e) Pag-iwas sa mga salitang politically incorrect katulad ng
may kinalaman sa lipi o
lahi/kasarian/gulang/kapansanan/katayuang
panlipunan/ atbp.
f) Pag-iwas sa mga salita/parirala/pahayag na gasgas o
luma
g) Paggamit ng talinghaga

53
References

∙ Yenbehold(2015). Wika at Panitilkan.


http://siningngfilipino.blogspot.com/2015/08/ang-retorika.html

Pampublikong Pagsasalita (2015). Retrieved from


https://www.scribd.com/doc/266417572/Ang-Pampublikong-Pagsasalita-
Ccos

Masining na Pagbigkas (2015). https://pdfcoffee.com/ang-masining-na-


pagbigkas-pdf-free.html

Pagsusuri ng akdang pampanitikan, (2017).


https://www./pagsusuri-ng-akdang-pampanitikan.

Panitikan, (2015).
https://www.coursehero.com/file/68558177/MOD-1-
Introduksyon-sa-Panitikang-Filipinodocx/

Masining na Pagpapahayag. https://ched.gov.ph/wp-


content/uploads/2017/10/CMO-No.54-s2007.pdf

54

You might also like