Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Peoples Taliba Editor

(Opinion- July 11, 2022)

Ang ating kailangang susunod na DOH Secretary.

Mainit na usapin ngayon ang pagpili ng ating Pangulo sa susunod na DOH


Secretary. Ang susunod na Secretary of Health (SOH) ay inaasahang
mangangasiwa at magsasa-ayos ng mga programa ukol sa pandemic, at
mag-aayos ng mga aberya na ating narinig tungkol sa PhilHealth,
Pharmally, at maraming pang iba. Siya rin ang tututok sa mga
pangangailangan pangmedical ng mga mamamayang Pilipino at mga
hospital ng ating bansa.

Binigyang diin din ng Palasyo ng Malacañang na kailangang dumaan sa


butas ng karayom ang pagpili sa susunod na Secretary ng Department of
Health (DOH). Ayon kay Press Sec. Trixie, napakahalaga ng posisyon sa
natural ahensya dahil ito ang nangunguna sa pangangasiwa sa
pandemyang dulot ng COVID-19 kung kaya’t kailangan dumaan sa butas
ng karayom ang pagpili sa susunod sa DOH Secretary. Sinabi din ni Sec.
Trixie na hindi nila sinasabing sila ay nahihirapan subalit dahil ito’y
importanteng posisyon, kailangan itong dumaan sa matinding pagsusuri.

Ano nga ba ang mga katangian ng dapat tinataglay ng susunod na


Secretary of Health? Para sa amin mga normal na mamayan, kailangan
natin ng Secretary na alam ang mga technical ng aspetong pang medical.
Kailangan din magaling mangasiwa ang magiging susunod na Secretary of
Health. Siya dapat ay may karanasan sa pang ehekutibo or sa executive
branch of government sapagkat siya mag magpapatupad ng lahat ng
layunin ng ating mahal na Pangulo. Siya ang gagabay sa mga attached
agencies ng DOH gaya na lamang Philhealth at marami pang iba. Maigi
din na may karanasan siya sa paghawak ng mga hospital. Importante din
na siya ay may malalim na kaalalaman ukol sa pandemyang atin
kinakaharap. At ang pinakaimporante sa lahat, wala dapat bahid ng
kurapsyon ang magiging susunod na Kalihim ng DOH.

You might also like