Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

 Baryo Cabilang Baybay- noong una ay walang pangalan ang pook na ito

noon, tuwing may maghahanap sa lugar na ito ay palaging sinasabi ng


mga tao ay “kabilang baybay” dahil matatagpuan ito sa baybayin ng ilog.
Nakagawian na nilang itawag ito sa lugar na ito kaya nagpasya ang
Kabesa ng kanilang Barangay na Cabilang Baybay na ang itawag rito.
Dahil sa impluwensiya ng mga Kastila nagging titik C ang K.
 Baryo Bancal- tinawag na Baryo Bancal ang lugar na iyon dahil
napapaligiran sila ng puno ng bangkal. Ginagamit nila itong panggawa ng
bahay o kaya naman ay panggatong. Noong panahon ng Hapon, ginamit
nila ito na panghanap buhay sa pamamagitan ng pagbebenta ng sanga
nito sa panaderya bilang panggatong. Dahil sa nagging importanteng
parte ito ng buhay nila, ipinangalan nila sa sityo na iyon ang Baryo
Bancal. Tinanggal ang NG dahil narin sa impluwensya ng mga Espanyol/
 Baryo Maduya- nanggaling ang pangalang “Maduya” sa popular na
pagkaing “Maruya”. Marami sa nakatira sa pook na ito ang nagbebenta
ng maruya at ito ang pinakamalaking baryo sa munisipyo ng Carmona.
Kaya nagging maduya ang maruya dahil sa lumang alpabeto ang /d/ at
/r/ ay pwedeng magkapalitan nang di nagbabago ang kahulugan. Dahil
sa kahalagahan ng pagkaing ito sa lugar nila, pinangalan sa kanila ang
Baryo Maduya
 Baryo Lantik- matatagpuan ang Baryo Lantik sa kanluran ng kabayanan
ng Carmona. Dating madamo o masungkal ang lugar na ito kaya
pinagpasyahang linisin ito ng mga tao. Nang matapos, nanirahan sila
roon at napansin nilang hugis L ang anyo ng lugar na kung ilalarawan ay
mukhang malantik na guhit ng pinsel ng kalikasan. Simula noon
pinangalanan nila itong Lantik o Pinaglantikan.
 Baryo Milagrosa- ang pitong ektaryang lupa na ito ay dating pagmamay-
ari ng mga Yaptinchay ng Biñan, Laguna. Ngunit dahil parte parin ito ng
Carmona, pinaglaban nina Alkalde Marciano Mapanoo at G. Juan at mga
tao ang kanilang karapatan rito. Nagtungo sila sa Malakanyang at
ipinarationg kay Pangulong Quezon ang kanilang hinaing. Pagkatapos ng
ikalawang digmaang pandaigdig ay hinati sa kanila ang lupa.
Pinangalanan itong Milagrosa bilang pag alala sa himalang pagkabawi
nila sa lupa na akala nila ay di na nila mababawi.
 Baryo Mabuhay- Baryo Bagong Buhay ang pangalan nito noon na
naitatag noong panahon ng Commonwealth. Nahikayat ang mga tao na
manirahan ditto at kanilang pinaunlad ang pagsasaka rito. Dahil dito
naisip nilang magandang simula ito kaya pinangalanan nila itong Baryo
Mabuhay.

1. Paano maipapakita sa mga pangalan ng lugar na ito ang iba’t ibang uri ng
pagsibol ng salita?

a. Paghiram- may mga lugar na napalitan ang titik dahil sa impluwensya ng


Espanyol o dahil sa lumang alpabeto
b. Pagbubuo ng salita o adaptasyon- pagpapangalan sa mga lugar gamit
ang isa nang salita.
c. Simbolismo- pinangalanan nila ang isang baryo sa paraang lagi nila itong
tinatawag,walang pangalan ang lugar na ito at dahil sa nakasanayan nila
ang ganoong pangalan ay yun na ang pinangalan nila rito.

2. Pagsasaliksik sa lugar na iyong tinitirhan.

Makasaysayang Lungsod ng Caloocan.


-Nanggaling ang pangalan ng Caloocan o Kalookan sa salitang “lo-ok” dahil
malapit ito sa Manila Bay, ang iba naman ay nagsasabing galing ito sa
salitang “sulok” dahil nasa sulok ito ng Tondo at Malabon. Naging
munisipalidad ang Caloocan noong 1815 nang tumiwalag ito sa Tondo. At
naging Lungsod noong 1962 sa pamumuno ni Pangulong Diosdado
Macapagal. Ang ibig sabihin ng Caloocan o Kalookan ay, “kasuluk-sulokan”
(o kaloob-looban).
Gawain 1 Pahina 26-27

A. Buuin ang pariralang nagsasaaad ng tunog ng kalikasan.


Pagtambalin ang kanan at kaliwang hanay sa sumusunod.

1. ragasa c a. ng kulog
2. dagundong a b. ng sanggol
3. uha b c. ng mga kabayuhan
4. tikatik i d. ng mga bato sa lawa
5. lagaslas d e. ng mga pakpak
6. talsik f f. ng tubig
7. sipol h g. ng maya
8. pagaspas e h. ng hanging unos
9. tiririt g i. ng ambon
10.kokak j j. ng palaka
B. Sumulat ng ilang katagang maaaring maibulalas ng isang taong nakaramdam
ng damdaming sumusunod.
1. nakagat ng putakti Aray!
2. nadulas sa basing semento Aray ang sakit!
3. Nanalo sa lotto Nanalo ako! Whoo!
4. Sinagot ng “oo” ng minamahal Sa wakas!
5. Nadukutan ng pera Magnanakaw yung pera ko!

Gawain 1 p.21
1. Dahil kahit mayroon tayong wikang pambansa, napakaraming wika ang
ginagamit sa iba’t ibang lalawigan o probinsya sa ating bansa. Ang mga ito
ay Tagalog, Kapampangan, Pangasinense, Iloko, Bikol, Cebuano, Hiligaynon,
Waray, Tausug, Maguinadanaoan, Maranao, at Chavacano.
2. Kapag marami kang wika o lengguwahe na alam, mas madali mong
makakausap ang mga tao sa paligid mo na lumaki na gumagamit ng ibang
wika tulad dito sa ating bansa dahil sa iba’t ibang probinsya, iba iba rin ang
kanilang sinasalitang wika. Ang masamang dulot naman nito ay mas
mangingibabaw ang rehiyonalismo kaysa sa damdaming nasyonalismo dahil
kahit wikang Filipino ang gating wikang pambansa, marami pa ring hindi
tumatangkalik dito.
3. Ginagamit ang bilingguwalismo sa ating bansa upang mas mapadali ang
pakikipag usap sa ibang tao. Ang mga nangingibabaw na wikang ginagamit
dito ay Filipino at Ingles.
4. Oo, dahil kapag nakakapagsalita ka ng Filipino at Ingles mas madali mong
maiintindihan ang iyong kausap at nagiging madali at epektibo ang
komunikasyon.
5. Oo, dahil kung puro Ingles ang ating sinasalita, hindi na natin mahahasa ang
paggamit ng ating sariling wika na Filipino.
6. Para sakin ito ay multilingguwalismo dahil dito sa Pilipinas halimbawa, hindi
lang wikang Filipino ang ginagamit o Ingles, kada probinsya na iyong
mapupuntahan ay may iba’t ibang wikang ginagamit o kinalakihan.

You might also like