Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 29

Araling Panlipunan

GENECOM INSTITUTE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY, INC.


GENECOM LEARNING AND TUTORIAL CENTER
LIBON PRIVATE HIGH SCHOOL
ABRIL 2022

Pangalan: MA. PATRICIA LOUIEZ BALSARZA


PANIMULA AT MGA LAYUNIN
 Pambungad at mga Pokus na Tanong

Magandang araw sainyong lahat! Handa na ba kayo


sa ating talakayan? Sa araling ito, ating tatalakayin ang
tungkol sa pagkaraan ng EDSA Revolution.
Malaking tagumpay ng People Power ang
pagpapatalsik kay Pangulong Ferdinand Marcos matapos
ang mahigit 20 taong paniniil at pagpapahirap sa mga
Pilpino. Sa kabanatang ito, ating susuriin ang mga patakaran
at programa ng mga pangasiwaang naitatag pagkatapos
ng rebolusyon.
 Modyul na Aralin at Saklaw
Aralin : Ang Pilipinas Pagkaraan ng EDSA
Revolution
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga
sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
1. Napapahalagahan ang pagtatanggol at pagpapanatili
sa karapatang pantao at demokratikong pamamahala.
2. Nasusuri ang mga pangunahing suliranin at hamong
kinaharap ng mga Pilipino mula 1986 hanggang sa
kasalukuyan.
3. Natatalakay ang mga programang ipinatupad ng iba`t
ibang administrasyon sa pagtugon sa mga suliranin at
hamong kinakaharap ng mga Pilipino mula 1986
hanggang kasalukuyan. (Aquino, Ramos at Estrada)

1
PANIMULANG PAGTATAYA
Basahin at intindihin ang mga pangungusap sa ibaba.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Isinasaad nito ang pagbibigay ng tulong ng pamahalaan


sa lahat ng mga mag-aaral at guro sa pampribadong
paaralan.
a. R.A 6728 c. R.A 6729
b. R.A 6655 d. R.A 6848
2. Siya ang ika-pitong pangulo ng Ikatlong Republika at
ang ika-labing isang pangulo ng Pilipinas.
a. Corazon C. Aquino c. Joseph E. Estrada
b. Fidel V. Ramos d. Ferdinand E. Marcos
3. Sino ang kauna-unahang babaeng pangulo ng ating
bansa?
a. Corazon C. Aquino c. Josefina Rizal
b. Gloria M. Arroyo d. Gregoria de Jesus
4. Siya ay mayroong pulitikal slogan na “Erap para sa
mahirap.”
a. Joseph E. Estrada c. Ejercito E. Estrada
b. Jovit E. Estrada d. Joseph M. Estrada
5. Sino ang nagpatupad ng R.A. 7432 na nagbibigay ng
espesyal na pribilehiyo sa mga senior citizen?
a. Fidel V. Ramos c. Joseph E. Estrada
b. Corazon C. Aquino d. Benigno C. Aquino

2
TALAKAYAN

Kabilang sa malalaking suliranin ng mga sumusunod na


pangasiwaan ang pagbabagong-tatag ng pamahalaan,
pagpapanumbalik ng demokrasya, pangangalaga sa mga
karapatang pantao, pagpapanatili ng katahimikan at
kaayusan at pagpapasigla ng ekonomiya upang
makahabol sa mga karatig-bansang Asyano.

PAGPAPATATAG NG DEMOKRATIKONG PAMAMAHALA


Matapos ang People Power sa EDSA, hinarap naman
ng mga sumunod na pangasiwaan ang pagpapatatag ng
demokrasya sa
bansa. Taglay ang
aral mula sa
dalawang dekada
ng pamahalaang
Marcos, tiniyak ng
sumunod na mga
pangulo na iiral muli ang batas, katarungan at
demoktratikong pamumuhay sa Pilipinas.

Kabilang sa naging pangkalahatang patakaran ng


bagong demokratikong pamahalaan ang pagsulong sa
karapatang pantao ng mga Pilipino. Matatandaan na ang
paglabag sa karapatan ang isang salik na nagpabagsak sa
pamamahala ni Pangulong Marcos. Tiniyak din na magiging
mapayapa ang bansa sa pamamagitan ng paglulunsad ng
3
kampanya laban sa krimen at rebelyon. Hinarap din ang
matagal na napabayaang ekonomiya ng Pilipinas. Mula
1986 hanggang sa kasalukuyan, binigyan ng prayoridad ang
pag-angat ng kabuhayan. Bagkus, umaasa ang marami na
ang naturang mga programa ay makatutulong na
mapanatili at mapagtibay ang demokrasya sa bansa.

ANG PAMAMAHALA NI CORAZON C. AQUINO


(1986 – 1992)

Si Corazon C. Aquino ang ika-pitong Pangulo ng


Republika ng Pilipinas. Ginanap
ang kanyang panunumpa sa
tungkulin noong Pebrero 25,
1986 sa Club Filipino, Greenhills,
San Juan. Nanumpa rin noon si
Salvador Laurel bilang
Pangalawang Pangulo.

Ang pangasiwaang Aquino ay tinawag na


pansamantalang pamahalaan. Tinawag din ito ng iba na
pamahalaang rebolusyonaryo dahil sa itinatag ito sa
panahon ng People Power Revolution.

PAGBABAGONG-TATAG NG PAMAHALAAN

Isa sa mga unang ginawa ni Pangulong Aquino ang


pag-alis sa tungkulin ng mga pinunong hinirang ni Ferdinand
E. Marcos. Kasama rito ang mga kasapi ng Korte Suprema.
Ang unang bahagi ng pamamahala ni Pangulong Aquino ay

4
batay sa Freedom Constitution,
isang pansamantalang Saligang
Batas na itinakda ng
Proklamasyon Bilang 3 at pinairal
noong Marso 25, 1986. Kabilang
sa mahahalagang probisyon ng
Saligang Batas na ito ang
sumusunod.

 Pagbuwag sa Batasang Pambansa


 Pagbawi sa mga nakaw na yaman at pag-aalis sa
tungkulin ng mga tiwaling pinuno ng
pamahalaan.
 Pagpapanatili ng kapangyarihan ng Pangulo na
gumawa ng mga dikreto, ng mga kapangyarihan
ng hukuman, ng kalipunan ng mga karapatan at
ng artikulo tungkol sa pagboto.
 Pagbabalangkas ng isang komisyong hihirangin
ng Pangulo.
 Pagdaraos ng mga pambansa at lokal na
halalan.

PANGANGALAGA SA MGA KARAPATANG PANTAO

Sa bisa ng Freedom Constitution, pinairal muli ang


privilege of the writ of habeas corpus. Pinalaya ang mga
bilanggong pulitikal. Nilikha ng Pangulo ang Presidential
Commision on Human Rights (PCHR) upang magsiyasat ng

5
mga paglabag sa mga karapatang pantao. Si Jose Diokno,
dating bilanggong pulitikal, ang naging unang pinuno nito.

Itinatag din ang


Presidential Commission on
Good Government (PCGG)
upang magsiyasat at
bumawi ng mga sinasabing
nakaw na yaman ng
pamilyang Marcos. Si
Jovito Salonga naman ang
naging unang pinuno ng
PCGG.

Pinawalang-bisa ang mga kautusang sumupil sa mga


karapatang pantao.
Itinakda ng Freedom
Constitution ang simula
ng pagsasaayos ng
pamahalaan. Binuwag
ang ilang tanggapan
ng nakaraang
pangasiwaan.
Kabilang dito ang
Batasang Pambansa at ang pwesto ng punong ministro. Ang
mga ministrong tagapagpaganap ay ginawang mga
kagawarang tagapagpaganap na pinamumunuan ng mga
kalihim.

6
Sa pagkabuwag ng Batasang Pambansa, ang pagbuo
ng batas ay pansamantalang napailalim sa Pangulo.
Nangangahulugan ito na ang Pangulo ang may
kapangyarihang magpalabas ng mga kautusan.
Gayunpaman, itinadhana ng Freedom Constitution ang
hangganan ng kapangyarihan ng Pangulo.

PAGBABAGONG-TATAG NG EKONOMIYA

Kinailangan ng Pilipinas noong panahon ng


pamahalaang Aquino ang pakikipag-ugnayang
pangkalakalan sa ibang bansa. Nagtungo ang Pangulo sa
iba`t ibang bansa upang humingi ng tulong na
pangkabuhayan. Inanyayahan niya ang mga dayuhang
kompanya na mamuhunan sa bansa.

Hinikayat ng pamahalaan ang pagtatatag ng maliliit at


katamtamang industriya. Ang maliliit na industriya ay yaong
may lima hanggang 99 na manggagawa. Ang mga
katamtamang-laking industriya naman ay may 100
hanggang 199 na manggagawa.

Hinikayat din ang matalinong paggamit ng mga


katutubong kagamitang panangkap sa paggawa ng mga
produktong likhang-kamay.

7
Sa larangan ng pagpapaunlad ng pagsasaka at
pagibibgay ng pagkakataong panghanapbuhay, inilunsad
ng pamahalaan ang
Comprehensive Agrarian
Reform Program (CARP).
Layunin nito na mailipat
ang pagmamay-ari ng
lupang sakahan sa mga
magsasaka. Ang mga
may-ari ng lupa ay maaari
ring mamuhunan sa mga industriya.

PAGPAPANATILI NG KAAYUSAN

Itinuturing na hadlang sa kaunlarang pangkabuhayan


ang suliranin sa katahimikan at kaayusan. Dahil dito,
sinimulan ng pamahalaan ang patakarang national
reconciliation o mapayapang pakikipagkasundo sa National
Democratic Front (NDF) at iba pang pangkat ng kalaban
nito. Inalok ng pamahalaan ng amnestiya ang mga
rebeldeng magususko ng kanilang armas. May mga
inihandang tulong sa kabuhayan ang pamahalaan para sa
mga rebelde, tulad nag pagibibgay ng Entrepreneurial
Development Training na napapaloob sa programang
National Reconciliation and Development Program (NRDP)

Sa kabila ng pagsisikap ng pamahalaan na


makipagkasundo sa mga rebelde, naganap sa kamaynilaan
ang mga pagtatangkang agawin ang pamahalaan.

8
Isinagawa ang mga ito ng pangkat ng militar na
naghahangad ng pagbabago sa pamahalaan at sa
sistemang militar. Naganap ang pinakamabigat na
pagtatangka noong Disyembre 1889.

PROGRAMANG PANLIPUNAN

Sinikap ng pamahalaang Auqino na matugunan ang


mga pangangailangang panlipunan na napabayaan ng
nakaraang pangasiwaan. Ilan dito ay nauukol sa edukasyon,
palakasan, at kalusugan. Kaugnay nito, ipinatupad ang mga
sumusunod na mga batas.

 R.A. 6655 o Free Public Secondary Education of 1988 –


isinabansa nito ang lahat ng pampublikong mataas na
paaralan at magbigay ng libreng edukasyon
hanggang sa antas ng sekundarya.
 R.A 6728 – isinasaad nito ang pagbibigay ng tulong ng
pamahalaan sa lahat ng mga mag-aaral at guro sa
pampribadong paaralan.
 R.A. 6847 – Itinatag nito ang Philippine Sports
Commission upang pag-isahin at pagtugmain ang mga
programang pampalakasan ng bansa.

Ipinatupad din ng pamahalaan ang Batas Generic.


Pinataas ng batas na ito ang kaalaman ng mga
mamamayan ukol sa pagpapangalan ng mga gamut
upang mas madali nilang matukoy kung anong gamot ang
abot-kayang bilhin. Bukod dito, pinaunlad ang serbisyong
pangkalusugan sa mga pamayanan.

9
PAGTATAGUYOD NG LOKAL NA AWTONOMIYA

Sa panahon ni Pangulong Aquino, bumuo ang


pamahalaan ng mga lupon upang mangasiwa sa pagbuo
ng mga patakaran at programa para sa pagsasakatuparan
ng lokal na awtonomiya.

Naitatag rin ang CAR at ARMM alinsunod sa layuning


ito. Nilagdaan ni Pangulong Aquino ang Executive Order 220
na siyang bumuo ng Cordillera Administrative Region (CAR)
noong Hulyo 15, 1989. Noong Agosto 1, 1989, sa bisa ng
Republic Act 6734, binuo naman ang Autonomous Region in
Muslim Mindanao (ARMM). Pinagtibay ang batas na ito sa
plebisitong ginanap noong Nobyembre 19, 1989.

Noon namang Oktubre 1, 1991, nilagdaan ni


Pangulong Aquino ang Republic Act 7160 o ang Local
Government Code. Alinsunod ito sa Seksyon 3, Artikulo 10 ng
1987 Saligang Batas kung saan nakasaad na “Ang Kongreso
ay dapat magsabatas ng isang kodigo ng pamahalaang
lokal na dapat magtadhana ng balangkas ng
pamahalaang lokal na higit na matugunan at
mapanagutan…”

10
Pagsasanay 1
Basahin at sagutin ang mga katanungan sa bawat
bilang. Isulat ang sagot sa patlang.

1. Magbigay ng mga malalaking suliranin na tinatamasa


pagkaraan ng EDSA Revolution.
DEKLARASYON NG BATAS MILITAR
PAGBAGSAK NG EKONOMIYA
KAWALANG TIWALA SA SANDATAHANG LAKAS
ASASINASYON KAY SEN. NINOY AQUINO
1986 SNAP ELECTION

2. Ipaliwanag ang Demokratikong Pamamahala.


Ang demokrasya ay ang pamahalaan ng mga tao,para sa mga tao at
galing sa mga tao,mahalaga ito sapagkat ito ay nagsisilbing gabay at
patnubay para maitupad ang pantay na karapatan para sa lahat ng mga
mamamayan kahit na ano pa ang estado nito sa buhay

3. Bakit itinatag ang Presidential Commission on Good


Government (PCGG)?
Ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) ay isang
quasi-judicial government agency ng Pilipinas na ang pangunahing
mandato ay bawiin ang ill-gotten wealth na naipon ni Ferdinand Marcos,
kanyang immediate family, relatives, subordinates at close associates,
kung matatagpuan man sa Pilipinas o sa ibang bansa.
4. Bakit tinawag na pansamantalang pamahalaan ang
pangasiwaan ni Pangulong Corazon C. Aquino?

11
5. Ano ang Freedom Constitution?
PAGDEDEKLARA NG ISANG PAMBANSANG
PATAKARAN UPANG IPATUPAD ANG MGA
REPORMANG INIUTOS NG MGA TAO, PAGPROTEKSI SA
KANILANG BATAYANG KARAPATAN, PAGPAPATIBAY
NG ISANG PROBISYONAL NA KONSTITUSYON, AT
PAGBIBIGAY NG MAAYOS NA TRANSISYON SA ISANG
GOBYERNO SA ILALIM NG BAGONG KONSTITUSYON.
PAMAMAHALA NI FIDEL V. RAMOS (1992 – 1998)

Hindi na kumandidatong muli si


Pangulong Aquino noong halalan ng
Mayo 11, 1992. Itinaguyod na lamang
niya ang kandidatura na si Fidel V. Ramos
sa pagkapangulo at ito`y nanalo sa
halalan. Pangunahing programa ng
pamahalaan ni Pangulong Ramos ang
pagpapaunlad ng ekonomiya ng
Pilipinas.

MGA PROGRAMA NG PAMAHALAANG RAMOS

Inilunsad ni Pangulong Ramos ang isang programang


pampulitika bilang pangunahing hakbang para sa
pagpapaunlad ng ekonomiya. Naniniwala siya sa isang
demokrasyang sumusuporta sa mamamayan upang
maglatag ng pundasyon ng kapayapaan at kaunlaran.

Una niyang ginawa ang pagpapanumbalik ng


kaayusan ng madla. Itinaguyod din niya ang pakikipag-
ugnayan sa mga oposisyon sa ngalan ng kapayapaan at
pag-unlad.

12
PROGRAMANG PANG-EKONOMIYA

Ang pagpapaunlad ng ekonomiya ng Pilipinas ay


ibinabatay ng pamahalaang Ramos sa sumusunod na mga
programa:

 Pagbawas sa suliranin sa karalitaan


 Paglikha ng mga hanapbuhay
 Pagpapaunlad ng ekonomiya

Ang mga programang ito ay bahagi ng tinatawag na


Medium-Term Philippine Development Plan (MTDP) o
Philippines 2000. Ito ay isang plano na layuning mabawasan
ang kahirapan at matamo ang pag-unlad ng ekonomiya sa
pamamagitan ng pagsasapribado ng mga negosyong pag-
aari ng Estado, pag-aalis ng mga regulasyon sa negosyo at
pagbubukas ng bansa sa dayuhang pamumuhunan.

Binigyang tuon ng pamahalaang Ramos ang people


empowerment. Sa kanyang people empowerment, ang tao
ang sentro ng pag-unlad at ang pagsukat ng kaunlaran ay
ang kapakanan ng mga karaniwang mga Pilipino.

Nagsagawa ang pamahalaan ang mga hakbang


tungkol sa global competitveness kaugnay ng bansa tulad
ng pagbibigay-laya sa mga lakas-pamilihan, integrasyon ng
pambansang ekonomiya sa pandaigdigang ekonomiya at
muling pagbabalangkas ng mga patakarang
pagnenegosyo tungkol sa likas-kayang pag-unlad.

13
Bukod sa mga programang ito, iniutos din ng Pangulo
ang pagpapabuti ng katahimikan at kaayusan sa bansa at
ng mga pangunahing serbisyong panlipunan ito ay bilang
paghahanda sa plano niyang gawing industriyalisadong
bansa ang Pilipinas.

PAGLUTAS SA SULIRANIN SA KARALITAAN

Iniulat noong 1992 na 50 bahagdan ng mga Pilipino


ang namumuhay ng mas mababa pa sa tinatawag na
poverty line at 20 bahagdan sa mga ito ang nasa ganap na
karukhaan. Nangangahulugan na hindi man lamang
kumikita ang mga ito ng sapat para sa kanilang mga
pangangailangan sa araw-araw. Wala silang pambili ng
pagkain, hindi makapag-aral, kulang ang damit,
masasakitin, at walang matirihan.

Ang kalagayan ng mga maralitang Pilipino ang


pinagtuunan ng pansin ng Presidential Committee to Fight
Poverty (PCFP). Ito at ang mga kasapi ng Joint Povert
Alleviation Program (JPAP) ng pamahalaan ang
bumalangkas at nagpatupad ng mga proyekto para sa
mahihirap. Tumulong din sa programa nila ang iba`t ibang
ahensiyang pampamahalaan at mga pribadong samahan.

Kabilang sa mga estratehiyang binalangkas ang


pangangailangang pangkalusugan, nutrisyon, pansutos sa
tubig, kalinisan ng kapaligiran, at edukasyong hindi pormal.
Nakatuon ang mga ito sa mga pamayanan ng mga
pamilyang maralita.

14
PAGLIKHA NG MGA HANAPBUHAY

Isa sa mga layunin ng pangasiwaang Ramos ang


lumikha ng mga hanapbuhay. Batay ito sa paniniwalang
ang mga mamamayang kumikita at nagbabayad ng buwis
ay nag-aambag sa ikauunlad ng pambansang kabuhayan.
Nagkaloob ang mga ito ng mga hanapbuhay para sa mga
manggagawa at propesyonal na Pilipino.

PAGPAPALAGO NG EKONOMIYA

Natamo ng bansa ang paglago ng kabuhayan at


paglaki ng Gross National Product (GNP) sa ilalim ni
Pangulong Ramos. Nagtagumpay ang kanyang plano ukol
sa pagpapalago ng ekonomiya sa pamamagitan ng
pagluluwas ng mga produktong Pilipino, pagpapaunlad ng
pagsasaka, pagpapaunlad ng turismo at pangangalaga sa
kaligtasan ng mga dayuhang mangangalakal.

PAGPAPABUTI NG KALAGAYAN NG KATAHIMIKAN AT


KAAYUSAN

Sa unang anim na buwan pa lamang ng


panunungkulan ni Pangulong Ramos, binigyang-pansin niya
kaagad ang pakikipagkasundo sa mga pangkat ng mga
komunista at rebeldeng militar. Isa itong hakbang upang itigil
na nila ang paglaban sa pamahalaan at sa halip ay maging
produktibong mamamayan. Pinangasiwaan ng National
Unification Commission (NUC) ang pamamahala sa
pagsasakatuparan ng programang ito.

15
Isa sa mga pulong tungo sa pakikipagsundo sa Moro
National Liberation Front (MNLF) ang ginanap sa Jakarta,
Indonesia noong Nobyembre 1993. Dinaluhan ito ni Nur
Misurari ng MNLF at ng mga kinatawan ng Pilipinas at
Indonesia.

Sa pagkontrol ng mga
krimen, binuo ang Presidential
Anti-Crime Comission (PACC)
sa ilalim ng pamamahala ng
Tanggapan ng Pangalawang
Pangulo. Kabilang sa mga
krimeng hinarap ng PACC
ang kidnap-for-ransom,
panghoholdap sa mga
bangko, drug trafficking at pang-aabuso sa mga
kababaihan.

Pinagtibay naman ang Batas Republika Bilang 7659 na


nagbabalik ng parusang kamatayan para sa mga karumal-
dumal na krimen. Ito ay upang mapalaganap muli ang
katarungang panlipunan at mapagkaloob sa lahat ang
karapatang pantao. Nagkabisa ito sa unang araw ng Enero
1994. Nakasaad ang parusang kamatayan sa Saligang Batas
ng 1935 ngunit inalis sa Saligang Batas ng 1987.

16
PAGPAPAUNLAD NG EDUKASYON AT NG AGHAM AT
TEKNOLOHIYA

Nakita ng pamahalaan ang kahalagahan ng


edukasyon, agham at teknolohiya sa pag-unlad ng bansa.

Upang matugunan ang mga pangangailangan sa


larangan ng edukasyon, inaprubahan ng Pangulo ang
pagdaragdag ng mga guro,
silid-aralan at mga
kagamitang panturo sa iba`t
ibang rehiyon sa bansa at
pagdaragdag ng bilang ng
araw sa pagtuturo. Inilunsad
din ang sistemang multigrade
para sa m ga batang nakatira sa pamayanang malayo sa
mga paaralan. Layunin nito ang matugunan ang
kakulangan sa paaralan lalo na sa malalayong lugar. Sa
sistemang ito, ang isang guro ay nagtuturo sa mga mag-
aaral mula sa iba`t ibang grado.

Iniutos din ang pagdaragdag ng oras para sa


pagtuturo ng agham at teknolohiya, at matematika sa mga
paaralan. Itinuturing na mabisa itong hakbang tungo sa pag-
unlad at sa pagiging industriyalisado ng bansa. Samantala,
binigyang-diin ang pagtuturo ng mga kursong teknikal at
bokasyonal sa tulong ng mga pribadong sektor, tulad ng
Meralco Foundation at Pilipinas Shell Foundation, Inc.

17
PAGPAPAUNLAD NG KALUSUGAN AT NUTRISYON

Ang pagpapaunlad ng kalusugan at nutrisyon ng mga


mamamayan ay itinuturing ding susi sa kaunlarang pang-
kabuhayan ng bansa. Batay ito sa paniniwalang ang
malakas at malusog na mamamayan ang saligan ng
maunlad na bayan. Upang matamo ang layuning ito,
patuloy rin ang pagpapatupad ng mga batas ukol sa
pangangalaga sa kapaligiran. Kailangan ng mga
mamamayan ang malinis na kapaligiran para manatili silang
malusog.

MGA IBANG NAGAWA NG PANGASIWAANG RAMOS

Sa layuning mapabuti ang kalidad ng buhay ng lahat,


ipinatupad ang R.A. 7432 na nagbibigay ng espesyal na
pribilehiyo sa mga senior citizen. An g mga ito ay tulad ng
diskwento sa pamasahe,
pagbibili ng gamot, at
paggamit ng mga pasilidad
panlibangan. Isa rin itong
paraan ng paghihikayat ng
pakikilahok ng mga matatanda
sa mga gawaing pankaunlaran
ng bansa.

Ipinagdiwang din ng pangasiwaan ni Ramos ang


Isangdaang taon ng kalayaan ng Pilipinas na muling
nagpaalab sa damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino.

18
Pagsasanay 2
Basahin at sagutin ang mga katanungan sa bawat
bilang. Isulat ang sagot sa patlang.

1. Ipaliwanag ang Medium-Term Philippine Development


Plan (MTDP) o Philippines 2000.
Ang Philippine Development Plan 2017-2022 ay ang unang medium-term
plan na naka-angkla sa 0-10 point Socioeconomic Agenda at nakatutok sa
AmBisyon Natin 2040 na naglalahad ng sama-samang pananaw ng
sambayanang Pilipino sa isang MATATAG, MAGINHAWA, AT
PANATAG NA BUHAY PARA SA LAHAT.

2. Ano ang People Empowerment?


Ang empowerment ay nangangahulugan na ang mga tao ay pantay na
mamamayan. Sila ay iginagalang at may tiwala sa kanilang mga
komunidad.
3. Paano natugunan ng Pamahalaang Ramos ang mga
pangangailangan sa larangan ng edukasyon?

4. Ano ang layunin ng sistemang multigrade?

19
5. Ipaliwanag ang R.A. 7432.
Republic Act 7432: An Act to Maximize the Contribution of Senior
Citizens to Nation Building, Grants Benefits and Special Privilege

PAMAMAHALA NI JOSEPH E. ESTRADA (1998 – 2001)

Si Joseph Estrada o Jose Marcelo


Estrada na mas kilala sa tawag na erap
ang ika-siyam na Pangulo ng Republika
at ang ikalabingtatlong Pangulo ng
Pilipinas. Nanumpa siya sa tungkulin sa
Simbahan ng Barasoain noong Hunyo
30, 1998. Tinagurian siyang “Centennial
President” dahil ika-100 taong
anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas noong siya ay nanumpa
at sa parehong lugar nanumpa si Heneral Emilio Aguinaldo
nang siya ay naging pangulo ng Unang Republika ng
Pilipinas. Ang kaniyang
politikal na slogan na “Erap
para sa mahirap” ay kinagat
ng masa sapagkat ang
karaniwang tema ng
kaniyang pelikula ay isa
siyang mahirap ngunit
matipunong lalaki na may
marangal na hanapbuhay, may malasakit sa mahihirap, at
kaniyang ipinagtatanggol ang mga ito.

20
MGA PROGRAMA NG PAMAHALAANG ESTRADA

Binigyang-diin ng pamahalaang Estrada ang


epektibong pamamalakad ng pamahalaan,
pagpapaunlad ng edukasyon, kalusugan at nutrisyon,
pagkakaroon ng sapat na pagkain at proteksyon sa
kapaligiran, kaunlaran ng awtonomiyang lokal at kagalingan
ng kapangyarihan ng mamamayan, pantay-pantay na
kaunlarang pangkabuhayan sa lahat ng rehiyon, at isang
sistema ng transportasyon.

EPEKTIBONG PAMAMALAKAD NG PAMAHALAAN

May mga inihandang programa si Pangulong Estrada


para sa isang maayos at epektibong pamamalakad ng
pamahalaan. Ibig niyang magkaroon ng pagbabago at
maging katangi-tangi ang kanyang pagsisilbi sa bayan.
Ayon sa kanya, kinakailangang malaman at makitang
mabuti ng sambayanan Pilipino ang lahat ng mga gawain,
proyekto at pati na ang mga suliranin ng bansa.
Kinakailangan din na mailahad ang kaukulang salaping
gugugulin sa bawat proyekto upang maiwasan ang
paghihinala ng mga tao ukol dito.

REPORMANG PANSAKAHAN

Itinaguyod ng pamahalaan ang komprehensibong


repormamg pansakahan. Dahil sa programang ito, mahigit
sa 100,000 sa magsasaka sa bansa na walang lupa ang
nabigyan ng lupang masasaka. Dagdag pa rito, nagsulong

21
din ng programang pautang para sa mga magsasaka
upang bigyan ito ng puhunan para makapundar ng maliit na
negosyo.

AGHAM AT TEKNOLOHIYA

Binigyang-pansin din ang pagpapaunlad ng antas ng


agham at teknolohiya sa kapuluan. Alam ng pamahalaan
ang kahalagahan nito upang makaagapay ang bansa sa
mga pagbabagong pandaigdig sa larangan ng
produksyon. Ang mga mangagawang Pilipino ay binigyan
ng mga kasanayang teknikal na magagamit nila sa
paghahanapbuhay.

MURANG BILIHIN

Maraming maralitang mamamayan ang hindi makabili


ng kanilang mga pangangailangan dahil sa taas ng presyo
nito. Upang tugunan ito, inilunsad ng samahan ang
Enhanced Retail Access for The Poor (ERAP). Sa programang
ito, nagkaroon ng mga rolling store na nagbibili ng murang
bigas at iba pang pangangailangan ng mga mamamayan.

IMPEACHMENT TRIAL AT PEOPLE POWER II

Umabot lamang ng halos dalawa at kalahating taon


ang panunungkulan ni Pangulong Estrada. Marami siyang
kinasangkutang anomalya gaya ng jueteng scandal.
Pinaghihinalaang ang ilan niyang ari-arian ay nakuha niya sa
ilegal na paraan. Maraming bumatikos sa kanyang

22
administrasyon at nanawagan na
bumaba na siya sa kanyang
tungkulin.

Oktubre 18, 2000 nang iharap ang


kaso ng impeachment laban kay
Pangulong Estrada sa Kapulungan ng
mga Kinatawan. Dinala ang kaso sa
Senado pagkatapos itong pirmahan
ng mahigit sa 73 na kinatawan.

Nagsimula ang pagdinig ng kaso ng impeachment sa


Senado noong Disyembre 7, 2000. Naging madamdamin
ang bawat araw ng paglilitis na ipinapalabas sa telebisyon.
Sari-saring katibayan ang iniharap sa Senado na
nagpapatibay sa mga alegasyon laban kay Estrada. Noong
Enero 16, 2001,
nahinto ang paglilitis
nang magbitiw ang
lupon ng tagausig
kay Pangulong
Estrada. Nawalan sila
ng pag-asa dahil sa
pagtanggi ng 11
senador na buksan
ang sobre na ayon sa kanila ay naglalaman ng katibayan
laban sa Pangulo.

23
Ang pangyayaring ito ay ikinagalit ng maraming
mamamayan. Hatinggabi ng Enero 17 nang simulang
magdagsaan sa EDSA Shrine sa Ortigas ang mga
mamamayan upang manawagan na bumaba na sa
tungkulin si Pangulong Estrada. Sa sumunod na tatlong araw,
lalo pang dumami ang mga nagpunta sa EDSA. Iba’t ibang
sektor ng lipunan ang dumalo sa pagtitipong ito na
nagkakaisang humingi ng pagbabago. Pinakamarami sa
mga dumalo ang mga kabataan na naging masigasig sa
pagkakaroon ng pagbabago sa lipunan. Ito ay tinaguriang
“EDSA 2 o People Power 2”

Pagsasanay 3
Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa maaari at gusto
mong gawin sakaling mabigyan ka ng pagkakataon na
maging pangulo ng bansa sa loob lamang ng isang
buwan. Anu-ano kaya ang magiging prayoridad mo?
Isulat ito sa isang buong malinis na papel at idikit sa
pahinang ito.

24
Tandaan natin!
 Matapos ang 1986 people Power Revolution, nagtatag
si Corazon Aquino ng pamahalaang rebolusyonaryo at
pinawalang-bisa niya ang Saligang Batas ng 1973.
Pinalitan niya ito ng Freedom Constitution at di
kalauna`y ng Saligang Batas ng 1987, na ating
ginagamit hanggang sa kasalukuyan.
 Ipinatupad ni Fidel V. Ramos ang programang
Philippines 2000 na naglayong gawing industriyalisado
ang ekonomiya ng bansa.
 Sa layuning mapabuti ang kalidad ng buhay ng lahat,
ipinatupad din ni Fidel V. Ramos ang R.A. 7432 na
nagbibigay ng espesyal na pribilehiyo sa mga senior
citizen. Ang mga ito ay tulad ng diskwento sa
pamasahe, pagbibili ng gamot, at paggamit ng mga
pasilidad panlibangan

25
PANGHULING PAGTATAYA
A. Sagutin ang mga katanungan at isulat ang sagot sa
patlang.

1. Para sayo, mahalaga ba ang Demokratikong


Pamamahala? Bakit?

Ang demokrasya ay ang pamahalaan ng mga tao,para sa mga tao at


galing sa mga tao,mahalaga ito sapagkat ito ay nagsisilbing gabay at
patnubay para maitupad ang pantay na karapatan para sa lahat ng mga
mamamayan kahit na ano pa ang estado nito sa buhay

2. Magbigay ng tatlong pangunahing suliranin at


hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1986
hanggang sa kasalukuyan. Pagkatapos ay pumili ng
isang suliranin at ibigay ang solusyon o programa na
ipinatupad ng iba`t ibang administrasyon.

PAGLAGANAP NG BAWAL NA GAMOT - DUTERTE


PROBLEMA SA KAHIRAPAN - AQUINO

SULIRANING PANG EDUKASYON - DUTERTE

26
PANGHULING PAGTATAYA
B. Pumili ng isang programa na ipinatupad ng iba`t ibang
administrasyon. Ipaliwanag kung bakit ito ang iyong
napili. Isulat din ang mabuting epekto at ang
kahalagan nito.

1. Administrasyong Aquino
PROGRAMA: Binuo niya ang Presidential Commission on Good
Governance o PCCG
PALIWANAG
naglalayong mabawi ang yaman ng bansa na ninakaw ng dating
Pangulong Ferdinand Marcos.

2. Administrasyong Ramos
PROGRAMA: Agrarian Reform Program
PALIWANAG Pagpapalawak ng kaalaman patungkol sa agri products
at tilong na din sa mga magsasaka

3. Administrasyong Estrada
PROGRAMA: Asset Privatization Trust
PALIWANAG
Ipinagpatuloy ito ni Pangulong Joseph Estrada, kung saan ang
pagsasapribado ng mga kompanya ng pamahalaan para makalikom ng
salapi para matugunan ang mga pangangailangan ng bansa.

27
Sanggunian
n
“Silan, Emmanuel F., Tagumpay ng Lahi 6, Trinitas Publishing Inc., Quezon
City, 2019, pahina 234 - 244.”

“Delos Santos, Renato C., Songco, Evelyn A. Ph. D., Tuklas Lahi 6, Brilliant
Creations Publishing, Inc., Bonanza Plaza 2, Block 1, Lot 6, Hilltop
Subdivision, Novaliches, Quezon City, 2015, pahina 196 - 204”

HEKASI Book

www.google.com

*No copyright infringement, for educational purposes only.

28

You might also like