Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

De La Salle University- Dasmariñas

College of Engineering, Architecture and Technology


Graphics Design and Multimedia Department

AGUILA, Katereen Jane O. Diskursong Rizal


BMMA-32 Jumel G. Estrañero

Tunay nga bang naapektuhan ng buhay ni Rizal ang mga mag-aaral?

Panimula

Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda o mas kilala sa pangalang Dr. Jose Rizal ay isa na
marahil sa mga kilalang personalidad na nagkaroon ng malaking impluwensya upang makalaya ang
Pilipinas sa pananakop ng mga Espanyol. Siya ay lubusang nakilala dahil sa kanyang matapang na
pagsulat ng mga akda kabilang na ang prominenteng Noli Me Tangere at El Filibusterismo na
naglalaman ng tahasang pag-tuligsa sa pang-aabuso ng mga Espanyol sa kanilang kapangyarihan laban
sa mga Pilipino sa mismo nilang lupang sinilangan. Ito ay isang matapang na hakbang mula kay Dr.
Rizal dahil hindi taliwas sa kaalaman ng lahat na ang anumang uri nang pag-tuligsa sa gobyerno
noon ay maaring magkaroon ng kalakip na malalim na parusa kabilang na ang kamatayan. Ang kanyang
mga akda rin ang s’yang nag-sindi ng apoy ng pagkamakabayan sa maraming Pilipino noon kung kaya’t
nagkaroon ng isang malakihang rebolusyon laban sa mga Espanyol.

Gayunpaman, marami mang mata ang natulungang mamulat ni Dr. Rizal sa kaisipan ng kalayaan laban
sa mga mananakop, hindi nakatakas ang magiting na bayani mula sa akusasyon ng gobyerno sa
pangunguna nito sa naturang rebelyon kahit na lamang wala s’yang direktang koneksyon sa mga
rebolusyonaryo. Dahil sa natatanging kontribusyon ni Dr. Rizal sa pagkamit ng Pilipinas ng kalayaan
mula sa mahigit tatlong siglo ng pananakop ng mga Espanyol, kinilala siya bilang Pambansang Bayani
noong 1901. At mahigit limang dekada naman matapos siyangyang ideklara bilang Pambansang Bayani,
naipasatupad ang Batas Rizal na naglalayong bigyan ng pagkilala ang kanyang nagging buhay at ang
mga mahahalagang akda na bumago at tumatak sa kasaysayan.
De La Salle University- Dasmariñas
College of Engineering, Architecture and Technology
Graphics Design and Multimedia Department

Katawan

Nais malaman ng mananaliksik kung ang mga natutunan ng mga estudyante tungkol sa talambuhay ni
Rizal ay na-aapply ba nila ito. Ayon sa R.A 1425 o Rizal Law kailangan ituro ang Talambuhay ni Dr.Jose
Rizal at ang mga i sinulat nito. Ang pag aaral na ito ay inaasahang matukoy ang epekto ng talambuhay
ni Jose Rizal sa mga mag aaral. Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay upang malaman ang Epekto ng
Talambuhay ni Jose Rizal sa mga Mag- aaral. Malalaman kung bakit kailangan pag aralin at matutunan
ang buhay at ang mga sulat ni Dr. Rizal.

Layunin

1. Matukoy kumg bakit kinakailangang pag-aralan ang buhay ni Jose Rizal.

4. Matukoy kung nakatutulong ba ang pag-aaral ng buhay ni Rizal sa mga mag-aaral.

Pagsusuri

Ayon sa pagsusuri ng mananaliksik sa kahalagahan ng pag-aaral na ito ay nalaman niya ang epekto ng
Talambuhay ni Jose Rizal sa mga Mag- aaral. Nalaman kung bakit ito kinakailangan pag-aralan at
matutunan ang buhay ni Rizal. Natukoy ng husto ang mga kalamangan at kawalan sa pag aaral nito.
Ang buhay ni Rizal ay importanteng matutunan ng mga mag-aaral dahil sa mga nangyari sa kanya at sa
mga mensahe na ibinigay niya noong panahon ng mga kastila. Tinulungan niya ang mga Pilipino,
parehong lalaki at babae,

Konklusyon

Kahanga-hanga ang mga nagging adbokasiya ni Rizal noong siya ay nabubuhay. Mula sa pagbabahagi
ng naturang edukasyon, pagtulong sa mamamayan, paglaban sa mananakop hanggang sa pagyapos sa
De La Salle University- Dasmariñas
College of Engineering, Architecture and Technology
Graphics Design and Multimedia Department

panganib na dala ng kaniyang literatura. Masasabing pinaghalo ng kakaibang talino at katapangan ang
pagkatayo niya. Ikinarangal niya ang mga ito ngunit ang pagpili niya pa rin na mamatay para sa Pilipinas
ang siyang nagpatunay ng kaniyang pagkabayani.

Mahalagang pag-aralan ang buhay ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal upang malaman at
mas maunawan natin ang kanyang mga nagawa at ang mga mahahalagang ambag para sa bayan.
Gayundin, upang mamulat ang lahat ng tao sa dahilan kung bakit nga ba siya hinirang na pambansang
bayani. Upang bigyan siya ng respeto, paggalang at pagkilala sa kabutihang kanyang ginawa. Ito rin ay
paraan upang malaman ang kanyang mga karanasan at pinagdaanan bago pa man siya maging isang
bayani at dahil magbibigay daan rin ito upang mas makilala pa natin siya ng lubusan.

Talasanggunian

Rizal. (2019). Importance of studying Rizal course

https://rricardosofa.blogspot.com/?m=0

Ossa, M. M,A. (2021). What Relevance Does Rizal Have in College Education?

https://www.enotes.com/homework-help/what-relevance-studying-life-jose-rizal-305504

Fernando, C. (2021). Ang Buong Talambuhay ni Jose Rizal

https://www.zenrooms.com/blog/talambuhay-ni-jose-rizal/

DOST. (2022). Youth speaks! Rizal is an inspiration to our generation

https://www.dost.gov.ph/knowledge-resources/news/74-2022-news/2728-youth-speaks-rizal-is-an-
inspiration-to-our-generation.html

Life & Works of Rizal

https://www.elearningust.info/copy-of-understanding-the-self-page

You might also like