Filipino 10 Q4 Week6 Modyul6 Aringay Zhoraida

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 26

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE

Filipino 10
Ikaapat na Markahan – Modyul 6:
El Filibusterismo
Paglalarawan sa mga Tauhan

MELC: Nailalarawan ang mga tauhan at pangyayari sa

tulong ng mga pang-uring umaakit sa imahinasyon at
pandama. (F10PB-IVi-j-83)

Inihanda ni:

ZHORAIDA B. ARINGAY
Guro III
Luzong National High School
Filipino – Ikasampung Baitang
Share-A-Resource-Program
Ikaapat na Markahan – Modyul 6: El Filibusterismo-Paglalarawan sa mga Tauhan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring

magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag

sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Zhoraida B. Aringay
Editor: Jon Jon D. Garcia
Florante H. Agoo, Jr.
Tagasuri: Jon Jon D. Garcia
Editha R. Mabanag
Tagalapat: Marvin M. Marugay
Tagapamahala: Joann A. Corpuz
Joye D. Madalipay
Santiago L. Baoec
Jenetrix T. Tumaneng
Editha R. Mabanag
Division Design & Layout Artist: Jannibal A. Lojero

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Schools Division of Ilocos Norte

Office Address: Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax: (077) 771-0960
Telephone No.: (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address: ilocos.norte@deped.gov.ph
10

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 6:
El Filibusterismo
Paglalarawan sa mga Tauhan
Paunang Salita
Ang Contextualized Learning Module o CLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo
ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat
aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na

naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang

nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa
guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang CLM na ito

upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang

guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng CLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga

tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila
sa paaralan.
Alamin

Ngayong nasa huling bahagi na tayo ng ikaapat na markahan, marami ka ng

alam sa nobelang El Filibusterismo. Sa araling ito inaasahang maipapamalas mo
ang pag-unawa at pagpapahalaga sa Kabanata IV ng nobelang El Filibusterismo.

Ang modyul na ito ay hinati gaya ng nakasaad sa ibaba:

Aralin 1- Kabesang Tales
Aralin 2- Pang-uri
Aralin 3- Lingguhang Pangwakas na Gawain
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
Nailalarawan ang mga tauhan at pangyayari sa tulong ng mga pang-uring umaakit
sa imahinasyon at pandama (F10PB-IVi-j-83)

Subukin

Bago tayo tumungo sa ating aralin, sagutan mo muna ang paunang pagtataya
upang malaman kung ano ang inisyal na kaalaman mo sa ating aralin.
Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat sa sagutang papel ang
letra ng tamang sagot.
1. Ano ang ikinabubuhay ni Tandang Selo maliban sa pangangaso?
A. paggawa ng basket C. paggawa ng banig
B. paggawa ng walis D. paggawa ng walis tingting
2. Alin sa mga sumusunod ang layunin ni Tales kaya pinagyaman ang lupaing
sinasaka?
A. Guminhawa ang sarili.
B. Guminhawa ang buhay nilang mag-ama.
C. Guminhawa ang buhay ng mga anak.
D. Guminhawa ang buhay ng kanyang buong pamilya.
3. Sino ang apo ni Tandang Selo na pumanaw dahil sa hirap na dinanas sa
pagsasaka?
A. Basilio B. Lucia C. Tano D. Huliana
4. Ano ang suliraning naranasan ng mga magsasaka sa nasabing nobela?
A. suliranin sa lupa C. suliranin sa pera
B. suliranin sa edukasyon D. suliranin sa negosyo

1
5. Palibhasa ay mabait, tahimik, at masunurin sa mga prayle, pumayag si Kabesang
Tales. Ano ang mahihinuhang katangian ni Kabesang Tales?
A. matiyaga B. maalalahanin C. masunurin D. matulungin
6. Sino ang hermanang pagsisilbihan ni Huli?
A. Hermana Bali C. Hermana Penchang
B. Hermana Pule D. Hermana Sinang
7. Magkano ang pinakamahal na singil sa buwis sa lupain ni Tales?
A. dalawang daan C. dalawang libo
B. tatlong daan D. tatlong libo
8. Sino ang naghandog ng relikaryo kay Huli?
A. Ang kanyang kuya Tano C. Tandang Selo
B. Kabesang Tales D. Basilio
9. Sino ang batang sakristan na naging mag-aaral ng medisina at kaibigan ng
pamilya ni Tales?
A. Isagani B. Makaraig C. Placido D. Basilio
10. Siya ang kumakatawan sa mga kababaihan na labis ang pagmamahal sa
kanilang pamilya.
A. Huli B. Maria Clara C. Victorina D. Penchang
11. Ang nais ipahiwatig ni Tandang Selo kay Kabesang Tales sa kanyang pahayag na
“Isipin mo na lang na lumaki ang buwaya.”
A. dumami ang buwaya C. dumami ang sakim
B. dumami ang mga prayle D. dumami ang mga mangangalakal
12. Ano ang alahas na hindi ibinenta ni Huli?
A. pulseras B. relikaryo C. hikaw D. singsing
13. Sino ang anak ni Tales na naipatapon sa Carolinas?
A. Tano B. Lucia C. Basilio D. Huli
14. Sa pahayag ni Hermana Bali kay Huli na “Alam mo ba kung ano ang dapat mong
gawin Huli? Humiram ka ng dalawang daan at isanla mo ang iyong bahay.”Ano
ang nais ipahiwatig ng hermana?
A. magbenta si Huli C. magmalasakit si Huli
B. magpatulong si Huli D. magsakripisyo si Huli
15. Ang isyung panlipunan na nangibabaw sa kabanatang Kabesang Tales ay ______.
A. katarungan B. kasakiman C. diskriminasyon D. marsismo

2
Aralin

1 Kabesang Tales

Balikan

Ang araling ito ay karagdagang pagtalakay sa isa sa mga kabanatang bahagi

ng nobelang El Filibusterismo na isinulat ni Dr. Jose Rizal. Maraming daluyong ang
pinagdaanan ng ating bansa makamit lamang ang tinatamasa nating kasarinlan.
Ginamit ng ating pambansang bayani ang kanyang angking talino upang maisulat
ang isang nobelang sumasalamin sa mga ideyolohiya ng nakararaming Pilipino sa
nasabing panahon. Hindi lamang mga bagay na simbolo ang ginamit ni Gat Jose
Rizal kundi maging ang mga tao na naging tauhan sa nobela na kumakatawan sa
bawat pangarap at sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan
para sa bayang sinilangan.

Tuklasin

Gawain 1
Iguhit ang tala - kung ang pahayag ay may kaugnayan sa nobela at buwan-
naman kung walang kaugnayan sa nobela.

1. Binubuo ng mga kabanata.

2. Binubuo ng mga kawing-kawing na suliranin.
3. Maituturing na limitado ang tunggalian.
4. Naglalahad ng mga di kawili-wiling pangyayari.
5. Tumatalakay sa diyos at diyosa.
6. Maayos ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari.
7. Kasasalaminan ng mga tunay na pangyayari.
8. Gumagamit ng malikhaing kaisipan.
9. Naglalarawan ng isang kakintalan.
10. Limitado ang tauhan sa isang nobela.
11. Maikling kathang pampanitikan na naglalahad ng mga habing pangyayari.
12. Akdang pampanitikan na di kapupulutan ng mga aral.
13. Tumatalakay sa kultura at politika.
14. Masining na pagkukuwento.
15. Binubuo ng mga sukat at tugma.

Basahin at unawain ang Kabanata IV ng nobelang El Filibusterismo.Alamin kung

nangibabaw ang isang masining na paglalarawan sa mga tauhan at pangyayari.

3
Suriin

SI KABESANG TALES
Buhay pa si Tandang Selo, ang matandang kumupkop sa may sakit na batang
si Basilio. Mabuti-buti na ang kanyang buhay. Hindi na siya nangangaso at
nangangahoy. Gumagawa na lamang siya ng walis.
Ang kanyang anak na si Telesforo, o Tales kung tawagin, nakikisama sa lupa
ng isang namumuhunan. Nagkaingin sila sa dulo ng bayan sa paniniwalang walang
nagmamay-ari niyon. Sa paghawan sa gubat, isa-isang nagkasakit ang mag-anak.
Nang malapit na nilang anihin ang unang tanim, ang bukiring kanilang
hinawan, nilinang, at tinamnan ay inangkin ng isang korporasyon ng mga prayle.
Pinagbayad sila ng tatlumpong piso taon-taon.
Mabait, tahimik, at masunurin sa mga prayle, pumayag si Tales.
“Magtiis ka na,” ang payo ni Tandang Selo. “Ipalagay mo na natalo ka sa sugal
o kaya’y kinain ng buwaya.”
Naging masagana ang ani Tales. Nagbalak siyang magpatayo ng bahay na
tabla sa nayon ng Sagpang.
Masagana rin ang ani niya sa sumunod na taon. Ang upa sa lupa ay naging
limampung piso.
“Magtiis ka,” ang muling payo ni Tandang Selo. “Ipalagay mo na lamang na
lumaki ang buwaya.”
Natupad ang balak ni Tales. Nanirahan sila sa bahay na tabla sa Sagpang.
Binalak ng mag-ama na papag-aralin sa Maynila si Tano at ang bunsong si Huli. Si
Huli ay may angking kagandahan.
Nang makita ng bayan na maunlad ang kabuhayan ni Tales, ginawa siyang
kabesa. Iniwasan niya ang pakikipagkagalit sa kura at sa pamahalaan. Marami
siyang naaksayang panahon sa paniningil ng buwis.
“Magtiis ka. Ipagpalagay mong dumating ang mga kamag-anak ng buwaya,”
ani Tandang Selo.
Hindi na nakapag-aral si Huli. Nang ang buwis sa lupa ay umabot na sa
dalawandaang piso ay tumutol na si Kabesang Tales. Kapaghindi makabayad ng
buwis ay ipalilinang ang lupa sa isang utusan ng prayle. Namutla ang kabesa at
nagpanting ang kanyang tainga.
Nang Makita ni Tandang selo ang mukha ni Kabesang Tales, hindi na siya
bumanggit ng tungkol sa buwaya.
Hiningan ni Kabesang Tales ang mga prayle ng kasulatan ng pagmamay-ari
ng lupain. Walang maipakita ang mga prayle kaya nagkaroon ng usapin.

4
Ang usapin ni Kabesang Tales ay noon lamang nasaksihan sa Pilipinas. Sa
isang panig ay maralitang Indio na umaasa sa kanyang karapatan at sa kadakilaan
ng kanyang ipinakikipaglaban.
Habang hindi pa nahahatulan ang usapin, si Kabesang Tales ay naglilibot sa
kanyang bukirin na may dalang baril bilang pananggalang sa naggalang mga tulisan.
Pinag-ibayo ng kabesa ang pagbabantay sa kanyang lupa.Natakot ang
prayleng tagapangasiwa. Di nagtagal, nanaog ang utos ng kapitan-heneral na
nagbabawal sa paggamit ng baril. Patuloy pa rin ang kabesa sa pagbabantay dala
ang isang gulok. Binihag ng mga tulisan si Kabesang Tales at humingi ng
limangdaang piso bilang pantubos.
Halos mabaliw ang maglolong Selo at Huli sa nangyari. Binalak ni Huli na
isanla ang kanilang bahay. Hanggang makatagpo nila si Hermana Penchang na
nagpahiram ng salaping kailangan sa kasunduang manilbihan si Huli bilang utusan.
Nang malaman ito ni Tandang Selo, nanaghoy itong parang bata. Sinabi ng
matanda na kung aalis si Hul, siya’y tutungo sa gubat. Naging malungkot ang gabi
ng maglolo.

Pagyamanin

Gawain 2
Buuin ang salita sa loob ng kahon sa pamamagitan ng paghahanap ng kahulugan
ng salitang may salungguhit.Pumili sa mga nasa ibaba.

tumagal desisyon hinawan masukal kumopkop

1. Si Tandang Selo ang nag-aruga kay Basilio nang ito ay napadpad sa gubat.

2. Hindi nagbago ang pasya ni Tales sa kabila ng lahat.

3. Nang lumaon ay napansin ng mga kapitbahay ang pagbuti ng buhay ng mag-

anak na Tales.

4. Madawag ang kagubatang kanilang kinaroronan.

5. Ang kanilang hinawan, nilinang, at tinamnan ay inangkin ng isang korporasyon

ng mga prayle.

5
Gawain 3:
Suriin ang katangian ni Kabesang Tales sa pamamagitan ng dayagram.

Ang kanyang Ang desisyong

kilos kanyang ginawa

KABESANG
TALES
Ang iyong
Ang kanyang pananaw sa
prinsipyo kanya

Isaisip

Gawain 4
Tukuyin ang mga pangyayari sa lipunan na may kaugnayan sa mga sumusunod na
sitwasyon.

1. “Magtiis ka.Ipagpalagay Pangyayari

mong dumating ang mga _____________________________
kamg-anak ng buwaya.” _____________________________
_____________________________
___

2. Ang tumulong daw sa mga Pangyayari

kaaway ng mga prayle ay _____________________________
parang naghihintay sa _____________________________
paghihiganti ng mga ito. _____________________________
___

3. Ang pagpayag ni Huli na Pangyayari

manilbihan kay Hermana _____________________________
Penchang kapalit ang _____________________________
salaping ipahihiram sa _____________________________
kanya. ___

6
Isagawa

Gawain 5
Ilarawan ang bawat tauhan sa kabanata IV. Sundin ang talahanayan.

Paano ipinakita ang

Tauhan Paraan ng pagkilos
pagmamahal sa pamilya

Kabesang Tales

Tandang Selo

Huli

Tayahin

Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat sa sagutang papel ang
letra ng tamang sagot.
1. Ano ang ikinabubuhay ni Tandang Selo maliban sa pangangaso?
A. paggawa ng basket C. paggawa ng banig
B. paggawa ng walis D. paggawa ng walis tingting
2. Alin sa mga sumusunod ang layunin ni Tales kaya pinagyaman ang lupaing
sinasaka?
A. Guminhawa ang sarili.
B. Guminhawa ang buhay nilang mag-ama.
C. Guminhawa ang buhay ng mga anak.
D. Guminhawa ang buhay ng kanyang buong pamilya.
3. Sino ang apo ni Tandang Selo na pumanaw dahil sa hirap na dinanas sa
pagsasaka?
A. Basilio B. Lucia C. Tano D. Huliana
4. Ano ang suliraning naranasan ng mga magsasaka sa nasabing nobela?
A. suliranin sa lupa C. suliranin sa pera
B. suliranin sa edukasyon D. suliranin sa negosyo
5. Palibhasa ay mabait, tahimik, at masunurin sa mga prayle, pumayag si Kabesang
Tales. Ano ang mahihinuhang katangian ni Kabesang Tales?
A. matiyaga B. maalalahanin C. masunurin D. matulungin

7
6. Sino ang hermanang pagsisilbihan ni Huli?
A. Hermana Bali C. Hermana Penchang
B. Hermana Pule D. Hermana Sinang
7. Magkano ang pinakamahal na singil sa buwis sa lupain ni Tales?
A. dalawang daan C. dalawang libo
B. tatlong daan D. tatlong libo
8. Sino ang naghandog ng relikaryo kay Huli?
A. Ang kanyang kuya Tano C. Tandang Selo
B. Kabesang Tales D. Basilio
9. Sino ang batang sakristan na naging mag-aaral ng medisina at kaibigan ng
pamilya ni Tales?
A. Isagani B. Makaraig C. Placido D. Basilio
10. Siya ang kumakatawan sa mga kababaihan na labis ang pagmamahal sa
kanilang pamilya.
A. Huli B. Maria Clara C. Victorina D. Penchang

11. Ang nais ipahiwatig ni Tandang Selo kay Kabesang Tales sa kanyang pahayag na
“Isipin mo na lang na lumaki ang buwaya.”
A. dumami ang buwaya C. dumami ang sakim
B. dumami ang mga prayle D. dumami ang mga mangangalakal
12. Ano ang alahas na hindi ibinenta ni Huli?
A. pulseras B. relikaryo C. hikaw D. singsing
13. Sino ang anak ni Tales na naipatapon sa Carolinas?
A. Tano B. Lucia C. Basilio D. Huli
14. Sa pahayag ni Hermana Bali kay Huli na “Alam mo ba kung ano ang dapat mong
gawin Huli? Humiram ka ng dalawang daan at isanla mo ang iyong bahay.”Ano
ang nais ipahiwatig ng hermana?
A. magbenta si Huli C. magmalasakit si Huli
B. magpatulong si Huli D. magsakripisyo si Huli
15. Ang isyung panlipunan na nangibabaw sa kabanatang Kabesang Tales ay ______.
A. katarungan B. kasakiman C. diskriminasyon D. marsismo

Binabati kita kaibigan at nasagot mo ang lahat ng gawain. Sa pagtatapos ng araling

ito, ipagpatuloy mong sagutin ang karagdagang gawain.

8
Karagdagang Gawain

Ipakita sa dayagram kung paano binago ng mga pangyayari si Kabesang Tales.

Kabesang Tales…

Nang wala pa siyang

lupain na pinagyaman

Nang nagkaroon ng
malaking ani

Nang tumangging
magbayad ng buwis
sa mga prayle

9
Aralin

2 Pang-uri

Sa paglalarawan natin sa mga tauhan sa anumang akdang pampanitikan

inilalarawan natin ang mga tauhan at pangyayari sa tulong ng mga pang-uring
umaakit sa imahinasyon at pandama. Ang mga pang-uri bilang bahagi ng pananalita
ay nagbibigay kulay bawat tauhan at sa mga pangyayari sa anumang akdang
pampanitikan.

Alamin

Kompitensing lilinangin
 Nagagamit ang angkop at masining na paglalarawan ng tao, pangyayari at
damdamin(F10WG-IVg-h-82)

Subukin

Gawain 1

Isulat ang P kung ang kaanyuan ng pang-uri ay payak, M kung may lapi, I kung
inuulit, at T kung tambalan.
_____1.magandang-maganda _____6. puting-puti _____11.anak-pawis

_____2.taos-puso _____7.abot-kamay _____12.malungkot

_____3.matulungin _____8.bughaw _____13.sawimpalad

_____4.suklam na suklam _____9.mahimbing _____14.masunurin

_____5.uliran _____10.magaslaw _____15.mabait

10
Balikan

Sa nakaraang aralin ay napag-aralan mo ang tungkol sa nobela. Matatanto

na bilang isang akda binubuo ito ng mga magkakaugnay na kabanata.Sa
paglalarawan ng mga tauhan at pangyayari nakakatulong nang malaki ang mga
pang-uri.Nagpapalalim ito ng mga imahinasyon at pandama ng mga mambabasa.

Tuklasin

Gawain 2
Tukuyin ang kailanan ng pang-uri sa mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang
I para sa isahan, D sa dalawahan, at M sa maramihan.
_____1. Ayon sa kanilang lolo, kapwa mahusay ang magkapatid.

_____2. Malungkot akong nagmasid ng mga magsasakang nagpapakahirap.

_____3. Uliran si Tandang Selo.

_____4. Kakulay ng bestida mo ang aking sapatos.

_____5. Matatalino ang magpipinsan.

_____6. Si Gng. Reyes ang ating butihing pinuno.

_____7. Malilinis at magaganda ang mga silid-pasyalan.

_____8. Si Mico ay talagang palaaral na bata kahit na may pandemya.

_____9. Sampuan kung tawagin ang mga papasok sa klinika.

_____10. Magkamukha kayong magkaibigan.

_____11. Masayahing bata si Zofia.

_____12. Dikit-dikit ang mga tao sa evacuation center.

_____13. Magsing-tiyaga ang mga doctor at sundalo sa pagresponde sa COVID 19.

_____14. Magkasingdami ang biktima ng bagyong Yolanda at Ulyses.

_____15. Parehong matulungin sina Angel at Bea

Sa paglalarawan natin sa mga tauhan sa anumang akdang pampanitikan

inilalarawan natin ang mga tauhan at pangyayari sa tulong ng mga pang-uring
umaakit sa imahinasyon at pandama. Ang mga pang-uri bilang bahagi ng pananalita
ay nagbibigay kulay bawat tauhan at sa mga pangyayari sa anumang akdang
pampanitikan.
11
Suriin

Ang pang-uri ay bahagi ng pananalitang ginagamit sa paglalarawan,

pagbibigay-kulay at pagbibigay-ganda sa tao, bagay o pangyayari. Ito’y nagbibigay –
turing sa pangngalan o panghalip.
Ang pang-uri ay maaaring naglalarawan, pamilang at pantangi.

Uri ng Pang-uri
1. Panlarawan- nagpapakilala ng katangiang tinataglay ng pangngalang
binibigyang-turing.
2. Pamilang- nagpapakilala ng tiyak o di-tiyak na dami, bilang o halaga ng
pangngalan o panghalip na binibigyang-turing.

Kaanyuan ng Pang-uri
1. Payak- Ito ay binubuo ng salitang –ugat lamang.
Halimbawa: makulay, dalisay, uliran
2. Maylapi- Ito ay binubuo ng salitang-ugat at ng panlapi(unlapi, gitlapi, hulapi,
kabilaan, laguhan).
Halimbawa: mayaman, matulungin, mahusay
3. Inuulit- Ito ay binubuo ng pang-uri o bahagi nito na inuulit.
Halimbawa: liku-liko, maputing-maputi, magandang-maganda
4. Tambalan- Ito ay binubuo ng dalawang salitang pinag-uugnay.
Halimbawa: anak-pawis, taos-puso

Kailanan ng Pang-uri
1. Isahan- Ang anyong isahan ay ginagamit kung iisa lamang ang inilalarawan. Ito
ay naipapakita sa paggamit ng panlaping pang-isa, tulad ng: ma, ka, at pang
nang walang pag-uulit ng unang pantig.
Halimbawa: matalino, maingay, malusog
2. Dalawahan- Ang anyong dalawahan ay ginagamit kung dalawa ang inilalarawan.
Naipapakita ang anyong dalawahan sa paggamit ng panlaping magka, magsing
at magkasing sa paggamit ng pamilang na dalawa.
Halimbawa: kakulay, magkamukha, magkasinggaling
3. Maramihan- Ang anyong maramihan ay ginagamit kung higit sa dalawa ang
inilalarawan. Naipapakita ang anyong maramihan sa pamamagitan ng pantukoy
na mga, sapag-uulit ng pantig na ka sa mga panlaping magka at magkasing o sa
paggamit ng salitang nagsasaad ng bilang na higit sa dalawa.
Halimbawa: matatalino, magkakamukha, magkakakulay

12
Kaantasan ng Pang-uri
1. Lantay- Ito ay nagsasabi lamang ng katangiang taglay ng pangngalan o
panghalip na tinuturingan.
Halimbawa: Malawak ang kanilang lupain.
Maganda ang kabuuan ng plaza.
2. Pahambing- Dalawang bagay na magkauri ang pinaghahambing. Ang antas ng
paghahambing ay ipinapahayag sa pamamagitan ng paggamit ng mga katagang
mas, lalong.higit na, kasing, magkasing, at magsing.
Halimbawa: Higit na masipag si Nayumi kaysa kay Ningning.
Magsimbait sina Selina at Angelica.
3. Pasukdol- Kung itinutulad ang isang pangngalan o panghalip sa maraming kauri
at tinutukoy ang namumukod na katangian nito. Ito’y maaaring ipahayag sa
pamamagitan ng paggamit ng mga katagang pinaka, di-hamak na, sukdulan ng,
ubod ng, napaka, reyna ng at hari ng.
Halimbawa: Napakasaya ng mga batang nagsidalo sa kanyang kaarawan.
Ubod ng sipag ang anak ni Aling Maria.

Pagyamanin

Gawain 3
Bilugan ang mga pang-uri sa mga sumusunod na pangungusap. Isulat sa patlang
ang L kung lantay, PH kung pahambing at PS kung pasukdol.

_____1.Ang grupo nila ang pinakamahusay na nagtanghal.

_____2.Ang bagong grocery sa kanto ay malapalasyo sa laki.

_____3.Magkasing ganda ang mga halaman nina Gng. Pablo at Gng. Felipe.

_____4.Malaki ang ambag nila.

_____5.Malawak ang kanilang bukirin.

_____6.Si Sabel ay di-gasinong mataba na gaya ni Liza.

_____7.Reyna siya ng kaartehan sa kanilang magkakaibigan.

_____8.Napakabait ng ate ni Tanya.

_____9.Marami ang ani ni Kabesang Tales.

_____10.Magsing-galing sina Rafael at Mateo.

13
Isaisip

Gawain 4
Bumuo ng mahalagang konsepto na natutuhan mula sa aralin sa pamamagitan ng
pagsagot sa tanong.

Paano nakakatulong ang mga pang-uri sa mabisang paglalarawan ng mga tauhan at

pangyayari sa isang akda?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Isagawa

Sumulat ng isang lathalain na naglalarawan sa kasalukuyang kinakaharap ng

mundo na pandemya sa COVID 19. Gamitin ang mga kailanan at kaantasan ng
pang-uri sa pagbuo ng paglalarawan. (15 puntos)

Rubrik sa Pagsulat ng Lathalain

Pamantayan Puntos
1. Nilalaman 5 puntos
2. Kaugnayan sa paksa 5 puntos
3. Gamit ng mga salita(pang-uri) 5 puntos
Kabuuan 15 puntos

14
Salungguhitan ang bawat pang-uri at bilugan ang salitang tinuturingan.
1. Malakas ang sigaw ni Aling Aida kaya nagulat ang kanyang anak.
2. Kami ay tumuloy sa maliit na dampa ng aming lolo.
3. Magaganda ang mga bulaklak sa hardin.
4. Pinakamasarap ang luto ni nanay sa kanilang magkakapatid.
5. Maliksing maglaro ang aking idolo.
6. Ipinaaabot namin ang aming taos-pusong pagpapasalamat.
7. Ang pinakamahusay gumuhit ang magiging kinatawan sa paligsahan.
8. Ang damit ng sanggol ay malinis.
9. Pare-parehong nasiyahan ang mag-anak.
10. Magagandang dilag ang sumali sa Bb. Pilipinas.
11. Matayog ang pangarap ni Marie.
12. Di-mabilang na magazine ang kanyang binabasa.
13. Buong klase ang tumulong sa paglilinis ng paaralan.
14. Siyam na libong pamilya ang nasira ang bahay dahil sa bagyong Undoy.
15. Ubod ng yaman si G. Ayala.

Binabati kita kaibigan at nasagot mo ang lahat ng gawain. Sa pagtatapos ng araling

ito, ipagpatuloy mong sagutin ang karagdagang gawain.

Karagdagang Gawain

Magsaliksik sa mga batas o panukala ng pamahalaan tungkol sa Reporna sa

Lupa.Ilahad ang mga kabutihang dulot nito sa mga magsasaka.

15
Alamin

Kompitensing lilinangin
 Naisusulat ang paglalarawan ng mahahalagang pangyayari sa nobela na
isinaalang-alang ang artistikong gamit ng may akda sa mga salitang
panlarawan(F10PU-IVi-j-89)

Balikan

Ikaw ay binabati ko sa kadahilanang natapos mo at nasagutan ang mga

gawain.Sa pangwakas na gawain malalaman natin kung may natutuhan ka sa
lingguhang modyul.
Una nating tinalakay ang isang kabanata na naglarawan sa isang tauhan na
naging simbolo ng palabang Pilipino, Kabanata IV-Kabesang Tales. Isang kabanata
ng El Filibusterismo na sumalamin sa maraming pangyayari sa ating bansa na
gumising sa ating pagka-Pilipino.
Mahusay na nailarawan ang mga tauhan at pangyayari sa tulong ng mga
pang-uring umaakit sa imahinasyon at pandama.
Sumunod nating tinalakay ang pang-uri bilang bahagi ng pananalita. Ang
mga uri nito, panlarawan at pamilang. Gayundin ang kaanyuan ng pang-uri, payak,
maylapi, inuulit at tambalan. Ang kailanan ng pang-uri, isahan, dalawahan at
maramihan. Ang kaantasan ng pang-uri, lantay, pahambing at pasukdol.
Sa kabanatang ating tinalakay natuto tayo sa pagmamahal ng isang ama sa
kanyang mga anak at sa kanyang magulang. Kapupulutan ng aral ang sitwasyong
kinasuungan ng ating pangunahing tauhan at kung paano pinagyaman ni Kabesang
Tales ang kanilang buhay.

16
Tayahin

Gawain 1
Piliin ang mga pang-uring nakapaloob sa talata.

Noong unang panahon ay mababang-mababa ang langit at walang buwan ni

bituin. Bakit kaya mataas ang langit? Narito sa alamat na ito ang mga sagot.
Si Maria at ang kanyang nanay ay nakatira sa isang bahay-kubo. Si Maria ay
may suklay na ginto at kuwintas na may butil-butil na ginto. Halos araw-araw ay
isinusukat niya ang suklay at kuwintas at tinitignan niya sa kanyang anino sa tubig
kung siya ay maganda.
Isang araw nang isinusukat ni Maria ang suklay at ang kuwintas ay tinawag
siya ng kanyang nanay.
“Maria,magbayo ka ng palay,” ang wika ng ina.
“Opo,” sagot ni Maria, nguni’t hindi siya kumilos.
“Maria, magmadali ka,” ang tawag muli ng matanda. “Wala tayong bigas na
isasaing.”
“Opo sandali po lamang,” ang tugon ni Maria, nguni’t hindi niya inaalis ang
kanyang tingin sa kanyang anino sa tubig.
“Maria, sinasabi ko na sa iyong magbayo ka ng palay. Madali ka,” ang galit na
galit na utos ng matanda.
Tumindig si Maria at tuloy-tuloy siya sa lusong ng palay. Hindi na niya naalis
ang suklay at kuwintas. Nalalaman niyang kapag galit na galit na ang kanyang
nanay ay dapat siyang sumunod nang madali.

Gawain 2
Gumawa ng isang salaysay batay sa larawan sa ibaba. Salungguhitan ang mga pang-
uring ginamit. (20 puntos)

Ang larawang ito ay kuha mula sa Google Images

17

Rubrik sa Pagsulat ng Salaysay
Pamantayan Puntos
1. Nilalaman 5 puntos
2.Kaisahan 5 puntos
3. Organisasyon 5 puntos
3. Mekaniks 5 puntos
Kabuuan 20 puntos

18
Susi sa Pagwawasto

19
TAYAHIN

1.MALAKAS SIGAW

2.MALIIT DAMPA

3.MAGAGANDA BULAKLAK

4.PINAKAMASARAP LUTO

5.MALIKSING MAGLARO

6.TAOS-PUSONG PASASALAMAT

7.PINAKAMAHUSAY GUMUHIT

8.MALINIS DAMIT

9.NASIYAHAN MAG-ANAK

10.MAGANDANG DILAG

11.MATAYOG
PANGARAP

12.DI-MABILANG MAGAZINE

13.BUONG-KLASE TUMULONG

14.SIYAM NA LIBONG
PAMILYA

15.UBOD YAMAN

20
Sanggunian
Salum, Roselyn et al."Darayo Batayang Aklat sa Wika at Panitikan 10” St. Agustines
Publishing Inc.

Marquez, Servillano “Pintig ng Lahing Pilipino 10” Aklat 2, Sibs Publishing House,
Inc.

Banril, Lolita et al. “El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal”

21
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division of Ilocos Norte – Curriculum Implementation Division

Learning Resource Management Section (SDOIN-CID LRMS)

Office Address : Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax : (077) 771-0960
Telephone No. : (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address : sdoin.lrmds@deped.gov.ph
Feedback link : https://bit.ly/sdoin-clm-feedbacksystem

You might also like