Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE

Filipino 10
Ikaapat na Markahan – Modyul 4:
Mga Akdang Pampanitikan ng
Mediterranean
(El Filibusterismo)

MELC: Naisasaad ang pagkamakatotohanan ng akda sa pamamagitan ng


pag -uugnay ng ilang pangyayari sa kasalukuyan (F10PB-IVh-i-92)
 Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga salitang hiram sa wikang
Espanyol (F10PT-IVg-h-85)
 Naisusulat ang maayos na paghahambing ng binuong akda sa iba
pang katulad na akdang binasa (F10PU-IVg-h-88)
 Nagagamit ang angkop na mga salitang naghahambing (F10WG-
IVg-h-81)

Inihanda ni:

LORIE JANE GAOIRAN INTON


Guro I
Lanao National High School
Filipino – Ikasampung Baitang
Share-A-Resource-Program
Ikaapat na Markahan – Modyul 4: Mga Akdang Pampanitikan ng Mediterranean
(El Filibusterismo)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Lorie Jane Gaoiran Inton
Editor: Jon Jon D. Garcia
Florante H. Agoo, Jr.
Tagasuri: Jon Jon D. Garcia
Editha R. Mabanag
Tagalapat: Marvin M. Marugay
Tagapamahala: Joann A. Corpuz
Joye D. Madalipay
Santiago L. Baoec
Jenetrix T. Tumaneng
Editha R. Mabanag
Division Design & Layout Artist: Jannibal A. Lojero

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Schools Division of Ilocos Norte


Office Address: Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax: (077) 771-0960
Telephone No.: (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address: ilocos.norte@deped.gov.ph
10

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 4:
Mga Akdang Pampanitikan
ng Mediterranean
(El Filibusterismo)
Paunang Salita
Ang Contextualized Learning Module o CLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo
ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat
aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa
guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang CLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang


guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng CLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila
sa paaralan.
Alamin

Mapagpalang araw mahal kong mag-aaral! Ipagpapatuloy muli natin ang ating
pag-aaral. Nawa’y maging matiyaga ka sa mga kasunod na aralin dahil ito ay tiyak
na kasiya-siya para sa iyo.
Ang kabuoan ng modyul na pag-aaralan mo ay tungkol sa wastong paggamit
ng suprasegmental na antala/hinto, diin at tono sa pagbigkas ng tanka at haiku.

Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang mga


sumusunod:

Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)


1. Naisasaad ang pagkamakatotohanan ng akda sa pamamagitan ng pag -uugnay
ng ilang pangyayari sa kasalukuyan (F10PB-IVh-i-92)
2. Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga salitang hiram sa wikang Espanyol
(F10PT-IVg-h-85)
3. Naisusulat ang maayos na paghahambing ng binuong akda sa iba pang katulad
na akdang binasa (F10PU-IVg-h-88)
4. Nagagamit ang angkop na mga salitang naghahambing (F10WG-IVg-h-81)

Nasasabik ka na ba? Tara na’t ating alamin ang tungkol sa mahahalagang


araling ito.

1
Subukin

Sa ngayon, subukin muna natin ang iyong kakayahan sa pamamagitan ng


pagsagot sa sumusunod na mga katanungan.

Gawain 1
PANUTO: Basahing mabuti ang pahayag o tanong. Pagkatapos ay isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Bakit lipos ang kasiyahan ni Isagani nang dumating sa Pansiterya?


A. Nakasakay siya sa marangyang karwahe ni Paulita.
B. Nakalusot siya sa pagtatanong ng Tiya Torina ni Paulita tungkol sa
itinatago ng kanyang Tiyo.
C. Nagkausap at nagkaunawaan na sila ng kanyang katipang si Paulita.
D. Nakabili siya ng mamahaling pagkain.
2. Ano ang lutang na lutang na damdamin sa mga mag-aaral kahit sila ay
nagbibiruan at nagtatawanan?
A. Matinding takot C. Sobrang kahihiyan
B. Pilit na kasiyahan D. Pilit na gilit
3. “Tingnan niyo ang kasalukuyan at aninagin ang hinaharap. Ano ang nakikita
ninyo? Prayle, prayle at marami pang mga prayle!” Ano ang ibig sabihin nito?
A. Puro prayle na lamang ang magiging tao sa bansa.
B. Puro prayle ang may control sa buhay ng mga tao hanggang sa darating
na panahon.
C. Puro prayle ang nakakikita ng mga bagay sa kasalukuyan hanggang sa
hinaharap.
D. Puro pryale ang magiging lider sa buong bansa.
4. Bagaman nahahati tayo dahil sa mga inggitan at samaan ng loob, tayo ay
pinagbubuklod ng mga prayle, ng matibay na bigkis, napakatibay na hindi na
tuloy maigalaw ng marami ang kanilang siko.
A. Naging bilanggo na ang mga tao sa mahigpit at masakit na pamamahala
ng mga prayle.
B. Ang mga prayle ang nagbubuklod sa mga tao kahit may alitan.
C. Napakatibay ng pambigkis ng mga Prayle sa mga Pilipino kaya di maigalaw
ang kamay ng lahat.
D. Sinasakal ng mga prayle ang mga Pilipino sa lahat ng kanilang ginagawa.
5. Mga prayle ang una at huli ninyong mga guro. Isang prayle ang magbubukas ng
mga puso ng inyong katipan para sa inyong pagsuyo; isang prayle ang
magkakasal sa inyo, kasama sa inyong paghihingalo; hindi iiwan hanggang hindi
makitang kayo’y nabitay at patay na.
A. Karamay sa buhay ng mga Pilipino ang mga Prayle.
B. Ang buhay ng mga Pilipino ay umiikot sa kamay ng mga Prayle.

2
C. Ang mga prayle ay mahuhusay na guro at tagapagturo hanggang sa huling
buhay ng mga Pilipino.
D. Kasama ng mga Pilipino sa lahat ng bagay ang mga prayle.

Mahusay! Naisakatuparan mo ang paunang pagtataya. Kung mababa man


ang iyong iskor, huwag mabahala sapagkat paunang pagtataya lamang.

Aralin Mga Akdang Pampanitikan


4 ng Mediterranean (El
Filibusterismo)

Balikan

Handa ka na ba sa ating bagong aralin? Ngunit bago iyan, atin munang bigyang
halaga ang isa sa mga pinakamahalagang tauhan ng nobelang El Filibusterismo.

1. Masasalamin ba ang pagpapahalaga ni Kabesang Tales sa Diyos, bayan kapwa-


tao at pamilya? Patunayan.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
2. Paano ito ipinakita ng nasabing tauhan?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

3. Iyugnay si Kabesang Tales sa mga taong kilala mo. Ipaliwanag


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

3
Tuklasin

Gamit ang Venn Diagram, paghambingin ang katangian ng iyong ina at sa


isang bayani.

INA BAYANI

Suriin

Mahusay! Nalagpasan mo na ang unang pagsubok sa ating bagong aralin. Ito ay


mayroong kaugnayan sa ating susuriing mga piling kabanata ni Huli, Bilang
Simbolo ng Kababaihang Pilipino Noon at Ngayon mula sa nobelang El
Filibusterismo.

Kabanata 4 - Kabesang Tales

Si Tandang Selong umampon kay Basilio sa gubat ay matanda na. Ang ama
ng dalagang si Lucia, si Kabesang Tales, na anak ni Tandang Selo, ay isa nang
kabesa de baranggay. Yumaman ito dahil sa tiyaga. Nakisama muna sa isang
namumuhunan sa bukid. Nang makaipon ng kaunti ay naghawaan ng gubat na
nang ipagtanong niya ay walang may-ari, ar ginawa niyang tubuhan. Inisip niyang
pag-aralin na sa kolehiyo si Huli upang mapantay kay Basilio na kasintahn nito.
Nang ang bukid ay umunlad ito ay inangkin ng mga prayle. Pinabuwis si Kabesang
Tales. Tinaasan nang tinaasan ang pabuwis. Di na nakaya ni Kabesang Tales.
Nakipag-asunto sa mga prayle.
Matigas ang sabi ni Kabesang Tales. Ipinakita ng mga prayle ang kanilang titulo sa
lupa. Wala. Naging kawali si Tano. Di ibinayad ng kapalit ang anak. Anya: Binungkal

4
ko't tinamnan ang lupang ito, namatay at nalibing dito ang aking asawa't anak na
dalaga {si Lucia} sa pagtulong sa akin kaya't di ko maibibigay ang lupang ito kundi
sa sino mang didilig muna rito ng kanyang dugo at maglilibing muna ng kanyang
asawa't mga anak. At anya pa rin ukol sa pagiging kawal ni Tano, ako'y bumabayad
sa abogado. Kung mananalo ako sa asunto ay alam ko na ang aking gagawin upang
siya'y mapabalik; nguni't kung ako'y matalo, di ko na kailangan ang anak.
Tinanuran ni Kabesang Tales ang kanyang bukid. Lagi siyang may pasang baril. Di
makapasok doon ang sino man dahil balita si Kabesang Tales sa pagbaril. Nagdala
siya ng gulok. Balita sa arnis ang kabesa. Ipinagbawal ang gulok. Nagdala siya ng
palakol. Si Kabesang Tales ay nahulog sa kamay ng mga tulisan at ipinatubos.
Isinanla ni Huli ang kanyang mga hiyas liban sa isang locket o agnos na bigay sa
kanya ni Basilio. Hindi rin nakasapat ang panubos. Ipinasyang mangutang kay
Hermana Penchang at maglingkod dito bilang utusan. Noon ay bisperas ng Pasko.
Kinabukasan. Araw ng Pasko ay maglilingkod na siyang alila. Masalimuot ang naging
panaginip ni Huli nang gabing iyon.

Kabanata 6 - Si Basilio
Nang tumutunog ang mga batingaw ng noche buena si Basilio ay palihim na
nagtungo sa gubat. Paliit ang buwan. Kaya't paaninaw na tinungo ni Basilio ang
libing ng kanyang ina. Ipinagdasal ang kaluluwa ng ina at gunita ng nakaraang may
13 taon.
Namatayan ang kanyang ina. May dumating na lalaking sugatan. Pinahakot siya ng
kahoy na ipansusunog sa bangkay ng ina at ng sugatang lalaki. May dumating pang
isang lalaki. Tumulong ito sa pagtatalsakan ng kahoy at paglilibing sa kanyang ina.
Umalis siya sa gubat. Lummuwas ng Maynila. Maysakit at gulanit ang damit. Ninais
nang pasagasa sa mga karuwahe dahil sa hirap at gutom. Natagpuan niya sina Kap.
Tiyago na katatpos dalhin sa beateryo si Maria Clara. Kinuha siyang katulong o
utusan. Ping-aral sa Letran. Unang taon: wala siyang nabibigkas kundi ang
pangalan niya at ang salitang adsum o narito po. Minaliit siya dahil sa luma at
gulanit na suot. Gayunman ay lagi siyang nagsasaulo ng leksiyon. At nang matuos
niyang sa tatlo o apat na paraan sa kanyang klase ay may 40 lamang ang
nagtatanong di na sumama ang loob niya. Nang magsulit, natugon niya ang tanong
sa kanya at ang marka niya para sa unang taon ay aprovado. Ang siyam niyang
kasamahan sa pagsusulit ay nangag-ulit na lahat.
Ikatlong taon. Naisipan ng professor na Dominiko ang pagtanong kay Basilio na
akala niya'y tanga upang magpatawa sa klase. Natugon ni Basilio ang tanong.
Parang loro siya sa pagsagot. Noo'y di na tinanong si Basilio. Bakit pa tatanugin ito'y
di naman nakapag-papatawa sa klase? Nawalan ng sigla sa pag-aaral si Basilio.
Nguni't isang professor niya ang nasiyahang tumanggap ng hamon ng mga kadete
sa isang pasyalan at nagyakag ng mga estudyante niya na inilaban niya sa mga
kadete sable laban sa baston. Namayani si Basilio sa labanan. Nakilala ng professor.
Nang magtapos: sobresaliente at may mga medalya pa.
Muhi si Kap. Tiyago sa mga prayle mula nang magmongha si Maria Clara. Pinalipat
si Basilio sa Ateneo Municipal. Malaki ang natutuhan ni Basilio. Nagsulit siya sa
pagkabatsilyer. Ipinagmalaki siya ng kanyang mga profesor. Nakasulit siya at
kumuha ng medisina. Pagkatapos, naging matiyaga at masigasig sa pag-aaral si

5
Basilio. Kaya di pa man nakakatapos ay nakapanggamot na siya. At huling taon na
ng pag-aaral ni Basilio. Pagkatapos niya'y pakaksal na sila ni Huli.

Kabanata 8 - Maligayang Pasko

Hindi naghimala ang birhen. Di nagbigay ng karagdagang salaping kailangan


ni Huli. Natuloy si Huli sa pagpapaupa kay Hermana Penchang. (Iyon ay araw ng
Pasko). Sa sama ng loob ay napipi si Tandang Selo.

Kabanata 24 - Mga Pangarap


Mag-uusap sina Isagani at Paulita sa Luneta. Handang-handa si Isagani sa
pagbabagsak ng kanyang galit sa gabi. Panay raw ang tingin ni Isagani sa mga
Pransesa. Kaya raw siya sumama kay Juanito ay para nga magkita sila ni Isagani.
Si Donya Victorina raw ang may ibig kay Pelaez. Nagkatawanan ang dalawa.
Nagkapalitan sila ng mga pagtanaw sa kinabukasan. Nais ni Isagani na sa nayon
manirahan. Pinakaiibig raw niya ang kanyang bayang iyon. Bago raw niya nakita
siPaulita, ang bayang iyon ang tangi niyang kaligayahan at magandang-maganda
para sa kanya. Nguni't nang makilala niya si Paulita ay naging parang may kulang
sa kanya ang bayang iyon at Natiyak niyang ang kulang ay si Paulita

Kabanata 30 - Si Huli
Nabalita sa San Diego ang pagkamatay ni Kapitan Tiyago at ang pagkadakip
kay Basilio. Dinamdam ng bayan nang higit ang huli. Maari raw ipatapon o patayin
ang binata. Enero rin daw nang bitayin ang tatlong martir sa Kabite. Mga pari na
iyon, nabitay pa. Tiyak daw na bibitayin din si Basilio.
Nagkagayon daw si Basilio, ayon kay Hermana Penchang, dahil di nag-aagwa bendita
sa Simbahan dahil narurumihan sa tubig. Hindi raw nakasasakit ang agwa bendita.
Nakagagaling pa nga raw ito. May ilan pa ang nanisi rin sa binata.
Ngunit marami ang nagsasabing di dapat mangyari iyon kay Basilio.Tahimik ito.
Naghihiganti raw lamang ang mga prayle dahil sa pagkakatubos ni Basilio kay Huli
na anak ng tulisang si Tales.
Mabuti raw at pinaalis na niya si Huli, ani Hermana Penchang. Ayaw daw niyang
magalit ang mga prayle sa kanya. Ang totoo'y di niya ibig ipatubos si Huli.
Si Hermana Bali ang nagbalita kay Huli ng tungkol kay Basilio. Hinimatay pa si Huli
dala ng balita. Sa Pilipinas ay kailangan ang ninong sa ano mang pagkilos. Wala
nang tagatangkilik si Basilio sa pagkamatay ni Kapitan Tiyago kaya't tiyak na
mabubulok sa bilangguan si Basilio o mabibitay wala mang kasalanan.
Naisip niyang tulungan si Basilio. At may kung anong nagbulong sa kanya na
patulong kay Padre Camorra, ang nakapagpalaya kay Tandang Selo. Kung sabagay,
nang pasalamatan niya ang kura ay di ito nasiyahan. Humingi ito ng " pagpapasakit"
pa. Mula noo'y iniwasan na ito ni Huli. Gayunman, may mga binatang binambo ni
Padre Camorra nang mangharana ang mga iyon sa dalaga. May nangagsapantaha
na ng di mabuti kay Huli ukol kay Padre Camorra.Pinarunggitan siya sa paglalakad
niya.

6
Mula noo'y naging malungkutin si Huli. Minsa'y naitanong kay Hermana Bali kung
nahuhulog sa impiyerno ang nagpapakamatay. Di natuloy ang balak niya. Natakot
siya sa impiyerno.
Ipinayo ni Hermana Bali na magtanong sila sa tribunal. Kaunting pabagsak lang daw
at papayuhan na sila nito. Ngunit ang tagasulat ay walang nagawa o naipayo kundi
patunguhin ang dalawang babae sa hukom pamayapa. Sa wakas ay nagpayo ang
hukom: " Ang tanging makapagliligtas kay Basilio ay si Padre Camorra – kung iibigin
niya", sabay turo kay Huli.
Hindi kumibo si Huli. Inaakala ni Hermana Bali na tumpak ang payo. Ayaw ni Huli
na magtuloy sila sa kumbento. Batid ni Hermana Bali ang dahilan. Si Padre
Camorraay tinaguriang Si Kabayo – sadyang malikot sa babae.
Nakiusap si Huli na ang manang na lamang sana pumasa kumbento. Wika ng
hukom ay higit na mabisa ang pamanhik ng isang dalagang may mukhang sariwa
kaysa mukha ng isang matanda. Nanaog ang dalawa. Nang nasa daan na'y ayaw na
naman ni Huli. Ang pagpapakasakit na hinihingi ni Padre Camorra ay pinagbingihan
ni Huli mangahulugan ng di kapatawaran ng sariling ama. Ngayon ba'y gagawin niya
iyon dahil kay Basilio? Magiging isa siyang lusak. Maging si Basilio'y mandidiri sa
kanya.
May ilang nagparunggit na di siya papatulan ng kura. Maraming dalaga sa bayan.
Aanhin nito ang isang taganayon lamang. At babarilin si Basilio!
Binangungot si Huli nang gabing iyon. Dugo! Sindak! Mga putok. Nakita ang ama.
Si Basilio'y naghihingalo.
Kinahapunan ng sumunod ng araw ay kumalat ang balitang may mga binaril na sa
mga estudyante. Ipinasiya ni Huli na kinabukasan uli ay magsasadya na siya sa
kumbento, mangyari na ang mangyari. Ngunit nang mag-uumaga na'y di rin siya
nagtungo sa kumbento. Dumaan ang mga araw. Umasa si Huli sa isang himala.
Gabi-gabi'y di siya pinatulog ng mga pangamba.
Sa wakas ay dumating ang balita mula sa Maynila na si Basilio na lamang ang
nabibilanggo. Nakalaya ng lahat ang kasamahan. Ipatatapon na raw sa Carolinas si
Basilio. Ito ang nag-udyok kay Huli na hanapin si Hermana Bali. Nagbihis ng
pinakamahusay na damit.
Kinagabihan ay naging usap-usapan ang nangyari kay Huli nang hapong iyon.
Tumalon sa bintana ng kumbento at patay na dinampot sa batong nakabunton sa
ibaba. Si Hermana Bali ay patakbong bumaba sa pinto ng kumbento at nilibot ang
daan at nagsisigaw at nagpupukpok sa pinto ng kumbento si Tandang Selo. Itinaboy
ito ng palo at tulak.

Ngayon nabasa mo na ang kuwento ng kabanatang ito ng El Filibusterismo. Simulan


niyo ng gawin ang ilan sa mga gawaing nakaatas.

7
Pagyamanin

GAWAIN 1: Paghambingin Mo

A. PANUTO: Tukuyin ang mga tauhan mula sa mga kabanatang binasa na angkop
sa mga ulam na binanggit. Pagkatapos, gamit ang angkop na salitang
naghahambing ay ikompara ang mga tauhan sa ulam na nabanggit sa
pamamagitan ng pagpapaliwanag dito. (Ang mga larawan sa ibaba ay kuha mula sa
Google Images)

TAUHAN PALIWANAG

8
GAWAIN 2: Ipaliwanag Mo!
A. PANUTO: Ibigay ang kahulugan ng mga nasalungguhitang salitang-hiram sa loob
ng pangungusap pagkatapos ay ipaliwanag ang iba pang kahulugan nito.

1. Ang mga reverendos sa simbahan ay patuloy na naniningil ng buwis sa


mamamayan.

Kahulugan: _________________________________
Paliwanag: ________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Nagtitika at nangingilin ang karamihang Katoliko tuwing cuaresma.

Kahulugan: _________________________________
Paliwanag: ________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Tuwing Mahal na araw, maraming nag-iindulgencia upang mabawasan daw ang


mga kasalanan.

Kahulugan: _________________________________
Paliwanag: ________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Magpupunta sa parroquia si Placido upang makipag-usap sa prayle.

Kahulugan: _________________________________
Paliwanag: ________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. Kailangang may bongo de copa sa ulo ang magkaibigang Tiyo Kiko at


Camaroncocido upang makaiwas sa matinding init at basa ng ulan.

Kahulugan: _________________________________
Paliwanag: ________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

9
GAWAIN 3: Iugnay Mo Ako!
A. PANUTO: Sa pamamagitan ng thinking balloon ay ipakita ang
pagkamakatotohanan ng akdang binasa. Pumili ng mga pangyayari mula sa
kabanatang natalakay at isulat ito sa loob ng unang lobo pagkatapos ay iugnay
mo sa mga pangyayari sa kasalukuyang panahon na maisusulat naman sa
ikalawang lobo.

Mahusay, binabati kita! Alam kong kayang-kaya mong sagutin ang mga sumusunod
na katanungan dahil ikaw ay may malalim nang pang-unawa sa aralin na natalakay.

10
Isaisip

Tandaan!
Pahambing o Komparatibo

a. Pahambing na magkatulad - ito ay ginagamitan ng panlaping ka, magka,


ga, sing, kasing, magsing, magkasing, tulad, gaya
b. Pahambing na di-magkatulad - ito ay ginagamitan ng mga panlaping lalo,
di-gasino, di-gaano at di-totoo, alo, higit/mas, labis at di-hamak

Isagawa

GAWAIN 5: Palawakin Pa!


Panuto: May mga pangyayari sa mga binasang kabanata na maaaring maihambing
sa mga pangyayari sa pelikulang alam mo o napanood mo na. Gumawa ng
pagpapaliwanag at paghahambing sa pagkakatulad ng mga pangyayari sa mga ito
gamit ang isang graphic organizer.

Gawing gabay sa paghahambing ang balangkas na makikita sa ibaba:


a. Paksa
b. Mga Tauhan at katangian
c. Mahalagang pahayag na maiiwan sa isipan
d. Mga ginawang paglutas ng suliranin

RUBRIK SA PAGMAMARKA

5 Puntos 4 na puntos 3 puntos 2 puntos 1 puntos


Nakabuo at Nakabuo at Nakabuo at Ang nabuong Ang nabuong
naipaliwanag naipaliwanag naipaliwanag paghahambing paghahambing
nang buong nang malinaw nang maayos ng kabanatang ng kabanatang
linaw ang ang ang binasa mula sa binasa mula sa
paghahambing paghahambing paghahambing isang isang
ng kabanatang ng kabanatang ng kabanatang pelikulang pelikulang
binasa mula sa binasa mula sa binasa mula sa napanood ay napanood ay
pelikulang pelikulang pelikulang hindi hindi umakma
napanood nang napanood gamit napanood gamit nakasunod o o nakasunod sa
higit pa sa ang balangkas ang balangkas nakakumpleto balangkas
balangkas na na ibinigay na ibinigay sa balangkas gamit ang
ibinigay gamit gamit ang gamit ang gamit ang graphic
ang napiling napiling napiling graphic organizer na
graphic graphic graphic organizer na iminungkahi ng
organizer. organizer. organizer sa iminungkahi ng guro.
tulong ng guro. guro.

11
Tayahin

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na katanungan at isulat ang titik ng tamang
sagot bago ang bilang.
1. Ito ang taguri kay kabesang Tales bilang taga-kolekta ng buwis.
A. Kabesa de Baranggay C. Mayor de Baranggay
B. Consehalla D. Presidente de Jualo
2. Ano ang bagay na hindi isinanla ni Juli?
A. Kuwentas B. Agnos C. Singsing D. Damit
3. Sino ang nagmungkahi kay Juli na mamasukan bilang katulong?
A. Hermana Bali C. Basilio
B. Hermana Penchang D. Simoun
4. Sino ang nagsabi ng pahayag na, “Ang suliranin ay hindi ang pagkakaroon ng
tulisan sa mga bundok kundi ang pagkakaroon ng mga tulisa sa mga bayan?”
A. Ben Zayb B. G. Pasta C. Isagani D. Simoun
5. "Kung nasaan ang panganib, doon tayo pumaroon. Sapagkat doon ang
karangalan”. Sino ang nagwika nito?
A. Ben Zayb B. G. Pasta C. Isagani D. Simoun
6. Ano ang salin ng El Filibusterismo sa wikang Filipino?
A. "Huwag mo akong Salingin" C. “Touch Me Not”
B. "Ang Paghahari ng Kasakiman" D. "Ang Filibustero"
7. Ano ang dahilan ng pagkapipi ni Tandang Selo?
A. Kaligayahan C. Sama ng Loob
B. Hindi napagbigyan D. Walang katuwang
8. Ilang taon bago muling nasilayan ni Basilio ang puntod ng kanyang ina?
A. 7 taon B. 9 taon C. 11 taon D. 13 taon
9. Ano ang nais ni Isagani na nagpapatunay sa pagmamahal niya sa kanyang
nayon?
A. Nais nitong sirain ang kanilang nayon
B. Nais nitong pagtamnan ng mga gulay ang mga lupain
C. Nais nitong manirahan sa nayon kasama ang kanyang iniibig
D. Wala sa mga nabanggit
10. Anong buwan ng bitayin ang tatlong martir sa Cavite?
A. Enero B. Pebrero C. Marso D. Disyembre
11. Ano ang dahilan kung bakit nahuli si Basilio ayon kay Hermana Penchang?
A. Hindi nagmamano C. Hindi nakikisimba
B. Hindi ito nag-aagwa ng bendisyon D. Wala sa mga nabanggit
12. Sinong Padre ang nanakit sa mga manliligaw ni Huli?
A. Padre Irene C. Padre Camorra
B. Padre Fernandez D. Padre Salvi

12
13. Bakit tinagurian “Si Kabayo” si Padre Camorra?
A. Mahilig itong tumadyak C. Mahilig sa babae
B. Nasobrahan ito sa tapang D. Walang kinakatakutan
14. Ano ang nagbigay ng lakas ng loob kay Huli para humingi muli ng tulong sa
Padre?
A. Dahil kay Tata Selo C. Dahil kay Penchang
B. Dahil kay Isagani D. Dahil kay Basilio
15. Ano ang ginawa ni Huli na ikinabaliw ni Hermana Bali?
A. Lumayas ito C. Pinatay nito ang Kura
B. Tumalon sa kumbento D. Nakipagtanan kay Basilio

Karagdagang Gawain

Bilang pagtatapos sa araling ito, kayo ngayon ay bubuo ng isang islogan na pumapaksa o
nagpapakita sa pagkakaroon ng karapatan ng mga kababaihan.

Binabati kita! Natapos mo rin ang aralin. Sana’y


naiwan sa iyong isipan ang lahat ng mga napag-
aralan natin patungkol sa isang kabanata mula sa El
Filibusterismo. Bagaman tapos na tayo sa araling ito.
Ihandang muli ang iyong sarili sa panibago na
namang aralin.

13
14
Tayahin Subukin
1. C
1. A 11. B 2. A
2. B 12. C 3. B
3. A 13. C 4. A
4. D 14. D 5. B
5. C 15. B
6. B Gawain 2
7. C Nakadepende ang sagot
8. D sa mga mag-aaral
9. C
10.A Gawain 3
Nakadepende ang sagot
sa mga mag-aaral
Gawain 4 at 5
Nakadepende ang sagot
sa mga mag-aaral
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Dayag A. M., et.al (2017). Pinagyamang Pluma Aklat 2. Quezon City: Phoenix
Publishing House Inc.

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division of Ilocos Norte – Curriculum Implementation Division


Learning Resource Management Section (SDOIN-CID LRMS)

Office Address : Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax : (077) 771-0960
Telephone No. : (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address : sdoin.lrmds@deped.gov.ph
Feedback link : https://bit.ly/sdoin-clm-feedbacksystem

You might also like