Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Same Sex Marriage

Isa sa mga isyu na kinakaharap ng ating bansa ngayon ay ang same sex marriage. Parami na nang
parami ang mga gustong magpakasal kahit parehas ang kanilang kasarian. Ang isyu na ito ay patuloy na
pinagdedebatehan hanggang ngayon dahil marami pa rin ang hindi sumasang-ayon dito.

Ano nga ba ang Same Sex Marriage?

 Same Sex Marriage Same Sex Marriage (tinatawag din na gay kasal) ay isang legal na katayuan sa
lipunan o kinikilala kasal sa pagitan ng dalawang tao ng parehong biological sex o gender panlipunan.
Same-sex kasal ay isang karapatang sibil, pampulitika, panlipunan, moral, at relihiyon na isyu sa
maraming bansa.

Bakit nga ba Mahalag ang Same Sex Marriage?

 Ang Pilipinas ay lubos na binibigyang halaga at paggalang ang karapatan ng mga


“homosexual” sa bansa kaya malaya ang lahat ng kasapi sa LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual,
Transgender Community) na maipahayag ang kagustuhan na ipatupad na sa bansa ang
kasal ng parehong kasarian, malaya ang isang kasapi ng LGBTQ na magpahayag ng
saloobin sapagkat ito ay isang karapatang pantao.

 Ayon naman sa mga sang-ayon sa same sex marriage (partikular na ang mga
LGBTs), lahat tayo ay tao. Meron tayong iba’t-ibang karapatan. Sila na gustong
magpakasal sa kaparehas na kasarian, bakit hindi sila mabigyan ng karapatan na
gawin ang gusto nila? Tignan man natin sa iba’t-ibang anggulo, pare-parehas lang
tayo. Tao sila, kaya nilang gawin ang gusto nilang gawin at hindi sila
nagpapaapekto sa pag-tingin ng mga tao sa kanila. Hindi sila nawawalan ng pag-
asa na sa bandang huli, makukuha natin silang tanggapin. Kung titignan natin,
umiibig lamang sila, gaya natin. Gusto lamang nilang maging opisyal ang kanilang
pagmamahal, kung saan kaya nila itong ipakita at ipagmalaki sa lahat.

Bakit hindi maipatupad ang Same sex Marriage?


 Dahil sinasabing ang same sex marriage ay immoral, nakaka iskandalo at nakakadiri lalo na sa mga
taong relihiyoso o mga taong nagsasabing sila ay may malakas na pananampalataya sa Diyos dahil sa
kanilang paniniwala ang same sex marriage ay tiwalag sa bibliya.

You might also like