Pasamba, Jayden Epp IV Banghay Aralin

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Banghay Aralin

EPP IV

I- LAYUNIN.

 Natutukoy ang mga Halamang Ornamental


 Nasusuri ang dalawang uri ng Halamang Ornamental
 Napapahalagahan ang wastong pangangalaga sa mga Halamang
Ornamental na nakikita sa paligid.

II- PAKSANG ARALIN.

A. PAKSA: Pagtatanim ng Halamang Ornamental


B. SANGGUNIAN: Masayang Paggawa, Maunlad na Pamumuhay IV pahina. 38-42
C. KAGAMITAN: Powerpoint
D. PAGPAPAHALAGA: WASTONG PANGANGALAGA SA MGA HALAMANG
ORNAMENTAL.

III- PAMAMARAAN
GAWAING GURO GAWAING BATA

PANIMULANG GAWAIN

1. Panalangin

2. Pagbati

3. Pag-alam ng liban

4. Balik aral

Sa ating nagdaang aralin, pinag- aralan


natin ang tamang pag-hahanda at pagliligpit
ng ating pinagkainan

Paano ang tamang paghahanda sa inyong Maghugas ng kamay bago maghanda ng


pagkain? pagkain
Siguraduhing malinis ang kagamitan
Lutuing maigi ang pagkain.

Paano naman ninyo nililigpit ang mga bagay Pagsama samahin ang mga pinggan at
na ginamit ninyo sa inyong pagkain? kubyertos
Ilagay ang pinagkainan sa lababo
Punasan ang lamesa gamit ang malinis
at basing pamunas

Magaling mga bata! Bilang isang bata dapat


alam ninyo kung paano ang tamang
paghahanda ng pagkain at kung paano
ninyo ito ililigpit.
Tukuyin kung ang nasa larawan ay tamang
paghahanda ng pagkain.

A. PANLINANG NA GAWAIN

1. Pagganyak

Awit ( Video Presentation)

Tungkol saan ang nakita ninyo sa video na Tungkol sa iba’t- ibang halaman at mga
inyong napanuod? bulaklak sa kapaligiran.
Tama, ang inyong nakita ay tungkol iba’t-
ibang halaman at mga bulaklak sa
kapaligiran.
Sinasaad po sa awit ang kagandahan ng
Ano ang isinasaad ng awit na inyong mga bulaklak sa kapaligiran
napakinggan.

Ngayon naman mga bata magkakaroon tayo


ng isang laro,
GUESSING GAME
Buuhin ang pangalan ng mga halaman na
makikita sa larawan. Isulat sa patlang ang
nawawalang titik upang mabuo ang salita

S_MPA_UITA FOR_UNE PL_NT

MGA HALAMAN

SU_FL_W_R OR_HI_S

Magaling mga bata! Ano- ano ang iba’t Ang iba’t ibang uri po ng halaman sa
ibang uri ng halaman na inyong nakita sa larawan ay sampaguita, fortune plant,
larawan? sunflower at orchids

Sa aking ipinakitang larawan, alin ang Ang halamang namumulaklak po ay ang


halamang namumulaklak? sampaguita, orchids at sunflower

Alin naman kaya ang halamang hindi Ang halamang hindi namumulaklak sa
namumulaklak? larawan ay ang fortune plant po.

2. PAGLALAHAD

(POWERPOINT PRESENTATION)
Pagbasa ng maikling kuwento

“MAGANDANG KAPALIGIRAN”

Bago ko simulan ang maikling kuwento. Maging handa sa pakikinig


Ano-ano ang pamantayan sa pakikinig ng Makinig at unawain ang kwento
kuwento. Alamin ang mahalagang impormasyon
Magandang Kapaligiran
Ang pamilya ni Ana ay isa sa kilala sa kanilang
lugar. Bukod sa matulungin sila sa kapwa ang
paghahalaman ay naging aliwan nilang mag- anak
sa kanilang tahanan kung saan may ibat- ibang
halaman ang makikita sa kanilang paligid. Mayroong
halamang namumulaklak tulad ng sunflower, rosal,
at santan, at sa harapan naman ng kanilang
tahanan makikita dito ang mga halamang baging
tulad ng yellowbell na may mga dilaw na bulaklak at
cadena de amor. May mga halaman ding
namumulaklak na halamang anyong palumpong na
makikita sa ibat- ibang sukat ng paso, ito ay mga
rosas at sampaguita.
Sa tagiliran naman ng kanilang bahay may mga
halamang namumulaklak na may malambot na
dahon. Ang mga halamang ito ay nagpapaganda din
ng kanilang kapaligiran dahil sa mga kulay ng mga
bulaklak nito, ang mga ito ay ang mga orchids na
may ibat-ibang kulay at at sunflower na
napakatataas.
At sa likod ng kanilang bahay naroon naman ang
halamang punong ornamental tulad ng kalachuchi at
golden shower. At syempre mayroon din silang mga
halamang hindi namumulaklak na nagpapaganda rin
sa kanilang bakuran, katulad nalang palmera at
chinese bamboo.
Ang ibat- ibang halaman sa kanilang paligid ay
talagang nagpapakita ng kagandahan ng kanilang
kapaligiran.
3. PAGTATALAKAYAN

Mga bata, ano ang pamagat ng maikling Ang pamagat ng maikling kwento ay
kwento? Magandang Kapaligiran

Ano naman ang aliwan ng mag-anak sa Ang aliwan ng mag-anak sa kanilang


kanilang paligid? paligid ay ang paghahalaman

Ano ang nagpapaganda sa kanilang Ang ibat- ibang mga halaman


paligid?

May mga halamang namumulaklak na Ang mga halamang namumulaklak na


makikita sa kanilang bakuran, anu- ano makikita sa kanilang bakuran ay
ang mga ito? sampaguita, rosal at santan

Mga bata, ano naman kaya ang tinatawag Ito ay ang halamang namumulaklak na
na halamang baging? gumagapang at ito ay namumulaklak din.

Tama! Mga bata ang halamang baging ay


isa sa uri ng halamang namumulaklak na
gumagapang at ito ay namumulaklak din.

Ano ang mga halamang baging ang nasa Ang mga halamang baging na nasa
bakuran nila Ana? bakuran nila Ana ay ang yellowbell at
cadena de amor
Mayroon ding mga halamang
namumulaklak na may malambot na dahon
kung saan kabilang dito ang mga
halamang herbs.

Sino ang makapagbibigay ng halimbawa Ang halamang namumulaklak na may


ng halamang namumulaklak na may malambot na dahon ay ang sunflower at
malambot na dahon. orchids

Ano- ano ang mga halamang anyong Ang halamang anyong palumpong na
palumpong ang makikita sa bakuran nila matatagpuan sa bakuran nila Ana ay ang
Ana? sampaguita at rosas

Magaling! Ang halamang palumpong ay


maliit kaysa punongkahoy at karaniwang
may mga sangang nagmumula malapit sa
lupa.

At ang huli ay ang mga punong


ornamental. Ito naman ay ang mga punong
kahoy na nagpapaganda sa ating
kapaligiran

Ano naman ang mga punong ornamental Ang punong ornamental na matatagpuan
na makikita sa bakuran nila Ana? sa bakuran nila Ana ay ang kalachuchi at
golden shower
Magaling mga bata! Ang halamang
namumulaklak ay isang uri ng halamang
ornamental kung saan any halamang
namumulaklak ay may 4 na uri at ito ang
halamang baging, halamang
namumulaklak na may malambot na
dahon, anyong palumpong at punong
ornamental.

Mayroon ding mga halamang hindi


namumulaklak sa bakuran nila Ana Ang mga halamang hindi namumulaklak sa
Ano- ano ang mga ito bakuran nila Ana ay ang palmera at
Chinese bamboo.

Tama! Ang mga halamang hindi


namumulaklak na nasa bakuran nila Ana
ay ang palmera at Chinese bamboo

Ang halamang hindi namumulaklak ay isa


sa uri ng Halamang Ornamental.

Mga bata ang Halamang Ornamental ay


may dalawang uri ito ay ang Halamang
Namumulaklak at Halamang hindi
namumullak

Sino ang makakapagbigay ng halimbawa


ng mga halamang namumulaklak at Iba’t ibang kasagutan ng mga bata
halamang hindi namumulaklak?

4. PAGLALAHAT.

Mga bata ano ang dalawang uri ng Ang dalawang uri ng halamang ornamental
halamang ornamental? ay ang halamang namumulaklak at
halamang hindi namumulaklak

Ano- ano naman ang apat na uri ng Ang apat na uri ng halamang
halamang namumulaklak? namumulaklak ay ang halamang banging,
halamang palumpong, halamang
namumulaklak na may malambot na dahon
at punong ornamental

5. PAGPAPAHALAGA

Bilang isang bata, paano mo


pinapahalagahan ang mga halamang Sa pamamagitan ng pagdidilig araw- araw
nakikita mo sa paligid? at pag-aalaga sa mga ito

Magaling mga bata, ang mga halaman na


nakikita ninyo sa paligid ay dapat ninyong
pahalagahan. Isa ito sa
nakapagpapaganda ng ating kapaligiran.
6. PAGSASANAY

(Pasalita)

Iba’t ibang halaman ang ipapakita ng guro.


Tutukuyin ng mga bata kung ang
halamang ornamental na kanilang nakita
ay halamang namumulaklak o hindi
namumulaklak.

GAWAING PISARA ( WHITE BOARD)

PANUTO: Suriin ang mga halamang nasa


loob ng kahon

SAMPAGUITA RED PALM


CHINESE BAMBOO ROSE
PALMERA KALACHUCHI

HALAMANG HALAMANG DI-


NAMUMULAKLAK NAMUMULAKLAK
7. PAGLALAPAT

GAMES ( SPIN THE WHEEL)

Panuto: Tukuyin kung ang nasa larawan


ay halamang namumulaklak o halamang
hindi namumulaklak

IV. PAGTATAYA

PANUTO: Isulat sa patlang ang HN kung


halamang ornamental na makikita sa
larawan ay namumulaklak, at HDN naman
kung ito ay halamang di namumulaklak

___1. ( ROSAL)

____2. ( FORTUNE PLANT)


____3. ( BOUGAINVILLEA)

____4. (DAMA DE NOCHE)

___5. ( FIVE FINGER)

V. TAKDANG ARALIN

Panuto: Sumulat ng limang halamang


ornamental na namumulaklak at limang
halamang ornamental na di namumulaklak
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC.
LITTLE ANGELS MONTESSORI LEARNING CENTER
Dr. Ramon St. Zone II Poblacion Atimonan, Quezon
A.Y. 2021-2022

BANGHAY ARALIN SA
EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN
(IKAAPAT NA BAITANG)

INIHANDA NI:
_____________________________
PASAMBA, JAYDEN CLAIRE A.
Gurong Nagsasanay

INIWASTO NI:
______________________________
G. Orense Umali
Gurong Tagapagsanay

JANUARY 2022

You might also like