Professional Documents
Culture Documents
Investiture Program and Script 2019 (GSP & BSP)
Investiture Program and Script 2019 (GSP & BSP)
SCOUTS
INVESTITURE 2019
MGA KAGAMITAN:
a.) Trefoil (BSP/GSP)
b.) 1 Big Candle (Mother Candle)
c.) 6 medium-sized candle—3 for BSP with ribbon: red, blue, and green; 3 for GSP with green
ribbons
SACRED HEART
SCHOOL SCOUTING ACADEMY
Gloria, Oriental Mindoro, Philippines
Tel. No. (043) 284-4226
TeleFax No. (043) 284-4226
d.) Neckerchief (for BSP and GSP) and Investiture Pin (for GSP only)
e.) Match/Lighter
f.) Philippine flag, School flag, and Troop flag
g.) Scout Badge and Membership Cards for each scout.
MANUSCRIPT
(Flow of the Ceremony)
Emcee: Upang pasimulan ang ating gawain, tinatawagan ko po ang ating butihing
Institutional Head, Scouter Crisanta B. Semilla at ang ating mga minamahal na
kinatawan ng Scouting sa Lalawigan ng Oriental Mindoro Scouter
__________________ at Scouter ________________ upang pangunahan ang
pagsisindi ng malaking kandila/sulo na sumisimbolo sa Espiritu at Diwa ng
SACRED HEART
SCHOOL SCOUTING ACADEMY
Gloria, Oriental Mindoro, Philippines
Tel. No. (043) 284-4226
TeleFax No. (043) 284-4226
Scouting. (Ang Institutional Head at ang mga kinatawan ng BSP at GSP Oriental
Mindoro Council ay pupunta sa unahan at pangungunahan ang pagsisindi ng
pinakamalaking kandila at ilalagay sa Candle Stand na nasa gitna ng mesa.)
(Magsitayo)
INTITUTIONAL HEAD: (Sasabihin) Ang kandilang ito ay sumasagisag sa diwa ng Scouting na
dapat mag-alab sa bawat puso ng isang tunay na Scout. Sa pamamagitan ng diwang ito ang
lahat ay maaaring maganap, at kung wala ito, ang landas na tatahakin ay madilim, malayo at
mahirap marating.
Pagpapahayag
Emcee: Tinatawagan ko ang Girl Scout Troop/Outfit Leader, Sctr. __________ upang
pangunahan ang seremonya sa pagtatalaga ng mga Junior Girl Scout.
GSP TROOP/OUTFIT LEADER: Ang sulo na nasa ating harapan ang magsisilbing tanglaw
ninyong mga Girl Scouts na ngayon ay pararangalan. Sinasagisag nito and diwa
ng Scouting na siyang magiging patnubay at tanglaw ninyo sa mabuting landas.
Hangad ng liwanag nito ang inyong pagsulong at pag-unlad.
Emcee: Ngayon naman po ay atin na rin pong sisindihan ang tatlong kandilang
sumasagisag ng tatlong bahagi ng pangako ng Girl Scouts. (Pupunta sa unahan
ang magsisindi.)
(Ang sampung Girl Scouts ay kukuha ng mga kandila na nasa mesa, ito ay sisindihan mula sa
pinakamalaking kandila at ang mga susunod ay dito na sisindi. Haharap sa audience at mag-i-
SACRED HEART
SCHOOL SCOUTING ACADEMY
Gloria, Oriental Mindoro, Philippines
Tel. No. (043) 284-4226
TeleFax No. (043) 284-4226
execute ng Girl Scout Sign, bibigkasin ang pangako ng girl scout na ini-assign sa bawat isa.
Matapos ito, muling babalik sa kani-kanilang lugar.)
GSP TROOP/OUTFIT LEADER: Kung ganun, ibig kong patunayan ninyo sa madla sa
pamamagitan ng sabay-sabay na pagbigkas ng Batas ng Girl Scout sa
pangunguna ng isa sa mga punong gabay—
Sama-Samang Pag-awit
Emcee: Ngayon naman ay sisindihan ang tanglaw na kandila ng mga Boy at Senior
Scouts (may paalala habang sinisindihan ang kandila)
TROOP/OUTFIT LEADER: Ang kandilang ito ng boy scouting na nasa ating unahan ay
sumasagisag at kumakatawan sa Espiritu ng Scouting na siyang nagsisilbing
matibay na tanikala sa pagkakaisa ng lahat ng Scouts, saan mang dako ng
daigdig.
Sana ang liwanag ng ilaw ng kandilang ito ay magsilbing gabay sa inyong lahat
sa lahat ng panahon - - magsilbing tanglaw sa mga landas ng inyong tatahakin
sa hinaharap bilang mga scouts.
SCOUT 1: Aking sinisindihan ang kandilang ito na sumasagisag sa Unang Punto ng Batas
ng Scout.
-ANG SCOUT AY MAPAGKAKATIWALAAN-
Tinig: Ang scout ay nagsasabi ng katotohanan.Tumutupad siya sa kanyang mga
pangako, ang pagiging matapat ay bahagi ng kanyang pag-uugali. Siya ay
maaasahan ng ibang tao.
SCOUT 2: Aking sinisindihan ang kandilang ito na sumasagisag sa Ika-2 Punto ng Batas ng
Scout.
SCOUT 3: Aking sinisindihan ang kandilang ito na sumasagisag sa Ika-3 Punto ng Batas ng
Scout.
-ANG SCOUT AY MATULUNGIN-
Tinig: Ang scout ay may kalinga sa ibang tao.Nagsisikap siyang makatulong sa iba na
hindi naghihintay ng kabayaran o pabuya.
SCOUT 4: Aking sinisindihan ang kandilang ito na sumasagisag sa Ika-4 Punto ng Batas ng
Scout.
SCOUT 5: Aking sinisindihan ang kandilang ito na sumasagisag sa Ika-5 Punto ng Batas ng
Scout.
SACRED HEART
SCHOOL SCOUTING ACADEMY
Gloria, Oriental Mindoro, Philippines
Tel. No. (043) 284-4226
TeleFax No. (043) 284-4226
SCOUT 6: Aking sinisindihan ang kandilang ito na sumasagisag sa Ika-6 Punto ng Batas ng
Scout.
-ANG SCOUT AY MABAIT-
Tinig: Ang scout ay nakauunawa na may angking lakas ang pagiging mabait. Itinuturing
niya ang iba gaya ng gusto niyang pagturing ng iba sa kanya.Hindi siya
nananakit o namiminsala ng mga hayop at iba pang bagay na walang
kadahilanan at sinisikap niyang ito ay mapangalagaan.
SCOUT 7: Aking sinisindihan ang kandilang ito na sumasagisag sa Ika-7 Punto ng Batas ng
Scout.
-ANG SCOUT AY MASUNURIN-
Tinig: Ang scout ay sumusunod sa mga alituntunin ng kanyang pamilya, paaralan at
tropa. Sumusunod siya sa mga batas ng kanyang pamayanan at bayan. Kung
inaakala niyang may mga alituntuning hindi tama, sinusunod niya ito at hindi
sinusuway ngunit sinisikap niyang mabago iyon sa matiwasay na pamamaraan.
SCOUT 8: Aking sinisindihan ang kandilang ito na sumasagisag sa Ika-8 Punto ng Batas ng
Scout.
-ANG SCOUT AY MASAYA-
Tinig: Ang scout ay nagsisikap tumingin sa maaliwalas na bahagi ng buhay. Masaya
niyang ginagampanan ang mga naiatang sa kanyang mga tungkulin. Sinisikap
niyang makapagbigay lugod sa iba.
SCOUT 9: Aking sinisindihan ang kandilang ito na sumasagisag sa Ika-9 Punto ng Batas ng
Scout.
-ANG SCOUT AY MATIPID-
Tinig: Ang scout ay gumagawa upang matustusan niya ang kanyang sarili at upang
makatulong sa iba. Nag-iimpok siya para sa hinaharap. Pinapangalagaan niya at
ginagamit nang wasto ang mga likas na yaman. Maingat siya sa paggamit ng
kanyang panahon at ari-arian.
SCOUT 10: Aking sinisindihan ang kandilang ito na sumasagisag sa Ika-10 Punto ng Batas
ng Scout.
-ANG SCOUT AY MATAPANG-
Tinig: Ang scout ay may lakas ng loob na humarap sa panganib kahit na may taglay
siyang pangamba. Siya ay naninindigan sa mga inaakala niyang tama at
matuwid sa kabila ng tudyo o pananakot ng iba.
SCOUT 11: Aking sinisindihan ang kandilang ito na sumasagisag sa Ika-11 Punto ng Batas
ng Scout.
SCOUT 12: Aking sinisindihan ang kandilang ito na sumasagisag sa Ika-12 Punto ng Batas
ng Scout.
-ANG SCOUT AY MAKADIYOS-
Tinig: Ang scout ay mapitagan sa Diyos. Tinutupad niya ang kanyang mga tugkulin ng
kanyang pananampalataya.Iginagalang niya ang paniniwala ng iba sa kanilang
pananampalataya.
TROOP/OUTFIT LEADER: (Magsitayo ang lahat ng Junior Boy Scout at Senior Scouts)
Ang Scout ay may isang sumpa na sinusunod. Dito napapaloob ang 3 tungkulin
na dapat nilang gampanan.
SCOUT 1: Ang kandilang ito ay sumasagisag na Mahal ko ang Diyos at ang aking bayan.
SCOUT: Itaas ang kanang kamay sa anyong panunumpa at sabay-sabay nating bigkasin
ang Pangako ng Scout.
SACRED HEART
SCHOOL SCOUTING ACADEMY
Gloria, Oriental Mindoro, Philippines
Tel. No. (043) 284-4226
TeleFax No. (043) 284-4226
TROOP/OUTFIT LEADER: Troop (boy scout), bigkasin nang sabay-sabay ang Scout Slogan
TROOP/OUTFIT LEADER: Outfit (Senior scout), bigkasin nang sabay-sabay ang Scout
Slogan
INSTITUTIONAL HEAD: Bilang Institutional head ng mga batang ito, malugod ko pong
isinusulit sa inyo mahal naming panauhin mula sa Girl Scouts of the Philippines—Oriental
Mindoro Council, ang ______ Junior Girl Scouts upang pormal na maging kaanib ng
pangmundong samahan ng scouting.
SACRED HEART
SCHOOL SCOUTING ACADEMY
Gloria, Oriental Mindoro, Philippines
Tel. No. (043) 284-4226
TeleFax No. (043) 284-4226
(I have the honor to present to you the ______ Scouts who expressed their intentions to be
invested as full pledge Scouts. I personally attest to their commitment to the Scout Ideals and
therefore recommend them to be accepted to the Scouting Movement.)
(By the authority vested in me by the GSP, Oriental Mindoro Council, I now officially declare and accept
the ______ Scouts of (SACRED HEART ACADEMY) as full pledge Scouts. Receive now from your
officials in the presence of your love ones (ninong/ninang/parents) the symbol of your membership.
Welcome to the Worldwide Brotherhood of Scouting.”)
INSTITUTIONAL HEAD: Bilang Institutional head ng mga batang ito, malugod ko pong
isinusulit sa inyo mahal naming panauhin mula sa Boy Scouts of the Philippines—Oriental
Mindoro Council, ang ______ Junior Boy Scouts at _______Senior Scouts upang pormal na
maging kaanib ng pangmundong samahan ng scouting.
(I have the honor to present to you the ______ Scouts who expressed their intentions to
be invested as full pledge Scouts. I personally attest to their commitment to the Scout Ideals
and therefore recommend them to be accepted to the Scouting Movement.)
(By the authority vested in me by the GSP, Oriental Mindoro Council, I now officially declare and accept
the ______ Scouts of (SACRED HEART ACADEMY) as full pledge Scouts. Receive now from your
officials in the presence of your love ones (ninong/ninang/parents) the symbol of your membership.
Welcome to the Worldwide Brotherhood of Scouting.”)
DONNING
JUNIOR GIRL SCOUTS JUNIOR BOY SCOUTS SENIOR SCOUTS
NOTE: Para sa Junior Girl Scout, tatawagin ang Investing Officer upang isagawa ang
paglalagay ng Investing Pin.)
(Pagkatapos malagyan lahat ng alampay ang mga Scouts ay anyayahan ang mga
magulang, ninong at ninang na tumayo para sa panunumpa)
INSTITUTIONAL HEAD: Mga magulang, ninong at ninang itaas po ninyo ang inyong
kanang kamay sa ayos ng panunumpa at sumabay kayo sa akin.
BATCH PLEDGE
Emcee: (Magsitayo pong muli ang mga lupon ng scouts)
SCOUT: Inaanyayahan ang lahat ng Scouts na tumayo nang maayos at itaas ang kanang
kamay ayon sa Tanda ng Panunumpa at sumunod sa akin.
CLOSING CEREMEONY
INSPIRATIONAL MESSAGE/CLOSING REMARKS
Emcee: Pinakikiusapan pong magsiupong muli ang mga scouts para pakinggan ang
panapos na pananalita ng isa sa ating Wood Badge Holder _______________.
SACRED HEART
SCHOOL SCOUTING ACADEMY
Gloria, Oriental Mindoro, Philippines
Tel. No. (043) 284-4226
TeleFax No. (043) 284-4226
-OR/AND-
Pinakikiusapan pong magsiupong muli ang mga scouts para pakinggan ang
panapos na pananalita ng ating Institutional Head, Sctr._______________.
Emcee: Maraming salamat po Sir/Ma’am. Nakasisiguro po kaming sapat ang inyong mga
salita upang pag-ibayuhin ng mga scouts ang kanilang paglilingkod.
Emcee: Magsitayo po ang lahat at sabay-sabay nating awitin ang (SHA Hymn.)
SCOUT BENEDICTION
CONGRATULATIONS!!!
RECESSIONAL