Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

SACRED HEART

SCHOOL SCOUTING ACADEMY


Gloria, Oriental Mindoro, Philippines
Tel. No. (043) 284-4226
TeleFax No. (043) 284-4226

SCOUTS INVESTITURE 2017


Venue: SHA Covered Court
October 20, 2017 @ 7:30AM

Opening Ceremony:

1. Grand Entrance…………………………...........(Philipine Flag with the Color Guards,


Kawan, Junior, and Senior Scouts,
Troop Leaders, and Guests)
2. Doxology/Prayer………………………………...Selected Scouts
3. National Anthem………………………………..Ms. Jesselle P. Atienza (Conductress)
4. Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas
5. Intoduction about Today’s Event
6. Opening Remarks……………………………...Mrs. Lorena H. Surat
(Student Affairs Coordinator)
7. Inspirational Message…………………………Rev. Fr. Dennis Marcelo M. Delmo III
(School Director)

Investiture Proper:

1. Investiture Ceremony (Star Scouts and Junior & Senior Girl Scouts)
a.) Star Scout……………………….…………….Ms. Lina L. Soldivilla
b.) Junior and Senior Girl Scout………….…….Ms. Rose Ann M. Acostoy

2. Investiture Ceremony (Kab Scouts and Junior & Senior Boy Scouts)
a.) Kab Scout……………………………………..Mr. Rajiv Francis R. Custodio
b.) Junior and Senior Boy Scout………………..Mr. Reymart I. Supleo

3. Presentation/Acceptance……………………….Mrs. Crisanta B. Semilla


(Acting Principal)
4. Declaration………………………………………..GSP/BSP Representative
5. Donning…………………………………………...Parents/Ninong/Ninang
6. The Pledge of Batch
7. Closing Remarks…………………………………Wood Badge Holder
8. Scout Benediction……………………………….Wood Badge Holder

Ms. Mary Rose Ann M. Acostoy and Mr. Jeffrey U. Regencia


(Masters of Ceremony)
SACRED HEART
SCHOOL SCOUTING ACADEMY
Gloria, Oriental Mindoro, Philippines
Tel. No. (043) 284-4226
TeleFax No. (043) 284-4226

BOY SCOUTS OF THE PHILIPPINES


ORIENTAL MINDORO COUNCIL

SACRED HEART ACADEMY


Gloria, Oriental Mindoro

SCOUTS
INVESTITURE 2017

Kab Scouts
Junior & Senior Boy Scouts

Manuscript:
SACRED HEART
SCHOOL SCOUTING ACADEMY
Gloria, Oriental Mindoro, Philippines
Tel. No. (043) 284-4226
TeleFax No. (043) 284-4226

I- Investiture Ceremony

1. Charge to the Kawan Committee by the Institutional Representative

“Pinakikiusapan po ang Lupon ng Kawan na magsitayo.”

Ang Lupon ng Kawan ay siyang namamahala sa pagtatatag ng bagong Kawan. Sila


ang nagpapayo sa mga KAB Lider sa paglutas ng mga suliraning nakasasagabal sa
pagsasakatuparan ng tumpak na kahulugan ng Scouting, mga pangangailangan ng
samahan, at sa pagtupad sa mga tuntunin at patakaran ng Pambansang
Kapulungan ng Boy Scouts of the Philippines. Hinihimok ng Lupon ng mga KAB
Lider at mga Chief USA na tangkilikin ang palatuntunan ng mga KAB Scouts. Ang
Lupon ding ito ang namamahala sa pamamalakad ng Kawan upang mapanatili at
mapangalagaan ang pananalapi, katatagan at mga ari-arian ng Kawan

“Tinatanggap ba ninyo ang mga pananagutang ito at kayo ba ay nangangako na


magiging masigasig sa pagtulong sa mga KAB Lider sa pagtangkilik ng programa ng
Kawan?”---

2. Charge to the Kawan Leader and the Assistant Kawan Leaders by the Chairman of
the Kawan Committee.

“Mangyari po lamang na ang mga Kawan Lider at mga Assistants ay magsitayo.”

“Kayo ba bilang mga nakatatandang puno ng Kawang ito ay nangangakong


tutulong ng tapat sa Samahan?” ---

“Hihimukin ba ninyo ang bawat KAB Scouts o ang buong Kawan na sumunod
sa programa ng Scouting? ---

3. Charge to the Chief Usas Kawan Leader

“Mangyari lamang na magsitayo ang mga Chief Usa.”

“Kayo bilang mga batang namumuno ng Kawang ito ang siyang mamamahala
sa pagtupad ng mga balak at magbibigay ng mabuting halimbawa sa bawat
KAB Scout ng kanyang pangkat na kinabibilangan.”---

“Ipinangangako ba ninyo na kayo ay taos-pusong makikiisa sa lahat ng oras


sa mga puno ng Kawan, sa ikatutupad ng ating mga layunin?”---

4. Charge to the parents by the Institutional Representative

“Pinakikiusapan po na ang mga magulang at ninong o ninang ng mga KAB Scouts ay


magsitayo.”

“Narinig ninyo ang pangako ng mga puno ng Kawan, gaya ng kanilang mga
pagsisikap na mapanatili ang Kawang ito. Kayo ba, bilang mga
magulang/ninong/ninang ay nangangakong magsusumikap na mapanatili ang
Kawang ito at taos-pusong makikiisa sa lahat ng oras at magbigay ng
mabuting pagsubaybay sa kanila sa ikatutupad ng mga layunin ng KAB
Scouting?”---
MC: Mga kaibigan at mga kapwa Scouts, ikinagagalak naming tanggapin ang mga
bagong KAB Scout sa Kilusang Scouting.
SACRED HEART
SCHOOL SCOUTING ACADEMY
Gloria, Oriental Mindoro, Philippines
Tel. No. (043) 284-4226
TeleFax No. (043) 284-4226

MC: Sila ang mga kasapi ng mga bagong Langkay/Kawan na nais magpatalaga at
sumali sa kasaysayan ng mga KID/KAB Scout.

MC: Naririto tayo ngayon upang isapi kayo sa kilusang Scouting. May mahigit 3
milyong Scout ang gumagawa ng kanilang tungkulin sa Diyos, sa ating bansa at
pamumuhay ayon sa batas ng Scout.

MC,: Ngayon, ihanda ninyo ang inyong sarili sa mga tungkulin sa kasalukuyan at sa
darating pang mga taon.

Scout: Humanda sa pagtatalaga! (LAGING HANDA)


Sir, handa na po ang mga Scouts sa Pagtatalaga.

KAWAN LEADER.: Mga Scouts, ang inyo bang pagdalo sa Seremonyang ito-- upang italaga
sa pagiging Scouts—ay kusang loob at kagustuhan ninyo -----

Scouts: OPO.

KAWAN LEADER.: Kung gayon—sisimulan na natin ang seremonya sa pagtatalaga—sa


seremonyang ito—kayo ay tatanggapin bilang kasapi ng BSP—Sa inyong
Tropa/Patrol sa inyong paaralan, sa Oriental Mindoro Council at kikilalaning
Scouts saan mang dako ng bansang Pilipinas.

KAWAN LEADER: Ngayon,ang pagsisindi ng mga tanglaw ng Scouting.

Pinakikiusapan ko ang namumunong Lupon ng Kawan na sindihan ang kandila


at ibigay sa amin.

Committee Chairman:
Ang kandilang ito ay sumasagisag sa diwa ng Scouting na dapat mag-alab sa
bawat puso ng isang tunay na Scout. Sa pamamagitan ng diwang ito ng lahat ay
maaaring maganap, at kung wala ito, ang landas na tatahakin ay madilim, malayo at
mahirap marating.

II- PLEDGE OF SCOUT LAW

KAWAN LEADER: (Sa mga Kab Scouts)—Bago kayo italaga, hinihiling ko sa inyo na
bigkasin ang Pangako ng KAB Scout.—(boys will recite)

“Ako’y nangangako na gagawin ko ang aking makakaya upang mahalin ang


Diyos at ang aking bayang Pilipinas at gumawa ng mabuti araw-araw at
sumunod sa batas ng KAB Scout.”

KAWAN LEADER,: Inaasahan naming lubos ninyong nauunawaan ang diwa at kahulugan ng
Pangakong iyan.

UNANG KAB SCOUT: (Lights the red candle)

Tinig: Ang kandilang ito ang sumasagisag na ako’y nangangako na sa tuwing gagawa
ng pangako, inaasahang makatutupad ang isang KAB Scout sapagkat ibig
niyang mapaniwala ang mga tao sa kanyang sinasabi.

IKA-2 KAB SCOUT: (Lights the blue candle)


SACRED HEART
SCHOOL SCOUTING ACADEMY
Gloria, Oriental Mindoro, Philippines
Tel. No. (043) 284-4226
TeleFax No. (043) 284-4226

Tinig: Sumasagisag ang kandilang ito na “Gagawin ko ang aking makakaya sa


anumang gawaing iniaatang sa akin.

IKA-3 KAB SCOUT: (lights the white candle)

Tinig: Ang kandilang ito ang sumagisag na “Mahalin ko ang Diyos.” Ang pagmamahal
sa Diyos ay pagmamahal sa kapwa.Ipinakikita ang pagmamahal sa Diyos sa
pamamagitan ng pagtulong sa ibang tao. Ako at ang aking kapamilya ay tapat sa
aking pananampalataya.

IKA-4 NA KAB SCOUT: (lights another red candle)

Tinig: Sinasagisag ng kandilang ito ang “Aking Bayan” – Mahal ko ang aking bayan
sapagkat ako’y bahagi nito. Ipinakikita ko ang aking pagmamahal sa aking bayan
sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan sa bayan, paralan, at tahanang aking
ginagalawan.Gumawa nang mabuti araw-araw.

IKA-5 KAB SCOUT: (lights another blue candle)

Tinig: Ang sinasagisag ng kandilang ito ay “Sundin ang Batas ng KAB Scout” – Sa
bawat laro ay may mga tuntuning dapat sundin. Ang batas ng KAB Scout ay may
tatlong payak na tuntunin. Pagsusumikapan kong sundin ang mga tuntuning ito
at ang mga layunin upang maging isang mabuting KAB Scout.

IKA-6 NA KAB SCOUT:

Tinig: “Sumusunod sa mga nakatatanda”—Ang mga nakatatanda ay mabubuting


pinuno. Sila ay nakatatanda kaysa sa atin at higit na may kaalaman. Ang ma
nakatatanda sa atin ay an gating mga magulang at mga guro na tutulong upang
matustusan an gating pagiging KAB Scout.

IKA-7 KAB SCOUT

Tinig: “Tumutulong sa pagsulong ng kawan.”—Bilang isang KAB Scout, ako ay kasapi


ng Color Group sa Kawan. Ako’y dadalo sa takdang oras sa mga miting at
tutulong sa kapwa kong KAB Scout sa pagtatapos ng aming gawain.

MC.: Ngayon naman ay sisindihan ang tanglaw na kandila ng mga Boy at Senior
Scouts (may paalala habang sinisindihan ang kandila)

Ang kandilang ito ay sinasagisag at kumakatawan sa Espiritu ng Scouting na


siyang nagsisilbing matibay na tanikala sa pagkakaisa ng lahat ng Scouts, saan
mang dako ng daigdig.

Sana ang liwanag ng ilaw ng kandilang ito ay magsilbing gabay sa inyong lahat
sa lahat ng panahon - - magsilbing tanglaw sa mga landas ng inyong tatahakin
sa hinaharap bilang mga scouts.

Ang mga scouts ay mayroong isang Batas na kanilang sinusumpaang susundin.


Ang batas na ito ay mayroong 12 punto at bibigkasin ng 12 piling Scouts habang
iniilawan ang 12 kandila na kumakatawan sa 12 puntong batas ng Scout.
SACRED HEART
SCHOOL SCOUTING ACADEMY
Gloria, Oriental Mindoro, Philippines
Tel. No. (043) 284-4226
TeleFax No. (043) 284-4226

Pakingggang mabuti ang isinasaad ng batas na ito- - sapagkat kayo’y aking


tatanungin kung ito’y inyong matatanggap bilang sariling batas na inyong
susundin.

Tinatawagan ko ang 12 scouts na simulan ang pag-iilaw ng 12 kandilang


kumakatawan sa Batas ng Scouts.

SCOUT 1: Aking sinisindihan ang kandilang ito na sumasagisag sa Unang Punto ng Batas
ng Scout.
-ANG SCOUT AY MAPAGKAKATIWALAAN-
Tinig: Ang scout ay nagsasabi ng katotohanan.Tumutupad siya sa kanyang mga
pangako, ang pagiging matapat ay bahagi ng kanyang pag-uugali. Siya ay
maaasahan ng ibang tao.

SCOUT 2: Aking sinisindihan ang kandilang ito na sumasagisag sa Ika-2 Punto ng Batas ng
Scout.
-ANG SCOUT AY MATAPAT-
Tinig: Ang scout ay matapat sa kanyang pamilya, mga kaibigan, mga pinuno sa
Scouting,sa paaralan at bayan.

SCOUT 3: Aking sinisindihan ang kandilang ito na sumasagisag sa Ika-3 Punto ng Batas ng
Scout.
-ANG SCOUT AY MATULUNGIN-
Tinig: Ang scout ay may kalinga sa ibang tao.Nagsisikap siyang makatulong sa iba na
hindi naghihintay ng kabayaran o pabuya.

SCOUT 4: Aking sinisindihan ang kandilang ito na sumasagisag sa Ika-4 Punto ng Batas ng
Scout.
-ANG SCOUT AY MAPAGKAIBIGAN-
Tinig: Ang scout ay kaibigan ng lahat. Itinuturing niyang kapatid ang kanyang mga
kapwa scout. Sinisikap niyang umunawa sa iba. Iginagalang niya ang mga
paniniwala at kaugalian ng ibang tao na naiiba sa kanya.

SCOUT 5: Aking sinisindihan ang kandilang ito na sumasagisag sa Ika-5 Punto ng Batas ng
Scout.
-ANG SCOUT AY MAGALANG-
Tinig: Ang scout ay magalang sa sinuman ano pa man ang gulang nito o katayuan.
Alam niya na ang mabuting pag-uugali ay daan sa magandang pagkakasunduan
ng mga tao.

SCOUT 6: Aking sinisindihan ang kandilang ito na sumasagisag sa Ika-6 Punto ng Batas ng
Scout.
-ANG SCOUT AY MABAIT-
Tinig: Ang scout ay nakauunawa na may angking lakas ang pagiging mabait. Itinuturing
niya ang iba gaya ng gusto niyang pagturing ng iba sa kanya.Hindi siya
nananakit o namiminsala ng mga hayop at iba pang bagay na walang
kadahilanan at sinisikap niyang ito ay mapangalagaan.

SCOUT 7: Aking sinisindihan ang kandilang ito na sumasagisag sa Ika-7 Punto ng Batas ng
Scout.
-ANG SCOUT AY MASUNURIN-
Tinig: Ang scout ay sumusunod sa mga alituntunin ng kanyang pamilya, paaralan at
tropa. Sumusunod siya sa mga batas ng kanyang pamayanan at bayan. Kung
inaakala niyang may mga alituntuning hindi tama, sinusunod niya ito at hindi
sinusuway ngunit sinisikap niyang mabago iyon sa matiwasay na pamamaraan.
SACRED HEART
SCHOOL SCOUTING ACADEMY
Gloria, Oriental Mindoro, Philippines
Tel. No. (043) 284-4226
TeleFax No. (043) 284-4226

SCOUT 8: Aking sinisindihan ang kandilang ito na sumasagisag sa Ika-8 Punto ng Batas ng
Scout.
-ANG SCOUT AY MASAYA-
Tinig: Ang scout ay nagsisikap tumingin sa maaliwalas na bahagi ng buhay. Masaya
niyang ginagampanan ang mga naiatang sa kanyang mga tungkulin. Sinisikap
niyang makapagbigay lugod sa iba.

SCOUT 9: Aking sinisindihan ang kandilang ito na sumasagisag sa Ika-9 Punto ng Batas ng
Scout.
-ANG SCOUT AY MATIPID-
Tinig: Ang scout ay gumagawa upang matustusan niya ang kanyang sarili at upang
makatulong sa iba. Nag-iimpok siya para sa hinaharap. Pinapangalagaan niya at
ginagamit nang wasto ang mga likas na yaman. Maingat siya sa paggamit ng
kanyang panahon at ari-arian.

SCOUT 10: Aking sinisindihan ang kandilang ito na sumasagisag sa Ika-10 Punto ng Batas
ng Scout.
-ANG SCOUT AY MATAPANG-
Tinig: Ang scout ay may lakas ng loob na humarap sa panganib kahit na may taglay
siyang pangamba. Siya ay naninindigan sa mga inaakala niyang tama at
matuwid sa kabila ng tudyo o pananakot ng iba.

SCOUT 11: Aking sinisindihan ang kandilang ito na sumasagisag sa Ika-11 Punto ng Batas
ng Scout.
-ANG SCOUT AY MALINIS-
Tinig: Ang scout ay pinananatiling malinis ang kanyang katawan at kaisipan. Siya ay
sumasama sa mga taong may ganito ring panuntunan. Tumutulong siya sa
pagpapanatili na malinis ang kanyang tahanan at pamayanan.

SCOUT 12: Aking sinisindihan ang kandilang ito na sumasagisag sa Ika-12 Punto ng Batas
ng Scout.
-ANG SCOUT AY MAKADIYOS-
Tinig: Ang scout ay mapitagan sa Diyos. Tinutupad niya ang kanyang mga tugkulin ng
kanyang pananampalataya.Iginagalang niya ang paniniwala ng iba sa kanilang
pananampalataya.

OUTFIT LEADER.: Inyong narinig ang 12 punto ng Batas ng scout. Tinatanggap ba ninyo ang
batas na ito at nangangakong gagawin ang buong makakaya upang ito’y sundin
at isakatuparan bilang mga Scouts?

Scouts: Opo, isasakatuparan namin.

OUTFIT LEADER.: (Magsitayo ang lahat ng Scouts)

Ibig kong patunayan ninyo sa madla sa pamamagitan nang sabay-sabay na


pagbigkas ng Batas ng Scout sa pangunguna ng isa sa mga punong gabay---

ANG BATAS NG SCOUT

SCOUTS: Ang Scout ay:


Mapagkakatiwalaan, Matapat, Matulungin, Mapagkaibigan, Magalang,
Mabait, Masunurin, Masaya, Matipid, Matapang, Malinis at MakaDiyos.
SACRED HEART
SCHOOL SCOUTING ACADEMY
Gloria, Oriental Mindoro, Philippines
Tel. No. (043) 284-4226
TeleFax No. (043) 284-4226

OUTFIT LEADER.: Maaari ng bumalik ang punong gabay at labindalawang scouts sa


kanilang upuan.

Ang Scout ay may isang sumpa na sinusunod. Dito napapaloob ang 3 tungkulin
na dapat nilang gampanan.

Tinatawagan ko ang tatlong scout na bibigkas ng tatlong tungkulin ng Scout


habang sinisindihan nila ang kandilang kumakatawan sa tungkuling dapat
gampanan.

(3 SCOUTS consecutively Lights the candle)

SCOUT 1: Ang kandilang ito ay sumasagisag na Mahal ko ang Diyos at ang aking bayan.

SCOUT 2: Ang kandilang ito ay sumasagisag sa paggawa ng mabuti araw-araw.

SCOUT 3: Ang kandilang ito ay sumasagisag sa pagsunod sa Batas ng Scout.

OUTFIT LEADER.: Tinatawagan ko ang isa sa mga punong gabay na Scout upang mamuno
sa sabayang pagbigkas ninyo ng Pangako ng Scout.

(Scout lead the Scout Oath, others follow)

III- PLEDGE OF SCOUT OATH

SCOUT: Itaas ang kanang kamay sa anyong panunumpa at sabay-sabay nating bigkasin
ang Pangako ng Scout.

ANG PANUNUMPA NG SCOUT

Sa ngalan ng aking dangal


Ay gagawain ko ang aking makakaya
Upang tumupad sa aking tungkulin
Sa Diyos at sa aking Bayan
Ang Republika ng Pilipinas
At sumunod sa Batas ng Scout;
Tumulong sa ibang tao sa lahat ng pagkakataon;
Pamalagiing malakas ang aking katawan,
Gising ang isipan at marangal ang asal.

OUTFIT LEADER.: Inyong narinig at binigkas ang ang pangako ng Scouts at ang tatlong
tungkulin sa napapaloob dito.Ang unang tungkulin ay sa Diyos at sa Bayang
Pilipinas, ikalawa ang tungkulin sa ibang tao at ang ikatlo ay ang tungkulin ng
isang Scout sa kanyang sarili.Tinatanggap ba ninyo ang 3 tungkuling inihahayag
sa pangako ng Scout at nangangakong ito’y inyong susundin sa abot ng inyong
makakaya?

SCOUTS: OPO, tinatanggap po namin.


SACRED HEART
SCHOOL SCOUTING ACADEMY
Gloria, Oriental Mindoro, Philippines
Tel. No. (043) 284-4226
TeleFax No. (043) 284-4226

IV- RECITING THE SCOUT MOTTO AND SCOUT SLOGAN

OUTFIT LEADER.: Bigkasin nang sabay-sabay ang Scout Motto.

SCOUTS: (All) “LAGING HANDA”

KAWAN LEADER.: Mga Kawan (KAB Scout)), bigkasin nang sabay-sabay ang Scout
Slogan

KAWAN SCOUTS: “GAWIN ANG MAKAKAYA”

TROOP LEADER.: Troop (boy scout), bigkasin nang sabay-sabay ang Scout Slogan

TROOP (Boy Scout): “GUMAWA NANG MABUTI ARAW-ARAW”

OUTFIT LEADER.: Outfit (Senior scout), bigkasin nang sabay-sabay ang Scout Slogan

OUTFIT (Senior Scout): “ONCE A SCOUT ALWAYS A SCOUT”

OUTFIT LEADER.: Tinatawagan ko po ang pangkalahatang pinuno ng Boy Scout ng


paaralang ito, upang magbigay salita sa pagtanggap sa mga batang scout---
_____________________________, Direktor(Principal)ng paaralan

V- PRESENTATION

INSTITUTIONAL HEAD: Bilang Institutional head ng mga batang ito, malugod ko pong
isinusulit sa inyo mahal naming panauhin, ang mga batang ito upang pormal na maging
kaanib ng pangmundong samahan ng scouting.

(I have the honor to present to you the ______ Scouts who expressed their intentions to
be invested as full pledge Scouts. I personally attest to their commitment to the Scout Ideals
and therefore recommend them to be accepted to the Scouting Movement.)

VI- DECLARATION/ACCEPTANCE – Council Scout Executive(Representative)

OPISYAL NG SCOUTING: Ako bilang kinatawan ng Scouting sa Lalawigan ng


ORIENTAL MINDORO ay tinatanggap ng buong puso ang mga batang ito sa samahan
ng scouting. Binabati ko kayo.

(By the authority vested in me by the BSP, Oriental Mindoro Council, I now officially declare
and accept the ______ Scouts of (SACRED HEART ACADEMY) as full pledge Scouts. Receive
now from your officials in the presence of your love ones (ninong/ninang/parents) the symbol of
your membership. Welcome to the Worldwide Brotherhood of Scouting.”)
SACRED HEART
SCHOOL SCOUTING ACADEMY
Gloria, Oriental Mindoro, Philippines
Tel. No. (043) 284-4226
TeleFax No. (043) 284-4226

VII- DONNING

KAB SCOUT BOY SCOUT SENIOR SCOUT

MC.: Ngayon ay dadako na po tayo sa galian o paglalagay ng alampay/


neckerchief. Ang linya ng scout na nasa harapan ay humakbang ng
______, etc. Manatiling nakatayo ng tuwid.

Tinatawagan ko ang Sponsor (Ninong/Ninang) ng mga Scout na ilagay na


po sa kanila ang mga alampay o neckerchief sa inyong inaanak na scout.
Maaari na rin pong iabot ang mga sobre sa inaanak ninyo

Pagkatapos ng galian ng alampay ay maaari na po kayong bumalik sa


dating kinauupuan.

(Pagkatapos malagyan lahat ng alampay ang mga Scouts ay anyayahan ang mga
magulang, ninong at ninang na tumayo para sa panunumpa)

MC.: Tinatawagan ko po ang ating butihing Institutional Head, Scouter


__________________________upang pangunahan ang panunumpa ng mga
magulang, ninong o ninang ng mga batang itinalaga.

INSTITUTIONAL HEAD: Mga magulang, ninong at ninang itaas po ninyo ang inyong
kanang kamay sa ayos ng panunumpa at sumabay kayo sa akin.

“ Ako’y nangangakong gagagampanan ang buong makakaya


upang akayin, subaybayan at pangalagaan ang batang ito sa
maliwanag na landas ng buhay upang lumaki sila na mabuting
mamamayan ng ating bansa. Kaya’t tulungan mo po kami Mahal na
Panginoon. Salamat po.

MC.: Maraming salamat po. Mga magulang, ninong at ninang maaari na


po kayong magsiupo.

VIII- BATCH PLEDGE

MC.: (Magsitayong muli ang mga lupon ng scouts)

Tinatawagan ko si ________________________ isa sa mga punong


gabay ng scouts upang pangunahan ang sabay-sabay na pagbigkas ng
PANATA sa Pagtatalaga.

SCOUT: Inaanyayahan ang lahat ng Scouts na tumayo nang maayos at itaas ang
kanang kamay ayon sa Tanda ng Panunumpa at sumunod sa akin.

AKO, si ________________________________, bilang scout ng SACRED HEART


ACADEMY ng Oriental Mindoro Council, Boy Scouts of the Philippines/ay nangangako/sa
ngalan ng aking dangal/na gagawin ko ang buong makakaya/upang tumupad sa pangako at
batas ng Scout/tumulong sa pagsulong ng aking Patrol at Tropa/gumawa ng kabutihan araw-
araw/at sisikapin kong mamuhay na isang tunay na scout, sa isip, sa salita at sa gawa.

Kasihan nawa ako ng Panginoon.


SACRED HEART
SCHOOL SCOUTING ACADEMY
Gloria, Oriental Mindoro, Philippines
Tel. No. (043) 284-4226
TeleFax No. (043) 284-4226

CLOSING CEREMONY

I- CLOSING REMARKS

MC.: Pinakikiusapan pong magsiupong muli ang mga scouts para pakinggan
ang panapos na pananalita ng isa sa ating Wood Badge Holder
_______________________________.

II- PANANALITA

MC.: Magsitayo po ang lahat at sabay-sabay nating awitin ang (SHA Hymn.)

Manatiling nakatayo. Tinatawagan ko si Wood Badge


Holder_______________________ para sa Scout Benediction.

III- SCOUT BENEDICTION

“May the Great Scout Masters,


of all true scouts,
be with us,
till we meet again”

CONGRATULATIONS!!!

IV- RECESSIONAL

Colors/ Guests/ Scouts with their Sponsors


SACRED HEART
SCHOOL SCOUTING ACADEMY
Gloria, Oriental Mindoro, Philippines
Tel. No. (043) 284-4226
TeleFax No. (043) 284-4226

PANATA NG KATAPATAN

AKO, si ________________________________,

bilang scout ng (SACRED HEART ACADEMY) ng

Oriental Mindoro Council, Boy Scouts of the Philippines/

ay nangangako/ sa ngalan ng aking dangal/ na gagawin

ko ang buong makakaya/ upang tumupad sa pangako

at batas ng Scout/ tumulong sa pagsulong ng aking

Patrol at Tropa/ gumawa ng kabutihan araw-araw/ at

sisikapin kong mamuhay na isang tunay na scout, sa

isip, sa salita at sa gawa.

Kasihan nawa ako ng Panginoon.

You might also like