Professional Documents
Culture Documents
LP Likas Na yAMAN2
LP Likas Na yAMAN2
LP Likas Na yAMAN2
Department of Education
Region V – Bicol
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE
Juan A. Amparo Elementary School (Sta. Cecilia ES)
Cabuluan, Sta. Elena, Camarines Norte
I. LAYUNIN
a. Nabibigyang kahulugan ang likas na yaman
b. Natutukoy at napapangkat-pangkat ang likas na yaman ayon sa uri nito
c. Naipakikita ang pagpapahalaga sa mga likas na yaman.
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati at Panalangin
2. Pagganyak
(Pagpapakita ng iba’t-ibang larawan na may kaugnayan sa tatalakayin)
Tingnan ang bawat larawan at ikonekta ang mga tuldok ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga bilang at
titik.
Anu-ano ang inyong mga naiguhit sa inyong isip? Saan matatagpuan ang mga ito? Alin sa mga larawan
ang matatagpuan natin sa mga anyong lupa? Anyong tubig?
B. Panlinang na Gawain
1
1. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin.
Punan ang tsart . Ilagay sa kahon ang nabuong mga larawan. Alin sa mga larawan ang yamang nakukuha
sa anyong lupa at anyong tubig?
3. Paglinang sa Kabihasaan
Gamit ang spinning wheel na may larawan ng mga likas na yaman, ipatukoy sa bata kung yamang lupa o
yamang tubig ang tatapatan ng arrow. Ang unang batang makasasagot ay siyang tatawag ng sunod na
sasagot.
C. Pangwakas na Gawain
1. Pagpapahalaga ng Aralin sa pang araw-araw na buhay
Anu-ano ang mga likas na yaman na mayroon sa inyong komunidad at bilang bata paano mo
ipinapakita ang pagpapahalaga dito ?
2. Paglalahat
Punan ang patlang ng tamang sagot.
3. Paglalapat
Panuto: Gumuhit sa isang malinis na papel ng isang yamang lupa at isang yamang tubig na makukuha
sa inyong komunidad. Pangalanan at kulayan ito. Ibahagi sa klase at ilarawan ang iyong iginuhit.
4. Pagtataya ng Aralin
Sagutan ang mga sumusunod na tanong gamit ang Quizziz app.
5. Takdang Aralin
Sumulat o humanap ng isang kasabihan tungkol sa pangangalaga sa mga likas na yaman ng inyong
komunidad. Gawin ito sa isang malinis na papel.
Inihanda ni :
CYRILE N. PELAGIO
Tagapayo