Minutes of Meeting

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V – Bicol
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE
Labo West District
Calabasa Integrated School
________________________________________________________________________________________________

HRPTA MEETING
SEPTEMBER 18, 2021

Sa unang pagkakataon na nagkaroon ng isang mahalagang pagpupulong ay ginanap sa silid-aralan ng


Grade V – Resilient sa ganap na ika-1 ng hapon. Bago magsimula ang nasabing pagpupulong, inihanda muna
ng adviser ang silid upang maiayus sa health and safety protocol dahil sa limitadong pagkakaroon ng physical
contact dahil sa COVID 19.

Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang patungkol sa protocols at standards na dapat sundin ng mga
mag-aaral ng Grade – V. Binanggit din sa mga magulang at guardians na kinakailangan ang mahigpit na
pagpapanukala ng health protocols tulad ng mga sumusunod:
 Boluntaryong pagpapa-bakuna,
 pagkakaroon ng distansya sa isa’t isa o social distancing; at
 paglaging pagsusuot ng face mask

Nasabi rin ng guro na kung magkaroon man ng pagkakataon na magkaroon ng face-to-face classes
ngayong school year ay kinakailangang hatiin sa dalawang set ang mag aaral ng Grade V – Resilient. Ibig
sabihin lang nito ay may mga piling mag aaral na nakatala alinman sa Set A o Set B na klase.

Matapos maging malinaw ang patungkol sa nasabing Health and Safety Protocols para sa pag-iwas sa
paglaganap ng COVID 19 sa darating na pagbubukas ng klase, pinabatid narin ng guro ang tungkol sa mga
iba pang agenda ng pagpupulang tulad ng mga prospect contestants sa darating na ESP contest pati narin
ang election ng SPG para sa SY 2021 – 2022. Dahil dito, hinikayat ng guro na magsumiti ang magulang o
guardian na nagnanais maging kandidato.

Sa pagpupulong rin na ito tinalakay at mainam na iprinoseso ang isang election para sa bagong pamunuan
ng Homeroom Parent-Teachers Association (HRPTA) 2021 – 2022. Ang ito ang nagging resulta:

President: RIO V. MORTA


Vice President: JOBERT V. FORTES
Secretary: CAROLYN D. DENUM
Treasurer: MARISSA V. OJO
Auditor: LENI S. PRIO
P.I.O.: RAMONA RODRIGUEZ at LORNA ALIMBOBOYOG
P.O.: SUSANA A. HERICO at LITO R. DIZA
Muse: VANESSA RAMOS

Natapos ang pagpupulong na ito sa ganap ng alas-2 ng hapon.

Inihanda ni: CAROLYN D. DENUM


Secretary

Inaprobahan nina:

AMELIA R. AGNO EDWIN P. MERA


Teacher Principal
Republic of the Philippines
Department of Education
Region V – Bicol
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE
Labo West District
Calabasa Integrated School
________________________________________________________________________________________________

HRPTA MEETING
DECEMBER 13, 2021

Dahil sa pagkakaroon nang pagbabago sa sistema ng edukasyon at dahil narin sa paunti-unting


pagbawas ng mga covid cases sa bansa ay pinatupad na ang pagkakaroon ng limitado at boluntaryong face-
to-face classes sa mga piling eskwelahan. Isa ang Calabasa Integrated School na pinayagan upang
magkaroon ng nasabing learning modality.

Bago magsimula ang nasabing pagpupulong, inihanda muli ng adviser ang silid upang sumunod sa
health and safety protocol dahil sa limitadong pagkakaroon ng physical contact dahil sa COVID 19.

Para sa pagsisimula ng pagpupulong, pinasalamatan muna ng guro ang mga magulang o guardian ng
mga mag aaral dahil sa pagdalo nito. Ang scheduled meeting ay ginanap sa ika-9 ng umaga sa silid-aralan ng
Grade V – Resilient.

Ang itinalakay sa pagpupulong na ito ay patungkol sa pagkakaroon ng Blended Learning. Ang modality
na ito ay magkasamang face-to-face learning modality at modular learning modality (MDL).

Nagpakita ang guro ng isang posibleng list of names kasama ang schedule para sa nasabing sistema.
Ang mga mag-aaral ng Grade V – Resilient ay nahahati sa dalawang grupo (Set A and Set B). Ang mag-aaral
na nakalista sa Set A ay para sa unang set na papasok sa unang linggo habang ang Set B naman ay ang mga
mag-aaral na magkakaroon muna ng MDL. Sa pagpalit ng linggo, ang Set B naman ang para sa face-to-face
learning modality at ang Set A naman ay ang para sa modular learning modality (MDL).

Matapos sagutin ang mga katanungan at linawin ang ilang mga aspeto ng pagpupulong, natapos ang
meeting sa ganap na ika-10 ng umaga.

Inihanda ni: CAROLYN D. DENUM


Secretary

Inaprobahan nina:

AMELIA R. AGNO EDWIN P. MERA


Teacher Principal
Republic of the Philippines
Department of Education
Region V – Bicol
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE
Labo West District
Calabasa Integrated School
________________________________________________________________________________________________

HRPTA MEETING
FEBRUARY 21, 2022

Ang scheduled meeting na ito ay ginanap sa ika-1 ng hapon sa silid-aralan ng Grade V – Resilient.
Bago magsimula ang nasabing pagpupulong, inihanda ng adviser ang silid upang sumunod sa health and
safety protocol dahil sa limitadong pagkakaroon ng physical contact dahil sa COVID 19.

Ang mga sumusunod ang naging agenda sa araw na yun:


 Agenda 1: Pagpupuna para sa 2nd Grading Period na markahan,
 Agenda 2: Pag-register sa BSP at GSP; at
 Agenda 3: Mga proyekto ng Grade V – Resilient (tulad ng halaman sa paligid, pagsasaayus ng mga
bato, pag-landscape ng harapan ng paaralan at iba pa).
 Agenda 4: YES – O at Science Project

Agenda 1: Ang pagpupuna para sa 2nd Grading Period na markahan.


Ipinaalala ni Gng. Agno sa mga magulang at guardian ang tungkol sa modules na dapat kunin
para sa mga mag aaral sa kadahilanang ang ibang magulang ay hindi na updated ang nasabing modules. Ang
nasabing modules ay ipinapadala na agad sa araw na ito upang maka-cope up ang ilang mag aaral na napag
iiwanan na sa topic.

Agenda 2: Pag-register sa BSP at GSP


Ang mga magulang o guardian na nagnanais na ipa-register ang kanilang mga mag-aaral ay
nagpalista na sa guro. Kasabay nito ay ang pag anunsyo ng mga maswerteng mag aaral na kabilang sa
libreng pag-register sa BSP at GSP.

Agenda 3: Mga proyekto ng Grade V – Resilient


a. Pagsasaayos ng bakod para sa mga halaman sa harap at paligid ng silid-aralan.
Nagpagkasunduan ng lahat na tuwing Byernes, araw kasabay ng pagkuha ng modules, ay
kinakailangang tulong-tulong sa paggagamas, pagbabakod at pagsasaayus ng paligid ng silid-
aralan.

b. Mga halaman na kailangan ng ayusin.


Ang mga halaman na patay, luma na at hindi na kaaya-ayang tignan ay maaari na silang
tanggalin at palitan ng mga bagong halaman na hindi ganoong makapal ang tubo. Sinabi ng mga
magulang na lahat ng officers ay pasisimulan na kaagad nila ang pagbunot ngayong linggo.

Minungkahi ni Gng. Rio Morta at sinang-ayunan naman ni G. Diza, na ang pagtatanggal ng mga
halaman at gagawin na agad sa araw na iyon at ito’y sinang-ayunan ng lahat ng magulang.

c. Paglalagay ng bato sa paligid.


Minungkahi din ng ilang magulang ang tungkol sa pagsasa-ayus ng mga bato sa paligid sa
kadahilanang ito’y hindi na magandang tignan, makalat at wala ng kulay. Iminungkahi ni Gng. Carol
Denum na isaayus at lagyan ng kulay ang mga bato at dagdagan din ito ng mga halaman. Ito’y
sinang-ayunan din ng lahat.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region V – Bicol
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE
Labo West District
Calabasa Integrated School
________________________________________________________________________________________________

Agenda 4: YES – O at Science Project


Bagamat hindi man magkakaroon ng District Competition ay magsasagawa parin ng isang
aktibong proyekto o Gawain-pampaaralan upang makatulong sa pagpapaganda ng paaralan.

Sa mungkahi narin ni Gng. Agno, sinabi niyang lalagyan ng halaman, pintura, at larawan o
mural painting ang bahagi ng YES – O at Science Group. Ang mungkahing ito’y pinangalawahan ni Gng.
Bagtas at sinang-ayunan ng lahat.

Nang lahat ng paksa, agenda at aspeto ng pagpupulong ay natalakay at nalinaw na, ang meeting na ito ay
natapos sa ganap na ikaw-2:30 ng hapon.

Inihanda ni: CAROLYN D. DENUM


Secretary

Inaprobahan nina:

AMELIA R. AGNO RUEL T. DOMINGUEZ


Teacher Principal
Republic of the Philippines
Department of Education
Region V – Bicol
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE
Labo West District
Calabasa Integrated School
________________________________________________________________________________________________

HRPTA MEETING
JUNE 26, 2022

Nalalapit na ang pagtatapos ng klase ngayong 2021 – 2022. Dahil dito nagpatawag ng isang
mahalagang pagpupulong si Gng. Agno para pag usapan ang tungkol sa Recognition ng 4th Grading period
para sa Grade V – Resilient students.

Ang nasabing pagpupulong at pagbibigay ng karangalan ay ginanap sa mismong silid-aralan ng Grade V –


Resilient sa ika-1 ng hapon.

Buong pusong pagbibigay ng karangalan sa mga mag aaal ay nakatanggap ng isang sertipiko upang
bigyan ng katibayan na sila ay nagtagumpay sa markahan na ito. Kita sa mga magulang at mga mag-aaral ang
galak at tuwa ng sila’y nakatanggap ng kanilang karangalan.

Matapos ang nasabing Recognition Rites ay agad din naming isinara ang nasabing Gawain. Ito ay
natapos sa ganap na ika-2 ng hapon.

Inihanda ni: CAROLYN D. DENUM


Secretary

Inaprobahan nina:

AMELIA R. AGNO RUEL T. DOMINGUEZ


Teacher Principal

You might also like