Filipino 6 Q2W8

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas 6

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V
SANGAY NG SORSOGON
DISTRITO NG IROSIN II
Irosin, Sorsogon

FILIPINO
SANAYANG PAPEL SA PAGKATUTO Kwarter 2 - Linggo 8
Pangalan ng Mag-aaral: ______________________________________________________________________
Baytang/Seksiyon: Petsa: _________________________

I. PANIMULANG KONSEPTO

Sa tuwing nangangalap tayo ng mga datos mula sa ating nababasa, importanteng


maisa-isa at maitala natin ang mga mahahalagang impormasyon para mayroon
tayong basehan. Ang mga impormasyon o datos na ito ay magagamit natin sa
pagsulat halimbawa ng liham. Sa araling ito, matututuhan mo ang iba’t ibang uri ng
sulatin at ang mga panuntunan na dapat isaalang-alang upang makarating sa tamang
tao ang mensahe na nais nating maiparating.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO


 Nakapagtatala ng datos mula sa binasang teksto. F6SS-IIb-10
 Nakasusulat ng sulating di pormal, pormal, liham pangangalakal at panuto.
F6WC-IIf-2.9; F6WC-IIg-2.10; F6WC-IIh-2.3; F6WC-IIi-2.11

III. MGA GAWAIN


A. Pagbalik-aralan Mo
Panuto: Punan ang patlang ng angkop na pang-uri o pang-abay upang mabuo
ang ideya ng bawat pangungusap sa bawat bilang.
1. Nagising si Aling Cora nang ____________________ upang maghanda ng almusal.
2. Binisita niya ang kaniyang mga ______________________ pananim sa hardin.
3. __________________ niyang dinidiligan ang kanyang mga halaman upang hindi
mamatay.
4. Ang mga inaning gulay ni Mang Kiko ay ________________ na nabili sa pamilihan
kaya nakauwi siya nang maaga.
5. Ang mga ___________________ na bulaklak sa hardin ay inaalagang mabuti ni Elsa.

B. Pag-aralan Mo
Basahin at unawain:

 Di- Pormal na Sulatin- may kalayaan ang manunulat na talakayin ang


paksang kanyang naisin.

1
Sa sulating di-pormal, ang paksa ay personal, magaan, at payak. Madali at
hindi gaanong malalim ang mga salitang ginagamit. Parang nakikipag-usap
lamang sa bumabasa ang paraan ng paglalahad. Isa sa di-pormal na sulatin ang
pagsulat ng liham pangkaibigan at mga uri nito. Sa pagsulat ng anumang
sulatin o liham, kailangang isaalang-alang ang sumusunod:

1. Unawaing mabuti ang panuto


2. Organisasyon o pagkakaugnay-ugnay ng mga ilalahad na ideya
3. Magandang simula at wakas
4. Kaisahan ng mga ideya
5. Wastong gamit ng mga mekaniks (bantas, palugit, baybay)

Halimbawa ng sulating di-pormal: liham pangkaibigan

Malapit na ang araw ng pagtatapos ng 14 na araw sa pag-quarantine ni


Annie. Sumulat si Claire upang magpasalamat sa natanggap niyang order na
bulaklak na ginamit sa kaniyang sorpresa. Narito ang kanyang liham.

Purok 1, San Isidro,


Pamuhatan Irosin, Sorsogon
Ika- 11 ng Hulyo, 2021

Mahal kong kaibigan, Bating Panimula

Maraming salamat sa iyong ibinigay na mga bulaklak. Tunay na


Katawan ng Liham

nagpasaya ito sa aking kaaarawan. Napakaganda ng 2 dosenang puting


rosas at 2 basket na may dekorasyong bulaklak.

Kahit hindi ka man personal na nakadalo, ay aking nadama ang


iyong pagkamaalalahanin at pagpapahalaga sa akin bilang iyong matalik
na kaibigan. Sana dumating ang araw na mag-bonding naman tayo nang
masuklian ko ang kabutihan mo.

Bating Pangwakas
Ang iyong kaibigan,
Lagda Claire Cruz

 Pormal na Sulatin- may kalaliman ang paksa. Ang mga salita ay pinipili at
masining ang pagpapahayag

2
Sa sulating pormal, iniiiwasan ang paggamit at pagdadaglat at
pinaikling salita. Isinusulat nang buo ang mga salita. Iniiwasan din ang
paggamit ng mga salitang palasak. Pormal na sulatin ang pagsulat ng Liham
Pangangalakal at mga uri nito. Sa pagsulat ng anumang sulatin o liham
kailangang isaalang-alang ang sumusunod:
1. Unawaing mabuti ang panuto at tandaan ang bahagi ng liham
2. Organisasyon o pagkakaugnay-ugnay ng mga ilalahad na ideya
3. Magandang simula at wakas
4. Kaisahan ng mga ideya o nilalaman
5. Wastong gamit ng mga mekaniks (bantas, margin, baybay)

> Ang halimbawa ng pormal na sulatin ay liham pangangalakal

 Liham na Pangangalakal- isinusulat kung nais umorder ng mga


bagay na gagamitin o ititinda, humihingi ng tulong, nag-aaplay ng
trabaho o nagtatanong at iba pa sa anyong pormal. Ito rin ay
ginagamit sa pormal na pakikipag-ugnayan sa isang tanggapan.

285 kalye Perez


Pamuhatan Malibay, Lungsod ng Pasay
Ika-20 ng Oktubre, 2021

Roberto S. Sebastian
BEA Laboratories, Inc. Patunguhan
63 Congressional Avenue
Green Hills, Lungsod Quezon

Ginoong Sebastian: Bating Pambungad

Nabasa ko po ang inyong patalastas sa pahayagan na


nangangailangan kayo ng utility boy na magdadala ng inyong mga
produkto. Nais ko pong mag-apply sa posisyong ito ngayong
Nilalaman

bakasyon. Malaking tulong po sa akin kung tatanggapin ninyo ako sa


trabahong ito. Anumang oras ay handa po akong makipagkita sa
inyo para sa interbyu.
Kalakip po nito ang aking biodata. Inaasahan ko po ang
inyong pagtugon.
Bating Pangwakas
RSantiago
Lagda Lubos na gumagalang,

Rodel Santiago

3
C. Pagsanayan Mo
Panuto: Isaayos nang mabuti ang liham ayon sa wastong pagkasunod-sunod ng
bahagi nito.

1. Mahal kong kaibigan,


2. Brgy. Talipapa
Quezon City
Marso 10, 2021
3. Ang iyong kaibigan,
4. Carmela
5. Sa darating na Marso 22, 2021 ay magkakaroon ng kaunting salo- salo na
gaganapin dito sa aming tahanan. Ito ay sa ganap na ika-3 ng hapon. Ang
lahat ng ating mga kaibigan ay nagpasabing makararating para sa okasyong
ito. Ito ay bilang pasasalamat sa ika-100 kaarawan ng aking lolo. Umaasa ako
na darating ka sa araw na nabanggit.

___________________________________
__________________________________

_________________________________________

_______________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

_________________________________
_________________________________

D. Tandaan Mo

Ang Di- Pormal na sulatin ay may malayang paksa. Ang manunulat ay may
kalayaang talakayin ang paksang kanyang naisin. Ang halimbawa nito ay ang
liham pangkaibigan. Samantala, ang Pormal na sulatin naman ay may
kalaliman ang paksa. Ang mga salita ay pinipili at masining ang pagpapahayag.
Ang halimbawa nito ay liham pangangalakal.

4
E. Gawin Mo
Panuto: Isaayos ang liham pangangalakal ayon sa wastong pagkakasunod-sunod ng
mga bahagi nito. Gumamit ng wastong bantas. Isulat ito sa isang buong papel.

1. 366 Daang Mabini


Marikina, Metro Manila
Ika- 30 ng Hunyo, 2021

2. Lubos na gumagalang,
Maria Fe Reyes

3. Lino S. Romualdez
DANE Publishing House, Inc.
203 Mindanao Avenue Extension
Project 8, Quezon City

4. Ginoong Romualdez:

5. Nabasa ko po sa pahayagan na nangangailanagn kayo ng isang ilustrador ng


magasin sa inyong tanggapan. Nais ko pong mag-aplay sa posisyong ito.
Mahilig po ako sa pagguhit. Marami na po akong mga iginuhit na nanalo sa mga
paligsahan sa aming paaralan. Kung inyong mamarapatin, nais ko pong
makipagkita sa inyo para sa interbyu at upang ipakita ang mga ginawa ko. Sana
po ay mabigyan ninyo ako ng pagkakataong makapagtrabaho ngayong
bakasyon upang makatulong naman po ako sa aking mga magulang.

6. Lubos po akong umaasa sa inyong pagsagot.

F. Pagtataya
Panuto: Ngayong alam mo na ang pagkakaiba ng sulating pormal at di-pormal,
gumawa o sumulat ng isang liham pangkaibigan o liham pangangalakal ayon sa
iyong nais. Gawin ito sa isang buong papel. Sundin ang mga panuntunan /
pamantayan sa pagsulat ng liham. (Gumamit ng rubriks)

IV. RUBRIK SA PAGPUPUNTOS


Rubrik sa pagmamarka ng liham

Pamantayan sa Pagmamarka 1 2 3 4 5
Nasa tamang ayos ang bawat bahagi ng liham.
Nakasunod sa tamang paggamit ng margin
Malinis ang pagkakasulat at pagkakabaybay
Tama ang mga bantas na ginamit
Ang nilalaman ng liham ay angkop/ naaayon sa uri nito.
Kabuoang Puntos
5 – Napakahusay 3 - Papaunlad 1 – Nangangailangan ng Gabay
4 – Mahusay 2 - Magsanay pa

5
V. SUSI SA PAGWAWASTO

A. Pagbalik-Aralan Mo:
(mga posibleng sagot)
1. maaga
2. berdeng/ sariwang
3. Palagi/ Araw-araw
4. agad/ mabilis
5. makukulay

VI. SANGGUNIAN
K-to-12-MELCS-with-CG-Codes
RO V Filipino 6: Kwarter 2 – Modyul 1: Pagyamanin ang Isip,
Aralin 2: Itala Mo! (pp. 16-27)
RO V Filipino 6: Kwarter 2 – Modyul 8: Tayo nang Magsulat!

Inihanda ni:

ROSAMY G. GUELAS, T-I


Manunulat
San Isidro Elementary School

Sinuri at Tiniyak ang Kalidad nina:

Sinuri at Tiniyak ang Kalidad:

MARJORIE M. DERI, MT-I MARLENE B. PANTUA, T-III


Monbon Elementary School Omagom Elementary School
Kasapi Kasapi

LOURDES LU-MARCHAN, T-III


Salvacion Elementary School
Koordineytor sa Filipino
Kasapi

EJENO B. FORNELOS, HT-I MARIVIC J. GRAGAS, P-I


Omagom Elementary School Salvacion Elementary School
Pangalawang Tagapangulo Tagapangulo

LINY B. GREFAL, Ph.D.


OIC-Tagamasid Pandistrito

You might also like