Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

NAPAPANAHONG ISYU SA DAIGDIG

para sa antas Sekondarya

1
PAUNANG SALITA

Ang modyul na ito ay para sa mga mag-aaral sa Alternative


Learning System (ALS). Sa pamamagitan nito, mabibigyan ang
mga mag-aaral ng mga kagamitan na mapag-aaralan nila sa kani-
kanilang tahanan.
Tinalakay sa modyul na ito ang mga impormasyon tungkol sa
mga maiinit at napapanahong mga isyu ng ating lipunan. Dito ay
malalaman ng mga mag-aaral ang mga kadahilanan, mga
masasamang epekto at mga posibleng solusyun sa mga
napapanahong mga isyu sa lipunan.
Sana ay makakatulong ang modyul na ito sa mga mag-aaral
na gustong mag-aral sa kabila ng krisis na kinakaharap natin sa
ngayon.

2
Layunin

1. Nakapagpapaliwanag sa mga sitwasyong nakikita sa


larawan.
2. Nakaguguhit ng isang larawan batay sa ibinigay na sitwasyon.
3. Naiuugnay sa tunay na buhay ang isyung naisusulat.

Learning Competency

Naisusulat ang mga impormasyon tungkol sa isa sa


napapanahong mga isyung pandaigdig.
LS1CS/FIL-PU-PPA-ASMB/ASMT-25

3
I. ANO ANG NANGYARI?

A. Alamin Mo
Panuto: Punan ang patlang na tumutukoy sa paksa at ipaliwanag ang
epekto ng mga nakikitang sitwasyon sa larawan.

(Paksa at paliwanag)

(Paksa at paliwanag)

(Paksa at paliwanag)

4
B. Iguhit Mo

Panuto: Mag-isip ng isa sa pinakamalaking pagsubok o suliranin na


hinaharap ngayon ang ating daigdig, iguhit ang iyong kaisipan
tungkol dito. Maari ring gumawa ng isang poster tungkol sa iyong
kaisipan. Isulat ang sagot sa isang buong maikling “bond paper”.

5
PAMANTAYAN SA PAGGUHIT

Nangangaila-
PAMANTAYAN Napakagaling Magaling Katamtaman ngan ng
(Kabuuan 30 (10) (8) (6) pagsasanay
Puntos) (4)
Isyung Napakalalim at Malalim at Bahagyang Mababaw at
Pandaigdig makahulugan makahulugan may lalim ang literal ang
(10) ang kabuuan ng ang kabuuan ng kabuuan ng kabuuan ng
guhit guhit guhit. guhit.
Gumamit ng Gumamit ng
pahiwatig na ilang Gumamit ng 1- Wala ni isang
nakapagpaisip pahiwatig na 2 pahiwatig na pagtatangkang
Kalinawan ng ng piling-piling bahagyang nakalito sa ginawa upang
Mensahe ng mga imahe ng nakapagpaisip isyung makagamit ng
Guhit larawan ng ng piling-piling pandaigdig. pahiwatig ng
(10) isyung mga imahe ng isyung
pandaigdig. larawan ng pandaigdig.
isyung
pandaigdig.
May
Gumamit ng Gumamit ng pagtatangkang Walang
Pagkakabuo napakahusay at mahusay at may gumamit ng pagtatangkang
ng Imahe/ angkop na kulay angkop na kulay angkop na gumamit ng
Larawan ng imahe / ng imahe / kulay ng angkop na
(10) larawan. larawan. imahe/ kulay ng
larawan. imahe/ larawan.

6
C. Pagtambalin Mo

Panuto: Isulat sa ibaba na bahagi ng isda ang mga dahilan o sanhi at

sa itaas na bahagi ng isda ang bunga ng isyu o suliraning

kinakaharap ngayon ng ating daigdig na iyong iginuhit sa Gawain B.

BUNGA

SANHI 0

DAHILAN

II. ANO ANG DAPAT MALAMAN?

7
Talakayin natin ang isyu ng daigdig, subalit balikan muna natin kung
ano nga ba ang kahulugan ng isyu?

Ang kahulugan ng isyu ay usapin, argumento, o mga paksa o usapin na


kailangang pagtuunan ng pansin para maresolba o masolusyonan.
Tumutukoy din ito sa mga pangyayaring nagaganap ngayon na halos ay
pinag-uusapan ng lahat o napapansin ng nakararami.

III. ANO ANG NATUTUNAN?

Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay na pinamagatang


“Kahirapan”.

KAHIRAPAN

Iba’t-ibang isyu ang kinakaharap ng ating lipunan kung kayat


kaming mga kabataan ay dapat may sapat na kaalaman tungkol dito upang
hindi na madagdagan ang mga isyung ito.

Sa lahat ng isyung kinakaharap ng ating lipunan isa rito ay nakaagaw


ng aking pansin, ang kahirapan.

Kahirapan ang kadalasang napag-uusapang isyu ng lipunan. Dahil sa


isyung ito maraming tao ang naapektuhan at nakagagawa ng kasalanan,
kumakapit sa patalim kung baga.

Maraming kabataan ang walang natutunan dahil hindi nakapag-aral


bunsod na dalang kahirapan, walang perang panggastos ang kanilang mga
magulang sa kanilang pag-aaral.

Sa halip ang mga kabataang ito’y natututong magtrabaho kahit wala


pa sa tamang edad, natututong magnakaw, gumamit ng droga, mamalimos
sa lansangan, magsugal at iba pang hindi kaaya-ayang gawain.

8
Ang mga gawaing ito ay hindi nararapat na magpatuloy pa sapagka’t
ito ay nakakadagdag ng mga suliranin at nagiging panibagong isyu na
naman sa lipunan.

Sa aking palagay ito ay masusulusyunan kung mabibigyang pansin


ang pagkakaroon ng libreng edukasyon ang ating bansa at ang mga
magulang na walang trabaho ay mabigbigyan ng pagkakataon na
makapagtrabaho upang magkaroon na sila ng puhunan na magagamit nila
sa pang araw-araw na gastusin at sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

Sa tingin ko’y isang malaking tulong na ang mga kabataan ay makapag


aral upang magkaroon ng kaalaman kung ano ang tama at mali; at nang
mababawasan ang mga isyu sa lipunan.

Bilang isang mag-aaral na gustong makatulong sa lipunan kahit sa


simpleng paraan lamang, hinihikayat ko ang aking mga kapwa kabataan na
mag-aral ng mabuti.

Ang edukasyon ay isang kayamanan na hindi kalian man mananakaw


sa atin kaya atin itong pahalagahan dahil ito’y makapagbibigay sa atin ng
susi ng ating kinabukasan upang makamit natin ang tagumpay.

Dapat tayo ay determinado, may tiwala sa sarili sa bawat gagawin at


manalig sa Panginoon at humingi ng gabay.

Gawain A:

Panuto: Sagutin ang mga gabay na tanong at isulat ito sa sagutang

papel.

1. Anong napapanahong isyung panlipunan ang binigyan ng diin sa


sanaysay?
2. Base sa iyong opinyon, magbigay ng tatlong (3) dahilan ng
kahirapan?
3. Ano-ano ang mga masasamang epekto ng kahirapan sa mga
kabataan na binaggit sa sanaysay?
4. Magbigay ng mga posibleng solusyon ng kahirapan na binanggit sa
sanaysay?
9
5. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng pangungusap sa sanaysay na: “Ang
edukasyon ay isang kayamanan na hindi kalian man mananakaw
sa atin” at paano mo ito maiiugnay sa iyong buhay?
Gawain B. Punan ang Talahanayan

Panuto: Mag-isip ng tatlo (3) pang maiinit na isyu na kinakaharap ngayon ng ating
bansa/daigdig na hindi nabanggit sa modyul na ito. Isulat sa talahanayan
ang sanhi, bunga at posibleng solusyon nito
Isyu Sanhi Bunga Solusyon
1.

2.

3.

BATAYAN SA PAGWAWASTO

ANO ANG NANGYARI

A. Alamin Mo

1.Droga- Isa sa pinakamalaking suliranin na kinakaharap ng ating


bansa/daigdig
2. Corona Virus Disease- Isang uri ng sakit kung saan maari nating makuha
sa ibang tao na naging positibo o sa simpleng paghawak sa mga bagay na
nahawakan ng isang taong positibo ng COVID-19
3. Digmaan- Resulta ng hindi pagkakaunawaan ng pananaw, prensipyo at
hidwaan ng magka-ibnag pangkat.

B. Iguhit Mo Maaaring magkaiba ang iginuhit.

10
C. Pagtambalin Mo

Maaaring magkaiba ang kasagutan depende sa iginuhit sa itaas

ANO ANG NATUTUNAN ?

Gawain A.

1. Kahirapan

2. Kawalan ng trabaho; Kawalan ng sapat na edukasyon o kaalaman;

Korapsiyon

3. Magnakaw; Gumamit ng Droga; Mamalimos at magsugal

4. Libreng Edukasyon; Pagbibigay ng pagkakataon sa mga magulang na


mabigyan ng ttrabaho upang magkaroon ng puhunan pang tustos sa araw-
araw na gastusin.

5. Ang ibig sabihin nito ay kung ano man ang iyong natutunan ay walang
sinuman ang pwedeng kumuha , bumawi o magnakaw sa iyo. Ito ay
magsisilbing sandata sa pakikipaglaban sa araw-araw na buhay. Maiuugnay ko
ito sa aking buhay gaya ng aking kalagayanngayon, Malaki ang aking
paniniwala na sa pamamagitan ng pag-aaral ay maiaahon ko ang aming buhay
sa kahirapan.

Gawain B.

Punan ang Talahanayan

1. Isyu: Maagang Pagbubuntis


Sanhi: Kawalan ng gabay ng magulang
Bunga: Kahirapan/Aborsiyon
Solusyon: Sapat na patnubay ng magulang at pamilya

2. Isyu: Pagpapakasal ng magkaparehong kasarian

11
Sanhi: Impluwensiya ng medya at kultura ng ibang bansa
Bunga: Hiwalayan/ Pagkasira ng relasyon sa pamilya
Solusyon: Sapat na kaalaman tungkol sa pamilya
Pag-alam sa salita ng Diyos

3. Isyu:Pagsusulong ng Diborsiyo nag awing legal


Sanhi: Impluwensiya ng kulturang banyaga at ng medya
Bunga: Pagdami ng bilang ng mga wasak na pamilya
Pagkawala ng galang sa pagiging banal ng kasal
Solusyon: Kilalaning mabuti ang taong iyong pakakasalan upang hindi

mauwi sa hiwalayan at diborsiyo.

12
PASASALAMAT

Kagawaran ng Edukasyon, Dibisyon ng Negros Oriental


SENEN PRISCILLO P. PAULIN, CESO V
Tagapamanihala ng Sangay
ADOLF P. AGUILAR
Pangalawang Tagapamanihala ng Sangay
FAY C. LUAREZ, PhD,EdD, TM
Pangalawang Tagapamanihala ng Sangay
NILITA L. RAGAY, EdD
Pangalawang Tagapamanihala ng Sangay
FAY C. LUAREZ, EdD,PhD, TM
OIC - CID Chief / Pangalawang Tagapamanihala ng Sangay
RACHEL B. PICARDAL, EdD
SGOD Chief
DONRE B. MIRA,EdD
Education Program Supervisor in ESP, ALS
JOY EMILY A. TANIO
Education Program Specialist in ALS
Tagamasid
FRANCIS C. AUSTERO
Education Program Specialist in ALS
KARL CREDO, EdD
Education Program Specialist in ALS
NORLITA NEMENZO, EdD
Education Program Specialist in ALS
ARLENE A. PEPITO
Education Program Specialist in ALS
RAMEL JANN A. ANFONE
Manunulat

Mga Kasamahan sa Pangkat Filipino


RESHEL B. YBARSABAL
MIZPAH ABDULLA
AIFRED LYN D. EYAS
FATIMA I. DEGUIT
RANDY D. TEVES
GERSON GAMORA
MARIO KITANE
RAMIL DAGOHOY

13
Synopsis
Ang Self Learning Kit na ito ay nakakatulong sa mga mag-aaral upang malinang ang
kanilang kaalaman sa pag-intindi sa kanilang binabasa o Comprehension Skills.

Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga talumpati tungkol sa mga napapanahon at maiinit


na isyu na hinaharap ngayon ng ating daigdig ay hindi lamang napapahalagahan ang ating kultura
bilang isang Pilipino kundi nag-iiwan din ito ng magandang-aral na magagamit ng mga
mambabasa sa kanilang pang-araw araw na pamumuhay.

May-akda

Nagtapos ng Elementarya sa Mabinay Central School at Sekundarya sa Mabinay National High


School. Natapos niya ang kursong Bachelor of Secondary Education major in Social Science sa
Negros Oriental State University, Dumaguete City. Siya ay nagtamo ng National Certificate
(NCII) sa Welding at Driving.

14

You might also like