Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Pagsambang Pansambahayan

Miyerkules/Huwebes: Abril 14/15, 2021

DAPAT NATING PAKINABANGAN ANG BIYAYANG DULOT NG


ATING KAHALALAN LALO NA SA PANAHONG MALAPIT NA TAYO
SA HANGGANAN NG PAGLALAKBAY

Nasasaksihan at nararanasan natin na ang kalagayan ng buhay sa


mundo ngayon ay papahirap nang papahirap. Maraming nagba-
bantang panganib bunga ng paglaganap ng kriminalidad,
kasamaan, at ng mga kaguluhan. Idagdag pa ang mga panganib na
dulot ng mga di-pangkaraniwang kalamidad at mga sakit na
lumalaganap. Bumabagsak ang ekonomiya ng mga bansa at
marami ang nawawalan ng hanapbuhay. Kaya, ang maraming tao
sa mundo ay halos nakasentro na lamang ang pananaw sa kung
paano nila malalampasan, kung hindi man tuluyang malulunasan,
ang mga problemang kanilang pinagdaraanan.

Bagama’t hinaharap din nating mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ang


mga problemang ito at sinisikap nating makatawid sa araw-araw,
ngunit may higit tayong dapat harapin at pagtuunan ng pansin.
May kaugnayan ito sa panawagan o ipinasasabi ng Diyos sa atin
tungkol sa kalagayan ngayon ng mundo.

Ayon sa hula o paunang pahayag ng Panginoong Diyos sa Isaias


62:11-12, “Ang Panginoon ay nagtanyag hanggang sa wakas ng
lupa.” Samakatuwid, tumutukoy ito sa gawain ng Diyos na aabutan
na ng wakas o ang Kaniyang gawain sa mga wakas ng lupa. Batay
sa marami na nating pag-aaral, ang mga wakas ng lupa ay
panahong malapit na ang Ikalawang Pagparito ng ating Panginoong
Jesucristo o ang Araw ng Paghuhukom. Ito ay nagsimula noong
sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig noong 1914, kasabay ng
pagkakatatag ng Iglesia Ni Cristo sa Pilipinas.

Maliwanag ang panawagan o ipinasasabi ng Diyos sa mga taga-


wakas ng lupa: “Inyong sabihin sa anak na babae ng Sion, Narito,
ang iyong kaligtasan ay dumarating; narito, ang Kaniyang
kagantihan ay nasa Kaniya, at ang Kaniyang ganti ay nasa harap
Niya.” Ang tinutukoy sa hula na “anak na babae ng Sion” na ang
kanilang kaligtasan ay dumarating ay ang “tinubos ng Panginoon” o
ang Iglesia Ni Cristo, ayon sa Gawa 20:28 ( ). Subalit,
Pagsambang Pansambahayan
Miyerkules/Huwebes: Abril 14/15, 2021
pahina 2

ang tinutukoy sa hula na “anak na babae ng Sion” ay hindi ang


Iglesia Ni Cristo noong unang siglo sapagkat ang panahon ng
hinuhulaan ay sa mga wakas ng lupa o panahong malapit na ang
Araw ng Paghuhukom. Kaya, natitiyak nating ang tinutukoy sa
hula ay ang Iglesia Ni Cristo sa mga huling araw na ating
kinaaaniban.

Lagi nating tandaan ang ipinasasabi sa atin ng Diyos: ang ating


kaligtasan ay dumarating. Napakalapit na ng araw ng ating
kaligtasan.

Ipinagpauna ng ating Panginoong Jesucristo ang mga pangyayaring


magaganap kapag malapit na ang Kaniyang Ikalawang Pagparito o
ang Araw ng Paghuhukom. Binanggit Niya sa Mateo 24:6-8 (
) ang mga digmaan at paglalabanan ng mga bansa laban
sa ibang mga bansa, mga pagkakagutom, mga epidemya ng mga
sakit, at mga paglindol sa iba't ibang dako. Nangyari na at patuloy
pang nangyayari ang mga ito ngayon sa mundo.

Kaya tayo hinihikayat ng Pamamahala na magpakasigla, mamuhay


nang matuwid, magtalaga sa mga gawain, at ipakipaglaban ang
ating pananampalataya, ay sapagkat napakalapit na nating
tamuhin ang kaligtasan. Pagtapatan natin ang ating kahalalan
anuman ang ating masagupa, upang lubos natin itong
pakinabangan.

Ipinagpauna rin ng mga apostol na kapag malapit na ang wakas ay


“magiging napakahirap maging Cristiano,”* ayon sa Ikalawang
Timoteo 3:1 ( ). Kaya hindi na natin ipinagtataka ang
mga nararanasan nating matitinding pagsubok at kapighatian,
sapagkat ipinagpauna na ito sa Biblia. Subalit, mayroon tayong
dapat tanawin o asahan—ang mga biyayang darating sa atin. Tulad
ng isang kasali sa takbuhan—maaaring sa kaniyang pagtakbo ay
pagod na ang kaniyang katawan ngunit, kapag natanaw na niya
ang ay nagkakaroon siya ng panibagong sigla at lakas
para ibuhos ang buo niyang makakaya upang matapos ang
kaniyang takbuhin.
Pagsambang Pansambahayan
Miyerkules/Huwebes: Abril 14/15, 2021
pahina 3

Kung nagdaranas tayo ng matitinding suliranin at kagipitan, ay


alalahanin natin ang ipinasasabi ng Panginoong Diyos kaugnay ng
ating kahalalan. Batay sa Isaias 62:12, tayong mga tinubos ang
“Bayang hindi pinabayaan.” Lubos natin itong mapananaligan
sapagkat pangako ito ng Diyos, ayon sa Unang Samuel 12:22
( )

Sa hula sa Isaias 41:17 ( ), nangako rin Siya na “Pag ang Aking


baya'y inabot ng matinding uhaw, na halos matuyo ang kanilang
lalamunan, Akong [Panginoon] ang gagawa ng paraan; Akong Diyos
ng Israel ay di magpapabaya.”

Dahil dito, sundin natin ang panawagan ng Diyos sa atin sa Isaias


45:22 na tumingin tayo sa Kaniya. Niliwanag sa Mikas 7:7-8
( ) na ang ibig sabihing tumingin tayo sa Diyos
ay sa Kaniya tayo magtiwala at umasa:

Subalit para sa akin, titingin akong may paghihintay sa PANGINOON


at may pagtitiwalang mag-aabang sa Kaniya; Maghihintay ako [na
may tiwalang pag-asa] sa Diyos ng aking kaligtasan. Diringgin ako ng
aking Diyos. Huwag kang magdiwang tungkol sa akin [sa gitna ng
aking mga trahedya], O aking kaaway! Bagama’t ako ay mabuwal,
babangon ako; bagaman maupo ako sa kadiliman [ng pagka-
bagabag], ang PANGINOON ay ilaw para sa akin.*

Maipakikita natin ang ating pagtitiwala at pag-asa sa Diyos sa


pamamagitan ng pananalangin, batay sa Panaghoy 3:28-29 at 26
( ). Kaya, napakahalaga ng pananalangin. Ito’y
karapatan natin na dulot ng ating kahalalan. Dapat natin itong
lubos na pakinabangan. Bawat sambahayan, sa pangunguna ng
mga magulang, ay dapat panayang nakapagsasagawa ng
pagpapanata at pananalangin sa Panginoong Diyos. Kapag
dumarating sa atin ang mabibigat na suliranin, sa halip na kung
kani-kanino tayo tumakbo ay sa Diyos tayo unang lumapit at
humingi ng tulong. At buong tiyaga tayong maghintay sa Kaniyang
pagsaklolo.

Ipanalangin natin sa Panginoong Diyos ngayon ang gaya ng


nakasulat sa Awit 86:1-4 at 6-8 ( ):
Pagsambang Pansambahayan
Miyerkules/Huwebes: Abril 14/15, 2021
pahina 4

PANGINOON, dinggin n’yo at sagutin ang aking panalangin sapagkat


ako’y naghihirap at nangangailangan. Ingatan n’yo ang buhay ko dahil
ako’y tapat sa inyo. Kayo ang aking Dios, iligtas n’yo ang inyong
lingkod na nagtitiwala sa inyo. Panginoon, maawa kayo sa akin dahil
buong araw akong tumatawag sa inyo. Bigyan n’yo ng kagalakan ang
inyong lingkod, Panginoon, dahil sa iyo ako nananalangin. …
Pakinggan n’yo ang aking dalangin, PANGINOON. Ang pagsusumamo
ko’y inyong dinggin. Tumatawag ako sa inyo sa oras ng kagipitan dahil
sinasagot n’yo ako. Walang dios na katulad n’yo, Panginoon, walang
sinumang makakagawa ng mga ginagawa ninyo.

Napakalapit na natin sa hangganan ng ating paglalakbay. Bagama’t


papahirap nang papahirap ang pagdadala ng buhay, ngunit hindi
tayo dapat mawalan ng pag-asa o abutin man ng panghihina.
Mamalagi tayong matatag na nanghahawak sa ating kahalalan
sapagkat anuman ang mangyari ay hindi tayo pababayaan ng
Panginoong Diyos.

Bilang Kaniyang bayan ngayon, magtiwala tayo sa Kaniya upang


pakinabangan natin ang ating kahalalan sa buhay pa lamang na ito
at, higit sa lahat, sa nalalapit nating kaligtasan.

PAGSAMBANG PANSAMBAHAYAN
BATAY SA LEKSIYONG BINALANGKAS
NI KAPATID NA ERAÑO S. CODERA
MIYERKULES/HUWEBES: ABRIL 14/15, 2021
__________________________

You might also like