Filipino

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

Filipino 9

1
Filipino – Ika-siyam na Baitang
Ika-apat na Markahan – Modyul 15: Iba't ibang Paraan ng Pagbibigay Pahiwatig sa
Kahulugan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Bulaklak P. Gordon, Christiel D. San Juan, Dianne N. Sanchez
at Emmarose D. Victorio
Editor: Jay-Ar Montecer at Imelda Tuano
Tagasuri: Bulaklak P. Gordon at Cindy C. Macaso
Tagaguhit: Jonathan F. Buctuan
Tagalapat: Dianne N. Sanchez
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P.
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ngTagulao EdD– (Mathematics/ABM)
Edukasyon Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 9
Ika-apat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Iba't ibang Paraan ng Pagbibigay
Pahiwatig sa Kahulugan
Modyul 15

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 9 ng Modyul 15 para sa
araling Iba't ibang Paraan ng Pagbibigay Pahiwatig sa Kahulugan!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 9 Modyul 15 ukol sa Iba't ibang Paraan


ng Pagbibigay Pahiwatig sa Kahulugan!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang


sumusunod:
KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
• Naipaliliwanag ang iba't ibang paraan ng pagbibigay pahiwatig sa
kahulugan.

MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO:


• Nalalaman ang iba’t ibang paraan ng pagbibigay pahiwatig sa
kahulugan.
• Natutukoy ang kahulugan ng mga pahiwatig na salita.
• Nagagamit ang iba’t ibang paraan ng pagbibigay pahiwatig sa
kahulugan.

Bago tayo magsimula sa panibagong aralin, subukin muna natin ang


abot ng iyong kaalaman tungkol sa paksang tatalakayin sa
pamamagitan ng pagsagot sa maikling pagsusulit na ito.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang letra ng tamang
sagot.

1. Ito ay pag-aayos ng kahulugan ng salita ayon sa intensidad o tindi ng


kahulugang nais ipahiwatig.
a. talinghaga
b. denotasyon
c. clining
d. contextual clue

2. Ito ay mga pahayag na di-tuwirang nagbibigay ng kahulugan.


a. talinghaga
b. denotasyon
c. clining
d. contextual clue

6
3. Ito’y karaniwang kahulugan mula sa diksiyonaryo o salitang
ginagamit sa pinakakaraniwan at simpleng pahayag.
a. talinghaga
b. denotasyon
c. clining
d. contextual clue

4. Ang kahulugan ng salita ay mauunawaan ayon sa pagkakagamit sa


pangungusap.
a. talinghaga
b. denotasyon
c. clining
d. contextual clue

5. Ang matalinghagang pahayag ay mga salitang may kahulugang taglay


na naiiba sa karaniwan.
a. talinghaga
b. denotasyon
c. clining
d. contextual clue

BALIK-ARAL

Panuto: Kilalanin kung sino ang tinutukoy sa bawat bilang. Kunin ang
tamang sagot sa kahon sa ibaba.

a. mga guwardiya sibil d. Kapitan Pablo


b. sawimpalad e. Crisostomo Ibarra
c. Elias f. Alperes

___________1. Siya ang kinausap ni Elias upang iparating ang karaingan ng


mga pinag-uusig.
___________ 2. Siya ay hindi nagaksaya ng panahon na sabihin kaagad kay
Ibarra ang kanyang pakay.
____________3. Sila ay sumusugpo ng kasamaan sa pamamagitan ng
pananakot, paggawa ng marahas at walang habas na paggamit
ng lakas.
____________4. Sila ay humihingi ng makaamang pagtangkilik sa pamahalaan
tulad ng pagbabago mga kawal, sandatahan, mga prayle at
ang makatarungang pagtupad sa batas.
____________5. Siya ay nangusap at sinabi na ang mabuting gawa alang –alang
sa kapwa ay hindi naghihintay ng anumang kapalit.

7
ARALIN

Natalakay na natin ang buhay ng Elias at ng kanyang mga nuno


pati na rin ang mahahalagang pangyayari sa buhay ni Elias sa Noli
Me Tangere. Ngayon naman ay alamin natin ang iba’t ibang paraan ng
pagkilala sa kahulugan ng salita.

Iba't ibang Paraan ng Pagbibigay Pahiwatig sa Kahulugan


Bukod sa pagbibigay ng kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan
ay may iba pang paraan upang makilala ang kahulugan ng salita. Ito ay
mabisang paraan upang mapalawak ang talasalitan ng isang mambabasa,
tagapanood, o tagapakinig.

Ang kahulugan ng mga salita ay makikila ayon sa:

1. Talinghaga at Idyoma

Ang matalinghagang pahayag ay mga salitang may kahulugang taglay na


naiiba sa karaniwan. Ito ay mga pahayag na di-tuwirang nagbibigay ng
kahulugan. Karaniwang hinango ang kahulugan nito sa karanasan ng tao
gaya ng mga pangyayari sa buhay o mga bagay-bagay sa ating paligid.
Katulad din ito ng idyoma. Sa pamamagitan ng idyoma ay nakikilala ang
yaman ng isang wika.

Narito ang halimbawa ng mga idyoma at mga kahulugan nito.


balat-sibuyas maramdamin
basang sisiw kaawa-awa;api
buto’t balat payat na payat
huling hantungan libingan
ikapitong langit malaking katuwaan

2. Konotasyon at Denotasyon

Ito ang dalawang dimensiyon sa pagpapakahulugan ng mga salita.


• Ang denotasyon ay karaniwang kahulugan mula sa diksiyonaryo o
salitang ginagamit sa pinakakaraniwan at simpleng pahayag.

8
Halimbawa:
a. Ang ganda ng bulaklak sa kanyang halamanan.
(bahagi ng isang halaman na karaniwang makulay)
b. Lumalaki na ang punong itinanim ko sa aming likod- bahay.
(halamang lumalaki nang mataas)

• Samantalang ang konotasyon ay may dalang ibang kahulugan o


maaaring pansariling kahulugan ng isang tao o pangkat na iba kaysa
karaniwang kahulugan.

Halimbawa:
a. Maraming magagandang bulaklak na anak si Bulan. (babae)
b. Ang kanyang anak ay mababait. Nanggaling kasi sa mabuting puno.
(magulang/angkan)

3. Tindi ng Kahulugan o Clining


Ito ay pag-aayos ng kahulugan ng salita ayon sa intensidad o tindi ng
kahulugang nais ipahiwatig.

pikon tampo inis galit suklam poot

4. Paggamit ng Contextual Clue


Ang kahulugan ng salita ay mauunawaan ayon sa pagkakagamit sa
pangungusap.

Halimbawa:
a. Nagliwanag ang paligid sa pasikat ng araw.
b. Makitid ang tulay kaya’t mahirap tawirin.

Ngayong alam mo na ang iba't ibang paraan ng pagbibigay


pahiwatig sa hahulugan, subukin naman natin ang iyong kakayahan
sa mga pagsasanay na inihanda sa iyo.

9
MGA PAGSASANAY

Upang makatiyak kung naunawaan mo ang aralin, magkakaroon


tayo ng mga pagsasanay. Kung sa tingin mo ay hindi mo pa ito gaanong
naunawaan, balikan mo ang aralin.

Pagsasanay 1.

Panuto: Piliin ang letra ng wastong pahiwatig sa nakasalungguhit na


salita sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

___1. Sa pagbabalik nila sa bayan kailangang iwasan ang pagdanak ng dugo.


a. pagpatak ng dugo b. patayan c. pagdadalamhati

___2. Ibinuwis ni Elias ang kaligtasan niya alang-alang sa kanyang mga


nuno.
a. binayad b. itinubos c. sinakripisyo

___3. Laylay ang balikat ni Elias nang hindi niya mapapayag si Kapitan Pablo
na sumama sa kanya.
a. nabigo b. nakayuko c. napadapa

___4. Nagulat si Ibarra sa nasaksihan. Siya ay tuod sa pagkakatayo.


a. mabagal b. hindi nakagalaw c. nanigas

___5. Labis ang inilagay na sandata sa kamay ng mga prayle at mga may
katungkulan sa mga sawimpalad.
a. pagmamalupit b. pagbigay ng sandata c. pagtanggap

Pagsasanay 2.

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang angkop na kahulugan ng mga salitang


may salungguhit batay sa pagkakagamit ng pangungusap.

tagasunod bigyan ng gagawin

_______________1. Agad na sumunod ang utusan sa sinabi ng kapitan.


_______________2. Matapos utusan ng kapitan ang binate ay umalis na ito.

10
tagasuporta maingat o dahan-dahan

_______________3. Dumating ang isang alalay ni kapitan na may dalang balita.


_______________4. Alalay ang kanyang mga hakbang nang pumanhik ito sa
hagdan.

bendisyunan paggawad ng patawad


_______________5. Matapos mangumpisal at magsisi ay binasbasan ito ng
kura.
_______________6. Paglabas ng kura ay nasalubong niya ang dalawang
dalagang humalik sa kanyang kamay. Agad niya
binasbasan ang mga ito.

Pagsasanay 3.

Panuto: Hanapin sa kahon ang wastong salita upang makabuo ng


panibagong salita.

bata hari bukang poste balat


laylay kalabaw pisi asin sisiw

1. bahay ________ Bahagi ng katawan ng babae kung


saan nabubbuo ang sanggol.
2. bahag ________ Ito ay lumalalabas pagkatapos ng
ulan.
3. _______ liwayway Mag-uumaga
4. ______ kalabaw Makapal ang balat
5. kayod ________ Matinding pagtratrabaho
6. sasang______ Kaawa-awa
7. mahaba ang ________ Pagpasensya
8. magdildil ng _______ Maghihirap
9. _________ang balikat Nabigo
10. magbilang ng _________ Tambay; walang trabaho

11
PAGLALAHAT

Kompletohin ang pahayag sa ibaba sa pamamagitan ng pagbibigay


mo ng paglalahat sa araling iyong natutuhan.
Sa paglalahat ng aralin, ang mahahalagang konsepto na natutuhan ko sa
aralin ay…………….
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA

Paano nakatutulong ang iba’t ibang paraan ng pagbibigay pahiwatig sa


kahulugan sa pagbuo ng isang sulatin?
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Piliin ang letra ng wastong sagot sa bawat bilang. Bilugan lamang
ang letra.

1. Si Elias ay sadyang napaka palos na tao


a. mabagal
b. mabilis
c. madulas
d. makitid

12
2. Ang pagtatagpo ni Elias at Ibarra ay di na inabot ng bukang liwayway.
a. pagdilim
b. pag-ulan
c. pagsikat ng araw
d. pagtakipsilim

3. Laylay ang balikat ni Elias ng kanyang nalaman na ang hinahanap


niyang kaaway ay ang kanyang kaibigan.
a. masaya
b. malungkot
c. nabigo
d. galit

4. Tukuyin kung alin ang tamang pagkakasunod-sunod.


a. galit, tampo, suklam, inis
b. suklam, inis, galit, tampo
c. tampo, inis, galit, suklam
d. inis, tampo, galit, suklam

5. Ang kanyang anak ay mababait. Nanggaling kasi sa mabuting puno


a. Konotasyon
b. Denotasyon
c. Talinghaga
d. Clining

6. Ang mga bulaklak sa hardin ng mga Ibarra ay humahalimuyak.


a. Konotasyon
b. Denotasyon
c. Clining
d. Idyoma

7. Ang piloto ay tila pagong sa pagsagwan pagatpat sa mga guardya sibil.


a. mabagal
b. mabilis
c. malagkit
d. magaspang

8. Tukuyin ang tamang pagkasunod-sunod.


a. ngisi, tawa, ngiti, halakhak
b. tawa, ngiti, halakhak, ngisi
c. ngisi, ngiti, tawa, halakhak
d. halakhak, tawa, ngisi, ngiti

9. Sa San Diego matatagpuan ang mga mabalat-kayong mga prayle.


a. mahuhusay
b. magagaling
c. mapagkunwari
d. mararahas

13
10. Ang mga basang sisiw ay nagtungo sa tanggapan ng
gobernadorcilio upang humingi ng hustisya.
a. Denotasyon
b. Konatasyon
c. Clining
d. Talinghaga

14
15
Paunang Pagsubok Balik-aral
1. C 1. E
2. A 2. C
3. B 3. A
4. D 4. B
5. A 5. F
Pagsasanay 1 Pagsasanay 2
1. B 1. Taga-sunod
2. C 2. Bigyan ng gagawin
3. A 3. Taga-suporta
4. B 4. Maingat o dahan-dahan
5. A 5. Paggawad ng patawad
6. bendisyunan
Pagsasanay 3 Panapos na Pagsusulit
1. Bata 1. C
2. Hari 2. C
3. Bukang 3. B
4. Balat 4. C
5. Kalabaw 5. A
6. Sisiw 6. B
7. Pisi 7. A
8. Asin 8. C
9. Laylay 9. C
10. Poste 10. B
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian

Romulo N. Peralta, et. al., Panitikang Asyano: Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9.


Department of Education: Bureau of Learning Resources, Meralco Avenue,
Pasig City. Republika ng Korea, Prinpia Co., Ltd., Seoul Korea, 2014.

Ailene Baisa-Julian, et. al., Pinagyamang Pluma 9 Aklat 1, Phoenix Publishing House,
Inc., Quezon Ave., Quezon City, 2015.

16

You might also like