Filipino4 Q3 M6

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

FILIPINO

KUWARTER 3 – MODYUL 6
MELC:
 Nagagamit nang wasto at angkop ang pangatnig.
K to 12 BEC CG:F4WG-IIIh-11

 Nabibigyan ng angkop na pamagat ang talatang binasa.


K to 12 BEC CG:F4PB-IIIg-8

 Nagagamit nang wasto at angkop ang simuno at panaguri sa


pangungusap.
K to 12 BEC CG:F4WG-IIIi-j-8

1
Pangalan: ________________________________________________ Petsa:______________

Baitang:____________________________ Iskor: _____________

A. MELC: Nagagamit nang wasto at angkop ang pangatnig


Ang modyul na ito ay inihanda upang maging kagamitan para sa mag-aaral sa asignaturang
Filipino ng ikaapat na Baitang para sa matagumpay na pagkatuto at maging mahusay na mag-aaral.

Paunang Pagsusulit:
Panuto: Basahin ang mga pangungusap at bilugan ang mga pangatnig na ginamit.
1. Ang saging at mais ay mga paborito niyang pagkain.
2. Bumili siya ng bagong lampara subalit agad itong nasira
3. Bibili sila ng bagong telebisyon kung hindi sila makakabili ng bagong mesa.
4. Kukuha muna ako ng kakainin at iinumin.
5. Mababa ang grado ko kasi hindi ako nakapag-aral.

Alamin Natin
Pangatnig ay tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa dalawang salita,parirala o sugnay na
pinagsunod-sunod sa isang pangungusap.

Walong Uri ng Pangatnig:

1. Pamukod ito ay ginagamit sa pagbubukod o pagtatangi halimbawa nito/ o,ni,at,man,maging


Halimbawa: Hinugasan ni Jelay ang aking kinainang plato.

2. Panubali ito ay nagsasabi ng pag-aalinlangan halimbawa nito/ kung,sakali,disin,sana,kapag.


Halimbawa: Sana bago sumapit ang kapaskuhan ay dumating na ang itay.

3. Paninsay ito ay ginagamit kung sinasalungat ng unang bahagi ng pangungusap ang pangalawang
bahagi nito. Halimbawa nito/ kahit,kahiman,ngunit,dapatwat,subalit,samantala,bagaman
Halimbawa: Lahat ng kagustohan mo ay ibinigay niya,kahiman nagawa mo pa rin siyang
lokohin.

4. Pananhi ito ay nagbibigay ng dahilan o katuwiran para sa pagkakaganap ng kilos halimbawa nito/
sapagkat, dahil sa,sanhi sa,mangyari
Halimbawa: Mapapatawad ko lahat ng ginawa niya ,sapagkat mahal ko siya.

5.Panapos ito ay nagsasabi ng nalalapit na katapusan ng pagsasalita halimbawa nito/ sa wakas.upang,


sa lahat ng ito, sa di kawasa
Halimbawa : Matagal ang ginawang pagtatalumpati ng isang kandidato sa wakas natapos din
ito.

2
6. Panlinaw ito ay ginagamit upang ipaliwanag ang bahagi o kabuuang ng isang nabanggit
Halimbawa: Nagkausap-usap na ang magkakaibigan, kung kaya sila ay magkakasundo na
muli.

7. Panimbang Ito ay ginagamit sa pagpapahayag ng karagdagang impormasyon at kaisipan


halimbawa nito/ anupat,at saka,pati
Halimbawa ; Si Enso pati si Selya ay isinama ng kanilang lola sa pagsimba.

8. Pamanggit ito ay gumagaya o nagsasabil amang ng iba,tulad ng daw,raw,di umano,sa ganang akin
Halimbawa ; Si Laurence daw ay tumama sa lotto ng jackpot.

Ating linangin ang iyong kakayahan. Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na
pagsasanay.

Pagsasanay 1:
Panuto: Isulat ang mga pangatnig na bubuo sa pangungusap. Pumili sa loob ng kahon:

kung Maging pag sapagkat kung gayon


Ni kapag Man dahil sa wakas daw
Raw kung sino kung ano ano subalit ngunit kaya

1. Sina Ruel at Rodrigo ay magkapatid sa ama_______ nag-asawa ulit si Mayor Hernan noong
mamatay ang dati niyang kabiyak
2. Nakauwi siya ______ huli na noong dumating siya.
3. Magbabayad siya _____ hindi pa ngayon.
4. Malakas ang ulan ____ sinuspende muna ang mga klase sa elementarya at sekondarya.
5. Kahit magdala man siya ng payong ____ hindi, mababasa pa rin siya sa lakas ng ulan.

Pagsasanay 2

Panuto: Punan ng tamang pangatnig ang mga sumusunod na pangungusap.

1. Ano ang ginagamit mong panulat, lapis ____ ballpen?


2. Papasa ka sa pagsusulit _____ ikaw ay mag-aaral.
3. Masipag siyang mag-aral _____ siya ay kinagigiliwan ng kanyang guro.
4. Maganda _____ suplada ang kaibigan mo.
5. Nagtatrabaho sa ibang bansa ang kaniyang ama ______ kulang ang kita niya para sa pamilya.

3
B. MELC: Nabibigyan ng angkop na pamagat ang talatang binasa.

Alamin Natin

Sa pagbibigay ng pamagat sa isang talata, alamin mo muna ang paksang diwa


o paksang pangungusap. Ang mga ito ay nagbibigay ng ideya ng pagpili ng
pamagat. Ang pangunahing diwa ang pinaka buod ng mga pangyayari sa talata o
kwento. Ang paksang pangungusap ang piangtutuunan ng mga detalye upang
mabuo ang pangunahing diwa ng talata o kuwento. Ginagamit ang malalaking titik
sa mahalagang salita sa talata o kuwento.

Pagsasanay 1
Panuto: Basahin ang talata at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

Ang Rizal Park o Luneta ay isang magandang pasyalan sa Pilipinas. Ito ay nasa Lungsod ng
Maynila. Dito matatagpuan ang bantayog ni Dr. Jose Rizal, ang ating pambansang bayani. Kung nasa
tabing-dagat ka makikita ang magaganda at makulay na paglubog ng sikat ng araw.
Maraming tao ang namamasyal ditto upang magpiknik at makalanghap ng sariwang hangin.
Maraming halaman at malalagong punongkahoy ang nakatanim sa buong parke na
nakapagpapaganda sa paligid nito.

1. Sino ang ating pambansang bayani?


a. Andres Bonifacio c. Apolinario Mabini
b. Jose Rizal d. Manuel Quezon

2. Saan matatagpuan ang Rizal Park?


a. Lungsod Quezon c. Lungsod ng Lucena
b. Lungsod ng Maynila d. Lungsod ng Pasay

3. Ano ang magagandang tanawin ang makikita sa Rizal Park?


a. Bantayog ni Jose Rizal c. pamilyang nagpipiknik
b. Taong namamasyal d. maganda at makulay na paglubog ng araw

Isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang kapistahan. Ang bawat lugar sa ating
bansa ay may kapistahang ipinagdiriwang bilang pasasalamat sa kanilang patron. Isang
pagkilalang tradisyon natin ay ang bayanihan. Ang bayanihan ay ang pagtutulungan ng mga tao
para sa isang gawain. May mga kababayan pa rin tayong sumusunod sa ganitong tradisyon lalo
na sa lalawigan. 4
Ano ang paksang pangungusap? ___________
Piliin ang angkop na pamagat:
a. Tadisyon ng mga Pilipino
b. Kapistahan ng mga Pilipino
c. Ang Bayanihan
d. Ang Kapistahan sa Lalawigan

Ang pamilyang Pilipino ay isang napakahalagang institusyon . Sa gitna ng maraming


suliranin, dapat umiral ang pagmamahalan, pagkakaisa at pagtutulungan sa isa’t isa. Ano mang
poblema ang dumating, kailangang maging buo at matatag at buo ang pamilya. Bukod dito
biyaya ng Diyos ang ating pamilya kaya’t patuloy mong ingatan

Piliinsa ibaba ang angkop na pamagat ng talata:


a. Ang Pamilyang Pilipino
b. Ang Pamilya
c. Ang Problema sa Pamilya
d. Biyaya ng Diyos ang Pamily

Ang niyog (cocos nucifera) ay may karaniwang taas na 6 na metro o higit pa. Natatangi
sa lahat ng puno ang niyog sapagkat sa bawat bahagi nito ay maaari ring gawing sangkap sa
paggawa ng sabon, shampoo at iba pa.

Piliinsa ibaba ang angkop na pamagat ng talata:


a. Ang niyog puno ng buhay
b. Ang niyog
c. Gamit ng Niyog
d. Sabon mula sa niyog

5
C. Nagagamit nang wasto at angkop ang simuno at panaguri sa pngungusap.

Alamin Natin
Ang pangungusap o sentence sa Ingles ay ang lupon ng mga salita na
nagpapahayag ng isang buong diwa o kaisipan.

Dalawang bahagi ng pangungusap

Simuno (subject)
Ito ang pinag-uusapan sa isang pangungusap.

Halimbawa:

1. Si Isabella ang aking matalik na kaibigan.

2. Nasa palaruan ang mga bata.

Panaguri (predicate)
Ito ang bahagi ng pangungusap kung saan tinutukoy nito ang simuno (kung ano ang
tungkol dito o kung ano ang ginagawa nito).

Halimbawa:

1. Bumibili si Anton ng damit para sa kanyang ama.

2. Napagod sa paglalaba si Anne.

Pagsasanay 1
Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Bilugan ang simuno at
salungguhitan ang panaguri.
1. Si Dr. Jose Rizal ay isa sa ating bayani.
2. Ipinaglaban niya ang kalayaan natin laban sa mga kastila.
3. Magigiting at matapang ang lahing Pilipino.
4. Ang pamilyang Pilipino ay nagtutulungan.
5. Ipinagmamalaki natin na tayo ay mga Pilipino.
Pagsasanay 2
Panuto: Isulat ang angkop na paksa / simuno o panaguri ng bawat pangungusap.

1. Ang mga ____ ay nasa labas ng bahay


2. Ang mga isda sa ilog ay ___________________.

6
3. Hindi magtatagal at _________________ ang mga _______________.
4. Bantog sa pakikipagsapalaran _________________.
5. _________ nang maaga si Leny.

Binabati kita! Napagtagumpayan mo ang mga pagsasanay. Ikaw ay handa na sa


sususnod na modyul.

PAGTATAYA
Basahin ang mga sumusunod at gawin ang mga sumusunod na gawain.
A. Panuto: Bigyan ng angkop na pamagat ang mga sumusunod na talata.

1. Si Apolinario Mabini ay kilala bilang“Dakilang Lumpo”o“Dakilang Paralitiko”. Siya ay


natuto ng abakada mula sa kanyang ina at ang pagsulat ay sa kanyang ingkong natutuhan. Nag-aral
siya sa mataas na paaralan at nagpatuloy sa Colegio de San Juan de Letran na kung saan natamo ang
katibayan sa pagka-Bachiller en Artes at naging propesor sa Latin. Sa Unibersidad ng Santo
Tomas naman siya nakapagtapos ng pagkaabogado noong 1894. Samantalang nag-aral ng batas,
sumapi siya sa La Liga Filipina ni Jose Rizal.
https://tl.wikipedia.org/wiki/Apolinario_Mabini
Sagot: ____________________________________________________

2. Si Gabriela Silang, na may buong pangalang María Josefa Gabriela Cariño Silang, ang
asawa ng lider ng Ilokanong maghihimagsik na si Diego Silang. Si Gabriela Silang ay ipinanganak sa
Barangay Caniogan, Santa, Ilocos Sur noong Marso 19, 1731. Ang mga tao sa Abra ay nagsasabing
siya ay ipinanganak sa Pidigan, Abra (ang dalawang lugar na ito ay hindi malayo sa isa't isa, at ang
Abra ay hindi isinama bilang isang lalawigan hanggang sa unang bahagi ng ika-20 siglo). Siya ay
inampon ng isang mayamang negosyante na si Tomás Millan, na naging asawa niya sa edad na 20,
ngunit namatay pagkatapos ng tatlong taon. Noong 1757, siya ay muling ikinasal sa edad na 27 taong
gulang kay Diego Silang.
https://bayaningfilipino.blogspot.com/2017/08/talambuhay-ni-gabriela-silang.html

Sagot:_________________________________________________________

3. Ang kalikasan ay isang biyayang galing sa ating Panginoon. Dito nanggagaling lahat ng
bagay na ating ikanabubuhay. Ito ay maganda at kapaki-pakinabang. Mula sa pagkain, tirahan, gamot
at marami pang iba. Dito rin nanggagaling ang ating kaalaman na dahil sa kuryosidad sa
napakahiwagang nilikha ng Diyos, nasusubok natin ang hangganan ng ating kaalaman.
http://gawainsaasignaturangfilipino.blogspot.com/

Sagot: _________________________________________________________

7
4. Tunay na nakapagpapaligaya ang magkaroon ng isang kaibigan. Sa mga pagkakataong
ika’y malungkot at nag-iisa ang isang kaibigan ay maaasahan. Sa lahat ng pagkakataon ay nariyan
siya upang ika’y gabayan at damayan. Katulad na lang ng ilang naglalaan ng panahon upang
makasama lang ang kaibigan. Sa mga pangyayaring hindi kanais-nais, kaibigan pa rin ang
nagbibigay ng tamis at ligaya. Sa mga pagkakataong ika’y nag-aakalang katapusan na ng mundo, ang
isang kaibigan ay siyang nagbibigay lakas. Walang pakundangan din silang nagpapatawad kung
ika’y nagkaroon ng kasalanan. Ang ilang mga ‘di pagkakaunawaan ay agad-agad natatapos at
naaayos.
https://www.facebook.com/136430923703599/posts/ang-pagkakaibigan-na-marahil-
ang-isa-sa-mga-bagay-na-mahirap-ipagpalit-sa-matery/136860670327291/

Sagot: ________________________________________________________

5. Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang
bansa. Kung wala nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng
isang matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin
ang pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa
kanilang mga inaasam na mithiin.
https://www.facebook.com/150658225078281/posts/ang-edukasyon-ang-nagiging-
daan-tungo-sa-isang-matagumpay-na-hinaharap-ng-isang-/154560261354744/

Sagot: ________________________________________________________

6. Muling nagbabalik ang taunang Magayon Festival, isang buwang selebrasyon na


kinatatampukan ng kultura ng Albay, culinary fare, native industries at natural wonders ng bansa,
bilang May time tradition sa Albay.
Ayon kay Governor Al Francis Bichara, ang festival na ngayon ay ika-17 taon nang
isinasagawa, ay una nang ipinagdiriwang tuwing Mayo hanggang sa ito’y ginawang Abril noong
panahon ni dating Governor Joey Salceda
https://www.pressreader.com/philippines/balita/20170504/281749859258306
Ano ang angkop na pamagat? ________________________________________

8
7. Ang kapistahan ng Our Lady of Peñafrancia ay ginaganap sa Naga City Bicol tuwing
ikatlong sabado ng Setyembre. Pero ngayon ay ginaganap na rin ito sa buwan ng Mayo para
sa mga hindi nakakadalo sa setyembre. Bago ang petsa ng kapistahan may siyam na araw ng
novena para sa Birhen. Sa ikasiyam na araw, ibinabalik sa dambana ang imahen at idinadaan
ito sa Ilog Naga sa paraang prusisyon ng mga Bangka.
https://brainly.ph/question/12212544
Ano ang angkop na pamagat? _________________________________________

8.Ipinagmamalaki naman sa bahaging Rehiyon IV ang Puerto Galera na matatagpuan sa


Oriental Mindoro. May 130 Kilometro ang layo nito mula sa bahaging Timog ng Maynila. Dinarayo
ng mga turista ang mapuputing buhangin sa mga beaches nito. Gayundin, napakaganda ng mga
corals at iba pang lamang-dagat na makikita sa kailaliman ng mga katubigan.
https://brainly.ph/question/6833988
Ano ang angkop na pamagat? _________________________________________
B. Panuto: Basahin ang pangungusap. Ikahon ang simuno at salungguhitan ang kumpletong
panaguri.
1. Si Raffy ay matulongin sa mga kababayan nya.
2. Sa plaza, ang mga bata ay masayang naglalaro.
3. Masisiglang nagtakbuhan ang mga hayop sa kabukiran.
4. Si tatay at kuya ay nagtatanim ng gulay sa bukid.
5. Masayang namimitas ng mga prutas ang aking mga kapatid.

Panuto: Punan ng tamang pangatnig sa mga sumusunod na pangungusap.

6. Ano ang ginagamit mong panulat, lapis ____ ballpen?


7. Papasa ka sa pagsusulit _____ ikaw ay mag-aaral.
8. Masipag siyang mag-aral _____ siya ay kinagigiliwan ng kanyang guro.
9. Maganda _____ suplada ang kaibigan mo.
10. Nagtatrabaho sa ibang bansa ang kaniyang ama ______ kulang ang kita niyadito sa bansa
para sa pamilya.

Panuto: Sa tulong ng mga larawan. Sumulat ng pangungusap gamit ang mga


Angkop na pngatnig.

1. _______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________

image of mother and son sitting with a tent background lovepik - Google Search

9
2. _______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________

https://www.google.com/search?q=2+batang+nagpapalipad+ng+kite+clip+art&tbm=isch&hl=en-
GB&chips=q:2+batang+nagpapalipad+ng+kite+clip+art,online_chips:kite+flying&hl=en-
GB&ved=2ahUKEwiRsPOrmdvqAhUEfpQKHSnADUoQ4lYoAHoECAEQDA&biw=1349&bih=657#imgrc=bv-Cgqs31giQQM

3. _______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________

https://www.google.com/search?q=dress+blue+clip+art&tbm=isch&ved=2ahUKEwilw-OMntvqAhXGzIsBHbv1A_0Q2-
cCegQIABAA&oq=dress+blue+clip+art&gs_lcp=CgNpbWcQAzIGCAAQCBAeOgQIIxAnOgIIADoGCAAQBxAeOggIABAIEAcQHlCKS1izYmDpb2gAcAB4AIABt
QGIAecFkgEDMC41mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=BT4VX-WsBMaZr7wPu-uP6A8&bih=657&biw=1349&hl=en-GB&hl=en-
GB#imgrc=AeL3oc1VXQZnEM

Panuto: Pag-aralan ang bawat larawan. Sumulat ng dalawa o tatlong pangungusap tungkol sa
iminumungkahing pangangalaga ng ating pamayanan.

1.

___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________

___________________________________

girl and boy planting lovepik - Google Search

10
2.
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________

___________________________________

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.dreamstime.com%2Fillustration%2Fboy-sweeping.html&psig=AOvVaw2Akta0-
qQlX1ER90qJsGLq&ust=1616037447513000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCIDwwtW8tu8CFQAAAAAdAAAAABAD

11
Susi sa Pagwawasto
Pagsasanay A.
1. Apilinario Mabini
2. Gabriela Silang
3. Ang Kalikasan
4. Kaibigan
5. Ang Edukasyon
6. Magayong Festival
7. Kapistahan ng Our Lady of Peñafrancia
8. Puerto Galera
Pagsasanay B.
1. Si Raffy ay matulongin sa mga mga kababayan nya.
2. Sa plaza, ang mga bata ay masayang naglalaro.
3. Masisiglang nagtakbuhan ang mga hayop sa kabukiran.
4. Si tatay at kuya ay nagtatanim ng gulay sa bukid.
5. Masayang namimitas ng mga prutas ang aking mga kapatid

Pagsasanay C
6. O
7. Kung
8. Kaya
9. Ngunit
10. dahil

Rubrik sa Pagtataya ng Sulatin


Mga 1 2 3 4
Krayterya
Presentasyon Mahirap May kahirapang Malinis ngunit Malinis at maayos
basahin dahil sa unawain ang hindi lahat ay ang pagkakasulat
hindi maayos at pagkakasulat ng maayos ang ng talata
malinis na pangungusap pagkakasulat ng
pagkakasulat mga
pangungusap
Organisasyon Hindi maayos May lohikal na Maayos ang Mahusay ang
ang organisasyon organisasyon pagkakasunud-
organisasyon ng ngunit hindi pagkakabuo sunod ng mga
ideya masyadong ideya sa kabuuan
mabisa ng pangungusap
Pamamahala ng Hindi handa at Naisumite dahil Ginamit ang Ginamit ang sapat
Oras hindi pa tapos binantayan ng oras na itinakda na oras at may
guro sa paggawa at ebidensya na
naibigay sa ginagawa ito sa
tamang oras labas ng klase at
sariling disenyo
ang plano sa
pagsulat

12
Sanggunian:
Lalunio, Lydia P. Ph.D. ,et. al., Hiyas sa Wika Batayang Aklat Filipino 4, LG & M Corporation,
1251 G. Araneta Ave. cor. Ma. Clara St., Quezon City. pp. 161-164
Jabines, Angelica D., et. al.,Yaman ng Lahi Wika at Pagbasa sa Filipino 4, Patnubay ng Guro sa
Pagtuturo ng Wika at Pagbasa, Sunshine Interlinks Publishing House, Inc., Department of Education-
Instructional Materisla Council Secretariat (DepEd-IMCS), 5th Floor, Mabini Bldg., DepEd Complex,
Meralco Ave., Pasig City. pp. 231-233,
Jabines, Angelica D., et. al.,Yaman ng Lahi Wika at Pagbasa sa Filipino 4, Kagamitan ng Mag-aaral,
Sunshine Interlinks Publishing House, Inc., Department of Education-Instructional Materisla Council
Secretariat (DepEd-IMCS), 5th Floor, Mabini Bldg., DepEd Complex, Meralco Ave., Pasig City. pp.
135

13

You might also like