Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

Casey Lopez

2020-21170

Ang Palakang Prinsipe at ang Magandang Dalaga

Alam ng lahat ang kwento tungkol sa prinsipeng sinumpa ng isang mangkukulam para

maging palaka at halik lamang mula sa isang magandang dalaga ang

makakapagpabalik sa kaniyang tunay na kaanyuan. Ngunit, hindi alam ng mga tao ang

tunay na dahilan kung bakit ginawang palaka ang prinsipe.

Sa isang malayong kaharian, naninirahan nang mapayapa ang isang

napakagandang dalaga na si Raquel kasama ang kaniyang tatlong kuya na sina

Thomas, Randall at Jeremiah.

Ubod ng hirap ang bayan nila Raquel dahil bumagak ang kanilang kaharian nang

naglaho ang anak na prinsipe ng hari at reyna dalawang taon na ang nakakalipas. Bali-

balita na ito raw ay dinukot ng mga rebelde. Ubod ng sama ng ugali ang prinsipe,

matapobre at maton kung umasta. Kaya sabi ng iba, ito raw ay nakahanap ng katapat

at kinarma.

Kahit na mahirap, hindi nauubusan ng kinakain sina Raquel at ang kaniyang mga

kuya, nabubusog pa nga. Araw-araw kasing may nagbibigay ng mga gulay at hayop na

makakakatay kay Raquel mula sa kaniyang maraming manliligaw. Kaya ito, hindi na

siya natuto dumiskarte para sa sarili. Naniniwala siya na sa ganda niya, magkakaroon

siya ng mayamang manliligaw na bubuhay sa kaniya at kaniyang mga kuya.


Isang araw, inaya si Raquel ng kaniyang kaibigang si Katarina na pumunta sa ilog

upang maligo ngunit tinatamad ang dalaga.

“Tara na, Raquel. Mainit at maganda ang panahon, masaya magtampisaw sa

ilog ngayon!” ang pilit ni Katarina sa kaniyang kaibigan.

“Eh,” kumamot ng ulo si Raquel, “Tinatamad nga ako. Puwede namang sa poso

ka na lamang maligo, ako pa ang mag-iigib para sa iyo,” ang pagtanggi nito.

“Tinatamad ka pero ikaw mag-iigib? Sus, maniwala ako sa’yo,” ang natatawang

tugon ni Katarina. “Sige ka, malay mo may mayamang binata ang bigla ring gustong

maligo sa ilog pero ikaw, ayaw mo eh. Sa susunod na lamang.”

Nagpanggap na aalis si Katarina, ngunit alam niyang iyong kaniyang sinabi ay

makakapilit kay Raquel. Narinig niyang nagbuntong hininga ang kaibigan, at hind inga

siya nagkakamali.

“Halina nga!” naiinis na pagpayag ni Raquel.

Nagtatatalon sa tuwa si Katarina, “Hindi ka talaga nakakahindi sa akin.”

“Sandali, magpapalit lang ako ng magandang bistida.”

Pagdating sa ilog, maraming tao ang nagtatampisaw. Lahat ng binate ay sinalubong si

Raquel nang makita ang kanilang pagdating.

“Halika, Raquel. Alalayan na kita,” sabi ng isang lalaki.

“Ako na, Raquel. Mas malakas ang diyan,” sabi naman ng isa.
“Ako na magbitbit niyang payong mo. Pati ‘yung iyo Katarina,” sabi ng isa pang

lalaki. Magalak naman inabot nina Raquel ang kanilang bitbit.

Hanggang sa pagtampisaw, hindi nilalayuan si Raquel ng kaniyang mga manliligaw.

Naiinis na rin si Raquel dahil gusto niya lamang layuan ng mga tao kahit sandali. Nag-

isip siya ng dahilan kung paano siya makakalayo sa kanila.

“Nauuhaw ako.”

“Hala, Raquel. Pasensya na wala akong tubig. May nakita akong balon doon sa

may gubat. Malapit lang. Ikukuha kita ng tubig,” sabi ng isang lalaki.

“Huwag!” sigaw ni Raquel na ikinagulat ng lahat. “Ang ibig sabihin ko ay ako na

lamang ang kukuha, Dito nalang kayo, babalik din agad ako. Walang susunod.”

Pagpapatuloy niya.

“Ang tamad na Raquel, tinanggihan ang alok na paglingkuran siya?,” pang-aasar

ni Katarina.

“Basta, ituro mo sa’kin saan ‘yung balon,” utos ni Raquel sa lalaki.

Umupo si Raquel sa may balon. Sa wakas, natahimik din ang kaniyang paligid. Hindi

ganoong kalayuan ang ilog, naririnig niya pa rin nang napakahina ang pagsasaya ng

mga tao. Humarap siya sa tubig ng balon upang tignan ang kaniyang replekyon.

“Nakakapagod din ang maging maganda. Kailan kaya ako makakahanap ng

mayamang mapapangasawa nang tigilan na ako ng mga pangit at mahirap na lalaki sa

amin?” ika niya sa sarili. “Ayoko nang maging mahirap, gusto kong maging marangya.

Sa sobrang rangya, hindi na muli ako kikilos pa kahit anong mangyari.


Napatalon sa gulat ang dalaga nang may tumalong palaka sa kabilang banda ng

balon.

“Ah!” sigaw ni Raquel.

Tumalon ang palaka sa harap niya. Imbis na tumakbo, tila namangha pa si

Raquel sa hayop sa kaniyang harapan.

“Bakit parang nakakaakit ka?” bulong niya sa palaka.

Hindi niya namalayan at inilapit niya ang kaniyang mukha sa palaka, idnikit ang

kaniyang nguso sa nguso nito. Hinalikan ni Raquel ang palaka.

Isang liwanag ang lumamon sa kanilang dalawa. Halos mabulag si Raquel,

pinansangga niya ang kaniyang mga kamay sa kaniyang mga mata mula sa liwanag.

Nang tuluyang mawala ang liwanag, ang palaka ay napalitan ng isang lalaking

matipuno. Nakabihis ito sa mararangyang damit.

“Sino ka?” natatakot na bigkas ni Raquel.

“Magandang binibini, ako si Prinsipe Azan. Ikaw ang pumutol sa aking sumpa,”

ang sabi ng lalaki.

“Ikaw ang nawawalang prinsipe?” hindi makapaniwalang tanong ni Raquel.

“Ako nga,” mayabang na sagot ng prinsipe.

Kumalat sa kanilang bayan ang pagbabalik ng nawawalang prinsipe. Nalaman din nila

na si Raquel ang nakakita sa kaniya. Noong una ay hindi sila makapaniwala na naging
palaka ang prinsipe at hinalikan ito ng dalaga. Ngunit masaya sila dahil babalik na sa

dating masaganang pamumuhay ang kanilang kaharian.

Isang pagdiriwang ang gaganapin sa palasyo. Imbitado ang lahat. Ilang taon din

mula noong nagbunyi ang hari at reyna kaya’t nasasabik ang lahat na makabisitang

muli sa palasyo.

“Raquel, may padala para sa iyo,” tawag ni Jeremiah sa bunsong kapatid.

“Saan daw galing, kuya?”

“Sa palasyo raw.”

Dali-daling nagsipuntahan si Raquel at kaniyang dalawa pang kuya upang tignan

ang padala mula sa palasyo.

“Buksan mo na bilis. Ano kaya iyan?” nagtatakang pakikiusyoso ni Thomas.

“Sana pabuya. Kung hindi dahil sa iyo, Raquel, wala pa rin ang prinsipe,” sabi

naman ni Randall.

Mabilis na binuksan ni Raquel ang kahon. Imbis na pera ang laman na kanilang

inaasahan, isang kumikinang na bistida ang andito. Nakapatong sa ibabaw ay isang

sobre.

“Ayan, baka per ana laman niyan,” sabi ni Jeremiah, hindi maitago ang

pagkabigo sa boses.

Binuksan ni Raquel ang sobre. “Hindi pera, liham mula sa hari at reyna,”

nanginginig na sabi niya.


“Ano raw sabi?” sabay-sabay na tanong ng kaniyang mga kuya.

“Inaanyayahan tayong dumalo sa pagdiriwang mamaya. Ito raw ang isuot ko.

May susundo sa ating karwahe bago magdilim.”

Sobrang liwanag ng mga ilaw mula sa palasyo. Dinig na dinig din ang pagsasalo at

musika malayo pa lamang. Makikitang buhay na buhay na muli ang kanilang kaharian.

“Ngayong gabi,” panimula ng hari, “ipagdiriwang natin ang pagbalik ng aking

pinakamamahal na anak, Prinsipe Azan,” pagtuloy nito.

Nagpalakmakan at hiyawan ang lahat. Humarap sa trono ang prinsipe.

“Hindi lamang iyon ang ating ipagdiriwang,” tumahimik ang lahat, masinsin na

nakikinig sa bawat salitang binibigkas ng prinsipe. “Ipagdiriwan din natin ang aking

kasal, ngayon ding gabi.”

Mga bulong ang umapaw mula sa mga tao. Nagtataka kung kanino ikakasal ang

prinsipe dahil dalawang taon siya Nawala, at sa kanilang kaalaman, wala naman itong

iniwang nobya.

“Kung ako ay pagbibigyang pakasalan ng pinakamagandang dalaga ng bayang

ito,” pagsasalitan muli ni Prinzipe Azan at tumahimik ang lahat, “Raquel,”

Tumingin ang lahat sa dalaga. Hinawakan niyang mahigpit ang kamay ng

kaibigang si Katarina.

“Raquel, ikaw ang aking tagapagligtas. Ikaw rin ang pinakamagandang dalagang

aking nasilayan. Unang kita ko pa lamang sa iyo, alam kong ikaw ay aking gustong
makasama. Bigyan mo sanang karangalan ang aking kagustuhang pakasalan ka,”

bigkas ng prinsipe nang marahan habang lumalapit sa dalaga.

Tahimik pa rin ang lahat, inaantay ang sagot ni Raquel. Sa kaniyang isipan, ito

na ang kaniyang inaantay. Gusto niya lamang na maikasal sa mayamang lalaki, ngunit

ngayon ikakasal na siya hindi lamang sa mayaman, kung hind isang prinsipe.

“Oo, aking prinsipe. Pumapayag akong ikasal sa’yo,” ang walang

pagaalinlangang sagot ni Raquel.

Nasigawan sa tuwa ang lahat.

Ilang buwan na ang nakakalipas simula nang ikasal si Raquel kay Prinsipe Azan na

ngayon ay hari na.

Ang marangyang buhay na kaniyang pinapangarap na inaasahang makamit ay

kabaliktaran ng nangyayari ngayon.

Totoo ang mga kwento kwento na nakahanap nga ng katapat si Azan dahil sa

ubod ng sama ng kaniyang ugali. Siya ay isinumpa ng matandang mangkukulam nang

minsa’y mabangga ng kaniyang kabayo sa gubat at hindi man lang siya tumigil para

tulungan ito.

Ang araw-araw na buhay ni Raquel ay mas mahirap pa kaysa noong bago siya

manirahan sa palasyo. Lagi siyang inuutusan ni Azan na ipagluto ito at maglinis ng

kanilang palasyo kahit na napakarami ng kanilang alalay. Dahil sa katamaran dati ni

Raquel, wala siyang kaalaman sa pagkilos sa bahay. Lagi siyang nasisigawan ni Azan

sa kaniyang kapalpakan, minsan pa ay hinahampas siya.


“Raquel! Nasaan na ang aking umagahan?” Sigaw ni Haring Azan mula sa kaniyang

kama.

“Sandali lamang, mahal ko. Ito na,” ang sambit ni Raquel habang papasok ng

kwarto, may tulak-tulak na troli kung saan nakapatong ang umagahan ng hari.

Paghigop ni Azan ng kape ay napaso ito kaya mabilis niyang idinura at binitawan

ang baso.

“Ano ba ito, Raquel? Nais mo ba akong sunugin ng buhay?” sigaw niya sa

kaniyang asawa.

“Hindi,” nanginginig na sagot ni Raquel. “Nasobrahan ata sa kulo-“

Hindi na natapos ang sinasabi ni Raquel nang hablutin ni Azan ang kaniyang

buhok.

“Aba, sasagot ka pa? Heto sa’yo! Tignan mo kung gaano kainit itong kape,”

sigaw ni Azan.

Kinuha ng lalaki ang takure kung nasaan ang natitirang kape. Binuhos niya ang

kumukulong laman sa mukha ng babae. Sigaw at iyak ni Raquel ang maririnig sa loob

ng buong palasyo.

Ang dating pinakamagandang dalaga ng kaharian, ngayon kulubot ang mukha dahil sa

sunog ng kumukulong kape. Tinitigan niya ang mukha sa salamin. Naluluha niyang

binalot ito ng tela, iniinda ang hapding dala nito.


Nakamit ni Raquel ang kaniyang kagustuhan na makapangasawa ng mayamang lalaki.

Ang kanilang kwento, ang prinsipeng palaka at magandang dalaga, ay umabot sa

malalayo pang nayon. At namuhay sila n̶an


̶ ̶g̶ m
̶ ̶a̶l̶i̶g̶a̶y̶a̶ magpakailanman.

Tapos.

You might also like