Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY

(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)


City of Iriga

GRADUATE STUDIES AND RESEARCH

TENSYONG PANGKAISIPAN (STRESS): IMPAK SA AKADEMIKONG


PERFORMANS NG MGA ESTUDYANTE NA NASA IKA-11 BAITANG
STEM SA PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG BASUD

Isang Pananaliksik
Na Iniharap sa Guro ng Paaralang Gradwado
University of Saint Anthony
Iriga City

Bilang Pagtugon sa kahingian sa Kursong Master ng Sining sa


Edukasyon
Medyor sa Filipino sa Asignaturang Methods of Research (EDUC. 210)

Roland Mark B. Tadios

July 2022
UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
City of Iriga

GRADUATE STUDIES AND RESEARCH

KABANATA I
ANG SULIRANIN

INTRODUKSYON

Hindi na lingid sa ating kaalaman na tila ba isang normal na pakiramdam

na lamang ang salitang stress na siyang dinaranas halos ng bawat indibidwal.

Sa ating mga bahay, opisina, paaralan at kahit saan mang mga lugar at sino

mang ating pakitunguhan ay maaring magdulot sa atin ng bigat ng

pakiramdam o kaya naman ay kabaliktarang nagdudulot ng kasiyahan. Ang

mga ganitong usapin ay hindi dapat pinagsasawalang bahala lalo’t

mentalidad, emosyonal at pisikal na aspeto ang pinag-uusapan na kapag

magpatuloy ay maaaring maging sanhi ng depresyon. Mga mag-aaral,

trabahador, mga magulang at iba pang pangkat ng mga tao ay talagang

nakararanas ng stress bunsod ng iba’t ibang kadahilanan, epekto at solusyon

na siyang nilalayong masagot ng pag-aaral na ito.

Ayon kay Loralaine R. (2018), ang stress o minsa’y tinatawag na

tensiyon sa Filipino ay isang sitwasyon na kung saan ay dumadaan sa

pakiramdam na ikaw ay nahihirapan, nababahala, labis na kapaguran o kaya

nama’y tiwala nawawalan ng pag-asa. Isang tunay na pahayag sapagkat ang

pakiramdam na pagka-stress ay tila ba ikaw ay kinakain din ng kalungkutan at

pagmumukmok na siyang nagiging dahilan upang hindi maging produktibo at

hindi magawa ang mga inaasahang bagay na dapat matapos.

Sa pag-aaral naman ni Stupart (2022), ang mga mag-aaral na siyang

nakararanas ng stress ay may malaking posibilidad na maging hindi


UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
City of Iriga

GRADUATE STUDIES AND RESEARCH

organisado at maaaring magkaroon ng hindi malinaw na prayoridad at mga

ninanais. Bilang karagdagan, isang malaking kalakasan ng isang tao

partikular na ang mag-aaral kung siya ay mayroong matibay na memorya.

Mula pa rin sa pag-aaral ni Stupart (2018), ang pagiging makakalimutin ay

isang senyales na ang isang indbidwal ay nakararanas ng stress. Ito ay may

malaking impak kung paano natin gagampanan ang ating mga gawain

maging ang mga akademikong performans ng mga mag-aaral.

Sa makatuwid, hindi lamang isa ang dahilan at maaaring epekto ng stress

na ating nararanasan. Sa pananaliksik na ito ay matutukoy at inyong

malalaman ang mga salik na nakaapekto sa pagkakaroon ng stress, kung

paano ito nakaapekto sa akademikong performans ng mga mag-aaral sa ika-

11 baitang STEM ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Basud, at kung

paano masosolusyunan ang mga ganitong uri ng suliraning ating dinaranas.

BALANGKAS TEORETIKAL

Napakasarap isiping nasa kahandaan ang isip at emosyon sa tuwing

magaganap ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Isang teoryang naging

inspirasyon ng pananaliksik na ito ay ang teoryang Makatao na binibigyag-diin

ang mga salik na pandamdamin o emosyon upang magkaroon ng ganap o

matagumpay na pagkatuto. Dito ay binibigyang pokus ang kawilihan ng mga

mag-aaral at may positibong saloobin para sa bagong mga kaalaman at

impormasyon. Isa sa metodong angkop sa paksa ng pananaliksik na ito ay

ang Dulog Suggestopedia ni George Lazonov (1879). Isang sikologong

Bulgarian na naniniwalang ang utak ng tao ay may kakayahang magproseso


UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
City of Iriga

GRADUATE STUDIES AND RESEARCH

ng malaking dami ng impormasyon kung nasa tamang kalagayan sa

pagkatuto. Ang pagiging relaks ng isipan ng mga mag-aaral bago, habang at

pagkatapos ng proseso ng pagtuturo-pagkatuto ay siyang napakahalagang

salik para sa katagumpayan ng pagkatuto.

KONSEPTWAL NA BALANGKAS

Ang kalagayan at kahandaang pangkaisipan ay may malaking epekto sa pagkatuto ng


mga mag-aaral. Kaugnay nito, ninanais ng mananaliksik na matukoy ang mga salik na
nakaapekto sa dinaranas na stress o tensyon ng mga mag-aaral. Layunin din nitong malaman
ang mga epekto nito sa akademikong performans partikular na sa mga mag-aaral na nasa ika-
11 baitang ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Basud.

Sa pagtatapos ng pananaliksik ay inaasahan ng mananaliksik na makakalap ng mga datos


at impormasyong makatutulong para masolusyonan at mapagtagumpayan ang dinaranas na
stress ng mga mag-aaral.
UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
City of Iriga

GRADUATE STUDIES AND RESEARCH

Paglalahad ng Suliranin

Ang pinakasuliraning nais malutas at bigyang-diin ng pananaliksik

ay: Kung paano nakaaapekto ang stress sa akademikong performans ng

mga mag-aaral na nasa ikalabing isang baitang STEM sa Pambansang

Mataas na Paaralan ng Basud. Kaugnay nito ay nilalayon ng pag-aaral

na masagot ang sumusunod na mga katanungan.

1. Mayroon bang pagkakaiba ang epekto ng stress sa mga sumusunod na

usapin:

a. Edad

b. Kasarian

c. Status

2. Ano ang mga karaniwang salik na nakaaapekto sa mga mag-aaral

upang makaranas ng stress?

3. Ano-anong paraan ang maaaring gawin upang malagpasan ang stress?

4. Paano nakaapekto ang stress sa akademikong performans ng mag-

aaral?
UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
City of Iriga

GRADUATE STUDIES AND RESEARCH

HAYPOTESIS

Sa pagpapatuloy ng pananaliksik na ito, inaasahan ang sumusunod na mabigyang

kasagutan sa pamamagitan ng pangangalap ng mga datos sa iba’t ibang pangkat ng

tao partikular na sa ika-11 baitang STEM ng Pambansang Mataas na Paaralan ng

Basud.

1. Matukoy ang pagkakaiba ng epekto ng stress batay sa edad, kasarian at status

ng respondente.

2. Malaman ang mga karaniwang salik na nakaaapekto sa stress na nararanasan

ng mga mag-aaral.

3. Matukoy ang mga paraan upang maiwasan at malagpasan ang stress.

4. Mabigyang-linaw kung paano nakaaapekto ang stress sa akademikong

performans o pagganap ng mga mag-aaral.

PAGHIHINUHA

Sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito, ang mananaliksik ay may mga

paghihinuha tungkol sa mga suliraning kanyang uusisain sa pamamagitan

ng pag-aaral na ito. Ito ay ang sumusunod:

1. Isang positibong tugon at pagsang-ayon na mayroong pagkakaiba

ang epekto ng stress kung pagbabatayan ang edad, kasarian maging

ang status ng bawat indibidwal. Hindi maipagkakailang magkakaiba

ang paraan natin ng pagharap sa mga suliranin na siyang nagdudulot

ng tensyong pangkaisipan kaya’t ito ang unang hinuhang naisip ng

tagapagsaliksik.

2. Ilan sa mga salik na nakaaapekto sa mga mag-aaral upang

makaranas ng stress o tensyong pangkaisipan ay maaaring: sobrang


UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
City of Iriga

GRADUATE STUDIES AND RESEARCH

paglalaro ng online games o sobra sa oras na paggamit ng gadgets,

kawalan ng sapat na preparasyon o lack of preparation, problema sa

pamilya, sunod-sunod na gawaing pampaaralan, problemang

pinansyal, pagkakaroon ng malubhang sakit at iba pa.

3. Naniniwala ang mananaliksik na lahat ng suliraning ating dinaranas

ay laging may kaakibat na solusyon. Kaugnay nito, may mga paraan

din tayong maaring magawa upang mapagtagumpayan at

malagpasan ang stress. Ilan sa mga ito ay ang pagmumuni-muni o

pagrelaks, pag-eehersisyong pisikal at mental, magkaroon ng

positibong pagtingin sa buhay, time management at ang higit na pag-

aalaga sa sarili.

4. Bago pa man magsimula ang pangangalap ng datos at impormasyon

sa iba’t ibang grupo ng respondente, masasabi kong may malaking

epekto ang stress lalo’t higit sa usaping akademikong performans ng

mga mag-aaral. Isang pagsubok sa atin kung paanong ang mga

suliraning nagdudulot ng stress ay mahanapan ng solusyon at

magkaroon ng mas maliwanag na pagtingin sa pagharap sa

karanasang ito.
UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
City of Iriga

GRADUATE STUDIES AND RESEARCH

LIMITASYON AT DELIMITASYON

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa kahalagahan kung paano

nakaaapekto ang tensyong pangkaisipan o stress sa mga mag-aaral ganoon

din sa ibang grupo ng tao tulad ng guro, mga magulang at iba pa. Ang

pinakasaklaw ng pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral na nasa ika-11

baitang sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Basud. Naglalayong

malaman ang mga dahilan o salik ng stress sa mga mag-aaral gayon din

kung ano ang mga paraan upang ito malagpasan at mapagtagumpayan.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Hindi birong usapin ang stress o tensyong pangkaisipan na

dinaranas natin at siyang may malaking epekto sa kung paano natin

hinaharap ang bawat araw na lumilipas. Ang pananaliksik na ito ay

mahalaga sapagkat ito ay nakapokus upang matukoy ang mga dahilan o

salik ng stress at kung paano ito mapagtatagumpayan o malalagpasan.

Narito ang mga sumusunod na grupo ng taong sadyang mabibigyan ng

kapakinabangan ng pag-aaral na ito.

Mga Apektadong Mag-aaral- Sila ang pinakapokus ng pananaliksik kung

saan ay malalaman ang dahilan at kalutasan ng kanilang nararanasang

stress.

Mga Magulang- isang magandang kapakinabangan ng pananaliksik na ito

ay para rin sa mga magulang. Ito ay sa kadahilanang kanilang matutukoy

kung ang kanilang anak o mga anak nga ba ay nakararanas ng ganitong uri
UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
City of Iriga

GRADUATE STUDIES AND RESEARCH

ng bigat sa damdamin at isipan. Siya ring mahalaga sapagkat kanila ring

malalaman kung paano malalagpasan ang pagka-stress ng kanilang mga

anak maging ang kanilang mga sariling karanasan ukol dito.

Mga Guro at mga magiging guro- Tunay ngang ang mga guro ay

nakararanas din ng pagka-stress o tensyong pangkaisipan. Ito’y mahalaga

upang malaman nila ang mga paraan kung paano mapapababa ang lebel ng

bigat na pakiramdam na kanilang dinaranas. Para naman sa mga magiging

guro pa lamang ay magkakaroon na sila ng ideya kung paano nila

maiiwasang magdulot ng stress sa kanilang mga magiging estudyante o

mag-aaral.

Ang mananaliksik- Mahalaga rin ito sa mananaliksik na isa ring guro

upang matukoy ang mga karaniwang salik na nakaaapekto sa stress ng mga

mag-aaral na kanyang tinuturuan. Isa ring magandang pamamaraan upang

mabawasan ang lebel ng stress na siya rin namang kanyang nararanasan.


UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
City of Iriga

GRADUATE STUDIES AND RESEARCH

DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

Ang mga terminolohiyang ginamit ng mananaliksik ay mahalaga ring

mabigyang linaw sa mga mambabasa ng pananaliksik na ito. Bilang

pagtugon, narito ang mga sumusunod na terminong ginamit:

Akademik pampaaralang isyu.

Depresyon isang mental na sakit na maaring humantong sa kamatayan kung

hindi maagahang masolusyonan.

Heart rate- ang bilis ng tibok ng ating puso.

Homeostasis- balanse ng pangangatawan.

Interplay- Pagkakaroon ng iba’t ibang kadahilanan o salik.

Lack of preparation kawalan ng paghahanda sa pagsusulit.

Nervous System-ang command center ng ating katawan. Nagmumula sa

utak, kinokontrol nito ang ating galaw, iniisip at mga awtomatikong tugon sa

paligid natin.

Performans-pakikihalubilo, paggawa, at pagpakita ng gilas ng tao sa bahay.

Stress tensyong namumuo sa isipan ng indibidwal.

Stressors- mga kadahilanan na maaaring makagawa ng stress.

Stimulus- isang bagay na maaaring magdulot ng madaling pagresponde o

kaya’y pakiramdam.
UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
City of Iriga

GRADUATE STUDIES AND RESEARCH

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

MGA LOKAL NA PAG-AARAL

Ayon kay Loralaine R. (2018), ang stress o minsa’y tinatawag na tensiyon

sa Filipino ay isang sitwasyon na kung saan ay dumadaan sa pakiramdam na

ikaw ay nahihirapan, nababahala, labis na kapaguran o kaya nama’y tiwala

nawawalan ng pag-asa. Isang tunay na pahayag sapagkat ang pakiramdam

na pagka-stress ay tila ba ikaw ay kinakain din ng kalungkutan at

pagmumukmok na siyang nagiging dahilan upang hindi maging produktibo at

hindi magawa ang mga inaasahang bagay na dapat matapos.

Samantala, ayon naman kay Ong, W. (2022), ang relasyon sa pagitan ng

stress at memorya ay kumplikado. Ang kaunting pagkapagod ay

nakapagpapahusay sa ating kakayahang mag-encode, mag-imbak at

mangalap ng impormasyon sa katotohanan. Sa kabila nito, ang sobrang

pagkapagod naman ay maaaring i-shut down ang ating sistema.

Mula naman sa pahayag ni Dra. Rifarael, J. (2021), Ang mga isyu sa

kalusugan tulad ng stress na nararanasan ng mga mag-aaral sa panahon ng

onlayn na pagkatuto ay dahil sa isang “interplay” na kadahilanan. Ayon sa

kanya, hindi maaaring iugnay lamang ang ganitong isyung pangkalusugan sa

mga paghihirap na dala ng binagong sistema ng edukasyon.

Ayon sa Voculabolario (2022), ang konsepto na ito ay nagmula sa

English term na stress at nauugnay sa estado na nagaganap mula sa mga

kaganapan na bumubuo ng stress o paghihirap. Kapag ang isang paksa ay


UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
City of Iriga

GRADUATE STUDIES AND RESEARCH

tumatanggap ng mga kahilingan na labis para sa kanya, magsisimula siyang

makaramdam ng pagkabalisa at makararanas ng iba’t ibang mga sintomas.

Mula sa pahayag ng isang blog ni Austria L. (2022), ang sanhi at

epekto ng stress sa kalusugan ng tao ay hindi biro. Ito ay pisikal at emosyonal

na anxiety na maaaring magmula sa anumang pangyayayring nagdudulot ng

pagkabalisa, frustration at pagkainis. Ang hindi makontrol na stress ay

maaaring magdulot o humatong sa iba’t ibang problema sa kalusugan tulad

na lamang ng hypertension, kondisyon sa puso at diabetes.

Mula sa mga lokal na pag-aaral, sinasabing ang stress ay maaaring

magdulot ng pagkabalisa, pagkabahala, labis na kapaguran maging ang

kawalan ng pag-asa. Siya ring dahilan upang maging hindi produktibo ang

isang tao dahil sa mga balakid emosyonal at pangkaisipang sumasagabal sa

ating mga isip at pangangatawan. Hindi lamang isa ang dahilan o salik kung

bakit nakarararanas ng stress ang isang tao sapagkat napakaraming

maaaring maging salik na siyang nagiging lunsaran kung bakit nararanasan

ang ganitong uri ng mga kalagayang pangkalusugan.


UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
City of Iriga

GRADUATE STUDIES AND RESEARCH

MGA BANYAGANG PAG-AARAL

Mula sa pag-aaral ni Stupart (2022), ang mga mag-aaral na siyang

nakararanas ng stress ay may malaking posibilidad na maging hindi

organisado at magkaroon ng hindi malinaw na prayoridad at mga ninanais.

Bilang karagdagan, isang malaking kalakasan ng isang tao partikular na ang

mag-aaral kung siya ay mayroong matibay na memorya. Mula pa rin sa pag-

aaral ni Stupart (2018), ang pagiging makakalimutin ay isang senyales na ang

isang indbidwal ay nakararanas ng stress. Ito ay may malaking impak kung

paano natin gagampanan ang ating mga gawain maging ang mga

akademikong performans ng mga mag-aaral.

Sinabi naman ni Franke, H.A, (2014) na ang stress ay isang terminong

karaniwang ginagamit upang ilarawan ang pagtugon sa mga

pangangailangang kinakaharap araw-araw sa buong buhay ng isang tao, at

ito ay naiuugnay sa parehong positibong karanasan at negatibong karanasan.

Ang mga stressor ay maaaring pisikal, emosyonal, kapaligiran o teoretikal at

lahat ay maaaring pantay na nakaaapekto sa tugon ng stress ng katawan.

Ang pagtugon sa stress na ito ay resulta ng pampasigla ng sympathetic

nervous system na maaaring magresulta sa pagtaas ng respirasyon, heart

rate, presyon ng dugo at pangkalahatang konsumo ng oxygen.

Isang magandang pahayag naman mula kay Morin, K. (2020), Ang

katahimikan sa isip na kasama ng pagmumuni-muni ay maaaring magdulot ng

isang estado ng pagiging kalmado kahit pa gaano kabigat ang iyong araw.

Ngunit kailangan muna nila ng mental na pokus na hindi kasingdali kung ito’y
UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
City of Iriga

GRADUATE STUDIES AND RESEARCH

iisipin.

Ayon naman kay Pargman, (2006), isang hindi tiyak na reaksyon sa

panlabas at panloob na mga kadahilanan na nangangahulugan ng negatibo o

positibong reaksyon sa mga stimula sa kapaligiran. Sa bagay na ito,

mauugnay ang kabuuan ng ating katawan sa mga pagbabago at hindi

pamilyar na mga sitwasyong nagpapakita mismo sa takbo ng panahon.

Nabanggit naman ni Wheeler (2007), ang stress ay salitang pisika na

tumutukoy sa puwersa na ginamit sa isang bagay at nauugnay sa totoong

buhay kung paano nadadala ang mga puwersang ito sa buhay ng tao. Ilan sa

mga halimbawang kahirapan ay ang isyung pinansiyal, salungatan sa mga

kaibigan na siyang nagdadala ng presyon sa katawan ng tao. Ang ilan sa mga

tensyon ay nagmumula sa kapaligiran, ngunit kadalasang dumarating mula sa

loob ng loob ng isang tao sa anyo ng pag-aalala, pagkabalisa,

panghihinayang, panghihina ng loob at mababang kumpiyansa sa sarili.

Bilang paglalahat, ang stress o tensiyong pangkaisipan ay may

malaking epekto sa ating damdamin, pisikal o pangangatawan na siyang

maaaring maging dahilan ng mas matinding sakit pangkalusugan. Ito ay

nagmumula hindi lamang sa isang salik kundi iba’t iba ang nagiging

kadahilanan kung bakit tayo nakararanas nito.


UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
City of Iriga

GRADUATE STUDIES AND RESEARCH

LOKAL NA LITERATURA

Binanggit ni Duque (2007) ang mga karaniwang epekto ng stress. Ito

ay ang insomnia, pananakit ng ulo, pagtatae, altapresyon, sakit sa puso,

depresyon, labis na alkohol, tabako o paggamit ng droga.

Sinabi ni Blona (2005) na ang mga mag-aaral na nakakaranas ng

stress dahil ang ilan ay nagsisikap na makayanan ang mga pangangailangan

ng pag-angkop sa isang bagong kapaligiran sa pamumuhay, mga bagong

kapantay, pang-akademikong presyon at sekswal na alalahanin. Ang mga ito

ay maaaring mag-ambag sa isang host ng mga malalamang sakit mula sa

hypertension na maaaring magdulot ng maagang kamatayan.

Ayon sa encyclopedia-titanica taong 2022, ang pagkapagod ay

maaaring sanhi ng maraming mga bagay. Ang isang labis na pagkarga ng

trabaho ay maaaring isalin sa stress sa trabaho; ang mga hinihingi ng

unibersidad ay maaaring humantong sa stress sa akademiko; pagkakaroon

ng nakalantad sa isang traumatic na sitwasyon (pagkamaltrato, sakuna,

digmaan), ay maaaring makabuo ng post-traumatic stress ; araw-araw na

mga sitwasyon sa buhay, tulad ng paglalakbay, paglipat, pagbabago ng mga

trabaho, pag-aasawa, pag-diborsyo, pagkakaroon ng mga anak, nalantad sa

panganib, atbp, ay maaari ring humantong sa mga estado ng stress .

Mula sa Covid 19.CA.Gov taong 2022, patuloy na makipag-ugnayan sa

mga indibidwal na nakakapagbigay ng suporta gaya ng mga kaibigan,

kapamilya, o iba pa, sa pamamagitan ng telepono, text, o in-person kapag

ligtas nang gawin ito. Alagaang mabuti ang iyong katawan: pumili ng
UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
City of Iriga

GRADUATE STUDIES AND RESEARCH

masusustansyang kumain, iwasan ang labis na alak, at mag-ehersisyo kung

posible.

Ayon sa Department of Health o DOH, ang mga palatandaan ng stress na ito ay

normal at malamang na makita sa mga taong may mga mahal sa buhay sa mga bahagi ng

mundo na apektado ng pagkalat ng sakit. Sa panahon ng pagkalat ng nakakahawang sakit,

pangalagaan ang iyong kalusugan ng pangangatawan at pag-iisip at makipag-ugnay nang

may kabutihang-loob sa mga apektado ng sitwasyon.

BANYAGANG LITERATURA

Ayon kay Dhari, R. (2020), hindi maiiwasan ang stress. Nangyayari ito

sa ating lahat, sa napakaraming iba't ibang mga kadahilanan - marahil isang

paparating na deadline, ang pagsisimula ng isang bagong taon ng pag-aaral,

o ang pandamihang COVID-19.

Mula naman sa pahayag ni Essel at Owusu (2017), ang nagdudulot

ng stress sa mga mag-aaral ay mula sa iba’t ibang salik. Maaring ito ay sa

kapaligiran, akademiko o kaya naman ay pampersonal. Kaugnay ng mga

salik na ito ay ang pakikipagtulungan sa mga bagong tao o makihalubilo

upang mabawasan o mawala ang tensyong nadarama.

Nabanggit ni Malach Pines at Keinan (2007) ang mga sintomas ng

stress bilang kakulangan ng enerhiya, mataas na presyon ng dugo,

pakiramdam ng pagkalumbay, problema sa pagkakaroon ng pokus, tensyon,

pagkabalisa at iba pa.

Ayon naman kay Hurrell (2011), ang kalusugan ng populasyon ng

isang bansa ay naiimpluwensiyahan ng maraming mga kadahilanan, sa loob


UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
City of Iriga

GRADUATE STUDIES AND RESEARCH

at sa labas ng lugar ng trabaho at ang mga salik na iyon kung nararanasan

sa trabaho, bahay o sa labas ng komunidad ay maaaring magkaroon ng

masama at pangmatagalang epekto sa pisikal na kalusugan ng mga

indibidwal kung ang resulta ng stress ay hindi pinamamahalaan nang

maayos.

Ayon sa librong Encyclopedia of Stress na nalimbag taong 2000, ang

stress ay karaniwang tinukoy bilang isang strain sa isang organ ng katawan

o mental na aspeto ng isang tao. Depende sa tagal at intensidedad nito, ang

stress ay maaaring magkaroon ng maikli o pangmatagalang epekto.

Naiuugnay dito ang pagkakaroon ng sakit sa puso, paghina ng immune

system, pagkawala ng memorya, mga sakit sap ag-uugali at marami pa. Ang

mga epektong ito sa indibidwal ay mayroon ding malaking epekto sa mga

gastos at serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan at ang pagiging

produktibo ng empleyado o ng mag-aaral.

SINTESIS NG SINING NA PAG-AARAL (SYNTHESIS AND STATEMENT

OF THE ART)

Hindi naging madali ang pangangalap ng mga datos at impormasyon

tungkol sa kaugnay na pag-aaral mapa-lokal at banyaga man. Bilang

paglalahat, ang stress ay isang pakiramdam na kung saan ang indibidwal ay

nahihirapan, nababahala, nakararamdam ng labis na pagod at madalas ay

nawawalan ng pag-asa na nagiging sanhi upang hindi maging produktibo.

Nabanggit din naman na ang kaunting pagkapagod ay maganda para sa

ating katawan ngunit kabaliktaran naman kung ito ay sobra na. Maaaring
UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
City of Iriga

GRADUATE STUDIES AND RESEARCH

maapektuhan ang memorya lalo sa pag-enkowd ng ating mga nais sabihin

na siyang pinoproseso ng ating mga utak. Kaugnay naman ng pandemyang

patuloy pa ring dinaranas ng Pilipinas, isang pahayag tungkol sa

pangkalusugang dinaranas ng mag-aaral ay ang pagkakaroon ng interplay

na kadahilanan o ang pagkakaroon ng iba’t ibang salik kung bakit

nararanasan ang stress lalos a onlayn distance learning.

Bilang pagkukumpara, narito naman ang mga kaugnay na pag-aaral sa

banyaga. Una ay ang pahayag na ang mga mag-aaral na nakararanas ng

stress ay madalas na hindi nagiging organisado at nagkakaroon ng hindi

malinaw na prayoridad. Nabanggit ding ang pagharap sa stress ay maaaring

magdulot ng positibo o kaya naman negatibong epekto depende sa kung

paano ito harapin ng indibidwal. Ang pagmumuni-muni o pagrerelaks ay

isang magandang gawi upang mabawasan ang stress o tensyon na

nadarama at kinakailangan natin sa lahat ng oras ng puwersang ating

gagamitin upang matugunan ang mga suliraning ating kinakaharap.

Maaaring isang epekto ng tensyong pangkaisipan ay ang insomnia,

pananakit ng ulo, pagtatae, altapresyon, sakit sa puso, depresyon, labis na

alkohol o kaya naman ay ang paggamit ng pinagbabawal na gamot.

Sinasabing ang ilan sa mga mag-aaral ay nakarararanas ng stress dahil sa

pagsisikap na makayanan o mapagtagumpayan ang mga pangangailangan

ng pag-angkop sa isang bagong kapaligiran o hamon ng buhay. Ang

ganitong uri ng pakiramdam pangkalusugan ay siya ring may napakalaking

epekto sa ating pamumuhay kaya naman ito ay maaaring mabigyan ng

solusyon sa pamamagitan ng mga bagay na magiging resulta ng


UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
City of Iriga

GRADUATE STUDIES AND RESEARCH

isasagawang pananaliksik.

Tunay ngang ang stress ay normal na nating kinakaharap sa ating

pang-araw-araw na buhay. Hindi lamang isa ang dahilan kung bakit tayo

nakararanas ng tensyong pangkaisipan. Ito ay maaaring dahil sa kapaligiran,

akademiko o kaya naman ay pampersonal. Ilan sa mga sintomas ng stress

ay ang kakulangan ng enerhiya, mataas na presyon ng dugo, pakiramdam

ng pagkalumbay, problema sa pagkakaroon ng pokus, tensyon, pagkabalisa

at iba pa. Sinasabing napakahalagang mabigyang solusyon ang ganitong uri

ng damdaming pangkalusugan sapagkat ito ay may malaking epekto sa

kung paano gaganap sa kanyang tungkulin ang isang indibidwal o kaya

naman ang pangkat ng tao. Hindi ito dapat balewalain sapagkat ang stress

ay mayroong pangmatagalang epekto na siguradong makasisira ng

kabuuang sistema ng isang tao.

GAP NG PANANALIKSIK (RESEARCH GAP)

Mula sa mga pag-aaral na lokal at banyaga maging ang mga kaugnay na

lokal at banyagang literatura. Ninanais ng mananaliksik na:

1. Mapapalalim pa ang mga salik, epekto at mga maaaring maging

solusyon upang maiwasan o ganap na mapagtagumpayan ang

stress o tensyong pangkaisipan partikular na sa usaping

pangkalahatang epekto nito sa mga mag-aaral na nasa ika-11

baitang STEM ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Basud.


UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
City of Iriga

GRADUATE STUDIES AND RESEARCH

NOTES

1
Loralaine R. November 5, 2018, “Ang Stress o Tensiyon at ilang paran na
maiwasan ito”, https://www.akoaypilipino.eu/gabay/ang-stress-o-tensiyon-at-
ilang-paraan-na-maiwasan-ito/

2
Yvette Stupart PhD. (2018), “How Stress Affects College Students'

Academic Performance” Owlcation, https://owlcation.com/academia/College-Life-

The-Effects-of-Stress-on-Academic-Performance

LOKAL NA PAG-AARAL

3
Loralaine R. November 5, 2018, “Ang Stress o Tensiyon at ilang paran na
maiwasan ito”, https://www.akoaypilipino.eu/gabay/ang-stress-o-tensiyon-at-
ilang-paraan-na-maiwasan-ito/
4
Ong, Willie, Tantengo Lads, Hulyo 2022, “Paano naaapektuhan ng stress
ang iyong Memorya”, https://tl.mindwavehypnotherapy.com/how-stress-
affects-your-memory

5
Rifarael, J.,October 2021, “Students’ Mental Health Issues during distance
learning due to interplay of factors-expert”,
https://www.rappler.com/nation/students-mental-health-concerns-distance-
learning-due-interplay-factors/
6
Vocabulario, 2022, “Kahulugan ng Stress-Bokabularyo”,
https://tl.emsayazilim.com/definici-n-de-estr-s
7
Austria L., Marso 2022, “Sanhi at Epekto ng Stress sa kalusugan ng tao”,
https://hellodoctor.com.ph/fil/mabuting-pag-iisip/pag-manage-stress/sanhi-at-
epekto-ng-stress/

BANYAGANG PAG-AARAL

8
Yvette Stupart PhD. (2018), “How Stress Affects College Students'
UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
City of Iriga

GRADUATE STUDIES AND RESEARCH

Academic Performance” Owlcation, https://owlcation.com/academia/College-

Life-The-Effects-of-Stress-on-Academic-Performance

9
Franke, H. A. (2014). Toxic Stress: Effects, Prevention and Treatment.
Children, 1(3), 390-420.
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4928741/

10
Morin, Kate (2020) “27 Science backed ways to reduce stress right now”,
https://greatist.com/happiness/23-scientifically-backed-ways-reduce-stress-
right-now

Pargman, 2006, “Causes of students stress. Its effects on their academic


11

success and stress management by students”,


https://www.theseus.fi/bitstream/handle/10024/124792/Thesis
%20Document.pdf?sequence=1&isAllowed=y

Wheeler, 2007, “Causes of students stress. Its effects on their academic


12

success and stress management by students”,


https://www.theseus.fi/bitstream/handle/10024/124792/Thesis
%20Document.pdf?sequence=1&isAllowed=y

LOKAL NA LITERATURA

Duque, F.T., M.D., M.Sc. (2007). Health Guide 13th Edition, 2007-2008.
13

Philippines: Medi Marketing, Inc.

Blona, R. (2005). Coping with Stress in a Changing World. The McGraw Hills
14

Companies. Inc.
15
Encyclopedia-titanica, “Kahulugan ng stress-agham at kalusugan”,
https://tl.encyclopedia-titanica.com/significado-de-stress
16
Covid19.CA.GOV, 2022, “Mga resource para sa emosyonal na suporta at
kapakanan”, https://covid19.ca.gov/tl/resources-for-emotional-support-and-
well-being/#managing-stress

Department of Health, “Pagharap sa Stress sa panahon ng pagkalat ng


17

nakahahawang sakit”, https://www.smchealth.org/sites/main/files/file-


attachments/communicabledisease_strategiesforcoping_tg.pdf?1585778208
UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
City of Iriga

GRADUATE STUDIES AND RESEARCH

BANYAGANG LITERATURA

Ranjit, D. (2020), “Brown Bag: Stress, Mga Istratehoya at ang kahalagahan


18

ng pangangalaga sa sarili”, https://scwist.ca/tl/brown-bag-stress-strategies-


and-the-importance-of-self-care/
19
Essel, G. at Owusu P. (2017), “Causes of students stress, its effects on their
academic success, and stress management by students”,
https://www.theseus.fi/handle/10024/124792

20
Malach-Pines, A., & Keinan, G. (2007). Stress and burnout in Israeli police
officers during a Palestinian uprising (Intifada). International Journal of Stress
Management, 14(2), 160–174. https://doi.org/10.1037/1072-5245.14.2.160

21
Hurrell, J. Joseph, J. Levi, L. and Murphy, L. (2011). Locus of control.
Encyclopedia of Occupational Health and Safety.,
https://www.strath.ac.uk/media/1newwebsite/departmentsubject/computerandi
nformationsciences/documents/
Thesis_study_into_the_impact_of_stress_on_individuals_behaviour.pdf

22
Fink, G. (2000), “Encyclopedia of Stress”,
https://www.elsevier.com/books/encyclopedia-of-stress/fink/978-0-08-056977-
2
UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
City of Iriga

GRADUATE STUDIES AND RESEARCH

You might also like