Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Ifugao- Sa gitnang bahagi ng Hilagang Luzon , ang tirahan ng mga Ifugao,.

Galing sa salitang Ipugo na ang ibig


sabihin ay “mula sa mga burol” Ang tipikal na pamayanan ng mga taga Ifugao ay ag tumpok ng mga
kwadradong kubo na natutukuran ng poste. Sila ang gumawa ng Rice Terraces na walang gamit na makina.
Ang mga Igorot ay mga grupong etniko sa Pilipinas na matatagpuan sa Cordillera.

Sa bahaging ito, pagyayamin pa natin ang iyong kaalaman sa Mitolohiya. Iyong babasahin ang isang halimbawa
ng Mito mula sa mga Ifugao ng Pilipinas

Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan


Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

“Hay, ano ang saysay ng buhay?” naibulalas ni Bugan sa kaniyang asawang si Wigan. “Hindi man lang
tayo magkaroon ng anak, mukhang hindi pinakikinggan ng mga diyos ang ating mga panalangin!”
Sumang-ayon naman si Wigan, “Oo, tama ka! Pero halika muna, magmomma tayo at saka natin isipin
kung ano ang dapat nating gawin”. Matagal na nag-isip ang mag-asawa hanggang nakapagdesisiyon si Bugan
na magtungo sa tahanan ng mga diyos sa silangan. “Dito ka lang, Wigan, pupuntahan ko ang mga diyos na sina
Ngilin, Bumabbaker, Bolang at ang diyos ng mga hayop.”
Sinimulan ni Bugan ang kaniyang paglalakbay. Pumunta siya sa Ibyong, dumaan sa Poitan, nagtungo
siya sa silangan papuntang Nahbah, Baninan. Tumawid siya sa ilog ng Kinakin at narating niya ang lawa sa
Ayangan. Nakakita siya ng igat sa lawa. Tinanong siya nito “Saan ka pupunta Bugan?” Sumagot si Bugan,
“Pupunta ako ng Silangan para maghanap ng lalamon sa akin, sapagkat hindi kami magkaroon ng anak ni
Wigan.” Tumawa ang igat. “Huwag kang malungkot, Bugan”, wika ng nito.
“Sige magtungo ka sa silangan at makipagkita ka sa mga diyos.”
Ipinagpatuloy ni Bugan ang kaniyang paglalakbay patungo sa lugar ng mga diyos. Narating niya ang
lawa sa Lagud. Nakita niya roon ang isang buwaya. “Tao, bakit ka naririto?” pag-uusisa ng buwaya. “Ako si
Bugan ng Kiyangan at naghahanap ako ng lalamon sa akin. Wala kaming anak ng aking asawa”, sagot ni Bugan.
Humikab ang buwaya at nagsabing, “Hindi kita maaaring kainin sapagka’t napakaganda mo.”
Ipinagpatuloy muli ni Bugan ang kaniyang paglalakbay at nakarating sa tahanan ng kinatatakutang
pating. Nilabanan niya ang pangangatog ng kaniyang tuhod. Hinarap niya ang pating at nagwika “Pakiusap,
kainin mo na ako. Kaming mag-asawa ay walang anak. Ayaw ko nang mabuhay pa kung hindi ako magkakaroon
ng anak.”
Sumagot ang pating, “Isang malaking kahihiyan kapag kinain kita. Napakaganda mo. Halika muna sa
aking tahanan at kumain bago mo ipagpatuloy ang iyong paglalakbay.”
Pagkatapos saluhan ang pating sa hapag-kainan, muling naglakad patungong silangan si Bugan. Sa
wakas ay narating niya ang tahanan ng mga diyos na sina Ngilin, Bumabbaker, at iba pang mga diyos. Labis
siyang napagod kaya humiga siya sa lusong na nasa labas ng bahay. Doon hinintay ang mga diyos. Lingid sa
kaniyang kaalaman, nasa loob lamang ng bahay si Bumabbaker.
“May naamoy akong tao”, sabi ni Bumabbaker. Lumabas siya ng bahay upang hanapin ang
pinanggagalingan ng amoy. Nakita niya ang isang magandang babae na nakaupo sa kaniyang lusong. “Anong
ginagawa mo dito, Bugan?” tanong niya habang kinikilala kung si Bugan nga iyon.
“Naku, nagpunta ako rito upang mamatay, sapagkat hindi pa rin kami nagkakaroon ng anak ni Wigan
pagkalipas ng ilang taon,” wika ni Bugan.
“Kahibangan”, wika ni Bumabbaker habang tumatawa. “Halika, hanapin natin si Ngilin at kung nasaan
pa ang iba,” wika ni Bumabbaker.
Nalugod ang mga diyos na makita si Bugan. Nagbigay sila ng regalong baboy, manok at kalabaw.
“Sasama kami sa iyo pabalik sa Kiyangan. Doon ka naming tuturuan ng ritwal na Bu-ad upang mabiyayaan ka
ng mga anak, masaganang ani at pamumuhay.”
Inihatid ng mga diyos si Bugan kay Wigan. Tinuruan nila ang mag-asawa ng panalanging dapat nilang
sambitin sa pagsasagawa ng ritwal na Bu-ad. Isinagawa ni Wigan at Bugan ang ritwal at pinasalamatan ang
kanilang mga diyos. Pagkalipas ng ilang buwan, walang mapagsidlan ng kaligayahan ang mag-asawa dahil sa
buhay na tumitibok sa sinapupunan ni Bugan.
Gawain 9: Iugnay Mo!

Panuto: Iugnay mo ang mga kaisipan o mensaheng nakapaloob sa mitong Nagkaroon ng Anak sina Wigan at
Bugan sa iyong sarili, pamilya, pamayanan at lipunan. Gayahin ang grapikong presentasyon sa pagpapahayag ng iyong
kaisipan sa sagutang papel.

pamilya

Nagkaroon ng
Anak sina Wigan
at Bugan

pamayanan Lipunan
Region I
LA UNION SCHOOLS DIVISION OFFICE
ROSARIO DISTRICT
Rosario Integrated School
Malamasusing Banghay Aralin
Filipino 10

Petsa/ Araw Huwebes


Petsa: Marso 11, 2021
I. Layunin/ Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto at Koda:
kasanayang
Pampagkatuto Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda na nangyayari sa sarili, pamilya,
pamayanan, lipunan at daigdig. (F10PB-Ia-b-62)
II. Nilalaman
A. Paksa
Modyul 1. Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan
B. Sanggunian:
Filipno 10 Unang Markahan- Modyul 1
C. Kagamitan:
Kopya ng Modyul
Kagamitang Audio Visual ( TV, Laptop)
https://www.youtube.com/watch?v=u6WnjqnETTQ
III.Pamaraan
A. Panimulang Gawain
Gawain 1: Pagpapakita ng mga larawan

B.Pagsusuri
-Pagsagot sa mga gabay na tanong.
1. Ano ang mga napansin ninyo sa mga larawan?
2. Anong kaugalian o kultura ang mapapansin sa mga larawan?
3. Saang lugar makikita ang ganitong kaugalian at kagamitan?

C.Paglinang
-Pagpapanood ng video clip o pagbasa sa akdang “ Nagkaroon ng Anak sina
Wigan at Bugan”
- Pagtalakay sa nilalaman ng napanood na video clip sa pamamagitan ng mga
Gabay na tanong.

1. Sino sina Wigan at Bugan batay sa mitong Ifugao?


2. Ninais ba talaga ni Bugan na mamatay? Bakit?
D.Paglalapat

Gabay na Tanong:

1. Ano-anong mga kulturang Pilipino ang masasalamin sa mitong ito?


2. Ano ang mensahe at layunin ng nabasa / napanood na mito?

IV. Pagtataya
-Iugnay mo ang mga kaisipan o mensaheng nakapaloob sa mitong Nagkaroon ng Anak sina
Wigan at Bugan sa iyong sarili, pamilya, pamayanan at lipunan. Gayahin ang grapikong
presentasyon sa pagpapahayag ng iyong kaisipan sa sagutang papel

Nagkaroon ng
Anak sina Wigan
at Bugan
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
DIVISION OF LA UNION
ROSARIO INTEGRATED SCHOOL
Rosario, La Union

GURO
I. LAYUNIN 1. Natutukoy ang mahahalagang pangyayaring nakapaloob sa epikong napakinggan.
2.Naiuugnay sa totoong buhay at sa lipunan ang mga pangayayari sa kuwento.
3. Napahahalagahan ang mga mahahalagang kaisipang nakapaloob sa epikong napakinggan.

II.NILALAMAN
A.PAKSA Aliguyon
B.SANGGUNIAN * Filipino 7 -Ikalawang Markahan(Self-Learning Module)
* Rexinteractive
C.MGA Powerpoint, at video.
KAGAMITAN

III.
PAMAMARAAN
A.Panimulang Pagganyak:
Gawain: *Magpakita ng larawan ng isang Ifugao
* Tanong: Ano ang nakikita ninyo sa lawaran?Saang lugar naninirahan ang mga ito?

B. Pagsusuri Talakayin:
1. Ano ang malaking pangamba ni Antulao sakaling siya ay namatay?
2. Paano ginapi ni Aliguyon ang kaaway ng kanyang ama?
3. Bakit humanga si Pumbakhayon kay Aliguyon?
4. Anong bahagi ng salaysay ang may eksahrasyon at tila di-kapanipaniwala.
5. Ano ang maaaring mangyari sa dalawang tribu ng Daligdigan at Hananga matapos
na magkaisang dibdib sina Aliguyon at Bugan.

C.Paglinang sa
Ipabasa ang akdang Epiko ni Aliguyon
Aralin
Karagdagang kaalaman:
Pinaniniwalaang bawat bayan at pangkat -etniko sa Pilipinas ay may natatanging epiko.
Ang mga kapatid naman natin sa CAR(Cordillera Administrative Region) particular sa
Ifugao ay may ipinagmamalaki naming Hudhud at Alim.Mahalaga sa mga sinaunang
pamayanan ang epikong-bayan.Bukod sa nagiging aliwan ang epiko,ito ay nagsisilbing
pagkakakilanlang relihiyon at pangkultura.Ginagamit ito sa ritwal at pagdiriwang upang
maitanim at mapanatili sa isipan ng mga mamamayan ang mga kinagisnang ugali at
paniniwalla,gayundin ang mga tuntunin sa buhay na pamana ng ating mga ninuno.
D. Paglalapat
Gawain: Batay sa epikong Aliguyon ano anong mga kultura at tradisyon ang masasalamin
sa
Epiko.
1.
2.
3.
4.
5.
IV.Ebalwasyon; Panuto: Paggawa ng kmik iskrip. Gawan ng dialogue box ng komiks ang banghay ng Epiko
ni Aliguyon na matatagpuan sa baat pangkat.
Pangkat 1: Paglalarawan sa Tauhan at Tagpuan
Pangkat 2: Unang Misyon,Unang Bahagi ng Pakikipaglaban
Pangkat 3: Pagpapatuloy ng Labanan
Pangkat 4: Pagwawakas at Aral.
V.Takdang-aralin: Gumawa ng isang salaysay tungkol sa hindi makakalimutang karanasan o pangyayari sa
buhay patungkol sa kinagisnan kultura sa inyong lugar .
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
DIVISION OF LA UNION
ROSARIO INTEGRATED SCHOOL
Rosario, La Union

GURO
I. LAYUNIN *Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na
pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng
mga tauhan.
II.NILALAMAN
A.PAKSA Indaraptra at Sulayman
B.SANGGUNIAN * Filipino 7 -Ikalawang Markahan

C.MGA Batayang aklat at video clip


KAGAMITAN

III.
PAMAMARAAN
A.Panimulang Pagganyak:
Gawain: Pangkatang gawain, BEE SESSION .Mga larawan ng pangkat-etniko sa
Mindanao .tukuyin kung anong pangkat etniko sila nabibilang.
*Ang mga mag-aaral ay hatiin sa limang pangkat para sa gawain.Bawat
pangkat ay bibigyan ng hati-hating larawan ng pulo ng Mindanao,bigyang
ng apat na minuto ng bawat grupo sa pagbuo nito at pagtukoy
nito.Ipresenta ng bawat grupo ang kanilang awtput at simulang ilahad
ang mga ito..
B. Pagsusuri Pagpapanood ng video clip mula sa binasang akda na Indarapatra at
Sulayman.
1. Sino ang pangunahing tauhan sa napanood? Gaano siya kahalaga sa
pelikula?
2. Ano anong katangian ng mga tauhan ang masasalamin sa video na
C.Paglinang sa napanood?
Aralin 3. Paano ang mga pinakita ang mga pananamit at tradisyon ng mga
taga Mindanao sa kanilang pananamit?
Basahin ang Indarapatra at Sulayman
Si Indarapatra ay ang matapang na hari ng Mantapuli.  Nabalitaan niya
ang malimit na pananalakay ng mga dambuhalang ibon at mababangis na
hayop sa ibang panig ng Mindanao.  Labis niyang ikinalungkot ang mga
nangyayaring ito sa mga naninirahan sa labas ng kaharian ng Mantapuli.
Ipinatawag ni Indarapatra ang kanyang kapatid na si Sulayman, isang
matapang na kawal.  Inutusan ni Indarapatra si Sulayman upang puksain
ang mga ibon at hayop na namiminsala sa mga tao.  Agad na sumunod si
Sulayman.  Bago umalis si Sulayman, nagtanim si Indarapatra ng halawan
sa may durungawan.  Aniya kay Sulayman, Sa pamamagitan ng halamang
ito ay malalaman ko ang nangyayari sa iyo.  Kapag namatay ang halamang
ito, nanganaghulugang ikaw ay namatay.
Sumakay si Sulayman sa hangin.  Narating niya ang Kabilalan.  Wala
siyang nakitang tao.  Walang anu-ano ay nayanig ang lupa, kaya pala ay
dumating ang halimaw na si Kurita.  Matagal at madugo ang paglalaban ni
Sulayman at ni Kurita.  Sa wakas, napatay rin ni Sulayman si Kurita, sa
tulong ng kanyang kris.
Nagtungo naman si Sulayman sa Matutum.  Kanyang hinanap ang
halimaw na kumakain ng tao, na kilala sa tawag na Tarabusaw.  Hinagupit
nang hinagupit ni Tarabusaw si Sulayman sa pamamagitan ng
punongkahoy.  Nang nanlalata na si Tarabusaw ay saka ito sinaksak ni
Sulayman ng kanyang espada.
Pumunta si Sulayman sa Bundok ng Bita.  Wala rin siyang makitang tao.
Ang iba ay nakain na ng mga halimaw at ang natirang iba ay nasa taguan.
Luminga-linga pa si Sulayman nang biglang magdilim pagkat dumating
ang dambuhalang ibong Pah.  Si Sulayman ang nais dagitin ng ibon.
Mabilis at ubos lakas ng tinaga ito ni Sulayman.  Bumagsak at namatay
ang Pah.  Sa kasamaang palad nabagsakan ng pakpak ng ibon si
Sulayman na siya niyang ikinamatay.
Samantala, ang halaman ni Sulayman sa Mantapuli ay laging
pinagmamasdan ni Indarapatra.  Napansin niyang nanlata ang halaman at
alam niyang namatay si Sulayman.
Hinanap ni Indarapatra ang kanyang kapatid.  Nagpunta siya sa Kabalalan
at nakita niya ang kalansay ni Tarabusaw.  Alam niyang napatay ito ng
kapatid niya.  Ipinagpatuloy ni Indarapatra ang paghahanap niya kay
Sulayman.  Narating niya ang bundok ng Bita.  Nakita niya ang patay na
ibong Pah.  Inangat ni Indarapatra ang pakpak ng ibon at nakita ang
bangkay ni Sulayman.  Nanangis si Indarapatra at nagdasal upang
pabaliking muli ang buhay ni Sulayman.  Sa di kalayua'y may nakita
siyang banga ng tubig.  Winisikan niya ng tubig ang bangkay at muling
nabuhay si Sulayman.  Parang nagising lamang ito mula sa mahimbing na
pagtulog.  Nagyakap ang magkapatid dahil sa malaking katuwaan.
Pinauwi na ni Indarapatra si Sulayman.  Nagtuloy pa si Indarapatra sa
Bundok Gurayu.  Dito'y wala ring natagpuang tao.  Nakita niya ang
kinatatakutang ibong may pitong ulo.  Sa tulong ng kanyang
engkantadong sibat na si juris pakal ay madali niyang napatay ang ibon.
Hinanap niya ang mga tao.  May nakita siyang isang magandang dalaga na
kumukuha ng tubig sa sapa.  Mabilis naman itong nakapagtago.  Isang
matandang babae ang lumabas sa taguan at nakipag-usap kay
Indarapatra.  Ipinagsama ng matandang babae si Indarapatra sa yungib na
pinagtataguan ng lahat ng tao sa pook na iyon.  Ibinalita ni Indarapatra
ang mga pakikilaban nilang dalawa ni Sulayman sa mga halimaw at
dambuhalang ibon.  Sinabi rin niyang maaari na silang lumabas sa
kanilang pinagtataguan.  Sa laki ng pasasalamat ng buong tribu,
ipinakasal kay Indarapatra ang anak ng hari, ang magandang babaeng
nakita ni Indarapatra sa batisan.
IV.Ebalwasyon; Pangkatang gawain:
Ang grupo ay nakabatay sa kanilang naunang pagpapangkat.gamit ang
estratehiyang round table discussion bubuo ang bawat grupo ng isang
paghihinuha sa mga kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na
pinagmulan ng kuwento.ang nabuong paghihinuha ay isusulat ng mga
mag-aaral sa manila paper.
V.Takdang- Magsaliksik ng isang video tungkol sa balita na nagpapakita tungkol sa
aralin: isang lugar o pook na nagpapahayag ng kanilang saloobin dito.
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
DIVISION OF LA UNION
sROSARIO INTEGRATED SCHOOL
Rosario, La Union

GURO
I. LAYUNIN 1. Natutukoy at nauunawaan ang mga mahahalagang detalye, mensahe at kaisipang nais
iparating ng awiting-bayan at mga bulong. F7PN-IIa-b-7
2. Nakikilala ang mga tradisyon, paniniwala at kultura na sumasalamin sa mga akda ng mga
taga-Bisaya; at
2. Nabibigyang-halaga ang mga awiting-bayan at mga bulong sa kasalukuyang panahon

II.NILALAMAN
A.PAKSA Awiting-bayan
B.SANGGUNIAN * Filipino 7 -Ikalawang Markahan ,Self-Learning Modules
* rexinteractive
C.MGA Powerpoint, at video.
KAGAMITAN

III.
PAMAMARAAN
A.Panimulang *Bawat isa ay kakantahin ang kanilang mga paboritong awit at ipapaliwanag kung bakit nila
Gawain: nagustuhan ang awiting iyon.

*Ano anong mga awiting-bayan na natutunan ninyo noong bata pa kayo?


Sa mga taga Cordillera ano anong awitin ang tumatak noong bata pa kayo na karaniwang
inaawit Ninyo?
B. Pagsusuri Suriin ang awiting bayan ng Hiligaynon at sagutin ang katanungan sa ibaba.

Awiting-bayang ipinagmamalaki ng mga Kabisayaan

Awiting-bayang Ilonggo/Hiligaynon
Dandansoy Dandansoy
(Salin sa Filipino)
Dandansoy, baya-an ta ikaw,
Pauli ako sa payaw, Dandansoy, iiwan na kita
Ugaling kong ikaw hidlawon Uuwi na ako sa payaw
Ang payaw imo lang lantawon Kung sakaling ika’y mangulila
Sa payaw, ikaw ay tumanaw
Dandansoy kon imo apason,
Bisan tubig di magbaon Ugaling Dandansoy, kung ako ay iyong susundan
kon ikaw uhawon Sa dalan Kahit tubig, huwag ka nang magbaon
magbubon-bubon. Ngunit ikaw ay mauhaw
Sa daan, may maiinumang balon.
Panuto: Sagutin ang naihandang tanong para sa iyo. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

Alin sa mga uri ng awiting-bayan ang pinakagusto mo? Pangatuwiranan.


C.Paglinang sa
Aralin

Ang Pilipinas ay napakayaman sa larangan ng Panitikan mula pa man sa ating mga


ninuno bago pa man dumating ang mga mananakop? Sumasalamin ito sa ating sariling
kultura, tradisyon, kaugalian, paniniwala, pamumuhay at kasaysayan. Isa sa patunay nito
ang mga pasalindilang panitikan na Awiting-bayan at mga Bulong na nagmula pa sa ating
mga ninuno na hanggang sa kasalukuyan ay isinasabuhay pa rin natin.

Ang pasalindilang panitikan ay naging laganap sa panahon ng ating mga ninuno


bago pa man ang mananakop ng mga espanyol. Ito ang mga panitikang pinalaganap sa
pamamagitan ng pagpapasalin-salin ng pasalitang tradisyon mula sa iba’t ibang henerasyon.

Ang kabisayaan o mga taga-Bisaya ay isa sa napakayaman ng mga awitingbayan at


mga bulong. Nasasalamin ng mga ito ang kanilang sariling pagkakakilanlan.

Awiting-bayan
➢ Ang awiting-bayan ay nagsimula bilang mga tulang may sukat at tugma subalit
kalauna’y nilapatan ng himig upang maihayag nang pakanta. Sa ganitong paraan ay
higit na naging madali ang pagtanda o pagmemorya sa mga awiting ito. Ito rin ay
sinaunang awit ng mga Pilipino na tinatangkilik pa rin ng mga kabataan maging sa
kasalukuyan.
➢ Ito ay tinatawag ding kantahing-bayan na isa sa mga uri ng sinaunang panitikang
Pilipino bago pa man dumating ang mga mananakop. Ito ay nasa anyong patula na
inaawit at karaniwang binubuo ng labindalawang pantig sa bawat taludtod.
➢ Ang karaniwang paksa ng mga awiting-bayan ay ang pang-araw-araw na
D. Paglalapat pamumuhay ng mga tao sa isang bayan. Masasalamin sa mga ito ang kaugalian,
karanasan, pananampalataya, gawain o hanap-buhay.
➢ Bawat lugar o rehiyon ay may awiting-bayan na nakabatay sa kanilang
kultura at tradisyon.Hal ng awiting bayan ng mga taga Cordillera ay ang
Bagbagto.
➢ Sa mga kasalan at mga binyagan ay may mga tardisyon na pinapanatili tulad
ng “Sibisib” na nagpapakita ng pagbebendidyon ng mga magulang sa kanilang
anak.

Tukuyin Mo!
Panuto: Tukuyin at itala ang mga kaugalian, tradisyon o paniniwala ng mga kabisayaan na
makikita sa mga awiting-bayan. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.

Pamagat Tradisyon, paniniwala o kaugaliang makikita sa


Awiting-bayan
Awiting-bayan
1. Dandansoy
2. Ug binhi/ Ang binhi
3. Ili-Ili Tulog Anay
4. Ay! Ay Kalisud
IV.Ebalwasyon; Bawat isa ay kakantahin ang kanilang mga paboritong awit at ipapaliwanag kung bakit nila
nagustuhan ang awiting iyon.

V.Takdang-aralin: Magsaliksik ng mga ibat ibang awitin sa inyong rehiyon at kantahin ito sa harapan ng klase.

KRISTEL L. PASCUA
GURO 3

Binigyang-pansin nina:

LARRY O BARBASINA ARMI L. VALDEZ ALICIA F. APRECIO Ed,D.


MT-1 HT-III PRINCIPAL IV

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
DIVISION OF LA UNION
ROSARIO INTEGRATED SCHOOL
Rosario, La Union

Pangalan ng Guro: Larry O. Barbasina


Petsa : Hulyo 22, 2019
Oras : 2:00-3:00
Asinagtura: Filipino 9
Baitang at Pangkat: IX SSC
Markahan: Unang Markahan

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa at


pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng
Timog-Silangang Asya
PAMANTAYAN SA PAGGANAP Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng malikhaing
panghihikayat tungkol sa isang book fair ng mga
akdang pampanitikan
ng Timog-Silangang Asya
Paksa
Layunin/ Kasanayang Pampagkatuto 1. F9PU-Ie-43
Naisusulat ang ilang taludtod tungkol sa
pagpapahalaga sa pagiging mamamayan ng
bansang Asya
2. F9PS-Ie-43
Nabibigkas nang maayos at may damdamin ang
isinulat na sariling taludturan
Sanggunian at Kagamitan A. Sanggunian
:rexinteractive.com, Supplemental Lesson Plan 1
: Panitikang Asyano
:Diksiyonaryong Filipino
B. Kagamitang panturo
: kopya ng akda at iba pang kagamitang biswal.
Pamamaraan A. Panimulang Gawain: Panonood ng pagbigkas ng
tula mula sa YouTube
B. Pagsusuri: Pagsusuri sa pinanood na tula batay
sa ilang elemento nito at paraan ng pagbigkas..
C. Paglinang:
- Pagtalakay sa elemento ng tula at balik-aral
tungkol sa ponemang suprasegmental.
- Paglilinaw sa magiging gawain
D. Paglalapat:
1. Sumulat ng isang malayang tula na
nagpapakita ng pagpapahalaga sa
kinamulatang tradisyon at kultura.
2. Bigkasin nang madamdamin ang tulang
isinulat.
Pamantayan sa Pagmamarka ng gawain.
5 4 3 2 1
1. Nilalaman
Naipakita ang
pagpapahalaga sa
kinamulatang
kultura at
tradisyon.
2. Talinghaga
Mahusay na
paggamit ng
tayutay at iba pang
matalinghagang
pahayag.
3. Tinig
(Angkop ang lakas
ng tinig)
4.Kalinawan
(Malinaw ang
pagbigkas ng mga
salita.)
5- Napakahusay 4- Mahusay
3- Mahusay-husay 2- Hindi gaanong mahusay
1- Kailangang paghusayan pa

Pagtataya A. Pagsusuri sa tulang Ang Guryon.


1. Sino ang persona.
2. Sino ang kausap ng persona?
3. Ano ang metaporang ginamit ng may-akda sa
tula?
4. Ano ang sukat ng tula?
5. Ano ang bisang pangkatauhang mahihinuha
sa tula?
B. Sagutin nang buong katapatan ang sumusunod
na katanungan sa ibaba. Ilakip ang sagutang
papel sa inyong envelope.

1. Ano-ano ang iyong natutuhan sa aralin?


2. Ano ang pinakamahalagang natutuhan mo sa
aralin? Bakit?
3. Sa anong gawain ka hindi gaanong nahirapan,
at bakit?
4. Sa paanong paraan mo mas mapayayabong
ang mga natutuhan sa aralin?

Mga Puna Gamit ang mga natutuhan sa aralin ay mahusay na nasagot ang
mga hinandang katanungan.
0 students mastered the lesson.
0 students did not mastered the lesson.
Iba pang Gawain/ karagdagang Gawain Kasunduan: Kabisahin ang isinulat na tula at
bigkasin sa klase.
Repleksiyon Napakahusay ng tulang isinulat ng mga mag-aaral,
naiugnay nila ito sa kanilang karanasan at
lumutang ang pagpapahalaga sa minananang
kultura at tradisyon.

WEEKLY HOME LEARNING PLAN


FILIPINO 8
Ikawalong Linggo
Unang Markahan – Modyul 8: Mga Hakbang sa Pananaliksik tungo sa Pagpapahalaga sa
Katutubong Kultura
(Panitikan sa Panahon ng Katutubo, Espanyol at Hapon)
Pangkat: 8 Rose
Guro: Larry O. Barbasina
CP #: 09156663199
Messenger: Larry Ollero Barbasina
Day & Learning Learning Learning Tasks Mode of
Time Area Competency Deliver
y
Biyernes Filipino 8 Mga Aralin 8: Mga Hakbang sa Ipadala
Ika- 9:30 Modyul 8: Pinakamahahalagang Pananaliksik tungo sa sa
– 11:30 Mga Hakbang Kasanayang Pagpapahalaga sa magulang
nh sa Pampagkatuto (MELC): Katutubong Kultura o
Pananaliksik 1. Naipaliliwanag I. Basahin at unawain mong guardian
tungo sa ang mga mabuti ang Sapulin, sa ang
Pagpapahalaga bahaging ito ng iyong awtput sa
hakbang sa
sa Katutubong paaralan.
paggawa ng modyul ay malalaman mo
Kultura
(Panitikan sa pananaliksik ang mga pinaka
Panahon ng ayon sa binasang mahalagang kasanayang
Katutubo, datos. (F8PB-li-j- pampagkatutong dapat
Espanyol at 25); matutuhan sa pagtapos ng
Hapon) 2. Nagagamit sa modyul. Paalala lamang
pagsulat ng na basahin at unawaing
resulta ng mabuti ang mga panuto
pananaliksik ang
bago isagawa ang mga
awtentikong
gawain. Isulat ang mga
datos na
sagot sa sagutang papel.
nagpapakita ng
pagpapahalaga II. Isagawa mo nang buong
sa katutubong husay ang Gawain 1:
Subok-talino! at Gawain
kulturang
2: Ibigay mo! sa bahaging
Pilipino. (F8PU-
Simulan.
li-j-33); at
III. Sa bahaging Lakbayin ay
3. Nagagamit nang
basahin at pag-aralan ang
maayos ang mga
maikling talakay sa mga
pahayag sa pag- konseptong kaugnay ng
aayos ng datos pananaliksik..
(una, isa pa, iba I. Gamit ang kaalamang
pa). (F8WG-li-j- natamo mula sa talakay
23)
sa Lakbayin ay buong
husay mong isagawa ang
Mga Tiyak na
Gawain 2. A. Tukuyin
Layunin:
Mo!, B. Pagsunod-
1. Natutukoy sunurin mo! at C.
ang mga Iangkla mo! sa bahaging
hakbang sa Galugarin.
paggawa ng II. Sa bahaging Palalimin ay
pananaliksik; isagawa mo ang Gawain
2. Nakikilala 3: GRASP-Galing sa
ang mga pagsulat, ipakita mo!
bahagi sa Panuto: Magsagawa ng
pagsulat ng pakikipanayam.
resulta ng Tanungin ang mga
pananaliksik; magulang, mga kamag-
3. Natatalakay anak, at nakatatandang
ang mga kasama sa bahay tungkol
pahayag sa sa kinamulatang kultura
pagsasaayos at kaugalian ng
ng datos; at kinabibilangang
4. Nakasusulat komunidad o pangkat
ng isang Maari ring makipanayam
halimbawa sa mga kaibigan o mga
ng resulta ng kakilalang maalam sa
pananaliksik paksa gamit ang
batay sa mga messenger. Pagkatapos,
nakalap na sumulat ng pagbabahagi
ng isinagawang
datos.
pakikipanayam.
Aralin 8.2 Mga Pahayag sa
Pag-aayos ng Datos
I. Isagawa at sagutin mo
nang buong husay ang
Gawain 1. Kaalaman Mo,
Itala Mo! at Gawain 2.
Ayusin Mo Ako! sa
bahaging Simulan.
II. Sa bahaging Lakbayin ay
basahin mo ang maikling
talakay sa Pag-aayos ng
mga datos at Paglalahad
ng resulta ng
pananaliksik upang
maisagawa nang mahusay
ang mga gawain.
III. Sa bahaging Galugarin ay
isagawa mo ang Gawain
3. Pag-aralan Mo! at
Gawain 4. Buoin Mo!
IV. Sa bahaging Palalimin ay
isagawa mo Gawain 5:
Sarbey ko Ito! Pag-aralan
at unawain ang
pamantayan sa
pagsasagawa ng gawain
upang makuha ang
pinakamataas na marka.
V. Isagawa ang Pangwakas
na Pagtataya sa bahaging
Sukatin upang masukat
ang antas ng iyong
pagkatuto sa mga
kasanayang dapat
natutuhan sa aralin.
VI. Sagutin nang buong
katapatan ang
sumusunod na
katanungan sa ibaba.
Ilakip ang sagutang papel
sa inyong envelope.
1. Ano-ano ang iyong
natutuhan sa
aralin?
2. Ano ang
pinakamahalagang
natutuhan mo sa
aralin? Bakit?
3. Sa anong gawain
ka hindi gaanong
nahirapan, at
bakit?
4. Sa paanong paraan
mo mas
mapayayabong ang
mga natutuhan sa
aralin?

You might also like