Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 28

9

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 7:
Pagbigay Puna ng Bisa sa
Paggamit ng Hayop
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 7: Pagbigay Puna ng Bisa sa Paggamit ng Hayop
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon paman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Merlyn B. Elorde, MAed
Editor: Josephine L. Tomboc EdD, Susan S. Bellido
Tagasuri: Maimona G. Piang, MAed–Filipino, Mario Shoji N. Romarate
Tagapamahala: Dr. Isabelita M. Borres, CESO III
Eugenio B. Penales, EdD
Sonia D. Gonzales
Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI
Juliet A. Magallanes, EdD
Florencio R. Caballero, DTE
Alma D. Belarmino, EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region IX


Office Address: Regional Center, Balintawak, Pagadian City
E-mail Address: region9@deped.gov.ph
9
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 7:
Pagbigay Puna ng Bisa sa
Paggamit ng Hayop
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 9 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Pagbigay Puna ng Bisa sa Paggamit ng Hayop .

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ang mga gawain at estratehiya sa modyul na ito ay kailangang sagutin at
iwasto sa magkasunod-sunod na paraan. Ang bawat gawain ay gagabay sa mga
mag-aaral upang matuklas o malinang ang kasanayan sa araling ito. Kaya
dapat mahasa nang husto ang kakayahan ng mga mag-aral. Kinakailangang
unawain at sundin ang mga panutong ibinigay.
Ang modyul na ito ay naglalayong mabibigyang-puna ang kabisaan ng
paggamit ng hayop bilang mga tauhan na parang taong nagsasalita at
kumikilos.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ng kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa Mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Pagbigay Puna ng Bisa sa Paggamit ng Hayop.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
iv
Alamin

Kumusta kaibigan? Binabati kita dahil nasa ikatlong modyul na tayo sa


ating paglalakbay. Naririto akong muli upang gabayan ka sa paglalakbay na ito.
Sandali muna kaibigan muli ako si Merlyn ang gagabay sa iyo. Alam kong nasasabik
ka na sa mga inihanda kong gawain ngayon.
Sa nakaraang paglalakbay tinalakay natin ang tungkol sa pabula ng Korea.
Naglalahad ito ng damdamin ng mga tauhan batay sa diyalogong napakinggan mula
sa kuwento. Dito natin malalaman kung anong damdaming namamayani sa mga
tauhan habang pinakinggan ang diyalogo ng pabulang pinamagatang “Ang Mag –
inang Palakang Puno.”
Kasunod nito aalamin at kilalanin natin ang isa pang kilalang pabula ng
Korea na pinamagatang “Ang Hatol ng Kuneho na isinalin sa Filipino ni Vilma C.
Ambat. Sa araling ito matutunghayan natin ang mga hayop ang gumaganap bilang
mga tauhan na nagsasalita at kumikilos na parang mga tunay na tao. Tara na!
sisimulan na natin ang pagtatalakay sa isa pang pabula mula sa Korea.
Kaya nga pagkatapos ng paglalakbay natin inaasahan ko na nagagawa mo
ito.

• Nabibigyang – puna ang kabisaan ng paggamit ng mga hayop


bilang tauhan na parang taong nagsasalita at kumikilos.

1
Subukin

Magandang araw sa iyo kaibigan! Paalala na bawat bahagi ng modyul na


ito ay nagtataglay ng mga gawain at pagsubok sa iyong kakayahan. Huwag kang
mag-alala dahil naririto naman ako na nakahandang gumabay. Sundin mo lang ang
aking mga panutong ibinigay at gawaing ipapagawa. Ito ay ang panimulang
pagsusulit na susukat sa lawak ng iyong kaalaman sa pag-aaral ng iyong aralin.

Gawain I:
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Paano ginampanan ng mga hayop ang kanilang papel bilang tauhan sa
kuwento?

A. Sa pamamgitan ng pagsasalita at pagkikilos na parang mga tao

B. Sa pamamagitan ng pagpapalit - anyo nito ng isang tao

C. Sa paraang sila ang namamahala sa kuwento

D. Sa paraang sila ang sumasaksi sa pagtatahghal ng mga actor

2. Ano ang kadalasang ipinapakita sa pabula?

A. kabayanihan ng mga tauhan


B. pinagmulan ng isang bagay
C. kagandahan ng kapaligiran
D. nagbibigay ng aral
3. Bakit mahalagang pag – aralan ang pabula?
A. dahil ito ay may nakatutuwang nilalaman
B. Ito ay nagbibigay ng aral.
C. Ito ay nakakaaliw basahin.
D. Ito ay naglalahad ng isang opinyon

2
4. Sa akdang pampanitikang pabula, alin sa sumusunod ang gumaganap na
tauhan sa kuwento?
A. tao
B. hayop
C. insekto
D. karaniwang nilalang
5. Ang mga kaisipang ito ay may kaugnayan sa salitang pabula, alin sa
sumusunod ang hindi kasali sa grupo?
A. kathang – isip
B. nagbibigay – aral
C. walang katotohanan
D. nagsasaad ng katotohanan
6. Bakit mahalagang pag-aralan ang panitikan ng Silangang Asya?

A. Upang makasunod tayo sa agos ng modernisasyon.

B. Upang mapatibay pa ang ating pakikiisa sa mga bansa sa Asya.

C. Upang matuto at mapaunlad ang sarili tulad ng mga kapwa nating

Asyano.

D. Upang lubos na makilala ang kultura at kakayahan ng ating mga

karatig bansa.

7. Ang pabulang pinamagatang “Ang Hatol ng Kuneho ay nagmula sa

sa bansang ________.

A. India
B. Korea
C. Tsina
D. Japan .

8. Ang layunin ng may- akda sa paghahatid ng kanyang kuwento ay ___________.

A. ipabatid kung paano gumaganap ang mga hayop na tauhan


B. ilarawan ang lugar at mga kaugalian
C. isalaysay ang mga pangyayari
D. ipakilala ang mga tauhan

3
9. Alin sa mga hayop na ito ang may katangiang taksil na inihalintulad sa isang
tao?
A. aso
B. pagong
C. ahas
D. kalabaw
10. Alin sa mga sumusunod na katangian mayroon ang isang aso?
A. matapat
B. tuso
C. mayabang
D. matiyaga

Paano kung makakita ka ng isang tao na malapit na siyang kakainin


ng tigre sa halip na tinulungan siya ng tao na makaahon sa hukay. Ano ang
gagawin mo?

Alam mo ba?
Sa malawakang pagkakaunawa, ang panlilinlang o panloloko ng ating kapwa
ay hindi mabuting gawain ng isang taong Kristiyano. Ito ay nakasisira ng puri o
dangal ng ating pagkatao. Maituturing itong isang malaking kasalanan sa mata ng
ating Poong Maykapal.
Sang – ayon sa ating banal na aklat na Bibliya, ang gawaing ito ay labag sa
kalooban ng ating Panginoong Diyos. Kung nais mong malaman ang kumpletong
detalye ng kuwento ipapabasa ko ito sa iyo upang higit mong maunawaan.

4
Aralin Pabula ng Korea: Ang
1 Hatol ng Kuneho

Ang araling ito ay gagabay sa iyo sa pagtuklas kung paano


ginampanan ng mga hayop ang kanilang papel bilang tauhan na nagsasalita
at kumikilos sa kuwento.

Balikan

Tayo ay magpatuloy kaibigan, ngunit bago tayo tutungo ay balikan muna


natin ang ating nakaraang aralin. Naaalala mo pa ba ang ating nakaraang aralin?
Ang ating tinalakay ay tungkol sa pabulang pinamagatang “Ang Mag – inang
Palakang Puno “mula sa bansang Korea. Magaling!
Natandaan mo pa ba kung ano ang inilahad dito? Naglalahad ito tungkol sa
damdamin ng mga tauhan sa diyalogo. Ang husay mo naman! tama ang iyong sagot.
Magbigay ng halimbawa ng damdaming namayani ng mga tauhan sa napakinggang
diyalogo. Ang damdaming namayani sa tauhang batang palaka ay nagsisi siya sa
kanyang pagiging pasaway sa ina. Bawat utos ng ina ay kanyang sinuway.
Samantalang ang inang palaka ay nakaramdam ng pagkalungkot at pagkabahala sa
kanyang anak kung ano ang magiging kinabukasan nito sa kabila ng kanyang
pagkasuwail. Napakagaling! Talaga namang nakinig ka sa tinalakay nating huling
aralin.

5
1. Magpatulong sa nakatatandang kapatid kung nahirapan.
2. Huwag mag-atubiling magtanong kung hindi naunawaan.
3. Sundin ang panuto sa bawat gawain.

Tuklasin

Handa ka na ba sa susunod na gawain? Halika na! basahin natin ang


pabulang pinamagatang “Ang Hatol ng Kuneho” na isinalin sa Filipino ni Vilma C.
Ambat. Sa iyong pagbabasa, tuklasin mo kung paano nagsasalita at kumikilos ang
mga hayop bilang mga tauhan sa kuwento. Matapos mong basahin ang kuwento
sagutin mo at ipaliwanag ang mga sumusunod na tanong.

Ang Hatol ng Kuneho


Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

Noong unang panahon, ang mga hayop ay nakapagsasalita pa, may isang
tigreng naghahanap ng pagkain sa gubat. Sa kaniyang paglilibot, nahulog siya
sa napakalalim na hukay. Paulit-paulit na sinubukan ng tigre ang humingi ng
tulong subalit walang nakarinig sa kaniya.
Kinabukasan, muling sumigaw ang tigre upang humingi ng tulong
hanggang mapaos. Gutom na gutom at hapong–hapo na ang tigre. Lumupasay
na lamang siya sa lupa. Naisip niyang ito na ang kaniyang kamatayan. Walang
ano–ano ay nakarinig siya ng mga yabag. Nabuhayan siya ng loob at agad
tumayo. “Tulong! Tulong! Muli niyang isinigaw.

6
Ah! isang tigre! Sabi ng lalaki habang nakadungaw sa hukay.
Pakiusap tulungan mo akong makalabas dito,” pagmamakaawa ng tigre.
“Kung tutulungan mo ako, hindi kita makalilimutan habambuhay.”
Naawa ang lalaki sa tigre subalit naisipan niyang baka kainin siya nito.
“gusto sana kitang tulungan subalit nangangamba ako sa maaaring mangyari.
Patawad! ipagpapatuloy ko na ang aking paglalakbay,” wika ng lalaki at
nagpatuloy sa paglalakad.
“Sandali Sandali! Huwag mong isipin iyan,” pakiusap ng tigre”. Huwag
kang mag-alala, pangako ko hindi kita sasaktan. Nagmamakaawa ako,
tulungan mo ako. Kapag ako ay nakalabas dito tatanawin kong malaking utang
na loob!”
Tila labis nakakaawa ang tinig ng tigre kaya bumalik ang lalaki upang
tulungan ito. Nakahanap siya ng troso at dahan-dahan niyang ibinaba sa
hukay. “Gumapang ka rito,” sabi ng lalaki.
Gumapang ang tigre sa troso hanggang makaahon sa hukay. Nakita ng
tigre ang lalaking tumulong sa kaniya. Naglaway ang tigre at naglakad paikot
sa lalaki.
Sandali! Hindi ba nangako ka sa akin na hindi mo ako sasaktan? Ito ba
ang paraan ng pagpapasalamat at pagtanaw ng utang na loob? Sumbat ng
lalaki sa tigre.
“Wala na akong pakialam sa pangakong iyan dahil nagugutom na ako!
Hindi ako kumain ng ilang araw! tugon ng tigre!
“Sandali! Sandal! Ang pakiusap ng lalaki. “Tanungin natin ang puno ng
pino kung tama bang kainin mo ako.”
“Sige,” ang wika ng tigre. “Pero pagkatapos natin siyang tanungin,
kakainin na kita. Gutom na gutom na ako”
Ipinaliwanag ng tigre at ng lalaki sa puno ng pino ang nangyari.
“Anong alam ng tao sa pagtanaw ng utang na loob?” tanong ng puno ng
Pino. “Bakit ang mga dahon at mga sanga naming kihukuha ninyo upang
mapainit ang inyong mga tahanan maluto ang inyong mga pagkain? Mga taon
ang binibilang naming upang lumaki. Kapag kami’y malaki na pinuputol ninyo.
Ginagamit ninyo kami sa pagpapatayo ng inyong mga bahay at pagpapagawa
ng inyong mga kasangkapan. At isa pa, tao rin ang humukay ng butas na iyan.
Utang na loob! Huwag ka nang magdalawang isip. Tigre, sige pawiin mo ang
iyong gutom.
“O anong masasabi mo doon? Tanong ng tigre habang nananakam at
nginungusuan ang lalaki.
Sa mga sandaling iyon ay dumaan ang isang baka. “Hintay! Hintay!”
pakiusap ng lalaki. “Tanungin natin ang baka sa kaniyang hatol.”
Sumang-ayon ang tigre at ipinaliwanag nila sa baka ang nangyari.
Hiniling ng dalawa ang opinyon ng baka.
“Sa ganang akin, walang duda sa kung ano ang dapat gawin,” wika ng
baka sa tigre. “Dapat mo siyang kainin! Tingan mo, mula ng kami ay maisilang
ay naglilingkod na kami sa mga tao. Kaming mga baka ang nagbubuhat ng
mabigat nilang dalahin. Inaararo namin ang kanilang bukid upang sila ay
makapagtanim. Subalit, ano ang ginawa nila kapag kami ay tumanda na…

7
pinapatay kami at ginagawang pagkain! Ginagamait nila ang aming mga balat
sa paggawa ng kung ano–anong bagay. Kaya huwag mo na akong tanungin
tungkol sa pagtanaw ng utang na loob. Kainin mo na ang taong iyan.
“Tingnan mo, lahat sila ay sumasang-ayon sa akin. Kaya humanda ka
na sa iyong kamatayan! wika ng tigre habang bumubwelo upang suklamin ang
lalaki.
Alam na ng lalaki na ito na ang kaniyag katapusan. Nang biglang
dumating ang lumuluksong–luksong kuneho.
“Sandali Tigre! Sandali!” sigaw ng lalaki.
“Ano na naman!” sigaw ng tigre. “Pakiusap, bigyan mo pa ako ng huling
pagkakataon. Tanungin natin ang kuneho para sa kaniyang hatol kung dapat
mo ba akong kainin.
Ah! Walang Kuwenta! Alam mong ang sagot niya. pareho lang sa sagot
ng puno ng Pino at ng baka.”
Pakiusap, parang awa mo na! pagsusumamo ng lalaki. “O, sige pero huli
na ito. Gutom na gutom na ako! Sagot ng tigre.
Isinalaysay ng tigre at ng lalaki ang nangyari. Matamang nakinig ang
kuneho. Ipinikit ang kaniyang mga mata at pinagalaw ang kaniyang
mahahabang tainga. Pagkalipas ng ilang sandali, muli niyang idinilat ang
kaniyang mga mata. Malumanay at walang ligoy na nagsalita ang kuneho.
“Naiintindihan ko ang inyong isinalaysay. Subalit kung ako ang magpapasya at
magbibigay ng mahusay na hatol dapat tayong magtungo sa hukay. Muli
ninyong isasalaysay sa akin ang nangyari. Ituro ninyo sa akin ang daan
patungo doon”, wika ng kuneho.
Itinuro ng tigre at ng lalaki ang hukay sa kuneho. “Tingnan natin, sabi
mo nahulog ka sa hukay at ikaw naman ay nakatayo dito sa itaas,” wika ng
kuneho sa tigre at sa lalaki. “Pumunta kayo sa mga posisyon ninyo noon, upang
mapag–Isipan ko pang mabuti ang aking hatol.”
Tumalon agad ang tigre ng hindi nag-iisip. Ang nais lamang niya ay
matapos agad ang usapan nang makain na niya ang tao. “Ah! Ganito ang
kalagayan ninyo noon. Ikaw, tigre ay nahulog sa hukay at hindi makaahon.
Ikaw naman lalaki, narinig mo ang paghingi ng saklolo kaya tinulungan mo ang
tigre. Ngayon maaari na akong magbigay ng hatol. Ang problemang ito ay
nagsimula nang tulungan ng tao ang tigreng makalabas sa hukay,” paliwanag
ng kuneho na tila may ibang kausap. “Sa ibang salita, kung ang tao ay hindi
nagpakita ng kabutihan at iniwan ang tigre sa hukay, walang naging problema.
Kaya naisip kung magpatuloy ang tao sa kaniyang paglalakbay at dapat na
manatili ang tigre sa hukay. Magandang umaga sa inyong dalawa!” wika ng
matalinong kuneho at nagpatuloy sa kaniyang paklukso.

8
Gawin 2: Sa Antas ng iyong Pag - ugnawa
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag na nasa ibaba at sagutin
ang mga tanong ayon sa iyong sariling pang-unawa.

1. Tama ba ang naging hatol ng kuneho sa suliranin ng tigre at lalaki? Bakit?


_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

2. Kung ikaw ang hahatol sa sitwasyon gagawin mo rin ba ang ginawa ng


kuneho? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________.

9
Suriin

Magaling ka kaibigan! natapos mong basahin ang kuwento. At nasagutan


mo nang maayos ang gawain. Kamusta? marami ka bang natutunan? Magaling!
Ngayon, ipapabasa ko sa iyo ang tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng
pabula sa korea upang maragdagan ang iyong kaalaman tungkol sa pabula.
Pagkatapos mong mabasa sasagutan mo ang kasunod na gawain na inihanda ko
para sa iyo.
Dagdag kaalaman:
Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula sa Korea

Ang mga hayop ay hindi mga nilikhang gumagala sa kapatagan at


kabundukan. Ang mga ito ay may simbolong ugnayan sa bansa at sa mga
mamamayan nito. Sa Korea, mahalaga ang ginampananan ng mga hayop sa
kanilang mitolohiya at kwentong bayan. Ayon sa kanilang paniniwala, noong unang
panahon daw ay may isang tigre at oso na nagnais maging tao. Nang bumaba sa
lupa ang kanilang diyos na si Hwanin (diyos ng kalangitan) ay humiling ang isang
tigre at isang oso na maging tao. Ang sabi ni Hwanin ay magkulong sa kuweba ang
dalawa sa loob ng 100 araw. Dahil sa marubdob na pagnanasang maging tao ay
sumunod sa pinag-uutos ang dalawa. Pagkalipas lamang ng ilang araw ay agad ding
lumabas ang tigre subalit nanatili sa loob ng kuweba ang oso. Pagkalipas ng 100
araw ay may isang napakagandang babae ang lumabas ng kuweba. Ang babae ay
natuwa sa kaniyang itsura at kinausap muli si Hwanin. Nagpasalamt siya sa diyos
at humiling na sana ay magkaroon siya ng anak. Pinababa sa lupa ng diyos ang
kaniyang anak na si Hwanung (anak ng diyos ng kalangitan) at ipinakasal sa babae.
Sila’y nagkaanak at pinangalanang Dangun. Si Dangun ay naging hari.
Pinaniniwalaang dito nagsimula ang pagkakaroon ng simbolong hayop ang ibat’t
ibang dynasty saKorea.

Dagdag kaalaman:

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay mga tao ang gumaganap na tauhan sa


isang akda. May mga akda tulad ng pabula na gumagamit ng mga hayop upang
bigyang-buhay ang mga karakter dito. Marahil may mga katangian ang tao na
taglay rin ng mga hayop. Ang paggamit ng hayop bilang mga tauhan ay mabisang
paraan upang maitanim sa isipan ng mga mambabasa, lalo na sa mga bata ang
pagpapahalaga, mithiin at mahalagang kaisipang nais iparating ng sumulat nito.

10
Gawain 3:

Panuto: Basahin at sagutin nang mabuti ang mga tanong.

1. Paano naipakita ng mga hayop ang pagganap nila bilang mga tauhan sa
kuwento?
______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________.

2. Bakit hayop ang ginamit ng may - akda sa pabula bilang mga tauhan?
(Ipaliwanag)
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________.

11
Pagyamanin

Ang galing mo kaibigan! Nasagutan mo nang maayos ang gawain sa suriin.


Op`s may isa pang gawain na inihanda ko para sa iyo.

Gawain 4: Galingan mo!

Panuto: Punan ng angkop na usapan ang komik istrip kung paano nagbigay ng
hatol ang kuneho sa tigre at sa tao.

Isinalaysay ng tigre at ng lalaki ang nangyari sa kanilang dalawa. Matamang


nakinig ang kuneho. Ipinikit ang kaniyang mga mata at pinagalaw ang kanyang
mahahabang tainga. Pagkalipas ng ilang sandali, muli niyang idinilat ang kanyang
mga mata. Malumanay at walang ligoy na nagsalita ang kuneho.

2.

1. 2.

Kuneho Tigre

Muling isinalaysay ng tigre at tao ang nangyari sa kanilang dalawa sa


kuneho at itinuro nila ang daan patungo doon sa pinangyarihan.

3. 4.

Tigre

5.
Kuneho Tao

Kuneho
12
Isaisip

Halina’t matuto kaibigan! Ating basahin at unawain ang mahahalagang


kaalaman tungkol sa kahulugan ng pabula sa Korea.

Ano ang pabula?

Ang pabula ay isa sa mga unang panitikan sa daigdig. Noong ika–5 at


ika–6 na siglo bago si Kristo, may itinuturing nang pabula ang mga taga–
India. Ang karaniwang paksa ng pabula ay tungkol sa buhay na itinuring na
dakilang tao ng mga sinaunang Hindu, si Kasyapa. Lalong nagpatanyag ang
mga ganitong kuwento sa Gresya. Si Aesop ang tinaguriang “Ama ng mga
Sinaunang Pabula” dahil sa nagpabantog niyang aklat, ang Aesop’s Fable.

Ang pabula ay isang maikling kuwentong kathang–Isip lamang.


Karaniwang isnalaysay sa mga kabataan para aliwin gayundin ang magbigay
ng pangaral. Ang mga tauhan ng kuwento ay pawang mga hayop. Mga hayop
na kumakatawan o sumasagisag sa mga katangian o pag–uugali ng tao. Ang
ahas halimbawa ay karaniwan nangangahulugan ng isang taong taksil. Ang
pagong, makupad. Ang kalabaw, matiyaga. Ang palaka, mayabang. Ang
unggoy o matsing, isang tuso. Ang aso, matapat. Marami pang hayop ang may
ibang pagpapakahulugan. Sa mga bagay naman, ang rosas ay kumakatawan
sa babae at sa pag-ibig. Ang bubuyog sa isang mapaglarong manliligaw.
Itinuturo ng pabula ang tama, patas, makatarungan, at makataong ugali at
pakikitungo sa ating kapwa. Ang mga pabula ay lumaganap dahil sa
magagandang aral sa buhay na ibinigay nito.

13
Isagawa

Natutuwa ako kaibigan dahil malapit mo nang matapos ang modyul


na ito. Marami ka ng natutunan sa ating aralin. Sa puntong ito ay sasagutin
mo naman ang gawain na ito.

Gawain 5:
Sa kabila ng katotohanang mga hayop ang ginagamit na tauhan sa isang
pabula, mahalagang isaalang-alang ang pagiging kapani–paniwala ng mga ito.
Ilarawan ang katangian at ang ginampanan ng bawat tauhan sa pabula ayon sa
wastong pagkakasunod–sunod ng mga pangyayari. Isulat ang sagot sa tsart na
inilaan.

Pangalan ng tauhan Katangian Ginampanan

14
Gawain 6:

Tama o Mali

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng katotohanan, isulat
naman ang salitang MALI kung ang pahayag ay nagsasaad ng walang
katotohanan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

______1. Ang pabula ay kuwento na may mga tauhang ginagampanan ng hayop na


kumikilos, nagsasalita at nag-iisip na parang tao.

______2. Ang tigre ay may katangiang taglay na matalino at may makataong ugali
ayon sa pabulang tinalakay “Ang Hatol ng Kuneho”

______3. Ang unang pangyayari sa pabula ay nagsimula nang naglalakad ang isang
lalaki sa gubat.

_______4. Hinatulan ng kuneho ang suliranin ng tigre at lalaki nang patas at


makatarungang pasiya.

_______5. Masasalamin sa pabula ang kultura ng bansang pinagmulan nito na dapat


ipagmalaki at pahalagahan.

Tayahin

Binabati kita kaibigan sa iyong kagalingan sa pagsunod sa mga panuto sa


lahat ng gawain. Upang lubos mong maunawaan ang ating aralin sagutin mo ito.

Gawain 7:
Panuto: Basahin at unawaing mabuti. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat
sa iyong sagutang papel.

1. Sa iyong palagay, naging mabisa ba ang ginawang hatol ng kuneho sa suliranin


ng tigre at lalaki? Bakit?
A. Oo mabisa ang hatol ng kuneho, dahil simula noon ay nalutas na ang
problema ng tigre at lalaki.
B. Hindi mabisa ang hatol ng kuneho dahil pinapuntang muli ang tigre sa
hukay samantalang ang tao ay pinanatili sa paglalakbay.
C. Oo mabisa ang hatol ng kuneho dahil hindi siya inaway ng tigre at tao.

15
D. Hindi mabisa ang hatol ng kuneho dahil patas ang kanyang desisyon.
2. Makatwiran ba ang ginawa ng tigre sa tao, sa halip na tinulungan siya nito?
A. Hindi makatwiran ang ginawa ng tigre dahil hindi siya marunong
tumapad sa kanyang pangako sa tao at walang utang na loob.
B. Makatwiran ang ginawa ng tigre dahil gutom na gutom na siya.
C. Hindi mabuti ang ginawa ng tigre sa tao dahil hindi sila nag – away.
D. Makatwiran ang ginawa ng tigre dahil ipinakita lamang niya sa tao na
na siya’y mabangis.
3. Paano ginampanan ng kuneho ang kanyang papel bilang tauhan sa kuwento?
A. Sa pamamagitan ng pagbibigay- buhay sa kuwento
B. Sa pamamagitan ng pagtulong ng kanyang kapwa tauhan upang malutas
ang suliranin nito
C. Ginampanan ng kuneho ang kanyang papel sa pamamagitan ng
pakikipaglaban sa kapwa tauhan niya.
D. Ginampanan ng kuneho ang kanyang papel sa pamamagitan ng paninira
puri sa kanyang kapwa tauhan.

4. Ginagamit sa mga kuwentong ito ang mga hayop bilang tauhan.


A. maikling kuwento

B. kuwentong bayan

C. pabula

D. pabula

5. Ang pabulang pinamagatang “Ang Hatol ngKuneho” ay nagmula sa

sa bansang ________.

A. Japan

B. India

C. India

D. Korea

16
6. Ito ay isang maikling kuwentong kathang isip lamang at walang katotohanan.

A. parabula

B. pabula

C. kuwentong

D. Dula

7. Mayaman ang batang binusog ng pabula. Ano ang nais ipahiwatig nito?

A. Matalino ang bata sapagkat nagbabasa ng pabula.

B. mayaman ang bata sa kaalaman tungkol sa hayop.

C. Matalino at may mabuting asal ang batang natuto sa mga pabula.

D. Maraming maibabahagi sa iba ang batang maraming nabasang

kuwento.

8. Ano ang ipinahihiwatig ng hatol nina Pino at Baka na dapat kainin ng tigre ang
tao?

A. Naiinis sina Pino at Baka kaya ito ang kanilang hatol.

B. Malapit ang tao sa kalikasan kaya nais nilang mamatay ang tao.

C. Walang silbi ang tao sa puno at baka kaya wala silang pakialam

kung kainin man ng tigre.

D. Hindi makatotohanan ang kuwento sapagkat walang nagsaalitang

puno at baka sa tunay na buhay.

9. Bakit mahalagang pag-aralan ang pabula?

A.Dahil ang pabula ay sumasalamin sa kultura ng tao sa bansang

Kinabibilangan nito

B. Ito ay bahagi ng ating panitikan kaya mahalagang pag-aralan.

C. Mayaman sa talinghaga ang pabula kaya nagpapalawak ng ating

isipan.

D. Nahuhubog ng pabula ng mabuting pag-uugali ng taong bumabasa nito.

17
10. Alin sa mga salawikain na ito ang nagpapahiwatig ng mensahe ng

pabulang “Ang Hatol ng Kuneho”?

A. Daig ng maagap ang masipag.

B. Kung may isinuksok, may madurukot.

C. Kung ano ang iyong itinanim, siya mong aanihin.

D. Ang di lumingon ng kaniyang pinanggalingan ay di makakarating

sa paroroonan.

Karagdagang Gawain

Magaling! Mahusay ang ginawa mo kaibigan! Ako ay nagagalak na nagawa


mo ang mga gawain at naunawaan mo ang ating paksa. Kaya mo pa ba? Oo naman,
kayang – kaya mo pa. Para sa panghuling gawain iguhit mo ang mga tauhan sa
pabula sa pinakasimpleng paraan batay sa pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari.

Gawain 8: Galingan mo ito!


Panuto:
Iguhit ang mga tauhan sa pabula sa pinakasimpleng paraan batay sa
wastong pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari sa pabula. Gamitin ang bilang
1 -5. Isulat sa sagutang papel ang iyong mga sagot.

Maligayang bati kaibigan sa iyong tagumpay. Hanga ako sa iyong sipag at


tiyaga na pagganap sa mga gawain. Hangad ko ang iyong kaligayahan sa susunod
mong paglalakbay.

18
19
Pagyamanin Gawain 4:1 Isagawa
1. Kuneho - Naiintindihan ko ang iyong isinalaysay. Gawain 5:
Subalit kung ako ang magpapasya at magbiigay ng
mahusay na hatol dapat kayong magtungo sa hukay. 1. Tigre – makasarili,
mapanlinlang,
2 Lalaki - Doon, banda ang hukay na pinangyayarihan. hinatulan
3.Tigre- Doon, sa hukay na iyon ako nahulog.
2. lalaki- maparaan.
4.Kuneho - Ah! ganito ang kalagayn ninyo
Hinatulan
noon. Ikaw tigre ay nahulog sa hukay at hindi
makahon. Ikaw naman lalaki, narinig mo ang 3.puno ng pino-
paghingi ng saklolo kaya tinulungan mo si tigre. mapanghusga,
5. Kuneho Ngayon maari na akong magbigay tagahatol
ng aking hatol. Ang problemang ito a nagsimula
4. baka- mapanghusga,
sa hukay, walang naging problema 6 5. Kuneho
tagahatol
6 Kuneho- Kaya naisip ko na magpatuloy ang
tao sa kanyang paglalakbay at dapat na 5. kuneho- matalino,
manatili ang tugre sa hukay magandang umaga. tagahatol
sa inyong dalawa.
Suriin Tuklasin
Subukin
Gawain 3: Gawain 2:
Gawain 1:
1. Naipakita ng mga 1.Tama ang ginawa ng
1. A
hayop ang kanilang kuneho dahil patas ang
pagganap bilang kanyang paghatol. 2. D
mga tauhan sa
2. Tularan ko ang ginawa 3. B
kuwento sa pama-
ng kuneho dahil wala
magitan ng 4. B
siyang kinikilingan sa
pagbibigay-buhay
dalawang hinatulan. 5. D
nito.
3. Hayop ang ginamit na 6. B
2. Hayop ang
tauhan sa pabula dahil
ginamit na tauhan
ito`y sumasalamin sa 7. B
sa pabula dahil ito
kultura ng tao sa bansang
ang mabisang 8. A
kinabibilangan niya.
paraan upang
9. C
maitanim san g mga
mambabasa. 10. A
Susi sa Pagwawasto
20
Karagdagang Gawain
Gawain 8:
Tayahin
1. tigre Gawain 7:
1. A 6. B
2. A 7. C
3. B 8. C
4. C 9. A
5. D 10. C
2. tao
3. puno ng pino
Isagawa
4.baka
Gawain 6:
1. T
2. M
3. T
5. kuneho
4. T
5. T
Sanggunian:

AKLAT

Peralta, R., Lajarca, D., Carino, E., et. al. (2014) Ang Panitikang Asyano – Filipino 9
Vival group, Inc.

21
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like