Q4 Filipino 8 - Module 3

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 30

8

Filipino
Ikaapat na Markahan
Sariling Linangin Kit 3:
Florante at Laura: Ang Panangis
ni Florante at ang Pag-aaruga ni
Aladin
Filipino – Ikawalong Baitang
Ikaapat na Markahan – Sariling Linangan Kit 3: Florante at Laura (Saknong 84-171)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa Sariling
Linangan Kit na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa SLK na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng
mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI


Regional Director: Allan G. Farnazo
Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Pagsusulat ng Sariling Linangan Kit


Manunulat: Lyn Vincent J. Balatero, Emely L. Fajardo, Hope T. Quebec
Editor:
Tagasuri: Rene P. Sultan, Avelino T. Gapol
Tagaguhit: Jemar D. Aliñabo, Hareld O. Candari
Tagalapat: Wedzmer B. Munjilul
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Allan G. Farnazo Reynaldo M. Guillena
Mary Jeane B. Aldeguer Alma C. Cifra
Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo
Ma. Cielo D. Estrada May Ann M. Jumuad
Mary Jane M. Mejorada Rene P. Sultan

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Department of Education – Davao City
Office Address: DepEd Davao City Division, Elpidio Quirino Ave., Davao City
Telefax: 224-3274
E-mail Address: davaocity.division@deped.gov.ph
8
Filipino
Ikaapat na Markahan
Sariling Linangin Kit 3:
Florante at Laura: Ang Panangis
ni Florante at ang Pag-aaruga ni
Aladin
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman
ang mag-aaral kung paano gamitin ang SLK na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa SLK.

Para sa mag-aaral:
Ang Sariling Linangan Kit na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang
wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang sumusunod ay paalala kung paano gagamitin ang SLK:

1. Gamitin ang SLK nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang bawat
pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan ng mga
kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang mga
gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa, pagsagot
at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako sa
susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang SLK sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos ng
mga gawain.

Kung mayroon kayong kinahihirapan sa pagsagot sa mga inilaang


gawain, huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o tagapagdaloy.
Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan namin na sa
pamamagitan ng SLK na ito, ay mararanasan mo ang isang makabuluhan,
masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa sa mga kasanayang
pampagkatuto. Kaya mo iyan!

ii
Alamin Natin

Sa SLK na ito ay babasahin mo ang karugtong ng unang bahagi ng


akdang Florante at Laura. Mula sa mga saknong 84-171 ay malalaman mo
ang iba pang pangyayari sa buhay ni Florante at kung paano siya nakaligtas
sa dalawang mababangis na leon. Malalaman mo rin kung paano namatay
ang kaniyang ama na isa sa mga dahilan ng kaniyang matinding
paghihinagpis. Malalaman mo rin mula sa SLK na ito kung paano nabuo ang
pagkakaibigan nina Florante at Aladin, ang dalawang tauhan sa awit ni
Balagtas na mula sa magkaibang relihiyon at sa magkalaban na kaharian.
Kasabay ng pag-aaral tungkol sa awit na Florante at Laura ay ang
paglinang ng kasanayan sa paglalahad ng mahahalagang pangyayari at
damdamin sa binasang saknong. Susulat ka rin ng isang monologo na
maglalahad ng iyong sariling damdamin.
Alam kong handang-handa ka na kaya’t umpisahan mo ang iyong pag-
aaral!
Pagkatapos mong pag-aralan ang araling ito, inaasahang matatamo
ang sumusunod na kasanayang pampagkatuto:
1. nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa aralin;
2. nailalahad ang damdaming namamayani sa mga tauhan batay sa
napakinggan; at
3. naisusulat sa isang monologo ang mga pansariling damdamin tungkol sa:
- pagkapoot
- pagkatakot
- iba pang damdamin.

Subukin Natin

Panuto: Suriin ang piling taludtod o saknong sa bawat bilang at isulat ang
titik ng iyong sagot sa sagutang papel.

Para sa mga bilang 1-3. Suriin ang damdaming namayani sa tauhan batay
sa saknong sa bawat bilang.

___1. “Halina, giliw ko’t gapos ko’y kalagin,


kung mamatay ako’y gunitain 1alaki.”
Pumikit na muli’t napatid ang daing,
sa may kandong 1alaki takot na sagutin.
Saknong 144
A. pagkatakot C. pagmamakaawa
B. pangangamba D. paghihinanakit

1
___2. Inabutan niya’y ang ganitong hibik:
“Ay, mapagkandiling amang iniibig!
Bakit ang buhay mo’y naunang napatid,
ako’y inulila sa gitna ng sakit?”
Saknong 86
A. pagdaramdam C. pagmamakaawa
B. pagkabahala D. pagsisisi

___3. “Paalam Albanyang pinamamayanan


ng kasam-a’t lupit, bangis, kaliluhan
akong tanggulan mo’y kusa mang pinatay
sa iyo’y malaki ang panghihinayang!”
Saknong 90
A. nanghinanakit C. nagmamakaawa
B. namumuhi D. nagsisisi

Para sa mga bilang 4-5. Suriin ang mahalagang pangyayari batay sa saknong
sa bawat bilang.

___4. "Ang nagkahiwalay na laman mo't buto,


kamay at katawang nalayo sa ulo,
ipinaghagisan niyong mga lilo
at walang maawang maglibing ng tao."
Saknong 90

A. Ang paglilo ni Adolfo sa mga tao ng Albanya.


B. Ang hindi paglibing sa mga taong kalaban ni Adolfo.
C. Ang karumal-dumal na pagpatay sa ama ni Florante.
D. Ang kalunos-lunos na pagpatay sa mga tao sa Albanya.

___5. "Ninanasa mo pang ako'y matabunan,


ng bangkay sa gitna ng pagpapatayan,
nang huwag mahulog sa panirang kamay
ng Konde Adolfong higit sa halimaw."
Saknong 93

A. Pagprotekta ng ama ni Florante sa kaniya mula kay Adolfo.


B. Paglaganap ng patayan sa kamay ng pamamahala ni Adolfo.
C. Pagpapakita ng kabangisan ni Adolfo na kaparis ng isang halimaw.
D. Pagnanais ng ama ni Florante na sila ay sabay na mamatay kaysa
mahulog sa pang-aapi ni Adolfo.

2
Aralin Natin

Basahin at unawain ang tula sa ibaba.

84
Gerero'y namangha nang ito'y marinig
pinagbaling-baling sa gubat ang titig;
nang walang makit'ay hinintay umulit,
'di naman nalao'y nagbagong humibik.
85
Ang bayaning Moro'y lalo nang namaang,
"Sino'ng nananaghoy sa ganitong ilang?"
lumapit sa dakong pinanggagalingan
ng buntong-hininga't pinakamatyagan.
86
Inabutan niya'y ang ganitong hibik:
"Ay, mapagkandiling amang iniibig!
Bakit ang buhay mo'y naunang napatid,
ako'y inulila sa gitna ng sakit?"
87
"Kung sa gunita ko'y pagkuru-kuruin
ang pagkahulog mo sa kamay ng taksil,
parang nakikita ang iyong narating ...
parusang marahas na kalagim-lagim."
88
"At alin ang hirap na 'di ikakapit
sa iyo ng Konde Adolfong malupit?
Ikaw ang salamin sa reyno ng bait,
pagbubuntuhan ka ng malaking galit."
89
"Katawan mo ama'y parang namamalas
ngayon ng bunso mong lugami sa hirap;
pinipisan-pisan at iwinawalat
ng pawa ring lilo't berdugo ng sukab."
90
"Ang nagkahiwalay na laman mo't buto,
kamay at katawang nalayo sa ulo,
ipinaghagisan niyong mga lilo
at walang maawang maglibing ng tao."

3
91
"Sampu ng lingkod mo't mga kaibigan,
kung kampi sa lilo'y iyo nang kaaway;
ang 'di nagsaiyo'y natatakot namang
bangkay mo't ibao't maparurusahan."
92
"Hanggang dito ama'y aking naririnig,
nang ang iyong ulo'y itapat sa kalis;
ang panambitan mo't dalangin sa Langit,
na ako'y maligtas sa kukong malupit."
93
"Ninanasa mo pang ako'y matabunan,
ng bangkay sa gitna ng pagpapatayan,
nang huwag mahulog sa panirang kamay
ng Konde Adolfong higit sa halimaw."
94
"Pananalangin mo'y 'di pa nagaganap,
sa leeg mo'y biglang nahulog ang tabak;
nasnaw sa bibig mong huling pangungusap
ang "Adiyos, bunso't buhay mo'y lumipas."
95
"Ay, amang ama ko! Kung magunam-gunam —
madla mong pag-irog at pagpapalayaw,
ipinapalaso ng kapighatian —
luha niring pusong sa mata'y nunukal."
96
"Walang ikalawang ama ka sa lupa
sa anak ng kandong sa pag-aaruga;
ang munting hapis kong sumungaw sa mukha,
sa habag mo'y agad nanalong ang luha."
97
"Ang lahat ng tuwa'y natapos sa akin,
sampu niring buhay ay naging hilahil;
ama ko'y hindi na malaong hihintin
ako't sa payapang baya'y yayakapin."
98
Sandaling tumigil itong nananangis
binigyang-panahong luha'y tumagistis
niyong naaawang Morong nakikinig ...
sa habag ay halos magputok ang dibdib.
99
Tinutop ang puso at saka nagsaysay,
"Kailan," aniya, "luha ko'y bubukal

4
ng habag kay ama at panghihinayang
para ng panaghoy ng nananambitan?"

100
"Sa sintang inagaw ang itinatangis,
dahilan ng aking luhang nagbabatis;
yao'y nananaghoy dahil sa pag-ibig
sa amang namatay na mapagtangkilik."
101
"Kung ang walang patid na ibinabaha
ng mga mata ko'y sa hinayang mula —
sa mga palayaw ni ama't aruga —
malaking palad ko't matamis na luha."
102
"Ngunit ang nananahang maralitang tubig ...
sa mukha't dibdib ko'y laging dumidilig,
kay ama nga galing dapuwa't sa bangis,
hindi sa andukha at pagtatangkilik."
103
"Ang matatawag kong palayaw sa akin
ng ama ko'y itong ako'y pagliluhin,
agawan ng sinta't panasa-nasaing
lumubog sa dusa't buhay ko'y makitil."
104
"May para kong anak na napanganyaya,
ang layaw sa ama'y dusa't pawang luha,
hindi nakalasap kahit munting tuwa
sa masintang inang pagdaka'y nawala!"

Mula sa Obra Maestra II, Florante at Laura, Bagong Edisyon, p. 72-74

Basahin at unawain mo ang nasa loob ng kahon upang lubos mong


maunawaan ang akda.
TALASALITAAN
1. namangha - nagulat
2. humibik - nanangis, umiiyak
3. pinakamatyagan - inobserbahan
4. iwinawalat - sinisira, winawasak
5. berdugo - mamamatay tao, criminal
6. nasnaw - nasambit, namutawi
7. magunamgunam - maalaala, mapag-isip-isipan
8. nunukal - dadaloy
9. hilahil - matinding lungkot

5
10. tumagistis - pumatak, dumaloy
11. napanganyaya - napasama, nadisgrasya
12. nakalasap - nakatikim
13. budhi - konsensiya
14. pighati - kalungkutan

Pinagyamang Pluma 8 (K to 12), p. 543-546

Nabigla si Aladin nang may narinig na nananangis. Narinig niya na


iniluluha nito ang amang mapagmahal. Narinig niya sa kaniyang mga daing
na hinahanap niya ang kaniyang ama lalo na sa kaniyang pagdurusa. Inalala
rin niya ang malupit nitong kamatayan sa kamay ng taksil na si Adolfo.
Samantala bumalik din sa gunita ni Aladin ang kaniyang sinapit sa
amang ang hangad lamang ay sariling kaligayahan. Isang amang hindi siya
minahal bagkus inagawan pa siya ng kaniyang kasintahan.

105
Napahinto rito't narinig na muli
ang panambitan niyong natatali,
na ang wika'y "Laurang aliw niring budhi,
paalam ang abang kandong ng pighati."
106
“Lumagi ka nawa sa kaligayahan,
sa harap ng di mo esposong katipan,
at huwag mong datnin yaring kinaratnan
ng kasing nilimot at pinagliluhan.”
107.
“Kung nagbangis ka ma’t nagsukab sa akin,
mahal ka ring lubha dini sa panimdim.
at kung mangyari, hanggang sa malibing
ang mga buto ko, kita’y sisintahin.”
108
Di pa natatapos itong pangungusap
may dalawang leong hangos ng paglakad
siyay tinutungo’t pagsil-in ang hangad,
ngunit nangatigil pagdating sa harap.
109
Nangaawa mandi’t nawalan ng bangis
sa abang sisil-ing larawan ng sakit,
nangakatingala’t parang nakikinig
sa di lumilikat na tinatangis-tangis.

6
110
Anong loob kaya nitong nagagapos,
ngayong nasa harap ng dalawang hayop,
na ang balang ngipi’t kuko’y nagahandog
isang kamatayang kakila-kilabot!
111
Di ko masabi’t luha ko’y nanatak,
nauumid yaring dilang nangungusap,
puso ko’y nanlalambot sa malaking habag
sa kaawa-awang kinubkob ng hirap.
112
Sino’ng di mahapis na may karamdaman
sa lagay ng gapos na kalumbay-lumbay,
lipos ng pighati saka tinutunghan
sa laman at buto niya ang hihimay!
113
Katiwala na nga itong tigib-sakit
na ang buhay niya’y tuntong na sa guhit
nilagnat ang puso’t nasira ang boses,
di mawatasan halos itong hibik.
114
“Paalam Albanyang pinamamayanan
ng kasam-a’t lupit, bangis, kaliluhan
akong tanggulan mo’y kusa mang pinatay
sa iyo’y malaki ang panghihinayang!”
115
“Sa loob mo nawa’y huwag mamilantik
ang panirang talim ng katalong kalis,
magkaespada kang para ng binitbit
niring kinuta mong kanang matangkilik”
116
“Kinasuklaman mo ang ipinangakong
sa iyo’y gugulin niniyak kong dugo,
at inibig mo pang hayop ang magbubo
sa kung itanggol ka’y maubos tumulo.”
117
“Pagkabata ko na’y walang inadhika
kundi paglilingkod sa iyo’t kalinga,
di makailan kang babal-ing masira
ang mga kamay ko’y siyang tumimawa.”
118
“Dustang kamatayan ang bihis mong bayad,
datapwa’t sa iyo’y nagpapasalamat,

7
kung pakamahali’t huwag ipahamak
ang tinatangisang giliw na nagsukab.
119
“Yaong aking Laurang hindi mapapaknit
ng kamatayan man sa tapat kong dibdib;
paalam, bayan ko, paalam na ibig,
magdarayang sintang di manaw isip.”

120
“Bayang walang-loob, sintang alibugha,
Adolfong malupit, Laurang magdaraya,
Magdiwang na ngayo’t manulos sa tuwa
at masusunod na sa akin ang nasa!”
121
“Nasa harap ko na ang lalong marawal
mabangis na lubhang lahing kamatayan,
malulubos na nga ang iyong kasam-an,
gayon din ang aking kaalipustahan”
122
“Sa abang-aba ko! Diyata, O Laura,
mamamatay ako’y hindi mo na sinta
ito ang mapait sa lahat ng dusa;
sa akin ay sinong mag-aalaala?”
123
“Diyata’t ang aking pagkapanganyaya,
di mo tatapunan ng tutulong luha!
kung yaring buhay ko’y mahimbing sa wala,
di babahaginan ng munting gunita?”
124
“Guniguning ito’y lubhang makamandag,
agos na luha ko’t pusoy maaagnas,
tulo, kaluluwa’t sa mata’y pumulas,
kayo, aking dugo’y mag-uunahang matak.”
125
“Nang matumbas ko ng luha ng sakit,
nitong pagkalimot ng tunay kong ibig,
huwag yaring buhay ang siyang itangis
kundi ang pagsintang lubos na naamis.”

Mula sa Obra Maestra II, Florante at Laura, Bagong Edisyon, p. 82-84

8
Basahin ang talasalitaan sa ibaba.

TALASALITAAN

1. budhi - konsensiya
2. pighati - kalungkutan
3. esposo - asawang lalaki
4. pinagliluhan - pagtaksilan
5. nagsukab - nagtaksil
6. panimdim - damdamin
7. hangos - mabilis
8. pagsil-in - silain; sakmalin
9. lumilikat - gumagalaw
10. nanatak - pumatak
11. habag - awa
12. tigib-sakit - walang sakit
13. mamilantik - umiral
14. mapapaknit - malilimot, mawawala sa alaala
15. alibugha - masama
16. marawal - kaalipustahan, kahihiyan
17. pumulas - kumawala
18. naamis - naapi

Pinagyamang Pluma 8 (K to 12), p. 547-549

Dahil sa labis na pamimighati, nagpaalam na si Florante kay Laura na


may kasamang hinanakit dahil sa inaakalang pagtataksil nito. Hindi pa man
natatapos ang kaniyang panaghoy ay may dalawang leon na dumating at
siya’y nais kainin. Ngunit tumigil ang mga ito at naawa sa kalagayan ni
Florante. Sa harap nang nalalapit na kamatayan, nagpaalam na si Florante
sa Albanya na kaniyang pinaglingkuran mula pa sa kaniyang pagkabata.

126
Sa tinaghoy-taghoy na kasindak-sindak,
gerero'y hindi na napigil ang habag;
tinunton ang boses at siyang hinanap,
patalim ang siyang nagbukas ng landas.
127
Dawag na masinsi'y naglagi-lagitik,
sa dagok ng lubhang matalas sa kalis;
Moro'y 'di tumugo't hanggang 'di nasapit
ang binubukalan ng maraming tangis.

9
128
Anyong pantay-mata ang lagak ng araw
niyong pagkatungo sa kalulunuran;
siyang pagkatalos sa kinalalagyan
nitong nagagapos na kahambal-hambal.
129
Nang malapit siya't abutin ng sulyap
ang sa pagkatali'y linigid ng hirap,
nawalan ng diwa't luha'y lumagaslas,
katawan at puso'y nagapos ng habag.
130
Malaong natigil na 'di nakakibo
hininga'y hinabol at biglang lumayo;
matutulog disin sa habag ang dugo,
kundangan nagbangis leong nangagtayo.
131
Naakay ng gutom at gawing manila,
nag-uli sa ganid at nawalang-awa;
handa na ang ngipi't kukong bagong hasa
at pagsasabayan ang gapos ng iwa.
132
Tanang balahibo'y pinapangalisag,
nanindig ang buntot na nakagugulat;
sa bangis ng anyo at nginasab-ngasab,
puryang nagngangalit ang siyang katulad.
133
Nagtaas ng kamay at nangakaakma
sa katawang gapos ang kukong pansira;
nang darakmain na'y siyang pagsagasa
niyong bagong Marteng lumitaw sa lupa.
134
Inusig ng taga ang dalawang leon,
si Apolo mandin na sa Serp'yente Piton;
walang bigong kilos na 'di nababaon
ang lubhang bayaning tabak na pamutol.
135
Kung ipamilantik ang kanang pamatay,
at saka isalag ang pang-adyang kamay,
maliliksing leon ay nangalilinlang,
kaya 'di nalao'y nangagumong bangkay.

Mula sa Obra Maestra II, Florante at Laura, Bagong Edisyon, p. 91-92

10
TALASALITAAN

1. tinunton - hinanap
2. dawag - gubat
3. kalis - kutsilyo
4. kahambal - hambal-kaawa-awa
5. sulyap - tingin
6. pinapangalisag - pinatindig
7. pagsagasa - pagsugod
8. tabak - gulok, espada
9. isalag - isangga
10. nangalilinlang - naisahan, naloko

Pinagyamang Pluma 8 (K to 12), p. 551-552

Dahil sa di matiis ni Aladin ang mga narinig na daing, hinanap niya


ang kinaroroonan nito. Sa pamamagitan ng kaniyang matalim na kalis,
nahawi niya ang makapal na dawag hanggang marating ang kinaroroonan ni
Florante. Tamang-tama ang kaniyang pagdating, anyong sisilain na ng
dalawang gutom na mga leon si Florante na nawalan ng malay. Pinagtataga
ng gerero ang dalawang leon hanggang sa mamatay ang mga ito.

136
Nang magtagumpay na ang gererong bantog
sa nangakalabang mabangis na hayop,
luha'y tumutulong kinalag ang gapos
ng kaawa-awang iniwan ang loob.
137
Halos nabibihay sa habag ang dibdib,
dugo'y nang matingnang nunukal sa gitgit;
sa pagkalag niyang maliksi't nainip
sa siga-sigalot na madlang bilibid.
138
Kaya ang ginawa'y inagapayanan,
katawang malatang parang bangkay,
at minsang pinatid ng espadang tangan,
walang awang lubid na lubhang matibay.
139
Umupo't kinalong na naghihimutok,
katawang sa dusa hininga'y natulog;
hinaplos ang mukha't dibdib ay tinutop,
nasa ng gerero'y pagsaulang-loob.

11
140
Doon sa pagtitig sa pagkalungayngay,
ng kaniyang kalong na kalumbay-lumbay,
nininilay niya at pinagtatakhan
ang dikit ng kiyas at kinasapitan.
141
Namamangha naman ang magandang kiyas,
kasing-isa't ayon sa bayaning tikas;
mawiwiwli disin ang iminamalas
na mata, kundangan sa malaking habag.
142
Gulong-gulong lubha ang kaniyang loob,
ngunit napayapa ng anyong kumilos
itong abang kandong na kalunos-lunos,
nagising ang buhay na nakakatulog.
143
Sa pagkalungayngay mata'y idinilat,
himutok ang unang bati sa liwanag,
sinundan ng taghoy na kahabag-habag;
"Nasaan ka Laura sa ganitong hirap?"
144
"Halina, giliw ko't gapos ko'y kalagin,
kung mamatay ako'y gunitain mo rin."
pumikit na muli't napatid ang daing,
sa may kandong namang takot na sagutin.
145
Ipinanganganib ay baka mabigla,
magtuloy mapatid hiningang mahina;
hinintay na lubos niyang mapayapa
ang loob ng kandong na lipos-dalita.
146
Nang muling mamulat ay nagitlahanan,
"Sino? sa aba ko't nasa Morong kamay!"
ibig na iigtad ang lunong katawan,
nang hindi mangyari'y nagngalit na lamang.
147
Sagot ng gerero'y "Huwag kang manganib
sumapayapa ka't mag-aliw ng dibdib;
ngayo'y ligtas ka na sa lahat ng sakit,
may kalong sa iyo ang nagtatangkilik.
148
"Kung nasusuklam ka sa aking kandungan,
lason sa puso mo ang hindi binyagan

12
nakukutya akong di ka saklolohan
sa iyong nasapit na napakarawal.
149
"Ipinahahayag ng pananamit mo,
taga-Albanya ka at ako'y Persyano;
ikaw ay kaaway ng baya't sekta ko,
sa lagay mo ngayo'y magkatoto tayo.
150
"Moro ako'y lubos na taong may dibdib
at nasasaklaw rin ng utos ng langit;
dini sa puso ko'y kusang natititik
natural na leing sa aba't mahapis.
151
"Anong gagawin ko'y aking napakinggan
ang iyong pagtaghoy na kalumbay-lumbay,
gapos na nakita't pamumutiwanan
ng dalawang ganid, ng bangis na tangan."

152
Nagbuntunghininga itong abang kalong
at sa umaaaliw na Moro'y tumugon,
"Kung di mo kinalag sa puno ng kahoy,
nalibing na ako sa tiyan ng leon.

153
"Payapa na naman disin yaring dibdib,
napagkikilalang kaaway kang labis;
at di binayaang nagkapatid-patid
ang aking hiningang kamataya't sakit.
154
"Itong iyong awa'y di ko hinahangad,
patayin mo ako'y siyang pitang habag;
di mo tanto yaring binabatang hirap,
na ang kamatayan ang buhay kong hanap."
155
Dito napahiyaw sa malaking hapis
ang Morong may awa't luha'y tumagistis;
siyang itinugon sa wikang narinig
at sa panlulumo'y kusang napahilig.

Mula sa Obra Maestra II, Florante at Laura, Bagong Edisyon, p. 98-100

13
TALASALITAAN

1. bantog - sikat, kilala


2. kinalag - niluwagan, tinanggal
3. nabibihay - nabibiyak
4. inagapayanan - inalalayan
5. pinatid - pinutol
6. hinaplos - dinama, hinawakan
7. nininilay - pinag-iisipan
8. namamangha - nagugulat
9. pagkalungayngay - pagkakahigang tila wala nanglakas
10. nagitlahanan - nagulat
11. iigtad - babangon
12. nagtatangkilik - tumutulong
13. napakarawal - napakasama
14. sekta - relihiyon
15. magkatoto - magkaibigan
16. lei - salitang Espanyol para sa batas o utos

Pinagyamang Pluma 8 p. 554-556

Pagkatapos patayin ang mga leon, agad kinalagan ni Aladin si Florante


na sa sandaling iyon ay wala pang ring malay at ulirat. Nang ito ay
magkamalay, ang naging bukambibig ni Florante ay ang kanyang sinisintang
si Laura. Nauunawaan ni Aladin na siya ay nagdidiliryo kaya hindi niya ito
sinagot. Sa muling pagkagising ni Florante, nabigla siya dahil inaruga siya ng
isang kaaway. Ngunit, pinayapa siya ni Aladin at sinabing nangingibabaw sa
kaniya ang utos ng langit na tumulong sa kapuwa. Sinabi ni Florante na hindi
niya kailangan ang awa ni Aladin sapagkat nais na nitong mamatay na
lamang dahil sa sobrang pagdurusa.

156
Anupa’t kapuwa hindi makakibo
di nangakalaban sa damdam ng puso;
parang walang malay hanggang sa magtago’t
humilig si Febo sa hihigang ginto.
157
May awang gerero ay naramdaman,
malamlam na sinag sa gubat ay nanaw,
tinunton ang landas sa pinagdaanan,
dinala ang kalong sa pinanggalingan.
158
Doon sa naunang hinintuang dako

14
nang masok sa gubat ang bayanong moro,
sa isang malapad, malinis na bato,
kusang pinagyaman ang lugaming pangko.
159
Kumuha ng munting baong makakain,
ang nagdaralita’y inamong tumikim,
kahit umaayaw ay nahikayat din
ng sabing malambot na pawing pang-aliw.
160
Naluwag-luwagan ang paghihingapos,
sapagkat naawas sa pagkadayukdok,
hindi kinukusa’y tantong nakatulog.
sa sinapupunan ng gererong bantog.
161
Ito ay umidlip sa buong magdamag
Sa pag-aalaga’y nagbata ng puyat;
Ipinanganganib ay baka makagat
Ng ganid na madlang naggala sa gubat.
162
Tuwing magigising sa maagang tulog,
Itong lipos-hirap ay naghihimutok,
Pawing tumitirik na anaki’y tunod
Sa dibdib ng Morong may habag at lunos.
163
Nang magmamadaling-araw ay nahimbing,
Munting napayapa sa dalang hilahil;
Hanggang sa Aurorang itaboy ang dilim,
Walang binitawang himutok ang daing.
164
Ito ang dahilang ipinagkasundo,
Ng may karamdaman na parang hinalo;
Ikinatiwasay ng may dusang puso,
Lumakas na muli ang katawang hapo.
165
Kaya't nang isabog sa sansinukuban
ang doradong buhok ng masayang araw,
nagbangong hinaho't pinasalamatan
sa Langit ang bagong lakas ng katawan.
166
Sabihin ang tuwa ng gererong hayag,
ang abang kinalong ay biglang niyakap;
kung nang una'y nukal ang luha sa habag,
ngayo'y sa galak na ang inilagaslas.

15
167
Kapos ang dila kong magsaysay ng laki
ng pasasalamat nitong kinandili;
kundangan ang dusa'y sa nawalang kasi
ay napawi disin sa tuwang umali.
168
Sapagka't ang dusang mula sa pag-ibig
kung kahit mangyaring lumayo sa dibdib,
kisapmata lamang ay agad babalik
at magdaragdag pa sa una ng bangis.
169
Kaya hindi pa rin halos dumadapo
ang tuwa sa lamad ng may dusang puso
ay itinakwil na ang dalitang lalo
at ang tunod niya'y siyang itinimo.
170
Niyapos na muli ang dibdib ng dusa,
hirap yatang bathin ng sakit sa sinta!
dangan inaaliw ng Moro sa Persya,
natuluyang nanaw ang tangang hininga.
171
"Iyong natatanto ang aking paglingap,"
anitong Persyano sa nababagabag;
"mula ng hirap mo'y ibig kong magtatap
at nang kung may daa'y malagyan ng lunas."

Mula sa Obra Maestra II, Florante at Laura, Bagong Edisyon, p. 107-109

TALASALITAAN

1. panlulumo - pagkalungkot
2. malamlam - mapusyaw, sinag ng araw na papalubog
3. pinagyaman - inasikaso, inalagaan
4. panghihingapos - panghihina
5. pagkadayukdok - labis na pagkagutom
6. nagbatid - nagtiis
7. hilahil - alalahanin, suliranin
8. hapo - pagod
9. sansinukuban - daigdig, mundo
10. dorado - ginintuan, dilaw
11. kinandili - inalagaan

Pinagyamang Pluma 8 p. 556-558

16
Matapos iligtas ni Aladin si Florante sa kamatayan, inalagaan niya ito.
Hindi siya natulog nang magdamag sa halip binantayan niya si Florante.
Kinabukasan ay naging maligaya si Aladin nang magkamalay si Florante.
Hindi malaman ni Florante kung paano niya pasasalamatan si Aladin sa
pagliligtas nito sa kaniya. Sinabi ng Persyano na kung anuman ang
paghihirap ni Florante ay sabihin niya upang matulongan nilang bigyan ng
lunas.
Ano kaya ang matutuklasan ni Aladin sa mga pinagdaanan ni Florante?
Iyan at ang iba pang mahahalagang pangyayari sa buhay ni Florante ang
iyong aalamin sa susunod na SLK.

Gawin Natin
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mahahalagang pangyayari mula sa
nabasang saknong 84-171 ng Florante at Laura. Isulat ang titik A-E sa
iyong sagutang papel.

___1. Nakita niya si Florante na umiiyak habang sinasariwa ang alaala at


kabutihan ng kaniyang yumaong ama.

___2. Dahil sa labis na pamimighati, nagpaalam na si Florante kay Laura at


sa kaniyang bayan ngunit hindi pa man natatapos ang kaniyang
panaghoy ay may dalawang leon na dumating at siya’y nais kainin.

___3. May narinig na buntong-hininga si Aladin habang siya’y tumatangis.


Hinanap niya ang pinanggalingan nito.

___4. Nang akma ng sisilain ng mga leon si Florante ay dali-daling umatake


na din si Aladin upang siya ay iligtas. Pagkatapos niyang mapatay ang
mga ito ay kinalinga niya si Florante kahit na magkaiba ang kanilang
relihiyon at magkalaban ang kanilang bayan.

___5. Bumalik rin sa gunita ni Aladin ang kataksilan ng kaniyang ama,


humihikbi siya dahil sa matinding poot sa ginawa nito.

17
Sanayin Natin

Panuto: Suriin ang ipinahahayag na damdamin o pangyayari batay sa


saknong na nasa bawat bilang. Isulat ang salitang TAMA kung ito ay
nagpapahayag ng kawastuhan at MALI kung ito ay hindi wasto. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.

___1. Nagpapahayag nang labis na kalungkutan ni Florante dahil sa


nagunitang alaala ng pumanaw na ama.

"Ay, amang ama ko! Kung magunam-gunam —


madla mong pag-irog at pagpapalayaw,
ipinapalaso ng kapighatian —
luha niring pusong sa mata'y nunukal."
Saknong 95
___2. Si Florante ay nabigla at nagalit dahil siya ay nasa pangangalaga ng
kaaway.

Nang muling mamulat ay nagitlahanan,


"Sino? sa aba ko't nasa Morong kamay!"
ibig na iigtad ang lunong katawan,
nang hindi mangyari'y nagngalit na lamang.
Saknong 146
___3. Pagtanggap ng kasawian ni Florante at pagiging maligaya sa
pagmamahalan nina Adolfo at Laura.

“Bayang walang-loob, sintang alibugha,


Adolfong malupit, Laurang magdaraya,
Magdiwang na ngayo’t manulos sa tuwa
at masusunod na sa akin ang nasa!”
Paghihimutok sa mga taong nagtaksil sa kaniya.
Saknong 120
___4. Pagtulong ni Aladin kay Florante kahit na magkaiba ang kanilang
relihiyon at magkalaban pa ang kanilang pinanggalingang bayan.

"Ipinahahayag ng pananamit mo,


taga-Albanya ka at ako'y Persyano;
ikaw ay kaaway ng baya't sekta ko,
sa lagay mo ngayo'y magkatoto tayo.
Saknong 149

18
__5. Ang pagnanais ni Florante na siya’y mamatay na lamang kaysa siya ay
masagip ng isang kaaway at magkaroon ng utang na loob kay Aladin.

"Itong iyong awa'y di ko hinahangad,


patayin mo ako'y siyang pitang habag;
di mo tanto yaring binabatang hirap,
na ang kamatayan ang buhay kong hanap."
Saknong 154

Tandaan Natin

Sa panahon ng pananakop ng mga Kastila, Moro ang tawag ng mga


dayuhan sa sinumang Pilipino na hindi kumikilala sa relihiyong
Kristiyanismo. Binansagan nilang kalaban ng Diyos ang mga Moro kaya’t
doon nag-ugat ang hidwaan ng mga Muslim at Kristiyano sa Pilipinas.
Matapang niyang tinuligsa ang maling paniniwala ng mga Kastila, ipinakita
ni Balagtas sa kaniyang awit na hindi magkalaban ang mga Kristiyano at
Muslim. Puwedeng mabuo ang pagkakaibigan mula sa dalawang magkaibang
relihiyon at iyon ay kaniyang naipakita sa katauhan nina Florante at Adolfo.
Isa sa mga apat na himagsik ni Balagtas ay ang himagsik laban sa hidwaang
pananampalataya at ito’y matapang niyang inilahad sa mapayapang paraan
gamit ang kaniyang obra na Florante at Laura.

Suriin Natin
Panuto: Suriin ang piling saknong sa bawat bilang at isulat ang titik ng iyong
sagot sa sagutang papel.

Para sa mga bilang 1-5. Suriin ang damdaming namayani sa tauhan batay
sa saknong sa bawat bilang.

___1. Ang bayaning Moro'y lalo nang namaang,


"Sino'ng nananaghoy sa ganitong ilang?"
lumapit sa dakong pinanggagalingan
ng buntong-hininga't pinakamatyagan.
Saknong 85
A. pag-aalala C. pagdadalawang-isip
B. pagkabahala D. pagtataka

19
___2. Inabutan niya'y ang ganitong hibik:
"Ay, mapagkandiling amang iniibig!
Bakit ang buhay mo'y naunang napatid,
ako'y inulila sa gitna ng sakit?"
Saknong 86
A. pagdaramdam C. pagmamakaawa
B. pagkabahala D. pagsisisi
___3. "At alin ang hirap na 'di ikakapit
sa iyo ng Konde Adolfong malupit?
Ikaw ang salamin sa reyno ng bait,
pagbubuntuhan ka ng malaking galit."
Saknong 88
A. hinagpis B. hinanakit C. takot D. muhi
___4. “Paalam Albanyang pinamamayanan
ng kasam-a’t lupit, bangis, kaliluhan
akong tanggulan mo’y kusa mang pinatay
sa iyo’y malaki ang panghihinayang!”
Saknong 114
A. nanghinanakit C. nagmamakaawa
B. namumuhi D. nagsisisi
___5. "Halina, giliw ko't gapos ko'y kalagin,
kung mamatay ako'y gunitain mo rin."
pumikit na muli't napatid ang daing,
sa may kandong namang takot na sagutin.
Saknong 144
A. pagkatakot C. pagmamakaawa
B. pangangamba D. paghihinanakit

Para sa mga bilang 6-10. Suriin ang mahalagang pangyayari batay sa


saknong sa bawat bilang.

___6. "Ang nagkahiwalay na laman mo't buto,


kamay at katawang nalayo sa ulo,
ipinaghagisan niyong mga lilo
at walang maawang maglibing ng tao."
Saknong 90

A. Ang paglilo ni Adolfo sa mga tao ng Albanya.


B. Ang hindi paglibing sa mga taong kalaban ni Adolfo.
C. Ang karumal-dumal na pagpatay sa ama ni Florante.
D. Ang kalunos-lunos na pagpatay sa mga tao sa Albanya.

20
___7. "Ninanasa mo pang ako'y matabunan,
ng bangkay sa gitna ng pagpapatayan,
nang huwag mahulog sa panirang kamay
ng Konde Adolfong higit sa halimaw."
Saknong 93

A. Pagprotekta ng ama ni Florante sa kaniya mula kay Adolfo.


B. Paglaganap ng patayan sa kamay ng pamamahala ni Adolfo.
C. Pagpapakita ng kabangisan ni Adolfo na kaparis ng isang halimaw.
D. Pagnanais ng ama ni Florante na sila ay sabay na mamatay kaysa
mahulog sa pang-aapi ni Adolfo.

___8. “Kung nagbangis ka ma’t nagsukab sa akin,


mahal pa ring lubha dini sa panimdim.
at kung mangyari, hanggang sa malibing
ang mga buto ko, kita’y sisintahin.”
Saknong 107

A. Pagsusumamo ni Florante kay Laura upang siya’y ibiging muli.


B. Pagbulalas ng hinanakit ni Florante kay Laura at pagsumpa sa
dalaga.
C. Pagpapatawad ni Florante kay Laura upang sila ni Adolfo ay
lumigaya.
D. Pagpapakita ng wagas na pag-ibig kay Laura sa kabila ng kataksilan
ng dalaga.

___9. Kung ipamilantik ang kanang pamatay,


at saka isalag ang pang-adyang kamay,
maliliksing leon ay nangalilinlang,
kaya 'di nalao'y nangagumong bangkay.
Saknong 135

A. Pagpatay ni Aladin sa dalawang leon upang sila ay may makain.


B. Pagsakmal ng mga leon kina Aladin kaya’t ito’y kaniyang napatay.
C. Pagligtas ni Aladin kay Florante mula sa dalawang gutom na mga
leon.
D. Pagpatay ni Aladin sa mga leon upang maipakita kay Florante ang
kaniyang liksi at tapang.

21
___10. Kapos ang dila kong magsaysay ng laki
ng pasasalamat nitong kinandili;
kundangan ang dusa'y sa nawalang kasi
ay napawi disin sa tuwang umali.
Saknong 167

A. Ang paglalahad ng kaligayahan ni Florante sa kabutihang loob ni


Aladin.
B. Ang lubos na pasasalamat ni Florante sa pagtulong at pag-alaga sa
kaniya ni Aladin.
C. Ang pagtulong ni Aladin kay Florante kahit na magkaiba ang
kanilang relihiyon.
D. Ang pagsusumamo ni Florante na tulongan siya ni Aladin na
mabawing muli si Laura.

Payabungin Natin

A. Panuto: Suriin ang mahalagang pangyayari at damdamin na taglay ng mga


piling saknong mula sa awit na Florante at Laura. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

Halimbawa:
Saknong Damdamin Pangyayari

Saknong 85 Pagtataka Hinanap ni Aladin ang


Ang bayaning Moro'y lalo nang namaang, pinanggagalingan ng
"Sino'ng nananaghoy sa ganitong ilang?" narinig niyang
lumapit sa dakong pinanggagalingan bunting-hininga.
ng buntung-hininga't pinakamatyagan. Nagtataka siya kung
bakit may tao sa
ganoong gubat bukod
sa kaniya.

Saknong Damdamin Pangyayari

92
"Hanggang dito ama'y aking naririnig,
nang ang iyong ulo'y itapat sa kalis;
ang panambitan mo't dalangin sa
Langit,
na ako'y maligtas sa kukong
malupit."

22
106
“Lumagi ka nawa sa kaligayahan,
sa harap ng di mo esposong katipan,
at huwag mong datnin yaring
kinaratnan
ng kasing nilimot at pinagliluhan.”

155
Dito napahiyaw sa malaking hapis
ang Morong may awa't luha'y
tumagistis;
siyang itinugon sa wikang narinig
at sa panlulumo'y kusang napahilig.

Pagnilayan Natin

Panuto: Sumulat ng isang monologo na nagpapahayag/ nagpapakita ng


alinman sa sumusunod na damdamin: pagkapoot, pagkatakot at iba pang
damdamin hinggil sa anumang paksa na iyong gugustohin. Gawin mong
gabay sa pagbuo ng monologo ang ilang impormasyon na nasa loob ng kahon.
Isulat ang iyong nabuong monologo sa iyong sagutang papel.

MONOLOGO
Isang uri ng pagsasadulang pampanitikan ang monologo.
Ginagampanan ito ng iisang tao lamang. Nagsasalita ang nagmomonologo
ng mga kaisipan ng karakter na kaniyang ginagampanan. Ipinahihiwatig at
ipinadarama niya iyon ayon sa kaniyang mga manonood.

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGSULAT NG


ISKRIP NG MONOLOGO
1. Pagpili ng Karakter
Alamin ang kaniyang edad, katangian, paraan ng pagsasalita, uri ng
lengguwaheng ginagamit, lugar na kinaroroonan, sitwasyong kinalalagyan,
at mga damdaming nais bigyang-buhay.

2. Pagsulat
a. Tiyakin ang nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap ng iyong
karakter. I-plano na ang buhay ng tauhang iyong napili.
b. Simulan ang salaysay sa nakaraang bahagi ng kaniyang buhay at
gumawa ng isang flashback.
23
c. Maging malikhain sa pagpapakilala ng iyong karakter.
• Maaaring simulan ito sa pamamagitan ng pagpapahayag ng iniisip sa
mga manonood.
Halimbawa: Paano niya nagawa sa akin iyon? Ikaw, sabihin mo sa
akin!
• Isunod ang pagsasalaysay ng mahahalagang pangyayari. Tandaang ito
ay sa pamamagitan ng diyalogo at nagpapahiwatig ng iba-ibang
damdamin.
• Lagi nang isama ang iyong manonood sa bawat tagpong iyong
isasabuhay. Dapat na malinaw ang transisyon o paglilipat-lipat ng
bawat tagpo upang hindi mailto ang mga manonood.
• Lagyan din ang iyong iskrip ng deskripsyon ng kilos at kumpas,
ekspresiyon ng mukha, pagpapalit ng lugar sa tanghalan, pakikipag-
ugnayan ng mata sa manonood, at iba pang detalye.
Baybayin, Paglalayag sa Wika at Panitikan Baitang 8, p. 309-310

Pamantayan sa Pagsulat ng Iskrip ng Monologo 5 4 3 2 1


1. Malinaw na naipakilala ang karakter na ginampanan
at orihalinalidad.
2. Gumamit ng mga salita na nagpapahayag sariling
damdamin.
3. Magkakaugnay ang mga pahayag at pangyayari mula
simula hanggang wakas.
Kabuoang Puntos

24
Susi sa Pagwawasto

B 10.
C 9.
D 8.
A 7.
C 6.
A 5. C 5. TAMA 5. C 5.
C 4. E 4. TAMA 4. D 4.
D 3. A 3. MALI 3. D 3.
A 2. D 2. TAMA 2. A 2.
C 1. B 1. TAMA 1. D 1.

Subukin Natin Gawin Natin Sanayin Natin Suriin Natin

Sanggunian

Remedios Infantado, Baybayin, Paglalayag sa Wika at Panitikan 8 Rex Book


Store, Inc. Manila, Philippines, 2017.

Mayvel V. Amog, Nelia P. Pagoso, Obra Maestra II, Florante at Laura, Bagong
Edisyon, Rex Book Store, Inc. Manila, Philippines, 2017.

Ailene Baisa Julian, Mary Grace G. Del Rosario, Nestor S. Lontoc


Pinagyamang Pluma, Ang Bagong Baitang 8 Phoenix Publishing House,
Inc., Quezon City, 2015.

25
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region XI Davao City Division

DepEd Davao City, Elpidio Quirino Ave., Davao City

Telefax: 224-3274

Email Address: davaocity.division@deped.gov.ph

You might also like