Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

#WRAWO_STORY

#REPLY_BOX_POLICY

TITLE: The Darkest Blood

GENRE: Vampire, Action

AUTHOR: culti_vator

PROLOGUE:

"Gia h'wag mo nang balaking tumakas pa!" Sigaw ng matandang bampira sa magandang babae na nasa
harapan nito.

"Huh? Bakit naman po ako tatakas?" Kuryoso na tanong ng babae habang isa-isang tinitingnan ang mga
bampira na handa nang umatake sa kanya ano mang oras.

"Wag ka nang mag maang-maangan kilala ka na namin! Kung noong una ay naloko mo kami, p'wes!
Ngayon hindi na! Papatayin ka namin ngayong gabi tandaan mo 'yan!"

Sabay sabay na nagsilabasan ang pangil ng mga bampira at dali-daling pinaligiran nila ito.

Tinitigan ng babae ang bampirang nasa kanyang harapan at ilang sandila pa'y humalukipkip siya. Unti-
unting nagbago ang ekspreyon ng kanyang mukha, ang kaninang inosente at magandang labi ay
napalitan ng hindi kaaya-ayang ngisi.

Dahan dahan itong pumalakpak habang pinipigilang lumabas ang malakas na halakhak sa kanyang bibig.
Tila nakakalokong tingnan ang eksenang nasasaksihan nito.

"Ahh.. Hindi po ako tatakas kasi papatayin ko po kayo." Turo niya sa grupo ng mga bampira.
Tila naging hudyat iyon ng marahas na pagsugod ng mga ito sa kanya, habang ang babae ay
pinagmamasdan lamang ang papalapit na tagpo.

Inamba ng matandang bampira ang kanyang matutulis na kuko papunta sa babae ngunit bago pa 'man
niya matamaan ay mabilis na nawala ito sa kanyang paningin. Inangat ng bampira ang kanyang mga
mata sa direksyon ng punong nasa harapan nito at doon ay nakita niya ang babaeng nakangisi.
Nagpakawala ng malakas na sigaw ang matandang bampira bago marahas na bumwelo papunta sa itaas
ng puno, ngunit bigla itong napahinto at napatingin sa kanyang dibdib na ngayon ay may malaki nang
butas. Narinig niya ang malakas na halakhak ng babae na nasa kanyang harapan.

"A-anong nang-nangya-ri?" Gulat itong napatingin sa babae ngunit lalo pa siyang nagulat nang makita
niya ang hawak nito. Ang kanyang itim na puso.

Unti-unting bumagsak sa lupa ang matandang bampira at bago pa niya isara ang nanlalabong mga mata
ay nakita nito ang parehas na sinapit ng kanyang mga kasamahan. Paanong nangyari ito? Isang tanong sa
kanyang isipan. Nakita niyang umupo ang babae sa may batuhan habang tamad na ngumunguya ng
mansanas.

Huminto ito sa pagnguya at tumingin sa kanya, nagpakawala ng matamis na ngiti ang babae at marahang
kumaway.

"Acnologia." Mahinang sambit ng matanda bago ito bawian ng buhay.

PAALALA:

Ang lahat ng mga pangyayari at mga pangalan ay base lamang sa aking isipan.

BABALA:

Isang krimen ang pagkopya o pagnanakaw sa storya na ito o sa mga storyang gawa ng iba pang
manunulat.

You might also like