Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Banghay Aralin sa

Araling Panlipunan

Layunin:

Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 Nauunawaan ang konsepto ng pambansang kaunlaran.


 Nasusuri ang mga palatandaan ng pambansang kaunlaran.
 Nabibigay ang saloobin tungkol sa konsepto ng pamumuhay sa bansang Pilipinas.

A. Balik aral sa Nakaraang Aralin o Pagsisimula ng Aralin

BALIK TANAW

Ano ang kahalagahan ng ekonomiks sa ating pang-araw-araw na pamumuhay?

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin(Engage)

Gawain 1:
Photo-
Suri.

Panuto:Suriin ang larawan, bigyang pansin ang transpormasyon mula sa una at ikalawang larawan at
sagutan ang mga pamprosesong tanong.

Pamprosesong Tanong:

1.Ano ang napansin mo sa magkaugnay na larawan?


2.Base sa larawang ipinakita, nakita mo ba ang pagbabago?

C.Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong


aralin(Engage)

Gawain 2: Tuklasin Mo.

Panuto: Suriing mabuti ang kalagayan ng bawat larawan.

Gabay na Tanong:

1.Ano ang iyong napuna sa mga larawan?

2.Alin ang higit na nakapukaw ng iyong pansin?Bakit?

3.Paano nyo masasabi na ang isang bansa ay maunlad?


E. Pagtalakay sa bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan(Explore)

Magtatalakay ang guro tungkol sa pagkakatulad at pagkakaiba ng pagsulong at pag-unlad ayon kay
Feliciano R. Fajardo(Economic Development 1994) at ang dalawang magkaibang konsepto ng pag-unlad
ayon kina Michael P. Todaro at Stephen C. Smith (Economic Development 2012).Bibigyang suri rin ang
mga palatandaan ng pag-unlad at pagsulong.

Gawain 3: Pagkakaiba at Pagkakatulad. PAKAKATULAD


PAG-UNLAD PAGSULONG

Panuto: Ilahad ang pagkakatulad at pagkakaiba ng salitang pagsulong at pag-unlad.Isulat ang iyong
sagot sa bilog.

Pamprosesong Tanong:

1.Ano ang pinagkaiba at pagkakatulad ng dalawang salita?

2.Batay sa talakayan, ano ang mga palatandaan ng pambansang kaunlaran?

F. Paglinang sa Kabihasnan ( Explain)

Gawain 4: Magpaliwanag Tayo!

Likas na Yaman Yamang Tao Kapital Teknolohiya at


Inobasyon
Panuto: Sa ibabaw ay ang mga salik na maaring makatulong sa pagsulong ng ekonomiya ng isang
bansa.Base sa talakayan, ipaliwanag at ibigay ang mga kahalagahan nito.Ilagay ang iyong sagot sa loob
ng kahon.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay

Gawain 5: Opinyon Mo, Say Mo.

Gabay na Tanong:

Bilang isang mamamayan, sa simpleng paraan paano niyo matutulungan ang ating bansa upang
umunlad o mas mapaunlad pa ito?

H. Paglalahat ng Aralin(Elaborate)

Gabay na Tanong:

Bilang isang mag-aaral, gaano kahalaga ang pag-unlad ng isang bansa?

I. Pagtataya ng Aralin(Evaluate)

Magbibigay ang guro ng pagsusulit tungkol sa aralin na tinalakay.

Panuto: Kumuha ng ½ papel at isulat ang tamang sagot.

Mga Tanong:

1.Ito ay isang progresibong proseso ng pagpapabuti ng kondisyon ng tao, gaya ng pagpapababa ng antas
ng kahirapan, kawalan ng trabaho,kamangmangan,di pagkapantay-pantay at pananamantala.

2.Ang nagpasimula ng Human Development Report.

3.Ang itinuturing na tunay na yaman ng bansa.

4.Nilikha upang bigyang diin na ang mga tao at ang kanilang kakayahan ang dapat na
pinakapangunahing pamantayan sa pagsukat ng pag-unlad ng isang bansa.
5.Ito ay produkto ng pag-unlad na nakikita at nasusukat.

Susi sa pagwawasto:

1.Pag-unlad

2.Mahbub Ul Haq

3.Tao

4.Human Development Index

5.Pagsulong

J. Karagdagang Gawain para sa Takdang Aralin at Remediation (Extend)

Gawain 7: I Show Mo!

Takdang Gawain.Bilang isang mag-aaral paano mo maipapakita ang iyong pagbibigay-halaga sa

konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaran. Ipakita ito sa pamamagitan ng pagguhit,

o paggawa ng tula, o likha ng awit. Gawin to sa inyong kuwaderno.

Pamantayan sa Pagwawasto

15 10 5

Nilalaman Mabisang naipahayag Hindi gaanong Hindi naipahayag ng


ang saloobin tungkol sa naipahayag ng mabisa mabisa ang nilalaman
paksa. ang saloobin tungkol sa ng saloobin tungkol sa
paksa. paksa.

Pagkakabuo Angkop at wasto ang May iilang salitang Walang kaugnayan at


mga salitang ginagamit ginamit na hindi angkop hindi wasto ang mga
sa pagbuo at wasto salitang ginamit

Ugnayan Maayos at may malinaw Di gaanong malinaw at Di malinaw at kaunti


na pagkakaugnay sa may kaugnayan sa lang ang kaugnayan sa
paksa paksa paksa.
Ang sagot ng mag-aaral ay batay lamang sa sarili nitong ideya at pananaw.

You might also like