Edukasyon Sa Pagpapakatao: Ikalawang Markahan - Modyul 2: Pagbabahagi NG Sarili Sa Kalagayan NG Kapuwa

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

2

Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Pagbabahagi ng Sarili sa Kalagayan ng
Kapuwa
Edukasyon sa Pagpapakatao II
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Pagbabahagi ng Sarli sa Kalagayan ng Kapuwa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Paaralang Pansangay ng Lungsod ng San Jose


Tagapamanihala: Johanna N. Gervacio, PhD, CESE
Pangalawang Tagapamanihala:

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Marichu B. Pabia
Editor: Lordennis T. Leonardo, PhD
Tagasuri: Gina S. Villajuan, Michelle L. Mores, Melicyn T. Hupana,
Sheila Marie S. Esteban, Ann Francis Deonila, Marlon R. Quiba
Tagaguhit: Sheryl Ann A. Ariem
Tagalapat: Marichu B. Pabia
Tagapamahala:
Veronica B. Paraguison, PhD
Lordennis T. Leonardo, PhD

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Pampaaralang Pansangay ng Lungsod ng San Jose
Office Address: Sto. Niño 1st , San Jose City
Telefax: ((044) 331-0285
E-mail Address: sanjose.city@deped.gov.ph
Alamin

Ang modyul na ito ay inihanda para sa mag-aaral


upang malinang ang kasanayang:

Naibabahagi ang sarili sa kalagayan ng kapuwa


tulad ng:
1.1 Antas ng kabuhayan
1.2 Pinagmulan
1.3 Pagkakaroon ng kapansanan
(EsP2P-IIc-7)

Subukin

Isulat sa sagutang papel ang T kung ang larawan ay


nagpapakita ng pagbabahagi ng sarili sa kapuwa at M
naman kung hindi.

1. 2. 3.

4. 5.

1
Aralin
Pagbabahagi ng Sarili sa
1 Kalagayan ng Kapuwa

Nakagawa ka na ba ng mabuti sa iyong kapuwa?


Nakatulong ka na ba sa isang taong nangangailangan?
Ano ang iyong naramdaman noong ikaw ay nakatulong
sa kapuwa?
Sa ating aralin ngayon ay iyong malalaman ang
kahalagahan ng pagbabahagi ng sarili o paggawa ng
mabuti sa iyong kapuwa.

Balikan

Tukuyin kung ang mga sitwasyon ay nagpapakita ng


pagkamagiliw at pagkapalakaibigan.Iguhit sa sagutang
papel ang kung tama at x kung hindi.

1. Natutuwa si Rona sa pagiging bibo ng kaniyang


nakababatang kapatid na si Ana.
2. Nilapitan ni Kiko ang bago niyang kaklase na si
Buboy at nagpakilala siya dito.
3. Pahagis na ibinigay ni Lisa ang ipinaabot na damit
ng kaniyang kuya.

2
4. Bagong eskwela si Mina sa kanilang paaralan.
siya ng kanilang guro. Matapos ang klase ay
ay masaya siyang sumali sa kaniyang mga
kaklase sa paglalaro.
5. Hindi nakikipag-usap sa kaniyang katabi si Roy
dahil mahirap lang at marumi ang suot niyang
damit.

Tuklasin

Basahin ang tula:

Paggawa ng Mabuti
ni Marichu B. Pabia

Bata man ako ngunit may angking kakayahan,


Makatulong sa kapuwa sa kanilang pangangailangan,
Maliit mang bagay sa sariling paraan,
Pagtulong sa kapuwa ay kinagigiliwan.

Turo sa akin ng aking mga magulang,


Ang pagtulong sa kapuwa ay itanim sa isipan,
Kabutihan sa kapuwa laging bigyang daan,
Diyos ay nasisiyahan sa batang may mabuting kalooban.

3
Nabasa mo bang mabuti ang tula?

Sagutin:

1. Anong mabuting asal ang napulot mo sa tula?


2. Anong kabutihan na ang nagawa mo sa iyong
kapuwa?
3. Anong naramdaman mo matapos makagawa ng
kabutihan sa iyong kapuwa?

Suriin

Ang bawat isa sa atin, bata man o matanda ay may


responsibilidad sa ating kapuwa lalo na sa mga
nangangailangan ng tulong. Maraming paraan ang
pagtulong sa kapuwa. Maliit mang bagay o malaki, ang
mahalaga ay may nagawa kang mabuti. Nakikita ng
Panginoon ang mga ginagawa mong pagtulong sa
kapuwa at ito ay may mabuting dulot sa iyo. Lalo kang
pagpapalain at bibiyayaan ng Panginoon.

Tingnan at pag-aralan ito.


Siya si Toto, isang bata na nagsisikap
na mapag-aral at maitaguyod ang sarili.
Siya ay wala ng magulang. Nagti-
tinda siya ng Sampaguita para may
magamit sa pangangailangan niya.

4
Siya naman si Pol. Maayos ang
kaniyang buhay dahil siya ay may
mga magulang na may maayos
ding trabaho. Lahat ng gustuhin ay
nakukuha niya.

1. Sino sa dalawa ang mas nangangailangan ng


tulong? Bakit mo ito nasabi?
2. Ano sa palagay mo ang tulong na kailangan niya?

Pagyamanin

A. Iguhit sa sagutang papel ang kung ang


sitwasyon ay nagsasaad ng pagtulong sa kapuwa
at kung hindi.
1. Tumutulong si Renzo sa kaniyang lola sa paglilinis
ng bahay niya.
2. Handang magbigay si Amara sa kaklaseng
walang papel.
3. Hindi pinansin ni Troy ang aleng nagtitinda sa
harap ng kanilang sasakyan.
4. Inakay ni Lucy ang matandang kaniyang
nakasabay habang tumatawid ng kalsada.
5. Tinulungan ni Roy ang kapatid sa pagbuo ng
proyekto sa paaralan.

5
B. Basahing mabuti ang bawat sitwasyon. Lagyan ng
tsek ( / ) ang hanay ng iyong sagot ayon sa kung
gaano mo ito kadalas na ginagawa.

Gawain Palagi Minsan Hindi

1. Tumutulong ako sa
paglilinis ng aming bahay.

2. Hinahatian ko ng pagkain
ang kaklaseng walang
baon.

3. Nagbabahagi ako ng
mga pagkain sa bahay
ampunan.

4. Ibinibigay ko ang mga


pinagkaliitang damit at
gamit sa mga kababayang
naapektuhan ng bagyo.

5. Ibinabahagi ko ang
pagkain ko sa aking kapatid.

6
C. Isulat sa sagutang papel ang TAMAkung ang
pahayag ay nagpapakita ng pagbabahagi ng sarili sa
kalagayan ng iba at MALI naman kung hindi

____1. Binigyan ko ng pera ang kaibigan ko para


makabili siya ng pagkain.
____2. Hindi ko tinulungan ang kaklase ko sa
paglilinis ng aming silid-aralan.
____3. Pinahiram ko ng lapis ang aking kaklase.
____4. Tinulungan ko ang batang nadapa.
____5. Inalalayan ko ang matanda sa pagsakay
niya sa sasakyan.

Isaisip

Piliin sa loob ng saknong ang mga salitang angkop


sa bawat pahayag. Isulat sa sagutang papel ang
tamang sagot.

Ang bawat isa sa atin, (sanggol, bata) man o


matanda ay may responsibilidad na tumulong o ibahagi
ang ating sarili sa ating (kapuwa, sarili). Maliit man o
malaki ang iyong nagawa, ang mahalaga ay nakagawa
ka ng (masama, mabuti) sa iyong kapuwa. Susuklian ng
ating (Panginoon, tindera) ang kabutihang iyong ginawa
at lalo ka Niyang bibigyan ng mga (biyaya, masama) sa
iyong buhay.

7
Isagawa

A. Iguhit sa sagutang papel ang masayang mukha


()kung ang ipinapahayag ay pagtulong o
pagbabahagi ng sarili sa kapuwa at malungkot na mukha
(  ) naman kung hindi.
________1. Ibinabahagi ko sa aking kapatid ang
pagkain na mayroon ako.
________2. Ginagabayan ko sa pagtawid sa kalsada
ang batang pilay.
________3. Nilinis ko ang kalat sa aming silid-aralan.
________4. Ipinahiram ko ang aking lapis kay Dan
dahil naiwan niya ito sa kanilang bahay.
________5. Tinulungan kong makatayo ang batang
nadapa.

8
Tayahin

Iguhit sa sagutang papel ang bituin ( ) kung


ang tinutukoy ng sitwasyon ay tama at buwan
( ) kung ito ay mali.

________ 1. Ang pagbabahagi ng iyong


sarili sa iyong kapuwa ay isang
mabuting gawa.
________2. Tumulong ang isang lalaki sa na
buhatin ang mga dala nito at
pagkatapos ay nanghingi siya ng
pera.
________3. Ang Panginoon ay natutuwa
sa mga batang katulad mo na
marunong tumulong sa kapuwa.
________4. Sa ating pamilya, bawat isa ay may
pangangailangan kaya dapat ay
nagtutulungan.
________5. Nahihirapang makaunawa sa aralin
ang bago mong kaklase dahil siya ay
Muslim at iba ang kaniyang salita na
ginagamit. Kinausap mo siya at
sinubukang ipaliwanag ang aralin.

9
10
Publishing House, Inc
Pagpapakatao 2, Kagamitan ng Mag-aaral, Pasig City: Vibal
Biglete, Caraan, Catapang,and Gonzales, 2013. Edukasyon sa
Sanggunian
Subukin Pagyamanin Isaisip
1.T 2. T 3. T 4. M 5. T A. 1. bata
2. kapwa
Balikan 1. 3. mabuti
2. 4. Panginoon
1. 3. 5. Biyaya
2. 4. 6.
3. X 5. Isagawa
4. B. ( ang mga sagot ng bata
5. X ay tama) 1-5 masayang mukha
Tuklasin
C. Tayahin
Bata, pagtulong sa kapwa
Magulang, Diyos 1.tama 1.
2.mali 2.
Suriin:
1.Si Toto 3.tama 3.
2.dahil wala siyang
4.tama 4.
magulang
3.(ano mang sagot ay tama) 5.tama 5.
Susi sa Pagwawasto

You might also like