Pe2 q1 Mod1 Forprint

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

2

MAPEH (P.E.)
Unang Markahan-Modyul 1
Tikas at Galaw sa
Pagtayo, Pag-upo, at Paglakad
MAPEH (P.E.) – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Sining na Kay Ganda: Still Life
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Brian E. Ilan EdD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Juliet A. Estacion, Edna Teresa G. Fernandez, at Lhizel A. Ogot

Editor: Myrna T. Parakikay

Tagasuri: Myrna T. Parakikay at Bonifcaio B. Mendoza Jr.

Tagalapat: Bonifacio B. Mendoza Jr. at Jobelle M. Partido

Tagapamahala: Angelita S. Jalimao


Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Neil Vincent C. Sandoval


Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Myrna T. Parakikay
Pandibisyong Tagamasid, MAPEH

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin
Ang modyul na ito ay isinulat at nilikha upang ang pag-aaral ay
maging madali lalong-lalo na ngayong panahon ng “New Normal.”
Bilang isang tugon sa edukasyon, ang modyul na ito tungkol sa Tikas at Galaw
Tulad ng Pagtayo, Pag-upo at Paglakad ay naghahamon sa iyo upang ikaw ay
maging isang malikhain, mapamaraan at malayang mag-aaral. Ang saklaw ng
modyul ay magbigay ng iba-ibang gawain upang mapasigla at mahikayat ang
malaya at pansariling gabay sa kasanayang pagkatuto. Ang mga aralin sa
modyul na ito ay maayos na sumunod sa naaayong pamantayan ng
asignatura upang matiyak ang pagpapatuloy ng mabisang pagkatuto, maging
makabuluhan ang bawat gawain, at maiugnay sa pang-araw-araw na buhay.

Ang modyul na ito ay kinapapalooban ng aralin at kasanayan tungkol sa:


• Tikas at Galaw sa pamamagitan ng pagtayo, pag-upo at paglakad.
• Mga alituntunin na dapat sundin sa tamang tikas at galaw sa pagtayo,
pag-upo at paglakad.
• Pagsasalarawan ng tikas at galaw sa pamamagitan ng pagtayo, pag-
upo at paglakad.
Sa katapusan ng pag-aaral ng modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang
1. Natututunan ang tikas at galaw sa pamamagitan ng pagtayo, pag-
upo, at paglakad.
2. Nailalarawan ang tikas at galaw sa pamamagitan ng pagtayo,
pag-upo, at paglakd.
3. Nakakasunod sa mga alituntunin tungo sa tamang pagtayo, pag-upo
at paglakad.

Subukin
Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Lagyan ng tsek (✓) ang
bawat bilang kung ang larawan ay nagpapakita ng wastong pag-upo,
paglakad at pagtayo at ekis (X) naman kung hindi.

1 2 3
www.google.com

1 1 1

4 5
1 1
Tama ba lahat ang iyong mga sagot? Kung hindi, ay ayos lang iyan.
Mapalalawak pa ang iyong kaalaman sa mga susunod nating
usapan. Ipagpatuloy na ang pag-aaral sa paksa natin sa araw na ito.

1
Aralin
Tikas at Galaw sa Pagtayo,
1 Pag-upo, at Paglakad
Ang tikas at galaw ng katawan ay tumutukoy sa kagandahan ng pisikal na
anyo ng isang tao. Ang tindig, ganda ng katawan, at kalusugan, ay ilan sa mga
katangian ng taong Matikas. Kakikitaan ng katikasan ng pangangatawan ng
isang tao sapagkat alaga siya ng bitamina, ehersisyo at masustansiyang
pagkain. Ang pagiging matikas ay tanda ng malusog na pangangatawan
kaya itanim sa puso’t isip ang wastong hakbang sa pag-abot ng matikas na
pangangatawan.

Balikan

Ang batang tulad mo ay dapat isaalang-alang ang kalusugan sa murang


edad. Kaya nararapat na suriin mong mabuti ang iyong pang-araw-araw na
gawain. Kailangang matutunan mo ang kahalagahan ng pagkilos at
pagbibigay halaga sa mga gawaing nakakalinang ng iyong kalusugan.

Anu-anong mga gawain sa PE ang natatandaan mo noong nakaraang taon?

_____________________________________________________________________________

Alin ang paborito mo? _________________________________________________

Bakit iyan ang paborito mo? _________________________________________________

Tuklasin
Paano ka pumupunta
sa paaralan sa araw-
araw?
Ikaw ba ay sumasakay
o naglkalakad?
Masaya mo bang
ginagawa ang gawaing
ito sa araw-araw? Bakit?

2
Suriin

Pamantayan ng Tamang Paglalakad


• Lumalakad ang mga paa sa iisang tuwid na
guhit.
• Ang mga kamay ay umiimbay ng halinhinan
paharap at patalikod nang may koordinasyon
sa galaw ng paa.
• Ang likod na bahagi ng katawan ay tuwid at
ang paningin ay nakatuon sa unahan.

Pamantayan sa Tamang sa Pagtayo


• Ang mga paa ay magkahanay na may lima
hanggang pitong sentimetro ang pagitan.
Ang bigat ng katawan ay nakasalalay sa
sakong ng mga paa.
• Ang mga binti ay tuwid at ang tiyan ay
kapasok.
• Ang dibdib ay nakaliyad at ang balikat ay
magkahanay.
• Ang leeg at ulo ay tuwid ang ayos.
• Ang braso at kamay ay malayang nakalagay
sa tagiliran.

Pamantayan sa Tamang Pag-upo


• Ang mga paa ay magkadikit, magkahanay o
maaaring ang isa ay nasa unahan ng isa at
nakalapat sa sahig.
• Ang balakang at tuhod ay nakabaluktot.
• Ang ibabang bahagi ng likod ay bahagyang
nakalapat sa likuran ng upuan.
• Mga paa ay nakalapat sa sahig.

Pagyamanin
Panuto: Basahin natin ang kuwento ng isang mag-aaral na tulad mo.

Si Rita ay isang mag-aaral sa


Ikalawang baitang. Maaga pa
lamang ay naghahanda na
siya upang hindi mahuli sa
kanyang klase. Araw-araw siya ay
naglalakad at hinahatid ng
kanyang ina upang makakatiyak
na siya ay ligtas na makakarating
sa eskwelahan.
3
Pagdating niya sa paaralan, ay
agad siyang pumila sa labas ng
kanilang silid. Dahil maaga siyang
naghanda ay palaging siya ang
nauunang dumating sa kaniyang
mga kakaklase. Si Rita ay nakatayo
sa harap ng kanilang pinto.

Ilang sandali pa lamang ay tinawag


na sila ng kanilang guro upang
pumasok na sa loob ng silid aralan.
Bago simulan ang klase, sila ay
sabay sabay na nanalangin, bumati
sa kanilang guro at pagkatapos siya
ay umupo.

Handa na si Rita at ang kanyang mga kamag-aral na makinig at matuto sa


mga aralin. Ang aralin nila sa araw na iyon ay tungkol sa tikas at galaw sa
pamamagitan ng tamang paglakad, pagtayo at pag-upo.

Pagyamanin

GAWAIN

Sa nakikita nating larawan ni Rita, tingnan nating mabuti ang kanyang kilos at
galaw kung nakakasunod ba siya sa pamantayan ng tamang paglakad,
pagtayo, at pag-upo.

Lagyan ng (✓) tsek kung ano ang kanyang nagawa.

Galaw at Hugis ng Katawan Hindi


Napakahusay Mahusay gaanong
Pagtayo mahusay
1. Ang mga paa ay magkahanay na
may lima hanggang pitong sentimetro
ang pagitan. Ang bigat ng katawan ay
nakasalalay sa kabuuan ng mga paa.
2. Ang mga tuhod ay tuwid at relaks.
3. Ang dibdib ay nakaliyad at ang tiyan
ay nakapasok.
4. Ang ulo at balikat ay tuwid ang ayos.
5. Ang braso at kamay ay malayang
nakalagay sa tagiliran.

4
Hindi
Pag-upo Napakahusay Mahusay Dgaanong
mahusay
1. Ang mga paa ay magkadikit,
magkahanay o maaaring ang isa ay
nasa unahan ng isa at nakalapat sa
sahig.
2. Ang balakang at tuhod ay
nakabaluktot.
3. Ang ibabang bahagi ng likod ay
bahagyang nakalapat sa likuran ng
upuan.
4. Ang katawan ay tuwid at magkalinya.
Hindi
Paglakad Napakahusay Mahusay gaanong
mahusay
1. Lumalakad ang mga paa sa iisang
tuwid na guhit.
2. Ang mga kamay ay umiimbay ng
halinhinan paharap at patalikod nang
may koordinasyon sa galaw ng paa.
3. Ang likod na bahagi ng katawan ay
tuwid at ang paningin ay nakatuon sa
harap.

Isaisip

Mga bata, lagi nating tandaan na sa


tamang paglakad, ang ating mga kamay ay
umiimbay ng halinhinan paharap at patalikod
ng may koordinasyon sa galaw ng paa.

Sa pag-upo, ang paa ay magkadikit,


magkahanay o maaaring ang isa ay nasa
unahan ng isa at nakalapat sa sahig.

At sa pagtayo naman, ang mga tuhod ay


tuwid at relaks, ang dibdib ay nakaliyad, ang
tiyan ay nakapasok, ang ulo at balikat ay tuwid
ang ayos at ang braso at kamay ay malayang
nakalagay sa tagiliran.

5
Isagawa
Magsanay sa tamang paglakad, pag-upo, at pagtayo. Isagawa
ang bawat hakbang sa bawat bilang.

Gawain A Magsanay
1. Lumakad paharap. lumakad ng
2. Lumiko sa kanan at muling lumakad paharap. tuwid
3. Lumiko sa kanan at muling lumakad paharap.
4. Muling lumiko sa kanan at lumakad muli paharap hanggang
makabalik sa dating lugar.

Gawain B “Tara na at gawin


1. Umupo ng matuwid na ang likod ay nakasandal ang tamang pag-
nang maayos sa likuran ng silya. upo”
2. Ang mga paa ay nakaapak sa sahig.
3. Maaaring nauuna ang isa.

Gawain C
1. Tumayo ng tuwid. “Ngaun naman,
2. Nakaliyad ang dibdib at ang tiyan ay nakapasok. gawin natin ang
3. Ang ulo at balikat ay tuwid ang ayos. tamang pagtayo”
4. Ang kamay ay nasa tagiliran.

Rubrics sa mga Gawain

Hindi
Napakahusay Mahusay gaanong
Pamantayan
(5) (3) mahusay
(1)
Nakatugon sa mga alituntunin ng
gawain
Naisagawa ng tama ang mga
gawain
Nagkaroon ng kasiyahan sa
pagsasagawa ng gawain

Tayahin

Panuto: Basahin ng mabuti at sagutin ang mga sumusunod. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.

1. Ang tamang paglalakad ay isang ehersisyo na nakakatulong sa ating


_________ lalo na kung ito ay ginagawa natin araw-araw.

A. ulo B. kamay C. kalusugan D. mata

6
2. Ano ang ipinapakita ng larawan?

A. tamang pag-upo
B. tamang pagtayo
C. tamang Pagtakbo
D. tamang paglakad

3. Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng tamang pag-upo?

A. C.

B. D.

4. Ang paa ay nakadikit, magkahanay o maaaring ang isa ay nasa unahan


ng isa at nakalapat sa sahig. Ano ang tinutukoy dito?

A. tamang pag-upo C. tamang pagtayo


B. tamang pagtakbo D. tamang paglakad

5. Alin sa larawan ang nagpapakita ng tamang pagtayo?

A. C.

B. D.

7
Karagdagang Gawain
Palawakin ang Kaalaman
Tingnan ang larawan sa ibaba. Lagyan ng ✓ kung ang larawan ay nagpapakita
ng tamang pag-upo, pagtayo at paglakad at  naman kung hindi.

1. 2. 3.

4. 5.

You might also like