Professional Documents
Culture Documents
Grade 5 Q2 EsP LAS
Grade 5 Q2 EsP LAS
Grade 5 Q2 EsP LAS
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan
GAWAING PAMPAGKATUTO
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION II – CAGAYAN VALLEY
COPYRIGHT PAGE
Learning Activity Sheet for Edukasyon sa Pagpapakatao
(Grade 5)
Copyright © 2020
DEPARTMENT OF EDUCATION
Regional Office No. 02 (Cagayan Valley)
Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500
“No copy of this material shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior approval
of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for
profit.”
This material has been developed for the implementation of K to 12 Curriculum through the Curriculum and
Learning Management Division (CLMD). It can be reproduced for educational purposes and the source must be
acknowledged. Derivatives of the work including creating an edited version, an enhancement of supplementary
work are permitted provided all original works are acknowledged and the copyright is attributed. No work may be
derived from this material for commercial purposes and profit.
Consultants:
Regional Director : BENJAMIN D. PARAGAS, PhD., CESO V
Assistant Regional Director : JESSIE L. AMIN, EdD., CESO V
Chief Education Supervisor, CLMD : OCTAVIO V. CABASAG, PhD
OIC, Schools Division Superintendent : EDUARDO C. ESCORPISO JR., EdD, CESO IV
OIC, Assistant Schools Division Superintendent : GEORGIANN G. CARIASO, CESE
OIC, Chief Education Supervisor : MARCIAL Y. NOGUERA
Development Team
Writers: SIENNA MARIE B. YDEL, MA. KAIRA H. VILLARTA, MARY GRACE B. MERIDA,
RACHELLE ANDREA ATUNAY, NAICEY RAMOS, KATHY JOY M. CASTILLO, LESLIE
H. BALA, JUANA VILLANUEVA, JACKIELYN D. PONCE, MARILYN C. CASTILLO,
ROSARIO B. DOMINGO, CHARLIE A. REDONDO, DIANA ROSE VALIENTE, EMMA
B. CORDEL, NOIME ALUYEN, ARLENE S. TABUSO, MARJORIE M. LORETO, WIVINA
M. ALCAZAR, BERNARDITA V. GATO, FE V. GARCIA, ROSENDA G. LABRADOR,
JOSEFA V. ESTOY, FE AGRESOR, XAVIER GONZALES,BIENVENIDA LORNA F.
NARVARTE
Content & Language Editor: ROSSANA D. GALINDEZ, LILIA G. HABANA, LEILANIE H. ELACION,
ARNEL G. CAMACHO
Regional Quality Assurance Team: MAYLYN BATALLONES, LUISA OLAYA, MARJORIE YASTO
Illustrators: THEA CARIASO
Layout Artists: THELMA F. BALA
Focal Persons: DELIA D. BLACER, Division Education Program Supervisor-ESP
EVANGELINE D. CASTILLO, EPS-LR, CID
RICHARD O. PONHAGBAN, Regional Education Program Supervisor-EsP
RIZALINO G. CARONAN, Regional Education Program Supervisor- LRMDS
GAWAING PAGKATUTO
Kapit-kamay sa Pagdamay
Panimula (Susing Konsepto)
Ang mga natural na pangyayari tulad ng bagyo, pagputok ng bulkan, lindol, o di kaya’y
mga sakunang naranasan dahil sa kapabayaan ng tao, tulad ng sunog at baha, ay iilan lamang
sa mga tinuturing nating mga kalamidad. Bilang isang mabuting mamamayan, tungkulin nating
ang makipagtulungan sa panahong higit tayong kailangan ng ating mga kapwa mapa-natural
man o dahil sa kapabayaan ng tao.
Ang Diyos ay naniniwala na taglay ng mga tao ang pagiging mahabagin. Ito ang nag-
uudyok sa puso ng tao upang magkawanggawa. Tayo ay mga nilalang ng Diyos na biniyayaan
ng kamay at paa hindi lamang upang gamitin natin sa pansariling kapakanan kundi pati na rin
sa pagtulong sa ating kapuwang nasa gitna ng trahedya. Ang taong mapagkawanggawa ay hindi
namimili ng mga taong tinutulungan. Hindi rin ito nalilimitahan sa pagkakaloob ng materyal
na bagay tulad ng damit at pagkain, maaari rin tayong tumulong sa pamamagitan ng
pagboboluntaryo o di kaya’y pagpapakalat ng mga impormasyong tungkol sa sakuna.
Gawain 1
Panuto: Masdan mong mabuti ang larawan. Sumulat ng isang talata tungkol sa maaari mong
gawin upang maipakita ang iyong pagkamahabagin ayon sa nakikitang larawan. Isulat
ito sa sagutang papel. (15 puntos)
Gawain 2
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sitwasyon sa ibaba. Sumulat ng isang talata
tungkol sa maaari mong gawin upang maipahayag ang iyong pagkamahabagin ayon
sa nabasa. Isulat ito sa sagutang papel. (15 puntos sa bawat bilang)
1. Nasunog ang bahay ng isa mong kamag-aral na nakatira sa kabilang barangay. Kasama
sa tinupok ng apoy ang mga damit ng buong pamilya kabilang na ang uniporme ng
iyong kamag-aral. Dahil dito, hindi nakakapasok sa paaralan ang iyong kamag-aral.
Nag-usap-usap kayong magkakamag-aral at napagkasunduan ninyong tumulong. Ano
ang maaari mong gawin upang madamayan ang inyong kamag-aral?
2. Nabalitaan mong nagkaroon ng malakas na lindol sa inyong karatig probinsiya na
naging dahilan ng pagkasira ng napakaraming bahay at ari-arian. Marami rin ang
namatay dahil dito. Bilang isang mabuting mamamayan, paano mo maipapakita ang
iyong pagkamahabagin sa ganitong sitwasyon?
Repleksiyon
Aklat
Zenaida R Ylarde, Gloria A. Peralta; Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5
Vibal Group, Inc.; pp. 61-67
Larawan
https://www.flickr.com/photos/dfid/11290331484
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1 at 2- Gamitin ang rubric sa pagbibigay ng puntos sa kanilang mga sagot.
Inihanda ni:
GAWAING PAGKATUTO
Makiisa sa Pagdamay
Panimula (Susing Konsepto)
Ang paraan ng pakikipagkapwa-tao ay hindi na kailangan pang ituro sa bawat tao. Ito
ay isang patunay na tayong lahat ay nilikha ng Diyos na may natural na taglay na mabuti at
mahabaging puso. Bilang isang biyaya na bigay ng ating Panginoon, nararapat lang na ito ay
ipamahagi sa ating kapwa-tao at ito ay maaaring ipakita sa pamamagitan ng pagtulong sa
kapuwa na walang hinihinging anumang kapalit.
Gawain 1
Panuto: Ipahayag ang iyong sariling paraan ng pagtulong sa mga biktima ng kalamidad tulad
ng bagyo, pagputok ng bulkan, lindol, sunog, baha, at iba pa sa pamamagitan ng isang
drawing. Iguhit ito sa isang malinis na papel. (15 puntos)
Gawain 2
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang TAMA kung wasto
ang pahayag at isulat ang MALI kung hindi wasto ang pahayag. Isulat ang sagot sa patlang.
Repleksiyon
Mga Sanggunian
Susi sa Pagwawasto
1. MALI
2. TAMA
3. TAMA
4. MALI
5. TAMA
Inihanda ni:
GAWAING PAGKATUTO
Pagbibigay ng Babala o Impormasyon kung may Sakuna o Kalamidad
Panimula (Susing Konsepto)
“Ligtas ang may Alam, Ligtas ang Laging Handa!” Sa mga napapanahong pangyayari
tulad ng trahedya o kalamidad, tayo ay dapat maging alerto at handa. Maari tayong makibalita
para sa mga impormasyon at laging sumunod sa mga babala na ipinaparating sa atin ng mga
eksperto o may kasanayan.
Gawain 1
Panuto: Basahin ng mabuti ang mga sumusunod na babala/impormasyon. Isulat kung ang mga
babala o impormasyon ay tungkol sa lindol, bagyo, baha o sunog. Isulat ang sagot sa patlang.
Gawain 2
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang dapat gawin upang maipagbigay alam sa lahat ang mga dapat gawin sa
panahon ng kalamidad?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
Gawain 3
Panuto: Sumulat ng maikling impormasyon o babala na maaari mong ipaalam o ibahagi sa
mamamayan. Maaaring tungkol sa bagyo, baha, sunog o lindol. Pumili lamang ng isa.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Mga Sanggunian
Aklat
• Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon: Batayang Aklat
Website
• https://www.arc.com.ph/index.php/fresh-updates/archives/babala-at-paalala/
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
1. Lindol
2. Baha
3. Bagyo
4. Sunog
5. Bagyo
Gawain 2
1. Magbigay ng anunsiyo at babala sa mga mamamayan.
2. Upang magkaroon ng sapat na kaalaman at maging ligtas sa panahon ng kalamidad o
sakuna.
3. Makipag-ugnayan tungkol sa mga balita at impormasyon. Sumunod sa mga babala.
Maghanda at maging alerto para sa paparating na sakuna o kalamidad.
Gawain 3
Panuto: Sumulat ng maikling impormasyon o babala na maaari mong ipaalam o ibahagi sa
mamamayan. Maaaring tungkol sa bagyo, baha, sunog o lindol. Pumili lamang ng isa.
Halimbawa
BABALA AT PAALALA
Pinapaalala sa mga mamamayan na ang sanhi ng maraming pagkamatay ng tao, pagkasira ng
ari-arian at pagkawasak ng maraming pangarap ay sunog. Kaya kapag may sunog, manatiling
kalmado at gumawa ng nararapat na hakbang para sa kaligtasan ng lahat.
Inihanda ni:
GAWAING PAGKATUTO
Pagbibigay ng Babala o Impormasyon kung may Sakuna o Kalamidad
Panimula (Susing Konsepto)
“Ligtas ang may Alam, Ligtas ang Laging Handa!” Sa mga napapanahong pangyayari
tulad ng trahedya o kalamidad, tayo ay dapat maging alerto at handa. Upang tayo ay maging
handa at ligtas, maaari tayong makibalita at making para sa mga impormasyon at sumunod sa
mga balita na ipinaparating sa atin ng mga eksperto o may kasanayan.
Gawain 1
Panuto: Basahin ng mabuti ang pangugusap at bilugan ang tamang sagot.
Gawain 2
Panuto: Sumulat ng maikling impormasyon o babala na maaari mong ipaalam o ibahagi sa
mamamayan. Maaaring tungkol sa bagyo, baha, sunog o lindol. Pumili lamang ng isa.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Halimbawa:
BABALA AT PAALALA:
Pinapaalala sa mga mamamayan na bagaman ang sunog ay isa sa unang teknolohikal na
natuklasan ng tao, ito rin ang sanhi ng maraming pagka-kitil ng buhay, pagkasira ng mga ari-
arian at pagkawasak ng maraming pangarap. Kapag may sunog, manatiling kalmado at iwasang
magitla, sa halip ay umaksyon at gumawa ng nararapat na kilos kapag may sunog.
Repleksiyon
Ang aking natutunan sa araling ito ay ______________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Mga Sanggunian
Susi sa Pagwawasto
Ang pagmamalasakit sa kapwa ay isa sa mga kaugaliang taglay nating mga Pilipino.
May mga hindi magandang nagaganap sa mundo na kinakailangang ipagbigay-alam sa mga
kinauukulan subalit minsan ang kaugaliang ito ay mahirap gawin lalo na kung may kaakibat
na panganib sa ating buhay.
Mas makabubuti kung tayo ay magiging isang responsableng mamamayan. Kung tayo
ay may nalalaman kaugnay sa isang pangyayari at sa tingin natin ay makatutulong sa iba,
huwag matakot na ipagbigay- alam ito sa kinauukulan. Maaaring ito ay maging isang
napakalaking tulong para sa lahat. Maging responsable tayo sa pamamagitan ng pagiging
matapang sa pagsasaad ng totoong pangyayari at magkaroon ng mabilis na pagkilos at aksiyon
upang maagapan ang isang hindi magandang pangyayari. Ayaw man nating gawin ang
makialam pero kailangan dahil isinasaad sa Bibliya, “Kapwa natin, pananagutan natin”.
Kinalulugdan ng Diyos ang mga taong marunong makipagkawang-gawa at gumalang sa
kapwa.
Gawain 1
Panuto: Basahin ng mabuti ang kwentong pinamagatang “KAGULUHAN” at sagutin ang mga
patnubay ng mga tanong tungkol sa kuwento.
KAGULUHAN
Si Lando ay inutusan ng ina na bumili ng softdrinks sa tindahan nina Aling Rosa.
Kaagad namang sumunod si Lando. Dumaan siya sa shortcut upang mabilis siyang makarating
sa tindahan at makakauwi sapagkat malapit na ang oras ng kanyang paboritong palabas.
Habang siya ay naglalakad, nakarinig siya ng mga tinig na parang natatakot at tinig na
parang galit. Nagkubli siya sa isang tagong lugar at sinilip kung saan nagmumula ang mga
tinig. Nakita niya ang mga masasamang loob na pinipilit kunin ang bag ng isang matanda.
Hindi na siya nagdalawang isip at patakbong pumunta sa mga pulis na nag-iikot sa kanilang
barangay at agad sinuplong ang kaniyang nakita.
Pagdating sa bahay, taking-taka naman ang ina ni Lando sa sobrang tagal umuwi ng
anak. Ikinuwento ni Lando ang buong pangyayari at ipinagmalaki naman si Lando ng kanyang
ina.
Gawain 2
Panuto: Isulat ang W sa loob ng hugis bituin kung nagpapakita ng wastong pagkilos at DW
kung di-wasto.
_________1. Nakita mong binubully o tinutukso ng mga mag-aaral na taga ibang seksyon ang
iyong kamag-aral ngunit pinanood mo lang ito.
_________2. Nakita mo na minamaltrato ng magulang ang isang batang walang kalaban-laban
naisipan mong isumbong ito sa kinauukulan.
_________3. Habang ikaw ay naglalakad ay nakita mong may nagsusuntukan at pinalilibutan
na sila ng maraming tao at walang umaawat sa kanila kaya agad kang humingi
ng tulong sa mga barangay Tanod.
_________4. Nakita mong pinipilit kunin ng isang mag-aaral ang gamit ng iyong kaklase
umalis ka at kunwaring hindi ito nakita.
_________5. Nag-aaway ang magkakapatid na inyong kapitbahay at nauwi na sa
pagsasakitan tinawag mo ang iyong nanay para sila’y kausapin.
Repleksiyon
Mga Sanggunian
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
Gawain 3
1. x
2. ✓
3. ✓
4. x
5. ✓
Inihanda ni:
GAWAING PAGKATUTO
Mayamang Kultura Kabilang Ako
Panimula (Susing Konsepto)
Ang paggalang sa isang tao ay isang mabuting ugali na karaniwang taglay nating mga
Pilipino.
May iba’t ibang paraan kung saan maipapakita natin ang ating paggalang sa mga
dayuhan at sa kanilang kultura. Kabilang na rito ang taos pusong pakikinig sa kanilang mga
sinasabi, paggalang sa kanilang opinyon, at hindi panlilibak o pang-iinsulto sa kanila at sa
kanilang paniniwala.
Gawain 1
Panuto: Basahin at suriin ang mga pangungusap sa bawat bilang. Tukuyin kung ito ay
nagpapakita o hindi nagpapakita ng paggalang. Isulat sa papel ang P kung nagpapakita ng
paggalang at HP kung hindi naman.
1. Iniiwasan ni Juan ang kapitbahay niyang dayuhan dahil ayaw niyang makipagusap sa
kanya.
2. Pinagtatawanan nila Nena ang kaklase niyang kulot ang buhok.
3. Maging magiliw sa mga taong kakaiba ang pisikal na anyo.
4. Pagtatawanan ang kaklase na may kapansanan sa pagsasalita.
5. Maging magalang sa pakikinig sa opinyon ng iba.
Gawain 2
Panuto: Isulat ang dapat mong gawin sa mga sumusunod na sitwasyon bilang pagpapakita ng
paggalang sa mga katutubo at sa mga dayuhan. Isulat ang sagot sa kahon.
Binigyan ka ng kaibigan
mong T’boli ng hikaw na
gawa sa kanilang tribo.
Mga Sanggunian
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
1. HP
2. HP
3. P
4. HP
5. P
Gawain 2
Inihanda ni:
LESLIE H. BALA
May-akda
Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all Times
16
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5
Pangalan: ________________________________ Lebel: ___________
Seksyon: _________________________________ Petsa: ____________
GAWAING PAGKATUTO
Mayamang Kultura Kabilang Ako
Panimula (Susing Konsepto)
Ang paggalang sa kapwa ay taglay nating mga Pilipino. Dapat nating panatilihin at
palawakin ang kaugalian na ito.
Makikilala sa iba’t ibang bansa ang kultura nating ito. Nakakatulong din ito sa
pagpapayaman at paglinang ng ating buhay.
Ang pagkamagalang ay nagpapakita sa pagtanggap sa pakakaiba ng pagkatao,
kaugalian at paniniwala/kultura na kinagisnan ng bawat isa.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda
Nakapagpapakita ng paggalang sa mga dayuhan sa pamamagitan ng mabuting
pagtanggap/pagtrato sa mga katutubo at mga dayuhan. (EsP5P-11c-24)
Gawain 1
Panuto: Iguhit sa sagutang papel ang masayang mukha (☺) kung ito ay nagpapakita ng
paggalang sa katutubo at dayuhan at malungkot () kung hindi naman.
1. Itinuring na kaaway ni Mica ang kaniyang pinsan na galing ibang bansa.
2. Pinapakinggan ni Tina ang opinyon ng kaniyang kasama sa pangkat.
3. Hindi naniniwala si Myra na hindi dapat pakialaman ang gamit ng iba.
4. Tinuturuan ni Lance ang kaniyang pinsan na galing sa ibang bansa sa mga
kaugaliang kaniyang kinagisnan.
5. Pakikinig at pagsagot ng mabuti sa mga dayuhan na nagtatanong at nagpapahayag
ng saloobin.
Gawain 2
Panuto: Gamit ang “semantic webbing”, magtala ng 5 limang paraang nagpapakita ng
paggalang sa mga katutubo at sa mga dayuhan. Isulat ang sagot sa kahon.
Paraan ng
Paggalang
Repleksiyon
Mga Sanggunian
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
1. 2. ☺ 3. 4. ☺ 5. ☺
Gawain 2
Tingnan ang Pamantayan sa pagbibigay ng Puntos (Rubrics)
Inihanda ni:
LESLIE H. BALA
May-akda
GAWAING PAGKATUTO
Ang Pagkamagalang
Ang paggalang sa kapwa ay natutuhan natin mula sa pagkabata. Ito ay isang hakbang
para makamit ang isang mapayapang pamayanan. Kapag iginagalang ng lahat ang kaniyang
kapwa tiyak walang magkakagalit dahil nirerespeto ang karapatang pantao.
Ang paggalang sa kapwa at pagtrato na nais nating gawin sa atin ng ibang tao ay
napakahalaga. Sabi nga kung ano ang nais mong gawin sa iyo ay siya ring gagawin mo sa iyong
kapwa-tao. Ito ay hindi lamang naipapakita sa salita kundi sa kilos at gawa.
Sa panahon na tayo ay makakasalamuha ng mga dayuhan o mga katutubo dapat natin
silang tanggapin at tratuhin ng maayos. Ang kanilang mga kaugalian na kinagisnan ay atin ding
galangin sapagkat doon sila nasanay at ang bawat isa sa atin ay may sariling karapatan.
Matuto tayong magbigay-halaga sa mga dayuhan at mga katutubo dahil kahit sino pa
man sila kaisa natin sila. Nararapat lamang na tayo ay matutong gumalang sa bawat isa.
Gawain 1
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapakita ng paggalang sa
mga katutubo at mga dayuhan kung MALI ay pangatwiran kung bakit mali. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
Gawain 2
Panuto: Isulat ang NP kung ang pangungusap ay nagpapakita ng paggalang at HNP naman
kung hindi.
a. Pinagtawanan ni Abby ang nakasalubong niya na pilay habang papasok siya sa
paaralan.
b. Madalas tulungan ni Baste sa pagtawid ng kalye ang sinumang matandang nakakasabay
niya sa pagtawid.
Repleksiyon
Mga Sangguian
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
1. Tama 3. Mali 5. Tama
2. Tama 4. Mali
Gawain 2
a. HNP f. NP
b. NP g. NP
c. NP h. HNP
d. HNP i. HNP
e. HNP j. HNP
Inihanda ni:
LORNA NARVARTE
May-akda
Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all Times
20
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5
Pangalan: ________________________________________ Lebel: ____________
Seksyon: _________________________________________ Petsa: ____________
GAWAING PAGKATUTO
Pagkamagalang
Ang paggalang sa isang tao ay isang mabuting ugali na karaniwang taglay nating mga
Pilipino. Kabilang na ang paggalang natin sa mga dayuhan sa ating bansa.
May iba’t ibang paraan para maipakita ang ating paggalang sa kanilang kultura at
pagkatao. Isa na rito ang pakikinig natin sa kanilang opinyon o saloobin, pag-iwas sa pang-
iinsulto sa kanilang kaibahan at sa kanilang paniniwala.
Gawain 2
Panuto: Suriin ang Graphic Organizer sa ibaba at punan ang mga bakanteng bilog sa
pamamagitan ng pagpili ng mga wastong sagot kaugnay ng nasa bituin. Piliin ang sagot mula
sa dalawang kahon at isulat ito sa bilog.
Paggalang sa
dayuhan at
mga katutubo
Mga Sanggunian
Ylarde, Zenaida R., Peralta, Gloria A.; “Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5”
2016. Vibal Group Inc. Pages 74-79
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
1. X 6. ✓
2. X 7. ✓
3. X 8. X
4. ✓ 9. ✓
5. X 10. ✓
Gawain 2
Inihanda ni:
GAWAING PAGKATUTO
Pagkamagalang
Ang paggalang sa isang tao ay isang mabuting ugali na karaniwang taglay nating mga
Pilipino. Kabilang na ang paggalang natin sa mga dayuhan sa ating bansa.
May iba’t ibang paraan para maipakita ang ating paggalang sa kanilang kultura at
pagkatao. Isa na rito ang pakikinig natin sa kanilang opinyon o saloobin, pag-iwas sa pang-
iinsulto sa kanilang kaibahan at sa kanilang paniniwala.
Gawain 1
Panuto: Basahing mabuti ang maikling kwento at sagutin ang mga kasunod na tanong.
Gawain 2
Panuto: Basahing mabuti ang bawat bilang at isulat ang titik ng tamang sagot.
______1. Ipinagdiriwang ng pamilya nila Kim ang Chinese New Year kung kaya inimbitahan
kang kumain sa kanila. Isa sa mga pinatikim sa iyo ng kanyang magulang ay ang
tikoy na hindi mo gusto ang lasa. Ano ang nararapat mong gagawin upang hindi mo
sila masaktan sa iyong pagtanggi?
Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all Times
25
a. Magpapasalamat ako sa paanyaya at ipapaliwanag ko sa kanila ng maayos ang
aking pagtanggi.
b. Sasabihin ko na lang na hindi ako mahilig sa mga Chinese food katulad ng tikoy.
c. Ngingiti lamang ako at ilalagay ko sa baunan ang tikoy para maiuwi na lang.
d. Magdadahilan ako na allergic ako sa mga tikoy.
______2. May bago kayong kapit-bahay na isang katutubong Ifugao. Nakita mo siyang
nagsusuot ng bahag sa harapan ng maraming tao. Paano mo maipapakita ang
paggalang sa kanyang kakaibang kulturang kinagisnan?
a. Hindi ko siya pagtatawanan at hayaan ko na lang ang ibang taong gagawa niyan.
b. Hindi ko na lang siya papansinin tutal magkaiba naman kami ng kultura.
c. Makikipagkwentuhan ako sa kanya tungkol sa kanilang kultura, tradisyon at iba
pa upang maintindihan ko siyang lubos.
d. Pagsabihan siyang huwag magsuot ng ganyan upang hindi siya pagtawanan ng
ibang kapit-bahay.
______3. Dinalaw ni Andrew ang kanyang koreanong guro sa kanilang bahay. Nakita niyang
mababa ang kanilang mesa at sa carpet lamang sila nakaupo. Sanay si Andrew sa
matataas na upuan at mesa kapag kumakain o nag-aaral. Gayunpaman ay gusto
niyang ipakita ang paggalang sa kultura ng kanyang guro, alin sa mga sumusunod
ang nararapat niyang gawin?
a. Makiayon siya gawain ng may ari ng bahay at isiping bisita siya kaya nararapat
lamang na respetuhin ang kanilang panuntunan at kinasanayang gawin.
b. Hindi na lang siya papasok sa bahay nila at kausaping sa isang restaurant na lang
sila magkamustahan ng kanyang guro.
c. Humingi na lang ng upuan na gagamitin at saka makipagkamustahan kahit hindi
sila komportable sa iyong galaw.
d. Pakikiusapan na lang na sa labas na lang magkamustahan at gawing dahilan na
mas presko sa labas kaysa sa sa loob dahil ayaw mong maupo sa carpet.
______4. Nagkaroon kayo ng pagbabahagi ng karanasan sa klase. Nagkataon na kasama mo sa
isang grupo ang kaklase niyong Muslim. Habang nagtatalakayan ay hindi
nagustuhan ng isa pang kasama ninyo ang opinyon ng Muslim dahil taliwas ito sa
opinyon niya. Anong gagawin mo upang maiwasan ang hindi pagkakaintindihan sa
grupo?
a. Makiayon sa isa mong kaklase at hayaan ang Muslim tutal ay mag-isa lang
naman siyang Muslim sa grupo.
b. Imumungkahi ko nang mahinahon na pakinggan at respetuhin ang opinyon ng
bawat isa upang maging patas ang pagbabahagi ng ideya.
c. Hayaan na lang ang lider ng grupo na mamagitan sa dalawang hindi
magkasundo.
d. Huwag na lang pansinin ang mga kasama sa grupo.
______5. Isang dayuhang Arabo ang umagaw sa atensiyon ng iyong mga kabarangay dahil sa
kanyang kakaibang suot at itsura. Napansin mo siyang may nais itanong ngunit
nahihirapan siyang magsalita dahil sa kanyang ibang lengguwahe, paano mo siya
tutulungan nang hindi naiinsulto ang kanyang kinagisnang kultura at wika?
a. Kausapin nang maayos at kung hindi maintindihan ay saka mo siya hahayaan.
b. Tulungan siya sa abot ng iyong makakaya nang hindi pinaparamdam sa kanya
ang kanyang kaibahan.
c. Dalhin na lamang sa barangay o kaya sa istasyon ng pulis kung saan may
makakatulong sa kanya.
d. Lahat ng nabanggit maliban sa letrang A.
Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all Times
26
Repleksiyon
Mga Sanggunian
Ylarde, Zenaida R., Peralta, Gloria A.; “Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5”,
2016, Vibal Group Inc. Pages 74-79
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
1. a
2. b
3. c
4. d
5. d
Gawain 2
1. b
2. b
3. a
4. a
5. d
Inihanda ni:
GAWAING PAGKATUTO
Paggalang sa Anumang Ideya o Opinyon
Panimula (Susing Konsepto)
Ano ang nararapat nating gawin sa mga pagkakataong sumalungat ang iyong ideya/
opinyon sa pananaw ng ibang tao? Ating pairalin ang paggalang sa kapwa sa pamamagitan ng
pagrespeto sa kanilang karapatang magbahagi ng kanilang ideya, o paghingi ng suhestiyon
patungkol sa anumang suliraning kinahaharap o proyektong binabalak. Dahil sa paggalang sa
pananaw ng kapwa ay daan sa pagkakaroon ng kapayapaan.
Gawain 1
Panuto: Lagyan ng tsek (✓) ang bilang na nagpapakita ng paggalang sa opinyon ng iba at ekis
(X) kung hindi nagpapakita ng paggalang sa opinyon ng iba.
Gawain 2
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang mga sumusunod na pahayag ay wasto at MALI
naman kung hindi wasto. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
__________1. Lahat ng tao ay magkakatulad ng opinyon.
__________2. Isa sa mga hakbang upang igalang ang opinyon ng ibang tao ay ang pag-unawa
nang mabuti.
__________3. Ang hindi pagtingin sa kausap habang naglalahad ng opinyon ay nagpapakita
Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all Times
28
ng paggalang.
__________4. Maaaring magtanong sa kausap upang mabigyang linaw ang ibang bagay o mas
maunawaan ang kanyang inilalahad na opinyon.
__________5. Ang hindi pagsang-ayon nang hindi nailalahad ang mga dahilan ay
nagpapakita ng paggalang sa opinyon ng iba.
__________6. Ang mga tao ay may kaniya-kaniyang pag-iisip, paniniwala, hilig at
paninindigan.
__________7. Ang paggalang sa pananaw ng kapwa ay daan sa pagkakaroon ng
kapayapaan.
__________8. Maipapakita natin ang paggalang sa opinyon ng iba sa pamamagitan pagsang-
ayon sa lahat ng kanilang opinyon.
__________9. Sa isang grupo, ang naitalagang lider lamang ang dapat na magbigay ng
kanyang opinyon sa paksang pinag-uusapan.
__________10. Sa isang pagtitipon, nararapat na iisang opinyon lamang ang ating
papakinggan.
Repleksiyon
Mga Sanggunian
• Ylarde, Zenaida R., Peralta, Gloria A.; “Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5”,
2016
• Vibal Group Inc. Pahina 46 – 51
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1 Gawain 2
1. ✓ 1. MALI 6. TAMA
2. X 2. TAMA 7. TAMA
3. X 3. MALI 8. MALI
4. X 4. TAMA 9. MALI
5. ✓ 5. MALI 10. MALI
Inihanda ni:
NICEY C. RAMOS
May-akda
GAWAING PAGKATUTO
Paggalang sa Opinyon o Ideya ng kapwa
Panimula (Susing Konsepto)
Ang paggalang sa tao ay isang mabuting ugali na karaniwang taglay nating mga
Pilipino. Kabilang na dito ang taos-pusong pakikinig sa kanilang mga sinasabi, paggalang sa
kanilang opinyon at hindi panlilibak o pang-iinsulto sa kanila at sa kanilang paniniwala.
Gawain 1
Panuto: Kilalanin kung taama o mali ang mga sumusunod na pahayag. Iguhit sa patlang ang
masayang mukha ( ) kung tama at malungkot ( ) naman kapag mali.
________1. Tinawanan ni Rommel ang kaniyang kaklase dahil mali ang kaniyang sagot sa
kanilang guro.
________2. Ginawang katatawanan ng mga kabataan ang paraan ng paglakad ng isang
matandang pulubi.
________3. Tinanggap ni Trixie ang suhestiyon ng kaniyang kaibigan tungkol sa kanilang
bagong proyekto kahit taliwas ito sa kanyang gusto.
________4. Kinausap nang maayos ni Noemie si Kristine tungkol sa pagpuna niya sa kasuotan
ng kanilang bagong kaklase.
________5. Ipinagyayabang ni Oscar ang kanyang pagkapanalo sa nakaraang paligsahan dahil
ayon sa kanya walang mabuting naisip ang kaniyang mga nakatunggali.
Gawain 2
Panuto: Basahin ang bawat kalagayan. Kulayan ng dilaw ang tala kung Mabuti, pula naman
kung hindi mabuti ang bawat kalagayan.
Gawain 3
Panuto: Dugtungan ang mga pahayag nang may paggalang sa anumang opinyon o ideya sa
pamamagitan ng iyong sagot.
Gawain 4
Panuto: Ano ang gagawin mo sa sumusunod na mga kalagayan? Isulat sa patlang ang iyong
sagot.
1. Nagalit si Amanda dahil hindi sinang-ayunan ng nakararami ang kaniyang gusto kung
saan gaganapin ang Class Party ___________________________________________.
2. Umiiyak ang isang bata dahil ayon sa kanya, pinagtawanan siya nang sabihin niyang
isa siyang Muslim. _____________________________________________________.
3. Marami ang natuwa nang manalo ang iyong suhestiyon na magkakaroon kayo ng Field
Trip sa Baguio samantalang talo naman ang anak ng iyong guro sa gusto niyang
puntahan, ang Ocean Park. _______________________________________________.
Repleksiyon
Mga Sangguian
Gawain 1
1.
2.
3.
4.
5.
Gawain 2
1.
2.
3.
4.
5.
Gawain 3
1. paniniwala nila.
2. panatihilin natin.
3. gusto mong igalang ka.
4. taliwas sa iyong paniniwala.
5. tanggapin ito nang maluwag.
(Tanggapin ang iba pang kaugnay na sagot)
Gawain 4
Inihanda ni:
JUANA C. VILLANUEVA
May-akda
GAWAING PAGKATUTO
Paggalang sa Opinyon o Ideya ng Kapwa
Panimula (Susing Kosepto)
Ngunit paano kung ang opinyon ng iba ay hindi sang-ayon sa iyong opinyon o
magkaiba kayo ng pananaw? Ano ang gagawin mo?
Ang sumusunod na mga pagsasanay ay lalo pang huhubog sa iyong kaalaman sa
kahalagahan ng paggalang sa opinyon ng iyong kapwa.
Gawain 1
Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Isulat ang Tumpak kung ito ay mabuting opinyon at
Bagsak naman kung ito ay di-mabuting opinyon.
________1. Malaking tulong sa mga mag-aaral ang pagbibigay ng modules sa kanila upang
makapag-aral sila kahit nasa bahay lang.
________2. Naniniwala ako na malalampasan natin ang pandemiyang ito.
________3. Maraming mga opisyal ng gobyerno ang nakinabang sa ayudang ibinigay para mga
mahihirap.
________4. Kung magkakaisa ang mga tao tiyak matatamo ang anumang ninanais. .
________5. Sayang ang pagpapasuweldo sa mga guro kung naiiwan sila sa bahay na hindi
nagtuturo sa silid-aralan.
________6. Nakakatuwa ang mga batang nagmumura kahit na isang taong gulang pa lamang
sila.
Gawain 3
Panuto: Magbigay ng pamamaraan kung paano mo maipapakita ang paggalang sa ideya/
opinyon ng ibang tao ayon sa mga sitwasyong nakalahad sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
1. Isang araw habang papasok ka ng paaralan ay may nakita kang grupo ng mga raliyista
na nanawagan sa gobyerno upang itaas ang sweldo ng mga ordinaryong manggagawa.
2. Si Kapitan Francisco Almario ay nagtatag ng isang ordinansa na naglalayong lahat ng
mga alagang hayop ay hindi na maaaring magpakalat-kalat sa buong barangay ng Santa
Barbara.
3. Sa kasalukuyan ay talamak na ang polusyon saan man dako, bilang pagtugon dito ay
ipinagbawal na sa Lungsod ng Cauayan ang paggamit ng iba’t ibang uri ng plastik gaya
ng straw, bag at marami pang iba.
4. Sa pagtatapos ng flag ceremony ay nag-anunsiyo ang inyong punong-guro na
tatanggalin na sa kantina lahat ng mga panindang hindi masustansiya gaya ng junkfood,
juice sa tetra pack, hotdog at marami pang iba. Alam mo sa sarili mo na ito ay ilan
lamang sa mga paborito mong kinakain tuwing recess.
5. Sa wakas ikaw ay papasok na ng kolehiyo. Inakala mong matutupad na ang iyong
pangarap na maging guro ngunit biglang nagdesisiyon ang iyong mga magulang na
dapat ikaw ay maging inhinyero dahil wala pa raw inhinyero sa inyong pamilya, dahil
guro na ang nanay at ate mo.
Mga Sangguian
Gawain 1 Gawain 2
1. tumpak 1.
2. tumpak 2.
3. bagsak 3.
4. tumpak 4.
5. bagsak 5.
6. bagsak 6.
Gawain 3
1. Pakinggan ko lang sila ngunit hindi ako sasali dahil bata pa naman ako.
2. Sang-ayon ako sa ginagawa ng kapitan para maiwasan ang kalat sa paligid.
3. Dapat sumunod ang mga tao upang maging malinis ang kapaligiran.
4. Ipaliwanag sa mga bata ang masamang epekto sa kalusugan ng mga aalising pagkain.
5. Pakinggan sila ngunit ipaliwanang ko pa rin ang aking dahilan.
Inihanda ni:
JUANA C. VILLANUEVA
May-akda
Ang paggalang sa kapwa at pagtrato na nais nating gawin sa atin ng ibang tao ay
napakahalaga. Sabi nga, kung ano ang nais mong gawin sa iyo ay siya mo ring gagawin sa
iyong kapwa-tao. Ito ay hindi lamang naipapakita sa salita kundi sa kilos at gawa.
Gawain 1
Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong sa katapusan nito.
Isang umaga habang nagbabasa ng dyaryo si Gng. Lorenzo ay napansin niya ang
headline nito tungkol sa usapin ng Pagbubukas ng Klase sa Gitna ng Covid-19. Dahil dito ay
napagpasyahan niyang ipasok ito sa kanyang leksyon.
Sa pagsisimula ng kanyang klase ay hiningi at inaalam niya ang opinyon ng mga mag-
aaral hinggil sa pagbubukas ng klase sa kabila ng Covid 19. Mula rito ay hinati niya ang mga
bata sa dalawang grupo lahat ng pabor na magbubukas ang klase ay ang mga “PRO” at ang
mga hindi pabor naman ay mga “ANTI”. Sa pagsisimula ng debate, ang lahat ay naging aktibo.
Bawat isa may sinasabi. Para pormal na pasimulan ang debate, nagbigay ng ilang pamantayan
ang guro para maging maganda at maayos ang takbo ng gawain.
Gng. Lorenzo: Narito ngayon ang lahat upang pagtibayin ang iba’t ibang opinyon ng
mga mag-aaral tungkol sa maugong na usapin tungkol sa pagbubukas ng klase. Atin
ng pasimulaan ang “DEBATEHAN: ALIN ANG MAS MABUTI, TULOY ANG
PORMAL NA PAGBUBUKAS NG KLASE SA AGOSTO O IPAGPALIBAN
MUNA HANGGANG MAY BAKUNA LABAN SA COVID 19? IKAW
KABATAAN SAAN KA?”
PRO: Magandang umaga po sa inyong lahat. Kami po ang grupo na Pro sa pagbubukas ng
klase ngayong Agosto. Bilang isang mag-aaral mahalaga po sa amin ang edukasyon
kaya dapat lamang na magbukas na ang klase sa Agosto. Sa aming palagay sapat na
Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all Times
36
ang mga paghahanda at health protocols na pinapatupad ng DOH upang
mapangalagaan ang ating kalusugan. Alam naman natin lahat na sobrang mahalaga
ang edukasyon at hindi natin kailangan matakot kung sumusunod tayo sa mga health
protocols.
Anti: Kami naman po ang Anti sa pagbubukas ng klase sa Agosto. Hindi kami sang-ayon sa
tinuran ng aming mga kamag-aral. Ang Covid 19 ay sobrang mapanganib at
nakamamatay. Ayaw naming isugal ang buhay kung wala pang bakuna laban dito.
Ang edukasyon ay makapaghihintay ngunit ang buhay ay iisa lamang. Dapat unahin
muna ang bakuna laban dito bago papasukin ang mga kabataan sa paaralan.
Pro: Kung lahat ay natatakot sa sakit na Covid 19 paano pa natin labanan ito? Kailangan pa
ba nating maghintay ng isa, dalawa, o, ilang taon pa ba? Paano na ang ating pag-aaral
na matitigil ng ilang taon dahil lamang sa paghihintay nang walang kasiguruhan.
Dapat tayong makipagsapalaran nang may pag-iingat upang ipagpatuloy ang ating
pag-aaral. Dito magkakaroon tayo ng dagdag kaalaman upang maiwasan ang sakit.
mahahasa pa ang ating kaisipan sa ating mga leksiyon. Ang mahalaga ibayong pag-
iingat para hindi tayo mahawa.
Anti: Hindi kami sang-ayon sa ganyang kaisipan. Para saan pa ang sinasabi ninyong
edukasyon kung ang mga bata at mga guro ay nagkakasakit na o kaya’y namatay na.
Kaya nga nagkakaroon ng mga ECQ at GCQ, para mapigilan ang paglabas ng mga tao
at maiwasan ang hawaan. Hanggang ngayon bawal pa rin ang mga kabataang lumabas
dahil sila ang madaling manghawa. Hindi man sila madaling kapitan ng sakit
pero sila ang mang-uuwi ng sakit sa kanilang pamilya. Paano na ang mga gurong
may edad na at may mga iniindang sakit nasisiguro ba ang kanilang kaligtasan?
Pro: Kaya nga isinasagawa na ngayon ng DepEd ang mga paraan para masiguro ang
kaligtasan ng mga bata pati na ang mga guro. Hindi muna pinapapasok habang mataas
pa ang bilang ng mga nagkakasakit. Sa halip may pinagpipilian silang modality ng
pagkatuto tulad ng online learning, telebisyon, radyo, modular at blended learning
habang hindi pa maayos ang sitwasyong pangkalusugan ng bansa. Dito nagkakaroon
ng pagkakataon ang mga magulang para tulungan ang kanilang mga anak sa mga
aralin nila gamit ang mga nasabing mode of teaching and learning.
Anti: Madali sa inyo na may internet connectivity at may pambili ng computer o
cellphone. Paano naman ang mga walang pambili ng mga gadgets, walang internet at
mga nakatira sa mga liblib na lugar. Tama ang sinabi ninyong tulungan ng mga
magulang ang kanilang mga anak sa pag-aaral. Ngunit kumusta naman ang mga
magulang na hindi nakapag-aral, paano nila matuturuan ang kanilang mga anak. At
maibibigay kaya ng mga guro ang sapat na edukasyon sa mga bata kung modular
lang ang gamit. Isa pa hindi lahat ng mga guro ay may sapat na kasanayan pagdating sa
modernong teknolohiya. Paano sila makapagsasagawa ng leksyon kung hindi nila
alam gamitin ang mga kagamitang multimedia at marami pang iba.
Gng. Lorenzo: Matapos ninyong maipahayag ang kanya-kanya ninyong mga ideya / opinyon
masasabi kong ang dalawang pangkat ay matagumpay na nakabuo at nakapagpahayag
ng kanilang mga ideya / opinyon na naayon sa kani-kanilang mga pananaw. Ngunit
marapat ninyong tandaan, Pro man o Anti iyan ay batay sa inyong opinyon kaya dapat
ninyong igalang. Muli ang aking pagbati sa inyong lahat.
Gawain 2
Ayon sa kaibigan mo, kayo sana ang nanalo sa paligsahan kung hindi pinaboran ng isa
sa mga hurado ang kalaban ninyo. Bilang isang mabuting kaibigan, ano ang magiging
reaksiyon mo sa sinabi niya.
Suriin ang mga nasa kahon at lagyan ng check ang sa tingin mo ay nagpapakita ng
paggalang.
C. Igagalang ko ang
kanyang opinyon kung
iyon ang nararamdaman
niya
B. Ipaliwanag ko sa kanya D. Sisigawan at pagagalitan
na mas alam ng mga ko siya dahil mali ang
hurado ang tamang kanyang hinala sa mga
proseso hurado
Gawain 3
E. Tanggapin ang
A. Hahalakhak ako ng Isulat ang iyong kaniya-kaniyang
malakas sa sinabi niya pangalan opinyon ngunit
sa isang hurado na ipaliwanag din na
dahilan ng aming anumang desisyon ng
pagkatalo. mga hurado ay
nararapat igalang.
Panuto: Sumulat ng isang islogan tungkol sa paggalang sa opinyon o ideya ng kapwa mo.
Gawin ito sa kalahating bahagi ng puting cartolina
Mga Sanggunian
Zenaida R. Ylarde, Gloria A. Peralta, EdD; Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon
5 (Batayang Aklat) Karapatang sipi 2016, Vibal Group Inc. Pp. 74-79
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
Mga posibleng kasagutan: (Maaaring tanggapin ang kauganay na sagot)
1. Masaya. Maayos ang pagpapalitan ng ideya. Iginagalang nila ang opinyon ng kabilang
panig.
2. Magkaiba sila ng opinyon sa isyu o paksa.
3. Nagsaliksik sila. Nakinig sila sa balita sa TV.
4. Pakinggan at igalang ang opinyon ng bawat isa.
5. Igalang ang opinyon ng bawat isa.
6. Maging magalang sa pagbigay ng opinyon.
7. Makinig kapag may nagbibigay ng opinyon.
Gawain 2
A.
B. ✓
C. ✓
D.
E. ✓
Gawain 3
Tingnan ang Pamantayan sa pagbibigay ng Puntos (Rubrics)
Inihanda ni:
JUANA C. VILLANUEVA
May-akda
GAWAING PAGKATUTO
Paggalang sa Anumang Ideya o Opinyon
Ano ang nararapat nating gawin sa mga pagkakataong sumalungat ang iyong ideya/
opinyon sa pananaw ng ibang tao? Ating pairalin ang paggalang sa kapuwa sa pamamagitan
ng pagrespeto sa kanilang karapatang magbahagi ng kanilang ideya, o paghingi ng suhestiyon
patungkol sa anumang suliraning kinahaharap o proyektong binabalak. Dahil sa paggalang sa
pananaw ng kapuwa ay daan sa pagkakaroon ng kapayapaan.
Gawain 1
Panuto: Magbigay ng pamamaraan kung paano mo maipapakita ang paggalang sa
ideya/opinyon ng ibang tao ayon sa mga sitwasyon sa ibaba.
1. Dahil sa kinakaharap nating pandemiya na kung saan ang mga bata at matatanda ay mas
mapanganib na dapuan ng sakit na ito dahil sa mahina nilang resistensya sa katawan. Kung
kaya ang mga batang kaedad mo at na may gulang na 60 pataas ay hindi pinapayagang lumabas
ng kani-kanilang bahay.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.
Gawain 2
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Gamitin ang rubriks sa ibaba sa pagbibigay
ng puntos sa bawat aytem.
Mga Sanggunian
Zenaida R. Ylarde, Gloria A. Peralta, EdD; Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon
5, 2016, Vibal Group Inc. Pahina 46 – 51
Susi sa Pagwawasto
Inihanda ni:
NICEY C. RAMOS
May-akda
GAWAING PAGKATUTO
Igagalang ko ang Ideya Mo
Gawain 1
Panuto: Gumuhit ng pusong pula ( ) sa patlang kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng
paggalang sa opinyon o ideya ng iba at itim na puso ( ) naman kung ang sitwasyon ay hindi
nagpapakita ng paggalang sa opinyon o ideya ng kapwa.
_______1. Si Anna ay lider ng isang pangkat ng mga mag-aaral. Habang nagpapalitan ng kuro-
kuro ang bawat miyembro ng kanyang grupo tungkol sa isang isyu, isa-isa niya
itong isinusulat at maingat nila itong pinagtatalakayan upang di makasakit ng
damdamin ng sinumang miyembro na nagbigay ng kanilang opinyon.
________2. Nagbigay ng opinyon si Lisa tungkol sa Enhanced Community Quarantine na
ipinatutupad ng pamahalaan sa buong bansa. Salungat ang kanyang opinyon sa
ideya ng kanyang mga kagrupo kaya pinatigil siya agad ng lider sa pagsasalita.
________3. Iba-iba ang opinyon ng mga mamamayan tungkol sa paggamit ng facemask.
Magkakaiba man ang kani-kanilang pananaw tungkol dito, nirerespeto pa rin nila
ang opinyon ng isa’t isa.
________4. Ang mga anak ni Aling Martha na sina Allan at Peter ay laging nagtutulungan sa
mga gawaing bahay. Isang araw, naatasan silang maglinis at mag-ayos sa loob ng
bahay bilang paghahanda sa nalalapit na pista. May kanya-kanya silang ideya kung
paano mapaganda ang loob ng kanilang tahanan upang maging kaaya-aya sa
paningin ng mga darating na bisita. Mas maganda ang ideya ni Allan kaysa kay
Peter ngunit iginigiit ni Peter ang kanyang ideya dahil siya daw ay mas matanda
kaysa kay Allan. Ayon sa kanya, ang ideya niya ang dapat masunod dahil siya ang
nakatatanda. Ganoon pa man ipinipilit din ni Allan ang kanyang ideya dahil alam
Gawain 2
Panuto: Basahin ang mga pahayag o opinyon na ibinigay ng mga mamamayan tungkol sa
Enhanced Community Quarantine na ipinatupad sa buong bansa dahil sa pagkakaroon ng
pandemyang Covid-19. Ang mga sang-ayon ay ang mga “Pro” at ang mga hindi sang-ayon ay
ang mga “Anti”. Pagkatapos basahin, sagutin nang wasto ang mga katanungan sa ibaba ng
pahayag. Isulat ang inyong sagot sa kwaderno.
Sa mga huling buwan ng taong 2019 sumulpot ang isang kinatatakutang sakit na
tinawag na Corona Virus Disease 2019 o mas kilala sa tawag na Covid 19. Dahil mabilis ang
pagkalat nito, napagpasyahan ng mga mambabatas na isailalim sa Enhanced Community
Quarantine ang buong bansa upang mapigilan ang pagkalat nito. Hindi lamang sa Pilipinas
ipinatupad ang ECQ kundi sa iba pang panig ng mundo. Marso 16, 2020 nang ipatupad sa
Pilipinas ang nasabing ECQ kaya lahat ng mga manggagawa at empleyado na hindi kabilang
sa essential na manggagawa ay kailangan manatili sa tahanan. Ang mga eskwelahan at iba pang
establisimento ay hindi pinayagang magbukas.
Pro: Magandang umaga po sa inyong lahat! Kami po ang grupo ng mga mamamayang
sumasang-ayon sa pagkakaroon ng Enhanced Community Quarantine. Naniniwala po kami na
ang hangad ng ating mga mambabatas at ng ating pangulo ay ang kaligtasan ng mga
mamamayan. Sa pamamagitan ng ECQ, maiiwasan ang paglabas labas ng mga tao kaya
maiiwasan din ang pakikisalamuha sa mga taong may Covid 19. Sa ganitong paraan maiiwasan
ang pagkahawa sa naturang karamdaman. Nararapat lamang na tayo ay tumalima sa
ipinatutupad ng pamahalaan.
Anti: Kami naman po ang grupo na hindi sumasang-ayon sa ipinatupad na Enhanced
Community Quarantine. Ipagpaumanhin po ninyo kung ang aming pananaw ay kaiba sa inyo.
Ang amin lang po, ang pananatili sa tahanan ay nagdudulot ng kagutuman sa mga tinaguriang
“isang kahig, isang tuka” nating mga kababayan. Sa panahon ng ECQ tanging ang mga
tinaguriang frontliners lamang ang pinapayagang makalabas. Ano ang ipapakain namin sa
aming pamilya kung hindi kami makalabas upang maghanapbuhay? Kaya sa aming pananaw,
isang malaking kalokohan ang pagpapatupad ng ECQ sa buong bayan.
Pro: Mga kababayan, hindi kalokohan ang pagpapatupad ng ECQ. Bago ipinatupad ito,
nagkaroon na ng pagpaplano ang pamahalaan kung paano matutulungan ang mga kababayan
lalo na ang mga mahihirap na mamamayan na mawawalan ng pagkakakitaan. Ito yung
sinasabing ayuda na galing sa pamahalaan. Maliban dito, marami ring pribadong indibiduwal
at korporasyon ang nangakong tutulong sa mga mamamayang labis na mangangailangan. Kaya
ang nararapat lang nating gawin ay maging masunurin sa batas para sa kaligtasan natin.
Anti: Ang ayuda ng pamahalaan at ng mga pribadong indibidwal ay hindi sapat para
sa aming pangangailangan. Maaaring ligtas kami sa Covid 19 ngunit mamamatay kami sa
gutom dahil walang sapat na makain. Kaya marapat lamang na itigil na ang pagpapatupad ng
Mga Tanong:
1. Sa inyong binasang palitan ng kuro-kuro ng dalawang grupo ng mamamayan, paano
nila ipinahayag ang kanikanilang opinyon?
2. Kung ikaw ang lider ng isa sa mga grupo, mahinahon mo rin bang ipapahayag ang
inyong kuro-kuro? Bakit?
3. Anong mabuting aral ang natutunan mo sa iyong binasang palitan ng kuro-kuro na
maaari mong isabuhay?
Gawain 3
Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon at sagutin nang may katapatan ang mga tanong. Isulat
ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.
Repleksiyon
Mga Sanggunian
• MELC- June 2020
• Curriculum Guide 2016
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
1.
2.
3.
4.
5.
Inihanda ni:
MARILYN C. CASTILLO
May-akda
Gawain 1
Panuto: Iguhit ang simbolo ng thumbs up ( ) kung “fact” ang isinasaad ng pangungusap at
thumbs downn( ) kung “bluff”. Ilagay ang sagot sa sagutang papel.
_______ 1. Huwag mong pakialaman ang kapakanan ng iyong kabarangay lalo na sa oras ng
pangangailangan.
_______ 2. Bilang namumuno sa barangay, ipinakita mo ang pagmamalasakit sa mga tao sa
pamamagitan ng pagbibigay mo ng damit at pagkain at iba pang tulong pinansyal.
_______ 3. Nagbibigay ng mga relief goods sa mga nasalanta ng bagyo.
_______ 4. Tumulong sa kapwa sa oras ng pangangailangan.
_______ 5. Pabayaan na lamang na intindihin ang sarili sa oras ng mga kalamidad.
Gawain 2
Panuto: Ano ang gagawin mo sa ganitong sitwasyon para maipakita ang pagmamalasakit mo
sa iyong kapwa. Ilahad ang iyong magiging damdamin.
1. Bumili ka isang araw sa grocery ng gatas ng kapatid mo. Di sinasadyang nakakita
ka ng isang lalaking kumukuha nang paninda. Ano ang iyong gagawin?
2. Nakita mong hirap ang isang matanda sa pagtawid sa kalsada. Tutulungan mo ba
siya? Bakit?
3. Namamasyal kayo ng nakababatang kapatid mo sa mall. Bigla ninyong
naramdaman na yumayanig ang kapaligiran. Ano ang iyong gagawin?
4. Nanghihingi ng tulong sa iyo ng iyong kamag-aral sa inyong takdang-aralin. Alam
mong tinatamad lamang siya at nais lamang niyang makapangopya ng takdang-
aralin. Tutulungan mo ba siya? Ano ang iyong gagawin?
5. May kapitbahay kang hirap sa buhay. May sakit ang kanyang anak at
nangangailangan ng tulong upang ipambili ng gamot. Ano ang iyong gagawin?
Gawain 3
Panuto: Basahin ang kwento at sagutin ang mga katanungan sa ibaba.
“Malasakit”
Tubong Cavite ang mag-anak na Micaller. Lubhang napakalayo para sa kanila ang
kamaynilaan. Apat ang anak nina Aling Ella at Mang Boy. Dalawa na ang naghahanapbuhay
sa apat nilang anak, si Albert at si Kristoffer. Sa Maynila sila namamasukan. Naisip ng mag-
asawa na ipagbili na lamang ang kanilang bahay sa Cavite at sa Maynila na lamang manirahan.
Tumira sila sa isang lugar sa Lungsod ng Quezon. Hindi maganda ang lugar na kinasadlakan
ng mag-anak. Laging may gulo, may sugal, at madalas na pagtatalo, dahilan upang magkaroon
ng sakitan at minsan pa ay nagiging sanhi ng patayan. Si Ellen, ang bunso sa apat na
magkakapatid at limang taong gulang ay minsang umuwi sa kanilang bahay na puro kalaswaan
ang namumutawi sa labi nito, na hindi naman dating naririnig sa kanya noong sila’y nasa Cavite
pa. Si Jeric, ang pangatlo sa magkakapatid ay minsan namang nahuli ni Aling Ella na
nangungupit ng P50.00 sa kanilang maliit na tindahan at nalaman niyang ipinangtataya lamang
ito sa sugal.
“Hindi maganda ang nangyayaring ito” ang naibulong ni Aling Ella sa sarili. Inalam ni
Aling Ella kung ang suliranin ba niya ay suliranin din ba ng ibang ina sa kanilang lugar. At
tama ang kanyang hinuha.
Sa ganito, kumilos ang butihing ina at agad na nagtungo sa himpilan ng barangay at
kinausap ang kapitan. “Ano ho kaya ang nararapat nating gawin, mang Rustom?” tanong ni
Aling Ella. Gumawa ng aksyon ang kapitan at agad na nakiisa sa pagsang-ayon ang mga
magulang na naroon.
Idinulog nila ito sa punong-bayan upang higit silang matulungan. Inayos ng punong-
bayan ang kanilang suliranin. Ipinaaalis ang pasugalan, nagtatag ng samahan para sa
kapayapaan. Nagtayo ng libreng paaralan para sa mga batang palaboy-laboy. Naging maganda
ang bunga para sa lahat ng aksyong ginawa ni Aling Ella. Payapa at masaya sa kabataan, bagkus
naging huwarang barangay pa ang kanilang lugar.
Mga Sanggunian
• Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 5
• Scribd.com/doc/240301984 https://blogspot.com
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
1.
2.
3.
4.
5.
Gawain 3
1. Isangguni sa Punong Barangay/Barangay Opisyal
2. Dahil ito ay nagdudulot ng masamang impluwensiya ng mga kabataan.
3. Upang mabigyan ng agarang aksyon/solusyon at di na lumala ang ganitong sitwasyon.
4. (Gamiting pamantayan sa pagwawasto ng sagot ang rubriks na nasa Gawain 2.)
5. (Gamiting pamantayan sa pagwawasto ng sagot ang rubriks na nasa Gawain 2.)
Inihanda nina:
FE H. AGRESOR
DIANA ROSE B. VALIENTE
ROSARIO B. DOMINGO
Mga May-akda
GAWAING PAGKATUTO
Ang Pagmamalasakit sa Kapuwa
Bilang isang bata may mga tungkulin siya sa kaniyang pamilya, paaralan, simbahan at
pamayanan.
Hindi man maituturing na mabibigat na bagay ang mga tungkuling ito ay dapat at
inaasahan pa rin ang pagsusumikap na magampanan niya ang lahat ng ito.
Ang pagtupad sa mga tungkulin ay isang mabuting halimbawa ng pagmamalasakit sa
kapuwa.
Gawain 1
Panuto: Basahing mabuti ang mga sitwasyon. Piliin at isulat sa patlang ang titik ng tamang
sagot.
________1. Lunes ng umaga. Maagang namalengke ang nanay mo. Marumi ang mesa at may
mga hugasing plato sa lababo. Ano ang gagawin mo? Bakit?
a. Hindi ako maglilinis o maghuhugas ng kahit ano.
b. Lilinisin ko ang mesa pero iiwan ko ang mga plato sa lababo.
c. Lilinisin ko ang mesa at huhugasan ko lahat ng mga plato sa lababo.
d. Hintayin kong dumating ang nanay at hahayaang siya ang maghuhugas ng mga
plato.
________2. Naatasan kang mag-ayos ng entablado na gagamitin sa programa sa inyong
paaralan. Nagboluntaryo si Randy na bumili ng mga bagay na kailangan. Matagal
bago nakabalik si Randy kaya natagalan din kayo sa pag-aayos ng entablado. Ano
ang gagawin mo? Bakit?
a. Sitahin siya sa pagkakaantala.
b. Hiyain si Randy para maturuan ng leksiyon.
c. Iwanang mag-isa si Randy para siya ang mapahiya.
d. Paalalahanan siya ng kahalagahan ng pagiging nasa takdang oras.
________3. Isang araw, isinasama ka ng Ate mo sa palengke. Alam mong ikaw ang
pagbubuhatin niya ng mga bibilhin niya. Ano ang gagawin mo?
a. Sasamahan ko siya sa palengke.
b. Sasabihin kong hindi na ako makakasama dahil masakit ang aking ulo.
Gawain 2
Panuto: Basahin ang kuwento ng ilang Pilipino na nagpakita ng mabuting paggawa at naging
matagumpay. Pagkatapos nito, sagutin ang mga sumusunod na tanong patungkol sa kanila.
Repleksiyon
Gawain 1
1. c
2. d
3. a
4. b
5. a
Gawain 2
Inihanda ni:
LORNA NARVARTE
May-akda
GAWAING PAGKATUTO
Pagsasaalang-alang sa Karapatan ng Iba
Panimula (Susing Konsepto)
Gawain 1
Panuto: Punan ng angkop na sagot ang mga sumusunod na sanaysay ukol sa karapatan. Piliin
ang sagot sa kahon sa ibaba.
1. Ang ating mga __________ ay isa sa pinakamahalagang bagay na dapat nating
malaman, alagaan at protektahan.
2. __________ ng tao ay may iba’t ibang mga karapatan.
3. Lahat ng tao ay mayroong __________ na karapatan.
4. Dahil sa dalawang katangian ng karapatan, mahalaga na ____________ ang karapatan
ng kapwa natin.
5. Isa sa paraan upang maisagawa natin ang pagsaalang-alang sa karapatan ng iba ay ang
pagkakaroon ng sapat na ___________ sa ating mga hangganan upang hindi tayo
makatapak sa karapatan ng iba.
Obligasyon karapatan pantay-pantay lahat
iilan kaalaman isaalang-alang pangalagaan
____1. Pinatigil ng mga magulang sa pag-aaral si Amy dahil sa walang mag-alaga sa kaniyang
dalawa pang nakababatang mga kapatid.
____2. Nagulat ang isang karaniwang motorista sa reaksiyon ng isang mayamang
nagmamaneho ng mamahaling kotse na kanyang nakagitgitan sa kalsada na dahilan ng
pagkakaroon ng gasgas at yupi ng kotse ng mayaman. Sa halip na sigawan niya ito,
kinausap siya nang maayos at hindi na pinabayaran ang sira na natamo ng kaniyang
sasakyan.
____3. Basta na lang pinagiba ng isang mayamang nagmamay-ari ng malaking lupain ang mga
barong-barong ng mga iskwater na naninirahan doon nang walang abiso.
____4. Pinagbigyan ng Pangulo ang mga nagpoprotesta na ihayag ang mga hinaing nila sa
gobyerno.
____5. Dinakip ng mga nagpakilalang pulis ang isang binatilyong pinaghihinalaang may
kinalaman sa bentahan ng iligal na droga kahit wala silang dalang Warrant of Arrest.
____6. Si Nathalie ay nakapagtapos sa kaniyang pag-aaral sa kabila ng hirap at sakripisyo ng
kaniyang mga magulang sa paghahanap-buhay bilang magsasaska.
____7. Isang lalaking nasa ika-anim na baitang ang siningitan ang mga mas nakababatang mag-
aaral at hindi na nakipila sa pagbili sa kanilang kantina.
____8. Si Nanay Mely ay malayang nakakabiyahe sa ibang mga lugar dahil sa siya ay malusog
at walang sakit.
____9. Isang sanggol ang iniwan ng kanyang ina sa palikuran ng isang establisimyento sa pag-
aakalang ito ay kukupkupin ng mas may kakayahang mag-alaga sa kaniyang anak.
____10. Sa kabila ng pagkakaroon ng pandemiya, tinanggap pa rin si Grace sa isang ospital
noong siya ay pumuntang magpakonsulta dahil sa sakit ng ngipin.
Gawain 3
Panuto: Bilang mag-aaral sa ikalimang baitang, paano mo maipamamalas ang pagsasaalang-
alang mo sa karapatan ng mga sumusunod na mga indibidwal? Isulat ang sagot sa kwaderno.
1. Kapatid-
2. Magulang-
3. Guro-
4. Pulis-
5. Doktor-
Mga Sanggunian
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
1. Karapatan
2. Lahat
3. Pantay- pantay
4. Isaalang-alang
5. Kaalaman
Gawain 2
1. M 6. T
2. T 7. M
3. M 8. T
4. T 9.M
5. M 10. T
Gawain 3
(Gawing batayan sa pagwawasto at pagbibigay ng puntos ang rubric sa Gawain 3)
Inihanda nina:
ROSARIO B. DOMINGO
CHARLIE A. REDONDO
FE H. AGRESOR
DIANA ROSE B. VALIENTE
Mga May-akda
GAWAING PAGKATUTO
Pagsasaalang-alang sa Karapatan ng Iba
Panimula (Susing Konsepto)
Ang bawat tao ay may karapatan. Nararapat na igalang ang karapatan ng bawat isa.
May katapat na tungkulin ang bawat karapatan. Ang paggalang sa karapatan ng bawat isa ay
isang kaugaliang positibo. Naipapakita natin sa maraming paraan. Ito ay nagmula sa pagkilala
natin ng lubos sa Poong Maykapal, pagmamahal sa Diyos at pagsunod sa kanyang mga aral.
Ang pagiging edukado o pagkakaroon ng kaalaman sa mga mabubuting asal ang higit na
kinakikitaan ng paggalang. Dahilan ng ating pagiging mapagmahal sa kapwa ay nagawa natin
silang respetuhin at binibigyan ng halaga.
Gawain 1
Panuto: Suriin at pag-aralang mabuti ang mga larawan ng dalawang pamilya.
Ito ang mag-anak na Dela Cruz, nakatira sa Lungsod ng Cabanatuan. Ang kanyang
mga anak ay nag-aaral sa isang pampublikong paaralan sa lungsod na ito. Pag-
uwi ni Jonathan mula sa paaralan ay naabutan niya na nag-aaral ang kanyang ate.
Tahimik siyang pumasok ng silid upang magpalit ng damit na pambahay.
Paglabas niya ng silid, nakita siya ng kanyang bunsong kapatid. “Kuya Jonathan,
laro tayo!’ ang sigaw nito. “Sshh, huwag kang maingay. Nag-aaral si ate Liza,” ang
bulong ni Jonathan sa kapatid. Basta laro tayo! ang pilit ng kapatid.
“Sige, doon tayo sa labas. Hindi tayo maaaring mag-ingay at nag-aaral si Ate,” ang
paliwanag ni Jonathan.
“Alam mo, Bunso, kapag nag-aaral si Ate o sinuman sa atin, hindi dapat abalahin”.
Kailangan nila ng tahimik na lugar para maibuhos nila ang kanilang atensyon sa pag-
aaral,” ang dagdag na paliwanag ni Jonathan.
Narinig pala ng nanay nila ang kanilang usapan. “Tama si Kuya Jonathan, Bunso.
At saka alalahanin ninyo na ang ate ninyo ay isa sa mga kasali sa panrehiyong
paligsahan sa Search for Outstanding Reader.
“Ako rin pala ay may takdang-aralin na dapat sagutin sa tatlong asignatura.
Kailangan ko nang gawin upang matapos ko lahat,” ang sabi ni Jonathan.
Ikaw, Bunso, huwag mong sabihing wala kang takdang-aralin ngayon? Ang tanong ni
Nanay.
“Mayroon po pala. Kailangan ko pong maghanap ng mga larawan ng magagandang
lugar sa ating bansa,” ang sagot ni Bunso.
“Dapat mo munang unahin ito bago ang paglalaro. Habang nag-aaral kayo, wala
munang telebisyon, ha?” ang paalala ng nanay nila.
Opo, Nanay. Sorry po. Gagawin ko po muna ang aking mga aralin,” ang sagot ni
Bunso.
Habang nag-aaral sina Ate, Jonathan at Bunso, si Nanay naman ay naghahanda ng
hapunan.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Ano ang nakita ni Jonathan pag-uwi niya sa bahay?
1. Paano niya ipinakita ang paggalang sa karapatan ng kanyang ate?
2. Anong paalala ang sinabi ng Nanay kay Bunso
3. Anong karapatan ang isinasaad sa kuwento?
4. Kung ikaw si Miguel, ano ang sasabihin mo sa iyong nakababatang
kapatid?
5. Paano nila ipinakita na iginagalang nila ang karapatan nila na mag-aral?
Gawain 3
Panuto: Ano ang gagawain mo sa mga ganitong sitwasyon? Isulat ang sagot sa kwaderno.
1. Galing kayo sa paglalaro ng iba mong kamag-aaral. Maingay kayong pumasok sa silid-
aralan. Nagbabasa ang tatlo ninyong kaklase ng aklat sa isang sulok nito.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Alam na alam mo ang gagawin sa isang proyekto ng iyong pangkat. Napansin mo na
ikaw lang ang nagmumungkahi. Ano ang gagawin mo?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
Mga Sanggunian
Deped Cabanatuan Grade 5 ESP LM
Gawain 1
1. Naabutan niya na nag-aaral ang kanyang ate.
2. Tahimik siyang pumasok ng bahay upang magpalit ng pambahay na damit at pinigilan
niya ang kanyang bunsong kapatid na mag-ingay.
3. Na dapat igalang ang sinuman na nag-aaral sa kanila lalo na at kasali ang kaniyang ate
sa panrehiyong paligsahan.
4. Karapatang mag-aral.
5. Na dapat igalang ang karapatang mag-aral ng sinuman sa pamamagitan ng pananahimik
kung mayroong nag-aaral.
6. Lumabas na lang sila na maglaro para hindi maistorbo ang ate nila.
Gawain 2
6. ✓ 6. ✓
7. ✓ 7. ✓
8. ✓ 8. ✓
9. ✓ 9. ✓
10. ✓ 10. ✓
Inihanda nina:
ROSARIO B. DOMINGO
CHARLIE A. REDONDO
FE H. AGRESOR
DIANA ROSE B. VALIENTE
Mga May-akda
GAWAING PAGKATUTO
Nakapagsasaalang-alang ng Karapatan Iba
Panimula (Susing Konsepto)
Ang pagmamay-ari ng pansariling kagamitan ay isang karapatan na dapat igalang.
Ibig sabihin nito, ang bawat mamamayan ay may karapatang mag-angkin ng mga bagay-
bagay. Sa modyul na ito, pag-aaralan mo ang paggalang sa karapatan sa pagmamay-ari.
Gawain 1
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon. Lagyan ng tsek ( ) kung DAPAT at ekis (x) naman
kung HINDI DAPAT. Isulat ang sagot sa kuwaderno.
_______1. Gustong-gusto ni Laura ang bag ni Ellen. Maganda kasi ito at bigay ng pinsan
niyang galing sa Japan. Nagpaalam si Laura kay Ellen na hihiramin niya ang bag
nito.
_______2. Tuwing papasok si Mia sa paaralan, dalawa ang payong na dinadala niya. Nakita
ito ni Pia at kinuha ang isa nang hindi nagpapaalam. Umuulan kasi nang malakas
nang pinalabas sila sa silid aralan.
_______3. Lakbay-aral ng klase ni Bb. Sebastian sa ikalimang baitang. Napansin ni Bb.
Sebastian na walang baon ang isa niyang mag-aaral na si Ella. Binigyan ng guro si
Ella ng sandwich at juice.
_______4. Maghapong namasada ng dyip si Mang Benjie. Nakatulog siya agad pagdating ng
bahay. Kinuha ni Roman, panganay na anak ni Mang Benjie ang susi ng kanilang
sasakyan at ginamit ito nang walang paalam.
_______5. Naglilinis ang mga mag-aaral ni Bb. Babaran sa kanilang silid-aralan. Wala silang
magamit na walis. Nakita nilang bukas ang kabilang silid at naroon pa si Bb. Ramos.
Nagpaalam sila na hiramin ito.
Gawain 2
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay kung paano mo ipakikita o isasagawa ang paggalang sa
paggalang sa karapatan ng iba. Gawin ito sa kuwadernong sagutan.
Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos
5 Puntos 3 Puntos 2 Puntos Walang Puntos
Mahusay ang Nakapagbigay ng Nakapagbigay ng Walang ideya.
pagkakasagot. kaunting ideya na ideya subalit Walang sagot.
Naibigay ang mga hinahanap ng tanong walang kaugnayan
ideya na hinahanap ng ngunit hindi gaanong sa tanong.
tanong. Nasa tamang maayos ang
pangungusap.
Repleksiyon
Mga Sanggunian
LRMDS offline (MIMOSA 4)
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
1.
2. X
3.
4. X
5.
Inihanda ni:
XAVIER GONZALES
May-akda
Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all Times
62
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5
Pangalan: ________________________________ Lebel: ___________
Seksyon: _________________________________ Petsa: ____________
GAWAING PAGKATUTO
Nakikilahok sa mga Patimpalak o Paligsahan na ang Layunin ay
Pakikipagkaibigan
Gawain 1
Panuto: Gawin ang mga sumusunod.
1. Gumawa ng komiks na nagpapakita ng magandang pakikilahok sa isang paligsahan na
may layuning makipagkaibigan.
2. Kulayan ang mga iginuhit.
Gawain 2
Panuto: Sumulat ng isang talata patungkol sa pakikilahok sa paligsahan na ang layunin ay
pakikipagkaibigan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Gawain 4
Panuto: Gawin ang mga sumusunod
1. Sa iyong papel, gumawa ng isang tsart na may tatlong kolum.
2. Sa taas ng unang kolum ay isulat ang mga patimpalak na sinalihan mo na.
3. Sa taas ng pangalawang kolum ay isulat ang naging ugali mo sa bawat patimpalak
na sinalihan mo.
4. Sa ika-apat na kolum ay isulat ang dapat mo sanang naging ugali sa pagsali sa
patimpalak para naging maganda ang laro.
5. Dalawa hanggang limang laro lamang ang isulat.
2.
3.
4.
5.
Repleksiyon
Ang aking natutunan sa araling ito ay ______________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Mgs Sanggunian
• Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5 Batayang Aklat
• Internet
• Google image
Inihanda na
NOEMI F. ALUYEN
Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all Times
65
May-akda
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5
Pangalan: ________________________________ Lebel: ___________
Seksyon: ________________________________ Petsa: ____________
GAWAING PAGKATUTO
Pagpapahalaga sa Isang Kaibigan
Panimula (Susing Konsepto)
Ang kaibigan ay isang uri ng tao na maaari mong hingan ng tulong sa oras ng
pangangailangan. Kabaliktaran ito ng isang kaaway. Ang kaibigan ay isang uri ng tao na laging
nakaagapay sa iyo anumang oras. Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Lahat
ay nangangailangan ng tulong. Ang maituturing na kaibigan ay tunay na maaasahan anumang
oras.
Gawain 1
Panuto: Basahin ng tahimik ang maikling pahayag, pagkatapos sagutin ang mga sumusunod
na katanungan sa ibaba.
Ang Tunay Na Kaibigan
Ang isang tunay na kaibigan ay nariyan lamang sa oras na malungkot ka at lalo na kung
ikaw ay masaya. Sabi nga ng marami, “ang kaibigan ay payong na sasalo sa ulan ng problema”.
Ilan sa mga katangian ng tunay na kaibigan ay mapagkakatiwalan sa lahat ng bagay.
Handang tumulong ng walang hinihiling na kapalit at higit sa lahat mahal ka niya bilang
IKAW. Siya ang tao na mananatili sa iyo at susuportahan ka lalo na kapag nahihirapan ka.
Hindi ka sisiraan at sasabihan ng mga negatibong bagay tungkol sa iyo.
Mga katanungan
1. Ikaw ba ay may kaibigan? Sino-sino ang iyong mga kaibigan?
2. Paano mo nakilala ang iyong mga kaibigan?
3. Ano-ano ang pangunahing katangian na dapat taglayin ng isang tunay na kaibigan?
Maglahad ng tatlo.
Gawain 2
Panuto: Sumulat ng maikling sanaysay na may pamagat na “Ang Tunay na Kaibigan ay
Nakikilala sa Oras ng Kagipitan”
Gawain 3
Panuto: Bigyang-kahulugan ang salitang K-A-I-B-I-G-A-N.
Repleksiyon
Mga Sanggunian
Susi sa Pagwawasto
Gawain 2 at 3- Gamitin ang rubrik sa pagbibigay ng puntos
Inihanda ni:
ARLENE S. TABUSO
Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all Times
67
May-akda
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5
Pangalan: ________________________________ Lebel: ___________
Seksyon: _________________________________ Petsa: ____________
GAWAING PAGKATUTO
Pagganap sa Tungkulin nang may Mataas na Kalidad
Panimula (Susing Konsepto)
Nagagampanan nang buong husay ang anumang tungkulin sa programa o proyekto gamit ang
anumang teknolohiya sa paaralan. (EsP5P-IIi29)
Gawain 1
Panuto: Basahin ang tula: “Talento Ko, Regalo Ko” at sagutin ang mga sumusunod na
katanungan sa ibaba.
Bawat nilalang, may kanya-kanyang kakayahan
Ito’y nararapat lamang paunlarin at ikarangal
Tiwala sa sarili’y dapat paunlarin at huwag ikahiya
Ito’y pagpapakita ng magandang asal.
Gawain 2
Panuto: Iguhit sa patlang ang masayang mukha (☺) kung ang pangungusap ay nagpapahiwatig
ng pakikiisa sa kapwa bata at malungkot na mukha () kung hindi.
Repleksiyon
Mga Sanggunian
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
(Iba -iba ang sagot)
Gawain 2
1. ☺ 2. ☺ 3. 4. ☺ 5.
Inihanda ni:
ARLENE S. TABUSO
May-akda
Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all Times
69
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5
Pangalan: ________________________________ Lebel: ___________
Seksyon: _________________________________ Petsa: ____________
GAWAING PAGKATUTO
Nagagampanan nang Buong Husay ang Anumang Tungkulin sa Programa o
Proyekto Gamit ang Anumang Teknolohiya sa Paaralan
Panimula (Susing Konsepto)
Layon ng araling ito na magampanang mabuti nang may kahusayan ang tungkulin sa
programa o proyekto gamit ang anumang teknolohiya sa paaralan.
Upang magkaroon ng kamalayan sa tama at mahusay na paggamit sa mga teknolohiya
sa paaralan.
Upang magkaroon ng positibong saloobin para punan ang mga kakulangan sa
kagamitang panteknolohiya para maging lalo pang maging maayos ang paggawa ng isang
proyekto.
Gawain 2:
Panuto: Gumawa ng isang tula patungkol sa mga kahalagahan ng teknolohiya sa pagsasagawa
ng isang proyekto o programa. Isulat sa kwaderno.
Gawain 3
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod sa likod ng papel na pinagguhitan mo ng kagamitang
panteknolohiya:
Mga katanungan
1. Nagampanan mo bang mabuti ang isang tungkulin sa programa o proyekto gamit ang
teknolohiya sa inyong paaralan. Oo o Hindi?
2. Ano-ano ang mga kagamitang panteknolohiya na nakatutulong sa programa ng inyong
paaralan na sinubukan mong gamitin? Nagamit mo ba ito ng buong husay?
3. Magbigay ng isang kagamitang panteknolohiya na wala sa inyong paaralan.
4. Sa iyong palagay, paano kaya magkakaroon ng ganitong mga kagamitang
panteknolohiya sa inyong paaralan?
5. Para sa iyo, ano ang pwede mong maitulong o maiambag para magkaroon ang inyong
paaralan ng ganitong kagamitan?
Mga Sanggunian
Batayang Aklat 5: Ugaling Pilipino sa makabagong Panahon Internet
Google image
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1, 2, 3, 4 - Gamitin ang rubrik sa pagbibigay ng puntos.
Inihanda ni:
NOEMI F. ALUYEN
Manunulat
GAWAING PAGKATUTO
Wastong Paggamit ng Media at Teknolohiya
Panimula (Susing Konsepto)
Nagagampanan nang buong husay ang anumang tungkulin sa programa o proyekto gamit ang
anumang teknolohiya sa paaralan. (EsP5P – IIi – 29)
Gawain 1
Panuto: Tingnan ang sumusunod na larawan at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Ilagay ito sa
sagutang papel o kwaderno.
Gawain 2
Panuto: Lagyan ng tsek (✓) ang patlang kung nararapat bang gawin ang sumusunod na
pangungusap at ekis (X) naman kung hindi.
Gawain 3
Panuto: Sumulat ng maikling sanaysay sa isang buong papel gamit ang pamagat na, “Ako na
Isang Mapanagutang Tagagamit ng Media at Teknolohiya”.
Mga Sanggunian
https://tl.wikipedia.org/wiki/Teknolohiya
https://www.slideshare.net/mariejajaroa/ligtas-at-responsableng-paggamit-ng-
computer-internet-at-email
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
(Sariling sagot o opinyon ng mag- aaral)
Gawain 2
1. ✓
2. X
3. X
4. ✓
5. ✓
6. X
7. X
8. ✓
9. X
10. ✓
Inihanda ni:
MARJORIE M. LORETO
May-akda
GAWAING PAGKATUTO
Nagagampanan nang Buong Husay ang Anumang Tungkulin sa Programa o
Proyekto Gamit ang Anumang Teknolohiya sa Paaralan.
Panimula (Susing Konsepto)
Ang araling ito ay layong magampanan ng buong husay ang mga tungkulin sa programa
o proyekto gamit ang anumang teknolohiya sa paaralan. Ito ay nagagamit ng mabilis at may
mas higit na magandang kalabasan at mapagyaman ang kahusayan sa paglikha ng isang
proyekto gamit ang teknolohiya
Gawain 1
Panuto: Sumulat ng mga gawain na iyong kinagawiang gawin upang makalikha ng mga
proyekto na kapakipakinabang para sa paaralan at saan pa man.
1. __________________________________________________________
2. __________________________________________________________
3. __________________________________________________________
4. __________________________________________________________
Gawain 2
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Mga Sanggunian
Walang nauukol na sanggunian.
Inihanda ni
EMMA B. CORDEL
May-akda