Final Thesis

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 35

KABANATA I

Ang Suliranin at Kaligirang Pangkasaysayan Nito

Ang K-12 Program ay sinimulang ipatupad ng pamahalaan noong taong 2012, na

naglalayong baguhin ang sistema ng edukasyon sa ating bansa. Kinikilala itong

“International Education Standard” dahil sa sinusunod ito ng karamihan ng mga bansa sa

iba’t ibang panig ng mundo. Dahil sa programang ito, nadagdagan pa ng dalawang taon na

ilalaan ang mga estudyante para sa “highschool”. Sa dalawang taong ito, malalaman o

madidiskubre kung anong kakayahan at pangarap na ginugusto ng bawat estudyante.

Isang mahalagang desisyon ang dapat gawin ng mga estudyante sa pagpili ng strand

na kanilang kabibilangan/papasukan sa mga taong ito. Ang Buenasher Learning Academy

Inc. ay isa sa mga paaralan na nag-aalok ng mga strand na napapaloob sa Academic Track

kung saan nabibilang ang mga sumusunod na strand – ito ang Science, Technology,

Engineering, and Mathematics (STEM); Accountancy, Business and Management (ABM); at

ang Humanities and Social Sciences (HUMSS).

Ayon sa karamihan, ang pinakamahirap na strand o programang maaari kunin ng

isang estudyante ay ang STEM kung saan magkahalong agham (Science) at

matematika/sipnayan (Mathematics) ang pinag-aaralan dito. Ang ibang malalaking paaralan

at unibersidad ay may patakarang sinusunod upang makapasok sa STEM, ito ay

kinakailangang makakuha ang bawat estudyante ng gradong 83% pataas para sa mga

pangunahing asignatura gaya ng Biology, Chemistry, Calculus, at Statistics. Para naman sa

mga minor subjects ay hindi dapat ito bumaba sa gradong 75%. Kung ang pag-uusapan ay

ang general average grade o final grade, dapat ay magkaroon ang estudyante ng hindi bababa
sa grado na 85% upang mapanatili sa STEM, hindi gaya ng ibang mga strand na ang gradong

pinapanatili ay nasa 75% lamang. Dahil sa mataas na grado at maraming dapat panatilihin sa

strand na ito, maraming mga estudyante ang nagdadalawang isip na pumasok dito.

Ang kanilang kinabukasan ay nakasalalay sa kanilang napiling kurso sa kolehiyo at

isa din ito sa mga bagay na makapagbibigay ng malaking impak di lang sa buhay ng kanilang

mga pamilya kundi pati na rin sa buong bansa. Ang pagpili ng track o kurso ang pinak unang

hakbang sa pagbuo ng career path. Ang pagpili ng strand ay masasabing unang hakbang sa

pagpili ng kurso pagdating sa kolehiyo, kung ang strand na gusto mong kunin ay akma sa

kursong gusto mong piliin ay mas mapapadali ang iyong pag-aaral, dahil sa Senior High

School ikaw ay maaaring mabigyan ng mga pangunahing kaalaman na magagamit mo sa

iyong pagtungtong sa kolehiyo. Ngunit, minsan talagang mayroong mga mag-aaral na nalilito

pa rin at dahil marami ang nakakaepekto sa mag-aaral sa pag-pili ng strand na STEM.

Ginawa ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito upang wakasan at iwaglit sa isipan

ng mga magaaral na ang mga matatalino lamang na magaaral ang mga maaaring makapasok

sa strand na STEM.

Makatutulong ang pag-aaral na ito upang magkaroon ng sapat na kaalaman at ideya

ang mga mambabasa at maaaring ang mga susunod na mananaliksik kung ano ang mga salik

na nakakaapekto at mga nararapat na isaalang-alang sa pagpili ng strand na STEM.

Inaasahan ng mga mananaliksik na sa ginawang pag-aaral na ito ay mabigyang

kasagutan ang mga tanong sa isip ng mga mag-aaral na siyang humahadlang sa malayang

pagpili nila ng kanilang strand at lalo’t higit sa pagpili nila sa strand na STEM.
Paglalahad ng Suliranin

Ang layunin ng pag-aaral na ito at ng mga mananaliksik ay upang magbigay ng

kaalaman ukol sa damdamin, pananaw at kaalaman ng mga mag-aaral ng ika-sampung

baitang ng Buenasher Learning Academy Inc. hingil sa pagpili ng STEM strand T.P. 2021-

2022. Layunin ng pananaliksik na ito na magbigay kasagutan sa mga sumusunod na

katanungan :

A. Demograpikong Profayl

1. Edad

2. Baitang at Seksyon

3. Kasarian

B. Mga Katanungan

1. Gaano kalawak ang kaalaman ng ika-sampung baitang pagdating sa strand na

STEM?

2. Itinuturing mo ba na ang STEM ay isa sa pinakamahirap na strand kung kaya’t sa

ganon, nagiging hadlang ito upang piliin ang strand na ito?

3.Bilang mga mag-aaral, ano ang isasaalang-alang, magiging basehan o paraan ng

pagpili ng strand na inyong kukunin?

4.Ano ang kahalagahan ng interes at kakayahan ng mga mag-aaral sa pagpili ng

strand na ito?

5.Ano ang mga nakakaimpluwensya sa mga mag-aaral na nasa ika-sampung baitang

sa pagpili ng strand?
Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na malaman ang magkakaibang damdamin,

pananaw, at kaalaman ng mga mag-aaral mula sa ika-sampung baitang ng Buenasher

Learning Academy Inc. ukol sa pagpili ng strand na STEM. Nais din ng mga mananaliksik

na bigyan ng naturang impormasyon ang mga kabataan, lalo't higit sa mga mag-aaral na

nalalapit na tumuntong sa Senior High School, tulad ng mga salik na makakaapekto sa

pagpili ng strand na STEM at ang hirap na maaari nilang kaharapin sa pagdedesisyon kung

STEM nga ba ang kanilang papasukin.

Isa rin sa napakagandang layunin ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ang

makatulong sa paghubog ng kaisipan ng mga mag-aaral patungkol sa pagpili ng STEM

strand na angkop sa kukunin nilang kurso at ng mabura sa puso't isipan ng mga mag aaral

ang mga maling paniniwala ukol dito. Upang malaman din ang kanilang opinyon sa strand na

ito na isasagawa ng mga mananaliksik sa pamamagitan ng sarbey.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang resulta ng pag aaral na ito ay nakakatulong sa mga suusunod:

Sa mga mag-aaral

Malaki ang maitutulong ng pag-aaral na ito upang magkaroon ng sapat na kaalaman

ang mga mag-aaral sa mga bagay na makaka epekto sa kanilang tatahakin pag dating nila sa

kolehiyo. Mahalagang magkaroon sila ng ideya na galing sa kapwa mag-aaral para

magkaroon ng dagdag na impormasyon tungkol sa STEM.


Sa mga magulang

Mahalagang mabasa at maunawaan ng mga magulang ang nilalaman ng pag-aaral na

ito upang malaman ang ilang mga salik na nakaaapekto sa pagpasok ng mag-aaral sa strand

na STEM at ang damdamin pananaw at kaalaman ng mga mag-aaral sa pagpili ng strand na

STEM nang sa gayon ay magabayan ang kanilang mga anak.

Sa mga susunod na mananaliksik

Malaki ang maaaring matulong ng pag-aaral na ito sa mga susunod pang mga

mananaliksik, maaari nila itong maging basehan o mapagkuhanan ng ilang mga

impormasyon patungkol sa damdamin, pananaw at kaalaman ng mga mag-aaral sa pagpili ng

strand na STEM.

Hypotesis

HAYPOTESIS NA NULL - Tinuturing sa pananaliksik na ito na walang direktang

ugnayang umiiral sa mga salik na naitala kaugnay ng problemang pinapaksa ng pananaliksik.

Ang mga impormasyon o mga kaalamang naitala sa pag-aaral na ito ay walang

magagawa o hindi makakapagpabago sa pansariling pananaw at damdamin ng mga magaaral

kung STEM strand nga ba ang kanilang ninanais pasukang strand.

Batayang Teoretikal
Batay sa mga pagsisiyat na isinagawa ng mga mananaliksik, isa sa pinakaakmang

teorya na maaring pagbatayan ng ginagawang pag-aaral ay ang Theory of Career Choice

(RIASEC) ni John Holland, nakasaad sa Teorya na napakahalaga na sa anumang bagay na

pagpipilian sa ating buhay lalo na kung usaping karera sa buhay ay marapat na isaalang-alang

ang sariling personalidad, talento, kakayahan at abilidad na magiging puhunan upang

mapagtagumpayan ang mga naisin na marating sa buhay.

Ang teoryang ito ay mayroong anim na pangunahing uri ng kapaligiran sa trabaho, na

direktang nauugnay sa mga uri ng personalidad. Binibigyang-diin ni Holland na ang mga

taong pinipiling magtrabaho sa isang kapaligiran na katulad ng kanilang uri ng personalidad

ay mas malamang na maging matagumpay at masiyahan. Ang ideyang ito ay mahalaga dahil

ipinapakita nito na ang teorya ng Holland ay maaaring maging flexible, na nagsasama ng

mga uri ng kumbinasyon.

Makikita sa teorya na ginawa ni Holland na ang Theory of Career Choice (RIASEC)

na ito ay may malaking kugnayan kung ibabatay sa ginagawang pananaliksik, may

pagkakahawig sa kung papaano nararapat pumili ang mga mag-aaral ng kanilang strand na

papasukan, kinakailangan ay piliin nila kung saan mas magagamit ng maayos at mahuhubog

ang kanilang mga talento, talino, at abilidad, at higit sa lahat ang isang mag-aaral ay dapat

pumili ayon sa kanyang kagustuhan ng maisagawa niya ang mga gawain at problema ng may

galak at kasiyahan.
Batayang Konseptwal

Ang pananaliksik na ito ay may paksang "Pananaliksik ukol sa damdamin, pananaw, at

kaalaman ng mga mag-aaral ng ika-sampung baitang ng Buenasher Learning Academy Inc.

hingil sa pagpili ng STEM strand T.P. 2021-2022". Inilalahad sa balangkas konseptwal na ito

ang mga sumusunod, profayl ng mga tagatugon tulad na lamang ng edad, kasarian, baitang at

seksyon; nais masagot sa pananaliksik na ito kung ano ang damdamin, pananaw, at kaalaman
ng mga magaaral tungkol sa paksa. Ipinapakita rin ang hakbang na gagawin ng mga

mananaliksik ukol sa pagkuha ng mga datos saklaw ang pagsasagawa ng isang sarbey o pag

iinterbyu, pagbabasa ng mga kaugnay na literatura, paggawa ng listahan ng mga katanungan

o kwestyuneyr. At sa huli, inaasahan sa ginagawang pananaliksik ang magiging tugon ng

mga respondente hinggil sa magiging resulta ng pananaliksik.

Saklaw at Delimitasyon

SAKLAW

Ang pananaliksik na ito na may paksang “PANANALIKSIK UKOL SA DAMDAMIN,

PANANAW, AT KAALAMAN NG MGA MAG-AARAL NG IKA-SAMPUNG BAITANG

NG BUENASHER LEARNING ACADEMY INC. HINGGIL SA PAGPILI NG STEM

STRAND T.P. 2021-2022” ay sasaklawin ang damdamin, pananaw, at kaalaman ng mga

Junior High sa paaralang Buenasher Learning Academy Inc. Ang mga pananaw na kakalapin

ay mula lamang sa mga mag-aaral ng ika-sampung baitang na may bilang na 16. Kakalapin

din ng pananaliksik na ito ang ilang aspeto na nakaaapekto sa pagpasok ng mga estudyante sa

strand na STEM.

DELIMITASYON

Ang mga detalyadong impormasyong makakalap ay patungkol lamang sa pagpili ng

strand na STEM at hindi na lalagpas pa sa ibang strand. Ang mga mag-aaral na

pagkukuhanan ng impormasyon ay mula lamang sa paaralang BLA at hindi na lalabas pa

mula sa ibang unibersidad o paaralan. Napiling mapagkuhanan ng mga impormasyon ang


Buenasher Learning Academy Inc. Dahil sa limitadong galaw ng mga mananaliksik pumili

ito ng madaling lapitan at mahingan ng ilang impormasyon.

Kahulugan ng mga Termino

1. Damdamin - ay ang pakiramdam ng isang tao na hindi nagagawa ng pisikal kundi ng

mental at sikolohikal na gawain na makikita sa kilos, gawa, o ang ugali ng isang indibidwal.

2. Impostor Syndrome - ay tumutukoy sa panloob na karanasan ng paniniwalang hindi mo

kaya ang inaakala ng iba na kaya mo.

3. International Education Standard - nagsasabi ng mga patakaran na gagamitin sa

paglalagay at pagsasabi ng mga kinakailangan upang makapasok sa mga programang pang

akawnting.

4. Kaalaman - ang pagkilala, kamalayan, at pag-unawa sa isang bagay.

5. K-12 - kinder hanggang baitang labindalawa na pagaaral

6. Pananaw - paraan ng pagsasaalang-alang o pagsusuri sa isang bagay suliranin o

pangyayari.

7. Sipnayan - asignaturang matematika

8. strand - pangkat na pipiliin mo pagkatapos ng junior high base sa iyong interes at

nagbibigay ng listahan ng posibleng kurso na maaaring kunin ng mga mag-aaral

9. STEM - Science, Technology, Engineering and Mathematics; strand kung saan hinuhubog

ang kaalaman tungkol sa siyensya at matematika


KABANATA II

Rebyu ng mga Kaugnay na Literatura

Ang kabanatang ito ay binubuo ng Lokal na Literatura, Banyagang Literatura,

Lokal na Pag-aaral, Banyagang Pag-aaral, Sintesis

Banyagang Literatura

Base sa isang banyagang literatura (students must overcome their fear of

stem),binanggit dito na nagkakaroon ng takot sa mga asignaturang sipnayan, chemistry at

pisika kapag binibigyan nila ito ng malaking halaga ngunit walang kontrol dito. Sa sobrang

laki ng takot nila sa mga ito ang pangunahing reaksyon ng mga estudyante ay umiwas.

Ayon sa banyagang literatura ni Ramirez (2014), ang dahilan kung bakit umaalis ang

mga Stem students ay dahil sa hindi kaakit-akit na kapaligiran nito, hindi interesado sa

binigay na mga asignatura, o kaya hindi kaugnay ang STEM sa gusto nilang kuning course.

Impostor Syndrome, isa ring minsang dahilan kung saan hindi nakikita ng mag-aaral na isa

siya sa taong nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng estudyante at guro na

nagdudulot ng epekto sa gawain nito sa klase. At upang malampasan ang syndrome na ito ay

dapat maging modelo ng mga estudyanteng ito ang mga guro at maski sa telebisyon. Ang

Mathematics ay isa sa mga mahirap na asignatura, nang dahil dito karamihan sa mga

kabataan ngayon ay bumababa sa asignaturang ito at hindi na gugustuhin pang sumubok na

kuhain ang strand na STEM.

Ayon kay George-Jackson (2012), pumapangalawa ang mga magulang kasunod ng

pansariling, kagustuhan na nakakaimpluwensya sa mag-aaral sakanyang pipiliing kurso.


Marami sa atin ang nahihirapan sa pipiliin nating kurso sa kolehiyo. Maraming bagay

ang ating isinasaalang-alang o binibigyang katuturan at kahulugan kaya tayo hindi

makapamili nang maayos. Mayroon din namang ilang mga gabay na lubusang makakatulong

sa atin sa pagpili ng kurso. Madalas na binabase ng mag-aaral ang kanyang pinipiling kurso

sa personal na interes. Una na sa mga dahilan ang pera. Ang pera kadalasanang

pinakaimportanteng bagay na ating isinasaalang-alang sa pagpili ng kurso. Hindi natin maku

ha ang ating gustong kurso dahil hindi ito kayang bayaran ng ating mga magulang dahil narin

sa kagipitan ng buhay ngayon. Mas uunahin na muna ang mga pangunahing pangangailangan

tulad ng pagkain, damit, bayad sa bahay at kuryente bago ang pag-aaral. Ito na rin marahil

ang dahilan kung bakit maraming kabataan ngayon ang hindi nakakapag-aral. Pangalawang

dahilan ay ang ating mga magulang. Hindi nagkakapareho ang ating gustong kurso sa gusto

ng ating mga magulang. Nalilito tuloy tayo kung susundin ba natin ang ating gusto o

susundin natin ang ating mga magulang. Hindi pa naman huli ang lahat. Mayroon pa namang

mga paraan upang makapamili tayo nang maayos. Heto ang ilang mga gabay sa pagpili ng

kurso.

Una, kung di natin talaga kaya ang mahal na kurso, meron pa naming magagandang

kurso na mura lang ang kailangang bayaran tulad ng Information Technology. Mura na, in-

demand pa. Pangalawa, subukang pumasok sa scholarship na meron ang paaralan. Kung

susuwertihin, baka makalibre ka pa kung makapasa ka sa pagsusulit. Pangatlo, mag-usap

kayo ng iyong magulang kung ano ba talaga ang makakabuti sa iyong kurso. At huli, pumili

ng kursong kaya mong intindihin ng mabuti o hindi ka mahihirapan. Ilan lang yan sa mga

gabay sa pagpili ng mabuting kurso. Ang kolehiyo na ang huling yugto ng ating pag-aaral.
Pagkatapos nito ay magtatrabaho na tayo. Lagi lang nating tandaan na kailangan nating mag-

aral nang mabuti para sa ating magandang kinabukasan.

Ayon naman sa artikulo ni Berbano  (2014) isa sa maraming problema na

kinakaharap ng mga estudyante sa kolehiyo ay ang kanilang mga propesor. Pangalawa, ang

pinanggalingang paaralan ng mga estudyanteng papasok sa kursong inhinyeriya. Ikatlong

maaaring maging suliranin ay ang pagkuha ng hindi nais na kurso ng isang estudyante. Ayon

pa sakanya, minsan ay napipilitan lamang kunin ng mga estudyante ang kursong ito dahil sa

kagustuhan ng magulang o kaya naman ay naiimpluwensyahan ng mga kaibigan o kapwa

kamag-aral. Ito ay nagdudulot naman sa ikaapat na problemang kawalan ng estudyante ng

interes sa kanyang kurso. Ang pagpili ng kurso ay napakaimportante sa buhay ng isang taong

papasok ng kolehiyo dahil ito ang magsasaad ng landas na tatahakin hanggang sa pagtanda.

Ayon kay Patricia Vizarra (2015), may mga mag-aaral din na humahantong sa puntong

hindi nila matukoy kung ano ba talaga ang kanilang gustong kuning kurso, kung kaya naman

nagkakaroon ng problema dahil hindi sigurado ang mga mag-aaral sa ginawang desisyon.

Lokal na Literatura

Batay naman sa artikulo ni Ramos (2013), ang pagpili sa kurso ay hindi madali sa

mga kabataan dahil dito nababase ang kanilang kinabukasan. Ayon sa National Center for

Education Statistic, halos tatlong beses kung magpalit ng kurso ang mga kolehiyala. Mga

80% sa Estados Unidos ang nagpapalit ng kurso, ayon sa NCES (National Center for

Education Statistics). Halos tatlong beses naman kung magpalit ng kurso ang mga karaniwan

na estudyante.
Base sa artikulo ni Laurisa White Reyes, 2014 na pinamagatang "MOTIVATING THE

LOW-ACHIEVING TEEN", sinabi na ang mga kabataan ay kinakailangang malinaw na

makita ang kanilang layunin at sila ay nangangailangan ng suporta mula sa magulang at guro.

Ayon sa ulat ni Sagani C. Cruz (2014), na dapat tandaan na ang mga asignaturang ito ay

may iba’t ibang nilalaman, na malalaman depende sa mga sirkumstansya ng mga mag-aaral,

ng paaralan at ng nakatataas na edukasyon institusyon na kung saan ang mga mag-aaral ay

maaring mag-enrol. Ang ideya na ang "isang sukat akma sa lahat" ay i-nabanduna

sa pamamagitan ng Department of Education (DepEd). Ang isang pulutong ng pasobra ay

ibinibigay sa Senior High Schools, dahil ang pangunahing tanging dahilan na dalawang taon

ay idinagdag sa basic education ay upang ihanda ang mga estudyante para sa kanilang buhay

sa hinaharap. Ito ay hindi gumagawa ng kahulugan sa lakas ng isang mag-aaral upang sundin

ang isang paunang natukoy na kurikulum kung siya ay may isang bagay sino pa ang paririto

sa isip para sa kanyang sarili o ang kanyang sarili.

Banyagang Pag-aaral

Sabi sa Kabanata II ng isang banyagang pagaaral, isa sa mga sanhi ng takot ng mga

mag-aaral sa sipnayan ay hindi dahil sa asignatura kung hindi dahil sa mga guro.

Kinakabahan silang mag presenta ng kanilang mga solusyon sa harap ng kanilang mga

kaklase dahil ayaw nilang mapahiya, lalo na't kung mahirap iyong kanilang pinag-aaralan.

Maliban sa mga guro, isa pang dahilan ng kanilang takot ay ang kanilang mga magulang.

Dahil ito sa kagustuhan ng mga magulang na maganda ang mga marka na makukuha ng

kanilang mga anak. Ng, Ley Keow, Mathematics Anxiety in secondary school students,

pahina 571
Ayon sa pag-aaral na ito, may mga mag-aaral na mayroong takot sa pag-aaral ng

agham at sipnayan. Subalit sinasabi dito na dapat tulungan ng mga magulang at mga guro

ang mga mag-aaral upang maalis ang kanilang takot sa mga asignaturang ito. Tinukoy rin

dito ang mga dahilan kung bakit ang mga mag-aaral ay may takot sa asignaturang nabanggit.

At mayroon pang tinukoy dito tungkol sa mga magandang resultang dulot ng pagtulong ng

mga magulang at guro sa mga mag-aaral.

Ayon sa pag-aaral na ito may mga mag-aaral na balisa lalo na sa asignaturang

sipnayan. Sinabi dito na mas mataas na bilang ng mga kababaihan ang balisa sa sipnayan

subalit ang mga lalaki naman ay mas mababa kaysa sa mga kababaihan. Ginawa ang

pananaliksik na ito upang malaman kung anong kasarian ang mas balisa pagdating sa

asignaturang sipnayan.

Lokal na Pag-aaral

Ayon sa pananaliksik ni Marie Grace S. Cabansag, Ph.D. Ang resulta ay nagpapakita

ng magandang maidudulot sa maraming mag-aaral at tumutugon sa programang K-12 bilang

isang paraan sa paghahanda ng mga mag-aaral upang maging mahusay at mapataas ang

porsyento na magkaroon ng magandang trabaho at para rin magkaroon ng magandang

trabaho lalo na sa ibang bansa. Batay sa programang K-12 tinitignan sa holistic development

na ang mga mag-aaral ay kinakailangan magkaroon ng kasanayan sa buhay na malaki ang

maiaambag sa pang- ekonomiya ng ating bansa.

Base sa pag-aaral ni Doris franche- borja sa pahayagan na “Pilipino Star Ngayon”

nararapat na ang mga mag-aaral ay pumili ng kursong mataas ang sahod. Ang mananaliksik

ay nakahanap ng hindi maayos na pagbabalanse kaya’t hindi maayos ang ipinapahiwatig nito.

Kaya payo ng kalihim ay huwag gayahin ang kanilang kaklase sa pagpili ng kurso sa
kolehiyo, dahil ito ay may malaking epekto sa kanilang pag-aaral lalo na kung hindi mo

gusto ang iyong napiling kurso. Isa sa negatibong epekto sa pagkabahala ng magaaral sa

pagpili ng kurso ay pagkatamad sa mga mararaming gawain at isa pa doon ang pananatili ng

kanilang grado na 83% upang hindi maalis sa kinuhang kurso.

Ayon rin sa pagaaral ni Pasaquian (2014), ang dahilan muli ay ang pagpwersa ng

magulang o ng mga tao sa paligid kaya nagagawang makapagdesisyon ng hindi naman talaga

nais kunin.

Sintesis

Batay sa mga datos na nakalap ng mga mananaliksik mapapansin na sa mga naunang

ginawang pag-aaral at literatura na may mga salik na nakakaapekto sa pagpili ng mga mag-

aaral sa kanilang kursong papasukin, gayundin naman na may mga dahilan din ang mga mag-

aaral na mag Sesenior High School at nahihirapan o hindi nagiging sigurado sa pagpili ng

kanilang strand.

Ayon sa mga mananaliksik napatunayan na malaki ang bilang ng mga mag-aaral na

nahihinto, nagpapalit ng strand at hindi pumipili ng STEM na strand. Maraming kadahilanan

kung bakit iniiwasan ng mga mag-aaral ang asignaturang sipnayan, chemistry at pisika,

karamihan ay nahihirapan sa mga asignaturang ito at ang iba naman ay kaya lamang

pumasok sa strand na ito ay kagustuhan lamang ng kanilang mga magulang.

Kaya sa puntong ito na ginagawang pag-aaral ng mananaliksik sa tulong ng mga

nakalap na impormasyon. Sisikapin ng mga mananaliksik na masagot ang paksa ng pag-aaral

na "Pananaliksik ukol sa damdamin, pananaw, at kaalaman ng mga mag-aaral ng ika-

sampung baitang ng Buenasher Learning Academy Inc. hingil sa pagpili ng STEM strand

T.P. 2021-2022"
KABANATA III

Disenyo at Paraan ng Pananalikksik

Disenyo ng Pananaliksik

Gumamit ng deskriptibong pamamaraan ang pananaliksik na ito. Ang deskriptibong

pamamaraan ay ang paglalarawan ng espisipikong katangian tulad ng anyo, hugis at kulay ng

isang bagay, tao, hayop, lugar at pangyayari. Sa pananaliksik na ito gumamit ng

kwantitibong pamamaraan dahil may istatistiko o bilang ang pinagkuhaan ng datos.

Deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik ang nais gamitin ng mga mananaliksik

upang makuha ang tama at ang mga nararapat na datos. Una ay pakikipagpanayam at

pangalawa ay ang paggawa ng survey o talatanungan ng ibibigay sa resedente ng

pananaliksik. Ito, sa aming paningin ang pinaka epektibo at maginhawang paraan para

makakuha ng impormasyon na pupuno sa pag aaral. Ito rin ay magpapabilis sa kanilang

pagkuha ng mga impormasyon upang matapos ang isasagawa.

Respondente:

Ang mga piniling respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng Secondarya

sa Buenasher Lrarning Academy Inc. Na nasa Baitang 10 Taong Aralan 2021-2022 na may

kabuuang bilang na 16.


Gumamit ng Convenient Sampling ang mga mananaliksik sapagkat ito ang

pianakamadaling pamamaraan ng pagkuha ng mga datos. Pinili ng mananaliksik ang mga

respondente dahil sila ang pinakamadaling makatugon sa mga pangangailangan sa

pamanahong papel na ito sapagkat sila ang nalalapit na tumungtong sa punto na pagpili ng

Strand na STEM

Talahanayan Blng. 1: Kasarian ng Respondente

Kasarian Bilang ng Sumagot Bahagdan


Babae 10 62.5%
Lalaki 6 37.5%
KABUUAN 16 100%

Batay sa talahanayan bilang 1, lumalabas na mas marami ang bilang ng mga

kababaihan na may kabuuang bilang na 10 o 62.5%, kaysa mga kalalakihan na may

kabuuang bilang na 6 o 37.5% ang sumagot sa sarbey kwestiyoneyr ng mga manananaliksik.

Talahanayan Blng. 2: Edad ng Respondente

Edad Bilang ng Sumagot Bahagdan


15 6 37.5%
16 8 50%
17 2 12.5%
18 0 0%
KABUUAN 16 100%

Batay sa talahanayan bilang 2, lumalabas na mas marami ang bilang ng respondente na

edad 16 anyos na may kabuuang bilang na 8 o 50% at sumunod naman ang mga
respondenteng nasa edad 15 anyos na may bilang na 6 o 37.5%, samantala, mayroong 2 o

12.5% na edad 17 anyos naman ang sumagot sa sarbey kwestiyoneyr ng mga

manananaliksik.

Instrumento ng Pananaliksik:

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mananaliksik

ay naghahanda ng isang sarbey-kwestyoneyr na naglalayong makapangalap ng mga datos

upang masuri ang damdamin, pananaw, at kaalaman ng mga mag-aaral hingil sa pagpili ng

STEM strand

Ang mga impormasyong nakalap ay nagmula sa survey o pagsisiyasat. Gumamit din ang

mga mananaliksik ng aklat at dyaryo. Gumamit din ng computer ang mga mananaliksik

upang maghanap ng detalye sa mga online website katulad ng Wikipedia, diksyonaryo,

meriam Webster.

Tritment ng mga Datos

Dahil ang pamanahong papel na ito ay isang panimulang pag-aaral lamang at hindi

naman isang pangangailangan sa pagtamo ng isang digri tulad ng tisis at disertasyon, walang

ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng

matataas at kompleks na istatistikal na pamamaraan. Bilang o dami lamang ng mga pumili sa

bawat pagpipilian ng bawat aytem sa kwestyoneyr ang inalam ng mananaliksik.

Samakatuwid, ang pagta-tolly at pagkuha ng porsyento lamang ang kinailangang gawin ng

mananaliksik. Dahil labing-anim (16) ang mga respondente, naging madali para sa
mananaliksik ang pagkuha ng porsyento dahil sa bawat dami ng bilang ay awtomatikong

katumbas ng porsyento niyon.

KABANATA IV

Paglalahad, Pagsusuri at Representasyon ng mga Datos

Ang bahaging ito ng pananaliksik ay katatampukan ng mga datos na naglalaman ng

paglalahad at pagsusuri sa mga nakalap na impormasyon kasama ng mga talahanayan na

nagpapakita ng representasyon ng mga datos.

Talahanayan Blng. 3: Sa iyong palagay, gaano kahalaga ang tamang pagpili ng Strand?

Bilang ng Sumagot Bahagdan


Mahalaga 16 100%
Hindi mahalaga 0 0%
Walang alam 0 0%
Walang pakialam 0 0%
KABUUAN 16 100%

IPinapakita sa talahanayan bilang 3, na ang lahat o 100% ng respondente ay

naniniwalang mahalaga ang pagpili ng strand pagtungtong ng Senior High School.

Talahanayan Blng. 4: Sa iyong palagay, sapat ba ang iyong kaalaman upang mapili ng

tama ang iyong strand na papasukin?


Bilang ng Sumagot Bahagdan
Sapat 7 43.8%
Hindi sapat 7 43.8%
Walang alam 2 12.5%
Walang pakialam 0 0%
KABUUAN 16 100%
Mapapansin sa talahanayan bilang 4, na nagpantay sa 7 o 43.8% ang bilang ng mga

respondente na nagsasabing sapat at hindi sapat ang kanilang kaalaman upang mapili ng tama

ang kanilang Strand sa papasukin, habang 2 o 12.5% naman ang sumagot na wala silang

alam ukol sa pagpili ng tamang Strand na papasukin.

Talahanayan Blng. 5: Ano ang iyong isinasaalang-alang o basehan sa pagpili ng iyong

strand?

Bilang ng Sumagot Bahagdan


Sariling kagustuhan 15 93.8%
Opinion ng mga 0 0%
taong nakapaligid
Strand na napili ng 0 0%
mga kaibigan
Walang isinasaalang- 1 6.3%
alang at basehan
KABUUAN 16 100%
Makikita sa talahanayan bilang 5, na malaki ang antas nang nagsasabing sariling

kagustuhan ang kanilang basehan sa pagpili ng kanilang strand na may kabuuang bilang na

15 o 93.8%. Samantalang mayroon namang 1 o 6.3% na respondente ang walang

isinasaalang-alang at basehan sa pagpili ng kaniyang strand.

Talahanayan Blng. 6: Ikaw ba ay nagbabalak na pumasok sa STEM strand?


Bilang ng Sumagot Bahagdan
Oo 3 18.8%
Hindi 3 18.8%
Hindi Sigurado 9 56.3%
Walang pakialam 1 6.3%
KABUUAN 16 100%
Nasusukat sa talahanayan bilang 6, na mataas ang bahagdan ng mga respondenteng

may kabuuang bilang na 9 o 56.3% ang sumagot na hindi nila sigurado kung sila ba’y

papasok sa STEM strand. Habang 3 o 18.8% naman ang respondenteng nagsasabi na sila’y

papasok sa STEM strand, gayundin ang bilang ng mga respondenteng sumagot na hindi sila

papasok sa strand na ito. Samantalang 1 o 6.3% naman ang nagsabing wala itong pakialam.

Talahanayan Blng. 7: Sa iyong palagay, bakit itinuturing ng karamihan na ang STEM

strand ang pinakamahirap?

Bilang ng Sumagot Bahagdan


Matatalinong mag-aaral 1 6.3%
lamang ang may
kakayahang makapasok
Tataas ang expectation ng 8 50%
mga nakapaligid
Nahihirapan sa mga 7 43.8%
subject na Agham
at Matematika
Walang alam 0 0%
Walang pakialam 0 0%
KABUUAN 16 100%

Mapapansin sa talahanayan bilang 7, na 8 o 50% ng respondente ang sumagot na

tataas ang expectation ng mga nakapaligid kaya ang strand na STEM ay itinuturing na

pinakamahirap habang 7 o 43.8% naman ang sumagot na nahihirapan sa mga subject na


Agham at Matematika. Habang 1 o 6.3% naman ang naniniwalang matatalinong mag-aaral

lamang ang may kakayahang pumasok sa strand na STEM.

Talahanayan Blng. 8: Mayroon ka bang kapamilya, kaibigan, o kakilala na nag

eengganyo sa iyo na pumasok sa STEM Strand?

Bilang ng Sumagot Bahagdan


Marami 7 43.8%
May iilan 8 50%
Wala 1 6.3%
KABUUAN 16 100%

Batay sa talahanayan bilang 8, makikita na 8 o 50% ng respondente ang nagsasabing

may iilan na nag eenganyo sakanilang pumasok habang 7 o 43.8% naman ang sumagot ng

marami silang kapamilya, kaibigan, o kakilalang nang eenganyo. Samantalang may 1 o 6.3%

naman na respondente ang nagsasabing walang nag eenganyo sakaniyang pumasok sa strand

na STEM.

Talahanayan Blng. 9: Ano ang antas ng iyong kaalaman ukol sa STEM Strand?

Bilang ng Sumagot Bahagdan


Alam na alam 2 12.5%
Kaunting alam 12 75%
Walang alam 2 12.5%
Walang pakialam 0 0%
KABUUAN 16 100%

Pinapakita sa talahanayan bilang 9, na 12 o 75% sa mga respondente ang may

kaunting kaalaman ukol sa Strand na STEM. Samantalang nagpantay sa 2 o 12.5% ang

nagsagot ng alam na alam at walang alam sa Strand na STEM.


Talahanayan Blng. 10: Isa ka ba sa mga mag-aaral na natatakot na pumasok sa strand

na STEM?

Bilang ng Sumagot Bahagdan


Takot na takot 4 25%
Kaunting takot 9 56.3%
Hindi sigurado 2 12.5%
Hindi takot 1 6.3%
KABUUAN 16 100%

Mapapansin sa talahanayan bilang 10, na 9 o 56.3% sa mga naging respondente ang

kaunting takot sa pagpasok ng strand na STEM. 4 o 25% naman ang takot na takot, 2 o

12.5% ang hindi sigurado at 1 o 6.3% naman ang bilang nang sumagot na hindi sila

natatakot sa pagpasok sa strand na STEM.

Talahanayan Blng. 11: Sa iyong palagay, ano ang nagiging hadlang para hindi piliin ng

mga mag-aaral ang strand na STEM?

Bilang ng Sumagot Bahagdan


Dahil nababalitaan na ito 6 37.5%
ay mahirap
Dahil sa kawalan ng 8 50%
tiwala sa sarili
Dahil hindi akma sa 2 12.5%
pangarap na propesyon
Walang alam 0 0%
KABUUAN 16 100%

Batay sa talahanayan bilang 11, makikita na 8 o 50% ng respondente ang nagsasabing

kawalan ng tiwala sa sa sarili ang nagiging hadlang para hindi piliin ng mga mag-aaral ang

strand na STEM. Samantalang 6 o 37.5% naman ang sumagot na kaya nagiging hadlang
upang mag STEM ang mag-aaral dahil ito’y nababalitaang mahirap. Mayroon namang

kabuuang bilang na 2 o 12.5% ang nagsasabing hindi akma sa kanilang pangarap na

propesyon ang strand na STEM.

Talahanayan Blng. 12: Kung sakaling mapili mo ang strand na STEM, sa iyong

palagay, gaano kalaki ang maitutulong nito sa pag-abot ng iyong mga pangarap?

Bilang ng Sumagot Bahagdan


Malaki ang maitutulong 16 100%
Walang maitutulong 0 0%
May kaunting maitutulong 0 0%
Walang pakialam 0 0%
KABUUAN 16 100%

Nasusukat sa talahanayan bilang 12, na ang lahat ng respondente na may kabuuang

bilang na 16 o 100% ang sumagot na malaki ang maitutulong sa pag-abot ng kani-kanilang

pangarap kung sakaling strand na STEM ang kanilang mapipili.


KABANATA IV

Paglalahad, Pagsusuri at Representasyon ng mga Datos

Ang bahaging ito ng pananaliksik ay katatampukan ng mga datos na naglalaman ng

paglalahad at pagsusuri sa mga nakalap na impormasyon kasama ng mga talahanayan na

nagpapakita ng representasyon ng mga datos.

Talahanayan Blng. 3: Sa iyong palagay, gaano kahalaga ang tamang pagpili ng Strand?

Bilang ng Sumagot Bahagdan


Mahalaga 16 100%
Hindi mahalaga 0 0%
Walang alam 0 0%
Walang pakialam 0 0%
KABUUAN 16 100%

Ipinapakita sa talahanayan bilang 3, na ang lahat o 100% ng respondente ay

naniniwalang mahalaga ang pagpili ng strand pagtungtong ng Senior High School.


Talahanayan Blng. 4: Sa iyong palagay, sapat ba ang iyong kaalaman upang mapili ng

tama ang iyong strand na papasukin?

Bilang ng Sumagot Bahagdan


Sapat 7 43.8%
Hindi sapat 7 43.8%
Walang alam 2 12.5%
Walang pakialam 0 0%
KABUUAN 16 100%
Mapapansin sa talahanayan bilang 4, na nagpantay sa 7 o 43.8% ang bilang ng mga

respondente na nagsasabing sapat at hindi sapat ang kanilang kaalaman upang mapili ng tama

ang kanilang Strand sa papasukin, habang 2 o 12.5% naman ang sumagot na wala silang

alam ukol sa pagpili ng tamang Strand na papasukin.

Talahanayan Blng. 5: Ano ang iyong isinasaalang-alang o basehan sa pagpili ng iyong

strand?

Bilang ng Sumagot Bahagdan


Sariling kagustuhan 15 93.8%
Opinion ng mga 0 0%
taong nakapaligid
Strand na napili ng 0 0%
mga kaibigan
Walang isinasaalang- 1 6.3%
alang at basehan
KABUUAN 16 100%
Makikita sa talahanayan bilang 5, na malaki ang antas nang nagsasabing sariling

kagustuhan ang kanilang basehan sa pagpili ng kanilang strand na may kabuuang bilang na

15 o 93.8%. Samantalang mayroon namang 1 o 6.3% na respondente ang walang

isinasaalang-alang at basehan sa pagpili ng kaniyang strand.


Talahanayan Blng. 6: Ikaw ba ay nagbabalak na pumasok sa STEM strand?

Bilang ng Sumagot Bahagdan


Oo 3 18.8%
Hindi 3 18.8%
Hindi Sigurado 9 56.3%
Walang pakialam 1 6.3%
KABUUAN 16 100%
Nasusukat sa talahanayan bilang 6, na mataas ang bahagdan ng mga respondenteng

may kabuuang bilang na 9 o 56.3% ang sumagot na hindi nila sigurado kung sila ba’y

papasok sa STEM strand. Habang 3 o 18.8% naman ang respondenteng nagsasabi na sila’y

papasok sa STEM strand, gayundin ang bilang ng mga respondenteng sumagot na hindi sila

papasok sa strand na ito. Samantalang 1 o 6.3% naman ang nagsabing wala itong pakialam.

Talahanayan Blng. 7: Sa iyong palagay, bakit itinuturing ng karamihan na ang STEM

strand ang pinakamahirap?

Bilang ng Sumagot Bahagdan


Matatalinong mag-aaral 1 6.3%
lamang ang may
kakayahang makapasok
Tataas ang expectation ng 8 50%
mga nakapaligid
Nahihirapan sa mga 7 43.8%
subject na Agham
at Matematika
Walang alam 0 0%
Walang pakialam 0 0%
KABUUAN 16 100%

Mapapansin sa talahanayan bilang 7, na 8 o 50% ng respondente ang sumagot na

tataas ang expectation ng mga nakapaligid kaya ang strand na STEM ay itinuturing na

pinakamahirap habang 7 o 43.8% naman ang sumagot na nahihirapan sa mga subject na


Agham at Matematika. Habang 1 o 6.3% naman ang naniniwalang matatalinong mag-aaral

lamang ang may kakayahang pumasok sa strand na STEM.

Talahanayan Blng. 8: Mayroon ka bang kapamilya, kaibigan, o kakilala na nag

eengganyo sa iyo na pumasok sa STEM Strand?

Bilang ng Sumagot Bahagdan


Marami 7 43.8%
May iilan 8 50%
Wala 1 6.3%
KABUUAN 16 100%

Batay sa talahanayan bilang 8, makikita na 8 o 50% ng respondente ang nagsasabing

may iilan na nag eenganyo sakanilang pumasok habang 7 o 43.8% naman ang sumagot ng

marami silang kapamilya, kaibigan, o kakilalang nang eenganyo. Samantalang may 1 o 6.3%

naman na respondente ang nagsasabing walang nag eenganyo sakaniyang pumasok sa strand

na STEM.

Talahanayan Blng. 9: Ano ang antas ng iyong kaalaman ukol sa STEM Strand?

Bilang ng Sumagot Bahagdan


Alam na alam 2 12.5%
Kaunting alam 12 75%
Walang alam 2 12.5%
Walang pakialam 0 0%
KABUUAN 16 100%
Pinapakita sa talahanayan bilang 9, na 12 o 75% sa mga respondente ang may

kaunting kaalaman ukol sa Strand na STEM. Samantalang nagpantay sa 2 o 12.5% ang

nagsagot ng alam na alam at walang alam sa Strand na STEM.

Talahanayan Blng. 10: Isa ka ba sa mga mag-aaral na natatakot na pumasok sa strand

na STEM?

Bilang ng Sumagot Bahagdan


Takot na takot 4 25%
Kaunting takot 9 56.3%
Hindi sigurado 2 12.5%
Hindi takot 1 6.3%
KABUUAN 16 100%

Mapapansin sa talahanayan bilang 10, na 9 o 56.3% sa mga naging respondente ang

kaunting takot sa pagpasok ng strand na STEM. 4 o 25% naman ang takot na takot, 2 o

12.5% ang hindi sigurado at 1 o 6.3% naman ang bilang nang sumagot na hindi sila

natatakot sa pagpasok sa strand na STEM.

Talahanayan Blng. 11: Sa iyong palagay, ano ang nagiging hadlang para hindi piliin ng

mga mag-aaral ang strand na STEM?

Bilang ng Sumagot Bahagdan


Dahil nababalitaan na ito 6 37.5%
ay mahirap
Dahil sa kawalan ng 8 50%
tiwala sa sarili
Dahil hindi akma sa 2 12.5%
pangarap na propesyon
Walang alam 0 0%
KABUUAN 16 100%
Batay sa talahanayan bilang 11, makikita na 8 o 50% ng respondente ang nagsasabing

kawalan ng tiwala sa sa sarili ang nagiging hadlang para hindi piliin ng mga mag-aaral ang

strand na STEM. Samantalang 6 o 37.5% naman ang sumagot na kaya nagiging hadlang

upang mag STEM ang mag-aaral dahil ito’y nababalitaang mahirap. Mayroon namang

kabuuang bilang na 2 o 12.5% ang nagsasabing hindi akma sa kanilang pangarap na

propesyon ang strand na STEM.

Talahanayan Blng. 12: Kung sakaling mapili mo ang strand na STEM, sa iyong

palagay, gaano kalaki ang maitutulong nito sa pag-abot ng iyong mga pangarap?

Bilang ng Sumagot Bahagdan


Malaki ang maitutulong 16 100%
Walang maitutulong 0 0%
May kaunting maitutulong 0 0%
Walang pakialam 0 0%
KABUUAN 16 100%

Nasusukat sa talahanayan bilang 12, na ang lahat ng respondente na may kabuuang

bilang na 16 o 100% ang sumagot na malaki ang maitutulong sa pag-abot ng kani-kanilang

pangarap kung sakaling strand na STEM ang kanilang mapipili.


KABANATA V

Paglalagom, Konklusyon at Rekomendasyon

Ang Kabanata 5 ay ang huling bahagi ng pamanahaong papel, ito ay katatampukan ng

Paglalagom, Konkulsyon at Rekomendsyon

Lagom

Batay sa mga nakalap na mga datos ang mananaliksik ay nakabuo ng mga sumusunod

na paglalagom:

 Na 62.5% ng mga respondente ay mga kababaihan

 Na 50% ng mga respondente ay may edad na 16 na taon

 Na 100% ng mga respondente ang nagsabing mahalaga ang tamang pag pili ng stand
 Na 43.8% ng mga respondente ang nagsabing sapat at hindi sapat ang kanilang kaalaman

upang mapili ng tama ang kanilang strand na papasukin

 Na 93% ng mga respondente ang nagsabing sariling kasagutan ang isinasaalang-alang o

basehan sa pagpili ng strand

 Na 56.3% ng mga respondente ang nagsabing hindi sila sigurado kung sila ay papasok sa

strand na STEM

 Na 50% ng mga respondente ang nagsabing tataas ang expectation ng mga nakapaligid

sakanila kung STEM ang kanilang kukuhaning Strand

 Na 50% ng mga respondente ang nagsabing may iilan silang kapamilya, kaibigan o

kakilala na naeengganyo na pumasok sa STEM strand

 Na 75% ng mga respondente ang nagsabing kaunti lang ang kanilang kaalaman ukol sa

strand STEM

 Na 56% ng mga respondente ang nagsabing may kaunti silang takot na pumasok sa

STEM strand

 Na 50% ng mga respondente ang nagsabing kawalan ng tiwala sa sarili ang nagiging

hadlang nila para hindi piliin ang strand na STEM

 Na 100% ng mga respondente ang nagsabing malaki ang maitutulong ng pagpasok sa

strand na STEM upang maabot ang kanilang mga pangarap

Konklusyon

Batay sa nakalap na impormasyon mula sa sarbey kwestyuneyr na sinagutan ng mga

respondente, makikita na karamihan sa mga estudyante ay walang masyadong alam o


kakaunti pa lamang ang nalalaman ukol sa strand na STEM. Mapapansin rin na marami sa

mga respondente ang nakadarama ng kaunting takot sa pagpasok sa strand na STEM. Ito ay

isang pahiwatig na kailangan pa nilang makabasa at makakalap ng impormasyon patungkol

sa naturang strand, upang maliwanagan at mabigyang kasagutan kung ano ang nais pa nilang

malaman.

Sa kabilang banda, ang lahat ng respondente ay nagsabing malaki ang maitutulong ng

strand na STEM sa pagabot ng kanilang mga pangarap, nakita nila ang kahalagahan at mga

naitutulong at mga magandang naidududlot nito sa mga mag-aaral dahilan para pumasok sila

sa stran na STEM

Rekomendasyon

Batay sa mga ginawang pag-aaral ng mga mananaliksik, narito ang mga

mahahalagang rekomendasyon na ginawa upang makatulong sa mga mambabasa.

MAG-AARAL

 Para sa ating mga mag-aaral – Ang kahalagahan ng strand na iyong tatahakin o

papasukin ay hindi biro. Kaya hangga’t maaari ay pag-isipan, mag siyasat, ipagdasal,

at higit sa lahat, siguraduhing tama at kagustuhan talaga ito ng iyong puso upang

maging tama ang inyong magiging desisyon sa pagtahak ng strand na iyong

kukuhanin.

MAGULANG
 Para sa ating mga magulang – Nawa’y patuloy ninyong suportahan ang kahit anong

strand na tatahakin ng inyong mga anak at huwag itong pangunahan. At kahit na hindi

ito ang pinangarap ninyong pasukin ng inyong mga anak, malugod natin itong

tanggapin, dahil sa ngayon, suporta ng kanilang magulang ang kanilang

kinakailangan dahil alam natin kung gaano kahirap ang sistema ng pag-aaral ngayon.

MGA GURO

 Para sa ating mga guro - Bilang pangalawang magulang ng mga mag-aaral, huwag

sana tayong magsawa na sila’y gabayan sa bawat kanilang tatahakin at huwag

kalimutang ipaalala na sa huli, mahalaga pa rin na kagustuhan nila ang isaalang-alang

sa pagpili ng kanilang strand na papasukin, at wala sa kanilang mga guro, kaibigan, at

magulang.

PAARALAN AT ADMINISTRASYON

 Para sa ating paaralan at administrasyon – Sana ay pangunahan natin ang

pagpapayo sa ating mga estudyante pagdating sa pagpili ng strand na kanilang

kukuhanin. Nawa’y maipaliwanag ng mabuti sa kanilang mga nasasakupan na walang

madaling strand, ngunit kung ito’y kagustuhan talaga ng isang bata, kahit gaano pa ito

kahirap, patuloy na kakayanin, sa tulong ninyo, na kanilang paaralan at

administrasyon.

SUSUNOD NA MANANALIKSIK

 Para sa mga susunod na mananaliksik – At nawa’y mapalawak pa lalo ng mga

susunod na mananaliksik ang kaalaman ukol sa damdamin, pananaw ng bawat isa


hingil sa pagpili ng strand na STEM upang lalo pa itong maipaintindi sa mga

estudyanteng nagnanais o takot pumasok sa strand na ito.

You might also like