Kindergarten Homeroom Guidance LP

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
LUBAO WEST DISTRICT
SAN PEDRO SAUG ELEMENTARY SCHOOL

BANGHAY ARALIN SA HOMEROOM GUIDANCE-KINDERGARTEN

I. Layunin:

- Natutukoy ang mga tao sa komunidad;


- Nasasabi ang tungkulin ng mga tao sa komunidad; at
- Napapahalagahan ang mga tungkulin ng mga tao sa komunidad.

II. Paksang Aralin:


Aralin: Tungkulin ng mga Taong Bumubuo sa Komunidad
Sanggunian: Homeroom Guidance-Ikalawang Markahan-Modyul 5
Kagamitan: lapis, papel, krayola, gunting, pandikit, laptop

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pag-awit o pagsayaw/ Ehersisyo
3. Paguulat ng pumasok at lumiban sa klase
4. Balik Aral

B. Pagganyak

Ang mga bata at guro ay aawit ng “ Ako, Ikaw, Tayo ay isang komunidad.”

C. Paglalahad ng Gawain

Pagkatapos umawit, tatanungin nang guro ang tungkol sa kanilang ginawa.

D. Pagtatalakay sa Aralin

Magpapakita ng isang video presentation ang ( Kaibigang Manggagawa) sa mga


bata ang guro at ng mga larawan ng mga taong tumutulong sa ating komunidad at isa isa itong
ipapakilala at ipapaliwanag ang mga tungkulin nito sa ating komunidad . Kasama na rin dito ang
pagbanggit sa kung gaano kalaki ang mga naitutulong nito sa atin kaya dapat silang mahalin at
igalang.

E. Paglalahat

Sino-sino nga ulit ang mga taong tumutulong sa ating komunidad? Si titser, pulis,doktor,
karpintero, bumbero, tindero ang iilan lamang sa mga taong tumutulong sa ating komunidad.
Mahalaga sila sa ating komunidad dahil sila ang tumutulong sa mga mamamayan at nagbibigay ng
serbisyo.

Address:SAN PEDRO SAUG LUBAO PAMPANGA


Telephone No.:+639984458809 / +639052804584
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
LUBAO WEST DISTRICT
SAN PEDRO SAUG ELEMENTARY SCHOOL
F. Paglalapat

A. Magpapakita ang guro ng mga larawan at kung ito ba ay tugma sa tungkulin nila sa
komunidad. Itataas nila ang mga (smiley face stick) masayang mukha kapag tama ang
naipakitang tungkulin nito at malungkot na mukha naman kung hindi.

B. Pagsagot ng Opo at Hindi po sa tamang pagpapakita ng paggalang sa mga taong


tumutulong sa ating komunidad.

IV. Pagtataya

Gagawa ang mga bata ng Thank You sa isang tao na tumutulong sa inyong komunidad at
lalagyan ito ng disenyo.

V. Takdang Aralin

Sa isang malinis na papel, isulat kung sino sa mga taong naglilingkod sa komunidad ang
gusto mong tularan paglaki mo. Iguhit ang mga kagamitan na kanyang ginagamit sa
pagtatrabaho.Kulayan ang mga ito.

Prepared by :

MURIEL M. CABUSO
Kindergarten Teacher
NOTED :

CATHERINE G. ANGELES
Principal I

Address:SAN PEDRO SAUG LUBAO PAMPANGA


Telephone No.:+639984458809 / +639052804584

You might also like