Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 33

KABANATA 3

Morpolohiya
Panimulang Linggwistika |

Morpolohiya

Alam mo ba? Layunin sa Pagkatuto

Galing ang salitang morpema sa Sa pagtatapos ng aralin, bilang guro sa


katagang morpheme sa Ingles na hinaharap ay dapat na:
kinuha naman sa salitang Griyego –
morph (anyo o yunit) + eme  Naipakikita ang kaalaman sa
(kahulugan). Sa payak na kahulugan, pagsusuri sa anyo at uri ng
ay ang pinakamaliit na yunit ng isang morpema at ang pagbabago
morpoponemikong naganap
salita na nagtataglay ng kahulugan.
dito
 Naipakikita ang kaalaman sa
iba’t ibang bahagi ng pananalita
 Naipakikita ang kaalaman sa
paggamit ng mga salitang
pangnilalaman at
pangkayarian sa pagsulat ng
posisyong papel hinggil sa
mga napapanahong isyung
pangwika na tumutugon sa
kontekstong panlipunang
lokal at nasyunal.
Magsimula na Tayo!

Panuto: Magbibigay ng mga salitang mabubuo sa mga letra sa ibaba.


Panimulang Linggwistika |

Tayo na at Tumungo!

Bago natin simulan ang ating talakayan, tanungin mo ang iyong sarili kung gaano
kahalaga ang pagbuo ng salita?

Sa tingin ko ikaw ay handa na matapos mong masagot ang mga katanungan. Halina’t
ating buksan ang ating isipan sa panibagong kaalaman.

Tayo na at tumungo!

Siyasatin Natin!

Aralin 1
Morpolohiya
Morpolohiya

Isang makaagham na pag-aaral sa pagbuo naman ng mga salita sa pamamagitan ng iba’t


ibang morpema.

Ang morpolohiya ay ang pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at ng pagsasama-


sama ng mga ito upang makabuo ng salita. Anupa’t kung ang ponolohiya ay tungkol sa
pag-aaral ng set ng mga tunog na bumubuo ng mga salita sa isang wika, ang
morpolohiya ay ang pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng iba’t ibang
morpema.

Katuturan ng Morpema

Galing ang salitang morpema sa katagang morpheme sa Ingles na kinuha naman


sa salitang Griyego – morph (anyo o yunit) + eme (kahulugan). Sa payak na kahulugan,
ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan. Ang ibig
sabihin ng pinakamaliit na yunit ay yunit na hindi na maaari pang mahati nang hindi
masisira ang kahulugan nito. Ang morpema ay maaaring isang salitang-ugat o isang
panlapi. Ang lahat ng mga morpemang mababanggit ay dapat na ikulong sa { }.
Ang salitang makahoy, halimbawa ay may dalawang morpema: (1) ang unlaping
{ma-} at ang salitang-ugat na {kahoy}. Taglay ng unlaping {ma-} ang kahulugang
“marami ng isinasaad ng salitang-ugat”. Sa halimbawang salitang makahoy, maaaring
masabing ang ibig sabihin nito’y “maraming kahoy”. Ang salitang ugat na kahoy ay
nagtataglay rin ng sariling kahulugan. Ito ay hindi na mahahati pa sa lalong maliliit na
yunit namay kahulugan. Ang ka at hoy, ay mga pantig lamang na walang kahulugan.
May pantig na panghalip na ka sa Filipino, gayundin naman ng pantawag na hoy,
ngunit malayo na ang kahulugan ng mga ito sa salitang kahoy.
Samantala, pansinin ang salitang babae, bagamat may tatlo ring pantig na tulad
ng mabait, ay binubuo lamang ng iisang morpema. Hindi na ito mahahati pa sa maliit
na yunit o bahagi nang hindi masisira ang kahulugan. Hindi morpema ang mga
sumusunod na maaaring makuha sa babae: be, e, baba, bae, bab, aba, abab, at ab.
Maaaring maibigay
Panimulang Linggwistika |

tayong kahulugan sa baba at aba ngunit gaya ng naipaliwanag na, malayo na ang
kahulugan ng mga ito sa babae.

Uri ng Morpema

May dalawang uri ng morpema ayon sa kahulugan. Makikita ito sa


halimbawang pangungusap sa ibaba.

Magaling sumayaw si Rik kaya siya ay nanalo sa dance olympic.

1. Mga morpemang may kahulugang leksikal. Ito ang mga morpemang tinatawag
ding pangnilalaman pagkat may kahulugan sa ganang sarili. Ito ay nangangahulugan
na ang morpema ay nakakatayo ng mag-isa sapagkat may angkin siyang kahulugan na
hindi na nangangailangan ng iba pang salita. Halimbawa sa pangungusap sa itaas, ang
mga salitang magaling, sumayaw, Rik, siya, nanalo, dance at olympic ay nakakatayo
nang mag-isa dahil nauunawaan kung ano ang kanilang mga kahulugan. Kabilang sa
uring ito ang mga salitang pangngalan, pandiwa, pang-uri at mga pang-abay. Tulad ng
mga sumusunod:

Pangngalan: Rik, dance, olympic, aso, tao, paaralan, kompyuter


Panghalip: siya, kayo, tayo, sila, ako, ikaw, atin, amin, ko, mo
Pandiwa: sumayaw, nanalo, mag-aral, kumakanta, naglinis
Pang-uri: banal, maligaya, palaaway, balat-sibuyas, marami
Pang-abay: magaling, kahapon, kanina, totoong maganda, doon

2. Mga Morpemang may kahulugang pangkayarian. Ito ang mga morpemang


walang kahulugan sa ganang sarili at kailangang makita sa isang kayarian o konteksto
upang maging makahulugan. Ito ang mga salitang nangangailangan ng iba pang mga
salita upang mabuo ang kanilang gamit sa pangungusap. Tulad ng halimbawang
pangungusap sa itaas, ang mga salitang si, kaya, ay at sa ay hindi makikita ang
kahulugan at gamit nito sa pangungusap kung wala pang ibang salitang kasama.
Ngunit ang mga salitang ito ay malaking papel na ginagampanan dahil ang mga ito ay
nagpapalinaw sa kahulugan ng pangungusap. Hindi naman maaaring sabihing,
Magaling sumayaw Rik siya nanalo dance olympic. Kasama sa uring ito ang mga
sumusunod:

Pang-angkop: na, -ng


Pangatnig: kaya, at, o saka, pati
Pang-ukol: sa, tungkol sa/kay, ayon sa/kay
Pananda: ay, si, ang, ng, sina, ni/nina, kay/kina

Mga Anyo ng Morpema


May tatlong anyo ang morpema. Makikilala ang mga morpemang ito batay sa
kanyang anyo o porma. Ito ay maaaring ayon sa mga sumusunod:

1. Morpemang ponema. Ito ay ang paggamit ng makahulugang tunog o ponema sa


Filipino na nagpapakilala ng gender o kasarian. Oo, isang ponema lamang ang
binabanggit ngunit malaking faktor ito upang mabago ang kahulugan ng isang
salita. Halimbawa ng salitang propesor at propesora. Nakikilala ang
pagkakaibang ito sa pamamagitan ng {-a} sa pusisyong pinal ng ikalawang salita.
Ang ponemang /a/ ay makahulugang yunit na nagbibigay ng kahulugang
“kasariang pambabae.” Samakatwid, ito ay isang morpema. Ang salitang
Panimulang Linggwistika |

propesora ay binubuo ng dalawang morpema: {propesor} at {-a}. Iba pang


halimbawa:

Doktora - {doktor} at {-a}


Senyora - {senyor} at {-a}
Plantsadora - {plantsador} at {-a}
Kargadora - {kargador} at {-a}
Senadora - {senador} at {-a}

Ngunit hindi lahat ng mga salitang may inaakalang morpemang {-a} na


ikinakabit ay may morpema na. Tulad ng salitang maestro na naging maestra.
Ang mga salitang ito ay binubuo lamang ng tig-iisang morpema, {maestro} at
{maestra}. Ang mga ponemang {-o} at {-a} na ikinakabit ay hindi mga morpema.
Dahil wala naman tayong mga salitang {maestr} at sasabihing morpemang {-o} at
{-a} ang ikinakabit dahil nagpapakilala ng kasariang panlalaki at ganoon din sa
pambabae. Tulad din ng sumusunod na mga salita na may iisang morpema
lamang:

bombero - na hindi {bomber} at {-o} o {-a}


kusinero - na hindi {kusiner} at {-o} o {-a}
abugado - na hindi {abugad} at (-o} o {-a}
Lito - na hindi {lit} at {-o} o {-a}
Mario - na hindi {mari} at {-o} at {-a}

2. Morpemang salitang-ugat (su). Ang mga morpemang binubuo ng salitang-ugat


ay mga salitang payak, mga salitang walang panlapi. Tulad nito:

tao silya druga payong jet


pagod tuwa pula liit taas
basa laro aral kain sulat

3. Morpemang panlapi
Mga PANLAPI: (Narito ang mga iba’t ibang gamit ng mga panlapi
a. -an o - han
• lalagyan ng marami sa bagay na isinasaad ng salitang-ugat
hal. aklat= aklatan, manok = manukan
• pook na ginaganapan ng kilos na isinasaad ng salitang-ugat
hal. luto = lutuan, tahi = tahian
• gantihang kilos
hal. damay = damayan, turo = turuan
• panahon ng pagganap o maramihang pagganap
hal. ani = anihan, tanim = taniman

b. -in o –hin
• nagsasaad ng aksyon o galaw
hal. kamot = kamutin , ihaw = ihawin
• relasyong isinasaad ng salitang-ugat
hal. tiya = tiyahin , ama = amahin

c. ka-
• kasama sa pangkat
hal. lahi = kalahi, baro = kabaro
• nagsasaad ng relasyon ayon sa sinasabi ng salitang-ugat
hal. kambal = kakambal, galit = kagalit
Panimulang Linggwistika |

d. ka – an, han
• nagsasaad ng pinakagitna ng salitang-ugat
hal. sama = kasamaan, sulat =
kasulatan
• nagsasaad ng kasukdulan ng pangyayari
hal. tindi = katindihan, bagsik = kabagsikan

e. mag-
• nagsasaad ng relasyong tinutukoy ng salitang-
ugat hal. ina = mag-ina, lolo = maglolo

f. pa-an
• nagsasaad ng ganapan ng kilos
hal. aral = paaralan, limbag = palimbagan
• nagsasaad ng paligsahan ng kilos
hal. galing = pagalingan,taas = pataasan

g. pala - an
• nagsasaad ng sistema o pamamaraan
hal. bigkas = palabigkasan, tuldik = patuldikan

h. pang-/pam-/pan-
• nagsasaad ng ukol o para sa bagay na binabanggit ng salitang-ugat
hal. bata = pambata, sahog = pansahog

i. taga-
• nagsasaad ng gawain
hal. laba = tagalaba, masid = tagamasid
• nagsasaad ito ng doon nakatira
hal. bundok = tagabundok, Baguio = taga-Baguio
j. tag-
• nagsasabi ito ng panahon
hal. lamig = taglamig, araw = tag-araw

k. ma-
• nagsasaad ng pagkakaroon ng katangian
hal. kisig = makisig, talino = matalino
• nagsasaad ng pagkamarami
hal. tao = matao, bunga = mabunga

l. maka-
• nagsasaad ng kampi o kapanalig
hal. tao = makatao, bayan = makabayan

m. mapag-
• nangangahulugang “ may ugali “
hal. usisa = mapag-usisa, biro = mapagbiro

o. pala-
• nangangahulugang “ laging ginagawa “
hal. dasal = paladasal, tawa = palatawa

Mga Alomorp ng Morpema


Panimulang Linggwistika |

- ang katangian ng morpema na magbagong anyo dahil sa


impluwensiya ng kaligiran nito
ALOMORP- galing sa salitang Ingles na ALLOMORPH, na hinati sa salitang
griyego na
ALLO ( kapara ) at MORPH ( yunit / anyo )
Pang-, Mang-, Sing- Pam-, Mam-, Sim- Pan-, Man-, Sin-
a,e,i,o,u
K,g,h,m,n,ng,w,y b,p d,l,r,s,t
Panggabi
Manggagawa
Singgaling Pambansa
Mambabatas
Sim Pandikdik
Mandamay
Sintalino
Pagbabagong Morpoponemiko

Tinatawag na pagbabagong morpoponemiko ang alinmang pagbabagong


nagaganap sa ordinaryong anyo o hitsura ng isang morpema na sanhi ng bias ng
kaligiran nito. Ang kaligirang ito ay tumutukoy sa mga kalapit na ponemang maaaring
makapagdulot ng pagbabago sa hitsura ng morpema.

Halimbawa:
Ang pagbabagong nagaganap sa morpemang
[pang-] dahil sa impluwensya ng kaligiran nito.
[pang-] + gastos → panggastos
[pang-] + dilig → pandilig
[pang-] + bunot → pambunot

Ang morpemang [pang-] ay nagiging [pan-] kapag ito ay ikinakabit sa mga salitang-
ugat na nagsisimula sa d, l, r, s at t. Ito rin ay nagiging [pam-] kapag ikinakabit sa mga
salitang- ugat na nagsisimula sa p at b.
Sa kabilang dako, walang pagbabago sa panlaping [pang-] kapag ito ay
inuunlapi sa mga salitang nagsisimula sa patinig at sa iba pang katinig na hindi
binanggit sa unahang talata gaya ng mga ponemang k,g,h,m,n,ng,w at y.

Halimbawa:

[Pam-] [Pan-] [Pang-]


pampuno pandakot pang-abono
pambata panligo pang-ihip

Mga Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko

Asimilasyon

May pagbabago sa / ŋ / o / ng / sa pusisyong pinal dahil sa impluwensya ng


ponemang kasunod nito. Ang / ŋ / ay nagiging / n / o / m / o nananatiling / ŋ / ng dahil
sa kasunod na ponema. Maaaring asimilasyong ganap o di-ganap ang pagbabago.

[pang-] + bayad → pambayad


[pang-] + dama → pandama
[pang-] + kahoy → pangkahoy
Panimulang Linggwistika |

d.l.r,s,t b, o p k,g,h, m, n, ng,w, y


PAN PAM PANG
MAN MAM MANG
SIN SIM SING
SAN SAM SANG

Halimbawa
Pan+ dikdik pam + bayan pang + gabi
=Pandikdik =pambayan =panggabi

Uri ng Asimilasyon

1. Asimilasyong Parsyal
- tanging ang pagbabago ay sa pinal na panlaping -ng lamang kapag ikinakabit
sa mga salita.
- ang pagbabagong naganap sa isang morpema ay sanhi ng posisyong pinal na
sinusundan ng mga salitang nagsisimula sa bigkas ng pailong. Ang /pang/ay
nagiging /m/ o /n/ at mangyayari ay mananatili ang (j) ayon sa kasunod na
tunog.

HALIMBAWA:
sing + dali = sindali
pang + lasa = panlasa
pang + paligo = pampaligo
sing + bagsik = simbagsik

2. Asimilasyong Ganap
- nangyayari kapag matapos na maging /n/ at /m/ ng panlapi dahil
pakikibagay sa kasunod na tunog ay nawawala pa ang sumusunod na unang
titik ng salitang-ugat at nananatili na lamang ang tunog na /n/ at /m/
Halimbawa:
pam + pitas = pampitas = pamitas
mang + pitas = mangpitas = mamitas
pang + bilang = pangbilang = pambilang = pamilang

Pagpapalit ng Ponema

May mga ponemang nagkakapalitan sa pagbuo ng mga salita. Nasasabayan nito ang
pagpapalit ng diin kung may ganitong pagpapalitan.

/d/→/r/
a. Halimbawa:
Ma+dami → marami
Ma+dumi → marumi

b. Lipad + -in → lipadin → liparin


Pahid + -an → pahidan → pahiran

c. Sapilitan ang palitan ng / h / at / n / sa panlaping / -han / ay nagiging / n /


Panimulang Linggwistika |

Halimbawa: Kuha + han → kuhahan → kuhanan

d. Ang ponemang / o / sa huling pantig ng salitang-ugat na hinuhulapian o


salitang inuulit ay nagiging / u /. Kapag inulit ang salitang nagtatapos sa / o / ay
nagiging / u / sa unang hati.

Halimbawa:
Laro + an → laruan
Bunso → bunsung – bunso

Metatesis

Nagkakapalit ang pusisyon ng / l / o / y / ng salitang-ugat kapag ginigitlapian ng [-in]


ang mga ito.

Halimbawa:

-in- + laro → nilaro


-in- + yari → niyari

Bukod sa pagpapalit ng pusisyon ng dalawang ponema, may pagkakaltas pang


nagaganap.

Halimbawa:

Silid + an → silidan → sidlan


Atip + an → atipan → aptan

Pagkakaltas ng Ponema

Ang pagbabago rito ay makikita kung ang huling ponemang patinig ng salitang-ugat ay
nawawala sa paghuhulapi rito.

Halimbawa:

Bukas + an → bukasan → buksan


Asin + an → asinan → asnan

Paglilipat-diin

Kapag nilalapian ang mga salita nagbabago ang diin nito. Maaaring malipat ang diin ng
isa o dalawang pantig patungong huling pantig o unahan ng salita.

Halimbawa:

basa + -hin → basahin


takbo + -han → takbuhan
uwi + -an → uwian
Panimulang Linggwistika |

May Angkop

Kung sa dalawang salitang magkasunod ang una’y nababawasan ng papungo o


pakutad at kung minsa pay napapalitan ng isa o ilang titik sa loob bago napipisan sa
dalawang salita sa isa na lamang.

Halimbawa:

Wikain mo kamo
Hayaan mo hamo
Winika ko ikako

Maysudlong o Pagdaragdag ng Ponema

Kung bukod sa may hulapi na ang salitang pinapandiwa, ito ay sinusudlunagn o


dinaragdagan pa ng isa pang hulapi. /-an/, -/han/,/ -in/, /-hin/,/-an/, o /–anan/

Halimbawa:

Antabayanan, antayan

Muntik- muntikanan, pagmuntikan, pagmuntikanan

Bahagi ng Pananalita

1. PANGNGALAN (Noun)
Mga Uring Pansemantika
1. Pantangi (Proper Noun)– partikular ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook o
pangyayari.
Hal. Miguel, Clarissa, Bb. Luz De
Guzman Tagpi, Muning, Brownie, Spotty
Magasing Panorama, Mongol 2
Talon ng Maria Cristina, Ilog Pasig
Paligsahang Bb. Universe ng Taong 1975
2. Pambalana (Common Noun)– tumutukoy sa pangkahalatang-diwa.
Hal. bata, lalaki, babae, lolo, abogado
aso, pusa, insekto
lapis, kotse, relo, radio
ilog, lungsod, kabundukan
sayawan, gulo, banggaan
3. Tahas (Concrete) – ang pangngalan kung tumutukoy sa bagay na material.
Hal. tao, hayop, puno, gamut, pagkain
4. Basal (Abstract) – ang tinutukoy ay hindi material kundi diwa at kaisipan.
Dalawang uri ng tahas: Di-palanasak at palansak.
Palansak (Mass Noun) – tumutukoy sa pangkat ng iisang uri ng tao o bagay.
Hal. Buwig, kumpol, hukbo, lahi, tumpok, tangkal
Di-palansak – tumutukoy lamang sa mga bagay na isinasaalang-alang nang isa-
isa.
Hal. Saging, bulaklak, sundalo, tao, kamatis, manok
Panimulang Linggwistika |

Mga Uring Pangkayarian


1. Payak – ang pangngalan kung ito ay isang salitang-ugat lamang.
Hal. asin, bunga, balak, diwa
2. Maylapi o Hinango – kung binubuo ng salitang-ugat at panlaping makangalan.
Hal. kaklase, kabuhayan, pagbasa, dinuguan
3. Inuulit – ang pangngalan kung ang kabuuan nito o ang bahagi nito ay inuulit.
Dalawang uri ng Inuulit: Pag-uulit na di-ganap o pag-uuli na parsyal at ang
pag-uulit na ganap.
Pag-uulit na di-ganap o pag-uulit na parsyal – ay yaong bahagi lamang
ng salitang-ugat ang inuulit.
Hal. bali-balita, Sali-salita, tagu-tagumpay
pagtuturo, pagpaplano
Pag-uulit na ganap – pag-uulit sa buong
pangngalan Hal. kuru-kuro, bayan-bayan, sabi-sabi
4. Tambalan – ay binubuo ng dalawang magkaibang salitang pinag-iisa.
Ang kayarian ay tumutukoy sa anyo ng salita at iba pang yunit ng
wika.
Ang anumang salitang maaaring isunod sa ang/si, ng/ni, sa/kay, at mga anyong
maramihan ng mga ito, ay isang pangngalan o dili kaya ay isang salitang
gumaganap ng tungkulin ng pangngalan.
Hal.
1. Nakatapos sa pagdodoktor ang anak na matiyaga.
2. Ang tagumpay ng anak ay tagumpay rin ng mga magulang.
3. Hindi matatapatan ng salapi ang pagtingin ng magulangsa anak.
Ang anyong maramihan ng ang/si ay ang mga/sina; ang maramihan ng ng/ni ay
ng mga/nina; at ang maramihan ng sa/kay ay sa mga/kina.
Hal. ang mga anak, ng mga anak, sa mga anak, nina Maria, kina Maria, sina
Maria
Mga Kakanyahan ng Pangngalan
1. Kausapan o Panauhan ng Pangngalan - ang nagsasabi kung ang pangngalan ay
tumutukoy sa taong nagsasalita, taong kumakausap, o taong pinag-uusapan.
Halimbawa :
Ako si Don Diego.
Ikaw si Don Diego.
Siya si Don Diego
2. Kailanan ng Pangngalan – nalalaman natin kung ang pangngalan ay
tumutukoy sa isa, dalawa o higit pang tao, hayop, bagay, pook, o pangyayari.
Ito ay maaaring isahan, dalawahan, maramihan o lansakan.
Halimbawa:
Isahan : kapatid
Dalawahan : kambal
Lansakan : kawan
3. Kasarian ng Pangngalan – pangngalang may sekso at walang sekso.
Pag-uuri ng Pangngalan Ayon sa Kasarian
Mga Pangngalang may Kasarian
Tiyak na Kasarian
Panlalaki
Pambabae
Di-tiyak na Kasarian
Panimulang Linggwistika |

Mga Pangngalang Walang Kasarian


Halimbawa:
Mga Pangngalang Tiyak na Panlalaki
Mario kuya
Ginoong Ramos tandang
Don Jose ninong

Mga Pangngalang Tiyak na


Pambabae Maria Ana ate
Gng. Ramos ninang
dumalaga Donya Perez

Mga Pangngalang Di-Tiyak ang Kasarian


Estudyante manok
kapatid guro
manananggol kalabaw

Mga Pangngalang Walang Kasarian


Bibliya diwa
Bulking Mayon aklat
Maynila laro
4. Kaukulan ng Pangngalan – ang tawag sa kakanyahan ng pangngalang
nagpapakita ng gamit nito sa pangungusap.
Dalawang Uri ng Kaukulan ng Pangngalan
1. Kaukulang Palagyo – kung ginagamit itong simuno, pamuno sa simuno,
pangngalang patawag, kaganapang pansimuno, o pamuno sa kaganapang
pansimuno.
Simuno gamit ang pangngalan
Si Rizal ay Dakilang Malayo
Pamuno sa Simuno ang gamit ng pangngalan
Si Rizal, ang bayani, ay Dakilang Malayo.
Pangngalang patawag ang gamit ng pangngalan
Carisa, alagaan mo si Choy.
Kaganapang pansimuno ang gamit ng pangngalan
Si Mabini ay Dakilang Lumpo.
Pamuno sa kaganapang pansimuno ang gamit ng pangngalan
Ang dalagang iyon ay si Alice, ang pinsan ko.
2. Kaukulang Palayon – ang pangngalan kung ginagamit na layon ng pandiwa o
layon ng pang-ukol o kung pamuno sa alinman sa dalawa.
Layon ng pandiwa ang gamit ng pangngalan
Ang masipag na ama ay nagsisinop ng kanilang bakuran
Layon ng pang-ukol ang gamit ng pangngalan
Ibigay mo kay Cesar ang para kay Cesar, at sa Diyos ang para sa Diyos.
Pamuno sa layon ng pandiwa ang gamit ng pangngalan
Ang mga Hapon ay umaangkat sa Pilipinas ng mangga, isang ipinagmamalaking
bungang-kahoy natin.
Pamuno sa layon ng pang-ukol ang gamit ng pangngalan
Igalang mo ang ukol sa relihyon, ang tagapag-ugnay natin sa ating Panginoon.
Panimulang Linggwistika |

2 PANGHALIP (PRONOUN)

Pananaw na Pansemantika : ang panghalip ay salita o katagang panghalili sa


ngalan. Pananaw na Istruktural : and panghalip ay maikilala dahil sa impleksyon o
pagbabagong- anyo.

Uri ng Panghalip
1. Mga Panghalip na Panao - ay panghalili sa ngalan ng tao.
Anyong ang Anyong ng
Panauhan (palagyo) (paukol) Anyong sa (paari)
Isahan
Una Ako Ko Akin
Ikalawa Ikaw, ka Mo Iyo
Ikatlo Siya Niya kanya
Dalawahan
*(kata) *(nita) *(kanita)
Una Kita, tayo Natin Atin
Ikalawa Kayo Ninyo Inyo
Ikatlo Sila Nila Kanila
Maramihan
Una Kami Naming Amin
Ikalawa Kayo Ninyo Inyo
Ikatlo Sila Nila Kanila

2. Mga Panghalip na Pamatlig – humahalili sa sa ngalan ng tao, bagay, atb. na


itinuturo o inihihimaton.
I. Pronominal
Anyong ang (Paturol)
*ire (ibang anyo : yari)
ito
iyan (ibang anyo : yaan)
iyon (ibang anyo :yaon)
Anyong ng (Paari)
*nire (ibang anyo :niyari)
nito
niyan
noon (ibang anyo: niyon, niyaon)
Anyong sa (Paukol)
*dine
dito
diyan
doon
II. Panawag-pansin o Pahimaton
1. *(h) ere
2. (h) eto
3. (h) ayan
4. (h) ayun
III. Patulad
Panimulang Linggwistika |

*ganire
ganito
ganyan
ganoon (ibang anyo: gayon)
IV. Palunan
*narini (ibang anyo : nandini)
narito (ibang anyo : nandito)
nariyan (ibang anyo : nandiyan)
naroon (ibang anyo : nandoon)

3. Panghalip na Panaklaw – sumasaklaw sa kaisahan, dami, o kalahatan ng


tinutukoy.
Halimbawa:
isa anuman magkanuman
iba alinman kuwan
balana sinuman
lahat ilanman
tanan kailanman
madla saanman
pawa gaanuman

4. Panghalip na Pananong – yaong mga panghalili sa ngalan ng tao, bagay, atb. na


ginagamit sa pagtatanong.
Halimbawa:
Isahan Maramihan
sino sinu-sino
ano anu-ano
alin alin-alin
kanino kani-kanino
ilan ilan-ilan

3. PANDIWA (VERB)

Pansemantika : ang pandiwa ay salitang nagpapakilos o nagbibigay-buhay sa isang


lipon ng mga salita
Istruktural : ang pandiwa ay nakikilala sa impleksyon nito sa iba’t ibang aspekto ayon
sa uri ng kilos na isinasaad nito.

Kayarian ng Pandiwa
Ang pandiwa sa Filipino ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama ng isang salitang-
ugat at ng isa o higit pang panlapi.

Kaganapan ng Pandiwa
Ang tawag sa bahagi ng panaguri na bumubuo o nagbibigay ng ganap na kahulugan sa
pandiwa at magagawang paksa ng pangungusap kung babaguhin ang pokus ng
pandiwa.
Panimulang Linggwistika |

Pitong Uri ng Kaganapan ng Pandiwa


¢ kaganapang tagaganap
¢ kaganapang layon
¢ kaganapang tagatanggap
¢ kaganapang ganapan
¢ kaganapang kagamitan
¢ kaganapang sanhi
¢ kaganapang direksyunal

Mga Pokus ng Pandiwa


1. Kaganapang Tagaganap – panaguring nasa pokus sa tagaganap ang pandiwa +
paksa
Halimbawa :
1. Kinain ng bata ang suman at manggang hinog. –
2. Kumain ng suman at manggang hinog ang
bata. (Ang bata ay kumain ng suman at manggang
hinog.)
2. Kaganapang Layon – panaguring nasa pokus sa layon ng pandiwa + paksa
Halimbawa :
1. Kinain ng bata ang suman at manggang hinog. –
2. Kumain ng suman at manggang hinog ang
bata. (Ang suman at manggang hinog ay kinain ng
bata.)
3. Kaganapang Tagatanggap – panaguring nasa pokus sa tagatanggap ang
pandiwa + paksa
Halimbawa:
1. Bumili ako ng ilaw na kapis para sa pinsan kong nagbalikbayan. –
2. Ibinili ko ng ilaw na kapis ang pinsan kong
nagbalikbayan. (Ang pinsan kong nagbalikbayan ay ibinili ko ng
ilaw na kapis.)
4. Kaganapang Ganapan – panaguring nasa pokus sa kaganapan ang pandiwa +
paksa
Halimbawa:
1. Nagtanim ng gulay sa bakuran an gaming katulong. –
2. Pinagtamnan ng gulay ng aming katulong ang
bakuran. (Ang bakuran ay pinagtamnan ng gulay ng aming
katulong.)
5. Kaganapang Kagamitan – panaguring nasa pokus sa kagamitan ang pandiwa +
paksa
Halimbawa:
1. Pinunsan ko ang mga kasangkapan (sa pamamagitan) ng basahang malinis. –
2. Ipinampunas ko ng mga kasangkapan ang basahang alinis.
(Ang basahang malinis ay ipinampunas ko ng mga
kasangkapan.)
6. Kaganapang Sanhi – panaguring nasa pokus sa sanhi ang pandiwa + paksa
Halimbawa:
1. Nagkasakit siya dahil sa labis na paghithit ng opyo. –
2. Ipinagkasakit niya ang labis na paghithit ng opyo.
(Ang labis na paghithit ng opyo ay ipinagkasakit niya.)
7. Kaganapang Direksyon – panaguring nasa pokus sa direksyon ang pandiwa +
paksa
Panimulang Linggwistika |

Halimbawa:
1. Ipinasyal ko sa Tagaytay ang mga panauhin kong kabilang sa Peace Corps. –
Panimulang Linggwistika |

2. Pinagpasyalan ko ng aking mga panauhing kabilang sa Peace Corps


ang Tagaytay.
(Ang Tagaytay ay pinagpasyalan ko ng aking mga panauhing kabilang sa Peace Corps.)

Mga Aspekto ng Pandiwa


Ang aspekto ay katangian ng pandiwa na nagsasaad kung naganap na o hindi pa
nagaganap ang kilos at kung nasimulan na o natapos nang ganapin o ipinagpapatuloy
pa ang pagganap.
Aspektong Aspektong Aspektong
Salitang-ugat Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo
mahal minahal minamahal mamahalin
asa umasa umaasa aasa
aral nag-aral nag-aaral mag-aaral

“nag-“, “um-“, “-in-“, “-nan”, “ni-“,


“-an”, at “na-“
1. Aspektong Perpektibo o Pangnagdaan – naglalarawan sa kilos o galaw na
ginawa na o katatapos pa lamang. Ito ay kadalasang nabubuo sa
pamamamagitan ng mga panlaping.

Halimbawa: nag-inum, nag-aral, uminum, itinanan, nilamon, nakitaan, nakita

2. Aspektong Imperpektibo o Pangkasalukuyan – naglalarawan sa kilos o galaw


na kasalukuyang ginagawa. Nabubuo ang pandiwang ito sa pamamagitan ng
pag-uulit sa unang pantig sa salitang-ugat at pagdaragdag ng panlaping katulad
ng sa Apektong Perpektibo.
“nag-“, “um-“, “-in-“, “-nan”, “ni-“,
“-an”, at “na-“
Halimbawa:
naglalaba (nag-la-laba), umiinom (um-i-inom)
minamahal (ma-in-mahal), nilalamon (ni-la-lamon)
nakikita (na-ki-kita), nakikitaan (na-ki-kita-an)

3. Aspektong Kontemplatibo o Panghinaharap – naglalarawan sa kilos o galaw na


gagawin pa lamang. Ito ay kadalasang nabubuo sa pamamagitan ng pag-uulit
lamang ng unang pantig ng salitang-ugat o pagdaragdag ng unlaping: “mag-” ,
“ipag-“, “maka-“, “naka-“. Maaaring ding gamitin ng sabay.
Halimbawa: gagawa (ga-gawa), maglalaba (mag-la-laba)

Di-Karaniwang Pandiwa

1. Maykaltas – di-karaniwan ang pandiwa kung ang salita ay nawawalan ng titig o


pantig.

Salitang- Karaniwang Di-Karaniwang


ugat Panlapi Ayos ng Pandiwa Ayos ng Pandiwa
buhos -an buhusan busan
Panimulang Linggwistika |

higit ma- / -an mahigitan mahigtan


lagay -an lagayan lagyan
takip -an takipan takpan

2. Maylipat – karaniwang ang pandiwa kung ang isa o dalawang titik ng salita ay
naililipat, at may ilang titik o pantig na nawawala.
Karaniwang Di-Karaniwang
Salitang-ugat Panlapi Ayos ng Pandiwa Ayos ng Pandiwa
tanim -an taniman tamnan
atip -an atipan aptan
silid -an silidan sidlan

3. Maypalit – napapalitan ang isa o dalawang titik ng pandiwa kaya ito ay


nagiging di-karaniwan.
Salitang- Karaniwang Di-Karaniwang Ayos
ugat Panlapi Ayos ng Pandiwa ng Pandiwa
dinig ma- madinig marinig
dugtong ka- kadugtong karugtong
halik -an halikan hagkan
bayad -an bayadan bayaran

4. Maysudlong – di-karaniwan ang pandiwa kung ang karaniwang anyo nito


ay nadaragdagan ng isa o dalawang titik o kung ang pandiwa ay may
dalawang hulapi.
Karaniwang
Ayos ng Di-Karaniwang
Salitang-ugat Panlapi Pandiwa Ayos ng Pandiwa
antabay -an antabayan antabayanan
kuha -in kuhain kuhanin
mata -in matain matahin
buti pag- / -an pagbutian pagbutihan

Pokus ng Pandiwa
Pokus – relasyong semantika ng pandiwa at simuno

1. Pokus sa Tagaganap-ang pandiwa ay nakapokus sa tagaganap kung ang


simuno ng pangungusap ang tagagawa ng kilos.
Halimbawa:
Nakapag-aral si Marvino kahapon.
(pandiwa) (simuno-tagaganap)

Si Marvino ay nakapag-aral kahapon.


(simuno-tagaganap) (pandiwa)

2. Pokus sa Layon-ang pandiwa ay nakapokus sa layon kung ang layon


ng pangungusap ang simuno.
Panimulang Linggwistika |

Halimbawa:
Bantayan mo ang sinaing at baka
masunog. (pandiwa) (tagaganap) (simuno-layon)

Ang sinaing ay bantayan mo at baka masunog.


(simuno-layon) (pandiwa) (tagaganap)
3. Pokus sa Ganapan-kung ang simuno ay nasa ganapang kilos, nakapokus
sa ganapan ang pandiwa.
Halimbawa:
Pinintahan niya ng berde ang mga tulay.
(pandiwa) (tagaganap) (simuno-ganapan)
Ang mga tulay ay pinintahan niya ng berde.
(simuno-ganapan) (pandiwa) (tagaganap)
4. Pokus sa Tagatanggap-nakapokus sa tagatanggap ang pandiwa kung
ang simuno ang tagatanggap ng kilos.
Halimbawa:
Ikuha mo si TinTin ng bagong damit.
(pandiwa) (tagaganap) (simuno-tagatanggap)

Si TinTin ay ikuha mo ng bagong damit.


(simuno-tagatanggap)(pandiwa) (tagaganap)

5. Pokus sa Gamit-nakapokus sa gamit ang pandiwa kung ang simuno ay ang


kasangkapan o bagay na ginamit sa pangungusap.
Halimbawa:
Ipangguhit mo ang lapis sa papel.
(pandiwa) (tagaganap) (simuno-gamit)
Ang lapis ang ipangguhit mo sa papel.
(simuno-gamit) (pandiwa) (tagaganap)

6. Pokus sa Sanhi-sa sanhi ang pokus ng pandiwa kung ang simuno


ay nagpapahayag ng dahilan ng kilos.
Halimbawa:
Ikinatuwa ni Czarina ang biro ni Zeus.
(VERB)(tagatanggap)(simuno-sanhi)(tagaganap)
Ang biro ni Zeus ay Ikinatuwa ni Czarina.
(simuno-sanhi) (tagaganap) (VERB) (tagatanggap)
7. Pokus sa Direksyon-kung ang simuno ay nagsasaad ng direksyon ng kilos,
nasa pokus sa direksyon ang pandiwa.
Halimbawa:
Pinuntahan ko ang Boracay noong isang
linggo. (VERB) (tagaganap) (simuno-direksyon)
Ang Boracay ang pinuntahan ko noong isang linggo.
(simuno-direksyon) (VERB) (tagaganap)
Panimulang Linggwistika |

4. PANG-URI (ADJECTIVE)
Gamit ng Pang-uri
1. Panuring Pangngalan
Mararangal na tao ang pinagpapala.
Panuring Panghalip
Kayong masigasig ay tiyak na magtatagumpay.
2. Pang-uring Ginagamit Bilang Pangngalan
Ang mapagtimpi ay malayo sa gulo.
3. Pang-uring Kaganapang Pansimuno
Mga madasalin ang mga Pilipino.

Kayarian ng Pang-uri
1. Payak- kung binubuo ng likas na salita lamang o salitang walang lapi.
Halimbawa :
Maiinit ang ulo ng taong gutom.
Huwag kang makipagtalo sa sinumang galit.
2. Maylapi - kung binubuo ng salitang-ugat na may panlapi.
Halimbawa :
kalahi kayganda
mataas makatao
malahininga
3. Tambalan – kung binubuo ng dalawang salitang pinag-iisa.
Halimbawa :
Karaniwang Kahulugan
taus-puso biglang-yaman
bayad-utang hilis-kalamay
Patalinghagang Kahulugan
kalatog-pinggan ngising-buwaya
bulang-gugo kapit-tuko

Kailanan ng Pang-uri
May tatlong kailanan ang mga pang-uri : isahan, dalawahan, at maramihan.
Halimbawa:
Kalahi ko siya. (Isahan)
Magkalahi kaming dalawa.(Dalawahan)
Magkakalahi tayong lahat. (Maramihan)

Kaantasan ng Kasidhian ng Pang-uri


Iba’t ibang Antas ng Kasidhian ang Pang-uri
1. Lantay – naglalarawan ng isang pangngalan o panghalip na walang
pinaghambingan.
Halimbawa: Kabigha-bighani ang pook na ito.
2. Pahambing – nagtutulad sa dalawa o higit pang pangngalan o panghalip.
2 Uri ng Paghahambing
1. Paghahambing na magkatulad- ginagamit ito kung ang dalawang
pinaghahambing aymay patas na katangian. Ginagamitan ito ng mga
panlapingkasing, sing, magsing, magkasing o kaya ay ng mga
salitanggaya, tulad, paris, kapwa at pareho.
Panimulang Linggwistika |

Halimbawa: Magkakasingganda ang mga bulaklak sa hardin.


2. Paghahambing na di-magkatulad – ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay
maymagkaibang katangian. May dalawa itong uri:
a. Pasahol - kung ang hinahambing ay mas maliit, gumagamit ito ng mga salitang
tulang ng lalo, di-gaano, di-totoo, di-lubha o di-gasino.
Halimbawa: Di-gaanong magaganda ang mga moske sa Taguig kaysa sa mga makikita
sa Zamboanga.
b. Palamang - kung ang hinahambing ay mas malaki o nakahihigit sa
pinaghahambingan,gumagamit ito ng mga salitanghigit, labis at di-hamak.
Halimbawa: Lalong kahali-halina ang mga bulaklak dito kaysa sa nakita ko sa
Parke.
3. Pasukdol – ay katangiang namumukod o nangingibabaw sa lahat ng
pinaghambingan.
Halimbawa: Ang ganda-ganda ng Palawan.
Walang kaparis sa ganda si Glenda.
Pang-uring Pamilang
– mga salitang naglalarawan sa pangngalan o panghalip sa pamamagitan ng
mga numero.
Uri ng Pamilang
1. Patakaran o Kardinal- ginagamit sa karaniwang paraan ng pagbibilang ng
pangngalan o panghalip.
Halimbawa: isa, dalawa, tatlo
1. Panunuran o Ordinal- ginagamit sa pagpapahayag ng pagkasunud-sunod ng
mga pangngalan o panghalip. Gumagamit ito ng mga panlaping pang- at ika-.
Halimbawa: pang-una, pangalawa, pangatlo, una, ikalawa, ikatlo
1. Pamahagi- ginagamit sa pagpapahayag ng pagkakabaha-bahagi o pagkakahati
sa kabuuan ng isang bagay. Gumagamit dito ng mga panlaping ika- at ka-.
Halimbawa: ikatlong bahagi, ikaapat na bahagi, katlo (1/3), kapat (1/4)
1. Palansak- ginagamit sa pagsasaad ng mga bukod na pagsasama-sama ng mga
pangngalan o panghalip.
Halimbawa: aanim, anim-anim, tig-anim, animan, dadalawa, dala-dalawa, tigdadalawa,
dalawahan
1. Pahalaga- ginagamit sa pagbibigay ng halaga ng isang bagay. Gumagamit dito
ng mga panlaping ma- attig-.
– pera ang tinutukoy.
Hal: Tiglilimampiso ang bili ko sa mga aklat na ito.
1. Patakda/tiyak na bilang – inuulit ang unang pantig ng salitang bilang.
Hal. iisa,tatatlo, dadalawa, aapat
Si Teresa ay nag-iisang anak.
Sasampung piso ang natira sa kanya.

Mga Panlaping Makauri


1. in, ma+ugat+in (madaling maging o madalas maging) – ma+ugat+on,
ka+ugat+on
2.
tabain – matabaon, katabaon
sakitin – masakiton, kasakiton
bugnotin – masaputon, kasaputon
dumihin – mabulingon, kabulingon
Panimulang Linggwistika |

siponin – masip-onon, kasip-onon


matulogin – matuyugon, katuyogon
matampohin – malisoron, kalisoron
mainisin – masaputon, kasaputon

2. ma+ugat (may taglay) – Asi: ka+ugat, ma+ugat


Pwede ring gamitin ang hulaping on o hon
ngunit hindi ito umaakma sa lahat ng salitang ugat. Paminsan-minsan di’y nagagamit
ang hulaping an o han.
maganda – kaganda, maganda
mabaho – kabaho, mabaho, bahoan
mabato – kabato, mabato, batoon
mahalay – kauyag, mauyag, uyagon
madaya – karada, marada, radaon, radaan

Ang panlaping ka ay malimit na gamitin kung ang pang-uri ang nagsisilbing panag-uri
(predicate) ng isangpangungusap. Halimbawa: Karada sida. Sida ay karada. (Madaya
siya. Siya ay madaya.) Kung hindi, ma ang ginagamit. Halimbawa: Sida ay maradang
kaidamo. (Siya ay madayang kalaro.) Sa on/hon o an/han naman, hindi mahalaga kung
paano ginagamit ang pang-uri. Halimbawa: Radaon/Radaan sida. Sida ay
radaong/radaang kaidamo.

Sa mga paghahambing, ang panlaping dapat gamitin ay ma. Halimbawa: mas madaya –
mas marada, pinakmadaya -pinakamarada.

Maraming mga salita sa Pilipino na likas na mga pang-uri. Kung walang katumbas ang
mga ito sa Asi na likas na pang-uri-rin, ang mga nabanggit na panlapi rin ang dapat
gamitin. Halimbawa:
tahimik – kahipos, mahipos
tamad – katamar, matamar, tamaran

3. maka+ugat (para sa) – Asi: maka+ugat


Halimbawa:
makatao – makatawo
maka-Diyos – maka-Dyos

4. may / marami (hindi man panlapi, ito ay may katumbas na panlapi sa Asi) – Asi:
ugat+on, ugat+hon
Halimbawa:
may / maraming galis – galison
may / maramimg kulangot – otngohon
may / maraming ipis – tabakongon

5. medyo (bahagya, hindi man panlapi, ito ay may katumbas na panlapi sa Asi) –
Asi: ma+ugat-ugat, maSu+ ugat
Halimbawa:
medyo maganda – maganda-ganda, maguganda
medyo pangit – mayain-yain, mayuyain
medyo malakas – makusog-kusog
Panimulang Linggwistika |

Ang maSu+ugat ay maaring gamitin kung ang salitang-ugat ay nagsisimula sa katinig at


kung ang unang pantig nito ay hindi katunog ng o o u. Ang S ang nagrerepresenta sa
simulang katinig ng salitang-ugat.

6. napaka+ugat, ugat+ugat, pang-uri+panh-uri (ubod ng) – Asi: pagka+ugat;


pagkau+ugat, kau+ugat (kung angsalitang-ugat ay nagsisimula sa patinig
maliban sa u o o); ka+ugat-ugat, pagka+ ugat-ugat (kung ang salitang-ugat ay
nagsisimula sa patinig); pagkaSu+ugat, kaSu+ugat (kung nagsisimula naman sa
katinig kung saan ang S ang nagrerepresenta sa unang titik nito)
Halimbawa:
napakaganda – pagkaganda, pagkaguganda, kaguganda
napakapangit – pakayain, pagkayuyain, kayuyain
napakagaling – pagkaayo, pagkauayo, kauayo, kaayo-ayo, pagkaayo-ayo
napakaasim – pagkaaslom, pagkauaslom, kauaslom, kaaslom-aslom, pagkaaslom-aslom
napakaliit – pagkaisot, pagkauisot, kauisot, kaisot-isot, pagkaisot-isot
napakahalay- pagkauyag, kauyag-uyag, pagkauyag-uyag
maputing-maputi, puting-puti – pagkaputi, kaputi-puti, pagkaputi-puti

Ang pagkau, kau, pagkaSu o kaSu ay mas mataas ang antas sa pagka.

7. kasing+ ugat, magkasing+ ugat, magsing+ ugat, (magkapareho) – walang


panlaping katumbas ito sa Asi at sa halip ay ginagamit ang salitang pareho o
kapareho
Halimbawa:
kasingganda – kapareho’t ganda
magkasingganda, magsingganda – pareho’t ganda
8. pinaka+pang-uri (nakahihigit sa lahat) – Asi: pinaka+pang-uri
Halimbawa:
pinakamataba – pinakamataba
pinakatahimik – pinakamahipos

9. pang+ugat, ika+ugat (pamilang) – pang+ugat, ika+ugat


halimbawa:
pang-apat, ika-apat – pang-ap-at, ika-ap-at
pangsampu, ika-sampu – pangsampuyo, ika-sampuyo

5 PANG-ABAY (ADVERB)
Istruktural na kahulugan : ang pang-abay ay makikilala dahil kasama ito ng isang
pandiwa, pang-uri o isa pang pang-abay na bumubuo ng parirala.

Pansemantikang kahulugan : ito ay nagbibigay- turing sa pandiwa, pang-uri o sa iba


pang pang-abay.

Uri ng Pang-abay
1. Pang-abay na Kataga o Ingklitik : mga katagang lagging suusunod sa unang
salita ng kayariang kinabibilangan.
 ba daw/raw pala man
Panimulang Linggwistika |

 kasi din/rin tuloy muna


 kaya naman nga pa
 na yata lamang/lang
Halimbawa :
 Nailigtas ba ang mga minerong nabarahan sa minahan?
 Alam pala ng kanyang nanay ang nangyaring sakuna.
 Kumain muna sila bago umalis.
 Alangan naman yata na sila pa ang lumapit sa atin.
2. Pang-abay na salita o parirala

1. Pamanahon – (Adverb of Time) nagsasaad kung kailan ginanap ang kilos.


 May Pananda
nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang
Hal. Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw?
Tuwing pasko ay nagtitipon silang mag-anak.
Umpisa bukas ay dito ka na manunuluyan.
 Walang Pananda
kahapon, kangina, ngayon, mamaya, bukas, sandal, atb.
Hal. Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino.
Ipagdiriwang ngayon n gating pangulo ang kanyang ika-40.
 Nagsasaad ng dalas
Araw-araw, tuwing umaga, taun-taon, atb.
Hal. Tuwing Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng santakrusan.
Nag-eehersiyo siya tuwing umaga upang mapanitili ang kanyang kahulugan.

1. Panlunan – (Adverb of Place) tumutukoy sa pook/lugar kung saan naganap ang


kilos.
Sa – ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pambalana o panghalip.
kay/kina – ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pantanging ngalan ng tao.
Hal. 1. Maraming masasarap na ulam ang itininda sa kantina.
2 Nagpaluto ako kina Aling Myra at Luisa ng masarap na keyk para sa iyong kaarawan.

1. Pamaraan – (Adverb of Manner) naglalarawan kung paano naganap, o


magaganap ang kilos ng pandiwa. Ginagamitan ng panandang nang o na/-ng.
Halimbawa :
 Kinamayan niya ako nang mahigpit.
 Natulog siya nang patagilid.
 Bakit siya umalis na umiiyak?

1. Pang-agam - pang-abay na nagsasaad ng walang katiyakan ng isang kilos.


Hal. Marahil, sigurong, tila, baka, wari, atb.
 Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa desisyon ng Sandiganbayan.
 Tila patuloy na ang pag-unlad ng turismo sa Pilipinas.
 Waring natutupad din ang ating mga pangarap.

1. Panang-ayon- (Adverb of Affirmation) pangabay na nagsasaad ng


pangsangayon. Ito ay katumbas ng “affirmation” sa Ingles. Ang ilan sa ganiton
pang-abay ay oo, opo, tunay, talaga, atb.
Panimulang Linggwistika |

Halimbawa:
Opo, susundin ko po ang utos ninyo.
Tunay, na maganda siya.
1. Pananggi – (Adverb of Disagreement/Negation)pang-abay na nagsasaad ng
hindi pagsangayon tulad nghindi/di at ayaw.
Halimbawa:
 Hindi pa lubusang nagagamot ang sakit na kanser.
 Ngunit marami na rin ang ayaw tumigil sa pagsisigarilyo.

1. Panggaano o Pampanukat – nagsasaad ng dami, halaga o timbang


Halimbawa :
 Tumaba ako ng limang libra.
 Dinagdagan niya ang biniling lansones nang apat na guhit.
 Tumaagal ng limang oras ang operasyon niya.

1. Pamitagan (Adverb of Respect)- nagsasaad ng pagrespeto


1. Kailan po kayo uuwi?
Opo, aakyat a po ako.

1. Panuring – nagsasaad ng pagsasalamat o pagtanaw ng utang na loob.


Hal. Maraming salamat at tinulungan mo ako.
1. Pananong – pang-abay na ginagamit sa pagtanong
2. Panunuran – Pagsusunud-sunod ng mga salita, hanay o kalagayan.
Hal. Kahuli-hulihang tinawag ng guro ang batang walang takda.
1. Panulad – (Comparative Adverb) pang-abay na nagsasaad ng paghahambing
Hal. Di-hamak na masipag si Ana kaysa kay Trining.
1. Kundisyunal – nagsasaad ng kundisyon pa
ay nagsasaad ng kundisyun para maganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa. Mga
sugnay o parirala na pinangungunahan ng kung, kapag, o pag at pagka-.
Hal. Luluwag ang ekonomiya ng bayan japagnakapagtatag ng maraming
industriya ditto sa atin.
1. Kusatibo – tawag sa pang-abay na nagsasaad ng dahilan sa pagganap sa kilos ng
pandiwa. Binubuo ng parirala o sugnay na pinangungunahan ng dahil sa.
Hal. Nagkasakit si Vianning dahil sa pagpapabaya sa katawan.
1. Benepaktibo - nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao dahil sa pagganap sa
kilos ng pandiwa o layunin ng kilos ng pandiwa.
Halimbawa :
o Mag-aroskaldo ka para sa maysakit.
o Magbili ka ng mga alaga mong manok para sa matrikula mo.
1. Pangkaukulan- pinangungunahan ng tungkol, hinggil, o ukol.
Halimbawa :
o Nagplano kami tungkol sa gagawin nating pagdiriwang.
o Nagtapat siya sa ina hinggil sa kanilang pagiging magnobyo.

MGA PANG-UGNAY
Ang Pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa
pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay.
Panimulang Linggwistika |

6 PANGATNIG (CONJUNCTION)

Ang Pangatnig ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa salita sa kapwa salita, o isang


kaisipan sa kapwa kaisipan. Ito ay maaaring pantulong o pantuwang.
Mga Uri Ng Pangatnig
ž Pantuwang ang pangatnig kapag pinag-uugnay nito ang mga
magkakasingkahulugan, magkakasinghalaga o magkakapantay na mga bagay o
kaisipan.Ang mga pantuwang na pangatnig ay: at, saka, pati.
Halimbawa:
 Magtitirik ng kandila at magpapadasal si Ka Ebeng sa Araw ng mga Patay.
 Ang mga mamamayan pati na ang mga dayuhan ay pupulungin ng Pangulo.
 Dalhin mo bukas pagtungo natin sa talon ang timba, tabo saka ang mga labahin.
ž Pantulong naman ang pangatnig kung pinag-uugnay nito ang sugnay na di-
makapagiisa sa malaya o makapag-iisa o punong sugnay. Nag-uugnay ng di-
magkapantay na salita, parirala o sugnay: kung, kapag, upang, para, nang, sapagkat,
dahil sa.
Halimbawa:
 Nag-trabaho siya ng mabuti, para makabili siya ng damit.
 Umasenso ang kanyang buhay, dahil sa kanyang pagsisikap
ž Pamukod – pamukod ito kung may pamimili, pagtatangi, pag-aalinlangan,
pagtatangi sa isa o sa iba sa dalawa o mahigit pang bagay o kaisipan. tulad ng o, ni,
man, maging at kaya.
Halimbawa:
¡ Ni sa pangarap ni sa panaginip ay hindi siya nagisip ng ganyon.
ž Paninsay o Pasalungat – kung sa tambalang pangungusap, ang ikalawa ay
sumasalungat sa una, ang ginagamit ay:ngunit, bagaman, habang, kahit, datapwat,
subalit.
Halimbawa:
¡ Sasalo raw siya kahit masama ang kanyang loob.
¡ Ang mamamayang pilipino, bagama’t hirap sa buhay, ay laging kamamasdan ng
kasiyahan.
Ang subalit ay ginagamit lamang kung ang ngunit, at datapwat ay ginagamit na sa
unahan ng pangungusap.
Matahimik pa rin ang Pilipinas ngunit hindi pa rin lubos makapaniwala ang mga taga-
ibang bansa dahil sa maling nalalathalang balita, subalit patuloy pa rin silang dito ay
dumaragsa.
ž Panubali – kung may pag-aalinlangan o pagbabakasakali, ang ginagamit ay: kung,
pag, sana, baka, pagka, kapag, sakali.
1.
 Lalong hihirap ang iyong buhay kung babayaan mong nakatiwangwang
ang iyong lupa.
 Pinamihasa mo ang iyong anak sa karangyaan, baka magsisi ka pagdating
ng araw.
ž Pananhi – mula sa salitang sanhi o dahilan. Ito ay ginagamit kung ang mga
kadahilanan, ay inilalahad, kung nangangatwiran, kung tumutugon sa
katanungang “bakit?”
– Ang mga salitang ginagamit ay: dahil, sapagkat, palibhasa, kasi, kundangan,
atb.
Panimulang Linggwistika |

 Sumama ang kanyang pakiramdam dahil sa nakain niyang hilaw na mangga.


 Lumayas ang anak niya kasi sobra niyang pinagmamalupitan.
ž Panlinaw– kung ang nasabi ay pinaliliwanagan pa, ang ginagamit ay: samakatuwid,
kaya, gayunpaman, kung gayon, alalaon, sana, atbp.
Hal.
 Makahulugan at makabulahan ang kasaysayan, sa makatuwid, ang palasak
nating kawikaan: “Ang hindi marunong lumingon sa pinangalingan ay
hindi makararating sa paroroonan.” ay diwang bagay lamang.
ž Panulad– ito ay pariralang magkatugon na ginagamit sa pagtutulad.
 Kung ano ang itinanim, ay siya ring aanihin.
 Kung alin ang pinagkapili-pili, ay siya pang nakuha ng bungi.
ž Panapos – ginagamit ang pangatnig na ito kung nagpapahayag ng layon o
pagbabadyang nalalapit na pagwawakas sa pagsasalita. Ito ay:upang, nang, sa wakas.
 Pahalagahan ang pangaral ng mga magulang nang hindi malihis ng
patutunguhan.
 Ang Pilipinas, sa wakas, hindi pa man lubos na maunlad ay kababanaagan na
ng mapangakong bukas.

7. PANG-ANGKOP (LIGATURE)
– ay ang salitang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan (na, ng, g).
May Tatlong Pang-angkop ang ginagamit sa pag-uugnay ng mga salita
1. Pang-angkop na na – ginagamit kung ang salitang sinisundan ay nagtatapos sa
katinig.
Halimbawa: Mataas na kahoy ang kanyang inakyat.
2. Pang-angkop ng ng – ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos
sa patinig.
Halimbawa: Masayang naglalaro ang mga bata.

Ang pang-angkop na –ng ay nag-uugnay rin sa mga salitang magkakasunod kung saan
ang naunang salita ay nagtatapos sa katinig na n. Ngunit hindi ito isinusulat sa
ganitong anyo. Ang titil na n sa hulihan ng salita ay kinaltas na lamang. Kaya ang
angkop na –ng at hindi –g ang ginamit.

Hal. Luntian ng halaman – luntiang halaman


Maraming banging matatarik sa ating bansa.
3. Pang-angkop na g – ginagamit kung ang salitang durogtungan ay nagtatapos
sa titik na n.
Halimbawa: Isang masunuring bata si Nonoy.

8. PANG-UKOL (PREPOSITION)

v Pang-ukol ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa


iba pang salita sa pangungusap.
v Ito ay ginagamit upang matukoy kung sang lunan o kung anong bagay ang mula o
tungo, ang kinaroroonan, ang pinangyarihan o kina-uukulan ng isang kilos, gawa,
balak ari o layon. Ang mga ito ay laging may layon na maaaring isang pangngalan o
isang panghalip.
Panimulang Linggwistika |

Mga uri o mga karaniwang pang-ukol


sa/sa mga ng/ng mga ni/nina
kay/kina sa/kay labag sa
nang may tungkol sa/kay mula sa
hinggil sa/kay nang wala para sa/kay
laban sa/kay ayon sa/kay tungo sa
alinsunod sa/kay

Dalawang pangkat ng Pang-ukol


1. Ginagamit na pangngalang pambalana: ukol sa, laban sa, hinggil sa, ayon sa,
tungkol sa, para sa.
Halimbawa:
 Ukol sa mga Filipino ang paksa ng usapin.
 Laban sa manggagawa ang kanilang pinapanukala.
 Ang mga aklat na ito ay para sa mahihirap.
2. Ginagamit sa ngalan ng tanging tao – ang gawa, ari, layon, at kilos ay para lamang sa
ngalan ng tao, tulad ng ukol kay, laban kay, para kay, tungkol kay, ayon kay, hinggil
kay.
Halimbawa:
 Para kay Juan ang pagkaing ito.
 Hinggil kay Enrico ang kanilang problema.
 Ayon kay Rizal, ang pananaliksik ay nagdaragdag sa ating kaalaman.
 Ang napili naming paksa para sa dula ay tungkol kayAndres Bonifacio.

9. MGA PANANDA
– ay nagsisilbing tanda ng gamit ng pambalarila ng isang salita sa loob ng
pangungusap o ayos ng mga bahagi ng pangungusap.

1. Mga Pantukoy (Article/Detreminer)


– Ay katagang nangunguna sa pangngalan o panghalip na ginagamit na simuno o
kagaganapang pansimuno o panag-uri o alinman sa dalawa.
Dalawang Uri ng Pantukoy
1. Pantukoy na Pambalana – tumutukoy sa pangngalang pambalana ang, ang
mga, mga

ang (isahan)
Halimbawa: Ang pinuno ay palaging naglilingkod sa kanyang mga nasasakupan.
ang mga (maramihan)
Halimbawa: Nagtulung-tulong ang mga mag-aaral sa paggawa ng collage.
mga (maramihan)
Halimbawa: ang pinuno ay tinulungan ng kanyang mga tagasunod.

2. Pantukoy na Pantangi – tumutukoy sa pangngalang pantangi (tiyak na tao) si,


sina, ni, nina, kay, kina
Panimulang Linggwistika |

si (isahan)
Halimbawa: Si Gng. Arroyo ay nagsisikap upang mapabuti ang kalagayan nating mga
Pilipino.
Sina (maramihan)
Halimbawa: nanguna sa paglilinis ng barangay sina G. at Gng. Dela Cruz.
Ni (isahan)
Halimbawa: Napagalitan ni Coach Dimagiba ang mga manlalaro dahil hindi sila
dumating sa oras.
Nina (maramihan)
Halimbawa: hindi ininatuwa ng guro ang pag-aaway nina Anton at Luis.
Kay (isahan)
Halimbawa: Ibinahagi ni Sofia ang kanyang keyk kay Sam.
Kina (maramihan)
Halimbawa: Nakipagkasundo na si Lukas kina Juan at Pedro.

Maligayang pagbati! Natapos mo na ang nilalaman sa


unang Aralin, ngayon sigurado akong handa ka na sa
pagsagot sa mga katanungan.

Pagsasanay

Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pagbabagong morpoponemiko kung ito


ay Asimilasyon, Metatesis, Pagkakaltas ng Ponema, Pagpapalit ng Ponema,
Paglilipat-diin, may-angkop o may sudlong.
Pagbabagong naganap Uri ng Morpoponemiko

Hal. Gabi = panggabi = Asimilasyon


Pagsasanay:

1. Atipan
2. Ikako _
3. Taniman
4. Pantali
5. y ariin
6. silidan
7. halikan
8. pangpamayanan
9. lapadan
10. tawidin
Panimulang Linggwistika |

Gaano na Kalayo ang Ating Narating?

Komparatibong Analisis
Panuto: Paggamit ng mga estratehiya na nalilinang ang kritikal at mapanuring pag-iisip
gaya ng paggawa ng talahanayan na magpapakita ng iba’t ibang uri ng
pagbabagong morpoponemiko. Sa bawat hanay ay makikita ang proseso at
pagsasagawa o modipikasyon sa morpema at ilang mga halimbawang salita.
Panimulang Linggwistika |

Pagyamanin Natin

Socratic Dialogue
Panuto: Pagpuna sa iba’t ibang isyung pangwika o ebolusyon ng wika sa kasalukuyan
(e.g, jejemon, gay linggo, millenials, social media jargons) sa epekto nito sa
kumikasyon at sa istandardisasyon at intelektwalisasyon ng Filipino.
Panimulang Linggwistika |

MUNGKAHING BASAHIN:

Basahin at panoorin ang mga sumusunod na artikulo at bidyu sa tinukoy na website.

 https://www.youtube.com/watch?v=CRRRH3XI-P0
 https://www.youtube.com/watch?v=McRJi9zPwAo

SANGGUNIAN
Santiago, Alfonso O. (1979). Panimulang linggwistika sa Pilipino. REX Book Store.
Maynila

DelaCruz, Rosalyn V. (2013). Kasaysayan ng Linggwistika.

REPLEKSIYON NG KABANATA

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan dito bilang iyong dyornal at ibahagi ang
iyong mga sagot sa loob ng chat sa pangkat ng Facebook Messenger bilang bahagi ng
aming pagsubaybay.

1. Ano ang iyong alam tungkol sa paksa bago ito tinalakay? Ano ang natutuhan mo
pagkatapos ng araling ito?

2. Paano mo mailalapat ang iyong natutunan sa iyong kasalukuyang buhay bilang


isang mag-aaral at sa iyong pangarap na pangarap?

3. Ano ang iba pang mga bagay na may kaugnayan sa aralin na gusto mong
matutunan? Bakit?
Panimulang Linggwistika |

PUNA SA KURSO

Sa bahaging ito maaring magtala ng mga puna sa kurso.

You might also like