Professional Documents
Culture Documents
Health4 q1 Mod1 Forprint
Health4 q1 Mod1 Forprint
MAPEH (Health)
Unang Markahan – Modyul 1
Nutrisyon:
Pagbabasa ng Tatak ng Pagkain
MAPEH (Health) – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Nutrisyon: Pagbabasa ng Tatak ng Pagkain
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Myrna T. Parakikay
Pandibisyong Tagamasid, MAPEH
Ang modyul na ito ay isinulat at nilikha upang ang pag-aaral ay maging madali lalong-
lalo na ngayong panahon ng “new normal.” Bilang isang tugon sa edukasyon, ang
modyul na ito tungkol sa Nutrisyon: Pagbabasa ng Tatak ng Pagkain ay naghahamon
sa iyo upang ikaw ay maging isang malikhain, mapamaraan at malayang mag-aaral.
Ang saklaw ng modyul ay magbigay ng iba-ibang gawain upang mapasigla at mahikayat
ang malaya at pansariling gabay sa kasanayang pagkatuto. Ang mga aralin sa modyul
na ito ay maayos na sumunod sa naaayong pamantayan ng asignatura upang matiyak
ang pagpapatuloy ng mabisang pagkatuto, maging makabuluhan ang bawat gawain, at
maiugnay sa pang-araw-araw na buhay.
Ang kalusugan ng mga mamayan ay isa sa pangunahing layunin n gating
gobyerno.mahalaga ang pagbabasa at Pagsusuri ng Food Labels sa pagpili ng mga
pagkain at ligtas kainin. Sapagkat ang kalusugan ng bawat mamayan ay yaman na
hindi mabibili ng pera.
Sa Modyul na ito ay kinapapalooban ng mga aralin at batayang kasanayan tungkol sa:
• Pababasa ng Tatak ng Pagkain o Food Label
• Pangalan at Paglalarawan ng Pagkain
• Mga Katotohanan sa Nutrisyon o Nutrition Facts
• Mga impormasyong nakikita sa Tatak ng Pagkain o Food Label
• Kahalagahan ng pagbabasa ng mga food label sa pagpili at pagbili ng mga
Pagkain.
Sa katapusan ng pag-aaral ng modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
1. Naipapakita ang mga katotohanan sa nutrisyon o nutrition facts.
2. Matutukoy ang mga impormasyong makikita sa pagbabasa ng mga labels sa
pagkain.
3. Maunawaan ang kahalagahan ng pagbabasa ng food labels sa pagpili at pagbili
ng mga pagkain.
Subukin
Basahin at unawain ang mga Katanungan.Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang tawag sa mga detalye na nakasulat sa pakete ng mga pagkain?
a. food web c. food groups
b. food labels d. nutrition facts
1
5. Pinulot ni Lito ang nahulog na tinapay at kinain niya ito. Aling sakit ang maaaring
makukuha sa pagkain niya ng maruming pagkain?
a. asthma c. diabetes
b. highblood d. cholera
7. Ano ang dapat mong gawin upang maiwasan ang pagkakaroon ng sakit?
a. maligo sa ulan
b. maligo tuwing ikalawang araw
c. kumain ng mamantikang pagkain
d. matulog ng 8-10 oras at mag ehersisyo
10. Ang Fungi, Bacteria at Virus ay nagdadala ng sakit. Ano ang tawag sa mga
nabanggit na mikrobyo?
a. tagahatid
b. tagapagtaglay
c. tagapagdala
d. tagapag-alaga
Aralin
Pagbabasa ng Tatak ng
1 Pagkain o Food Label
Ang tamang Nutrisyon ay pinakamahalaga sa kalusugan ng bawat isa , sapagkat ito ay
ang daan upang ang bawat mamayan ay maging maayos ang paglaki at pag-unlad. Isa
sa pangunahing pinagkukunan ng sustansiya para sa ating katawan ay ang
pagkain.kaya mahalaga na alamin at suriin ang Food labels para masiguro ang tamanag
sustansiya,sukat at kaligtasan ng pagkain. Mahalaga ang pagbabasa ng food
label dahil ito ay nagbibigay ng impormasyon ng produkto tulad ng serving size, calories,
total fat, saturated fat, cholesterol, protein, carbohydrate, at vitamin content ng isang
pakete. Ang label ay naglalaman din ng listahan ng mga ingredients. Ang mga
impormasyon ay nakatutulong para manatili sa tracking ng daily target. Nakatutulong
din para maiwasan ang ingredients kung may food intolerance o pagsunod sa diet na
alisin ang partikular na component tulad ng dairy products.
Balikan
Basahin at unawain ang mga pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng isang batang may malusog na
pangangatawan?
a. si Anna na mahilig kumain ng junk food
b. si Juan na palaging kumain ng gulay at prutas
c. si Yna na madalas magkasakit
d. si Ralph na hindi nag-eehersisyo
2
2. Hindi kumakain nang sapat at masustansiyang pagkain si Alona sa araw-araw.
Ano ang maaaring mangyari sa kanya?
a. magiging aktibo sa paaralan
b. manghihina at magkakasakit
c. magkakaroon ng mga kaibigan
d. magiging masayahin
3. Mas maliit si Anna kaysa sa kamag-aral niya. Madalas madali siyang mapagod
kapag naglalaro. Ano ang dapat niyang kainin?
a. mga pagkaing matatamis
b. mga sitsirya at softdrinks
c. mga pagkaing sagana sa protina at carbohydrates
d. mga pagkaing mamantika at matataba
Tuklasin
A B
Mga Tanong:
1. Ano ang tawag sa mga larawang ito?
2. Anu-ano ang mga nakasulat sa pakete?
3. Bakit kailangang may nakasulat sa pakete ng pagkain?
Suriin
Ano ba ang mas pinahahalagahan mo - ang brand ba, ang presyo o ang sustansyang
taglay ng pagkain o produkto?
Siyempre, nangunguna sa ating tinitingnan ay ang ang presyo ng produkto kapag tayo
ay namimili. Pero, hindi natin dapat isantabi ang mga sustansiyang taglay ng pagkain.
Saan natin makikita ang impormasyong ito? Saan pa, kundi sa label ng pagkain.
Mahalaga ang label ng mga pagkaing ating binibili hindi lang para madali nating
matandaan ang isang produkto, kundi para malaman natin kung ano ang kabutihang
dulot nito sa ating kalusugan.
3
Ang bawat pagkain ay may tamang sukat at sapat na sangkap upang ang mga pagkain
na ating kinakain ay masustansiya at ligtas.
Mga Impormasyong Nakikita sa Tatak ng Pagkain o Food Label
1. Pangalan ng produkto
Unang makikita sa label ay ang pangalan
ng produkto kung saan nakasaad ang
may-gawa ng naturang produkto at ang
kanilang address.
Mahalaga ang pangalan at address ng
gumagawa ng produkto para kung
sakaling may hindi magandang epekto sa
ating katawan ang isang pagkain o kaya ay
ma-food poison tayo, alam natin kung sino
ang puwede nating puntahan.
Makikita rin natin sa food label kung
gaano karami o ano ang timbang ng
pagkaing ating binibili, at kung ilang tao
ang pwedeng makinabang dito.
2. Nutrition Facts
Ang pinaka-importanteng bahagi ng food
label ay ang nutrition facts ng isang
pagkain.
Ang nutrition facts o ang nutrition label ang
tumutukoy sa mga impormasyon na may
kinalaman sa mga sustansiyang taglay ng
isang pagkain.
Halimbawa ng nakasulat sa nutrition facts
ay kung gaano karaming enerhiya, protina,
taba, fiber, bitamina, mineral o iba pang
sustansiyang taglay ng pagkain.
Alam ba ninyo na hindi lang ang mga mamimili ang puwedeng makinabang sa mga
food labels na ito?
Ang mga food companies ay makikinabang din sa paglalagay ng tamang food labels sa
kanilang mga produkto. Ang mga food labels kasi ay maaaring maging insentibo ng mga
food companies para lalo pa nilang pagbutihin ang kalidad ng produkto lalo na ngayon
na health at nutrition-conscious na rin ang maraming mamimili. Kaya naman sa mga
mamimili o consumers, huwag po tayong basta bumibili ng isang produkto na dahil
sikat o kilala ang brand, mas mura o inendorso ng mga sikat na artista.
4
Pagyamanin
Gamitin ang larawan sa mga katanungan ayon sa iyong natutunan Bilugan ang
tamang sagot
1. Ano ang naibibigay ng calories sa ating katawan?
a. enerhiya c. protina
b. bitamina d. calcium
Isaisip
5
Isagawa
Gumawa ng isang maikling talata tungkol sa sitwasyon ito? Gamitin ang space sa
ibaba ng pahinang ito.
Tayahin
6
5. Anong tawag sa isang uri ng fats na nagpapataas ng kolesterol sa dugo, na
kalimitan nakukuha sa mg akarne at itlog.
a. Trans fat c. Saturated fats
b. Fat d. Unsaturated fat
6. Alin sa mga sumusunod ang pinamakamahalagang bahagi ng food label?
Karagdagang Gawain
Ayon sa iyong natutunan, hanapin at bilugan ang mga salitang nasa ibaba.