Professional Documents
Culture Documents
Banghay Aralin
Banghay Aralin
Banghay Aralin
LUNES
B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag-aaral ay nakikiisa sa pag-uulat Nobela at magbabahagi ng sariling ideya batay sa akdang
nabasa sa pamamagitan ng isang pangkatang pagsasanay/gawain.
F9PB-Ic-d-40 Nasusuri ang tunggaliang tao vs. sarili sa binasang nobela F9PT-Ic-d-40 Nabibigyan ng
sariling interpretasyon ang mga pahiwatig na ginamit sa akda F9WG-Ic-d-42 Nagagamit ang mga
pahayag na ginagagamit sa pagbibigay-opinyon (sa tingin / akala / pahayag / ko, iba pa)
II. NILALAMAN Nobela - “Mga Katulong sa Bahay” ni Vei Trong Phung/Isinalin ni Florentino A. Iniego
(Kabanata 6; Ang Liwanag ng Kalunsuran)
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro 2. Mga Pahina sa kagamitang pang mag-aaral 3. Karagdagang
kagamitan mula sa portal ng learning resource B. Iba pang Kagamitang panturo
MARTES
MIYERKULES
HUWEBES
BIYERNES
Panimulang Gawain Pagbati ng guro Pagtatala ng Liban sa Klase Paglinang ng Gawain 1. Ano ang
kaibahan ng pamumuhay sa probinsya at sa siyudad? 2. Sa tingin ninyo, bakit marami ang taga-
probinsya ang lumuluwas sa siyudad?
B.Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1
Paglalahad Ngayong araw ay may bagong paksa tayong tatalakayin. Ito ay tungkol sa isang nobela,
ngunit bago iyon ay aalamin muna natin kung ano nga ba ang nobela at mga uri ng tunggalian nito. a.
Ang Nobela, akdang-buhay o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksiyon na binubuo ng iba’t
ibang kabanata. Mayroon itong elementong: 1. Tagpuan, 2. Tauhan, 3. Banghay, 4. Tema, 5. Damdamin,
6. Pananalita, 7. Pamamaraan, 8. Simbolismo at 9. Pananaw. b. May tunggaliang tao laban sa sarili – ito
ang tunggaliang ang kaaway ng pangunahing tauhan at ang kanyang sarili. Halimbawa ng ganitong
tunggalian ay ang:
Gawin mo. Gamitin mo. ( para sa akin, sa aking palagay, sa tingin ko, kumbinsido ako, lubos kong
pinaniniwalaan, kung ako ang tatanungin, kung hindi ako nagkakamali, sa totoo lang at sa aking
pananaw) 1. Tama ba na lumuwas ang mga tao mula probinsya patungo sa siyudad upang maghanap ng
trabaho? Ipaliwanag? 2. Tama ba na kumapit sa patalim kung nagigipit na? Ipaliwanag? 3. Tama ba na
sumunod na lamang sa “gulong ng palad”? Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod: 1. para sa akin
2. sa aking palagay
3. sa tingin ko
4. kumbinsido ako
8. sa totoo lang
9. sa aking pananaw
1. Sa inyong palagay, tama ban a nagpadala na lamang sa agos ng buhay ang pangunahing tauhan sa
nobela? Kung ikaw ang nasa kanyang kalagayan, ano ang iyong gagawin upang makalaya sa hirap ng
buhay?
Ano ang aral na iyong natutunan mula sa akda at paano mo ito ihahango sa iyong buhay? Sumulat ng
sanaysay na binubuo ng 45 salita o higit pa at gamitin ang mga salitang angkop sa pagbibigay ng
opinyon.
Inihanda ni:
Pinabatid kay:
Inaprubahan ni: