Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Pangalan: Jeremy Ivan D.

Tumazar
Kurso/Antas at Seksyon: Bs ECE 2-1
Petsa: April 23, 2021
Propesor: Jonell John Espalto
Gawain Blg. 2
Ang panitikan ay masasabing isa sa mga haligi ng kasaysayan ng mundo. Mula
sa mga anekdota at mga lumang balumbon, mga maikling kwento, alamat at kuro-kuro
hangang sa mga pamosong tula, libro pati narin sa makabagong “Blog” o Artikulo sa
internet, lahat ng ito ay mga masasabing tagapag-lulan ng panitikan. Sa Pilipinas
matatandaang ilan sa pinakaunang anyo ng panitikan ay ang mga dalit, karagatan, mga
tula, pag-aaral ng Doktrina Christiana at mga panrelihiyong babasahin. Ilan rin sa mga
kilalang indbidwal sa larangan ng panitikan tulad nila Dr. Rizal, Graciano Lopez-Jaena,
Marcelo Del Pilar, Francisco Baltzar, Lualhati Bautista at Bob Ong na patuloy paring
kinikilala hanggang sa makabagong henerasyon dahil sa natatanging limbag ng kanilang
mga babasahin sa lipunan.
Ilan sa mga suliraning kinahaharap ng ating panitikan sa makabagong panahon
ay ang patuloy na pagbabago ng ilang mga tao sa depinisyon nito. Halimbawa nalamang
ang paggamit ng panitikan upang gumawa ng mga kantang may malaswang mga liriko,
patuloy nitong binababoy ang panitikan. Isa pa sa mga problemang kinahaharap ng
panitikan ay patuloy na kawalan ng interes ng maraming indibidwal dito. Kasabay nito
ang masyadong pagkawili ng makabagong henerasyon sa patuloy nap ag-usbong ng
teknolohiya kaya’t nawawalan ng atensyon ang panitikan. Isa rin sa mga maaring
problema sa panatikan ay ang kaisipang hindi ito mapagkakakitaan kaya’t napiplit ang
mga taong kumuha ng kursong maari nilang magamit sa hinaharap bilang
pangkabuhayan. Marahil kasama rin ang paghina sa gramatika at retorika ng mga
kabataan sa mga problemang kinahaharap ng panitikan
Kinailangan mas pagtibayin pa ang kaalaman ng mga kabataan hinggil sa
panitikan. Maaring gamitin ang makabagong teknolohiya bilang tagapaglulan ng
panitikan upang makasabay sa makabagong henerasyon. Maari ring bigyan ng atensyon
ang panitikan sa mga mababang paaralan at pagyabungin ang mga kaalaman ng mga
kabataan gamit ang mga kilalang indibidwal tulad nina Rizal at Shakespear upang
magsilbing modelo ng mga kabataan. Gawing malinaw sa kanilang isipan ang tunay na
depinasyon nito upang huwag gamitin sa mga di kaaya-ayang likhain. Pagsiglahin ang
gampanin ng panitikan sa makabagong lipunan.

You might also like